That Juan Time Stopped (Publi...

By raindropsandstar

145K 2.2K 582

[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to pro... More

That Juan Time Stopped
El Preludio
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Último Capítulo
Epílogo

Chapter XXI

3.5K 54 22
By raindropsandstar

veintiuno


Matagal na akong may plano para sa amin ni Moris. Bago pa kami tuluyang hindi umasa kay Auntie, humingi na talaga ako ng tulong sa kanya. Sa sobrang tagal ko nang naghihintay, akala ko hindi na mangyayari. Nawala na rin talaga sa isip ko. Pero alam ko sa sarili ko, kung sakaling ibigay sa akin, tanggapin ko. Tatanggapin ko ng buong-buo.

Hindi lang para sa akin, pero lalo na kay Moris. Ako lang ang inaasahan niya ngayon at ang pinakapangarap ko ay... gumaling siya. Kaya kong isakripisyo lahat, para sa kanya.

Ngumiti ako nang makita ko na ang kanina ko pa hinahanap. Hindi ko napigilan ang napangisi nang makita ang ginagawa niya. Sobrang focus niyang magpunas ng glass wall dito sa department ng engineering. Hiniram na naman ata niya ang gamit ng mga utility dahil may mop at balde rin siya na nakasakay sa pushcart.

"Mas makinis na 'yan sa'yo," sita ko habang papalapit sa kanya.

Agad siyang napalingon sa akin at hininto ang ginagawa. Halatang hindi inasahan ang presensya ko. "Why are you here? Hindi ba may klase ka?" pagtataka niya.

Pero kahit ako nagtaka. Bakit alam niya? Alam niya ba schedule ko?

Pinigilan ko na lang ang mag-react. Ano pa bang aasahan ko kay Juan. "Maagang natapos."

Tumaas ang kilay niya at bumalik na sa pagpupunas. "Kaya ako agad ang hinanap mo?" makabuluhan niyang balik.

Natigilan ako at napaawang ang labi. Bakit nahuhulaan niya lahat ngayon? Pero bakit ko nga ba siya hinanap?

Lumipat na siya sa panibagong salaminm nag-spray sabon at naglinis.

Tumikhim ako. "Hindi ba madudumihan uniform mo?" pag-iiba ko.

"It's fine."

It's fine kasi hindi naman siya ang maglalaba n'yan sa mansyon nila.

"Dapat nagbihis ka. May P.E. uniform ka naman atang dala." hinawakan ko ang pushcart at ako na ang nagtulak para masundan siya.

Nagpatuloy na ito sa pagpupunas. "Why are you here? Bakit hinahanap mo ako?" hindi niya rin pinansin ang sinabi ko.

Pinanliitan ko siya ng mata. Tignan mo 'to. Natututo na ng ganyang ugali. Nasaan na ang mabait at inosenteng Juan ko?

Bumaling muli ang atensyon niya sa akin nang hindi ako sumagot. Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga. Bakit ko siya hinanap?

Gusto ko siyang makita?

O may sasabihin ako?

May sasabihin ako.

"Juan," seryoso kong tawag.

Natigilan ito at bumaling muli sa akin, nabigla rin siguro sa tonong ginamit ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mata niya.

Sinubukan kong buksan ang bibig para mag-compose ng sasabihin, pero nang walang nabuong salita sa isip ko ay sinara ko rin iyon. Biglang nawala lahat ng sasabihin at nablanko ang utak ko.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Wala akong masabi.

B-Bakit hindi ko masabi?

"What is it? Vera?" he asked impatiently.

Unti-unting bumaon sa akin ang katotohanan na hinid ko naramdaman nang magdesisyon akong sabihin kay Juan. Ngayon pa lang sa harap niya, nag-synced in lahat sa akin. Nawala lahat ng lakas ng loob ko. Tinakasan ako ng tapang. Akala ko masasabi ko agad. Akala ko ganoon-ganoon ko lang masasabi.

Pero hindi. Hindi ko masabi.

Na aalis ako. Na tinanggap ko. Visa ko na lang ang hinihintay. At makakaalis na ako.

Gusto kong isa siya sa unang makaalam, kasi kahit paano marami na kaming pinagsamahan. Halos araw-araw kaming magkasama at nasanay na rin sa presensya ng isa't-isa.

Umatras ang determinasyon kong ibalita sa kanya, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Gusto ko kanina pero nagbago na ang isip ko. Maaapektuhan ko siya, ayoko siyang maapektuhan dahil sa akin at ayoko siyang masaktan.

Humigpit ang hawak ko sa handle ng pushcart at pinilit na ngumiti. "S-Sino'ng nag-utos sa'yo gawin 'to?" iniba ko ulit ang usapan.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Kinabahan ata siya kung ano'ng sasabihin ko.

Nagpatuloy na muli ito sa pagpupunas. "No one. I volunteered."

"Sure?" paninigurado ko.

Nagawa ko pang i-normal ang boses, kahit sa loob ko naninikip na ang dibdib ko.

Tumango ito at lumipat na ulit sa panibagong salamin. "Yeah."

"Walang nag-utos sa'yo na mga galing ng detention? Hindi nila ito disciplinary action?"

Tumingin na siya sa akin. "No, Vera. I decided to do this. Wala naman akong klase," paninigurado niya sa akin.

Tinulak ko na ulit ang cart palapit sa kanya para hindi siya mahirapan. "Siguraduhin mo ha? Baka hindi ka nakikinig sa akin at hinahayaan mo pa rin silang utus-utusan ka lang."

"I learned how to say no, since you scolded me."

Napatango-tango ako. "Very good. Baka hindi ka nagtatanda e," bumaba ang mata ko sa sahig. "'Wag ka nang babalik sa gano'n ha?"

"Of course. Magagalit ka sa akin," inosenteng balik nito.

Humugot ako ng malalim na hininga. "O-Oo. Magagalit ako sa'yo. Kapag hindi mo pa rin alam ipagtanggol sarili mo, hindi habang buhay nandito ako. Hindi kita mapag-tatanggol palagi."

Lumapit na siya sa cart at nilagay ang mga basahan doon, bago humarap ng tuluyan sa akin. "I won't. I won't make you feel bad," malalim at makabuluhan niyang sambit.

Nagsimulang magkarera ang puso ko.

Kahit papaano nabawasan ang pag-aalala ko, na baka hindi niya maipagpatuloy kung sino na siya ngayon kapag nawala na ako. Wala siyang ibang kaibigan na palagi siyang sasamahan, na maniniwala sa kanya. Kaya mabuti. Mabuti na alam niya nang tumayo sa sarili niya paa. Dapat kayanin mo, Juan. Kailangan kayanin mo, kahit wala ako.

Simulay muli ang ngiti sa labi ko. "Aasahan ko 'yan. 'Wag mo akong bibiguin, Juan."

Bumalik na rin ako sa klase matapos kong samahan si Juan na ibalik kung saan niya man nahiram, ang ginamit niyang panglinis kanina. Matapos ay dumiretso na rin ako sa last subject ko na pang hapon at kaklase ko si Jayen.

"Samgyup tayo?" yaya niya matapos ang klase.

Papayag na sana ako nang maalala ko ang session namin ni Juan. Sinuot ko na ang bag at sunod-sunod na umiling.

Sumimangot siya. "Na naman? 'Di ka na naman puwede?" reklamo niya habang palabas kami ng classroom.

"May pupuntahan pa ako. Bawi na lang ako."

"Ano ba 'yan. Baka ilang araw o linggo ka na lang dito tapos aalis ka na. Hindi pa tayo ulit nagbobonding—" tinakpan ko ang bibig niya agad nang mahagip na mata ko kung sino ang naghihintay sa labas ng classroom.

Pinandilatan ko na mata si Jayen. Sinabi ko sa kanya noong gabing kinausap ako ni Auntie, na pumayag akong pumunta ng Los Angeles, pero siya at si Moris pa lang ang nakakaalam. Ang ingay niya pa, muntik siyang marinig ni Juan!

"Nandito si Juan..." bulong ko.

Nanlaki ang mata niya at umaktong nag-so-sorry. Inismiran ko siya. Naglakad na ako pero binundol niya ang braso ko.

"Yiee... hinintay siya," pang-aasar niya pa.

Hindi ko na siya pinansin. Pero, oo nga. Mamaya pa ang session bakit nandito siya?

"Juan?" lumapit ako sa kanya. Ramdam ko ang pagbaling ng mga ulo sa direksyon namin. Pero wala na akong pakialam, aalis na rin naman ako.

Tumuwid na ito ng tayo at hinugot ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks. Inayos nito ang salamin na suot, "Done with all your class?" tugon nito.

"O-Oo..." napakamot ako sa sintido, tumingin ako kay Jayen at ngumisi ito.

"Sige, mauna na pala ako. Juan, Vera," paalam na nito. Akala ko mang-aasar pa siya ulit pero buti na lang nakinig ngayon.

"Bye." kumaway na lang ako.

Tumango na lang rin si Juan.

Nahihiya akong humarap sa kanya. "Bakit? May sasabihin ka ba? Nag-chat ka na lang sana para hindi ka na naghintay ng matagal."

"It's fine. I want to wait for you."

Uminit ang pisngi ko. "Wala ka na bang klase? Ang dami mo atang time."

"Wala akong klase ngayong araw," pag-amin niya.

Nalimog ang mata ko. W-Wala siyang klase?!

"Bakit ka pa pumasok? Nagpagod ka lang?!" gulat kong tanong. Dapat nagpahinga na lang siya sa bahay nila. Ano ba nangyayari sa kanya?

Binasa nito ang ibabang labi at bumuntong hininga. "Gusto kitang makita."

Kung puwede lang matunaw sa kinatatayuan kanina pa ako natunaw. Parang may kung ano'ng init na kumalat sa sikmura ko paakyat hanggang dibdib at leeg.

Ngumiti siya sa akin, umabot iyon hanggang sa napakaganda niyang mata. Sobrang gwapo ni Juan, pakiramdam ko, nananaginip ako.

Nagtambol ang puso ko. "M-May session pa tayo 'di ba? Syempre makikita mo ako," dinaan ko na lang sa tawa at iniwas ang mata sa kanya.

Baka bigla akong matumba dito dahil sa panghihina.

"Wala tayong session ngayong araw."

"Huh?"

"Masakit ang katawan ko," umakto itong hinihilot ang balikat. "Kain na lang tayo. I'll treat you dinner." sumuyo ang tingin nito at parang nakikiusap.

Nanliit ang mata ko at humalukipkip. Sinubukan kong hawakan ang balikat niya kung masakit ba talaga. Lumayo siya sa akin at pinalagan ang kamay ko.

"Vera!"

"Totoo ba?"

"Of course! I went to the gym yesterday!"

Doon ako natigilan. Huminto na ako at inayos ang suot ng bag. Doon na ako naniwala dahil halata namang nag-gy-gym talaga siya sa laki ng katawan niya.

"Okay."

Nagsalubong ang kilay niya. "Okay what?"

"Kain na lang tayo."

Sa huli ay ako rin ang pinagdesisyon niya kung saan kumain, at dahil nagawa na naming kumain sa fast food ay hindi ko na siya dinala doon, isa pa may ibang hinahanap ang taste buds ko ngayon. Kaya nakatayo na kami ngayon sa harap ng isang kainan, sa labas lang ng Monroane University.

"You sure you want here?" paninigurado niya sa akin. Nakailang tanong na siya niyan bago pa kami nakahanap ng kakainan.

Tumango ako sa kanya kahit nangangawit na ang leeg ko katatango simula kanina.

"Oo nga, 24hrs 'to, kaya okay lang." wika ko at pumasok na sa loob, para naman siyang tuta na sumunod sa likod ko.

Nakahanap agad ako ng upuan at umupo na, gano'n rin siya at humila ng isang monoblock sa harap ko. Binaling ko pa sa gilid ang ulo upang makita nang mabuti ang upuan, nagmukhang maliit sa kanya at natakot ako dahil baka mamaya bumigay. Pero hindi naman siguro.

"I can treat you to a fine dining. Do you want to be here?"

"Nag-ce-crave nga ako ng pares. May pares ba sa fine dining?"

Dinala ko siya sa madalas kong kainan na paresan dati, sa labas lang rin ng school. Hindi na ako nalalagi dito simula noong hinahatid-sundo na ako ni Juan at kung saan-saan nililibre.

"Okay. It's your call, Ma'am," pagsuko niya.

"Kumakain ka ba ng pares?"

Natigilan siya. "I-I haven't tried yet."

Nanlaki ang mata ko at natawa. "Seryoso? Dahil diyan mag-pares overload ka!" desisyon ko bago tinawag si Ate na gawing overload ang dalawang pares.

Nagsimula na kaming kumain at akala ko mag-iinarte pa ang kasama ko pero parang wala lang naman sa kanya. Parang pagkain pa rin sa fine dining ang kinakain niya.

"Masarap?" tanong ko.

"Yeah..."

"Lagyan mo ng kalamansi." utos ko, tumango naman siya at sumunod agad.

Mukha ngang nasarapan siya dahil dalawang cup siya ng kanin. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang capacity ng tiyan ni Juan, sobrang laking tao kasi.

Seven PM na ata kami umalis ng paresan. Naglalakad na kami pabalik ng sasakyan habang nagpapababa ng kinain. Sunod-sunod ang pagdaan ng mga mabibilis na sasakyan sa kalsada, kaya hinila niya ako at pinagpalit ang pwesto namin.

"Vera," tawag niya.

"Hmmm?"

Ilang segundo pa itong natahimik bago tuluyang sumagot.

"I think I really like you," pag-amin niya.

Para akong nakidlatan sa kinatatayuan. Huminto ako sa paghakbang at natuod na doon.

B-Bakit gano'n lang kadali aminin para sa kanya?!

Huminto ito sa paglalakad at binalikan ako nang hindi na ako nakasunod. "Vera..."

Hirap ko siyang tiningnan. "Nag-co-confess ka ba?" nalaglag ata ang puso ko.

Ang dali-dali lang sa'yo...

Lumalim ang titig niya sa akin at pinagdikit ang mga labi, huminto siya sa harap ko at dahan-dahang tumamgo. "I think, I already confessed a couple of times. You must've not taken it seriously."

May masakit na bumara sa lalamunan ko. "A-Akala ko magkaibigan tayo?"

"You really think we could be just friends?" natawa ito ng bahagya ngunit hindi iyon umabot sa mata niya. "Believe me... I tried," binasa nito ang ibabang labi at bahagya pang lumapit. "Pero ikaw lang iniisip ko palagi. Kung kumain ka ba? Nakauwi ka ba ng maayos? Pagod ka ba? Nahihirapan ka ba? And I know it's not normal anymore... my feelings were beyond that. If you could've just let me court you—"

"N-No. Hindi," mabilis kong putol. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, parang hindi ko kakayanin lahat ng sinasabi niya. "Hindi, Juan..." ulit ko habang nakatitig sa kanya, nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito.

Ayaw ko siyang masaktan. Kaya mas nahihirapan akong makitang nasasaktan siya ngayon. Pero para akong natauhan. Noong sinabi niyang liligawan niya ako, bigla akong natauhan.

Ayos lang sa akin na magustuhan niya ako. Hindi ko naman makokontrol 'yon. Pero wala akong mababalik sa kanya. Hindi pa sa ngayon. Hindi ko kailangan ng distraction ngayon. At lalong-lalong hindi ko siya paaasahin na hindi ko siya iiwan.

Kasi iiwan ko siya. Masasaktan lang siya.

Umatras ako palayo sa kanya. Nabalot kami ng katahimikan pero para na akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"U-Umuwi ka na... uuwi na rin ako. Bukas na lang tayo mag-usap," paalam ko dahil bigla akong nawala sa katinuan para sagutin pa siya, baka may masabi lang ako na pagsisisihan ko.

"Vera..." sinubukan nitong lumapit pero lumayo ako ulit, naglakad ako sa ibang direksyon. "Vera. I'm sorry. I shouldn't have said that. I am at fault, I'm sorry—Vera!" tumaas na ang boses nito nang makapara ako ng jeep at agad na sumakay doon.

"Umuwi ka na, Juan. Bukas na tayo mag-usap," buong desisyon kong sambit bago tuluyang pumasok at umupo sa loob. Pinanood ko itong tumayo lang doon at hindi agad umalis hanggang mawala siya sa paningin ko.

Nanginginig ang kamay kong pinagsakop ang mga iyon, pati tuhod ko nanghihina, hinilamos ko ang kamay sa mukha. Kahit gustuhin ko siyang kausapin ngayon, ano'ng isasagot ko? Mas pinili ko nang umuwi, dahil mas mabuting marami siyang tanong kesa masaktan ko siya.

I-re-reject ko rin naman siya at sigurado ako doon. Ayoko siyang saktan, pero may mga plano na ako, bago pa siya pumasok sa buhay ko.

Nakarating na ako ng apartment at para akong lutang. Hindi pa rin nag-synced in sa akin ang nangyari. Papasok na ako ng building nang biglang may humablot sa braso ko, agad akong napaharap sa kanya at nag-akyatan ang dugo sa ulo ko.

"Vera, let's talk. Mali ang sinabi ko, hindi ko dapat sinabi iyon. Ayokong umuwi kang galit sa akin—"

"Magagalit na talaga ako! 'Di ba sabi ko bukas na lang tayo mag-usap?!" tumaas na ang boses ko at binawi ang hawak nito sa braso ko.

Bakit sinundan niya pa ako?! Ako na nga ang umiwas gusto niya pa rin makarinig ng masakit?

Napalunok ito. "I'm sorry. I couldn't help but think you were offended by what I said."

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin, bago ko ito hinarap. "Hindi ako na-offend, okay? Hindi rin ako galit sa'yo... Sadyang wala akong masasagot sa sinasabi mo. Wala rin akong maibabalik. Kaya hindi ako papayag na ligawan mo ako. Okay na?" dire-diretso kong sabi.

Nanghina ang mata nito. "W-Why? Can I ask why? Vera?"

Bumara ang sakit ang lalamunan ko.

Kasi iiwan rin kita, doon na ako sa L.A. mag-aaral at magtatrabaho, at hindi kita ikukulong sa gano'n. "K-Kasi ayoko ng distraction. At hindi kami mapapakain ng kapatid ko ng feelings na 'yan," halos hindi lumabas sa bibig ko ang bawat salita.

Parang pinipiga ang puso ko.

Umigting ang panga nito at umiwas ng tingin.

"Wala akong hilig sa mga ganyan noong bago kita nakilala. Focus ako sa school at sa mga raket ko," tumitig ako sa kanya. "Kaya masaya ako noong kumita ako nang magtrabaho ako sa'yo. Pero kung may hihilingin ka higit doon wala na akong mabibigay... Kung ito ang kapalit ng lahat ng tulong mo, babayaran ko na lang lahat sa'yo kahit—"

"What?! No! Vera, it's not like that!" lumapit siya sa akin.

Tiningala ko ito. "Kung gano'n Juan, ayoko ng distraction. Kailangan kong makapag-aral ng maayos, kailangan kong makapagtapos, makahanap ng maayos na trabaho para mabuhay ko ang kapatid ko. Wala kaming ibang aasahan. H-Hindi ako puwedeng pumalpak. Para mapagamot ko siya at gumaling na si Moris, 'yan ang plano ko, Juan.." nag-init ang mata ko at nagsimulang bumadya ang luha.

Dumaan ang panibagong sakit sa mata nito dahil sa nakita. "I-I understand. I'm sorry. It was so selfish of me—"

Tinulak ko na siya paalis. "Malinaw na sa'yo? Umuwi ka na." hinuli ko ang mga mata niya bago nagsalita ulit. "Kaya kong kalimutan lahat para sa kapatid ko, pati sarili kong kasiyahan isasakripisyo ko. K-Kaya pasensya ka na, Juan. A-Ayoko... hindi puwede."

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.3K 33
Liora Nyssa Cortez gave everything... her time, her heart, her trust for the people she loved, but one lie destroyed it all. Branded a bully for some...
711K 18.8K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
902K 19.7K 45
MONTEVINSKI SERIES #4 Alanis Gray Montevinski, a girl who was loved and adored by everyone was locked and froze by a tragedy. She learned that distan...
86.8K 2.1K 42
FRIENDS SERIES #2 Caeleb knows his boundaries and priorities. He was very clear life goals. No lovelife, Diploma first. Basically his mindset was lov...
Wattpad App - Unlock exclusive features