Happy 600 reads CLCH huhu! Thank you very much!
--
We haven't talked since then.
Good thing that my friends are here, hindi nila ako aabandunahin, kagaya ng ginagawa niya ngayon. Who is he anyway?
He's just some guy na nakilala ni Mama at ginawang driver ko. Hindi ko naman dapat siya pino-problema. Bakit? Ano siya? Gold?
"Pang-ilang bote mo na 'yan, dude?" My eyes averted to Lionel who's sitting across me.
Kakabalik lang namin from Sipalay at niyaya ko silang uminom. Now, we're here at the garden habang tumatagay kasama si manong Israel.
"I don't know, mayroon pa ro'n," sabi ko at tinuro ang isang box ng alfonso na binili ko kanina sa S&R in Bacolod.
"Parang kang baliw," komento ni Soren at saka uminom. Sabi ng taong hanggang ngayon may chikinini pa rin sa kaniyang leeg.
Baliw, ampota. Ako baliw?! Baka siya 'tong baliw, hinanap ba naman 'yung naka one-night niya at ayaw pang umuwi kanina.
Tsaka, ba't naman ako mababaliw kay Tyson? Ano siya, si Basilyo't Crispin para mabaliw ako na parang si Sisa?
Putcha. Ang corny.
"Mukhang may nangyari, biglaan ba namang naglasing," ani Lionel habang umiiling.
I rolled my eyes at him. "Ang dami niyong dada, samahan niyo akong uminom mga hayop," sabi ko at nagbukas ng isang bote ulit ng alfonso.
Nilingon ko si manong Israel, nakaidlip na siya sa upuan. Niyugyog ko siya kaya naman nagising siya. I handed him a glass of beer immediately.
"S-Sir... tama na... ho," sinisinok-sinok na pag-ayaw ni manong Israel sa inuming iniaabot ko sa kaniya.
Natawa ako. "Ang hina mo naman, nong," panunuya ko sa kaniya at ininom na lang ang beer. Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, nakita ko kung paano muling nakatulog si manong Israel sa kaniyang kinauupuan.
I sighed as my nose scrunched at the heat of the liquor on my throat. Mas lalong namamanhid ang katawan ko as the time passes by. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong sumasalo ng inumin ni manong Israel.
Ang alam ko lang, gusto ko pang uminom nang makalimutan ko na 'yong putang inang pagsakit nitong puso ko.
"Hoi! Kayong tatlo, uminom kayo, ulol." Dinuro ko silang tatlo, isa-isa, nang mapansing hindi na sila umiinom.
Soren rolled his eyes and sinalinan ako ng alak sa baso nang utusan ko siya.
"Nabasted ka ba ni Camille, dre?" Tanong ni Lionel na ikinalingon ko sa kaniya.
My forehead creased as I batted my eyelashes. "Camille? Sino 'yun?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Soren. "Confirmed," sabay na wika nila kaya napakamot ako ng ulo.
"Anong confirmed? Camille? Ahh... that girl?" wika ko nang maalala na kung sino ang tinutukoy nila.
'Yung pinag-ugatan ng pag-aaway naming dalawa ng gagong Tyson na 'yon. Aba! Malay ko bang may sa pagkademonyo itong cellphone ko at tinawagan siya habang bini-BJ ako ng Camille na 'yun.
Sarap pa naman niya, mag-BJ. Putcha.
"Wala lang 'yun, fling-fling lang," sabi ko sa kanila at sinimot ang beer sa bote. May natira pa kaya tinungga ko nalang.
Sayang eh, allowance ko pa 'to.
"Huy! Tama na 'yan, putcha! Tinungga ang bote," rinig kong sabi ni Soren at inalis naman ni Hugo ang bote muna sa'king kamay.
Nalukot ang mukha ko sa kanilang ginawa. "What the heck? *hic* Kumuha kayo ng sa inyo!" Hindi ko na mapigilan ang pagsinok habang nagrereklamo sa kanila.
"You're very drunk, Cian," puna ni Hugo at inilayo ang bote ng Alfonso no'ng inaabot ko 'to.
"Shut up, Hugo. Let me be," inis na sabi ko at tumayo para kukuhanin ang bote sa kaniyang kamay.
However, as soon as I stood up, my vision began to revolve. Nahihilo akong napaupo muli sa'king upuan.
"Gago, lasing na nga!"
I groaned. Napasapo ako sa aking noo at napasandal naitungtong ang ulo ko sa glass table na pinaglagyan namib ng inumin.
"Kaya mo pa ba, dude?" rinig kong tanong ni Soren.
I immediately lifted my head. "Kayang-kaya, ako na 'to oh!" Sagot ko sa kaniya habang tinuturo ang sarili ko.
"Ako na 'to! Si Lucian Del Fuego!" Sabi ko. Muli akong nasinok.
"Oo, sus! Ikaw na 'yan," pangga-gatong naman ni Lionel kaya nakipag-apir ako sa kaniya.
Putcha. Kaya mahal ko mga kaibigan ko eh, sobrang supportive. Hindi kagaya no'ng isa diyan, tinatawag akong kaibigan kahit na sa Facebook lang naman kami friends.
"Oh diba? Kaya ko pa, sus! Sino ba siya ha? Ano ba siya, Gold? Ba't ko naman siya hahabulin, ano siya pera? Hahaha!"
Hindi ko mapigil ang tawa ko. I could feel my stomach turning, parang naduduwal na ako pero pinipigilan ko pa, dahil kaya ko pa.
"Oo nga naman, bakit mo naman siya hahabulin, dre."
"Kaya nga! At saka, ikaw? Si Lucian, maghahabol? Dapat ikaw ang hinahabol, dude!" Sabi ni Soren kaya napa-palakpak ako.
"See?! Buti pa kayo, hindi ako iniiwan. Samantalang 'yong isa diyan, nagreview lang—hindi na raw ako babalikan!" Muli akong natawa habang pinagpapalo ang lamesa.
Manhid na siguro ang katawan ko para hindi maramdaman ang hapdi sa mga kamay kong hinampas ko sa lamesa. Lionel handed me a glass. Ininom ko naman ang loob nito, at kaagad na napamura.
"Anong brand? *hic* Masarap, dre," sabi ko nang maubos ang laman ng binigay niya sa'kin.
"Nature's Spring, dre," sagot naman niya.
"Galing ah, parang brand ng tubig!" Natatawa kong sabi at nanghingi pa ng isa sa kaniya.
Nagkatinginan silang tatlo na siyang ikinakunot ulit ng noo ko. "Tagal, asan na 'yong inumin!" inis kong sambit at kaagad namang ibinigay sa'kin 'yon ni Soren.
Napasinok ako habang umiinom kaya nabulunan ako. I groaned in annoyance and smashed the glass on the floor.
Nagkalat ang mga bubog sa sahig.
"Putcha! Patulugin na natin ang isang 'to, nagiging bayolente na," rinig kong sabi ni Lionel kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Fuck you," I cursed and flipped a middle finger at him. Pinakyuhan niya ako pabalik kaya nainis ako.
I stood up once again and tried to make my way towards Lionel. Napahinto ako, I squinted my eyes.
"Gago! Lugi ako, dalawa ka na Lionel!" Reklamo ko sa kaniya habang pinipilit pa ring lumapit papunta sa kinauupuan niya.
A strong grip on my arm made me stop from my tracks. Nilingon ko kung sino 'yon at akmang susuntukin, pero nakita ko si Hugo na matalim na nakatingin sa'kin.
"You're going to sleep, now." He said with an authoritative voice.
Marahas kong binawi ang aking braso at hinawi ang kaniyang kamay. Nakawala naman ako. I tried to compose myself first bago ako magsalita. Parang any koment from now, babagsak na lang ako sa sahig.
Fuck.
"Parehos nga kayo ng ugali," komento ko at dinuro si Hugo sa kaniyang dibdib.
Putcha. Kahit ilang buwan pa ata akong magwork out hindi magiging kaparehas ang katawan naming dalawa. Attorney na borta.
"Who are you referring to?"
Napaismid ako. Nararamdaman ko na ang pagkulo ng aking tiyan kaya napahawak ako roon.
Manganganak na ata ako.
"Sino pa? Edi 'yong putang—bleck!"
Hindi ko na natapos ang akjng sasabihin nang kusang lumabas na ang mga kinain ko kanina mula sa'king bibig. Tuloy-tuloy lamang ang aking pagsuka hanggang sa ramdam ko nang wala na akong may maipapalabas pa.
"Fuck!"
Pinahid ko ang tirang likido ng suka sa aking mukha at napangisi kay Hugo na aking naging lababo. Halos hindi maipinta ang reaksyon sa kaniyang mukha. Ang puti niyang t-shirt ay nakulayan ng brown.
"Good night," sabi ko at hindi nakayanang tumayo pa and just let myself fall to the ground. I groaned as my back hit the grass, hindi ko na kinayanan and I let myseld be eaten by the exhaustion.
—
Nagising ako sa'king kwarto kinabukasan. Hindi ko matandaan kung papa'no ako nakarating dito. Baka binuhat ako nila Soren or what.
I groaned as I massaged my temples. Putcha. Ayoko nang uminom.
Groggily, I went to the bathroom para ayusan ang sarili ko. Amoy suka pa ako, gago! Naligo na ako't nagpalit ng bagong damit.
As I went out my room, narinig ko ang mga tawanan nila sa dining table. Lumalagapak ang tsinelas ko sa tiles habang pababa akonng hagdan kaya napalingon sila sa direksyon ko.
They're already eating. Kasama rin nila sa lamesa sina manang Rita at manong Israel.
Nagtama ang nga mata namin ni Hugo. Sinamaan niya ako ng tingin. I lifted my hand and made a peace sign at him dahil nasukahan ko siya kagabi.
"Gising na pala si Nature's Spring," panunukso ni Lionel.
I glared at him. "Fuck you," asik ko sa kaniya at umupo sa'king p'westo.
Tumawa silang dalawa ni Soren. "Grabe 'yong dinanas namin sa'yo, dre! Isang kahon ba naman ng Alfonso?!" Ani Soren habang umiiling.
Napairap ako. "Ang hihina niyo sa inuman, e," komento ko sa kanila at kumuha ng hotdog.
"Whatever, Mr. Hindi maghahabol," nakangising sambit ni Soren at saka kumain ng lutong tocino.
My forehead creased as I turned to Hugo who's silently drinking his coffee. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kaniya kaya napa angat ang kaniyang mga mata sa'kin.
"What?" Inosenteng tanong niya.
Napailing na lamang ako. "I'll buy you another shirt," sabi ko sa kaniya, bilang compensation na rin sa nagawa kong pagsuka sa kaniya.
"Whatever," supladong sagot niya.
When we finished our meal, dumeretso kami sa labas para magpahangin. Aalis na nga pala sila mamayang gabi. Ang bilis lang talaga ng mga araw, tsk.
Nakarating kami sa garden na siyang pinag-inuman namin kagabi. Nalukot ang mukha ni Hugo habang matalim siyang nakatingin sa'kin. Galit pa rin ang gago sa pagsuka ko.
Eh, pasensyahan na lang talaga. Gusto kong makalimot.
Nagpahatid ako ng kape mula kay manang Rita. While waiting, we chatted for a while. 'Yong gagong Soren parang mag balak pa talagang bumalik ng Sipalay City para hanapin 'yung naka one night stand niya.
Hanggang ngayon, pina-process pa rin ng utak ko 'yong sinabi niya.
"So, tell us kung anong dahilan kung bakit ka nagwalwal kagabi, dude?" Pagbaling sa'kin ni Lionel.
"Nothing. I'm just pissed off," kibit-balikat kong sagot sa kaniya.
Napaismid siya sa sagot ko. "Talaga ba? Grabe nga 'yong iyak mo kagabi," pagsisinungaling niya pa.
"Gago! Kahit lasing ako, alam kong hindi ako umiiyak. 'Wag mo'kong itulad kay Hugo, dude!"
Masama naman akong tinignan ni Attorney. "Tangina mo, Del Fuego," pagmumura niya at pinakyuhan ako, to which I laughed in return.
"So sino nga, Cian?" tanong ni Soren. At talagang pinipilit nila akong magsalita, ha.
Saktong dumating si manang bitbit ang aming mga kape. Mabilis lang niyang inihatid ang aming mga inumin dahil kailangan pa raw niyang pumunta sa poultry farm.
Kumuha ako ng isang baso at humigop ng kape. "Malabong si Camille. Kakakilala mo lang sa kaniya, e," rinig kong sabi ni Lionel.
"I don't care about her. She's just a one-night fling," sagot ko sa kaniya.
Yes, Camille's gorgeous and hot. Pero hindi ko makita ang sarili kong makakatuluyan siya. I deserve better.
"Then, this is about him?" rinig kong patanong na saad ni Hugo.
My eyes averted to Attorney. Pinangsingkitan ko siya ng mga mata. What's with the 'him'? May nalalaman na naman ba siyang alam ko, pero hindi ko alam na may alam siya? Ah, basta gano'n.
"Kilala mo kung sino, dude?" pagtatanong naman ni Lionel sa kaniya.
Nakipagsukatan ng tingin si Hugo sa'kin bago ko binawi ang mga mata ko. Mukhang may alam na nga ang gago.
Kabado akong napahigop sa'king kape at umayos ng upo.
Knowing Hugo, he'll really try to know everything. Hinding-hindi na naman niya ako tatantanan ne'to ngayon. Napaka-chismiso ng pota.
"Wala," rinig kong sagot ni Hugo at saka umiwas ng tingin.
Napahinga naman ako ng maluwag. Buti naman, kahit chismoso siya'y alam niya kung kailan siya tatahimik.
Soren diverted the talk to his plans of purchasing a container ship. Mage-early retirement daw siya dahil mas gusto niya nalang na mag-freight forwarding business.
At habang nag-uusap sila sa kani-kanilang nga plano, I felt my phone vibrate. Kinuha ko ito muna sa'king bulsa at nakita ang isang message from Dad.
Dad: Pack your things, you're coming back here.
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang mensahe. Klarong-klaro ang pagkakabasa ko. I'm going back to Manila!
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa'king mukha. Kagat-labi, tinawag ko ang atensyon nilang lahat. They immediately averted their gazes on me.
Tumikhim muna ako bago magsalita para iparatjng the kanila ang good news. "I'm going home with you guys," anunsyo ko sa kanila.
"Yun oh!" Lionel cheered and gave me a headlock. I pinched his arm to let myself free from his fucking arm.
"Lucian, the starboy, is back, baby!" ani Soren at nakipag-cheers pa sa'kin with his mug of coffee.
Napailing na lang ako habang tinitignan ang kani-kanilang mga expressions. Hugo, on the other hand, just nodded at me. I can still tell that he's happy na babalik na ako kasama sila.
Napasandal ako sa upuan. Parang nawala ang hangover ko sa magandang balitang natanggap ko kay Dad.
Sa gitna ng kasiyahan, hindi ko maiwasang isipin si Tyson.
He said that I should wait for him to comeback. Wala pa ngang isang buwan simula no'ng umalis siya, pero hindi ko na matutupad 'yung hiling niya.
And I don't care about him.
Siya nga 'tong sinusupladuhan ako. Hindi na nga namamansin, pwe!
Iyan ang mga nasa isipan ko sa mga panahong ito. Ngunit, parang may sariling buhay ang aking kamay. At natagpuan ko nalang ang sarili kong nagtitipa ng mensahe para sa kaniya.
Me: I'm going home.
seen
Ang bilis niyang mag-seen, pero hindi siya nagrereply. Fuck, ba't parang hinihintay ko talaga ang reply niya?
I sighed and turned off my phone.
Sana hindi ko na lang pala sinabi sa kaniya. Mukhang wala naman siyang pakialam sa'kin.
Why did I even bother?