Chapter 16 : Unforgettable Date.
SUNDAY, JULY 16
CZERINNA.
"Feeling ko talaga, may gusto sayo si Director..."
"Princess, wake up. Don't let me kiss you first before you wake up.."
"May gusto sayo si Director..."
"Kiss you.."
"May gusto sayo si Director..."
"Kiss you..."
"Immmmmppphhhhh!!!" Sabunot ang sariling buhok, nagpapadyak ako sa kama sa sobrang kilig. Habang nakatalukbong ng kumot.
Keshe nemern... *heart shape eyes*
Para tuloy akong baliw dito dahil nag e-echo ang boses ni Director Yros at Eurika sa tenga ko.
==FLASHBACK==
"Alam mo gurl, si Jairus pwede pang hanapin ka since close kayo diba? Pero si Director Yros...KYAAAAHHHHHHH!!!"
Napatakip ako ng tenga ng sabay pa silang tumili at parang mga timang na nagbubunguan.
"Eh bakit daw?" Tanong ko. But deep inside, kiligmats ako syempre!
Hinahanap daw ako ni Director Crush, grabe... ^_^
"Yun lang, wala namang sinabi. Pero sa tingin ko, may gusto sayo si Director Yros!"
"WAAAAAHHHH// ARAAAAYYY!!" Kasabay ng pagsigaw nila ang pagsigaw ko, dahil sinabunutan nila kong dalawa. ~_~
At yan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh, dilat na dilat pa ko. Nakatulog na din naman ako onte, pero biglang pumasok sa panaginip ko ang napaka gwapong mala anghel na mukha ni Director Yros, na sinundan pa nung sinabi ni Eurika kaya eto..paputok na si Pareng Araw at balak ng eyebags kong sumabay sa pagputok niya. ~_~ Langya, di na ko nakatulog ulit eh!
Kinalma ko muna ang nagwawala kong hormones bago marahang bumaba ng kama at dumirecho ng banyo. Nadaanan ko pa yung dalawang busy gumawa ng mapa sa mga unan nila. Pft.
Ngayon ko balak totohanin ang pag iikot, para totoong mapamiliarize ako dito sa Elite. Puteks! Baka maisipan pa kong tanungin nung dalawang bruha, wala akong maisagot. May tirada pa naman si Eurika na kala mo Detective. Yung kapag nagtanong, hindi mo pa nasasagot may follow up question agad. Tsk!
I look myself on the mirror. Mukha pa rin naman akong tao.
White oversize shirt, shirt ni Kuya Uno..hehehe tapos khaki na six pocket cargo pants at ang dirty white kong running shoes.
Mas komportable talaga kong naka ganto, yung boyish na outfit. Mas magaan kumilos.
Napailing nalang ako ng pagkakita sa laundry basket na may lamang maruruming damit ko. Na dapat e lalabhan ko kahapon. After kong patayin ang ilaw, lumabas na ko ng kwarto.
Dahil masyado pang maaga, sobrang tahimik pa sa buong hallway habang naglalakad ako. Di naman ako natatakot, kasi wala pa naman akong nabalitaang merong multo dito sa Elite.
Hanggang sa makababa ako sa first floor, na gaya dun sa second floor e sobrang tahimik pa rin.
Paglabas ng dorm, lumiko ako sa kanan para baybayin ang mahabang quadrangle.
At nagulat pa ko pagkakita sa ibang students na gising na din pala at kasalukuyan ng nagja-jogging.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa may Auditorium. Pumihit ako pabalik, ano naman kasing gagawin ko dito sa auditorium, diba?
At dahil nalibang na ko sa kakalakad, hindi ko na alam kung san ako napadpad.
Hanggang sa mapahinto ako sa pagod.
"What are you doing here?"
*gulp* Dahan dahan akong pumihit para tignan ang nagsalita. "S-sino ka? Nasan ka?"
Bigla akong kinabahan, tangina.
Sino namang hindi kakabahan, puro puno lang ang andito at wala akong nakitang tao nung pumihit ako.
"I was the first who asked. What the fuck are you doing here?"
L..o..a..d..i..n..g...
Pamilyar ang boses ng maligno. Pero di ko rin sure kung sino. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko pero hindi ako nagpatalo sa kaba.
"Sino ka ba? Magpakita ka nga!"
After saying that, may narinig akong kaluskos kasabay ng pagbagsak ng kung ano sa harapan ko.
"ANAK NG ASONG BAKLANG MALIGNO!" Napapikit na tanong ko.
"Tss..may parents are not dogs. At lalong hindi sila maligno, damn you! Besides, gusto mo bang patunayan ko ang pagkalalaki ko sayo, rito?"
"Sino ka nga?" Asar na tanong ko. Wala akong balak dumilat at baka kapre pala ang bumungad sakin, mahirap na. ~_~
Hindi ako takot sa multo, pero syempre takot ako sa kapre! Baka bigla nalang akong tirisin.
Narinig ko nalang na nagbunting hininga yung kaharap ko saka biglang may humawak sa braso ko at hinila ko.
"Waaahhh..bitiwan mo---Tss.."
O____0 "Mo--*gulp*---Monyo?"
*frown* Sabay hila ng braso. "Sinusundan mo ba ko?!" Aish, bwiset na to! Anong ginagawa niya dun?
*lingon sa pinang galingan*
Eeeeeeeehhhhh?!!!
"Now, do i still need to answer your stupid question?" Bumalik sa nakasimangot na demonyo ang tingin ko.
*gulp* Sa forest pala ko nakarating! Hayp na paa 'to..kundi ako dinadapa, kung san san ako dinadala! Pag yumaman talaga ko, pramis magpapa palit ako ng paa!
"E ano namang ginagawa mo dun sa puno, bwiset ka? Dati ka bang unggoy?" Naalala kong itanong.
"Tss..mind to answer me? What the heck are you doing there?"
"Wala! Naglalakad lakad lang ako eh.. hindi ko namalayang nakapasok na pala ko sa forest.."
"And do you expect me to believe that, huh?"
YTHAN.
Papunta sana ko sa guard house para sabihan ang mga guards na maglagay kahit dalawang pwedeng magbantay sa back gate ng mapahinto ako dahil may nakita kong anino na naglalakad.
So, pumanik ako sa puno para tignan kung sino and to my surprise, i saw Impakta.
Para ngang wala siya sa sarili niya habang naglalakad. Tss.. if she was always like that, mapapadali ang buhay niya sa kamay nung gagong sina Jexter. Tsk!
Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang suot ni Impakta.
No wonder, why Clyde got that reaction that night when we saw her at the parking lot with Yros.
She looks like a different person that night. She's wearing a dress..for Pete's sake! And she looks really lo---"Bakit? Sinabi ko bang maniwala ka? Diyan ka na nga, panira ka ng araw. Tss.."
*frown* "Not so fast, Missy.." i grab her wrist, para pigilan siya. Masama ang tinging nilingon ako ulit ni Impakta at gusto kong matawa sa itsura niya.
Nakakatuwa talaga ang itsura niya kapag naiinis. Nanlalaki kasi yung butas ng ilong niya habang nakatulis ang nguso. Pffttt..
"Baket, may sasabihin ka pa ba? Sige na, iisang bagsak mo na. Tutal sira na din naman ang araw ko pagkakita ko palang sayo."
What the?!!
Asar na marahas kong binitiwan ang braso niya saka nagbuga ng hangin.
Should i warn her about Jexter? But if i do that, i will be the one who ruin my own plan. Damn!
"Ano? Tatanga ka lang?" Taas kilay na tanong na naman ng Impakta.
*sigh*
"Chairman called me last night.."
CZERINNA.
Bwiset na'to, pinigil-pigilan ako para lang may makinig sa buntong hininga niya? Gago talaga amputa!
"Chairman called me last night.."
0_____o "Che--*gulp*--Chairman? Yung tatay mo?" He nods.
Deym! Bakit ba nakalimutan ko yung tungkol don?
"I've already sent him my title, right after we got back here that day. So he was wondering if you do your part."
"Hah?! Ah..eh..anong sinabi mo?" Bwiset, oo nga pala! Langya! Kinuha nga palang collateral ni Chairman yung titulo ng lupa nitong si Monyo, in return na patinuin ko daw ang anak niya.
As if naman mapapatino ko ang hari ng kadiliman, diba?!
"I told him your busy dating."
"A-ANO?! // FUCK!" Batukan ko nga. Hayup, gagawa lang ng chismis hindi pa totoo. T_T
"Pero nakipag date ka naman talaga kay Yros at Clyde.. at sa kanya.."
0_______o
*iling.*
Yung kay Clyde at Director Yros, date yun na matatawag. Pero yung dito--*tingin kay Monyo mula ulo hanggang paa*HINDI!! Hindi yun date!!
"Eh ano tawag mo sa ginawa niyo?"
Ano...hmn...ano nga ba?!
Ahhh..nagpalipas lang kami ng oras nun tapos naabutan lang kami ng dinner time. Tama ganun nga!
Ako makikipag date kay Monyo?!!!
No way! Edi para na kong pumirma ng kontrata sa hari ng kadiliman na diretso ng sa impyerno ang punta ko pag natigok ako! ~_~
"Tss...you looks so horrible.."
"Maka horrible ka naman! Bakit, gwapo ka ba?" Taas kilay na tanong ko sabay tingin sa---mali. Isang malaking pagkakamali ang tignan ang kabuuan niya!
*gulp* Nag iwas ako ng tingin.
"Magkano ba yung vase, babayaran ko nalang!"
"Bingi ka ba? Chairman said its priceless.."
"Edi yung lupa mo nalang! Magkano ba yun?" He was taken aback on my question. Hah! Kala niya ah.. tss..wag niya kong artehan! May pera na kaya ako.. Cash yung niregalo sakin nung limang bugok. Hehe.
From surprise, biglang nagpalit ang reaction sa pangit niyang mukha. At hindi ko gusto ang nakikita ko.
The devil is smirking and its giving me the chills!
Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. I rolled my eyeballs at saka siya nilabanan ng titigan. Anong kala niya, nagbibiro ako? "Tell me, magkano yung lu---with discount---I wave my hand in front of him. --Kahit wag nang discount, so magkano ba?"
Anong discount, discount? Sus, utang na loob ko pa yun sa kanya eh! Saka anong tingin niya sakin? Senior citizen?
"You sure?"
Tumango ako.
"Very much su---Bout a billion peso."
YTHAN.
I bit my lower lip to stop myself laughing.
Damn! Her reaction is so fuckin epic!
*coughs*
I shook my head and start tapping her back. "Buhay ka pa?"
"Tss..alis mong kamay mo!" Sabay tabig sa kamay ko. "Hayup! Hindi ako mamamatay sa ubo, pagsuka ng dugo ang ikakamatay ko!" Umayos siya ng tayo saka ako sinamaan ng tingin.
Impakta talaga to, pasalamat nga siya't tinapik ko ang likod niya. Tch!
"So, are you going to pay me or not?" Nag-iba naman siya ng tingin. "Kapag may discount, magkano?" Hindi parin tumitinging tanong niya.
"Kahit ibenta mo ang kaluluwa mo, kulang pa rin. I guess." *shurg*
"Sabihin mo nalang kung magkano, gagawan ko ng paraan!"
"Okay. Around seven hundred million pesos.."
CZERINNA.
*coughs* Langya, may tb na ata ako ah!
S-SEVEN HUNDRED MILLION PESOS?!!!
KINGINA. E KAHIT ATA IBENTA KO PATI ATAY BALUNBALUNAN NG BUONG PAMILYA NAMIN, KULANG PA RIN!
Pasimple kong tinignan si Monyo sa gilid ng mata ko. Taragis! Seryoso nga siya! T_T
"So?" Mabilis akong nag iwas ulit ng tingin. *gulp*
"Ah..eh..hulugan pwede?" Nagkakamot ng bangs na tanong ko.
"Sana pumayag..."
"Buo kong binigay kay Chairman ang titulo. You should've told me before para yung isang kurot muna ng papel ang pinadala ko." Sarcastic na sagot nung demonyo. ~_~
May pera ko dyan, gaya ng sabi ko kanina.. cash ang niregalo sakin nung lima. At tagpi-fifty thousand ang regalo nila. Kaso ang laki pa ng kulang! Huhu. Hindi naman ako pwedeng humingi kay Sebastian. Kahit may sariling pera yun, hindi ko rin sure kung may ganon siyang kalaking halaga.
Isa pa, kahit meron..hindi para idamay ko si Kuya sa problema ko.
Bahala na...
Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko saka umayos ng tayo at lakas loob na hinarap si Monyo.
"O siya, kelan mo gustong mag-umpisa ko?" Sumusukong tanong ko.
At hindi naka ila sakin ang pagsilay ng mala demonyong ngiti sa mukha niya.
"Tomorrow." Sagot niya sabay talikod.
Nanlalatang napaupo nalang ako.
YTHAN.
Hindi ko napigilan ang mapangiti ng malingunan ko si Impaktang parang nauupos na kandilang napaupo.
Gaya ng sabi ko kanina, nasabi ko lang si Chairman dahil wala akong maisip na sasabihin kay Impakta. Though, totoong naipadala ko na yung lot title sa office niya, hindi naman na siya tuwamag after that. Pinanindigan ko nalang din yung nasabi ko nang tinatanong siya ni Chairman, dahil naisip kong mas maganda kung lagi namin siyang nakikita. Atleast, kapag dumating yung time na magtagpo ang landas nila nung mga hinayupak na humahanap sa kanya, atleast hindi siya nag iisa at makukuha namin ang ebidensya na kailangan ko.
BRENT.
"Damn! You should've walk with sound, Ythan!" Fuck it! I almost punch him in the face.
I'm done with my morning exercise at gaya ng nakasanayan ko na, sa back gate ako dumaan. At sa backdoor na din nitong Kingdom since mas malapit ang 'to kung dun ka galing sa back gate. Kaya hindi ko siya nakitang pumasok.
But instead of answering me, Ythan remained silent and walk towards the kitchen, so i followed him.
Naabutan ko siyang nag titimpla na ng kape, for both of us which is really unusual of him. Humila ko mg bangko at naupo. Nilapag niya naman yung cup of coffee sa harapan ko.
"Thanks." Then get the cup and sip. "Fuck! It's freakin' hot!" Sabay lapag ulit ng baso.
I'm waiting him to hiss like he used to, but instead he, remained silent and just watching my actions.
"Spill" Di nakatiis na sabi ko.
I knew that he still had his doubt on me regarding on drugs, though he didn't mention it. But i knew he's still doubting.
Especially that i didn't got tested.
I heard his loud sigh then he looks at me straight in the eye. Umayos naman ako ng upo.
"Why did you have picture together?"
"Huh?" Takang tanong ko. His question is far from what i expect. "What do you mea---my jaw drop as i see him holding a phone. "That's my phone?!" I exclaimed sabay dukwang at inagaw sa kamay niya ang cellphone.
"I know. That's why i want to give it back to you. Now, why do you have picture together?"
Mula kay Ythan, bumaba ang tingin ko sa cellphone na nasa gallery pala. But its fuckin empty!
Mabilis kong tinignan ang recently deleted folder, but fuck! Wala na ding laman.
"Damn! You're invading my privacy, Ythan!"
"If i dont check it, pano ko malalaman kung sinong loko-loko ang nakaiwan ng cellphone sa sala?" Then he shrug saka ulit ako tinitigan. "Now, why do you have picture with her? And why are you together?"
Kumunot ang noo ko. "Do i really need to answer that?"
"Yes."
"And why?"
"Because i'm asking." Damn. This guy drive me nuts!
I heaved a sigh at sinalubong ang matalim niyang tingin. "Why do you care?" I asked again.
He looks away. At hindi nakaligtas sa mata ko ang pag tiim ng bagang niya.
"The last time i check, you're not in good terms with her." He said after a minute of silence.
"The last time i check, she saved me from those assholes." *smirk*
"Tss..Richmond and I are the ones who saved you, idiot. So take off that smirk on your fuckin face. And answer my goddamn question."
"If you're really that curious why don't you ask her instead?" Tumayo na ko at naglakad palapit sa ref. "Thanks for the coffee, anyways. What do you want for breakfast?" I asked while searching the ingredients inside the fridge.
"Tss..whatever. I just lost my appetite."
The next thing i heard is his loud curses. And when i look back, he's already out of my sight.
YTHAN.
DAMN IT!!
So it's not only Yros and Clyde who she went out with a date?! Darn...
If i remembered it correctly, the date i saw on Brent's gallery was on July 12th. So she went with Brent first, then me, next is Yros and the asshole named Clyde.
At hindi ko alam kung pampalubag loob bang natapat ako sa mismong araw ng birthday niya since ayun yung sinabi niya dun sa server namin sa diamond platter, o malay ko bang sinabi niya lang yun at sinabi niya din dun sa ibang kumag. Na yun din ang araw ng birthday niya kapag sila naman ang kasama.
Asar na pabagsak akong nahiga sa kama saka tinitigan ang girl vampire stuff toy na binigay niya sakin.
"Tss..." Inabot ko ang stuff toy at saka inihagis sa kung asan.
CZERINNA.
*yawn*
Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at saka iniangat para mag stretching.
*smiles* Thanks god, panaginip lang pala.
Honestly, kinabahan ako. Akala ko totoong naibenta ko na ang kaluluwa ko sa isang demon---Napahinto ako sa pagsusuot ng bedroom slipper.
Mula sa paa, napakurap ako habang unti unting umaangat ang tingin ko sa suot kong pants.
Khaki... *gulp* khaki cargo pants... W-wa--white oversize tshirt...*gulp*
Aish..baka naman coincidence lang?
*nods* Tama. Baka nga ganun lang.
Diba kadalasan naman kapag nanaginip, kung ano yung suot mo kapag nakatulog ka..ayun din suot mo sa panaginip mo?
I took a deep breath saka pasimpleng hinanap ng tingin ang white rubber shoes.
Hays, sabi na eh...panaginip lang tala---"Are you looking for your running shoes?"
"Huh?!"
"Sorry but i put it on the bathroom. It was full of mud."
"Ha?!!!" Di ko na pinansin si Sashi at patakbong pumunta sa banyo.
Nanlalatang napaupo ako sa pintuan ng banyo pagkakita sa sapatos kong puro putik at naka babad sa isang palangganitang tubig.
EURIKA.
"I'm really sorry, girl. Hindi ko naman kasi alam na sinadya mo palang wag labhan yung shoes mo. Naisip ko kasi na baka biglang magkaroon ng random inspection ulit tapos makita ng inspector yung shoes mo na puro putik, mapaparusahan pa tayo. Alam mo naman na number one rule dito sa dorm is panatilihing malinis ang kwarto."
I rolled my eyeballs habang nakikinig kay Sashi na kanina pa sorry ng sorry kay Czerinna na mukha namang hindi nakikinig. Rather, wala si Czerinna sa sarili niya at andun sa outerspace ang utak. Tulala eh..
"Sorry tala--tss..that's enough, Sashi." Di nakatiis na putol ko. Hinila ko na din siyang palayo sa likuran ni Czerinna na nakasalampak sa harap ng bukas na pinto ng cr. "Hindi ka niya naririnig.." bulong ko kay Sashi.
Lumingon naman siya ulit. "Pero.."
"She'll understand you and your concern for su---Nga pala, nakita niyo bang vampire stuff toy ko?"
Sabay pa kaming napalingon ni Sashi ng bigla siyang magsalita.
"Vampire stuff toy? Diba andun yun sa bedside tab--hindi ko na naituloy ang sasabihin ko saka nanlalaki ang matang itinuro sa kanya ang hinahanap niya.
CZERINNA.
WAAAAHHHHHH...SUPER CONFIRMED!!
Patakbo kong lumapit at tumuntong sa kama ko saka hinablot ang naka biting vampire toy. Tsaka nanlalatang naupo sa kama. Ito nalang sana ang nag-iisang pag-asa ko na hindi totoo ang nangyari, kaso dahil nga nakabitin siya...
Sa sobrang asar ko kay Monyo kanina, yung kamukha niyang vampire toy ang napag diskitahan ko pagbalik ko dito sa kwarto. Itinali ko sa dulo ng sinulid ang leeg ng walang kamuwang muwang na laruan, saka hinagis yung pinaka roll ng sinulid sa isang leaf ng ceiling fan, kaya ayun...bigte ang inabot ng kawawang bampira.
Kundi rin ba naman katangahan ko din, akalain mong ang naibigay ko pala dun sa hinayupak na demonyo e yung babaing toy vampire?! Odiba, tanga?! Tss..
Pero mas malaking katangahan yung naging desisyon ko kanina...
Umpisa na ng kalbaryo ko bukas... (༎ຶ ෴ ༎ຶ)
"Hayaan na natin, baliw na yan..." Tulalang napatingin nalang ako sa dalawang naglilinisan ng kuko.
*sigh*
JAIRUS.
ABOUUUGGGHHHH...
"Pft. Hoy, Tandang!" Nakangising bati ko. "San burol mo?" Pfftt. Himala kasing nakaporma si Gago.
Feeling ata nito, babata siya kapag nag suot siya ng ganyan. Take note, may dark shades pang naka sabit sa may kwelyo ng damit niya bandang leeg. Pffttt.
"Makikipag libing ako sayo."
"Matagal mamatay ang gwapo. Mawawalan ng balanse ang mundo." Nakangising sagot ko.
Pababa na kami ng hagdan ng may makasalubong kaming isa pang ubod ng sama ng itsura.
"Alis ka na?" Anang pangit na Baog na kay Richmond nakatingin. "Yap." See? Feeling kabataan talaga sa mga sagutan niya eh. Hahaha. ^_^
"Wala kang race?" Singit ko. Nagtititigan na naman kasi at nakaka pangilabot na.
Kingina. Kung parehas silang may itsura, pwedeng bromance.. pero dahil parehas silang pangit.. HORROR yan!
"Andito ba ko kung meron?" ABA'T?!
"Pfftt.. i better get going." Sabi na naman ni Tandang na si Brent lang ang tinapik sa balikat.
*gwapong roll eyes*
"San ba punta nun?" Usisa kong sinabayan si Brent sa pagpanik. Kaya ang siste, sa halip na sa kusina ako pupunta, papanik tuloy ako ulit.
"Naghahanap ata ng funeral service para sayo."
"Gago!" Dagukan ko nga.
Mga hayup na'to, wala ng ibang pinanalangin kundi ang pagkawala ng kagwapuhan ko sa mundo.
Padabog na iniwan ko nalang yung siraulong Baog, binatukan ko na natawa pa eh.. saka pumihit at nagpatuloy nalang sa pagbaba.
RICHMOND.
"O, may lakad ka?" Tanong ni Clyde pagpasok ko sa dining hall. I nod at him.
"Where's Ythan?" Binaba niya naman yung ginawa niyang coffee sa harap ko. Then he drink his own coffee. "Nasilip ko kanina sa kwarto niya, parang umiinom ng gamot. Sinumpong na naman ata ng vertigo"
"Tss..--*i shook my head*--he's so stubborn. I clearly told him to see my Dad so he can have his check up. Baka kasi iba na pala yang pagsakit ng ulo niya. But up to now, hindi niya pa rin ginagawa."
Speaking of..
My father called me last time, and he told me that there's someone who came in the hospital with an ambulance and the guy gave him a piece of paper where his name, my dad, was written in it and it does have Ythan's signature. Which mean he was the one who referred the guy to my father and he will be one who's gonna pay for that guy's hospital bill.
As per my dad description, that guy didn't looks like an Elite student so he was wondering where does Ythan meets him.
He even told me that the guy have minor injuries on his face, and it looks like he got it from a broken glass. And he wants me to tell to Ythan and assure him that his injuries are no biggies. And it will heals in time. But the guy keeps on insisting to have few more tests, including CT. And Ythan was the one who told him to do so.
I literally forgot about that, because of the few events that happened the past days. Like us, going into his engagement party and also about what Brent told us, yesterday. I also didn't got a chance to talk to him, in private. Just the two of us.
"I better get going.." i stand up as i finish my coffee.
"Oh, paalis ka na ba talaga?" Sabi nung retarded na nakasalubong ko sa may pinto.
"Yeah."
"Ge. Bangga mo sasakyan mo ah!"
"Pfftt...oo sa ten wheeler." Sabat nung isa pang gago.
"Damn you both!" Sagot kong dire-direcho ng lumabas.
CZERINNA.
"Mag breakfast na ko, kayo ba?" Tanong ko dun sa dalawang busy pa sa paglilinis ng mga kuko nila.
"I don't feel like eating today.."
Hays, buti pa 'tong si Eurika minsan hindi na feel kumain. Ako kase, kapag hindi kumain kahit isang beses lang...nanlalata na ang pagkatao ko.
"Mag sandwich nalang ako, meron naman tayong spread dito.." Sashi.
Tumango nalang ako saka lumabas na ng kwarto.
Hindi rin ako pwede na sandwich lang ang almusalin, mag-aaway mga alaga ko sa tiyan. Baka sa bulate lang yung sandwich kulang pa, kamusta naman ang anaconda. Pft..
Okay na din sigurong hindi ko sila kasabay ngayon para makapag isip isip ako ng dapat kong gawin.
Madali lang din naman ang gagawin ko, kung tutuusin..hindi ko naman siya kailangang patinuin talaga gaya ng gusto ni Chairman.
Naisip ko, ipagsulat ko nalang siya ng notes para atleast kumpleto siya at isipin ni Chairman na medyo nagbabago na ang anak niya.
Kaso pano?!
E ako nga mismo hindi kumpleto ang notes ko. *sigh*
"Hello, ikaw si Czerinna, tama ba?" Huminto ako sa paglalakad at tinignan yung lalaking biglang nasingit sa harap ko.
Nanlalatang tumango ako.
"May nagpapabigay sayo.." sabay labas ng kaprasong papel sa harapan ko.
"Sino?" Tanong ko. Pero sa halip na sumagot, kinuha niya lang ang kamay ko at nilapag ang papel saka nagmamadali ng umalis.
Walang nagawang nasundan ko nalang ng tingin yung lalaki saka nagtatakang tinignan yung papel sa kamay ko.
"Sino kaya 'to..."
0___________0
*blink*
*kusot ng mata*
Sabay basa ulit ng nakasulat sa papel.
See me at the front gate.
-Richmond.
Gulantang na napalingon ako sa part kung nasan ang gate.
Di nga?!
Nag dalawang isip pa ko pero sa huli, tumakbo na din ako papunta sa front gate.
"Whew!!" Hiningal ako dun ah!
Nag breathing exercise muna ko para bumalik sa normal ang paghinga ko saka ko ginala ang tingin sa paligid.
"Asan yun?" Langya. Mukhang unang bunot ako, sa panti-trip nung nagbigay ng sulat ah! "Ay, nako bwiset!"
Asar na patalikod na ko, para sana bumalik ng may mahagip ang mata ko dun sa may gilid.
"Wit...wiw... Sino kayang artista ang napadaan dito sa Elite?"
Ay, hindi...hindi siya mukha artista. Mas tamang sabihin na model siya.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin yung napaka gwapong nilalang. Na kahit na naka shades, e alam kong gwapo. Tindig palang eh..
"Sakin din ba siya nakatingin?"
Kingina.. ang aga aga, nagwawala na naman ang garutay kong hormones.
That guy is so freakin hot, kahit sabihing nakasandal lang naman siya sa itim na sasakyan sa likuran niya. At assuming na kung assuming, pero feeling ko sakin, tinitignan din ako ng gwapong lalaki.
Dahil assumera ko, lumakad ako palapit para tignan kung sino ang gwapong nilalang. Para na den makapag pa autograph kung sakaling tama ang hula kong artista siya. Hehehe ^_^
Napa unfair lang talaga.. bakit 'tong tao sa unahan ko, parang effortless magpa gwapo? I mean, he's only wearing a white long sleeves na nakatupi lang hanggang siko, tapos naka unbutton mula sa kwelyo hanggang sa pang apat na butones ng damit niya, kaya kitang kita ko yung panloob niyang itim na sando.
At kahit may sando siya..PUTRAGIS!!!
Ang puti ng dibdib niya, putspa!
H
indi ko mapigilang hindi mapalunok ng sunod sunod habang palapit ako ng palapit sa kanya.
"Tss..wipe your drool, Czerinna and hop in." Literal akong napanganga ng tawagin niya ang pangalan ko.
"S-sino ka?" Bakit wala akong maalalang may kakilala akong artist---"It's me." At lalong lumaglag ang panga ko ng alisin niya ang suot niyang dark shades.
"I'm fully aware of how incredibly handsome i am, but can you quit staring at me? I really hate it when someone stares at me like an idiot."
"R-Richmond.."
Sinenyas niya lang yung passenger side, kaya walang nagawang sumunod nalang ako.
"I thought i've clearly told you that i do hate it when someone is staring at me?"
Eeehhh?!! Langya, kala ko nakatutok sa kalsada ang atensyon niya? Nakikita niya pa rin pala ko?
"Tss..arte mo! Buti nga may tumitingin sayo eh.." Sagot ko. Pambawi sa pagkapahiya.
Nahuli ba naman ako ng isang RICHMOND UNICKO LEE, na tulaley habang pinagnanasaan---waaahhh..hindi pagnanasa, humahanga lang talaga ko sa kagwapuhan niya!
"Pft. Don't be mad. Besides, one of the reason why i like you is because you were not like the girls in Elite. But if you keep on staring at me like that, i must think that you were also one of them."
"Ha?" *blink* Tama ba yung narinig ko? Like ako ng gwapong 'to? Este ni Richmond? "You?!" Turo sa kanya sabay lunok. "You--you like me?" Punyeta, kandabulol na nga ako. Hayup!
"Yah." Tuwid niyang sagot sabay lingon pa sakin. Buti nalang at naka seatblet ako, kundi baka sa lapag niya na ko dinampot. "That's why i wanted to be friends with you." He added sabay balik ng tingin sa daan.
And that hits me.
Bigla akong naging siopao dun ah! Kakahiya.. TT^TT
"Errrr--t-teka san naman tayo pupunta?" Odiba, nauna pa kalandian ko bago ko itanong kung san niya ko dadalhin. Hayss, kapag talaga malanding utak ang nauna...
"We're going on a date." Cool lang na sabi niya.
Pero ako hindi. "DATE?! IKAW?!! AKO????"
"Pft. Yeah. Who else? We're the only one who's here." Kibit balikat niyang sagot habang tuwid parin ang tingin sa daan.
"Teka, anong nakain mo at naisipan mo kong i-date?"
"Just a bacon sandwich." Then he looks at me. "Ikaw, nag breakfast ka na ba?"
"Oo naman no!" Sagot ko. Kahit hindi naman talaga. Di nga ako nakarating sa canteen dahil naharang na ko ni Kuyang nagbigay ng sulat e.
"Good to hear that. Medyo malayo kasi ang pupuntahan natin."
"Ha?" Parang biglang may pumitik sa utak ko, "Waaahhh...Richmond! Ihinto mo!! Ihinto mo!"
"What seems to be the problem, Czerinna?" Kunot noong hinarap ako ni Richmond tapos mai-park ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Magde-date tayo ng ganto ang itsura ko?" Sabay turo sa sarili.
Yun parin kaya ang suot ko..T_T Hindi kasi ako naligo, puta! Malay ko bang magkikita kami ngayon? Balak ko pagkatapos pa mag breakfast saka ako maliligo eh..
At hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng pasadahan ng tingin ni Richmond ang suot ko.
"Tss..what's wrong with that? If that kind of clothes makes you comfortable, then so what? It's not a big deal on me."
"Sayo hindi..sakin oo..." Bulong ko sabay yuko pero mukhang nadinig niya parin dahil narinig ko siyang nagbuntong hininga.
Napatingin ako ulit kay Richmond.
"Are you embarrassed being with me in that clothes?" Tumango ako. Bumuntong hininga na naman siya. "Don't be, Czerinna. I personally like you for being who you are, the way you dress, the way you talk and the way how you treat each of us. We all like your guts and confidence. So don't be ashamed, either you're with me or the other guys. Because if you change yourself, or if you change how you dress, because you were with us, just to impress us, then its not YOU. It's not the real you. But if you really insist, then i don't have a choice..good thing that i brought some of my clothes with me. Do you want me to change my clothes, so you will feel comfortable?"
Sa haba ng sinabi niya, ang talagang tumatak sakin e yung willing siyang magpalit ng damit, para lang maging kumportable kong kasama siya.
Kingina, apaka swerte kong nilalang! At hindi ko rin akalaing may gantong side pala si Richmond.
"What do you think? This one? Or this one?"
Hindi ko namalayang nakalabas at balik na pala siya sa driver's seat. At ngayon nga, pinapakita niya na sakin yung hawak niya sa magkabila niyang kamay.
"Eh..ah..a-nong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko ng isa isa niya ng inaalis sa pagkabutones yung natitirang butones na sarado.
"Pfftt...don't worry, naka sando ako.. " ramdam niya siguro na bigla akong naasiwa. "I'll try both, and you choose, what i'm gonna wear that blends on your attire."
"Ha?! Ay, nako..Richmond..hin---hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naisuot niya na agad yung plain black round neck tshirt na hawak niya.
"This one?"
Tangina. Asan kayang lupalop ako ng magbuhos ng magandang features ng biyaya si Lord?
"How bout this?"
Ehhh?! Nakapagpalit na pala siya ulit?
And this time, he's wearing a tye dye shirt, kulay puti yung pinaka whole shirt pero yung design ng pagka tye dye niya is parang ulap na iba't ibang kulay.
*blink.blink*
"I like the first one. How bout you? What do you think?"
Putspa naman Lord...why naman unfair? Bakit naman kapag siya may suot, mukha pa rin siyang artista?
"Haysss, ang unfair talaga ng buhay..." Wala sa loob kong sabi.
"Hey, what do you mean?"
*sigh* "Langya, naka tye dye shirt ka na lang pero mukha ka paring artista. Nung nagsuot kaya ako ng ganyan, aissh..mukha akong ewan, puteks!"
"Pffttt...i guess you feel better now?"
"Ha?"
"Okay. I will wear these though, i'm really not into this kind of clothes. I mean, i prefer to wear plains."
"Edi yun nalang. Or kahit yung suot mo kanina. Pasensya ka na ah..pagkakita ko sayong nakasuot ng tye dye at napaka gwapo mo pa rin. Sinampal ako ng reyalidad. Hahaha.. Gwapo kalang talaga.."
"Thanks. But i think, much better if i just wear back my old clothes."
Parehas lang kaming tahimik sa buong biyahe, though nakikita ko sa peripheral view ko na paminsan minsan, sinusulyapan ako ni Richmond.
Saka kahit tahimik, wala akong naramdamang kahit ano..yung gaya sa iba na kapag tahimik, medyo awkward or boring. Samin, wala naman. Siguro dahil alam ko rin na may pagka silent type talaga si Richmond.
Buti nga dumadaldal sakin ng onti kanina. Pffttt..
After few more minutes, pinaparada na ni Richmond ang sasakyan.
"We're here.." aniya saktong pagparada ng sasakyan niyang Ferrari.
O wapaks ang porma ko diba?
Buti nalang at may cream pa kong running shoes kaya ayun ang isinuot ko. Balak ko pa naman, mag tsinelas lang. Kundi, langya..kahihiyan talaga.
Nagpauna na kong bumaba para tignan kung nasan kami.
MANILA PLANETARIUM
I simply heaved a sigh. What should i expect? He's still Richmond Unicko Lee, after all.
Ipagpasalamat ko nalang na atleast hindi kami sa National Library nagpunta.
"Let's go?" Yaya niya, tumango nalang ako.
"Woooow..." Manghang nilibot ko ng tingin ang paligid.
First time kong makapunta dito, pramis! Maganda naman pala. Hehe ^_^
"Thank god, you like it here..i was bit nervous earlier..baka kasi magwala at maglumpasay ka dito..pftt.." And he even know how to joke?
Napatawa tuloy kami ng mahina.
I mean, Richmond is a silent and serious type amongst the Majesty. He's the only person who have the mysterious aura and i always see him, watching his friends actions. So i also thought he's kinda weird. Haha ^_^v
But well i guess i wrong about that. Or maybe he's still trying to make me feel at ease.
Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Richmond.
Those smile...punyeta!
Mapapatulala ka nalang talaga. Buti nalang at may katabi akong pwedeng hawakan, nakakapanlambot ng tuhod ang ngiti niya. Kapag 'tong si Richmond ang lagi kong makakasama, kailangan kong kumain ng balot araw-araw, pansuporta. Lintok!
Nag umpisa na kaming maglibot.
"Ay, ano yun?" Mabilis akong napatakip ng bibig at nag peace sign ng lingunin ako ng ibang namamasyal.
Paglipat ko ng tingin, nakita ko si Richmond na tatawa-tawa lang habang tuwid naman ang tingin dun sa tinuro kong ewan ko, kung ano.
"Pioneering Technology" Nagulat pa ko ng bigla siyang magsalita, saka niya lang ako nilingon.
Tumango naman ako. Ayun pala tawag sa hype na yun.. Now i know. Hehe.
"Its the new hybrid projection system integrating the 1975 analog with a digital projection is a pioneering innovation. It was partly born out of necessity. It was also created with an appreciation for the old, which should not come as a surprise considering that National Museum personnel run the National Planetarium. According to the Chief Administrative Personnel and the officer in charge here, they faced with two choices before. Which are, to buy a new full dome projector and spend eighty million pesos or get the hybrid for only thirty million pesos.."
Sa haba ng sinabi ni Richmond, na kahit patango-tango ako...yung presyo talaga ang nakapukaw sa atensyon ko.
Langya, eighty million pesos?! At Thirty million pesos?!..
Saka ko lang napansin na nakatingin pala sakin si Richmond. "Ang mahal ha!" React ko. And i heard him chuckle. "So anong pinili nila?" Tanong ko. Baka isipin ni Richmond, sa pera ko nag focus, kahit ayun ang totoo hehe.
"What do you think they choose?"
"Hmn..." Napaisip ako. Masyadong mahal ang eighty million pesos at sa ugali ng mga nasa gobyerno na laging mas lamang ang kikbak... "Yung tag thirty million?" Not sure na sagot ko.
"Yeah. And it turned out to be the right one."
"Talaga?!" Woooh!! Galing ko manghula.
"Umh..uhm.." tango ni Kuya kim--este ni Richmond. Ppfftt... "The hybrid showed a cleared picture than the purely digital system." The he smiled at me.
Para tuloy kaming student-teacher na nagtuturuan.
"Let's seat over there.." sinundan ko ng tingin yung tinuro niya saka tumango. "Let's go!" Dagdag niyang nagpauna ng lumakad.
Swerte, bakante. ^_^ Ganda pa naman ng pwesto, bandang gitna.
"Look up.." He commanded.
Dahil mabait ako, sumunod ako.
0____0 "Wooooooowwww..." Grabe, sobrang ganda.. ( ◜‿◝ )
Hindi na kailangan ng 3D glasses, di gaya sa mga cinema. Eto, walang kahit ano pero feel na feel mo talagang nasa kalawakan ka.
Tatlong shows yung pinanuod namin.
The first one was, A Planet for Goldilucks. It's a story of humankind's search for a planet which would be just right to support life. Then the next one was, Hayabusa Back To Earth, it shows the journey of the Japanese space prove carrying samples of material vital in unlocking the secrets of the solar system.
Lastly was The Journey To A Billion Suns.
The story focuses on the works of the astronomers. From the star maps of the first scientist to the evolution of the Solar system.
All in all, maganda naman lahat yung tatlo. Kaso dahil medyo may katagalan akong nakatingala..Ang sakit ng leeg ko! Bwiset! Di nga kailangan ng 3D glass, matik naman pagtapos mong manuod, neck cast talaga hahanapin mo, day! T^T
Pasimlple kong inikot ikot yung leeg ko habang inaalalayan akong tumayo ni Richmond.
"Are you hungry?" Richmond asks habang palabas na kami ng Planetarium.
"Hindi pa naman.." Langya, nalipasan na kasi ako ng gutom.
Gagi rin 'tong kasama ko..di man lang bumili kahit butong pakwan para may kinukukot kami habang nanunuod. ~_~
Sa naka park na kotse agad kami dumirecho at sumakay. At di gaya kaninang tahimik kami, ngayon chikahan to the max kami, rather ako lang ang mas mahaba ang chika, tas salamat na sa two sentences na sagot niya ganern. Pinag uusapan kasi namin yung mga scenes na napanuod namin kanina.
"What the heck?!" Muntik pa kaming masubsob sa lakas ng pag preno niya. "You okay, Czerinna?"
Wala sa loob na napatango ako habang di inaalis ang tingin sa babaing biglang tumawid, kaya napa preno si Richmond.
Tangina, pasalamat siya at malakas ang kagat ng preno ng sasakyan, kundi malamang sa malamang, nakalupasay na siya diyan sa harapan bwiset siya!
Gagawin niya pa kaming bundol gang ni Richmond, hayup!
"N-nasa Luneta na pala tayo.." wala sa loob kong sabi habang dun parin sa Aling buwis-buhay nakatingin. "Tara, Richmond..tignan natin.." Aya ko.
May tumpukan kasi ng mga tao dun sa gitna, na curious tuloy ako.
"Baka naman rally lang yan.."
I rolled my eyeballs. "Wala naman silang placards.." Naka pout na sagot ko.
Ilang sandali pa, pansin kong pinaandar niya na rin ang sasakyan at iginilid.
Nag feeling close na ko kay Richmond, at hinawakan siya sa braso saka hinilang palapit sa umpukan ng makababa kami ng sasakyan.
May banda pala...kaya naman pala..
Pero mukhang hindi pa sila sikat, pero andami na din nilang fans. Hawak si Richmond sa braso, nakisiksik ako sa gitna ng umpukan hanggang sa makarating kami sa bandang unahan.
"Ay..gwapo naman pala..." Wala sa loob kong sabi habang nakatingin sa lead vocal. No wonder, halos mabasag na ang eardrums ko sa kakatili ng mga audience. At halimaw din talaga ang boses niya.
Hindi ko nalang pinansin yung pagiging anak ni Valentina ng katabi ko at nakisali sa pagsigaw ng mga tao.
"MORE!!!!!! MOREEEEEE!!!!" Sabay sabay na sigaw namin ng crowd dahil tapos na ang kanta.
Tumingin ako kay Richmond na parang nagpapaalam and he just smile and nod at me. Kaya napangiti na rin ako.
Ilang sandali pa, narinig ko na ulit ang tunog ng gitara. Nag hurumentado na naman tuloy ang mga tao.
"KYYYYYYYYYAAAAAHHHHHHHH!!!!" Sigaw nung mga nasa bandang likod na fans na may kasama pang tulakan.
"Tsss...." Richmond.
Napatingin tuloy ulit ako sa kanya, only to find out na halos malamog na pala siya sa pagtulak ng mga fan girls nung vocalist.
"Are you okay, Czerinna?" Concern was written all over his face, saka ako pinasadahan ng isang mabilis na tingin.
"Ha? Ah..--*gulp*--oo, okay naman ako.." Actually, i'm more than okay.
Medyo nakakailang lang nung tinignan niya ko kasi naman...
Naka style back hug siya sakin although hindi nag aabot yung dalawang kamay niyang nakabitin sa ere, pero naka alalay talaga siya sakin. ^_^
Hmn..pano ba to, i-describe?
Basta, nakatayo siya sa likuran ko habang naka unat yung dalawang braso niya sa magkabilang kong gilid, kaya pag may napapadikit sakin both sideways, naitutulak niya agad. Pfftt...
So, sino ba namang hindi magiging safe kung isang RICHMOND UNICKO LEE ang protector mo? Hehe.
"Hey!"
"Arccckkkk..."
0___o gulat na nasundan ko ng tingin yung isang dalagang bumagsak paupo sa lapag.
"Tss..."
"Wag sana kayong magtulakan para di kayo magkasakitan.." There, pumayapa ang paligid, pwera nalang dun sa babaing inaalalayang tumayo ng ibang tao.
"Bakit ba?" Ewan ko kung sino yung nagtanong dun sa babae.
"Napadikit lang kasi ako sa braso niya, tinulak ako.."
Mula sa pakiki chismis, sinundan ko ng tingin yung tinuro ng babae. Pero parang walang nangyaring tuwid lang ang tingin ni Richmond sa harapan.
Naiiling at pabuntong hiningang binalik ko nalang ang tingin sa unahan.
*sigh*
No wonder, magkakaibigan nga silang lima.
They all hate to be touched by other people. Except Clyde. Pfftt.. Pero mas matindi pala 'tong si Richmond. Itulak daw ba si Ateng napadikit? Pfftt...
Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon...
malayo sa dilim ng kahapon hampas ng mga alon kasiyahan sa nayon...mga batang naglalaro lang maghapon...
At hindi ko napigilang hindi humanga ng marinig ko ang boses ni Richmond, na napasabay kumanta, though mahina lang pero dahil nasa likod ko siya kaya dinig na dinig ko talaga. At alam kong siya yun dahil wala namang ibang tao sa likuran ko.
Tangina, ang ganda pala ng boses niya... ^_^
"WAAAHHH...I LOVE YOU, KELLY!!!" Ewan ko kung san nang galing ang sigaw at wala na kong balak alamin.
Nagsunuran naman sa pag i love you-han yung mga tao sa vocalist.
Pero ako, pigil na pigil ko ang sarili kong mapa i love you dito sa gwapong nasa likuran ko. Charot! Hehehe ^_^v
Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Richmond. And ghhhaaaaddd.., ang gwapo niya kahit super pawisan na siya! (♡ω♡ )
And mas gwapo siya ngayon kesa kaninang nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya.
Yung fallopian tube ko, tumitibok. Tangina!
Mabilis akong umayos ng tayo at tinutok ang atensyon ko sa harap ng mapansin kong patingin na si Richmond sakin.
THIRD PERSON.
"Humawak ka lamang sa aking kamay
Ng matuklasan ang ganda nitong buhay
Iingatan ka't di pababayaan
Gabay mo ako sa iyong kapaligiran"
Hindi maiwasan ni Richmond ang mapangiti pagkakita sa kasama na engrossed na engrossed sa pagsabay sa pagkanta na sinasabayan din nito ng bahagyang pag head bang.
Kaluskos ng dahon
Huni ng mga ibon malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon
Kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon
Simoy ng hangin sari saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
Pagkat walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin....
"B-bakit?" Lingon ni Czerinna sa kasamang hindi na nakuhang mag iwas ng tingin.
"You must be starving." Ani Richmond sabay hawak sa braso ng dalaga at hinila na itong paalis ng tumpukan.
Bahagya namang yumuko ang dalaga para tignan ang oras sa suot na relos ni Richmond.
Two fourteen...
"Hehe..nagugutom na nga ako..."
Napatawa nalang ang dalaga sa isip ng makita kung pano hinahawi ni Richmond ang mga babaeng nadaraanan nila.
CZERINNA.
Sumasabay ang pag tirik ng mata ko sa katirikan ng araw.
Pano ba naman...
Kanina pa pinagtitinginan ang kasama kong nuknukan ng gwapo! Tangina, unfair talaga ng life. ~_~
Yung ang tindi na ng pawis naming parehas sa paglalakad dito sa initan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, pero putcha!!!
Ang yummy niyang tignan habang ako ito... dugyot. ~_~
Pero syempre, super proud ako na ako ang kasama ng napaka gwapong nilalang na'to. Taas noong nagpatuloy lang ako sa paghila kay Richmond na hindi naman nag rereklamo.
"San na kaya yun?" In-scan ko ng tingin ang kahabaan ng nilalakaran namin. Nakaraan lang nakabili pa ko nun dito eh...mga two years ago hehe.
0_______________o
"WAAAAAHHHHH....NAKITA KO NA!!!" Excited na nilakahan ko ang hakbang habang hila pa rin si Richmond.
RICHMOND.
What the elf?!
There are choices that we make, that do not turn into something good. Like today... I really do regret it.
=________________________=
I simply look at her.
^_______________________^
*sigh*
Damn, did she expect me to eat these gross things in front of us?
YTHAN.
"Si Richmond?" Tanong ko pagbaba sa sala.
Himalang andito 'tong si Clyde. Pasimple kong sinulyapan ang tv para tignan ang pinapanuod niya.
~_~ what do i expect? Tss..
"Not sure pero parang makikipag kita ata kay Tito.." hindi tumitinging sagot niya.
Gago talaga, hindi maalis ang mata dun sa tv palibhasa naka flash sa screen yung babaeng naka hubad ng pang itaas, though nakatalikod naman.
Naiiling na dunirecho nalang ako sa kitchen para kumuha ng beer, nilagpasan ko na yung manyakol na busy pa rin sa panunuod at direcho ng pumasok sa library.
CZERINNA.
"Tatlong isaw, dalawang tenga saka dalawang adidas sakin te.."
"Tss..."
Nilingon ko yung anak ni Valentina, pft. "Try mo masarap 'to.." Sabay ngiti sa kanya. Yung convincing. Pero sa halip, umiling lang si Richmond at saka ako tinapik sa balikat.
"I'll be right back, stay here okay? But don't eat too much of those, we're still going to eat a proper meal."
Nagbuga nalang ako ng hangin saka marahang tumango.
"San kaya siya pupunta?" Hatid ng tanaw si Richmond na tanong ko sa isip.
"Tatlong isaw, dalawang adidas at dalawang tenga.." mabilis akong napalingon sa harapan, only to find out na hindi pa pala luto yung order ko.
"Hello.."
0_____0
*blink. blink*
D-dyosa ba 'tong nasa harapan ko?
"Miss, okay ka lang?" Concern was written all over her beautiful face.
Wala sa loob na tumango ako.
"A-ang ganda niyo po..."
THIRD PERSON.
Napunit ang ngiti ng babaeng kaharap ni Czerinna dahil sa rektang papuri ng dalaga.
"Thanks. Ikaw rin, ang cute mo.." at nagulat pa si Czerinna ng pabiro siyang banggain ng babae sa balikat. "Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong ng babae na luminga pa sa paligid.
Umiling naman ang dalaga. "Hindi po kasama ko po yung kaibigan ko.." anang dalaga na lumingon pa sa gawi ng pinuntahan ni Richmond.
"I see.." tango nito. Sabay kuha ng inaabot ng tindera, "Kaniya pa po yan, Miss.." anang tindera sabay lipat sa harapan ni Czerinna ng mga sticks na may laman ng pinaihaw niya.
"Oopsss..my bad. Sorry. Parehas pala tayo ng order.." Natawa pa ito, kaya lalong napatulala si Czerinna sa ganda ng kaharap. "Hey, kumain ka na.. hindi yan masarap kapag malamig na.." anang babae.
Tumango naman si Czerinna saka kinuha ang binibigay ng tindera at saka isinawsaw sa suka na puno ng siling labuyo ang hawak na sticks ng pagkain.
Amazed na amazed na nanunuod naman ang babae sa paraan ng pagkain nang dalaga.
RICHMOND.
"Damn it! Why all of these stupid atm machines are all out of services?" Fuck!
I forgot to bring cash, that's why i left Czerinna to withdraw a few bucks. But all those fucking atm machines are not working. Shit!
CZERINNA.
"True!"
"Hahahaha." Sabay naming tawa ni Bessy sabay apir.
Dahil maganda siya at mabait gaya ko, pft..nagkasundo agad kami. At nalaman kong marami kaming pagkaka parehas.
"Tara, hanap tayong pugolot.." aya ni Bessy sakin, hindi niya tinanong ang pangalan ko kaya it's atay! Pfftt..di ko rin tinanong yung pangalan niya, syempre!
Pero dahil 'Bessy' ang tawag niya sakin, kaya para quits ganon din ang tawag ko sa kanya.
I don't know pero magaan agad ang loob ko sa kanya, aside from the fact na maganda at halata namang mabait siya..imagine, nilibre niya ko at andami na naming nakain mula pa kanina. Hehe.
Bukod sa mga ihaw-ihaw, chicharon party din kami. Yung chicharon na may kulay pula? Pft.. dati ganun yung nilalabas sa mga naglalamay sa patay eh, yung chicharon na maanghang.
Tapos parang hindi siya kasing edad ni Mama, well hula ko lang yan pero parang hindi nalalayo ang edad niya kay Mama. Ang pinagkaiba lang nila, carefree tong si Bessy, parang kabataan kumilos. Di gaya ni Mama na walang ibang alam gawin kundi ang mag rap.
Andami na din naming napag chikahan, random topic tungkol sa pagkain. Hahahaha.
"Ano, lezzgggooow?" Nakangiting aya ni Bessy.
Sakto namang natanawan ko na si Richmond na naglalakad pabalik, kaya kahit bet kong sumama para sa pugulot, malungkot na umiling nalang ako.
"Sorry, bessy andyan na yung kasama ko eh..." Lumingon naman si Bessy.
THIRD PERSON.
"Ah...eh...k-kasama mo siya?" Anang babae sabay tingin ulit kay Czerinna.
"Oo, bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong naman ng dalaga na napakunot pagkakita sa reaksyon ng kausap ng makita si Richmond.
"Ahm...--*gulp*--hindi. Ano, ang gwapo kasi! O siya, kita nalang ulit tayo next time!"
Lalong lumamim ang kunot ng noo ng dalaga sa huling sinabi ng babae dahilan para hawakan niya ito sa braso at pigilan.
"Pano tayo magkikita? Kilala mo ba ko?"
Lumaki naman ang ngiti ng babae, yung ngiting genuine saka inalis ang kamay ni Czerinna sa braso niya at hinawakan at marahang pinisil.
"In God's will, magkikita at magkikita tayo, Bessy. Don't worry.." she smiled. "Sige na..kita kits nalang tayo sa mata! Enjoy your date, Bessy!" ani pa nito saka binitiwan ang kamay ng dalaga at dali daling umalis.
RICHMOND.
"Aissshh...impossible..." Sinundan ko ng tingin yung kausap ni Czerinna.
That built is kinda familiar, though hindi ko matandaan kung sino. But i'm sure, kilala ko yung bulto na yan.
"Hey.." bati ko paglapit kay Czerinna.
And just like me, hatid niya rin ng tanaw yung kaaalis lang na babae.
"Are you okay? Did she do something on you?" Mabilis kong pinasadahan ng tingin si Czerinna na mukhang nakabawi na.
"Hindi wala. Mabait naman si Bessy.."
"Bessy??" *frown* So, i am wrong. I mean i don't know anyone named Bessy.
Tumango naman si Czerinna saka ako nginitian. "Nilibre niya ko ng inihaw. Hehehe.."
Pffttt...ibang klase, kaya naman pala siya nabaitan dahil nilibre siya ng pagkain.
"Tara na, nagugutom pa ko eh..tagal mo!" Then she grab my wrist.
CZERINNA.
Dahil di natupad ang plano kong pakainin si Richmond ng ihaw-ihaw at kami ni Bessy ang nagbonding dun sa ihawan..
Tssssaaaaaaaaarrraaaaannnn....
At gutom talaga ako malala, dito ko na siya dinala sa alam kong marami akong makakain. ^___^
"What the fuck is that, Czerinna?"
Madilim ang mukhang tanong ni Richmond habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan namin.
*sigh* Parang hindi mga tao.Tss..
"Dinuguan ang tawag diyan.."
"It looks so fuckin dirty..." I rolled my eyeballs.
At gaya nung dalawang kaibigan niyang nauna kong makasama, Clyde at Brent... mukhang kailangan ko ring ipaliwanag dito kay Richmond ang tungkol sa pagkain.
"Its not dirty. Its yummy..." *smiles* Pero mabilis ding nawala ang ngiti ko ng samaan niya ko ng tingin.
Kaya siguro siya tinatawag ni Jairus na tandang..masyado siyang seryoso sa buhay eh. Katakot pa namn siya, pag ganyan. T^T. Parang mangangain ng buo.
Dinampot ko na ang kutsara at tinidor saka nag umpisang magsabaw sa kanin ko.
"People like you called this a pork blood stew. Kita mo naman diba? Kaya nga dinuguan kasi galing sa dugo ng baboy ang sabaw nito." Sabay subo.
Ensherep...poteks!
"Kain na!" Langya, isang bira, napangalahati ko agad yung kanin sa plato ko. Hehe. Tindi talaga ng gutom ko...
Di naman kasi ako nabusog sa kinain namin ni Bessy kanina. Sabagay...ano lang ba yun?
Sampung sticks ng isaw, apat na sticks ng adidas at anim na sticks ng tenga. Saka tag pitong balot kami ng spicy chicharon.
E hanggang nguya-nguyaan ko lang yung eh! Psh..
"Manang! Kanin pa nga ho, isa!" Sigaw ko, tumingin naman yung may ari ng karinderya sakin at tumango.
"Mukhang sosyal ang boyfriend mo,Neng. Hindi ata sanay kumain ng ganyan.."
"Ay, hindi ko siya boyfriend, Manang. Saka bakla ho to eh.." sabay headlock kay Richmond.
Natawa naman si Manang.
"Tss..i'm not gay. Do you want me to prove it to you, right here..Czerinna?"
Napalunok na unti-unting lumuwag ang pag headlock ko kay Richmond sabay bitaw ng tuluyan at layo sa kanya.
"Hehe...joke lang ikaw naman.. Kain nalang tayo.." Sagot ko sabay yuko at nag umpisa na ulit kumain.
Langya, bakit ba pakiramdam ko parang nangyari na yung ganto? Parang may nagsabi na rin sakin ng ganyan di ko lang maalala.
Pasimple kong tinignan si Richmond, naiiling lang siya habang binubuksan ang bottled water na hawak niya saka uminom.
*frown* Wala ba talaga siyang balak kumain?
"Richmond.."
"Hmn..."
"Richmond.."
"Wa---his eyes widen. Sinubuan ko siya eh. Pfftt.. "Nguyain mo, masarap yan. Langya, ka di ka malalason."
~~~~~~ thirty five minutes later ~~~~~~
"Aissshh..grabe, nabusog ako.." humihimas sa tiyan na sabi ko, sabay dampot ng isang baso na may lamang gulaman. "Ikaw ba?" Sabay tingin kay Richmond.
"I'm good."
Gusto ko sana siyang lokohin, panong hindi siya magiging good? E naka three cups din siya ng kanin tapos ako anim. Hehehehe. Gutom talaga ko, pramis!
"Ahmn..Czerinna..."
Napatitig ako sa seryoso pero super gwapo niyang mukha.
"I really don't know what to give you..."
"Huh?"
"I knew it's late, but i still want to give you something for your birthday.."
*blink. blink*
B-birthday ko?!
"Do you want a new phone? Shoes? Bags? C'mon tell me..i badly wanted to give you something.."
Sa kanya ko kaya hingin yung seven hundred million pesos, para mabayaran ko yung demonyo niyang kaibigan?
*iling* Hindi pwede! Hindi pa naman ganong kakapal ang mukha ko para magsabi sa kanya. Isa pa, hindi naman kami close or super close para utangan ko siya ng ganong kalaking halaga.
"C'mon, Czerinna. Wag mo kong ipahiya. Gusto talaga kitang bigyan.."
"Hmn...okay.." Kibit balikat na sagot ko. "Then follow me!" Natatawang dagdag ko at nagpauna ng lumakad.
RICHMOND.
"Bilis, Richmond! Ayan na yung train!" Naiiling na napasunod nalang ako.
Para kasi siyang batang excited na excited, rather takot na takot maiwanan ng train. Pft.
She asked me to leave my car on the pay parking near at the lrt station. And she even told me the name of the place where going, but i forgot it. Even told her that we can go there, by car. But she really insist to take the train.
Napatingin ako sa kamay niyang automatic na humawak sa braso ko pagbukas ng pinto ng train, saka ako hinila at nakipag siksikan kaming papasok.
Every time i heard the names of the station, and the train stops i thought that we will get off. But Czerinna always hold my wrist and shook her head, and mouthed "later".
CZERINNA.
Ilang stations na yung nalapagpasan namin at medyo malapit lapit na kami. At gaya sa ibang station, maraming tao ang bumababa pero marami din ang sumasakay.
"What the heck is that smell? And where does it came from?!"
Maang na napalingon ako kay Richmond, nang biglang lumakas ang boses niya. Saka dahan-dahang lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa unahan niya't nakataas ang braso. Nakakapit yung lalaki sa bakal.
"K-Ku---Ayyy!!!" Sigaw ko ng biglang bumagsak yung lalaki.
Kakalabitin ko palang sana para palipatin pero mukhang naunahan na ko ni Richmond. Na umbag niya na agad. ~_~
Nagkagulo naman ang mga tao dahil sa biglang pag balandra ng lalaki. Parang balewala naman sa kasama ko ang ginawa niya na direcho lang ang tingin sa labas ng bintana ng train.
"Arrrcccckkkkk!!!" Igik ko ng sumigid ang kirot sa balakang ko.
Ambilis ng pangyayari, hindi ko namalayang nakatayo na pala ulit yung lalaki at bigla akong binalya. T_T
"Richmond!" Hindik kong sigaw, dahil nakita ko nalang na naka dapa na sa sahig ng train yung lalaki at pilipit na ni Richmond ang isang braso niya.
"How dare a lowlife thug like you touch her.." He said while gritting his teeth.
At feeling ko tuloy, super ganda ko lalo na ng tingnan ako ng mga taong nakarinig sa sinabi ni Richmond.
Umayos ako ng tayo at nagpagpag ng pwetan.
"R-Richmond..wag mo ng patulan.." awat ko.
"Are you okay, Czerinna? Did you got hurt anywhere?"
He's so damn dead serious habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
At hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-aalala sa mukha niya habang tinitignan ako.
"Oo. Okay lang ako, nawalan lang ako ng balance.." sagot ko sabay ngiti ng maliit.
After few seconds ng paglalabanan namin ng titigan ni Richmond, narinig ko ang malakas niyang buntong hininga saka binitawan ang braso nung lalaki at umalis sa likuran nito.
"Kuya.." i offer my hand, pero sa halip na hawakan ang kamay ko. Galit niya pang tinabig saka galit na galit na susugurin ulit si Richmond.
Buti nalang at mabilis akong nakalapit at naka harang sa gitna nila.
"Kuya, sorry...pasensya na talaga, mainit lang ang ulo n---O_O hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang braso ng lalaking naka paikot sa leeg ko habang may natumatamang matalim sa kabilang side ng bewang ko.
*gulp*
Nagka ingay naman sa paligid dahil sa singhapan ng mga kasama namin.
"Release her.."
But instead of doing what he said, nilipat nung lalaki yung nakatutok sa leeg ko.
"Punyeta, Richmond..tumingin ka sakin!!" Sigaw ko sa isip habang nakatingin kay Richmond na halatang nag iisip ng gagawin para makalapit.
"RICHMOND!!" Frustrated na sigaw ko ng makita kong pahakbang na siya. And there... Nahinto nga siya at tumingin sakin. "No.." i mouthed.
"But.."
Frustrated na napa iling ako kasabay ng pagpikit ng maramdaman kong nadikit lalo sa leeg ko yung matalim na bagay.
I took a deep breath saka dumilat. Akmang pakilos na ko, ng biglang sumigaw yung lalaki sa likuran ko.
"WALANG KIKILOS SA INYO, HOLD UP 'TO!!"
And to my surprise, may dalawang lalaking tumayo rin at agad na naglapitan sa mga kasama naming pasahero at pilit na kinuha ang mga gamit ng mga ito.
RICHMOND.
"Wag kang lalapit! Gigilitan ko talaga ng leeg ang babaing 'to!"
From the guys ugly face, lumipat kay Czerinna ang tingin ko.
Damn, how can she still manage to smile at me, when her life is already in danger?!
Well, honestly the reason why i punched that asshole's ugly face was because i saw him pickpocketing the old lady that went out, earlier.
If it's only about his bad odor, i will chose to move in different place. But i clearly saw what he did to that poor old woman.
"HOY, IKAW! AKINANG WALLET AT CELLPHONE MO!"
I blew a sigh then get my wallet on my pocket and slap it to his ugly face.
I heard gasps on the background and my name from Czerinna..because of what i did. But i don't give a damn.
"Pasalamat ka't andaming pera nito, kaya sige..okay lang na nasampal mo ko.." then the ugly creature turn his back on me.
Nakakuha naman ako ng pagkakataon, nang lapitan din siya ng isa pa nilang kasama at mukhang tuwang tuwa sila sa nakitang laman ng wallet ko.
Mabilis kong hinawakan ang batok nilang dalawa, at walang sabi sabi silang pinag-untog.
CZERINNA.
"Hoy anong..." Ito na ang pagkakataong iniintay ko.
Malakas akong pumadyak, para matapakan ang isang paa ng ulupong sa likuran ko saka mabilis ang kilos na iniangat ang braso niya sa leeg ko at pinilipit.
Dahil baliktad na ang sitwasyon at ako na ang nasa likuran niya, malakas ko siyang sinipa sa alak-alakan dahilan para mapayuko siya habang di pa rin binibitawan, mas lalo ko pang diniinan ang pag pilipit sa braso niyang hawak ko.
"Arrrkkk...papatayin talaga kitang babae ka pag nakawala ako rito!"
I rolled my eyeballs.
As if naman matata---"That's if you will get the chance.."
Nagulat pa ko ng makita kong may kung anong inilabas si Richmond sa bulsa ng pants niya saka walang sabi sabing itinarak sa leeg ng gagong lalaki.
*gasps on the background*
Tulalang, napatingin ako sa dalawang kasama ng hawak ko and to my surprise, plada na din sila parehas.
"Hey, bitiwan mo na.." lumanding sa gwapong mukha ni Richmond ang mata ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na inalis niya yung kamay ko dun sa hawak ko.
Napa singhap ulit ang mga tao ng biglang bumagsak yung hawak kong lalaki padapa sa sahig.
Ilang sandali pa, huminto na ang train at hindi na ko nagulat ng pagbukas ng pinto, mga pulis agad ang sumalubong samin.
Pababa na kami ng train ng bigla akong may maalala.
"Richmond.."
"Hmn..why? Are you hurt?" Again, concern was written all over his face while checking me.
Umiling ako saka tinuro yung matanda dun sa may sulok.
I heard him sigh pero mabilis din siyang bumitaw sa balikat ko.
"I'll be right back. I'll just check her." Tumango ako't nagpa una ng lumabas ng train.
Hindi pa ko ganong nagtatagal sa pag-upo sa bench dito sa women's section, nakita ko nang palabas na si Richmond at inaalalayan yung matanda.
"Kamusta si Lola?" Salubong ko saka siya tinulungang alalayan yung matanda para makaupo.
"She was abit shocked from the commotion earlier, but i already check her pulse and blood pressure and thankfully they're normal."
"Hay, salamat naman kung ganon.." nanlalatang napa upo ako sa tabi ni Lola. "Bakit mo naman kasi ginawa yun? I mean, pwede naman tayong lumipat para di natin maamoy yung kili-kili powers ni K---Tss..i saw him pick pocketing the older lady who went outside."
Sasagot pa sana ko, kaso nilapitan na kami ng dalawang pulis.
"Ahmn..Sir..Miss...kailangan niyong sumama samin sa police station para sa statement niyo.."
RICHMOND.
I blew out a heavy sigh then grab Czerinna's wrist. "Don't worry, you don't need to come on that place.." Then give her an assurance smile. "Did you asked the other witnesses statement, too?"
"Yes, Sir. But since both of you are--here." Then hand him something.
CZERINNA.
*sigh*
Alam kong nakita ni Richmond ang itsura ko pagkarinig ko sa salitang police station.
*sigh* At alam ko rin na hindi tama ang nararamdaman kong galit at takot para sa lahat ng pulis, dahil lang sa nangyari sakin noon.
At hindi tamang mawalan ako ng tiwala sa kanilang lahat, pero masisisi ba nila ko?
I put all my trust in them nung panahong yun, pero puta!
Ipinagpapasalamat ko nalang talaga at walang kaalam alam si Kuya Uno sa mga nangyari sakin.
"Here..." Gulat na napatingin ako sa bote ng mineral water na biglang lumitaw sa harap ko. "Drink some water. It will helps you to calm"
Pinanuod ko nalang si Richmond na buksan ang takip ng bote, saka marahang tinanggap ng inabot niya sakin at uminom.
"Salamat.." Ng bigla akong may maalalang itanong. "Ano nga pala yung binigay mo sa Mamang pulis?"
See? Kaya wala akong tiwala sa mga pulis eh..pera pera lang talaga ang laban. Tss.. tried, tested and proven ko na yan!
"Nothing. Don't mind it."
Then nilagay niya yung dalawang kamay niya sa balikat ko, saka ako in-scan ng tingin.
"Nasaktan ka ba?" Nahaginangan ko ang pag-aalala sa boses niya lalo na ng tumingin siya sa parte ng leeg ko.
"Oo. Ayos lang ako. Wag mong ibahin ang usapan. Ano yung binigay mo sa pulis? Bakit pumayag siyang wag na tayong pumunta sa station? Blank cheque ba?"
"Pfftt...and why should i do that? I'm okay coming with them, ikaw ang inaalala ko. I see your reaction earlier and---Ayan ka na naman eh, iniiba mo na naman ang usapan." Putol ko. Sabi na eh, nakita niya ang reaksyon ko kanina.
"Why are you so obsessed to know?"
"Bakit hindi? Langya, ang sama kaya ng tingin sakin nung pulis, lalo na nung sinabi mong hindi ko kailangang pumunta sa police station."
"Pfttt...really you should've told me that. So i can get his name."
"At bakit? E ano naman kung malaman mo ang pangalan nung pulis? Heh! Ayan ka na naman, iniiba mo na naman ang usapan eh.. bilis na..sabihin mo na!" This time, napapadyak na ko.
At lalo akong na bwisit ng marinig ko siyang tumawa.
"Okay, i will tell you. But, you have to answer and promise me first.."
I rolled my eyeballs.
Nasa ugali na ata talaga nilang hindi pwedeng walang kapalit. ~_~
"Ge. Ano ba yun?" Sumusukong sabi ko.
I heard him sigh saka ako iniharap sa kanya. Kaya napatingin tuloy ako sa mata niya at hindi ko maiwasang hindi mapalunok pagkakita sa kaseryosohan niya.
"If something happens to you and you will learn that we're there and didn't do anything to help nor protect you, wag ka sanang magagalit samin. Lalo na kay Ythan."
Unti-unting kumunot ang noo ko.
"May alam ka bang mangyayari sakin, Richmond?"
Umiwas naman siya ng tingin saka sunod sunod na nagpakawala ng malalim na hinga.
"At anong kinalaman ni Monyo?"
"Hindi..wala..wala siyang kinalaman..." Bumalik ang tingin niya sakin at alam kong natataranta siya. "Besides, ang sinasabi ko is malay mo lang. Tss..now where's your promise?"
"Baliw ka ba? Anong promise sinasabi mo dyan?!"
"Tch..i asked you to promised me that you won't be mad at us. Remember?"
Ay, oo nga pala. Pero wait... Nagsalitan sa pagtaas baba ang kilay ko habang tinitignan si Richmond.
"Can you also promise me na hindi kayo magagalit sakin kapag one of these days, nabalitaan niyo nalang na napatay ko na yung kaibigan niyong demonyo?"
"Pffttt... I can't promise you that, but i'll try all my best to understand why you did such horrible thing to Ythan. Pffttt..."
Dahil don, napatawa din tuloy ako.
"Now, can you promise me, Czerinna?" Biglang sabi niyang bumalik sa pag seryoso ang mukha.
Ako naman ang nag iwas ng tingin at sunod sunod na nagbuga ng hangin.
"Just like what you've said, i can't promise na hindi magalit. But i'll try my best to understand you guys." Sabay tingin ng tuwid sa mata niya.
Tumango naman siya at ngumiti ng maliit.
"Siguro naman, pwede ko ng malaman kung ano ang ibinigay mo dun sa pulis?"
"Pffttt...wala talagang ligtas sayo.." Naiiling niyang sabi na sinundan pa ng tawa. Napangiti naman ako.
Syempre, ako pa ba?! Hehe.
"I just showed him my id." Then he left me dumb founded.
RICHMOND.
"Uy, Richmond anong id ba yun? Philhealth? Pag-ibig? TIN? SSS?"
I rolled my eyeballs habang tuloy tuloy lang sa paglalakad. Pero tuloy tuloy din si Czerinna sa pangungulit.
"Sabihin mo na kasi kung anong klaseng id yun. Bakit dati, nagpakita na kaya ako ng barangay indegency, police clearance saka barangay clearance. Pati lahat ng id ko, ultimo nga birth certificate pinakita ko na din, pero isinama pa rin ako.." huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
Kala ko nga hihinto siya nung bumangga siya dahil saglit siyang natahimik. Pero saglit lang pala talaga, umayos lang siya ng tayo saka inilahad ang palad sa harap ko.
"Patingin ng id na sinasabi mo.."
Napailing na dinukot ko nalang sa bulsa ang wallet ko, syempre nabalik kanina. Saka kinuha ang id at nilapag sa kamay niya.
Ngayon ko lang nalaman ang ugaling to ni Czerinna. Hindi siya titigil hanggang hindi nasasagot ang tanong sa isip niya.
Kung matindi siyang makipag away, mas matindi ang kulit sa katawan niya. Pffttt...
CLYDE.
"Uy, picture frame! Tangina, si Brent...bumibilog na utot.." asar ko, aangatin ko palang sana pero ang gago..napigilan agad ang kamay ko.
Nilayo niya pa yung picture frame sakin as if naman, mapa ni Yamashita ang andun. Psh!
"What the fuck are you doing here, Clyde?"
Srsly? Tss...
Tinignan ko yung seryosong mukha ni Brent.
"Masama bang pumunta sa kwarto mo?" Naiiling na tanong ko.
At ang gago, lalong dumilim ang mukha.
"Yes. Especially you. Ang hilig mong makialam ng hindi mo gamit!"
This time, ako naman ang na bwisit sa sinabi niya.
"Whoa, Brent! At kelan pa naging big deal satin ang pagkuha ng gamit? I mean, we've been doing that since grade school. Besides, yung kinukuha ko, binabalik ko rin." Tanginang 'to. Na offend ako dun ah! "In case you forgot, mas marami kang nakuhang gamit ko, na hindi mo na naibalik compare sa gamit mong hiniram ko lang."
"Tss..you're barking on the wrong tree Clyde. Si Jairus ang nangingialam ng gamit mo, hindi ako."
"Tss..okay. From now on, hinding hindi na ko papasok sa kwartong to!" Sabat ko saka padabog na umalis.
Tanginang gagong yun, parang nahawakan lang ang picture frame----*lingon sa kwarto ni Brent*----Hindi kaya...
Picture yun ng chix niya, at totoong bumibilog na ang utot niya. Ayaw niya lang ipaalam samin?
Natatakot siguro si Gagong makilala ko yung chix niya. Pftt...baka isa sa najegjeg ko.
Pababa na ko ng makasalubong ko sa hagdan ang isa pang gago.
"O ba't malungkot ka? Nabawasan ba yung tubig sa utak mo?" Bati ko.
"Tanginamo, wala ako sa mood gago!" Gulat na nasundan ko nalang ng tingin ang lugo-lugong si Jairus.
CZERINNA.
"What are you doing, Czerinna?"
"Pinagkukumpara.." di natinging sagot ko.
Busy ako sa pagko-compare sa id naming dalawa.
NAME: Czerinna Erin Abad || Richmond Unicko Lee
ADDRESS: #224 Ginuntuang Papag St. ***** City, Metro Manila || #05 Premium Diamond Land, ***** City, Metro Manila.
CONTACT NUMBER : 09********* || 09*********
CONTACT PERSON IN CASE OF EMERGENCY:
Corina Abad || Vice President Carlito Solomon
*coughs*
Tangina..kaya naman pala!
Contact person niya ang bise-presidente ng pilipinas, hayup!
E kung ako yung pulis, tangina hindi ko nalang din talaga siya pipiliting sumama. Kesa naman mawalan pa ko ng trabaho, puta!
"A-ano mo si Vice?" Tanong ko habang inaabot pabalik sa kanya ang id.
"Ninong."
Napasipol ako bigla.
Tangina, pag pasko magkano kaya magbigay ng aginaldo ang isang bise-presidente?
Yan sana itatanong ko, kaso iba lumabas sa bibig kong mahadera.
"Kaya pala ang lakas ng loob niyong gumawa ng kalokohan.."
"Pft.. no. Hindi naman kami ang favorite inaanak niya."
"Kami?"
Tumango naman siya. "Kaming lima.."
"Ha?"
"Us, Majesty."
Gaya kanina, napasipol ulit ako sa narinig.
Iba talaga pag mayayaman eh, ibang level ang mga Ninong. Kundi politician, businessman, o kaya naman mga kilalang designer o ano. Basta may malaking ambag sa lipunan.
Samantalang ako, bukod sa puro tsismosa ang Ninang ko, puro manginginom naman ang mga Ninong ko. Ang malupit, PASS pa twing pasko. ~_~
JAIRUS.
Langya 'tong si Lodi...
Ilang araw ko ng hinahanap hindi pa rin kami magkatagpo. Well, exempted na yung kahapon dahil tinangay pala siya ng manyakol pero putcha!
Kapagod kayang maghanap sa buong Elite.
Pinagkakaguluhan ang kagwapuhan ko parati ng mga fan girls. T_T
RICHMOND.
"Yown, nakita ko rin!"
I heaved a sigh then look at the signage in front of us.
THET'S WHOLESALE & RETAIL TSHIRT PRINTING
"Ate, wala bang discount?" Bumalik kay Czerinna ang tingin ko, only to find out na nasa loob na pala siya at nakikipag usap na dun sa isang staff.
Open area naman kaya dinig ko pa rin sila.
"Gawin mong twelve pieces, Miss para whole sale price.."
"Ate, sampu lang ang kailangan ko. San mo naman ako paghahanapin ng dalawang ligaw na kaluluwa? Discount nalang te, kahit onte..sige na.." She even lean on the glass shelf.
Napantingin naman sa gawi ko yung staff kaya tinanguan ko nalang siya and even mouthed "Just do it.."
Saka ako naglabas ng isang stick ng sigarilyo at nagsindi. Nagulat pa ko ng maramdaman kong may kumakalabit sa tabi ko.
"Pwedeng enge?"
At hindi ko napigilang mapatawa ng mahina sa itsura niyang kala mo namamalimos talaga. Pffttt..
Malungkot yung mukha niyang parang nagpapa awa, habang nakalahad ang isang kamay.
Nagbuga ko ng usok saka iniabot sa kanya ang pack ng sigarilyo.
And just like magic, biglang nagbago ang expression sa mukha ni Czerinna.
CZERINNA.
YOWN! Kala ko di niya ko bibigyan eh..pfftt...
Nagmamadali kong kinuha sa kamay ni Richmond yung kaha saka kumuha ng isang stick at nagsindi.
Nang biglang may lumapit na poso. Nalunok ko tuloy bigla yung usok dahil sa gulat.
"Pangalan?" Sabi ni Manong poso na ready nang sumulat sa hawak niyang pang ticket.
Malas amp!
Si Richmond kanina pa naninigarilyo, di nakita samantalang ako....awang ang bibig na nanlalaki ang matang napantingin ako kay Richmond.
*sigh*
Kaya pala...tapos na pala siyang mag yosi.
"Miss, kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo, kahit contact person nalang para matawagan ko ang guardian mo. Mukhang estudyante ka pa ah!"
"Tss..here.."
At para kong nakakita ng liwanag ng biglang iabot ni Richmond sa poso yung id niya.
"S-sir!" Aba't tignan mo siya oh! Sinaluduhan pa si Richmond!
"Pftt.." Napalunok nalang ako ng samaan ako ng tingin ni Kuyang poso. "Sir, pasensya na pero guardian niya po ang kailangan ko."
Lumipat ulit kay Richmond ang tingin ko.
"That's why i'm giving you his name.." ani Richmond na ang tinutukoy ay yung pangalan ni VP na nasa id niya.
"Po?"
"That's her father.."
"Po??!! Naku, Ma'am sorry po...sorry po talaga..." Di magkandatutong hingi ng paumanhin sakin ni Kuyang poso.
Maang na napatingin naman ako kay Richmond at ang gago, nagkibit balikat lang saka natatawang tumalikod.
"Nako, Mamang poso hindi po.. sige ho, ticket-an niyo nalang ho ako.." Tangina. Ano ba tong si Richmond, ginawa pa kong anak ng bise-presidente! Hayup!
"Ay, nako Mam hindi ko po yun magagawa. Saglit lang po at tatawag lang po ako sa mga kasama ko para masiguro ang kaligtasan niyo..."
"PO?!!!? Nakooo...." *iling* Sabay tingin kay Richmond. "Hindi na po kailangan..paalis na din po kami.." sagot ko saka sinabayan ng talikod at nilapitan si Richmond.
At ang gago nakuha pang tumawa ng hilahin kong palayo.
RICHMOND.
"Bwiset ka! Ginawa mo pa kong anak ng bose presidente!"
"Pft..atleast he treats you with respect and hindi ka niya hinuli for smoking." I said then shrug.
"Edi sana tinikitan niya nalang ako, jusko! Kesa naman ganon..tangina, Richmond..nanloko tayo ng taong maayos na ginagampanan ang trabaho niya!"
"Balasubas lang ang bunganga ni Lodi..pero hindi siya sinungaling..." Jairus words suddenly rings on my ears and i can't help but to smile.
Sa lahat ata ng kapalpakan niya mukhang dito lang siya kay Czerinna tumama.
"Tinatawa-tawa mo? Jusmeyo, pano na yung pinagawa kong tshirt?"
"Pft..don't worry bout it. The lady told me na balikan nalang daw natin after an hour."
"Ahh..buti naman.." Napangiti ako. "Pero wag kang matuwa, hindi ka pa abswelto sa pagsisinungaling mo." *frown*
CZERINNA.
~~~~~~ AFTER ONE HOUR ~~~~~
Inaya ko na si Richmond na balikan namin yung pinagawa kong tshirt.
Wala na siguro dun si Kuyang poso.
*sigh*
Buti nalang din at nalibang kami sa pag iikot at syempre ako, kaka nguya..hehe.
May nadaan kasi akong nagtitinda ng hilaw na mangga at pak! Ang perfect ng bagoong na kapartner, sarap ng pagkaluto. Perfect yung tamis at anghang.
Nung una, ayaw ni Richmond nung mabagoong. Pero dahil makulit ako, wala siyang nagawa at tinikman niya rin. Bandang huli nagustuhan niya pa. Hahaha.
Syempre, gusto ko maging unforgettable din sa kanila ang araw na kasama nila ko. ^_^
"Iba-box ba lahat, Miss?" Nagulat pa ko ng makita kong andito na pala kami sa pinagpagawaan ko ng tshirt. At nasa harap ko na si Ateng nakausap ko rin kanina.
"Hindi. Yung siyam lang po.. tas pakisulatan sa labas ng box miss ah. Paki lagay yung nasa pangalan ng tshirt sa labas para di ako magkamali ng bigay.."
"Sige."
Patalikod na si Ate ng tawagin ko ulit.
"Yung Czerinna ang pangalan, yun ang hindi iba-box." Bilin ko.
Syempre, alangan namang ipakahon ko oa yung para sa sarili ko diba?
Saktong nailagay na ni Ate sa plastic bag na malaki yung mga box ng lumapit si Richmond, na ewan ko kung san galing.
Nag yosi ata ulit eh.. psh!
Pagkabayad ni Richmond, hinila ko na siyang palabas ng stall at naglakad na ulit pabalik sa lrt station.
Ilang sandali pa, huminto na rin ang train sa UN Avenue station kaya inaya ko na siyang bumaba. Pars balikan yung kotse niya.
Habang naglalakad kami, may naalala kong itanong.
"Nga pala diba sabi mo kanina, Ninong niyong lahat si Vice?"
"Umh..yes."
"So sino favorite niyang inaanak sa inyo?" Tanong ko.
Kasi samin, si Ate Lorraine ang favorite ng mga tao, kahit pa nga ako yung inaanak ng mga ninong at ninang ko, halatang mas gusto nila si Ate. ~_~
"Why do you want to know?"
"Wala lang.." *shrug* "Gusto ko lang malaman..hehe.."
"Pft...wala saming lima."
Ehhh??! Same same pala?! Haha.
"Edi sino?"
"Si Yros.."
Whiw! Sabi na eh.. pft. May hula na ko pero gusto kong ma confirm at tama nga ako.
"Pasaway kasi kayo..." Sabi ko nalang kaya parehas kaming napatawa.
"You must be really starving now.." Ani Richmond habang in-start ang sasakyan. Tumango naman ako at ngumiti. "Don't give me that creep smile, Czerinna.." Nawala ang ngiti ko. "I'll be choosing our dinner." Tumango nalang ako.
Habang nasa biyahe, abala ang utak ko sa pag iisip kung pano ko maibibigay sa kanilang lahat ang pinagawa kong t-shirt.
Honestly, di sana kasali si Monyo sa listahan ng bibigyan ko. Pero dahil unforgettable din naman yung bonding namin, lalo na nung sinuntok niya yung patay, pfftt...na hinimatay..kaya...ayun! Sinali ko na din siya!
Hindi rin naman nagtagal at naramdaman kong ipina-park na ulit ni Richmond ang sasakyan.
"San na tayo?" Tanong ko.
"Malate."
CAFE CHOSUN
Basa ko sa isip sa malaking signage sa harapan.
"Anneyeonghaseyo..." Salubong samin ng nakapilang waiter at waitress sa mY pintuan.
Bahagya pa silang nag bow kaya pati tuloy ako napa bow din, natawa tuloy si Richmond na tuloy tuloy lang sa pagpasok.
"Korean ka pala?" Tanong ko kay Richmond, pag upo namin.
"Hmn..yap. But not full blooded." Tutok sa menu ang mata niya, ng sumagot.
"Panong not full.." Tanong ko ulit.
Umariba na naman ang pagiging tsismosa ko. Haha. Buti nalang at hindi tinotoyo 'tong kasama ko, at sige lang din sa pagsagot.
"My grandfather is full blooded Korean, while my grandma is an Aussie..." Anong usi? Usisera? Itatanong ko palang sana, kaso, nagsalita siya ulit kaya tumahimik nalang ako. "So my father is half korean, half australian."
Ay, lintek! Buti di ko nasabi yung usisera! Puteks, kundi baka sinakal ako nitong si Richmond. Baka sabihin, ginaya ko pa sakin ang Lola niya. Hehe.
"Then my mom is a Filipina."
"Tangina..kaya pala ang gwapo mo...Lintok! United Nations pala ang dugong nananalaytay sa ugat mo.."
"Pffttt... you're really crazy.."
"Tayo palang tao..." Sabi ko ng mapansin kong wala pang ibang costumer.
Tapos yung mga waitress na nakapila, lahat samin nakatingin at halatang inggit sakin.
Ganda ko kasi eh.. Hakhak ^_^
Hindi niya naman siguro--
"Pft. Ofcourse, i reserved the whole place."
*sigh* Sabi na eh. Langya.
Nagulat pa ko ng hawiin ng isang waiter yung japanese style partition slash divider.
Waaahhh...LIVE BAND!!!
Nanlalaki ang matang lumanding kay Richmond ang tingin ko.
"Belated happy birthday again, Czerinna. Hope you like it."
"Di halataang pinaghandaan ang date na'to.." natatawang biro ko.
"Honestly, ito lang ang napaghandaan ko. The whole date? Pft. Ikaw ang nasunod eh.. Naka encounter tuloy tayo ng---Sus, change topic na. Okay naman tayo pareho. Kaya enjoyin nalang naten ang araw na'to." Putol ko agad sa sasabihin ni Richmond.
Baka kasi biglang pumangit ang mood niya, sayang naman. Masasayang lang 'tong pa dinner with live band niyang eksena.
RICHMOND.
"Oh..sayo to.." then she handed me a box.
We're here at Elite's main gate.
Thankfully, natapos naman ng maayos ang dinner namin and we both really enjoyed it.
Andami kong nalaman ngayong araw na'to, at andami kong natuklasan sa pagkatao ni Czerinna.
I found out na mas gusto niya yung mga songs na banda ang kumanta. At andami niya ring alam na kanta. Sinasabayan niya halos lahat ng kantang pinlay ng band kanina e. Pfftt..
Nag-aalangan man, i don't have a choice but to get it specially when she glares at me. Pft.
I must say, Czerinna is really one of a kind. I asked her to tell me what does she want me to give her, though i was the one who pays for it, but i didn't expect her to also give me the shirt.
I thought she asked the lady to do it, because she's going to give those shirts to her friends.. Pero mukhang pati kami meron.
I knew it, i saw Jairus name on the box inside the plastic.
"Thanks.."
"No, thank you. Nag enjoy ako grabe. Saka thank you din kasi, kahit alam kong ayaw mo ng makulit..pinag tyagaan mong sagutin lahat ng tanong ko. Thank you, Richmond." Genuine smile flash on her lips.
Then she unbuckle her seatbelt at nagpa una ng bumaba ng sasakyan.
I told her na sa parking lot na siya bumaba pero she insist na lalakarin niya nalang daw.
Binagalan ko nalang ang pagpapatakbo ng sasakyan para masabayan ko siya. Muntik pa siyang hindi papasukin ng guards, kaya nag signal light ako saka sumenyas na magkasama kami kaya lang siya nakapasok.
After kong masigurong ligtas siya, since nasa loob na kami ng Elite. Saka ko lang binilisan ang patakbo ng sasakyan ko lalo na ng makita kong may ilan pang students ang palakad-lakad.