diecisiete
"Puwede ba akong magtanong?" niyakap ko ang dalawang tuhod habang nakaupo sa tabi ng pool at siya naman ay nakatayo sa pool at nagpapahinga.
"About what?" he said back.
Humugot ako ng malalim na hininga at umiwas ng tingin. Hindi naman gano'n kaliwanag dito sa pool area pero sa puti ni Juan ay kitang-kita siya. Kahit sabihin kong sa ilang buwan namin itong ginagawa ay sanay na ako, ayokong titigan siya ng matagal na ganyan ang itsura niya.
"N-Noong naabutan kitang nakalubog dito sa tubig..." nagkatinginan kami. "Imposible namang nalunod ka lang bigla 'di ba? Sobrang galing mong lumangoy."
He licked his lower lip and I could hear him breathe heavily. "Hindi ako nalunod no'n, Vera. I told you may iniisip lang ako."
"Pero muntik ka nang makatulog! Alam mong nasa ilalim ka ng tubig at puwedeng walang sumalba sa'yo. K-Kung hindi kita naabutan ng gabing iyon—"
"Maaabutan mo ako," he cut me off. "Maaabutan mo ako kasi hihintayin kita," buong loob niyang sambit.
Natigilan ako.
Water splashed nang gumalaw ito sa tubig upang lumapit sa direksyon ko. Ilang hakbang lang niya nasa harapan ko na siya at sa isang iglap ay nakaangat na ito sa tubig at umupo sa tabi ko. Nagdaluyan muli ang mga tubig pero hindi ko na alintana kung medyo nabasa ako.
Nakaupo na siya sa tabi ko ngayon habang sinusuklay ang buhok patalikod. Basang-basa ang katawan niya at parte ang mga labi.
Pinilit kong kinalma ang pag-alon ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. "W-Wala ka na ngang malay... kung hindi pa kita sinampal..." bulong ko.
He chuckled. "If you're thinking I might harm myself because of what's happening to my family, then stop worrying about it," he assured me. "I won't."
Pinagdikit ko ang dalawang labi. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili, gusto ko makita niyang seryoso ako dahil pinag-uusapan namin ang buhay niya.
Binuksan ko ang bibig upang may sabihin nang biglang bumaling ang ulo nito sa akin, ilang pulgada ang layo ng mukha nito sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Why are you asking about this? Do you want to hear it?"
Napatuwid ako ng upo. Tinutukoy niya ba ang problema niya sa pamilya niya?
"P-Puwede?" hindi makapaniwala kong tanong. Ilang linggo na akong kating-kati na magtanong. Pero iniisip ko na hindi ako ganoon kahalagang parte ng buhay ni Juan para mag-usisa sa mga gano'ng bagay.
Akala ko ayaw niyang magsabi. Kaya hindi ko na rin siya pinilit.
His chest heaved. "I thought you had so much on your plate to take care of... Moris, school, money, and such. Ayoko nang dumagdag sa mga iniisip mo..." he titled his head towards me. "I felt bad when you saw what happened back in the hospital, and when you saved me from almost drowning. Pakiramdam ko nagiging pabigat ako sa'yo."
I felt a sting in my chest.
Hindi. Hindi ka pabigat. Hindi ka abala.
"Hindi totoo 'yan. Makikinig ako. Kung gusto mong magsabi. Makikinig ako, Juan," seryoso kong sagot.
He nodded and looked away. Sinundan ko lang siya ng tingin. His palms were placed on the edge of the swimming pool.
"Ever since I was born, I was told that I will never inherit my Abuelo's company. Though I was trained with my cousin, Tyler, since we were young in how to be a good businessman. I only obliged because my father says so, my Abuelo says so. But I never had the desire to manage the family business."
Nakatitig lang ako sa kanya.
"The reason Tyler was the one who'll inherit the company is because it's only Auntie Breena, who followed the traditional marriage my family has. Dad did not follow and married Mom... Because of that, even though my father was older than her, my Abuelo decided to give the company to my cousin. As a reward for Auntie's obedience..."
Tumingin siya sa akin, ngumiti ako. "Go on..."
He smiled back. "One day when I was fourteen and he was ten years old, we're all in our vacation house in Tagaytay. Tyler was so eager to ride a bike with me, I told him no because the weather was not that good... But I guess because I am his only cousin he was so excited to try things with me. So at the end we rode the bike. Not until it rained so hard, the road was slippery, we're at the edge of a hill..."
Lumalim ang hininga nito kaya hinawakan ko ang kamay niya. Lumapat ang mainit kong palad sa malamig nitong kamay.
"His bike slipped with him, until he drowned in the sea. I was so shocked, I followed him. Nalaglag rin ako sa bangin at bumagsak sa tubig... My head was hit by the bicycle, but I was eager to save him. I-I saved him... Wala na siyang malay. I saw blood everywhere, and I didn't even know if it was his or mine. I-I just want to save him..."
Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya.
"Almost half an hour passed and our family found us. Tyler and I were sent to the hospital. He regained his consciousness but went through a lot of brain tests... My Auntie Breena blamed me for what happened to Tyler. That I planned it to take the company away from them... It was not. I-It was not true, I don't want the company, I want the best for Tyler."
Silence was so loud when he stopped speaking.
"Eventually Tyler recovered. But he developed this disease that triggered the collapse. He hated me after that. He knew the truth... but he chose to believe his mother." he chuckled without humor. "It's understandable though, maybe his memories were not that clear anymore. That's why I studied in different schools, went home late, and went back to school early..."
Marahan akong tumango-tango. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "K-Kaya tahimik ka palagi. Kaya sinusunod mo na lang sila para walang gulo..." natigilan ako at tumingin sa kanya. "Para hindi ka makakuha ng atensyon. Para hindi umingay ang pangalan mo? Bakit? Na-ti-trigger sila Tyler kapag may nagagawa ka? Natatakot silang malamangan sila?" hindi ko na napigilan ang magsalita.
He matched my intense gaze. That was so unfair.
"K-Kung para naman talaga sa kanya ang kompanya... bakit sila matatakot? Wala na dapat siyang kailangan patunayan kung deserve niya 'yon. H-Hindi ka dapat nila..." bumuntong hininga ako.
Nakatitig lang siya sa akin.
"B-Bakit pinipilit mo ang sarili mo sa tubig? Na-trauma ka ba? N-Noong niligtas mo ang pinsan mo?"
He pursed his lips. "I was in the water that time for about half an hour. Trying to hold Tyler's body." he looked away. "It was cold. I was so anxious he might not wake up, or no one would come and save us. It was so dark and raining so hard... that half an hour felt like a whole day. After that, I never let myself stay in the water again."
Bumigat ang paghinga ko. "Ano'ng nakapagpadesisyon sa 'yong subukan ulit ngayon?"
"Hindi puwedeng ganito ako habang buhay, tsaka... hindi naman nila malalaman." he smiled at me. "That's why I availed your special services. So that no one would know."
Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Hindi niya deserve sa ginawa sa kanya. Hindi niya kasalanan iyon pero siya ang pinapabayad. He was fourteen years old! He was alone that day when he saved his cousin. Pareho lang silang nalaglag sa bangin at muntik malunod!
B-Bakit hindi nila siya inisip?
Sinugal niya ang sarili niyang buhay pero siya pa ngayon ang nagdurusa?
S-Sobrang bait ni Juan... bakit nila ginagawa sa kanya 'to?
Nanikip ang dibdib ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan, ngunit may nagmumultong ngisi sa labi nito. Pero hindi ako tinatablan. Alam kong gusto niya lang idaan lahat sa biro, ayaw niyang maawa ako sa kanya. Ayaw niyang ipakita na nahihirapan rin siya.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari." tinapos ko ang namuong katahimikan sa pagitan namin at humarap lalo sa kanya. "Ginawa mo lahat para iligtas ang pinsan mo, aksidente na nahulog siya sa bangin, hindi niyo ginusto ang nangyari... w-wala ako doon pero alam ko wala kang kasalanan," gumalargar ang boses ko.
Bakit apektadong-apektado ako kay Juan?!
Namungay ang mga mata nito. "How did you know? What if I am lying to you right now?"
Umiling ako. "Hindi mo kayang gawin 'yon."
His brows drew together. "Why?" he was trying to get me.
"Kasi hindi ka gano'n," buong loob kong sagot.
I saw how pain struck him. "You trust me? Veronika?" the uneasiness in his voice was so evident.
Tumango ako hindi pinuputol ang titig sa mga mata niya. "Oo."
"Why?" he went closer. I didn't move, not even a bit.
I don't know but I feel this kind of security in him. I feel safe around him. I feel comfortable around him. I was never scared of him.
"K-Kasi kilala kita."
Natigilan ito at umatras na. "How can you be so sure?" panghahamon nito.
I gulped. My grip on his hands tightened and he felt that, his eyes went down to it before he brought it back to me. Like I was getting my strength from it.
"Marami na akong nakasalamuhang tao buong buhay ko. Iba't-ibang ugali. Alam ko na bumasa ng tao. Pero ikaw... you were like a transparent book for me. You tried to be alone and independent, but you can't keep yourself on helping people. You tried to look strong but you're fragile inside. You're like a mature kid trapped in big man's body. Y-You're an innocent... baby giant." parang aapoy ang pisngi ko nang tamaan ako ng hiya.
Hindi ko alam saan ko nahugot lahat ng sinabi ko. Pero sigurado ako totoo lahat ng iyon. Gustong-gusto kong sabihin na iyon sa kanya pero hindi ko alam paano. Kahit para akong matutunaw ngayon sa hiya nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Natahimik kami. Unti-unti kong binalik ang mata sa kanya at parang malalaglag ang puso ko nang mahuli itong mapungay pa rin na nakatitig sa akin.
I felt a pang in my chest.
Merong umuusig sa akin na yakapin ito, protekhan, laban sa mundo, sa mga umaapi sa kanya. Hindi niya deserve ito.
I appreciate a lot of people in my life. Moris, Jayen, Auntie. But I really appreciate him most.
"You're special to me, Vera," he muttered under his breath.
Hindi ako nakasagot.
He stared into my eyes. "I hope I won't lose you."
Unti-unting pumorma ang ngiti sa aking labi. "Hindi ako mawawala sa'yo."
──── ୨୧ ────
"Juan Theodore!" sigaw ko habang papalapit sa kanya at kumakaway.
Muntik niya nang mabuga ang kinakaing hotdog at tumingin sa direksyon ko. Nakaupo ito sa bench malapit sa open field. Nagtinginan ang ibang mga estudyante sa amin.
"V-Vera..." gulat na wika nito.
Umupo ako sa tabi niya at ngumiti. Hindi siya sanay na basta-basta ko siyang nilalapitan sa public. Pero alam naman na nang lahat na magkaibigan kami. Finollow niya nga ako sa account niya!
At isa pa.
Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi na siya nag-iisa ngayon. Hindi niya na kailangan isarili lahat dahil hindi na siya hangin sa paningin ko ngayon. At sisiguraduhin kong ganoon rin siya sa mata ng iba.
Juan exists. Juan has a life. Juan should be appreciated.
"May klase ka pa mamaya?" kaswal kong tanong.
Uminom ito ng chocolate drink and umiling. "Wala na. Ikaw?" baling nito.
Umiling rin ako. "Wala na rin. Sinamahan ko lang si Jayen hintayin 'yong sundo niya. Tuloy ba session mamaya?"
"Yes. Why? Are you tired?"
Natawa ako. "Hindi ah. Syempre, hindi." syempre sasamahan kita.
Ngumiti siya sa akin. "See you later then."
"Huh? Bakit mamaya pa? Magkasama na tayo ngayon?"
Lumingon siya sa akin. "Wala ka nang ibang gagawin? It's only five PM."
"Wala na. Hintayin na natin mag-six thirty. Dito lang ako."