The Sentinels Series (Book 1)...

By Yuumin03

2.7K 43 0

Yazmine fell inlove for the first time during in her high school. She loved and trusted Thomas. Hindi niya ak... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 2

227 4 0
By Yuumin03

“NAKU naman, ano may boyfriend na nga sumasama pa sa iba.” Iiling-iling na sabi ni Nova.

                Tapos na ang klase at naisipan nilang mga The Sentinels ang tumambay muna sa plaza. Tutal wala naman pasok at biyernes naman kahit gabihin pa sila walang problema.

“Wala ka nang magagawa kung ‘yan ang gusto nila. Gusto pa nila ng isa eh. Hindi kontento sa isa.” sarkastikong sagot niya.

“Ang Yazmine, puwede magtanong?” si Reia.

“Nagtatanong ka na nga eh. Ano ba iyon?” pamimilosopo niya.

“Dinig ko nagkita daw kayo ni Tom last Monday, totoo ba iyon?” curious na tanong nito.

Naibuga niya ang iniinom na tubig. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. Pilit kasi niyang kinakalimutan ang nangyari noong nakaraang Lunes. Hanggang ngayon, kinukunsesiya parin siya sa pagsigaw niya kay Tom.

“Ah oo. Bakit?” kaswal na sagot niya.

                “Grabe ka naman kung makapag-react. Paano kayo nagkita at ano ang nangyari?” sunud-sunod na tanong ni Natalya.

                Ayaw sana niyang sagutin ito pero lahat ng kaibigan niya ay nakatingin sa kanya. Naalala niya tuloy ang hitsura nito na pilit niyang kinakalimutan. Nakakakilabot kasi kapag naiisip niya ito.  Hindi niya kasi maatim ang mga mata nito. Masyado kasing matalim kapag tumitingin ito kahit ngumingiti pa. Makapal ang mga pilik mata at kilay nito. Guwapo, matangkad at moreno ito. Higit sa lahat ang pinakapaborito niya ay may dimple ito sa magkabilang pisngi.

                “Teka, teka. Ano ba ‘tong iniisip ko? Ang sagwa!” awat niya sa sarili.

Napilitan nalang siyang ikuwento ang lahat ng nangyari.

Iba-iba ang reaksyon ng mga ito sa kanya.

                “Min, mag-iingat ka sa kanya. Baka paglaruan ka niya. Papatayin talaga namin siya kapag may nangyari sa’yo.” banta ni Emma.

                Ngumiti siya at isa-isang niyakap ang mga ito. Pero alam naman niya na nagbibiro lamang si Emma sa huling sinabi nito.

                “Hindi naman sa ayaw naming sa kanya ha. Ayaw ka lang naming makitang umiiyak. Dahil baka totohanin namin ang sinabi ni Emma.” nakangiting sabi ni Flordy.

                “Alam niyo, wala naman akong gusto sa kulugong iyon eh. Kaya huwag kayong mag-alala. Kung magkagusto man ako o liligawan ako, kayo ang unang makakaalam.” nakangiting sabi niya sa mga ito.

                “Okay group hug!” sigaw ni Natalya kasabay ng paglahad ng dalawang kamay nito. Nakisakay narin sila.

                Hindi lang kaibigan ang turingan nila sa isa’t-isa kundi magkakapatid narin. Simula kasi elementarya, magkaklase na sila. Kaya halos kilala na nila ang isa’t-isa. Lahat ng likes at dislikes nila, kabisado na nila. Kaya siguro tugma ang utak nilang anim.

                Dumidistansiya sila sa ibang kaklase nila. Masyado kasing pre-mature ang mga utak ng iba. Kumbaga, they don’t act their age.

                “TOM, hindi ka yata nagkukuwento sa nangyari noong Lunes?” interisadong tanong ni Harry.

                “Kailangan ko pa ba talaga ikuwento sa inyo iyon?” tanong niya sa mga ito.

Ayaw sana niyang ikuwento dito ang nangyari sa kanila ni Yazmine. Siya ang nagmukhang kawawa sa nangyari. Sa pagiging presko niya, masama tuloy ang first impression nito sa kanya.  Hindi niya alam kung bakit parang gusto niya ulit makita ito. Siguro iba ito sa mga babae na nakikisalamuha niya. Parang ito lang ang walang interest sa kanya. Na-challenge siya tuloy na makausap ulit ito.

“Oo naman. Kung hindi siguro sa amin ni Harry, hindi kayo magkakabanggaan ‘non.” pagmamalaki ni Chace.

“May utang na loob pala ako sa inyo?” 

“Parang ganoon na nga.” sabat ni Harry kinagat pa nito ang chocolate na kanina pa nito nilalantakan.

“Hindi niyo magugustuhan ang kung ikukwento ko sa inyo.” at tumingin sa malayo.

“Bakit naman? May nangyari bang hindi maganda?” curious na tanong nito.

“Oo.” walang ganang sagot niya.

Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari. Hindi maipinta ang mga mukha nito.

“Ganoon nalang ‘yon? Susuko kana?” nakataas pa ang kilay na tanong ni Chace.

“Siyempre hindi. Kilala niyo ako diba? Wala akong gusto na hindi ko nakukuha.” pagyayabang niya.

Nagsitanguan ito na para bang pabor ito sa sinabi niya. At itutuloy niya na ang planong panliligaw kay Yazmine.

“CAN I take your order ma’am?””

“Isang chicken fillet with rice at coke float.”

Naisipan ni Yazmine at mga kaibigan niya na mag-mall. Sabado at walang pasok. Katatapos lang naman ng exam kaya wala silang masyadong assignments at projects.

Kasalukuyang kumakain sila sa McDo ng tanghalian. Eksakto din ang timing nila sa pagpunta sa mall. Darating ang mga paborito nilang artista lalo na si Daniel Padilla. Kaya maaga silang nagpunta doon kahit pa hapon pa ang mall tour ng mga ito.

“Makikita ko na sa personal si Daniel ko!” tili ni Emma. Hinalikan pa nito ang litratong collection na dala-dala nito para ipapa-autograph sa binata.

“Nakakadiri ka Emma, kumain ka na nga. Baka maimpatso pa ako sa’yo eh.” awat ni Reia dito.

Inirapan lang ni Emma ito at itinuloy ang pagkain.

“Nat, sa’yo na lang ‘tong sundae ko. Hindi ko maubos.” pakiusap ni Reia kay Natalya sabay turo sa caramel sundae.

“Akin na.” hindi rin nagdalawang isip si Natalya at kinain ito. Medyo may pagkamatakaw naman kasi ito kaya hindi tumatanggi sa grasya.

“Min, samahan mo ako mamaya sa Odyssey, ha? Bibili ako ng I Got A Boy ng Girls’ Generation.” Pakiusap ni Reia sa kanya.

“Okay.” payag niya. Adik kasi ang kaibigan niyang ito sa Kpop. Lahat ng album kahit may limang-daan hanggang isang libo pa ang presyo ng bawat album ay hindi nito inuuurungan. Kumpleto pa nito ang album ng Girls’ Generation kaya nahawa na rin sila dito.

“Yazmine diba si Tom ‘yon?” turo ni Nova sa direksyon ng binata.

“Oo nga ‘no? Ano kaya ang ginagawa niyan dito?” tanong ni Reia habang hinihimas ang busog na tiyan.

“Natural gumagala din. Tayo lang ba ang may karapatang gumala dito?” pamimilosopo ni Emma.

“Bakit ikaw ba ang tinatanong niya? Kumain ka na lang diyan.” banat ni Flordy.

“Ang mga bruhang ito talaga oo. Napakatalas ng mga dila.”  kausap nalang niya sa sarili.

Tiningnan niya ang direksyon ni Tom. Nahuli siya nito na nakatingin. Ngumiti lang ito sa kanya. Hindi niya kaagad binawi ang paningin niya dito dahil baka sabihin pa nito na nagnanakaw siya ng tingin dito.

Nunca niya may pride din ako no, akala niya.

Kinindatan siya nito.

Aba feeling. Ang kapal ng mukha!

Tinaasan lang niya ito ng kilay at inalis niya ang tingin na parang walang nangyari.

“Tara, hang-out na tayo.” yaya niya sa mga ito.

Nagsitanguan ang mga ito. Nauna siyang tumayo kasunod ang mga kaibigan niya. Inuubos pa ni Natalya ang softdrinks nito at saka tumayo na rin.

Nakita niyang sinusundan siya ng tingin ni Tom.

“Kathniel!”

Walang katapusan ang hiyawan ng mga tao pagdating ng mga iniidolong artista. Kanya-kanyang picture ang mga tao sa paligid niya. Ang mga cellphone at camera nagkikislapan. Masyado ring masikip dahil sa pagtutulakan ng mga tao. Ngunit hindi niya alintana ang siksikan. Mas lalo pa siyang nae-excite na makita ang kanyang mga idolo.

Sa sobrang gitgitan ng mga tao. Muntik na lang siyang matumba nang may sumalo sa kanya.

“Opps…”

Hinarap niya ito. Nalukot ang mukha niya nang makita kung sino ang sumalo sa kanya.

“O bakit para kang nakakita ng multo?” tanong ni Tom sa kanya na nakakunot ang noo.

“A-anong ginagawa mo dito?” pag-aalinlangang tanong niya sa binata.

Sumilay nanaman ang ngiti sa mga labi nito.

Peste! Huwag kang ngumiti ng ganyan sa’kin dahil baka masakal kita walang hiya ka! bulong niya sa isip.

“Siyempre nanonood din.” sagot lang nito.

“Kanina ka pa ba diyan?”

“Oo, ang ganda mo pala pagnakatalikod.”

Aba ininsulto pa ako ng gunggong na ‘to.

“Ah ganoon?” ngiting aso lang ang iginanti niya dito.

Hindi niya na nilingon ito at pinilit ang sariling isipin na wala ito sa paligid niya nai-interrupt kasi ang isip niya kapag nasa paligid lang niya ito.

Bigla niyang naramdam na may mabigat na bagay na nakatuntong sa balikat niya. Nakaakbay na pala ito sa kanya. Nilingon niya ito at nakatitig ito sa kanya. Malapit lang ang distansiya ng mukha nila. Na sa maling galaw lang nilang dalawa, sigurado mahahagkan na siya nito. Inilayo niya ang mukha niya at malakas na hinampas niya ang kamay nito sa balikat niya. Panandaliang napangiwi ito sa sakit.

Nilapitan niya ang mga kaibigan niya saka sumali sa trip ng mga ito. Simula ng mga oras na ‘yon hindi na siya ginambala nito.

“HUU! Kakapagod pala makipagsiksikan. Pero sulit na rin nakakuha ako ng autograph kay Daniel ko!” tili ni Emma.

Nasa National Book Store sila. Dito sila tumatambay kung wala na silang magawa. Maganda kasi para sa kanila ang pampalipas oras na pagtingin-tingin sa libro at pagbasa sa mga ito.

“Nakapa-picture pa.” ngingiti-ngiti pang sabi ni Flordy habang pinagmamasdan ang picture sa cellphone nito.

Habang ang mga kaibigan niya ay nagpapakasaya at nakaupo sa sahig. Siya naman ay tumitingin-tingin sa mga aklat pero lumilipad ang isip niya sa nangyari kanina. Hindi niya ikinuwento ang nangyari sa kaibigan niya dahil baka sermonan lang siya nito. Ngayon lang niya naramdaman ang damdaming kinikilig siya sa kanyang sarili. Hindi niya ini-expect na may lalaking gagawa sa kanya ng ganoon. Akala niya kasi walang magkakagusto sa kanya dahil isa siyang nerd at walang pakialam sa mundo na para bang walang damdamin. Nasira ang pagmumuni-muni niya nang tawagin siya ni Reia.

“Yazmine! Ano ba ang nangyayari sa’yo? Wala ka yata sa mood ngayon. May problema ba?” tanong nito sa kanya.

“Wala naman. Pagod lang siguro ako. Ang sikip kasi kanina.” Palusot lang niya habang ipinapaypay ang panyo  na hawak niya.

Nagkibit-balikat lang ito at itinuloy ang pakikipagtalastasan sa iba pa nilang kaibigan.

“Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? Ba’t napaka-weird ko?”

Nang mag-alas siyete na ng gabi ay nagdesisiyon na silang umuwi. Dumiretso sila sa parking area ng jeepney upang makasakay nang maayos.

Nahuli siyang sumakay. Papasok na sana siya ng jeep kaso may asungot sa loob na ayaw niya sanang makita pa. Si Tom. Pauwi rin pala ito at nakasabay niya ito nang wala sa oras. Pero nagtataka siya kung bakit nakasakay ito sa jeep. Diba mayaman ‘to? At may sariling sasakyan? Hindi kaya sinusundan ako ng walang hiyang ‘to? Kasama pa ang mga alagad nito. Pinilit na lang niya ang sariling sumakay. Kaysa naman sa mapagalitan pa siya dahil gabi na at dahil pa sa kaartehan niya sa katawan.

Umismid ito para bigyan siya ng bakante para makaupo. At nagkatabi nga sila. Nang makasakay na silang magkakaibigan, ngumingiti lang ang mga ito sa kanya. Inirapan lang niya ang mga ito. Malayo sila sa isa’t-isa. Medyo puno na kasi ang jeep nang makasakay sila.

“Hi!” bati nito sa kanya nang makaupo na sila nang maayos.

Sa halip na batiin ito, ay binara niya ito. “Akala ko ba may sasakyan ka? Bakit ka nagtitiyagang sumakay dito?’

Mukhang hindi nito inaasahan ang tanong niya. Ngumiti lamang ito.

“Aba, may update ka rin pala tungkol sa’kin?” inaasar pa siya ng loko.

“Paano ko hindi malalaman iyon. Halos lahat ng tao sa campus alam ‘yon.” pagtatanggol niya sa sarili. Hindi siya patatalo dito.

“Ay oo nga pala. Wala lang gusto ko lang ma-experience ang mag-commute.  Sabihin mo nga, ayaw mo ba sa’kin?” diretsahang tanong nito. Masyadong malakas ang hangin kaya hindi niya ito masyadong marinig.

“Anong sabi mo?” tanong niya ulit dito.

“Ang sabi ko bakit parang ayaw mo sa’kin?” nanindig ang mga balahibo niya sa batok nang bumulong ito sa kanya. Nahalata rin siguro nito na hindi niya ito masyadong marinig kaya ibinulong na lamang sa kanya.

“Talagang ayaw ko sa’yo.” sarkastikong sagot niya.

“Bakit nga?” pangungulit nito.

“Ah basta ayaw ko sa’yo.” walang gana niyang sagot.

“Sige kung ayaw mong sabihin, okay lang. Gagawin ko ang lahat na magugustuhan mo rin ako. Pangako ‘yan.” 

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Hindi niya magawang lingunin ito. Alam niyang nakatitig ito sa kanya.

Lord, please. Ilayo niyo na ito sa akin. Magsisimba na ako kada Linggo. Ilayo niyo lang ito sa akin. Please po.

Wala silang imikan hanggang huminto ang jeep sa pinto ng bahay nila. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya nang biglang hawakan siya nito sa kamay.

“Sandali hintayin mo ako. Magbabayad lang ako.” dire-diretsong sabi nito.

“Ha? A-no? B-bakit?” pagtataka niya.

Hindi nito sinagot ang tanong niya bagkus sumama ito sa kanya pababa ng jeep. Nauna pa itong dumiretso sa gate ng bahay nila. Hinarang niya ito at tumayo sa harap nito. Kinompronta niya ito.

                “Ano ba ang gusto mong mangyari, ha?” Naiiinis na siya. Hindi niya na alam ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi pa naman niya ito masyadong kilala.

                Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Nagulat siya sa ginawa ni Tom at tinapik niya mga kamay na nakahawak sa balikat niya. Pero mabilis na ibinalik parin ang mga kamay at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

                “Masama bang malaman kung saan ka nakatira?” tanong nito.

                “Hindi. Pero bakit ka pa sumama sa’kin? Paano kung makita tayo ni mama? Sigurado mapapagalitan ako na may kasama akong lalaki pauwi. Ang akala ‘non nag-date ako.” palatak niya.

                Napanganga ito sa sinabi niya. Mukhang namangha ito sa sinabi niya.

                “Naiintindihan mo ba ako, ha?” sabay tapik sa kamay ulit nito.

                “Bakit ganyan ka kung mag-isip? Sigurado ka ba na ‘yan ang mangyayari sa’yo? Hindi mo nga alam, mukhang mamamatay ka na.” ngumiti ito.

                “Basta ayokong madisma---, M-ma?” nanginginig na yata siya.

                “Anak, nandito ka na pala. At sino naman ‘tong kasama mo? Boyfriend mo?” nakangiting sabi ng mama niya. Nagtaka siya sa ginawi nito. Ang alam kasi niya ang mga katulad niyang menor de edad na dalaga ay pinapagalitan kung may kasamang lalaki. At ang mama niya, kabaliktaran.

                “Ah hindi po ma---.”

                “Goodevening po. Ako po si Thomas Lawson. Kaibigan po ako ni Yazmine.” nakangiting bati nito sabay baling sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin.

                “Nakapaghapunan ka na ba, hijo?”

                “Hindi pa nga po eh.”

                “Tara sumabay ka na sa’min.”

                “Ho? Talaga po?”

                “Oo naman. Pasok na tayo sa loob. Malamig dito sa labas.”

                Pumasok na nga sila sa loob.

                “Alam mo hijo, ngayon lang kita nakita. Bagong kaibigan kaba ng anak ko?” nakangiting tanong ng kanyang ina kay Tom.

                Nginitian lang ito ni Tom at bumaling sa kanya.

                “Ah opo, nagkabanggaan po kasi kami. I’ve ruined her things then I volunteered to help her then ‘yon nga po naging close kami.”

                Close mo mukha mo! Ang feeling mo na nga, magaspang pa at makapal ang mukha mo!

                Ngumiti lang ang kanyang ina.

“Halina kayo, kain na tayo.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...