On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Twenty

1.7K 54 2
By Red_Raselom

Mag-iisang buwan na ring bakasyon noon pero sa kabila niyon ay patuloy pa ring siyang nililigawan ni Kenneth. Tuloy, madalas siyang kantiyawan ni Josel nang: "Ikaw, masyado kang pa-chicks. Three months nang nanliligaw 'yung tao, uy. Kelan mo plano sagutin?"

Well, the truth was kahit siya'y hindi niya alam. Mahal niya ang binata, noon pa man ay inamin na niya iyon sa sarili niya. Katunayan, gusto na nga niya itong maging boyfriend. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba may pumipigil sa kanyang sagutin ito. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.

Anyway, papunta sila noon ni Kenneth sa bahay nito. Niyaya kasi siya ng mama nito na makikain ng dinner. Gusto raw kasi siyang makilala ng papa ni Kenneth.

"O? Bakit parang wala ka yata sa mood?" tanong nito habang binabagtas nila ang overpass sa Townsite, Limay.

Bumuntong hininga siya. "Sumasakit kasi ang ulo kina Mich at Dylan, e."

"O, bakit na naman?" kalmadong tugon nito.

"Sus, alam mo naman siguro kung ano ang nangyari sa kanila, 'di ba? Nabuntis si Michelle. Tapos, napagtripan siya sa kanto. Iyon, nalaglag 'yung baby nila. Kamuntikan pa yatang ma-rape." Napahilamos siya ng mukha. "Ito naman kasing si Dylan, inutil. Tama ba namang pabayaan si Mich na maglakad sa dilim, e alam nang babae iyon?"

Nakita niya sa sulok ng mga mata niya na natawa si Kenneth.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Tinatawa mo d'yan?"

Umiling ito. "Wala lang. Ang cute mo kasi."

Lalo siyang nainis sa sinabi nito. "CUTE?! So cute pa pala ako ngayong nagagalit ako?"

Muli itong natawa. "Pasensya naman, Ruby, pero naku-cute-an talaga ako sa iyo."

Inirapan niya ito. "Hmp!"

Binalot sila ng katahimikan.

Hindi nagtagal, nasa may intersection na sila. Hinihintay noon ni Kenneth na maging clear ang daan nang bigla siyang kutuban.

Bakit ba pakiramdam ko, may masamang mangyayari ngayon? Kunut noong tanong niya sa sarili. Parang--

Walang anu-ano'y biglang napaliyad si Kenneth. Nang ibaling niya ang tingin dito'y hawak na nito ang ulo at dumadaing ng sakit.

"Kenneth, ano'ng nangyayari sa iyo?" taranta niyang tanong.

"'Y-Yung ulo ko. A-Ang sakit." Mababakas sa boses nitong sobrang kirot ng ulo nito. "Parang binibiyak!" Bigla nitong iniuntog ang ulo sa manibela.

"Kenneth, 'wag--"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang umandar ang kotse nila. Naalis nito ang paa sa pagkakatapak sa breaks! Pabulusok pa man din ang dinadaanan nila kaya tuluy-tuloy silang umandar.

Nataranta siya. "Kenneth! 'Yung break!"

Patuloy pa rin sa pag-inda ng sakit ang binata. Iyon marahil ang dahilan kung bakit mali ang natapakan nito. Sa halip na breaks, accelerator ang natapakan nito!

Napairit na lamang siya. "Kenneth!" Hinawakan niya hand break. "'Yung accelerator ang--"

Natigilan na lamang siya nang makakitang mayroong paparating na truck na sasalpok sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya. Naging blangko rin ang isip niya.

And before she realized it, the truck struck them head-on, followed by sounds of screeching tires and crunching metal, catapulting Kenneth's car that flipped three times, shattering all the windows.

Then, everything stopped. Silence prevailed.

Binuksan ni Ruby ang mga mata. Everything was blurred and dark. Hindi siya near-sighted pero hindi niya maaninag kung ano ang nasa harapan niya. She knew, though, that they were upside down.

She felt a great wave of pain on her arms and neck when she tried to move. The pain was excruciating that tears welled up in his eyes. Parang may nakaturok. Nabubog siya marahil.

"T-Tulong!" Her voice was hoarse, as if she had been screaming non-stop. Maybe she did, but not realizing it. "T-Tulungan n'yo kami!"

She turned to look at Kenneth, at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ayos nito. Her eyes were still blurry but she was sure that his face was covered with blood. Hindi tuloy niya maiwasang mapairit.

"Kenneth!" She tried to reach for his shoulder, kahit sobra siyang namilipit sa sakit. "Kenneth... Kenneth..."

Humikbi siya. Kenneth was unconscious and obviously, he needed immediate medical assistance. Ang kaso'y wala siyang magawa dahil maging siya ay kailangan iyon.

"Tulong! Tulungan n'yo kami!"

Hindi nagtagal, may nagtapat ng ilaw sa kanila. She was blinded by the sudden flash of light that she had to look away.

"May dalawang tao rito! Medics!" Narinig niya mula sa labas.

Nabuhayan siya ng loob. She looked at Kenneth again, and then search for his hand. Nang makita, hinawakan niya iyon.

"Hold on, Kenneth. Makakalabas tayo dito. Madadala ka sa ospital," humihikbing aniya. "So, please, don't give up yet. Please... hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng taong nagmamahal sa 'yo."

She closed her eyes, and waited for the medics...

LATER on, salamat sa mga medic na dumalo sa kanila, mabilis silang nadala ni Kenneth sa ospital. Agad naman silang sinuri. She sustained lots of injuries, particularly in her arms dahil nabubog iyon. Strained din ang kanyang leeg na paniguradong dahil sa matinding impact na tinamo ng sasakyan nila.

Pero mas matindi ang kaso ni Kenneth. Katunayan, kritikal nga ito! Bukod sa mga galos, may bukol din ito sa noo at may ilang nabaling ribs sa kaliwang parte. The worst part? Comatose ang binata.

At nang sandaling iyon ay umiiyak siya. Alalaang-alala kasi siya sa binata.

"Anak, tama na iyan. Magpahinga ka na," sabi sa kanya ng mama niya. Ito at ang kapatid niya ang nagbabantay sa kanya. Dumating ito ilang sandali lang matapos silang isugod sa ospital. "Alam kong nag-aalala ka kay Kenneth pero kailangan mo ring alalahanin ang sarili mo."

"Mommy kasi, hindi ko mapigilan," sabi naman niya. "Nakita ko 'yung itsura niya noong nasa kotse kami after nu'ng accident. Puro siya dugo, Mommy. Natatakot ako para sa kanya. Paano kung 'di na siya magising?" Lalo siyang napahagulhol nang iyak. Napaubo pa nga siya. Tuloy, kumirot na naman ang leeg niya.

Agad namang nagpakuha ng tubig ang mama niya sa kuya niya.

"Tama na iyan, Ruby, ano ba?" Mababakas na naiinis na ito. "Magpahinga ka muna. Ito, inom ka muna ng tubig."

Agad naman niyang ininom iyon. Agad namang lumuwag ang paghinga niya.

Matapos ipatong ang baso sa mesa, hinimas ng mama niya ang ulo niya. "Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mag-pray ka lang kay God. Hindi ka niyang pababayaan. Mahal tayo Niyan."

Pinilit niyang ngumiti. "O-Opo..."

"Sige, magpahinga ka na, Anak." Inayos nito ang kumot niya saka dinampian ng halik ang noo. "Good night, Ruby."

"G-Good night din po." Pinikit na niya ang mga mata.

Kahit ilang minuto na ring nakapatay ang ilaw ng kwarto niya at ilang minuto na rin siyang nakapikit, hindi pa rin siya makatulog. Hindi talaga mawala sa isip niya si Kenneth.

Nagdesisyon siyang magdasal na lang. Papa God, please po, huwag n'yo po siyang pababayaan, sabi niya. I know it's selfish pero mahal na mahal ko po talaga siya. So, please po.

Hindi niya namalayang nakatulugan niya ang pagdarasal.

NAGING mahimbing ang tulog ni Ruby. Tuloy, mataas na ang araw nang magising siya. Bale, ang gumising sa kanya ang ang paghaplos ng mama niya sa buhok niya.

"Gising ka na pala," bulalas nito nang mapansing gising siya. Umiwas pa nga ito nang tingin at pinunasan ang mga mata.

"Mommy, umiiyak ka ba?" tanong niya. Para kasing umiiyak nga ang mama niya, batay na rin sa tono ng boses nito at maging sa kilos.

"Wala 'to, anak." Muling humarap ang mama niya at nakita niyang namumula ang mata nito. "Ano ito, may naalala lang ako. 'Yung... nu'ng namatay si Lola Marie mo." Biological mother nito ang tinutukoy na Marie.

Lie, her instinct said. Halatang may tinatago ito sa kanya. Ano kaya iyon?

Natigilan siya saka napamaang. Hindi kaya...?

"Mama, may nangyari ba kay Kenneth?" tanong niya. "Gising na ba siya? O..." She gulped down her own saliva. Ayaw niyang sabihin iyon dahil hindi rin niya masikmura.

Umiwas ito ng tingin.

"Mama, please." Hinawakan niya ang kamay nito. "Sabihin mo sa akin kung may nangyari nga sa kanya."

Bumuntong hininga ito. "Gising na si Kenneth..."

May ngiti na sanang sisilay sa labi niya pero hindi pa pala ito tapos.

"Pero may hindi magandang nangyari sa kanya."

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito.

HINDI rin masabi ni Mrs. Escodero kung ano ang nangyari kay Kenneth kaya naman naisip nitong mas mainam kung si Ruby na lang mismo ang makakita. Ito pa mismo ang nagtanong sa doktor kung pwede itong pumunta sa kwarto ng binata. Pumayag naman ang doktor, basta raw ay naka-wheel chair siya at may nurse na mag-a-assist.

Nasa harapan na siya ng kwarto ni Kenneth. She was quite nervous, anticipating kung paano niya madadatnan ang lalaki.

Ano nga ba kasing nangyari rito? Kanina pa niya iyon pinipilit alamin. Nagka-amnesia ba ito? Or worse?

She mentally shook her head. Huwag naman sana. A part of her was wishing na sana ay ginu-good time lang siya ng mama niya. Na kapag binuksan nila ang pinto, sasalubungin siya ng party poppers na pinaputok ng kambal habang sina Josel at Michelle naman ay may hawak na poster na nagsasabing, "Congrats! Buhay pa kayo!". It might be foolish pero wala namang masama kung hihiling siya nang ganoon.

Pinihit na ng nurse ang pinto. OA as usual, napapikit naman siya. Idinilat lang niya iyon ng itulak ng mama niya ang wheel chair niya.

Tahimik sa kwarto ni Kenneth. Tanging mga machine lang na nakakabit sa katawan nito ang narinig niya. Wait, pati pala hikbi ng mama nito.

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. Halos patakbo itong lumapit sa kanya. "Ruby..." Niyakap siya nito at humagulhol nang iyak. "Si Kenneth... ang anak ko."

Napalunok siya. "A-Ano pong nangyari sa kanya?" Ibinaling niya ang tingin dito. Nakahiga pa rin ito. Hindi nga lang niya masabi kung gising ba ito o hindi dahil nakapikit.

Kumalas sa pagkakayakap ang mama nito sa kanya. "H-Hindi na niya tayo niya tayo nakikilala," humihikbing tugon nito.

Kumunot ang noo niya. "Po?"

Mukhang hindi nito maipaliwanag kung ano ang nangyari sa anak kaya minabuti na lang nitong palapit siya kay Kenneth para siya na mismo ang umalam.

Inalalayan siya nitong tumayo. Tapos, sinenyasan siyang kausapin ang binata.

She looked first at him at sobra siyang nahabag. Napakaraming tubo at makina ang nakakabit sa katawan nito. Mayroon ding braces, mga tahi at gasa.

"Kenneth..." sabi niya.

There was no response.

"Kenneth, gising ka ba?"

This time, dahan-dahang bumukas ang talukap ng mga mata nito. She almost cried when that happened. Gising na ang binata! Kahit papaano'y nalayo na ito sa panganib!

But then, she noticed something. His eyes had no emotion at all. Para itong pagod na pagod.

And what's with him? Tila hindi man lang siya nito nakilala. Tuwid lamang itong nakatingin sa kisame.

Her heart beat went fast. No, this can't be happening! "Kenneth, naririnig mo ba ako?" muling aniya, her voice was laden with despair.

But there was no response. Sa halip, pinikit lamang nito ang mga mata.

Doon na siya napaiyak. Nanlambot pa nga ang tuhod niya kaya muli siyang umupo sa wheelchair.

"Naintindihan mo ba kung ano ang sitwasyon ni Kenneth?" sabi ng mama nito habang nilalayo siya sa binata. Naiiyak din ito.

Kahit masakit sa leeg, tumango pa rin siya. "Naapektuhan ang cognitive ability niya dahil sa aksidente," sagot niya.

"Oo, hija."

Samantalang, nasa isang tabi lang ang mama niya at pinapanood sila. Maging ito ay naluluha. Marahil ay naaawa ito kay Kenneth. Ang nurse naman ay tahimik lang na nanonood. Halatang sanay na ito sa drama.

"Ano po bang sabi ng doktor sa kanya?" muli niyang tanong. "Ano po 'yung condition niya?"

Well, she didn't have to ask, actually. Kenneth's condition is called minimal conscious state, kundisyon kung saan nagiging partial na lang ang consciousness ng pasyente. Ito ay 'yung tipong tila ba kalahating tulog pa ang pasyente kaya kapag tinawag ay minsan hindi umiimik.

Ang nakakaalarma sa kundisyong ito ay kapag tumagal at hindi gumaling, lalo itong lalala hanggang sa humantong na ito sa isa pang kundisyong kung tawagin naman ay persistent vegetative state. Mas malalang kaso ito dahil totally ay wala nang awareness ang pasyente. Then, the family of the patient had to decide whether to disconnect the life support or not.

"Hindi pa rin nila masabi, hija. Kailangan daw siyang obserbahan mabuti. I-MRI daw siya mamaya." Hinimas nito ang ulo niya. "Pero huwag tayong susuko. Gagaling si Kenneth. Gagaling ang anak ko. Ipagdadasal natin siya."

"Opo, Tita. Ipagdadasal natin siya," humihikbing aniya.

Ibinaling niya ang tingin sa binata. I hope you heard that, Kenneth. Please, huwag kang susuko. Kailangan mong gumaling... kahit para sa akin lang.

Continue Reading

You'll Also Like

46.2K 971 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
455K 2.5K 7
Anong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, may...