Basta Alam Ko Lang (One Shot)

By les_109

1.4K 39 4

More

Basta Alam Ko Lang (One Shot)

1.4K 39 4
By les_109

A/N Marami rami na ang utang ko sa inyo sa updates ko sa iba kong fanfic, pero eto nalang muna pambawi. :) A one-shot story.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang isang naglalarong imahe sa harap ko. Sino nga naman magaakala na muli kong makikita ang ganyan ngiti niya? Sino nga ba ang magaakala na kaya ko pala ibigay sa kanya ang ganyan ngiti? Naalala ko tuloy bigla ang araw na nagbago ang pananaw ko sa buhay. Paano sa pagiging isang playboy ay nagawa kong magtino.

*Flashback*

Malakas ang ulan ng gabing iyon. Matutulog na sana ako nang bigla akong may narinig na sunod sunod na doorbell at katok sa pintuan ko. Binuksan ko naman ito agad at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

“Kim?” gulat na tanong ko sa kanya. Basang basa ito ng ulan, at kung pagmamasdan mabuti hinihingal pa ito sa pagtakbo at mugto ang mata sa kakaiyak.

“Xian!” tanging sagot niya sa akin at biglang yumakap.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Yes Kim is my bestfriend, siya ang takbuhan ko tuwing may problema ako, siya ang may alam ng mga kalokohan ko, at pangit man pakinggan siya ang taga gawa ng mga solusyon sa problema ko sa mga naging babae ko. Biro ko nga sa kanya “bro” ko siya eh. Pero I never seen her this weak and stressed out.

“Kim, what happened? Akala ko may date kayo ni Miguel?” tanong ko sa kanya, pero tanging iyak lang ang sagot niya sa akin. Miguel is Kim’s boyfriend for almost a year now. Di ko masyado gusto ang dating ng lalaking to, alam niyo na birds of the same feather flocks together, pero dahil mahal ni Kim at pinaniniwalaan ni Kim suporta lang din ako sa relasyon nila.

“teka nga, pumasok ko na nga muna at nababasa ka pa rin dyan.”sabi ko sa kanya. Pero ayaw pa rin nito bumitaw sa pagkayakap sa akin. Bakit pakiramdam ko takot na takot siya? Or dahil malamig lang kaya ganun ang kapit niya sa akin. “Kim, tara dito tayo sa loob magusap” bulong ko ulit sa kanya at sumunod na naman siya.

Inupo ko muna siya sa sala ko, umakyat ako sa taas para kumuha ng malinis na twalya at agad agad din bumaba.

“Kim, ito ang towel. Punasan mo muna ang sarili mo, nilalamig ka na dyan, magkakasakit ka pa sa lagay mong yan” abot ko sa kanya ng twalya “magtitimpla lang ako ng mainit na gatas para mainit initan ka naman” paalam ko sa kanya bago tumungoo sa kusina.

Pagbalik ko ay nasa ganun ayos pa rin siya. Ang twalyang inabot ko sa kanya ay hawak niya lang. Nakatulala lang siya at patuloy  pa rin ang pagiyak. Kinakabahan naman ako sa inaasta niya kaya agad agad ko siyang nilapitan.

“Kim, ano ba nangyari?”tanong ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Kinuha ko sa kanya ang twalyang inabot ko sa kanya at ako na nagpunas sa basa niyang buhok. Wala pa rin siya kaimik imik. Habang pinupunasan ko siya napansin ko ang pulang pantal sa braso niya, ma. At namumula ang mga pisngi. Dito naman naalarma ako naalarma

“Kim, saan ka ba talaga galing? Akala ko ba ang sabi mo sa akin lalabas lang kayo ni Miguel bakit ka biglang nagkaganyan? Asan na si Miguel?”sunod sunod kong tanong sa kanya. Hinarap ko siya sa akin pero tinignan niya lang ako.

“tama kayong lahat, dapat naniwala na lang ako sa inyo. Hindi dapat ako nagtiwala. Hindi dapat..”sagot niya naman sa akin sa pagitan ng pagiyak niya. Kung meron siguro ako isang bagay na pinakaayaw sa mundo ay ang iyakan ako ng babae sa harap ko, yeah I maybe a heartbreaker pero hindi ko kaya na iniiyakan ako ng babae isa sa mga reason kaya I don’t want to get attached. Pero seeing Kim like this, parang nakalimutan ko yung ganun ugali ko. Nagagalit ako hindi dahil iniiyakan niya ako ngayon pero nagagalit ako sa kung sino man ang gumawa sa kanya nito.

“Kim, magbihis ka na muna tara dun tayo sa kwarto ko” sabi ko ulit sa kanya dahil pansin ko na ang panginginig ng katawan niya. Hindi pa rin niya ako pinansin kaya binuhat ko na lang ito. Dinala ko ito sa kwarto ko at iniupo kay kama. Kumuha ako ng damit na pwede niya pagbihisan.

“sige na magbihis ka na muna” utos ko ulit sa kanya. At sa wakas sa dami ng mga inutos ko sa kanya ngayon gabi ay sumunod na ito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito.

“can I stay here tonight?” tanong niya naman sa akin. Tumango lang naman ako.

“dito ka na sa kama ko” alok ko sa kanya.

“sigurado ka? Paano ka?”tanong niya pabalik sa akin.

“I can manage” sagot ko sa kanya.  Sinundan ko lang siya ng tingin habang lumapit siya sa kama ko at humiga. Matagal tagal din siya nagpaikot ikot sa kama bago tuluyan nakatulog. Ako naman di pa rin matanggal ang pagaalala.  Sa tagal namen magkakilala ngayon ko lang siya nakita na ganyan ka walang kabuhay buhay. Dati rati kahit na ang bigat ng problema niyan ay makulit at maingay pa rin ito.

Tumayo ako mula sa pinagkakaupuan ko at umupo sa kabilang side ng kama. Sinuklay ko ang buhok na tumakip sa mukha niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya “Ikaw pa rin talaga ang pinakamaganda sa lahat ng mga babaeng nakilala ko” bulong ko sa kanya. “Kung hindi lang ikaw ang bestfriend ko matagal na kitang niligawan”. Saglit ko pa siya pinagmasdan ng di ko namalayan nakatulog na ako.

Pero parang ilan minuto ko pa lang napipikit ang mata ko nagising ako dahil para bang binabangungot si Kim. Mga katagang “bitawan mo ako”, “nasasaktan ako”, “tulong” ang sinisigaw niya habang tulog. Napabalikwas ako ng bangon at agad siyang ginising.

“Kim! Kim!” gising ko sa kanya. Pagkatapos pa ng ilan tawag ay nagising na naman ito at dumilat. “nanaginip ka lang, walang nangyayari” bulong ko sa kanya para makalma ko siya.

“Xian ikaw ba yan? Dito ka lang ah, wag mo ako iiwan” yakap niya nanaman sa akin. Nagsimula na naman ito umiyak.

“oo nandito lang ako, di kita iiwan..wag kang magalala…just go back to sleep” sagot ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya para patahanin. Inadjust ko lang ang posisyon namen para sa balikat ko siya nakahiga, naramdaman ko ang pagsiksik niya sa akin. Sa isip ko, kung sino man ang may gawa nito kay Kim humanda siya sa akin.

Kinabukasan ayaw ko man sana iwan si Kim sa bahay pero may early meeting ako, tamang tama dumating na rin naman si Aling Loring, kaya ibinilin ko na lang muna siya. Pagkatapos ng meeting ko uuwi na rin naman agad ako. Magaalas dose na din ng tanghali ng matapos ang meeting ko, papunta na sana ako ng parking lot ng may naalala akong dapat gawin. Pupuntahan ko muna si Miguel baka sakali may alam siya nangyari kay Kim.

Si Miguel nagtratrabaho ay sa marketing dept ng kompanya kaya alam ko kung saan siya dapat hanapin.  Di pa ako nakakapasok sa loob ng office nila narinig ko na ang malakas na tawanan nila, di man sinasadya ay narinig ko din ang pinaguusapan nila.

“Pare nakita mo ang itsura ni Kim kagabi? Grabe its priceless” natatawa pang sabi ni Neil

“sobra, yun takot niya ng lapitan siya nito ni Miguel. Sayang lang talaga at di natin siya nakunan” hirit naman ni Aaron

“siya naman tong matapang na sumunod kay Miguel, stalker lang ba ang peg? Ayan tuloy live in action pa ang naabutan niya! Ikaw naman kasi Miguel, ano ba meron dun kay Kim na hindi mo mabitaw bitawan. Two years na pare! At sa two years na yun ang dami mo na naging babae na higit na maganda sa kanya pero quote and unquote di mo siya maiwan” dagdag pa ni Neil

“ano ba naman kayo ano naman ang kwenta ng magaganda kung wala naman pera. Tama ba pareng Miguel?” pahabol ni Harold

Agad naman na uminit ang ulo ko sa narinig ko. Papasok na sana ako para komprontahin sila pero mas maigi na siguro na pakinggan ko kung ano pa ang sasabihin nila.

“pero Miguel kakaiba din yun ginawa mo kagabi, sinaktan mo yun babae, pinahiya mo sa harap ng mga tao. Heartless man!” tukso ni Aaron sa kanya

“sino ba naman kasi ang may sabi na magskandalo siya dun. Sino ba ang unang namahiya sa amin. At yun ginawa ko sa kanya? Wala lang yun. Sanay na yun” confident pa na sabi ni Miguel

“ikaw ba naman may mahuling may lahing demonyo pala ang boyfriend na akala niya ay mabait pa sa anghel kung di magreact ng ganun. Ano sabi mo kagabi Miguel “eto ang gusto mo diba? Binibigay ko na sayo ngayon aangal angal ka pa?” pangagaya ni Harold sa kanya

“marunong din naman pala siya matakot, hahanap hanap siya ng gulo na hindi niya naman pala kaya harapin” katwiran ni Miguel

“pero pinatulan mo pa rin naman” komento ni Neil

“noon una ok naman eh, pero alam mo yun. Walang spark, walang kakulay kulay. Boring. Pero yun nga di mo papakawalan ang bagay na alam mong makakatulong sayo” hirit pa rin ni Miguel

Dito na talaga ako di nakapagpigil. “Mr. Miguel Robles, can I have a word with you” matigas kong sabi trying to sound calm.

Pagkalabas niya ng office ay wala na akong sinayang na panahon, I dragged him to the nearest fire exit at doon kinompronta.

“Bakit mo ginawa kay Kim yun!” galit kong tanong sa kanya

“relax Mr. Xian Lim, parehas lang tayo ng laro and I know that you know better” mayabang pa rin na sagot sa kanya nito

“wag mo ako igaya sayo!” sumbat ko naman sa kanya

“oo nga naman, iba nga pala laro mo noh? Yun mga tipong pang one night stand lang ba? Yung walang pangmatagalan?”tuloy na sumbat niya sa akin.

“at hindi ako nagpapaasa ng babae.”sagot ni Xian sa kanya

Isang nakakalokong tawa lang ang sinagot ni Miguel sa kanya. “kaya pala ang tagal na umasa sayo ni Kim hanggang sa napagod nalang at naghanap na ng iba. Malas niya lang mali ang nahanap niya, masyado na kasi ata desperado” sagot niya dito pero tuloy pa rin na ang pangaasar.

Di ko na napigilan ang sarili ko at nasapak ko nalang ito. Ayaw ko na patulan pa ang isang katulad niya. “wag na wag ka na magpapakita dito, at higit sa lahat wag na wag mo ng lalapitan si Kim” banta ko sa kanya

“sabihin mo kay Kim yan! Siya naman ang masyado madikit” pasigaw pa ntiong sinabi.

Galit na galit na umalis si Xian ng building, imbes na umuwi ay dumaan muna siya sa ibang lugar para magpakalma. Tila sinisisi pa rin ang sarili niya sa kung bakit hinayaan niya na makatagpo si Kim ng ganun lalaki. Kung bakit sa simula pa lang na alam niya na walang magandang idudulot ang lalaki ay hinayaan niya pa rin ito. Kung bakit sa kung gaano kalakas ang loob niya sa ibang bagay ay ganun naman siya kahina kay Kim.

No one knows himself better than anyone else, alam niyang di niya kaya mahalin si Kim ng tama, alam niyang mahirap baguhin ang nakasanayan na. Kaya he made a deal to himself na hinding hindi siya maiinvolve kay Kim, hindi niya ito hahayaan masaktan sa kanya. Ang hindi niya lang inexpect na mas masasaktan pa pala ito sa iba.  Pero dahil sa nangyari, tila ba nagising ang matagal niya ng pinatulog ng feelings para kay Kim, yun halos sangkatutak na “sleeping pills” ang ginamit para lang mapatulog ang nararamdaman para sa bestfriend. Kung gaano niya ito katagal ibinaon ay siyang ganun din kabilis nitong pagbalik, then he made an oath to himself “its better late than never”

Paguwi ko ang sabi ni Aling Loring ay kakaakyat lang daw ni Kim sa kwarto, inilapag ko ang mga gamit ko at sinundan ko siya sa taas. Naabutan ko naman siya na itinutupi ang mga damit na ipinahiram ko sa kanya, at nakapagbihis na rin.

“Kim can we talk?”tanong ni Xian sa kanya

“Xian kung tatanungin mo lang kung ano ang nangyari kagabi, wag nalang ayaw ko pagusapan” matamlay na sagot ni Kim

Di ko na naman kailangan tanungin dahil alam ko na naman, pero gusto ko lang din malaman ang side niya sa nangyari.

“We have to talk about it.”madiin ko pa rin sabi sa kanya

“ah ganun ba? Nahuli ko lang naman ang magaling kong boyfriend na may ibang babae, caught in action pa. and to add more damage to the insult ipinahiya niya ako sa mga kaibigan niya by trying to….”di niya natapos ang sinasabi niya dahil napaiyak na lang ulit ito.

“Ang tanga tanga ko lang, napaikot niya ako sa mga kamay niya halos sa loob ng isang taon, Alam mo ba daw kung ano lang ang habol niya sa akin? Pera lang daw..pera…”tuloy na pagkwento niya sa akin. “akala ko nahanap ko nay un lalaking para sa akin talaga, akala ko magiging kumpleto na ako pero hindi pala…maling mali..”dagdag pa niya

Di ko malaman kung ano ang dapat at tamang sabihin sa kanya, I bend to her height at pinunasan gamit ang kamay ko ang mga luhang patuloy pa rin na tumutulo mula sa mata niya.

“shhhh…tama na..sorry for asking..wag ka ng umiyak please?”papatahan ko sa kanya. Hindi ko na kaya pang makita na ganyan siya. Hinayaan ko nalang muna siya hangga’t siya na rin mismo ang nakapagpakalma sa sarili niya.

“sorry nga pala for barging into your house last night, hindi ko lang talaga alam kung saan pa pwede pumunta” sabi niya sa akin ng umok ok na siya “I hope I didn’t bother any of your date for the night” dagdag pa niya

“Kim I was preparing to sleep last night ng dumating ka, and besides I don’t have any date last night. And never will have one again” sagot ko sa kanya pero pabulong na sinabi ang mga huling kataga.

“but still sorry, sorry for the mess I created in your room, alam kong hinding hindi ka nagpapasok ng babae sa bahay mo and on top of the list hindi ka nagpapatulog ng babae sa kama mo. Sorry kasi I’m a mess” tuloy pa rin niya na pagdiin sa sarili

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya “again uulitin ko it’s fine, its perfectly ok. Besides masaya nga ako na sa akin ka tumakbo what friends are for nga ika nga, pangalawa di naman ikaw ang may gawa ng gulo sa kwarto ko dahil magulo na naman ito dati pa, at higit sa lahat hindi ka kasama dun sa mga restrictions sa mga papasok sa bahay ko dahil bestfriend kita, ikaw lang ata ang nakakapasok sa bahay ko ng walang pasabi sabi.”isa isa kong sagot sa mga hinirit niya sa akin.

“at regarding sa pagpapatulog ng babae sa kama ko, hindi naman valid sayo yun dahil…”pinutol ko ang sasabihin ko para tignan ang reaksyon niya

“dahil ano? Dahil di naman ako babae!” siya na nagtapos ng sasabihin ko. Nangiti naman ako sa sinagot niya sa akin. Really no one in this world knows me better than this girl infront of me.

“that’s more like it” sagot ko sa kanya, “that’s the Kim that I know, lalaki lang yan si Miguel yes you can cry and shout over it, but once it’s done it’s over leave it behind.” Explain ko naman sa kanya

“aber saan naman nang galing yan? Yan ba ang mga litanya na ginagamit mo sa mga ex mo?” taas kilay niyang tanong sa akin

“Kim alam mong isa lang ang ex ko” I rolled my eyes on her

“isa lang ang naging official ex mo, pero sangkatutak naman ang naging mga babae mo, ilan babae ang napaiyak mo at nasaktan mo.”panunumbat niya sa akin

“Kim let’s not talk about me ok? I want to put that thing behind me now”seryoso ko naman sabi sa kanya

“well well well look’s who’s talking ilan beses ko na kaya narinig sayo yan.” Sagot niya agad sa akin

“but this time I’m serious, and wait patapusin mo muna ako sa sasabihin ko. Alam mo ba kung bakit di ako nagpapapasok ng kahit sinong babae sa kwarto ko?”tanong ko sa kanya

“oo naman, because it is your private space. Ikaw lang ang dapat nakakagamit nito” sagot niya sa akin.

“tama, yan kasi ang sinabi ko sayo. Pero let me tell you a secret. Hindi ako nagpapasok ng babae sa kwarto ko dahil gusto ko kung sino man ang unang babae na papayagan kong makapasok sa kwarto ko siya na rin ang huling babaeng makakapasok dito” dahan dahan kong ipinaliwanag sa kanya hoping she’ll get my point

“I have to go, thank you nga pala sa pag ampon sa akin kagabi.”pagpapanggap niya na walang narinig at nagpaalam na lang.

“sabihan mo lang ako pag nagpakita pa ulit si Miguel sayo, akong bahala sayo. Pero wag kang magalala Malabo ng mangyari yun. I won’t never let anyone hurt you that way again.”sigaw ko sa kanya bago siya makalabas ng pintuan.

Pagkatapos ng araw na yon ay mukhang naging maayos naman ang relasyon namen ni Kim. Oo, aaminin ko sa mga unang ilang buwan daig ko pa ang nakikipaghide and seek kay Kim. Ayaw ba naman kasi ako makausap o makita man lang. Pero di ko naman siya masisisi eh ako ba naman ang sira na nagtapat sa kanya the day right after her heartbreak kung di ba naman isipin niyang hibang lang ako. Pero di na ulit ako papatalo sa utak ko, sinunod ko na siya sa unang pagkakataon pero nasaktan lang si Kim. Ginamit ko na lang din yun ilan buwan na yan para baguhin ko ang sarili ko, totoo nga habits are hard to break pero alin ba ang gusto ko? Kaya kahit gaano pa kahirap pursigido lang ako.

*End of Flashback*

Kaya eto pagkatapos ng isang taon nasa harap ko na ulit ang isang bagong Kim. At naniniwala din ako na bagong ako. Ngayon handa na siguro kaming dalawa sa posibleng maging bagong kwento namen. Dinala ko siya sa playground kung saan kami unang nagkita 18 years ago. Nakaupo ako sa swing habang siya ay parang bata na nakikipaglaro sa mga totoong bata na narito sa playground.

“Xian!”tawag niya sa akin naputol naman ang pagrereminisce ko. Nakita ko na lang na tumatakbo na siya palapit sa akin.

“bakit ka umiiyak?”gulat na tanong niya sa akin

“ha? Hindi ah.” Kaagad naman ako tumalikod sa kanya. Ako umiiyak? Di ko na napansin yun ah. Nakakahiya naman

“Hindi nga?”tuloy niya pa rin na pangungulit sa akin.

“hindi nga talaga napuwing lang siguro ako”palusot ko naman sa kanya “oh ikaw tapos ka na makipaglaro? Tignan mo nga ang sarili mo pawis na pawis ka na dyan.” Natawa naman ako sa itsura niya.

Kinuha niya naman ang towel niya sa bag sa tabi ko at pinunasan ang sarili ko “you look exactly the way you are 18 years ago.”komento ko sa kanya

“and I’m just 5 years old that time! Paano mo naman naalala yun” reklamo niya naman sa akin. Ayaw niya kasi na inaasar ko sa kanya yun

“I do, sayang di kita napicturan noon. Tignan mo nga itsura mo ngayon, ang gulo gulo ng buhok mo, namumula pisngi mo at pawis na pawis ka. Alam mo Kim aminin mo nga sa akin babae ka ba talaga?” di ko mapigilan itanong pero syempre biro lang yun, nangigigil na nanaman ako kasi sa kanya

“what?! Bahala ka na nga dyan!” napipikon niyang sabi at tumayo na para umalis

“hep, teka lang saan ka pupunta?” hila ko naman pabalik sa kanya

“aalis na, kailangan ko na umuwi eh” sagot niya naman sa akin

“naalala mo ba kung ano ang ginaw ko nun, nang yan ang sinabi mo sa akin noon?” pilyo kong tanong sa kanya

Pero di niya ako pinansin at tumuloy lang sa paglalakad dito na ako nagkalakas ng loob. “I love you!”sigaw ko sa kanya natigilan siya pero di lumingon “I told you these words last year indirectly pero di ko alam kung sadyang di mo pinansin o di mo lang nagets, pero yun nga I love you Kim.” Dugtong ko pa

Di pa rin siya lumapit kaya ako na lang ang nagkusa na lumapit sa kanya at tumayo sa harap niya. Pagharap ko sa kanya ay nagtatanong ang mukha niya. “Pero paano nangyari yun? Diba sabi mo hinding hindi ka na muling magseseryoso sa mga babae?”

Nangiti naman ako. “that rule was long abolished” sagot ko sa kanya. “since when?”tanong niya sa akin  “almost a year now” nakangiti kong sagot sa kanya. “and besides ilan beses ko ba kailangan ipaliwanag sayo na kahit kelan di ka kasama dun sa mga rules na yun, because from the very start you are one special girl”

“sorry pero that line won’t work for me now” matigas naman nitong sabi

“then I’ll show you that I mean those lines, para saan pa ako na binago ko ang sarili ko itong nakaraan taon” sagot ko naman sa kanya. Tinignan niya lang ako “oo alam ko na imposible na magbago ang isang tao sa loob ng isang taon, pero Kim I’m trying and I’m doing my best. Basta ang alam ko lang ayaw ko na mawala ka na ulit sa akin, ang alam ko lang may something na kulang pag wala ka sa tabi ko, ang alam ko lang masaya ako pag andyan ka, at higit sa lahat ang alam ko lang mahal kita noon hanggang ngayon” derecho ko naman sabi, cheesy na kung cheesy pero yun talaga eh.

Tinitigan niya ako saglit bago tumalikod na parang aalis nanaman, hinawakan ko lang ang kamay niya. “Please give me this chance?”pabulong kong tanong sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari lumingon siya at sunod na naramdaman ko na lang ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa akin.

It’s my turn to get surprised, saglit lang yun pero was enough to stun me. “your 15 years late mister” nakangiti niyang sagot sa akin

Kinailangan ko pa ng mga ilang segundo? Minuto bago nakabalik sa katotohanan. “I know and ‘m sorry.” Sagot ko sa kanya. “sabi ko sayo di ka babae eh..”di ko alam bakit yun ang sinabi ko. “iba ka talaga sa lahat, aggre na at lahat” dagdag ko pa

“wag ka magalala iba ka rin, ikaw na siguro ang lalaking nakilala ko pinakabulag at pinakamanhid” banat niya rin sa akin

“Pero hindi na ngayon, at hindi na kailanpaman.” Dagdag ko sa sinabi niya.

“prove yourself first mister, and I’m telling you this ain’t an easy task” playful plus seryoso niyang sinabi sa akin

“I don’t care as long as you’re here walang hindi kaya.” Confident ko naman na sabi

“wag nga masyado over-confident patunayan mo nga muna!” sabi niya ulit at tumakbo na lang pabalik sa playground.

“I love you too!” sigaw ko naman sa kanya at tumawa. Well I guess ito na siguro ang start of something new namen. Nakakainis na kinailangan pa may masaktan sa amin bago ko marealize na siya na nga ang babae para sa akin. Ang tagal niya na nasa akin di ko lang pala napapansin. Basta alam ko lang na I can’t see days without her in my life.

 THE END

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
64.7K 3.5K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
103K 1.8K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...