Author's Note
I'm new here sorry sa mga words na hindi maintindihan masyado. Ako nga pala si George Lee. Nahiligan ko lang pong magsulat kaya nag try ako dito sa wattpad. Welcome po ang mga suggestion at correction sa'kin. Wag lang po sana ako ninyong i-bully.
Sana po magustuhan niyoang short story na ito.
Enjoy reading po!
PROLOGUE
"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, O kailangan mo ako dahil mahal mo ako?"
Yan 'yung sinabi ni Claudine kay Piolo sa pelikulang Milan. Napaka sensitibong tanong, at napakahirap sagutin.
Pero sa part ko, ako ang naghahanap ng sagot sa tanong na ito.
Mala pelikula ang takbo ng buhay ko. At kailangan ko ng sagot. Sa makabagbag damdaming tanong ni Claudine.
CHAPTER 1
Ako na naman mag isa dito sa apartment ko. Bukas pa daw ang dating ng bago kong kasama o kahati sa renta ng bahay.
Kasi instead na mag dorm ito na ang uso. May privacy ka at makaka save ka pa dahil may kahati ka sa renta ng bahay, kuryente at tubig.
Napilitan akong bumangon dahil sa lakas ng katok sa pinto. Agad ko naman pinag buksan dahil kilala ko kung sino ang mga nasa pinto.
"Pare ano ba? Anong oras na, mala late na tayo." Sabi ng bestfriend kong si Gabriel.
"Kanina pa nag hihintay yung chicks mo." Sabi naman ni Joel.
Sila ang mga barkada ko. Lagi nila akong hinahanapan ng ka blind date. Dahil daw napaka pihikan ko sa babae. Pihikan agad di ba pwedeng may hinihintay lang?
Ako nga pala si Gian Salvador, tawag nila sa akin "Yan-yan." Nasa engineering department ako, at graduating na. Nasa states na ang mga parents ko at ang nag iisa kong kapatid ay nasa Korea, nakapag asawa ng koreano.
"Bumangon ka na nga diyan at para makaligo ka na. Kanina pa nag ttxt yun sa'kin eh." Pagmamadali ni Joel.
"Ipangako niyo nga sa'kin na last na to."
"Susubukan namin pare. Hangga't hindi ka tumitino hindi kami hihinto." Sagot sa'kin ni Gabriel.
"Ang labo niyo talaga!" Tumayo at direcho na ako sa banyo para maligo.
Habang ang dalawa naman ay nag luluto ng almusal namin. Ganun lagi pag saturday at sunday, kapag libre ang barkada nandito lang kami sa bahay movie marathon o di kaya inuman session kami. Lalo na ngayong mga nakaraang linggo na hindi pa dumadating ang kasama ko sa bahay.
"Pare, kelan daw ba dating ng housemate mo?" Sigaw sa'kin ni Joel.
"Bukas daw pare."
"Eh di wala ka bukas pag dating niya?" Gabriel.
"Malamang may pasok ako eh. Mag iiwan nalang ako ng message sa kanya."
"Guys kain na tayo at late na tayo sa date ni Yan-yan." Tawag sa amin ni Joel.
At nagsimula na nga kaming kumain. Pagkatapos kumain dumerecho na kami sa mall. Sasakyan king ang ginamit na'min dahil nasa talyer pa ang sasakyan ni Joel.
Nakarating na kami sa mall. At hinahanap na namin yung sinasabi nilang ka blind date ko daw.
"Teka, matanong ko lang. San niyo ba nakuha ang ime-meet ko?"
"Sa facebook pare!" Sagot ni Gabriel.
"Wow Gabz, di mo ba na realize na baka bading yun?"
"At least nag try kang i-meet pare." Sagot naman ni Joel.
"Suko na ako sa inyong dalawa!"
Yun nalang ang tangi kong nasabi sa kanila. Ikot kami ng ikot sa mall para nahapin ang ka meet ko.
"Pare nasa foodcourt daw." Sabi ni Gabriel.
Agad naman kaming pumunta sa foodcourt. At agad naman nilapitan ni Gabriel ang babaeng naka jeans, hanging shirt, sneakers, naka shades at naka headphone.
Maya-maya lumingon sa amin si Gabriel at sumenyas na palapitin kami.
"Hi, siya nga pala si Gian Salvador na ka meet mo. Gian siya nga pala si Gina." Pagpapakilala new Gabriel sa'kin.
Inilahad ko ang kamay ko para makipag kamay pero tiningnan lang yon ng babae. At tiningnan niya ako head to foot.
Ngayon lang ako nabastos ng ganito at mukhang nahalata ng mga kaibigan ko ang pagka irita ko. Pero hindi naman ako bastos kaya isinantabi ko muna ang ginawa niya.
"Maiwan muna namin kayo. May bibilhin pa kasi kami." Sabi ni Joel.
Tumango lang ang babae at hindi man ang niya inalis ang shades niya.
"Pwedeng maupo?" Tanong ko sa kanya. At tumango parin siya. Di na ako nakatiis.
"Tango lang ba ang alam mong gawin? Hindi ka naman siguro pipi di ba?"
Hinubad niya ang shades niya at tumitig sa'kin. In fairness ang ganda ng mga mata niya. At ngumunguya ng chewing gum.
"Actually hindi naman talaga ako ang ka meet mo, pinakiusapan lang ako ng kaibigan ko. Alam mo marami pa kasi akong dapat ayusin, so if you'll excuse aalis na ako."
Wow napaka prangka naman ng babaeng ito.
"Kung ganun bakit ka pumayag makipag meet sa'kin eh napipilitan ka lang naman pala?"
"Para may mai-report ako sa kaibigan ko na gwapo ang sana ay ime-meet niya." Biglang nanlaki ang mata niya sa kanyang sinabi.
"Paki ulit nga ng sinabi mo." Natatawa ako sa kanya at naisipan kong biruin siya.
"San dun sa mga sinabi ko? Akala mo ba totoo'yun? Makaalis na nga!"
At nagmamadali siyang umalis. Naaliw akong tingnan siya, dahil sa sobrang pag mamadali niya naiwan niya yung sling bag niya. At hinihintay kong balikan niya yon, at hindi nga ako nagkamali dahil heto siya ngayon palapit sa table ko. Kaya naisipan kong biruin siya.
"Sorry naiwan ko."
"So, gwapo pala ako?"
"Ano?!"
"Sayang ang ganda mo pa naman bingi nga lang."
"Whatever!"
At halos tumakbo na siyang paalis. Kahit nainis ako sa kanya kanina ngayon aliw na aliw na ako sa kanya. Tinawagan ko sa celphone si Gabriel.
"Pare, iniwan ako ng ka date. Nasaan ba kayo?"
"Huh! Bakit naman? Papunta na kami diyan pare, hintayin mo nalang kami." Gabriel.
Ini-off ko na ang cp ko. Di ko makalimutan yung ka meet ko ngayon. First time ko maka meet ang isang babae na naka jeans lang. Ang cool niyang tingnan.
"O pare, anong nangyari? Baja naman sinungitan mo kaya ka biglang iniwan." Sabi ni Joel.
"Sabi niya hindi daw siya ang dapat na ka meet ko. Pinakiusapan lang daw siya ng kaibigan niya." Paliwanag ko sa dalawa.
"Oo nga Joel, hondi naman siya yung nasa facebook eh." Sabi naman ni Gabriel.
"Mabuti pa umuwi nalang tayo. At may gagawin pa akong deadline."
"Dun tayo sa apartment mo Yan?" Sabi naman ni Gabriel.
"Drop ko nalang kayo pupuntahan ko pa si Julie."
"Hay naku. Magpapasarap na naman si Mr.Salvador." Sabi ni Gabriel.
Si Julie hindi ko girlfriend. Kumbaga steady kami pero walang commitment. Tatawagan niya ako pag bored siya at ganun din naman ako.
Takot na ako sa seryosong relasyon. Masakit, mahirap at nakakaraning ang masaktan.