That Juan Time Stopped (Publi...

By raindropsandstar

145K 2.2K 582

[COMPLETED] Veronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to pro... More

That Juan Time Stopped
El Preludio
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Último Capítulo
Epílogo

Chapter XII

3.7K 71 11
By raindropsandstar

doce

Magkasama nga kami nila Juan at Moris na nagsimba tulad nang napagplanuhan niya. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil tama naman siya, sadyang hindi ko inasahan na marinig sa kanya 'yon. Hindi ko rin alam ang ibig sabihin niya sa together, pero gumaan ang loob ko.

Tamang desisyon ata na hinayaan kong makapasok si Juan sa buhay ko, kailangan ko ng mga taong katulad niya, iyong magpapaalala sa akin kung ano ang pinakamahalaga. Isa ang araw na iyon sa pinaka-na-enjoy kong pagkakataon na kasama si Juan, at dagdag pa na kasama namin si Moris.

Pero ang alaala na 'yon ay nanatili na lang sa isip ko dahil matapos ang araw na 'yon ay bihira na kaming magkita ni Juan. Ilang araw nang walang session at ni hindi kami nakakapag-usap dahil busy na siya sa preparation ng pageant. At dumating na nga ang pinakahihintay na pagkakataon.

Anniversary Event day na.

Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na nagbabantay ng kanya-kanyang stall nila, umaga pa lang at naatasan akong tingnan kung kamusta ang mga stalls. Sakto rin dahil magsusulat kami ng Article, magandang makita ko ng personal kung ano ang mga nangyayari at ilalagay namin.

"Vera, ha? Ang mga gamit niyo nandito pa rin sa kwarto niyo. Kailan ba kasi kayo babalik ni Moris? Halata namang mas komportable ang katapid mo dito, hindi masikip at hindi rin mainit. Ilang taon na kayong nag-so-solo, bumalik na kayo rito," maagang sermon sa akin ni Auntie.

Tumawag daw sa kanya si Moris at gustong mag-overnight doon kasama ang mga pinsan namin, pinapayagan ko naman siya pero hindi ko lang maharap ngayon dahil busy pa ako sa school. Kaya maaga rin akong tinawagan ni Autie Issa, at umabot na muli ang usapan namin sa pagbalik namin sa kanila.

"Autie, babalik at babalik rin naman po kami d'yan. Baka malapit na rin."

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil nag-che-check pa rin ako ng mga stalls.

"Kailan? 'Pag dumating iyong ilang taon mo nang hinihintay? Paano kung hindi dumating? Alam naman nating maliit lang ang tyansa no'n."

Huminga ako ng malalim at huminto sa paglalakad. "Kapag walang dumating ngayong taon, babalik pa rin po kami d'yan."

"Totoo? Pangako mo 'yan ah?"

"Opo, Auntie. Promise po," nagpatuloy na akong muli sa paglalakad, siguro nga at oras na rin para ikonsidera na tumira ulit kasama sila Auntie. Alam kong nag-aalala rin siya sa aming dalawang magkapatid, pero gusto ko kasi talaga matuto na buhayin mag-isa ang kapatid ko.

"Sige, aasahan ko 'yan! Ibababa ko na, Vera ah? Aasikasuhin ko pa ang mga pinsan mo sa pagpasok."

"Opo, Autie. Ingat po kayo d'yan."

"Kayo rin! Huwag papagutom!"

Naputol na rin ang tawag matapos ang usapan namin. Bumuntong hininga ako, binulsa ko na ang cellphone at bumalik sa ginagawa nang may tumawag sa pangalan ko.

"Vera? Ate Vera!"

Hinanap ko kung saan iyon at nakitang si Sheela lang pala ng Business Ad, nagbabantay siya isang waffle stall.

Ngumiti ako sa kanya at naglakad papalapit. "Sheela? Kamusta?" tugon ko.

Pinatong nito ang kamay sa mini counter. "Ayos lang po. May benta na nga e, kahit maaga pa." masaya niyang saad, "Nagbreakfast ka na, Ate? Gutom ka na ba?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi pa. Nagmamadali kasi akong umalis kanina. Bakit?"

Ngumisi lang ito at inabutan ako ng waffle, nagtataka ko iyong tinanggap, magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.

"Bayad na 'yan, pati ito." nilapit niya sa akin ang isang hot chocolate.

Parang kanina pa naka-prepare, hinintay niya lang ako na dumaan. Naguguluhan ko siyang tinignan at hindi alam kung kakainin ko ba ang bigay niya.

"Bayad? Sino'ng nagbayad? Tsaka bakit sa 'kin mo binigay?"

"Binayaran na ni Kuya Juan, ibigay ko raw sa'yo 'pag nakita kita," lalong lumawak ang ngisi niya. "Parang alam na alam niyang hindi ka makakakain ng breakfast dahil busy ka?"

Uminit ang pisngi ko at ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura.

Pinilit kong umakto ng normal. "Galing siya dito kanina? Ang aga pa ah." iwas ko sa topic at kinagatan na ang waffle para i-distract ang sarili.

Ngumuso ito. "Opo. Ni-required ata silang pumunta ng maaga para sa preparation. Malamang busy rin iyon para sa pageant, wala na siguro silang oras gumala para sa event ngayon," dismayado niyang saad.

Marahan akong tumango at tahimik na lang na kumain. At talagang naisip niya pa akong bilhan ng pagkain? Malapit ko nang isipin na charity case ako ni Juan. Nawala lang ang mga gumugulo sa isip ko nang mahuli si Sheela na nakatitig pa rin sa akin at may ngisi sa labi.

"Ano? Sheela?"

"Ayokong manghimasok pero... close kayo, 'no? Ngayon ko lang nakita si Kuya Juan na may nilibre."

Nalunok ko ang pagkain, hindi siya nanglilibre ng mga ka-department niya? So, ako lang ang nililibre niya palagi? Nakakahiya!

"C-Close? Paanong close?" pagmamaang-maangan ko.

Minsan hindi ko rin talaga naiintindihan si Juan, bawal daw malaman ng tao ang agreement namin, pero panay ang pangyayari na nakikita ng tao na may koneksyon kami.

Pinagdikit nito ang dalawang dulo ng hintuturo, "Close. As in close. As friends o more than friends?" may halong kilig na ang boses niya.

Napainom tuloy ako bigla ng hot chocolate, medyo mainit pa iyon pero wala na akong pakialam, pakiramdam ko mas mainit ang pisngi ko.

"F-Friends?" friends ba kami? Humugot ako ng malalim hininga. "Blockmates kami at ka-group ko rin siya sa isang subject," paliwanag ko.

Tumango-tango lang ito.

Uminom ako ulit dahil parang babara sa lalamunan ko ang tinapay. "Busy siguro 'yon ngayon, hindi ko rin siya nakita e, nandito na pala siya."

"Bakit hindi mo tawagin? O, tanungin? Para makakain rin siya."

Natigilan ako. Oo nga? Kaso hindi iyon papayagan at ayoko rin siya abalahin.

Umiling-iling ako. "Hindi na 'yon makakaalis doon. Pressured iyon malamang at gustong mag-concentrate. Hindi na rin 'yon magpapa-abala."

"Sino'ng hindi magpapa-abala?"

"Ay abala!" gulat kong sigaw.

Pareho kaming napabaling si Sheela sa dumating, nanlaki ang mata ko nang makita si Juan, na katulad namin ay naka-maroon shirt ng Monroane at nakatayo na sa gilid ko. Inosente itong nakatingin sa akin.

"Kuya Juan! Buti bumalik ka, naabutan mo si Ate Vera," si Sheela.

Ngumiti lang ito. "One chocolate waffle and a hot chocolate," aniya.

"Okay!"

Humarap na siya sa akin, para na akong natuod sa kinatatayuan. Bumaba ang mata ko sa katawan nito, ngayon ko siya nakitang naka-red. Parang mali pa ang size na binigay sa kanya dahil hapit na hapit sa kanya ang t-shirt.

"Good morning," bati niya.

"G-Good morning... Salamat pala dito."

Tumango ito sa akin.

Tumikhim ako. "Ang aga mo. Maaga kayong pinapunta?"

"Yeah..."

Kinagat ko ang ibabang labi. "Mabuti nakaalis ka pa? Nag-la-last minute training kayo?"

"Bakit naman hindi? Puwede naman ako umalis, naabutan tuloy kita."

Napainom ulit ako, mauubos ko na ang inumin ko!

Ano ba'ng problema ko?

"K-Kinabahan ka ba? Kaya mo 'yon..."

Ngumuso ito at nanliit ang mata. "You look more nervous than me," komento niya.

Dinaan ko na lang siya sa tawa. "Seryoso nga? Okay ka lang? Sabihan mo ako kapag may problema ha? Nandoon ako mamaya mismo malapit sa stage. I-su-support kita," marahan kong sabi at nginitian siya.

Nakatitig lang ito sa mata ko bago ginaya ang ngiti ko.

"Yes, I'll call you if I feel uneasy..."

Tumango ako sa kanya, kumalat ang init hanggang sa dibdib ko, nabalot na kami ng katahimikan.

"Kuya Juan? Ready na po," tawag sa kanya at tuluyan nang naputol ang titigan namin.

Nagpaalam na rin ako nang natapo kaming kumain dahil may trabaho pa ako at kailangan na rin bumalik ni Juan. Nang matapos ako sa pag-iikot sa mga stalls ay bumalik na ako sa mga kasama.

──── ୨୧ ────

"Vera? Prepared ka na ba?" tanong ng isa sa mga stylist.

Tumango ako. "Opo." pinakita ko sa kanya ang dalang makeup kit.

"Sa room 105 ang assigned sa'yo."

"Noted po."

Naglakad na ako patungo sa room 105. Noong sinabi kong susuportahan ko si Juan seryoso ako, iniisip kong habang papalapit ang oras ng pageant ay baka kabahan siya, wala siyang makakausap at tutulong sa kanyang kumalma. Kailangan niya ng taong mapagkakatiwalaan niya sa tabi niya.

Kaya kahit busy ako at hindi pa naman ako masyadong gipit sa pera ay tumanggap ako ng sideline, ito lang ang nakikita kong paraan para masamahan siya.

Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob at pumasok sa loob ng kwarto. Nanatili akong tahimik nang makita itong nakapikit habang nakasandal sa styling chair. Nakaharap siya sa salamin kaya nakita ko sa repleksyon ang mukha nito, ngayon ko lang nasulyapan ang itsura niya pagtulog.

Maingat akong naglakad papalapit sa kanya at nilapag ang makeup kit sa puting vanity. Bago ako humarap sa kanya. Wala sana akong balak na gisingin ito nang biglang dumilat ang mata niya, sumandal ako sa mesa at humalukipkip, binaling nito ang ulo sa gilid at mapungay ang matang tumingin sa akin.

Umalon ang dibdib ko nang mahigit ang hininga.

Nanliit ang mata nito, ngunit nang makilala niya ako ay napaangat siya ng higa pero pinigilan ko siya ay binalik agad sa pwesto niya.

"Relax ka lang. Ipahinga mo muna ang sarili mo, ako na ang bahala," masuyo kong sabi.

Hindi niya inalis ang titig sa akin na para bang nananaginip siya. "Vera?"

Tumango ako. "Ako nga," sagot ko at lumapit na sa makeup bag upang buksan iyon. Nagsimula na akong maglabas ng mga gagamitin para ayusan siya.

"You're the makeup artist?" hiwaga niyang sambit.

Lumingon ako sa kanya. "Oo." sa dami ng mga naging sideline ko, inaral ko na ata lahat pati pagma-makeup.

"I didn't expect you here," saad nito sa malalim at inaantok na boses.

Humarap na ako sa kanya at nilapitan siya. "Ayaw mo ba ako dito?"

He pursed his lips, "You're the first person I want here."

Ngumiti ako. Mabuti naman, Juan. Kasi nag-effort na ako masamahan ka lang.

Yumuko na ako at umiwas ng tingin dahil nagwawala na ang puso ko. Tahimik kong inangat ang kamay upang tanggalin na ang salamin niya. "Tatanggalin ko na," paalam ko, tumango ito.

Nakasandal pa rin siya kaya kinailangan kong yumuko upang maabot iyon. Nang lumapat ang kamay ko sa balat nito ay may elektrisidad na dumaan sa katawan ko. Tinitigan ko ang mukha nito, ngunit bago niya pa ako mahuli ay iniwas ko na agad ang mata at nilagay ang salamin nito sa mesa.

"Mag-contact lens ka ba?" patay malisya kong tanong.

"It's in the drawer," aniya.

Ako na ang lumapit at kumuha bago inabot sa kanya.

"Okay na?" tanong ko sa kanya.

"Yeah..."

Kumuha ako ng cotton pad at micellarl water, naglagay ako sa bulak bago lumapit sa kanya. "Aayusan na kita," paalam ko ulit.

Tahimik itong tumango. "Okay."

Dahan-dahan kong pinahid ang cotton pad sa mukha nito dahil baka masaktan siya. Huminga ako ng malalim, dahil para kaming kakainin ng katahimikan. Matapos kong linisin ang mukha nito at kumuha na ako ng serum at sunscreen.

"Juan? Nag-su-sunscreen ka ba?" kuryuso ko.

Kumunot ang noo niya kaya hinagod ko ang daliri doon para ibalik niya sa dati.

"What do you mean? Sunblock?"

Pinagdikit ko ang dalawang labi. "Oo, pero para sa mukha."

"I heard it's good for the skin. But I haven't tried."

Ngumuso ako. In born ito kung gano'n?

"May iba ka bang lahi?" hindi ko na napigilan tanungin dahil matagal nang naglalaro iyon sa utak ko.

Alam ko naman na meron, narinig ko noong nakita ko sila sa simbahan, gusto ko lang kumpirmahin.

"Half Spanish, from my Dad. My Mom's half Filipino and Chinese," paliwanag niya.

Tumango-tango ako at napaawang ang labi.

"Wow... ang galing," mangha kong sambit.

He chuckled at me.

Nagsimula na akong ayusan siya. Simple lang naman, para presentable ang mga contestant mamaya. Maingat pati ang paglalagay ko ng foundation sa mukha niya, konti lang naman ang kailangan niya dahil maganda ang balat niya, at sa totoo lang hindi mahirap ayusan si Juan dahil natural nang may itsura siya.

Nilinis ko rin ang kilay nito, bawat lapag ng blade sa balat niya kinakabahan ako, hindi dahil baka masugat ko siya. Kundi ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin, ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin at rinig na rinig ko ang malalalim niyang hininga. Pati ang mamahaling pabango nito ay nanunuot sa ilong ko.

Walang tigil sa pagbalikat ang sikmura ko simula tumapak ako sa loob ng kwartong 'to!

Tama ata si Juan at parang ako ang mag-ne-nervous breakdown!

Umiling-iling na lang ako at pinilit na mag-concentrate, kinuha ko na ang lip balm at manipis na brush. Muli ko siyang hinarap, yumuko ako at lumapit sa mukha niya upang hindi mahirapan, kita ko ang panginginig ng kamay ko habang maingat na naglalagay sa labi nito.

Parang hindi niya na rin naman kailangan nito dahil mapula naman ang labi niya. Nagtama ang mata namin, kanina ko pa siya nahuhuli nakatitig sa akin at parang wala naman siyang balak itago!

Hindi ko naitago ang paghugot ng hininga at nahuli ko ang pag-anggat ng gilid ng labi nito.

Umayos na ako ng tayo at napaatras, lalamunin na kami ng katahimikan, parang kailangan ko na rin ng heartbeat detector na katulad ng kay Moris!

"O-Okay na..." utal-utal kong wika.

Tumawid na rin ito ng upo at tinignan ang sarili sa salamin bago bumaling sa akin. "I love your service, Ma'am," ngumisi siya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

67.8K 1.5K 27
(Could Trilogy #2) We are living proof of a love that is timed perfectly, arriving at just the right moment. So, I wasn't sure why I became his "almo...
74.8K 734 45
Ingrid Zaulda is brilliant, independent, and not one to fall in love easily. Raised in wealth but distant from her parents, she has always lived by h...
86.5K 1.4K 33
Instead of falling in love with Zackary- her sweet and charming fiancé that her parents chose for her to marry, Dawn Celestine's heart did an unexpec...
86.8K 2.1K 42
FRIENDS SERIES #2 Caeleb knows his boundaries and priorities. He was very clear life goals. No lovelife, Diploma first. Basically his mindset was lov...
Wattpad App - Unlock exclusive features