SEKYU 1 (BL)

By Kijarasen

171K 5K 1K

Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni... More

SEKYU (1)
PANIMULA
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19: Kaulayaw
20: Unwell
21: Excluded
22: Knight
23: Real Knight
24: The untold
25: Chosen
26: Spectrum
27: Where the lines meet
28: Sincere
29: Not a Happy Heart
30: Self-blame
31: Tinted
32: Falling
33: Disappear
34: Not again
35: Siphayo
36: Palamara
37: Kaugmaon
38: Dipana
39: Paubaya
40: Panaligan
41: Kapanhakin
42: Talipandas 🔞(WARNING)🔞
43: Siklap 🔞(WARNING)🔞
44: Daluyong
45: Katimyas (Pure)
46: Balintuna
47: Bana
48: Silang
49: Gumamok
50: Pananambitan
51: Ukab
52: Ihustipika
53: Tahanan
Epilogue
Keifer's Letter to Damian
Appreciation Post
BOOK II
Sunset with you artwork

Damian's Letter to Keifer

1.1K 42 10
By Kijarasen

~*~

Love,

         Nagmistula akong preso sa loob ng aking tahanan. Tila ba naging kulungan ang apartment ko noong nawala ka. Kahit saan ako tumingin ay ikaw lagi ang naaalala ko. Malinaw kong naririnig ang mga tawa mo sa mga corny kong jokes. Sa tuwing tumitingin ako sa kusina ay tila ba nakikita kitang nagluluto ng paborito kong ulam na sinigang. Sobrang nahulog ako sa pagiging maasikaso mo. Naiparamdam mo sa akin na importante ako, na kamahal-mahal ako.

          Ilang beses nang natapak-tapakan ang pagkatao ko sa pagiging Sekyu. Meron pa noon na tinutukan ako ng baril dahil hindi ko agad naitaas ang barrier ng gate. Ilang beses na rin akong naduraan sa mukha dahil sa akin napupunta ang init ng ulo nila kada umuuwi nang pagod sa trabaho. Sobrang baba ng tingin nila sa trabaho namin. Totoo nga ang sinabi ni Kuya Jerry, na marami ngang demonyo sa loob ng Beverly Heights, naturingang mayayaman pero asal hayop naman. Naalala mo ba noong araw na dinalhan mo ako ng ulam sa guard house? Noong umaga ay may sumampal sa akin na babae dahil nakawala ang aso nila at nakalabas ng subdibisiyon. Sinisisi nito kaming mga sekyu dahil hindi raw namin tinututukan ang pagbabantay ng lugar. Pati ba naman alaga nilang aso, kami pa ang titingin? Hindi ba responsibilidad na nila 'yon bilang amo ng alaga nila? Napagalitan ako ng Chief Area Officer namin dahil nag-report 'yong babae na 'yon sa kanila. Nasampal na nga ako, napahiya pa sa mismong assembly meeting. Kaya sobra na lang ang saya ko noong bumalik ka para magbigay ng ulam, bonus pa na sinabayan mo ako kumain. Ang lungkot kaya sa guard house dahil laging mag-isa, buti na lang simula noon ay lagi mo na akong binibisita. Araw-araw ay lagi akong excited pumasok dahil makikita kitang muli. Noong una ay akala ko'y normal lang itong nararamdaman ko ngunit sa tuwing umuuwi ka at iniiwan ako ro'n, hindi ko maintindihan ang sarili dahil sobra ang lungkot ko. Straight ako, Keifer. Gusto ko rin ng asawang babae, ng anak, ngunit ng makilala kita at maramdaman ang pagpapahalaga mo sa akin ay naisantabi ang pangarap ko na 'yon. Iniba mo ang pananaw ko sa pag-ibig. Ang akala ko'y hindi maaaring mahulog ang isang straight na lalaki sa isang bakla na kagaya mo pero napatunayan mo sa aking posible pala ito. Sa katunayan ay hindi bakla ang tingin ko sa 'yo, mas nakikita kitang kapares ng buhay ko.

          Ang init ng pagmamahal mo ang nagtulak sa akin na alagaan at protektahan ka. Sa tuwing nakikita ko ang natamo kong peklat mula sa saksak ng tatay mo ay naaalala ko iyong panahon na umiiyak ka, nakasiksik sa ilalim ng lamesa, takot na takot na maabot niya. Sabi ko sa sarili ko ay hindi kita hahayaang mapahamak niya. Handa akong isangga ang sarili para lang protektahan ka. Noong oras na masaksak ang palad ko, mas iniisip pa rin kita. Sobrang sakit para sa akin noon na makita kitang umiiyak, may galos sa pisngi dahil kamuntikan ka na niyang masaksak. Pangit siguro pakinggan pero masaya ako na nagagawa kong iparamdam sa 'yo ang seguridad mula sa aking yakap. Kaya nga siguro nag-sekyu ako ay para protektahan ka. . . habang buhay.

         Saksi ako sa mga pinagdaanan mo. Mas hinangaan kita dahil sa katatagan mo. Sa murang edad ay nagagawa mong tawanan ang pagsubok ng buhay. Pinalayas ka pa nga tatay mo at nakita kong oportunidad 'yon para mas mapalapit sa 'yo kaya inaya kitang tumira kasama ko. Sobrang saya ko noong pumayag ka. Pakiramdam ko ay sinagot mo na ako kahit hindi pa naman ako nangliligaw.

     Doon ko napansin na parang nag-aalinlangan ka dahil nabanggit ko na may anak at asawa na ako. Set up lang naman 'yon para magkaroon ng parent figure si Dama. Namatay ang kuya ko at ang ate ni Shina kaya kahit hindi naman talaga kami magkarelasiyon ay nangako kami sa isa't-isa na kami ang tatayong magulang ng bata. Masaya ako na nalinaw ko ito sa 'yo. Nabawasan ang problema ko.

       Humanap ako ng tiyempo para humingi ng permiso sa mga magulang mo dahil gusto kong manligaw sa 'yo. Sumakto pa na naaksidente ang tatay mo. Parang pinupunit ang puso ko habang nakikita ka na nagdurusa. At kapag minamalas ka nga naman, nakikigulo pa ang best friend mong si Hunter na bigla na lang sumulpot sa kawalan. Kung alam ko lang na diyan siya nagtatrabaho sa fast food na yan ay hindi na sana kita pinagtrabaho ro'n. Kaya naman kasi kitang buhayin. Nakakaraos naman tayo araw-araw at sa tingin ko'y sapat na 'yon para makasurvive tayo ng magkasama.

       Noong nilinaw mo kay Hunter ang tunay mong nararamdaman para sa akin, para akong nanalo sa lotto. Hindi mo pa man ako sinasagot, pakiramdam ko ay tayo na agad. Pero sadiyang mapaglaro ang tadhana, kailangan kong umuwi ng probinsiya para puntahan si Dama. Mas lumalala na ang sitwasiyon niya kaya kailangan kong humanap ng mauutangan. Nakadiskarte ako sa isang cooperative loan pero hindi naging sapat ang sahod ko para mabayaran ito kaya nang bumalik ako diyan sa Maynila at makilala si Winsor ay nabawasan ang problema ko. Pinahiram niya ako ng pera para mabayaran ng buo ang 80k na inutang ko. Ang gusto niya pa nga ay one night stand pero hindi ako pumayag kaya ang kasunduan namin ay hayaan siyang maging kaibigan ko. Nag aalangan ako noong una pero dahil wala naman akong mahahanap na ganoong kalaking halaga ay sumang-ayon na ako sa kaniya.

        Tinago ko ang pakikipagkita sa kaniya noong una dahil natatakot ako na baka lumayo ka kapag nalaman mo. Tapos dumating ang kinakatakutan ko, nalaman mo ang tungkol sa amin. Siyempre nagduda ka sa akin dahil sino ba namang matinong lalaki ang hahayan ang isang bakla na manggulo sa relasiyon nating dalawa. Mabuti na lang at nilinaw ni Winsor ang relasiyon natin. Kahit papaano'y napanatag ka.

            Akala ko ayos na ang lahat, na magiging masaya na tayo pero wala akong ideya na may mas malaki pa palang problema ang naghihintay sa ating dalawa.

          Dumating ang Tito mo galing sa ibang bansa. Noong una ay natatakot na ako dahil meron na akong ideya na baka ilayo ka niya sa akin, at hindi nga ako nagkamali nang ibahagi mo sa akin ang balita. Ilang gabi akong umiinom mag-isa sa apartment. Hindi ko lubos maisip na iiwanan din ako ng taong mahal ko para magpakalayo-layo.

         Noong gabi na ibigay mo ang sarili mo sa akin, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Habang ginagawa natin ang bagay na 'yon ay walang pagsidlan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa 'yo. Wala akong pinagsisisihan na minahal kita. Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang nang sagutin mo ako noong gabi rin na 'yon. Wala na akong mahihiling pa.

        Sinusulit na lang natin ang mga natitirang araw mo sa Pilipinas nang mangyari ang problema sa Lavander Lounge. Naging padalos-dalos ako. Mas pinili ko ang sa tingin ko ay tama, ngunit mali naman pala. Halik o ang seguridad mo? Ipinasok niya pa ang tulong na maibibigay niya kay Dama kaya natukso ako. Isang halik lang naman, siguro ay maiintindihan mo naman. Hindi ako nag-isip. Ang kagustuhan kong protektahan ka at maisalba ang buhay ng anak ko ay nagdulot ng matinding sugat sa puso mo. Para akong pinapatay noong nakita kitang pagsamantalahan ng isang lalaki. Kulang na lang ay mapatay ko siya. Doon ko naisip na mali ang ginawa ko. Unti-unti ka nang lumalayo sa akin hanggang sa tuluyan ka nang nawala at iniwan mo ako. Mas maganda pang aalis ka na lang ng ibang bansa pero ako pa rin ang mahal mo, dahil mas masakit ang nangyari na hiniwalayan mo ako.

         Nawalan ako ng gana mabuhay. Sinubukan kitang kausapin pero naging mataas ang mga pader na itinayo mo sa 'yong paligid. Hindi ako sumuko. Buo ang desisiyon kong linawin ang lahat sa 'yo ngunit noong araw na nagbigay ka sa akin ng oras at lugar, hindi ako nakapunta dahil mas pinili ko si Dama. Naiisip ko, parang gumawa na ang tadhana na ng paraan para paghiwalayin tayong dalawa.

         Hindi ako pumayag.

         Nakapagpaalam ako sa 'yo bago ako umuwi ng probinsiya ngunit kahit nandoon ako ay ikaw pa rin ang laman ng isip ko. Hindi ako nakuntento.

        "Huwag ka nang magdalawang isip. Puntahan mo na siya." Tanda ko pa ang mga sinabi sa akin ni Shina at kahit yari na ang operasiyon ni Dama at kasalukuyang nagpapagaling ay nagawa kong magpaalam sa kanila. Flight mo na kinabukasan. Hindi pwedeng hindi kita makita bago ka umalis kaya naman pumunta kami ni Winsor diyan para magpaalam sayo ng personal. Kahit walang tulog galing sa biyahe, makita ka lang ay alam kong babalik lahat ng lakas na nawalan sa akin.

       Swerte. Nakaabot ako kaso malas dahil nandiyan ka na sa loob. Bawal nang lumabas.

       Nakaisip ako ng ideya para makausap ka. Kahit sa cell phone lang ay nagmistulang nandito ka sa tabi ko. Hindi mo alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko, huwag lang pumasok diyan sa loob ng airport at mahagkan ka. Kung hindi lang ako makukulong ay ginawa ko na ang bagay na 'yon.

       Nakuntento ako sa ganoong pag-uusap natin. Kahit malungkot ay nagawa kong maging masaya para sa 'yo, dahil alam kong maganda ang buhay na nagihintay sa 'yo riyan sa US.

       Kahit masakit ay hinayaan kitang lumayo. Kagaya ng sinabi ko, kahit ilang kilometro pa ang maging distansiya mo sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

       Sa biyahe namin pag-uwi ni Winsor, doon niya ipinagtapat ang lahat sa akin. Mula sa Tito mo at sa totoong relasiyon nila. Magulo noong una hanggang sa maintindihan ko. Biktima ang Tito mo ng sexual harrassment noong unang taon niya sa ibang bansa. Madalas din siyang nakaranas ng mga manggagamit na tao kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang subukan ako. Ayaw niyang maranasan mo ang mga pinagdaanan niya. Nalaman ko rin na bago ko makilala si Winsor ay nandito na sila ng Tito mo sa Pilipinas nang nakalipas na isang buwan. Bago pa natin sila makilala ay nandito na sila, inoobserbahan tayong dalawa. Nakakalungkot lang na kung kailan ka nakaalis, doon pa sinabi ni Winsor ang tungkol dito, at nang mapatunayan nilang mahal kita bilang ikaw ay pinahintulutan na nila tayo maging masaya.

        Tinulungan ako ni Winsor sa pag-aayos ng passport ko. Lahat, siya ang nag-asikaso. Hindi ko ipinaalam sa 'yo ito dahil gusto kitang isurpresa. Naging mabilis ang tatlong linggo na lumipas. Maayos na si Dama at tuluyan nang nagpapalakas kaya naman oras na para sarili ko namang kasiyahan ang unahin ko.

        Hindi ako halos makatulog sa saya kakaisip sa 'yo. Sobrang excited na akong makita kang muli, mahal ko. Hindi ko sukat akalain na ang Sekyu na ito ay makakatagpo ng isang tao na mamahalin niya ng sobra. Masaya ako na ikaw ang tao na 'yon, Keifer. Ikaw ang buhay ko at oras na para sundin ko ang sinisigaw ng aking puso. Hayaan mo akong bumawi sa mga pagkukulang ko. Umpisahan nating muli ang pagmamahalang sinira ng maling akala. Patutunayan ko sa kanilang mahal kita dahil iyon ang totoo.

Hinding-hindi magsasawang mahalin ka,
Damian.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 53 12
Alam nating ang pag-ibig ay hindi isang tanong. Bigla na lang itong dumarating sa atin. Walang explanation, walang kahit anong rason. Pero anong gaga...
Never Fade By Adamant

Historical Fiction

6.5K 488 22
NEVER FADE [BXB|Yaoi|BL Novel] Ang tunay na pagmamahal nga ba ay nasusukat sa kung gaano kabilis o katagal ito nabuo? Sapat ba na sabihin ang mga pan...
130K 3.9K 27
Now has an English version published under Giraffe Media Singapore UNO The Time Traveler's Boyfriend Book 1 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop...
206K 1.8K 43
RE-PUBLISH! COMPLETED! 🔞 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 ¦ 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲𝗱 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁; this explicit and sensitive content does not allow young audiences, espe...
Wattpad App - Unlock exclusive features