Chasing Love (Sequel to Hopel...

By The8thWorldWonder

258K 4.9K 856

[BOOK 2 of HOPELESS LOVE] Paul had never stopped chasing Aaliyah. After a short while, Aaliyah got chased. Bu... More

Chasing Love (Hopeless Love Book 2)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37

CHAPTER 12

6.6K 124 9
By The8thWorldWonder

Paul’s POV

Hindi ako makapaniwala na sinasabi ni Aaliyah sa akin ngayon ang tungkol sa amnesia niya. Sure, I already knew about it but there was something behind her eyes that makes me want to listen to everything she had to say.

“About my dream…” she paused, collecting her thoughts. “I dreamt of a guy. Again.”

Tila naging bato ang buong katawan ko nang marinig ko iyon.

Ako kaya ang napanaginipan niya?

Kaya ba niya sinasabi sa akin ang tungkol dito sa ngayon ay dahil nakakaalala na siya?

Biglang nawala lahat ng pangamba ko nang muli siyang magsalita.

“Pero hindi ko nakikita ang mukha niya. Kanina, ‘yong panaginip ko ay siya na naman. Pero this time, may kasama na siyang babae,” pagpapatuloy niya. “At may dalawa ring rabbit na involved doon. One is black and the other is white.”

“A-anong nangyari sa panaginip mo?” tanong ko, habang pilit na inaalis ang pagiging utal ko.

“They were talking pero hindi ko narinig lahat. Or maybe hindi ko lang maalala ang mga sinabi nila. Pero the guy said one thing before I woke up.”

“Ano’ng sabi niya?” agarang tanong ko.

“Are you sure you want to know? It’s weird kasi,” nahihiyang pag-amin niya.

I nodded. Kasabay ng pagtango kong iyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“He told the girl that…”

“That?”

“She was the only one who can make his heart beat so fast.”

You’re the only one who can make my heart beat this fast. Pag-ulit ko sa isipan ko.

And it confirmed everything. Napapanaginipan niya ako. Does that mean she was already slowly getting her memories back?

Sana hindi. Ayoko pang makaalala siya. Or maybe… ayoko nang makaalala pa siya. Dahil ayoko nang maramdaman niya ulit ang galit na nararamdaman niya sa akin bago siya maaksidente. Ayoko nang maalala niyang nasaktan ko siya ng sobra. Dahil baka kapag nangyari ‘yon, hindi ko na makayanan pa ang magiging desisyon niya.

“Ang sweet no’ng lalaki, ‘no?” nakangiting saad niya. “Sino kaya siya? Kilala ko kaya siya?”

Ang lalaking tinutukoy mo… Ang lalaking laman ng mga panaginip mo… ay nasa harap mo lang. Ako ‘yon, Aaliyah.

Gustuhin ko mang sabihin ang mga ito sa kanya ay hindi ko rin naman magawa. Hindi ko alam kung ano ang mga magiging consequences na haharapin ko o naming dalawa sa oras na umamin ako sa kanya. Sa oras na sabihin ko sa kanya kung sino ako sa buhay niya.

“Hindi mo naman siguro siya mapapanaginipan kung hindi, ‘di ba?”

“Sabagay. Pero lalo lang akong naguluhan, e. Maybe he’s a part of my past.”

“He is,” wala sa sariling pahayag ko.

“W-what?”

Buti na lang at hindi niya iyon narinig nang maayos. Buti na lamang at mahinang lang pagkakasabi ko noon.

“Ang sabi ko, baka gusto mo munang maglakad-lakad tayo bago umalis?” Tumayo ako at saka kinuha ang jacket sa headrest ng kama ko.

“Mabuti pa nga,” pagsang-ayon naman niya. “Pero uubusin ko muna ‘to, okay? Sayang naman, e. Tsaka gutom na ako!” saad pa niya at saka muli nang sinimulang kainin ang binili kong pagkain para sa kanya.

Napangiti na lang ako instantly. Hindi ko na siya hinintay na matapos pang kumain at sa halip ay nagpaalam na lang ako na mauuna na ako at sa lobby ko na lang siya hihintayin.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siya. Aakyat na sana ulit ako para sunduin siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

“Hoy, Paul! Aba, nasaan na ang sinasabi mong you’ll keep me updated, ha?!” bungad ni Mhina sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya.

“Grabe ka. Hindi ba uso ang hello sa mundo mo?”

“Hindi. At hindi rin uso sa mundo ko ang mga taong walang isang salita.”

“Baliw.”

“I know, right? Oh, ano na nga?! Pauwi na kayo’t lahat lahat, wala pa rin akong update sa nangyari d’yan sa inyo.”

“Actually, may nangyari nga,” saad ko.

“MAY NANGYARI?! OH EM GEE!”

“Siraulo. Green.”

“Hahaha! Sorry na. Oh, ano’ng nangyari?”

“Kinwento niya sa’kin ang tungkol sa amnesia niya.”

“What?! Seriously!?”

Bigla ko namang inilayo ang cellphone ko mula sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya mula sa kabilang linya. Tss.

Magsasalita na sana akong muli nang biglang makita kong lumabas ng elevator si Aaliyah.

“Hoy, Paul. Ano na!?”

“I’ll call you back. She’s here.”

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at sa halip ay agad kong in-end ang tawag niya at binalik sa bulsa ang cellphone ko.

“Ang tagal mo,” wari’y inis na anas ko nang makalapit siya sa akin.

“E kasi naman hinanap ko pa ‘yong ja—“

Hindi na niya naipag-patuloy pa ang sinasabi niya dahil bigla ko na lang hinawakan ang wrist niya at hinila siya palabas ng hotel. Hindi na siya kumibo pa o nag-reklamo. Hindi naman masikip ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa dulo ng hotel. Nasa mataas na lugar ito kaya kitang-kita mo ang tanawin mula rito.

“Ang ganda pala ng view dito kesa sa room natin,” pahayag niya habang nilalanghap pa wari ang malamig na simoy ng hangin. Lumapit siya sa may malaking puno ng akasya sa gilid at saka naupo doon sa bench sa tabi noon.

Hinayaan ko lang siyang maupo doon. Pinili kong magkaroon ng maliit na distance mula sa kanya para malaya ko siyang matitigan from her back. Kitang-kita kung paano mag-taas baba ang mga balikat niya dahil sa pag-hinga niya nang malalim.

Maya-maya pa’y nilingon niya ako. “Ano’ng ginagawa mo d’yan? Tara kaya dito!”

Lumapit naman ako sa kanya nang walang imik.

“Malapit nang mag-sunset. Sayang, hindi natin makikita. Ang ganda pa naman ng view dito.”

“Why not?”

“Duh!? Uuwi na tayo, ‘di ba?”

Umupo ako sa tabi niya pero nag-leave pa din ako ng space. Tahimik lang kaming naupo doon at tila ang ihip lang ng hangin ang naririnig namin. Wala na rin kasing tao roon. Hindi ko alam kung bakit dahil noong pumunta ako dito kahapon ay maraming naglalakad-lakad dito lalo na sa ganitong oras.

“Justine?”

“Bakit?”

“May girlfriend ka ba?”

Para naman akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa tanong niyang iyon.

Biglaan naman siya kung magtanong! Hindi man lang ako binigyan ng warning! Tsaka saan nanggaling ang tanong niyang ‘yon?! Tss!

“I’m sorry, nagulat ba kita?”

“Obvious ba?”

Natawa naman siya. “Masasanay na siguro ako d’yan sa kasungitan mo. Lalo na sa pabago-bago ng ugali mo.”

“Wala.”

“Ano’ng wala?”

“Tss. Ewan ko sa’yo.”

“Ah. Wala kang girlfriend!” natatawang pahayag niya. “Sus! Hindi na ‘yon nakapagtataka, ‘no! Wala naman siguro kasing babaeng tatagal d’yan sa ugali mo!”

Wari’y sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang nag-peace sign sa akin.

Tss. How can I resist her?!

Tumayo siya at saka naglakad palapit sa may bangin.

“Huwag kang masyadong lumapit d’yan. Baka mahulog ka,” paalala ko sa kanya.

“Opo, sir.”

Bigla na namang nag-vibrate ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon sinagot. Sa halip ay hinayaan ko lang na mag-vibrate iyon sa bulsa ko.

“Justine…” sambit niya sa pangalan ko without looking back at me. Hindi ako umimik, as usual. At sa halip ay hinintay na lang na mag-patuloy siya sa sasabihin niya. “’Yong tungkol sa sinabi ko sa’yo kanina… Sana huwag mong sabihin kahit kanino.”

“B-bakit?”

“Wala kasing nakakaalam no’n. I mean… sa Harrison. Dalawa lang ang kaibigan ko sa Harrison na nakakaalam ng tungkol sa amnesia ko. Well… tatlo na kayo ngayon.” Humarap siya sa akin pero hindi lumapit. “Tsaka sana… huwag mag-bago ang turing mo sa’kin. Well, mukhang hindi naman kasi masungit ka pa rin.”

Kumunot na naman ang noo ko kahit na hindi naman talaga ako nainis sa sinabi niya. Gusto ko lang siyang asarin.

“Alam mo, maaga kang tatanda! Wala ka na ngang girlfriend, lagi ka pang naka-simangot! Paano ka naman magugustuhan ng mga babae niyan?!”

Tumayo ako at saka dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.

“Lagi ka kasing ngumiti. Sayang naman ang pagka-singkit ng mata mo. Oh, Chinitooo!”

Pilit kong pinigilan ang sarili kong matawa. Pinanatili kong nakakunot ang noo ko at pinamulsa ko pa ang parehong kamay ko. Nang makalapit ako sa kanya ay natigilan siya. Tinitigan ko lang siya at hindi na siya muling umimik pa.

“Do you really think… na walang magkakagusto sa’kin dahil ganito ako?”

Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin at gano’n din naman ako sa kanya. Pero halata sa mga mata niya ang kaba na nararamdaman niya. Napansin ko rin ang butil butil na pawis na isa-isang naglalabasan sa noo niya.

“What if… there’s someone out there or maybe right here… who’s actually slowly falling for me now?” Unti-unti pa akong lumapit sa kanya hanggang sa magtama ang mga sapatos namin.

“A-ano ba ‘yan, Justine. M-masyado ka namang seryoso d’yan,” saad niya at saka pilit na iniwas ang mga paningin mula sa akin. “Nag-bibiro lang naman ako. Ikaw talaga!

She took a step backward.

I took a step forward.

“J-justine…”

“Why don’t you look at me, Aaliyah?”

“A-ano kasi…”

“Are you afraid?”

“Afraid?” pag-ulit niya.

“Look at me,” utos ko.

Hindi niya ako sinunod at sa halip ay muli na naman siyang umurong. Nakita kong isang urong na lang niya ay mahuhulog na siya kaya hindi na ako muli pang humakbang palapit.

“Natatakot ka ba sa’kin, Aaliyah?”

“H-huh? Bakit naman ako matatakot sa’yo?”

“Bakit hindi ka makatingin sa akin?”

“Naaalibadbaran kasi ako sa mukha mo?” saad niya at bigla naman siyang napakagat sa lower lip niya nang ma-realize kung ano ang sinabi niya.

She told me the same thing years ago. No’ng Acquaintance Party. Noong first dance namin.

But this time, it was more of a question than a statement.

“I doubt it,” anas ko. “Can I tell you something?”

Tumango siya ngunit halatang-halata sa kanya ang kaba maging ang takot na nararamdaman niya.

“Sooner or later, you’ll fall for me.”

And with that, napaatras siyang muli at mabilis ko namang naiharang ang mga kamay ko sa likod niya upang hindi siya tuluyang mahulog. Napapikit siya at napasinghap dahil sa muntikan na niyang pagdulas sa dulo ng bangin. Naka-cross ang pareho niyang kamay sa may chest niya at matagal bago siya dumilat.

“I’m telling you… sooner or later, you’ll start chasing me.”

Again, bulong ko at the back of my head.

I took steps backward habang inaalalayan siya at saka ko lang siya binitiwan. Para naman siyang nabunutan ng tinik at saka nakahinga ng maluwag. Pero hindi pa rin ako lumalayo mula sa kanya. Magkalapit pa rin kaming dalawa. Ilang sandali lang ay mukhang napansin niya iyon kaya agad siyang tumalikod mula sa akin.

“Sumunod ka na lang kapag tapos ka nang kiligin,” saad ko bago tuluyang umalis upang bumalik sa hotel.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...