MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHE...

By KayeEinstein

3.2M 66.5K 4.9K

(Completed) MOVING ON was never an easy task. It is easy to say but hard to do. In that moment that the pers... More

Author's Note
Prologo
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
EPILOGO

Pahina 26

49.5K 1.3K 50
By KayeEinstein

Klaire's POV.

"Good Afternoon passengers! Welcome to Sky Gate Airlines, I am Klaire, the head stewardess of this flight. Thank you for choosing to fly with us. Hope you will have a great time flying with us." sabi ko bago ko binaba ang mikropono.

Nagpalakpakan naman ang mga excited naming pasahero.

"Good afternoon. This is Dwayne Chua, your pilot. Welcome aboard. Any moment now we'll take off. Cabin crew, please do the necessary action. Good day everyone" si Dwayne ang nagsasalita, sa speaker lang sya naririnig. Nasa cockpit na kasi ito kasama ang co-pilot nya.

In fairness kung gaano sya kagwapo ganoon din kagwapo ang boses nya.

Tsk! Ano ba tong pinagsasabi ko?

Nanatili ako sa pag aasikaso ng mga pasahero namin, fully book kami dahil peak season ng bakasyon na.

"Nakita ko yung pilot natin kanina, grabe ang gwapooooo" impit na tili ng babaeng ina assist ko, pakiramdam ko ay dalawa or tatlong taon lamang ang tanda ko.

"Oo nga, nakita ko din kanina, hahanapin ko nga ang social media nya, Dwayne Chua, single siguro sya no? Ayiee, wait natin sya mamaya?"

"Oo naman" bumaling ito sakin. "Miss, alam mo ba yung IG ni Capt?"

I shook my head and shook my head.

Bakit ko naman ibibigay sa inyo ang IG ng asawa ko?

"Hello everyone!" napalingon ako, si Haria pala ang nagsalita. "Since we are not still taking off, do you wanna know some fun fact?" she asked, our passengers said yes and cheered. "You heard our pilot right?" tanong nito, kahit nagtataka ako sa mga pinagsasabi nya ay nakinig na lang ako.

Nagtanguan naman ang mga tao sa tanong nya.

"Who among you had seen our pilot?" dagdag na tanong nya.

Halos kalahati ng pasahero namin ang nagtaas ng kamay. Wow! Ibig sabihin nakita na pala nila si Dwayne at ganoon sila ka loyal sa airlines namin for them to know Dwayne.

"Whoa! There are tons of loyal passengers here, so you had seen him. Is he handsome, hot, and a drop dead gorgeous pilot?" she giggled after asking that.

Ano namang klaseng tanong yan?

OF COURSE.

Anong in-of cours - of course mo dyan Klaire? Wag kang malandi! Saway ko sa sariling isip ko. Pwe! Hindi ko sinabi yun! Erase, erase! Gross!

Lahat ng passengers ay nagtanguan, may mga iilan pa ngang babaeng pasahero ang tila kinikilig sa pangalan pa lang ni Dwayne lalo na itong nasa harapan ko na halos sumigaw na sila dahil sige na oo na! Gwapong gwapo na sila kay Dwayne. Anong hot doon? Porket may abs sya at maganda ang katawan nya, hot na agad sya?

Hoy, hindi ako nangboboso.

Nakita ko lang yun accidentally nung pagpasok ko ng kwarto ay naka topless sya kaya wag kayong mag isip ng kung-ano ano.

"Yeah! That's right, our pilot is a drop dead gorgeous and one of a hell sexy pilot. He is part of the most wanted bachelor in town from a famous magazine" nabalik ako sa realidad dahil sa lakas ng bibig ni Haria.

"I want him!"

"Me too!"

"He's mine!"

Sunod-sunod yan na sabi ng mga babaeng pasahero namin. May amerikana, may pilipino, may chinese at iba pang lahi.

"Yiee he's so gwapo talaga!" sabi nitong nasa harapan ko.

Sige na ikaw na Dwayne! Ikaw na ang gwapo!

"No! No! No! He can't be yours darling" baling ni Haria doon sa babae sa harapan ko na agad naman sumimangot.

"Why is that?" mataray na tanong nito.

"Because our dear pilot is a married man now"

Omo! Don't tell me? Hindi! Imposible!

Nakita ko ang mga shocked eyes ng pasahero at yung iba pa nga ay disappointed pa.

"Yes, it's true and his wife is here with us and that is nobody else than our head stewardess! Mrs. Klaire Louise Lim-Chua!" malakas pa na announcement ni Haria.

Kill me.

Nababaliw na ba ang kaibigan ko?! She doesn't need to announce that.

"Isn't she beautiful? She's like a goddess, a perfect match for our pilot" dagdag pa nito.

Sige lang ipagpatuloy mo lang patay ka sakin mamaya, Haria. Nakita kong sumimple sya ng peace sign sakin. Lagot talaga sakin to. I will kill her.

"What a perfect couple right?" tanong nito.

Nagtanguan naman ang mga tao at nagpalakpakan pa.

"We'll be taking off in a few minutes, ladies and gentlemen" sabi naman ni Julius ang co-pilot nya.

Save by the bell. Thank you, Julius! Pakiramdam ko may balak pang ikwento si Haria about sa story namin.

Pagpasok namin sa pinag i- stay-an namin after namin makapag take off ng maayos ay mabilis kong hinila ng mahina ang dulo ng buhok ni Haria.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinabi yun?!"

"Wala lang! Ngayon ko lang kasi napagtantong bagay pala talaga kayo?" sabi ni Haria.

"May sayad ka no?"

"Bagay naman talaga kayo noon pa"

"Bwisit ka"

Bagay? Kaming dalawa? Dati siguro pero ngayon, never!

Our flight was great, magaling talaga silang dalawa ni Julius.

Ilang oras lang ay nag landing na kami ng payapa, we will just take a lunch here at babalik na rin kami agad sa pinas.

After an hour pabalik na ulit kami ng pinas. Tutal malapit lang naman ang pinuntahan namin at hindi connecting flight ang peg namin for today.

Mga around 6pm na kami nakauwi ni Dwayne sa bahay namin.

Mukhang pagod na pagod sya dahil pasalampak syang naupo sa sofa at binuksan ang TV.

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain only to find out na ubos na pala ang grocery namin.

I just stared at his back, nakatalikod ito. I just realized it has been 4 months since our wedding.

Oo! Apat na buwan na pero walang espesyal na nangyayari. Nakakakilig? Wala din! Nganga lang, para kaming batong dalawa sa isa't-isa.

Hoy! Hindi ako nag e-expect, okay? Nagku kwento lang ako.

We are just like friends para ngang magka dorm lang. We don't usually talk. madalas uuwi sya ng tulog na ko or uuwi ako ng tulog na sya dahil hindi naman sa lahat ng flights namin ay magkasama kami.

Lumabas ako papuntang sala.

"Dwayne" pagtawag ko sa kanya, lumingon naman agad sya at pinatay ang TV.

"Uhm, ubos na ang grocery natin. Walang pagkain dito, sa labas na lang tayo kumain kung gusto mo" tanong ko sa kanya.

"Sawa na ko sa mga yun. Mag grocery na lang tayo, magluto ka na lang" sabi nya. bago kinuha ang car keys nya.

I am exhausted pero hindi ko alam pero parang willing akong magluto dahil lang nirequest nya.

Sumunod na lang ako sa kanya at sumakay sa kotse nya.

Nag grocery kami sa isang malapit na mall dito.

Iilan na lamang ang mga tao dito at lahat sila nakatingin samin. Nakalimutan pala naming magpalit ng uniporme. Idagdag mo pang lumalagatok ang heels ko sa tiles na sahig.

"Klaire, gusto mo mag race cart tayo?" tanong nya sakin.

Natawa ako, naalala ko kasi nung dati. We used to do that, Nagbayad pa kami ng penalty dahil nakakasira kami ng cart.

"Manahimik ka, ayokong magbayad ng cart atsaka naka formal uniform tayo" sabi ko.

Natawa din sya, naalala nya rin siguro.

Akala ko simpleng pamimili lang ito pero grabe punong-puno ang cart namin! Paano ba naman kasi itong si Dwayne, lahat na lang ng makita ay kailangan daw namin sa bahay. Hindi na ko umepal dahil sya naman daw ang magbabayad.

Nung nasa cashier na kami ay ngiting ngiti yung kahera, hindi ko alam kung bakit?

Feeling ko nagpapa cute sya sa asawa ko. Why do I feel like this? Masyado na kong possessive. Nakakainis!

"Is there anything wrong miss?" tanong ko dito. I tried my best not to be mataray.

"Wala po ma'am. Diba kayo po si Klaire at Dwayne Chua?" tanong nito.

"Pano mo kami nakilala?" tanong ko.

"Eh kasi ma'am. Ilang ulit ko na pong nabasa yung magazine kung saan po kayo ang laman"

And I was like.

Oh yeah! I forgot na in-issue pala sa isang magazine, yung kasal at buhay mag asawa namin ni Dwayne, last two months ago.

"Ang ganda-ganda po ng kasal nyo parang fairytale, tapos ang sweet nyo pa po. Nakakakilig kayo sa interview"

I don't know what to feel, is this what you call, overwhelming?

"Ganoon ba? Syempre naman, bagay kami nitong hon ko" masiglang sabi ni Dwayne bago nya ko inakbayan at hinalikan ng biglaan ang gilid ng ulo ko.

Of all places?! Sa Grocery pa? Hindi ba pwedeng sa kwarto na lang? Joke lang!

Sobrang pinamulahan ako ng pisngi. PDA to! Kinikilig naman samin yung kahera.

Maya-maya natapos na din ang pag i-scan ng mga pinamili namin at ang resibo namin parang rolyo na ng tissue sa haba.

When we are about to go.

"Napakaganda nyo po pala ma'am sa personal, nakaka intimidate po kayo" sabi nito. Again, being speechless, nginitian ko na lamang ito.

Pagkauwi sa bahay ay agad kaming dumiretso sa kusina. Naisipan ko na lang na magluto ng caldereta.

"Caldereta yung lulutuin ko, sige na doon ka na sa sala. Tatawagin na lang kita kapag luto na" sabi ko kay Dwayne.

"Hindi na, sige na magluto ka na. Ako na mag aayos ng mga pinamili natin dito" sabi nya bago binuksan yung isang plastik.

"Sige, bahala ka" tumayo na ko at binanlawan ang mga ingredients na dapat linisin.

Buong oras na nagluluto ako, habang nag aayos sya ay masaya kaming nag- kukwentuhan. Nagto-throwback ng mga funny memories. Nagkuwento din sya ng about sa mga nangyari dito sa bansa nung mga panahong wala ako.

Pinatay ko na yung kalan nung maluto na ang caldereta.

"Hmmm. Ang bango naman nyan!" biglang singit ni Dwayne at halos ma froze ako dahil ang lapit namin sa isa't isa. Halos tumama ang baba nya sa balikat ko.

Ang bilis ng pintig ng puso ko, parang may naghahambulan na daga rito.

Buti na lang at agad syang lumayo at kumuha na ng mga plato, para syang excited na bata na pakakainin mo ng chickenjoy.

Naghain na sya habang sinasalin ko ang ulam.

Maya maya ay nilapag ko na rin ito sa hapag kainan at naupo sa tapat nya. Agad agad namang sumandok ito ng ulam.

Mukhang pagod at gutom na talaga sya.

Sumubo sya habang nakatingin pa ko sa kanya, Waiting for his reaction.

"Hmmmmmm! Ang sarap talagang magluto ng asawa ko!" masaya at biglaan nitong sabi.

Halos lumundag ang puso ko dahil sa word na asawa ko.

Weird.

Weird dahil sobrang ang saya sa pakiramdam.

Kumain na din ako kahit feeling ko busog na ko dahil sa sinabi nyang iyon.

Nang matapos kami ay nag volunteer si Dwayne na sya na ang maghuhugas kaya ang ginawa ko na lang ay nag ayos ng kama.

That night, halos hindi ako makatulog, kaya nauna pang matulog si Dwayne sakin.

Nung maramdaman kong malalim na ang tulog nya ay humarap ako sa kanya. Ang himbing ng tulog nya kaya naman trinace ko ang daliri ko sa ilong nya papunta sa labi nya, but I suddenly stopped myself.

What I'm a doing? Anong nangyayari sakin? Am I falling over again? Hindi! Imposible! Hindi maaari!

Tatalikod na sana ako ng bigla syang yumakap sakin.

Parang lalabas ang puso ko dahil akala ko gising ka but it turns out na tulog pa din sya.

Gusto kong kumawala pero there is a part of me who wanted to stay by that position pero pinaglabanan ko, Dahan dahan kong inalis ang kamay nya.

Pero mas nagulat ako ng higpitan nya ang pagkapit sakin at kinabig nya ko palapit sa kanya hanggang sa kadikit ko na ang dibdib nya.

"Let's sleep tonight like this wife" nagulat ako ng bigla syang magsalita. Ewan ko kung imagination ko lang pero pakiramdam ko ay hinalikan nya ako sa ulo.

Para na namang may naglalarong daga sa puso ko. Ang bilis-bilis. Natatakot ako, ayokong mahulog sa kanya pero nararamdaman kong sa kanya lang ako sasaya.

Sige na nga! Ngayong gabi, kahit ngayon lang. Mag asawa kami.

That night, I slept in his arms.

And I somehow prayed it won't end.

-------
To be continued 💚

- KayeEinstein

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 95.7K 48
If only I followed my heart at hindi ako nakinig sa sinasabi o tingin sa akin ng ibang tao maybe we are not like this. If only I chose him, he wouldn...
367K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...