Sa Taniman ay nag-aaliw si Silvestre. Dinadamdam ang pag-ihip ng hangin sa kanyang mukha, kasabay sa paggalaw ng mga tanim. "Silve!"
"Oh, Felipe" Tumatakbo ang kaniyang kaibigan, at nakiupo ito sa kanyang tabi habang hinihingal
"Ano nangyari sa'yo at parang may gusto kang sabihin na nakakagulat"
"Saglit... pahingahin mo muna ako" Tinaas ni Felipe ang kanyang kamay habang hinahabol ang hininga.
"Dumating na daw yung anak ng mayor natin galing ibang bansa"
"Yung nag-aral sa Amerika?!" tugon ng isa habang nakikinig sa kaibigan.
"Oo"
"Sino naman nagsabi nyan sa'yo?" pagtataka ni Silvestre dahil si Felipe ay minsan walang alumana sa paligid maski sa mga usapan ng ibang tao.
"Si Agustin at si Jose," Umiling lang si Silvestre at bahagyang tumawa. Hindi makapaniwalang nagkaroon ng pake sa tsismis na galing rin sa kanilang mga kakilala.
"Sa tingin mo ba, may anak na babae ang mayor natin?" Tanong na nagpapakita ng interes ni Felipe sa paksa ng usapan.
"Itanong mo sa kanya sakaling masagot nya" sarkastikong sagot ni Silvestre. Ang kanilang pamilya ay abala sa kanilang malaking taniman na negosyo na rin ng kanyang ama na nagpapabuhay sa kanila. Dahil sa kanilang pag-uusap, napatanong si Silvestre sa kanyang sarili kung kailan niya planong magkaroon ng kasintahan, gawi nang nasa tamang edad naman siya at kaya niya nang bumuhay ng pamilya.
"Wala ka talagang kwentang kausap, Silve" Tumingin ito ng masama sa kanya sabay tawa.
"At ano naman ang iyong gagawin kung malaman mo na meron?" pagtatakang tanong ng isa.
"Edi, makikipagkilala ako. Maganda kasi ang lahi ng mayor natin." Ani ni Felipe sabay singit ng ngisi sa labi. Katulad lang ni Silvestre, may taniman rin sila Felipe sa malapit na baryo, ngunit hindi ito kasing unlad ng negosyo ng kanyang kaibigan at kasalukuyang nagtatrabaho bilang pintor sa mga pagdiriwang sa kanilang baryo.
"Anak!" Pareho silang napalingon sa tumawag, ang Ama ni Silvestre ang bumungad.
"Papa!" Pumunta sila sa kinaroroonan ng lalaki at nagmano ang dalawa.
"Oh, Felipe, minsan nalang kita nagigisnan" Pag tapik nito sa ulo ng binata, nakagisnan nila itong lumaki kasama ni Silvestre kaya tinuring na rin niya itong bilang anak.
"Ah opo, kailangan ko kasing tulungan sa trabaho ang Ate ko"
"Kaya naman pala." Siya naman ay bumaling sakanyang anak, "Silvestre, gusto raw tayo makita ng mayor"
"Bakit kailangan ako, Pa?" pagtataka ng isa dahil panibago ito sa kanyang pandinig.
"Gusto ka raw ipakilala sa anak nya" Nagkatinginan si Felipe at Silvestre sa kanilang narinig, muling umalis ang kanyang tatay para mag-ayos.
"Ang daya mo ah, nauna ka pa sakin!" Sabay sangga sa braso ni Silvestre at paulit-ulit siyang tinutukso.
"Eh hindi ko naman ginusto iyon, at wag mong isisi sakin!" pagdahilan ng isa.
"Isang katuwaan lang pero ayos lang talaga sakin. Suportado ako pagkinasal kayo" Tumawa ang dalawang magkaibigan. Binatukan ni Silvestre ang kabila at sinermonan ito.
"Hindi ko pa nga nakikilala at nakikita, kasal na sinasabi mo"
"Mas mabuti nang mag-isip ng maaga" panunukso muli ni Felipe.
Pagkatapos mag-ayos ng tatay ni Silve ay agad na silang pumunta sa bahay ng mayor
"Pumasok kayo" Laking ngiti ng mayor sa kanilang dalawa.
"Agosto!"
"Rodrigo!" Nagyakapan ang tatay ni Silvestre at ang mayor. Laglag panga ang mukha ni Silvestre sa kanyang nakikita.
"Magkaibigan kayo, Papa?"
"Ahh Oo, 'nak. Matalik na kaibigan. Agosto, Panganay na anak ko pala, si Silvestre" pagpapakilala ng kanyang tatay sa mayor at binigyan siya nito ng isang ngiti.
"Umupo kayo" Umupo sila at iginala niya ang mga mata sa paligid. Masmalaki ang bahay nila at mas desente tignan, tila nga halatang mayaman ang Mayor, pag-iisip ni Silvestre. Sa 'di kalayuan, nakita niya ang isang imahe ng buong pamilya, apat ang nasa litrato, ang mayor at kanyang asawa at ang dalawa nilang anak, isang lalaki at isang babae. Nakaupo ang mag-asawa at nakatayo naman ang kanilang mga anak.
"Mikaela, nandito na ang mga bisita" Tawag ng mayor sa itaas ng hagdan. Dumating ang isang napakagandang babae natila'y anghel na bumaba sa lupa.
"Ito ang aking pinakabatang anak, si Mikaela" Mahiyang kumaway ang babae kay Silvestre, at sya ay kumaway pabalik. Nagkaroon sila ng onting kwentuhan sa gilid habang abala ang kanilang mga ama sa pagkukwentuhan ng kanilang mga pinagdaanan.
Sa gitna ng kanilang usapan, may dumaang hindi niya kilala.
"Pablo," Tawag ng mayor sa kanyang anak.
"Papa" Mabilisang lumapit ang binata at nagmano sa kanyang ama at sa bisita.
"Ito pala ang aking panganay"
"Maligayang Hapon po, ako po si Juan Pablo" Ngumiti siya at nagpaalam nang umalis, mukhang hindi mahilig makipag-usap sa tao. Nginitian niya na lamang ang kanyang kapatid pagkatapos niyang magisnan na ito'y may kausap at muling umakyat papuntang ikalawang palapag ng bahay.
"Karaniwan ba'ng ganoon ang iyong nakakatandang kapatid?" tanong ni Silvestre sa tono ng magiliw na boses upang hindi mamasamain ng dalaga.
"Ahh, Oo. Hindi siya mahilig makipag-usap sa mga bisita, marahil sanay siyang magbasa ng mga libro sa kanyang kwarto. Kakagaling niya lang mula Amerika, dahil doon siya pinag-aral ni Papa." ngiting innocente ni Mikaela habang kinukwento ang kapatid sa isa. Tumango ang kabila bilang pakikinig sa usapan.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagpaalam si Silvestre para pumunta ng banyo. Tinuro ng dalaga na ito'y nasa ikalawang palapag at tumango nalang ang binata at muling umakyat papunta sa kinaroroonan.
"Bulaga!"
Isang bata ang bumulaga sakanya at napaupo sya sa gulat. Tumawa ito at umalis, May nag-alok ng kamay sakanya at pagtingin nya ay si Pablo.
"Pasensya na sa aking pamangkin. Ganon talaga 'yon kakulit" Hinawakan nya ang kamay ni Pablo at tinulungan syang tumayo. Medyo nagulantangan na siya'y kinausap.
"Salamat. Ayos lang yon, ganyan naman talaga ang mga bata." Ngumiti sakanya si Pablo.
"Pablo nga pala, nakita kitang kausap si Mikmik kanina lang 'di ba?" Tumango ang kabila at inilahad ni Pablo ang kanyang kamay pagpapahayag ng pakikipagkaibigan.
"Ako si Silvestre" Tinanggap niya ang kamay ni Pablo.
At mula noon, naging magkaibigan sila. Parati silang nagkikita tuwing gabi para masilayan ang buwan sa may ilog.
"Oh, Silvestre"
"Paumanhin, medyo matagal ako nakadating"
"Ayos lang, Umupo ka rito oh" Umupo nang maayos si Silvestre sa kanyang tabi. Sila ngayon ay nakaupo sa damuhan katabi ng rumaragasang ilog na kalapit lang ng kanilang baryo.
"Ayos ka lang ba? Mukhang hindi naging maganda ang iyong araw" Tanong ni Silvestre pagkatapos ma-obserba ang kilos ng katabi.
"Wala naman nangyari. Ganito lang talaga pakiramdam ko buong araw" Sabay nilang tinitigan ang buwan na nakatingin rin sakanila. Sumasabay ang mga alitaptap sa ganda ng tanawin. Kanilang sinisimsim ang katahimikan at kapayapaan na namumuno sa paligid sunod ng tunog ng kuwago at mga insekto sa tabi tabi.
"The moon is beautiful isn't it?" anya ni Pablo sabay tingin sakanya.
"Ano? Hindi ako nakakaintindi ng wikang ingles, Pablo" kumunot ang kanyang noo at bahagyang tumawa pagkatapos.
"Ang sabi ko ang ganda ng buwan"
"Ahh, ayun naman pala eh, bakit kailangan mo pang sabihin sa ingles" Tila inis na tugon ni Silvestre. Humalakhak ng tawa si Pablo sa mukha ng kanyang kasama.
"Silvestre," Umalingawngaw ang mahinang ingay ng mga alitaptap na nakapaligid sakanila.
"Hmm?"
"Magkaroon nga tayo ng kasunduan" napatingin si Silvestre kay Pablo habang tinatamasa ang tahimik na paligid.
"Ano yon?"
"Pagkatapos ng 5 taon at wala pa tayong asawa, tayo nalamang ang magkatuluyan" Isang pangungusap na binigkas niyang parang biro. Tumingin ang isa sa kanya ng hindi makapaniwala, at dahil baliw rin sya ang sagot nya ay-
"siyang tiyak!"
"Biro lamang HAHAHAHAHAHA"
"Hamon nalang 'yon, seryosohin natin pero parang hindi na rin"
"Ano raw?" Hindi makapaniwalang tumingin si Silvestre sa kanyang kaibigan kung paano ito makipag kulitan sa kanya. Hindi niya mapagtanto kung ito ba'y may sayad sa utak o tila lamang komportable lang talaga ito ng sobra sakanya.
"Basta gano'n na yon!" Ang tahimik na paligid ay napalitan na umalisawsaw na tawa ng magkaibigan sa tabi ng ilog. Tila walang problemang naghihintay sakanila.
Lumipas ang tatlong taon mas naging malapit sila sa isa't isa. Sa ilog nanaman sila nag kita.
"Pablo, ba't ganyan mukha mo?" Isang biro dapat na tanong ngunit hindi niya inaasahan ang sagot.
"Pinapakasal ako ni Papa sa hindi ko gusto." Napatigil ng saglit si Silvestre sakanyang pag-upo at tinitigan sya ng hindi makapaniwala. Para bang may sumakit sa kanyang damdamin na isa rin sa kanyang hindi inaasahan.
"Gusto nya na lagi kaming magkasama ni Athena. Yung tipong parang hindi kami mapaghiwalay... nakakasakal, sobra" Saad ni Pablo habang hinihimas ang dibdib.
"S-seryoso?" Ani ng kanyang kasama pagkatapos bumalik ang kanyang malay sa kanilang usapan. Tumango si Pablo ng dahan at parang malapit nang umiyak. Niyakap sya ni Silvestre at tuluyan nang nilabas ang kanyang mga luha na kaganina pa'y pinipigil.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko... basta para saakin. Dapat gawin mo yung nagpapasaya sayo, oh kahit sabihin mo manlang sa iyong ama kung ano nararamdaman mo para maintindihan nya." Hinihimas niya ang likod ni Pablo upang maipakita na nakikinig siya.
"Nakakapagod, Silvestre, Hindi naman sya nakikinig sa sinasabi ko..."
"Pero maiba taya nga tayo" Pagbiro at paghila ni Silvestre palayo kay Pablo upang gumaan ang kanyang nararamdaman.
"Ano?" Tulalang tanong ng isa habang may luha pang nakaantabay sa mata. Nagtataka siyang tumingin kay Silvestre na ngumiti.
"Maiba taya? Laro yon ah!" At napatawa sya ng kaunti at binatukan si Silvestre nang palaro.
"Biro lang, Tumatawa kanaaaa. Pero seryoso, Maganda naman si Athena, mabait, masunurin, parang anghel. Bakit hindi mo sya magustuhan?" Pilit na tanong ng isa upang maiwasan ang lalong pagiisip sa sariling damdamin na kanina pa'y kumikirot.
"Dahil may gusto akong iba" Ani ni Pablo na hindi alam ni Silvestre kung anong reaksyon ang kanyang ipapakita sa narinig.
"At sino naman iyon? Wala kang binabanggit na pangalan sakin" Magsasalita na sana sya nang may narinig silang ingay. Dumapa sila sa damo upang magtago. Makakapal at sapat na tangkad ang damuhan dahilan na hindi sila makikita kaagad.
"Bitawan mo 'ko! Bastos ka!" Boses na babaeng pamilyar kay Pablo na kanyang sinilip upang makita ng maayos.
"Bitawan mo ko! Tulong!" Tinakpan ng lalaki ang bibig ng babae para manahimik.
"S-si Athena yon ah!" Bulong ni Pablo kay Silvestre, Tinitigan nila ang babae, at si Athena na sinasaktan ng isang lalaki. Si Athena ay umiiyak, hindi makasigaw ng tulong at maski hindi sya marunong kung paano protektahan ang sarili nya nang may pumukpok sa ulo ng lalaking gusto s'yang gawan ng masama.
"Atin" Tawag ni Pablo at tinulungan siyang tumayo. Si Silvestre naman ang pumokpok sa ulo ng lalaki at kanya itong tinignan, pagsalamat sa sarili na nakatulong ang kanyang ginawa.
"Pablo" Umiiyak ito at niyakap sya. Sa gilid ay nakatayo lang si Silvestre at pinagmamasdan sila habang patuloy ang pananakit ng kanyang damdamin. Hindi niya alam kung ano ito, nalilito siya kung ano ang nararamdaman niya para kay Pablo.
"Ayos kana, hindi ka na nya magagalaw" Sinabi ni Pablo sa dalaga habang hinihimas ang kanyang likod at pagsuri sakanyang katawan kung may sugat o wala.
"Ihahatid na kita sa bahay nyo. Silvestre, Bukas nalang uli" Lumingon siya sa gawi ng kaibigang nakamasid sa malapit. Siyang tumango.
"Sige, Mag-ingat kayo." Ngumiti sya sa dalawa at umalis.
--------------------
"Pa, Hindi ko gusto magpakasal kay Athena! At ganon rin sya! Bakit kailangan nyo po bang ipagpilitan!"
"Kung papakasalan mo sya magiging maganda buhay mo! Ang kanyang pamilya'y may mga pagmamay-ari'ng negosyo na maaari mong mamana. Alam ko kung ano nakakabuti sayo, Pablo" Pagdidikta ng kanyang Ama, tila may bakas ng pagaalinlangan sa kanyang mata'ng umiiwas sa kanyang gawi.
"Ni-hindi ko gustong magkaroon ng mana o kayaman! Nakakabuti sakin? Hinding hindi ko kakailanganin yo'n, Papa" Isang hikbi ang kumawala sa labi ni Pablo.
"Maski hindi ko kakayanin kung magpapakasal ako ng pilit nang may hinahangad na akong iba." Dagdag niya. Napatingin ito sa anak ng may gulat.
"At sino 'yon?!"
"Si Silvestre.. S'ya ang nais kong ibigin!" Sinuntok sya ng kanyang ama at napa-upo sya. Tila gulat ang nakalagay sa kanyang mukha. Nagulat siya sa kanyang sinabi dahil kahit siya'y nahihirapan sa kanyang damdamin. Dalawa ngayon ang humihila sakanya, ang gusto ng pamilya o ang gusto niya para sa kanyang sarili.
"Pablo!" Tumakbo sakanya ang kanyang Ina na nakamasid lamang sa tabi habang nagaaway ang mag-ama. Tinulungan niya itong tumayo at sinilip ang labi niyang nagdudugo.
"Agosto, tama na! Nasaktan mo na iyong anak!" Inis na sambit ng kanyang Ina, ayaw na ayaw nitong makitang masaktan ang panganay. Hindi sumagot ang kanyang tatay at mukha paring galit. Tumalikod ito sakanilang gawi at humingang malalim.
"Anak, halika na" Sumama ang kanyang ina sa kanyang kwarto at ginamot ang nagdugo nyang labi.
--------------------
Nung hapon ay nagkita sila ni Silvestre sa kanilang taniman dahil maganda ang tanawin rito tuwing hapon. Nagpapakita ang araw na hindi gaanong kaanit. Nakaupo si Silvestre sa itaas ng mga tama'ng tangkad na pader, sa ilalim niya ay ang damuhan na patuloy sumasabay sa pagsayaw ng hangin. Dumating si Pablo at agad siyang bumaba sa kinauupuan upang batiin ang kaibigan.
"Oh, Ba't namumula ang iyong labi? May sumuntok sayo?!" Gulat na sambit ng kaibigan na may halong pagaalala.
"Si Papa gumawa n'yan. Sinubukan ko lang naman sabihin ang nararamdaman ko pero wala parin nagbago" Ani ni Pablo na may kurot sa boses. Tila alam niyang hindi na babalik ang kanyang ama sa pinagkasunduan nila ng pamilya ni Athena. Pakiramdam niya'y pinagtataksilan niya ang kanyang damdamin.
"Hays... mukhang d na mangyayari yung kasunduan natin ah" Biglang tawa ni Silvestre sabay sandal sa pader habang abot-tanaw ang araw. Napakunot ang noo ni Pablo tila iniisip kung ano ang ibig nyang sabihin, at tumawa rin ng bahagya nang matandaan ito. Ang kanilang kasunduan na sinadya niya maging biro ngunit dahil sa sinisigaw ng puso, nais niya ito maging totoo.
"Mukhang hindi na nga" nabasag ang boses ni Pablo, tila pinipigilan ang sarili na umiyak sa kanyang sitwasyon. Dama ni Silvestre ang sakit sa puso ni Pablo ngunit wala na siyang magagawa pa kundi kumbinsihin siya sa kung ano ang kailangang mangyari.
"Pero naniniwala ako, 'd magtatagal magugustuhan mo rin ang mapapangasawa mo"
Hindi na sumagot pa si Pablo sa kanyang narinig. Mamaya pa'y may dumating na nakasakay sa kabayo. Nagtakang tumayo ang dalawa sa kanilang kinauupuan at lumapit dito.
"Pinunong Pablo, nais ka'ng makausap ng iyong ama. Sakyan mo na rin itong kabayo para mapabilis ang iyong pagdating sa iyong karoroonan." Gaya ng sinabi ng tauhan, agad na sumakay si Pablo sa kabayo na nakalaan sakanya at nagpaalam kay Silvestre bago umalis.
--------------------
Sumunod na araw. Alas' Kwatro ng hapon ay nagkita sila sa may tuktok ng bundok kung saan makikita ang paglubog ng araw. Pinunasan ni Silvestre ang luha ni Pablo na tutulo palang sakanyang pisnge na ikina tingin ni Pablo sakanya. May mangyayaring masama kay Silvestre at walang magawa si Pablo kundi masaktan na lamang.
"Suportado ako sa kasal nyo ni Athena. Kahit ayaw mo, kailangan mong ngumiti para narin sainyong dalawa." Ngiti ni Silvestre na dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ni Pablo, ito'y humihikbi na.
"Kakayanin ko bang ngumiti?" Ani ni Pablo habang pinagmamasdan ang mukha ni Silvestre. tinatandaan ang bawat detalye nito, mula sakanyang nakakapanghinang mga mata, ang matangos nitong ilong, ang nunal na katabi ng kanyang sentido na hilig niyang makita , at ang ngiti niyang nakakawala ng mga problema. Tila, kahit sa isang saglit ay nakaramdam siya ng laya at kapayapaan sa presensya ng kanyang mahal.
"Oo naman! Isipin mo nalang yung papakasalan mo ay yung taong gusto mong makasama buong buhay."
'Ngunit, Ikaw yon.' Sabi ni Pablo sakanyang isip.
Dumating ang mga taong ayaw nilang makita. Ang mga tauhan ng Ama ni Athena. Ang dalawa ay inilayo sa isa't isa. Ginapos si Silvestre habang siya'y nakaluhod at siya'y hinawakan ng mahigpit para hindi ito makakagalaw. Sa kabila, si Pablo ay nakatayong nagpupumiglas sakanilang paghawak. Alam ni Silvestre na wala na syang magagawa pa at ito'y pinigilan ang sarili niyang umiyak.
"Pakiusap! Wag ngayon!" Pagsigaw ni Pablo na hindi magawang umalis sa kanilang kamay.
Ang Baril ay kinasa at itinutok sa ulo ni Silvestre. Napatahimik si Pablo ngunit ang puso'y mas lalong kumirot. Napaluhod sya at humagulgol sa iyak.
"Kahit ako nalang patayin nyo. Pakiusap..." Naging mahina ang boses nito habang nagmamakaawa, halata ang kirot sa kanyang boses. Nasaktan si Silvestre sa kanyang narinig. Aminado siyang handa si Pablo pumalit sa kanyang posisyon para lamang siya ang mawala ngunit kanya itong hindi matatanggap kung mangyari man.
"Juan Pablo" Tawag ng Boses na pinakamamahal nya ng sobra, si Silvestre.
"The sunset is beautiful isn't it?" Malambing na pagbigkas ng kanyang pinakamamahal.
Dahil doon, napatingin sya sa araw na ngayong malapit nang mawala. Bago pa tumulo ang kanyang luha, isang putok ng baril ang kumawala.
"SILVESTRE!" Sigaw ni Pablo nang makita niyang binitawan na lang basta ang wala nang buhay na katawan ni Silvestre. Binitawan nila ito at tumakbo siya sa kanyang katawan. Hinihimas niya ang mukha nitong puno na ng dugo, muling sinusuri ang mga detalye nito... Ang nakangiting labi na nagpapawala ng kanyang mga problema ay ngayo'y wala nang kulay, ang mga nakakamanghang mga mata ay ngayo'y nakasara at ang mukha nitong napakakulay ay ngayo'y wala nang buhay. Ang pusong minamahal si Pablo ay hindi na muling tumibok pa.
"Silvestre..." Hindi siya makasingit sa mga hikbing lumalabas sa kanyang bibig. Tinatawag niya ang taong hindi na makakasagot pa. Hindi niya matanggap na hinayaan niyang mamatay ang pinakamamahal para lamang sa kasunduan ng kanyang Ama.
"M... Mahal kita." Humagulgol siya muli at niyakap niya ang walang malay na katawan. Masyado nang huli para sabihin pa ang salitang hindi pa naririnig ng namayapa. Hindi pa tumitigil ang sakit na kanyang naramdaman at ito'y nagbakas ng sugat sa kanyang puso. Para ba'ng siya'y sinasakal at sinasaksak ng paulit ulit.
Dahil sa lumubog na ang araw, inabutan na sila ng dilim sa tuktok ng bundok. Yakap yakap parin ni Pablo ang katawan ni Silvestre, Walang emosyong nakatulala sa tanawin ng buwan, tila naubusan na ng luhang maiiyak, sunod ng namatay na buhay sa kanyang mga mata. Hindi niya mawari kung kampi o hadlang ang buwan sa kanilang pagsasamahan. Tinatanong ang sarili kung ganito ba dapat magwakas ang kanilang storya. Ngayon lang pumasok sa kanyang isipan ang kahulugan ng ibinanggit ni Silvestre.
"The sunset is beautiful isn't it?"
Inalala niya pa ang mukha nito na paluha na ngunit pinipilit parin ngumiti sa kabila ng baril na nakatutok sa kanya.
'Mahal kita, ngunit kailangan na kitang palayain...'
Isang masakit na pangungusap na dumiin muli sa kanyang puso, isang kutsilyo'ng napakalalim na para bang wala nang mas magiging matalas pa dito na isinaksak sa kanyang kaluluwa at hindi na matatatanggal pa... Hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin, sinisisi nya ang sarili sa pagkamatay ng kanyang mahal na hindi naman dapat mangyari kung kanya lamang ito'y iniwasan. Isang linggo ang lumipas. Asa puso parin ni Pablo ang sugat na lumalalim bawat segundong lumilipas. Wala siyang enerhiya makipagusap sa kahit sino, kahit pa ang sariling pamilya.
--------------------
Tunog ng pagbukas ng pinto ang tanging ingay sa bahay ni Silvestre. Ang mga ama nila na dating matalik na magkaibigan ay ngayon napalitan ng pait sa kanilang samahan. Marami ang nagbago nang mangyari yon. Hindi man nila nagustuhan ngunit para kay Pablo, 'yon ang pinaka mapait na kanyang naranasan. Ramdam niya pa ang lamig na katawan ni Silvestre sa kanyang brasong niyakap ito.
Lumapit sya sa la mesa kung saan nakita nyang may papel na nakalatag, dahan dahan nyang pinulot 'yon at binasa. Pinagmasdan niya muna ang papel, may mga bahid ng luha ito dahilan ng pagkalat nang kaunti ng tinta.
"Para kay Juan Pablo," Unang salita pa lamang sa papel ay siyang napalunok para iwasang umiyak ang sarili.
"Sinusulat ko ito ngayon pagkatapos mo'ng umalis. Sigurado akong binabasa mo ito na wala na ako." Pait na ngiti ang nagpakita sakanyang mukha.
"Paumanhin, at ngayon lang ako aamin sa aking damdamin. Mahal kita, Pablo. Ninanais ka na ng aking puso nang palagi kong hinahanap ang iyong mga matatamis na ngiti." Dun palang ay 'd na napigilan ni Pablo ang humagulgol sa kanyang nabasa. Umamin sya ngunit huli na.
"Ngayon ko lang din nalaman na dati mo pa ako gusto ngunit hindi pa ako marunong umintindi ng ingles noon. Dahil sayo, nagkaroon ako ng interes upang matuto ng wikang ingles.
Sana mabuhay ka ng payapa at maging masaya ka para sa relasyon nyo, aking mahal, Alam ko mahirap, pero pilitin mo. Sayang, hindi na natin tinupad ang ating kasunduan. Pero nakita ng buwan at araw kung paano tayo tumingin isa't isa. Gaya ng buwan na laging sumusubaybay sa atin tuwing magkikita tayo sa ilog at sa araw na pinakita sa atin na may hangganan ang lahat ng mga bagay.
Salamat sa halos 3 taon o higit pa, salamat sa pagpapakita mo ng pagmamahal mo saakin kahit hindi ka pa umaamin. Sa tatlong taon nating pagsasama, doon ko naranasan ang kahalagahan ng may katuwang sa buhay kung saan may taong sasalo sayo kung kinakailangan mo ng kasama. Sana naipadama ko rin ang pag-ibig ko sayo, Pablo. Ikaw lamang ang taong nagpadama sakin ng kapayapaan at katahimikan sa kabila ng mahirap at maingay na mundo. Ikaw ang aking malamig na hangin sa mainit na paligid.
Nang nalaman ko ang sitwasyon, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, tila ba'y gusto kitang itago sa mundo para lang walang manakit sayo. Nakakapanghina ang iyong mga mata'ng puno ng luha, ako'y lubos na nasaktan hindi dahil sa mangyayari sa akin, kung hindi ay sa damdamin mo na alam ko'ng sinasaksak ng kirot. Ang bawat hikbi na lumalabas sa iyong bibig ay parang mga patalim na patuloy akong sinusugatan.
Gaya nang araw na sumisikat, Ito'y lumulubog rin para magpakita ang buwan at doon natin sinimulan ang ating kasunduan na kagaya ng ulap, hindi natin makakamit kahit ating ipilit. Dahil lumubog na ang araw. Ang buwan naman ang dapat sumikat para sa kanya. Mabuhay ka kasama ang iyong magiging irog, buksan mo ang iyong mata sa mga bagay na hindi mo pa nakita noon para kahit papaano, maging masaya kayo sa kung ano mayroon sainyo.
Hindi man ako ang iyong wakas. Ngunit masaya parin ako dahil hanggang sa huli, ang puso ko'y ikaw ang binibigkas.
Nagmamahal, Silvestre."
Sa pagbasa nya ng huling salita, humakipkip ang kanyang dibdib at kanya itong niyakap kasabay ng sulat na may pahid ngayon ng kanyang luhang walang tigil. Ilang minuto ang lumipas at may kamay na humahagod sa kanyang likod. Pagtingin nya dito ay ang Ama ni Silvestre ang nagpakita.
"Tiyo Rodrigo" Niyakap siya nito. Siya'y napatigil ng saglit at ibinalik din ang yakap. Mahirap rin sa isang ama ang mawalan ng anak. Nadatnan ni Pablo ang pulang mata ng kabila, tila kakagaling lang nito sa matinding iyak.
"Sana magpakasaya ka katulad ng sinulat ng anak ko jan sa papel na iyong hawak. Mahirap tanggapin ang nangyari... Kakayanin naman namin lumipat ng tirahan kung ito'y nalaman ko lang ng maaga" Malambot na sambit ng isang Amang nagluluksa sa pagkamatay ng nagiisa niyang anak. Napayuko si Pablo, dala dala niya rin ang presyon na dinulot ng kanyang Ama sa pamilya ni Silvestre.
"Kung alam mo lamang na hinikayat rin ako ng iyong ama upang gumawa ng kasunduan na kabilang ang iyong kapatid at si Silvestre. Hindi ako pumayag no'n." Pag-amin ng nakakatanda. Ang balita'ng ito ay ikinagulat ni Pablo, marahil hindi kailanman ito ibinanggit sakanya o pati sa kapatid niya. Tila ba'y pinagtaksilan nanaman siyang muli. Simula sa walang kamalayang kasunduan ukol sa sapilitang kasal nila ni Athena, hanggang sa kasunduang kasama ang inosenteng kapatid at ang minamahal. Ano ba talaga ang plano ng haligi ng kanilang tahanan?
"Kung alam ko lamang na aabot sa ganito ang pagiging sakim niya" Walang imik ang binata habang patuloy na iniisip kung bakit umabot sa ganoon ang kanyang ama.
"Ngunit.. mas pinili ni Silve ang manatili kami rito kaysa umalis. Hanggang sa huling pagkakataon, kami parin ang pinili niya maliban sa sarili." Pinipilit ng Ama na hindi umiyak. Sa halip, huminga siya ng malalim at hinawakan si Pablo sa parehong balikat.
"Pablo, Hindi ko maiwasang isipin pero alam ko'ng mahalaga ka sa aking Unico hijo para lamang ikaw ang huling nakasama nito bago mamaalam..." Napapikit sa sakit si Pablo. Dalawa ang dahilan, Ang pasakit na ginawa ng kanyang pamilya sa pamilya ni Silvestre, at siya mismo na hindi man lang naprotektahan ang sinta.
--------------------
"Pinatawag nyo raw po ako?" Nagtatakang bumaba si Pablo sa kabayo.
"Anak." Tawag ng ama niyang si Agosto. Dahan dahan itong lumapit sakanya habang lumuluha.
"Patawad at nasaktan kita kagabi..." Lumisan ng tingin si Pablo sa kanyang ama at ayaw nang matandaan pa ang kahapon.
"Pinagmamasdan tayo ng ama ni Athena. Kasama iyon sa aming kasunduan. Wala akong magawa kundi ipakita na pinipilit kita. Paumanhin, Pablo, kasalanan ko lahat!"
Hinawakan siya nito sa parehong kamay at lumuhod habang humahagulgol. Nagulat si Pablo sa kanyang narinig. Pinagmamasdan ng lalaking 'yon ang kanilang bawat galaw. Isa lang ang ibig sabihin noon, Alam niya ang gabi-gabing pagkikita nila ni Silvestre. Natandaan niya ang insidente kung saan muntik nang masaktan si Athena. Nabanggit ng dalaga sa kanilang pag-uwi ay nakita niya ang lalaki malapit sa kung saan sila ni Silvestre. Ngayon lang naisaisip ni Pablo na matagal na pala silang binabantayan.
"Puntahan mo na si Silvestre para makatakas sya! Sila ng pamilya nya!" Nang mahimasmasan siya ay agad na siyang sumakay ng kabayo nang walang sinasabi pabalik sa kanyang Ama. Nagiging malala na ang mga nangyayari dahil lamang sa kasunduan ng dalawang haligi ng tahanan.
"Patawad, Anak ko. Kasalanan ko 'tong lahat." Mahinang sambit ni Agosto habang pinapanood ang anak na humarurot paalis. Pinagsisisihan ang pagsang-ayon sa kasunduang hindi niya alam ang resulta. Sinasakal siya nito sa pagiging strikto sa kanilang mga aksyon. Sa kanilang papel na kasunduan, nakasaad dito na kung siya'y babalik sa nilagdaan ay mamamatay ang kaniyang pamilya.
Gabi na noon nang makarating si Pablo sa bahay ni Silvestre na malapit sa kagubatan, Puno ng kaba at takot ang kanyang puso. Ito'y pagod na pagod na tumibok.
"Silvestre!" Kinakatok nya ang pinto nang hindi mapakali, pawis na pawis dahil sa kaba at takot.
"Pablo?!" Pagbukas ng isa.
"Kailangan mo nang tumakas!" Nagulat si Silvestre sa kanyang aksyon at nakatitig lamang sakanya ng may pagaalala. Hindi na nakayanan ng bigat ng damdamin ni Pablo at siya itong humagulgol sa iyak.
"T-tumakas?! Saan?! Bakit?!" Hindi makasingit si Pablo sa kanyang mga hikbi kaya niyakap siya ni Silvestre.
"Pablo, Kumalma ka muna... Andito lang ako" Yumakap sya pabalik, pagkatapos ng ilang minuto, tumigil ang pagiyak nya. Pumasok sila ng bahay at pinaupo ni Silvestre si Pablo sakanyang kama.
"Gusto mo ba ng maiinom? saglit-" Tatayo na sana si Silvestre nang pinigilan siya ng isa.
"Dito ka lang muna, Silve... Pakiusap" Mahinang saad nya. Nakatayo lamang si Silvestre habang lumiko sa gawi niya.
"Ano ang may ro'n at bakit ganyan ka?"
"Anong takas ang sinasabi mo, Pablo?" Kalmadong pagtatanong uli ni Silvestre habang hinihimas ang magkabilang braso ni Pablo.
"Ang Ama ni Athena... pinagmamasdan nya bawat galaw namin ni Papa. Alam nya na may pagtingin ako sayo Silvestre, tinuturing ka nilang gambala sa relasyon namin ni Atin. Kailangan nyong tumakas nila Tiyo Rodrigo, Kung hindi mapapatay nila kayo" Saad nya habang naluluha ang mga mata. Hindi alam ni Silvestre ang kanyang mararamdaman... Ang kanyang mga mata ay may bahid ng takot, gulat at pagkabalisa.
"Paumanhin at ganito ang problemang binigay ko sayo na inosente lamang.. natatakot akong madamay pa kayo ng pamilya mo'ng walang malay sa nangyayari" Hinawakan nya ang kamay ni Silvestre na nakatulala sa kawalan, iniintindi pa rin ang kanyang narinig na balita.
"Patawad, Silve" paulit ulit na bigkas ni Pablo tila walang sawang pagbigkas dahil sa kanyang alam ay s'ya may pakana sa lahat. Nang mahimasmasan si Silvestre sa nangyayari ay hinawakan nya ang dalawang kamay ni Pablo ng may pahid ng luha sa kanyang mga mata.
"Pag hindi ako tumakas at susuko ako sa mga kamay nila, hindi mamamatay ang pamilya ko?" Nabigla si Pablo sa kanyang sinabi, hindi nya ito inaasahang marinig. Ito ang isa sa mga rason kung bakit siya napalapit kay Silvestre, dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Kung ganoon lang kaayos ang kaniyang mga magulang ay mamahalin niya rin ito ng sobra, ngunit dahil sa kanilang kayamanan ay naging sakim ang ama'ng si Agosto.
"Pag susuko ako sakanila, hindi nila gagalawin ang aking pamilya?" Pag-ulit ng kabila. Napahinto si Pablo at tinitigan ang mata ni Silvestre, puno na ito ng luha... Kita ang epekto ng impluwensiya ng kanyang pamilya sa buhay ng kanyang ginugusto. Dito yumanig ang kanyang galit sa kanyang sarili.
"Pablo, sumagot ka" Daing ni Silvestre dahil hindi siya sinasagot nito.
"Bakit mo hahayaang matapos ang iyong buhay kesa umalis sa lugar na ito?!" Tanong ni Pablo dahil hindi nya mawari ang dahilan. Namuo ang inis sa sarili at kay Silvestre. Binibigyan niya ito ng kakayahang mamuhay ulit ngunit hindi ito tinatanggap ng kabila.
"Dito pinanganak, at lumaki ang mga magulang ko. Dito nila kami tinaguyod kahit magsasaka lang sila. Wala kaming ibang mapupuntahan, Pablo."
"Ngunit Silve-"
"Gusto pa kitang makita kung ito man ang huli nating paguusap." Paghinga ng maluwag ni Silvestre pagkatapos ilabas ang gusto nyang sabihin. Napatingin si Pablo sa kanyang mga mata na namumula, bago lamang ito sakanyang pandinig at ito'y dumagdag sa sakit.
--------------------
"Simula nang mangyari ang pagwala ni Silvestre ay naging permanente ang sakit sa puso ni Pablo. Hindi pa nagtagal ay kinasal na sila ni Athena kahit labag ito sa kanilang loob."
"Hindi po ba nasasaktan si Athena? Kasi isa rin po sya sa dahilan ng pagkamatay ni Silvestre." komento ng bata pagkatapos ng kwento.
"Ang bata mo pa para isipin yon ah? Pero kung sasagutin ko, Syempre na-guilty na rin si Athena sa nangyari" Saad ng Nagkwento, si Paulito kasama ang kanyang mga kaibigan na si Vester, Ken, Justin, at Josh na bumisita sa bahay ampunan na kanilang binibigyan ng donasyon paminsan minsan.
"Ito, may kanta kami na konektado sa storya na kin-wento ni Kuya Paulito niyo, gusto nyo ba mapakinggan?" Saad ni Vester na kinatuwa ng mga bata.
"Ken, Jah, Paayos nga ng uupuan natin please" Utos niya habang inaaliw ang mga bata. Samantalang si Josh at Paulito ang abala sa pagayos ng kanilang mga mic na gagamitin sa pagtatanghal.
"May tanong po ako!" saad ng batang babae sa bandang gitna.
"Yes po?"
"Tumanda po bang magkasama si Pablo at Athena?"
"Ahh. Pau, pasagot, kwento mo 'to eh" Tawag niya sa kaibigan dahil hindi alam ang isasagot.
napatawa ang grupo sa paghingi ng tulong ni Vester.
"Hmm... Ano sa tingin nyo?" Tanong ni Paulito habang pumalit naman si Vester sa kanyang pwesto upang tulungan ang iba. Ang mga bata ay tahimik na nagiisip habang iniimahe kung ano nga ba ang wakas ng kwento.
"Sa tingin ko ay hindi na sila tumandang magkasama" Ani ni Jah.
"Bakit?" Curious sa sagot niya.
"Wala lang, feeling ko lang" sabay tawa ni Justin at napakamot nalang sa ulo si Paulito habang naka ngisi, samantalang si Ken at Josh napa-iling nalang sa tabi.
"Okay na, pwede na tayo magstart, guys" Saad ni Vester at umupo na sa nakalaan na upuan.
[Imagine them (on the vid) with simple clothing]
"I'll always love you,
always, always...
forever, I'll treasure your love, baby.
Hear me,
I'll be here watching,
and you'll keep on living.
And I will remain as a memory" Pagtitig ni Paulito kay Vester na kinakanta ang huling liriko. Ang kabila naman ay ngumiti sa kanyang gawi. Ang mga bata naman ay natutuwang pumalakpak pagkatapos ng kanilang pagtatanghal.
Nagaayos na sila upang umalis nang may humabol na batang lalaki bago pa sila makalabas ng gate.
"Kuya Vester!" Napalingon ang isa nang siya'y tinawag. Hinawakan ng bata ang kanyang kamay at ibinigay ang tig-isang guhit ng araw at buwan.
"Woahhh, gawa mo ito, August?" Tumango ang bata na tuwang tuwa sa ginawang drawing.
"Ang galing ah!" Lumapit si Paulito at hinaplos ang ulo ng maliit. Pareho silang hinawakan ng bata at ngumiti habang tinitigan kamay nila.
"Bagay po kayo" Ngiti ng maliit.
"Nako, baby, tao po kami hindi bagay" Ani ni Vester at kinurot ang pisngi ni August. Humagikgik sa tawa nalang ang bata at humarurot paalis.
Nagkatitigan ngayon ang dalawang magkaibigan at tumawa nang marahan. Tila bang tumigil ang oras sa pananaw ni Paulito. Inalala niya ang bawat lirikong dumidiin sa kanyang damdamin habang nakamasid sakanya ang ginugusto.
'Huli na ba para makuha pa kitang muli?' Saad niya sa kanyang isip habang nakamasid kay Vester na pinagmamasdan ang larawan ng buwan at araw na gawa ng bata. Pagkatapos ng ilang minuto ay inabot na ito sakanyang pareho.
"Pau, oh."
"H-huh?" Napatigil si Paulito sa kanyang pagkatunganga nang kinausap siya ng kabila.
"Ayaw mo kunin?!" Minamaldituhan ni Vester na pabiro.
"Ay HAHAHAHA" Kinuha niya lang ang buwan at iniwan ang araw sa kaibigan.
"Ha, Paano ito?"
"Sayo na yan, Gusto mo eh"
"Luh? Weh ba?" Tumango ang isa at natuwa naman si Vester. Kinilig si Paulito sa tamis na ngiti ng kaharap.
"Bester, halika na uy." Ani ni Ken. Nakahintay ang 3 sa gate na parang mga tuta.
"Tagal nyo naman guys" Saad ni Justin na nakasandal sa likod ni Josh.
"Pau, tara na." Sabi ni Josh na mukhang naiinip na.
"Grabe ha, akala nyo naman naghintay kayo ng ilang oras dyan." Pabirong dikta ni Vester habang naglalakad na silang palabas. Halos Alas'kwatro na sila nakaalis ng bahay ampunan. Nahati sa dalawang grupo ang lima at nagpaalam nang umalis sa magkakaibang direksyon. Si Vester, Jah at Ken ang magkakasama, Samantalang ang natira--- si Josh at Paulito ay naglakad naman sa kabilang direksyon.
Pinagmamasdan ni Vester ang drawing ng araw sa kamay. Nakatitig ngayon siya sa bintana sa kotse. tinatamasa ang pagpapakita ng maliwanag na buwan mula sa kabihasnan.
'Ako'y natatandaan mo pa ba, Aking Silvestre?' Isip ni Paulito habang nakatulala sa kawalan.
--------------------
"Naubusan na pala ako ng storage" Ani ni Vester
"Tanggalin mo na yan."
"P-picturan ko pa naman yung buwan..."
"Bilhan nalang kita ng bagong SD card na mas malaki storage para doon mo ilagay memories natin." Saad ng nagmamanehong katabi niya.