A Past To Fix

Par painsiri

874 495 58

Is it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? T... Plus

Prologue: Ang kaluluwa
Chapter 1 : Unang araw
Chapter 2: Bayan ng San Diego
Chapter 3: Tanya Lucianna Gonzaga
Chapter 5: Paghahanap sa Babaeng Naka-puti
Chapter 6: Si Leonora
Chapter 7: Pagbabalik tanaw ni Mateo
Chapter 8: Ang binata sa kakahuyan.
Chapter 9: Ang pagkikita ni Tanya at Maria
Chapter 10: Tinig
Chapter 11: Asawa?

Chapter 4: Maria Leonor Santos

92 58 5
Par painsiri

Hindi na alam ni Aira kung saan nagpunta si Sham at hinahanap niya ito ngayon. Iniwan niya ang Donya sa loob ng gusali habang nakikipag-usap sa Heneral.

Oh my gosh Sham! Nasaan ka na? Bakit mo'ko iniwan dito? Naiiyak na'ko di ko alam ang gagawin dito ehhh!!!!

Napansin ng binatang guwardiya sibil ang paikot-ikot na si Aira kaya nilapitan niya ito. "Binibini, baka ikaw ay mahilo sa ginagawa mo. Kanina ka pa riyan ikot nang ikot. May hinahanap ka ba?" Tanong nito sa dalaga. "Nakita mo ba 'yong babaeng kasama ko kanina?" Tanong ni Aira sa lalaki. "Ahh. Si donya Tanya? Umalis na ehh. Kinuha siya ng kaniyang Ina." Sagot nito. Nanlaki naman ang mata ni Aira iniisip na baka dinukot ang kaibigan.

"Donya Tanya?! Alam mo bang hindi naman Tanya ang pangalan nun? Siya si Aekiesha. Aekiesha!! At anong Ina?? Antanga mo kuya ni wala ngang nanay yun dito ba't mo naman hinayaang kunin nila?! May pagkatanga pa din naman yun kuya pag yun dinukot ulit sasapokin talaga kita!" Pagsisigaw nito sa guwardiya sibil na nakatulala lamang sa dalagang patuloy na tumatalak sa harap niya.

"Saan ka ba nagpunta Sham!" Napapadyak sa inis si Aira at galit na tiningnan ang gulat na guwardiya sibil sa harap niya at padabog na bumalik sa loob ng gusali.

Nakita nitong kausap parin ng Heneral ang babaeng yumakap sakaniya ngunit nagmadali itong lumapit sa dalawa at hinila ang Heneral palayo sa Donya.

"Anong ginagawa mo Binibini?! Nakakahiya sa iyong Ina!" Galit na kinuha ng Heneral ang kamay nito mula sa pagkakahawak ng dalaga. Tumingin ito sa direksiyon ng Donya sa 'di kalayuan at kitang-kita nito ang gulat at galit na ekspresyon sa mukha ng Donya.

"Ina?! Hindi ko nga kilala 'yan ehh. Nawawala ang aking kaibigan. Kailangan ko siyang mahanap ngayon din para makahanap na kami ng paraan para makauwi sa'min." Balisa si Aira at naiirita na rin.

"Ang iyong kaibigan ay kinuha na ng kaniyang pamilya. Kaya ikaw, sumama ka na sa iyong Ina." Dinuro pa nito ang dalaga dahil sa inis.

"Hindi ko nga 'yan Nanay. Puwede ba? Makinig ka sa'kin! Kilala ko ang mama ko at sigurado akong hindi siya 'yan." Sigaw ng dalaga sa inis.

"Nasisiraan ka na ng ulo. Siguro nabagok 'yang ulo mo nang dukutin ka at naalog 'yang maliit mong utak kaya ka nagkakaganiyan."

"Gago ka ba?! Eh kung 'yang ulo mo ang ibagok ko nang ma-realize mong wala kang alam sa buhay ko kaya huwag mong ipilit sa'kin na nanay ko 'yan kasi hindi ko nga nanay 'yan. Nasa malayong lugar ang mama ko."

"Minura mo'ko? Kababae mong tao ganiyan ang bunganga mo? Ang ingay-ingay mo pa. Umuwi ka na nga!" Tinalikuran ng Heneral ang inis na inis na si Aira.

"Buwesit ka!!!" Sigaw ni Aira na umalingawngaw sa buong lugar. Sinundan din agad iyon ng isang kalabog nang tumama ang libro sa ulo ng Heneral. Librong dinampot lamang ni Aira mula sa maliit na mesa sa tabi niya.

"Maria Leonor!!" Iyon ang sumunod na umalingawngaw sa establisimyento. Ang unang beses na sumigaw ang ina ni Maria. Galit na galit itong naglakad papalapit kay Aira at marahas na hinila ang kamay nito. Naiwan namang pakamot-kamot sa ulo ang Heneral dahil sa sakit ng pagkakatama ng libro.

Nagpumiglas ang dalaga ngunit mas malakas at mahigpit ang pagkakahawak sakaniya ng kaniyang ina. Halos kaladkarin niya na anak dahil sa ginawa nito. Nang makalabas sila ay nagsitinginan sakanila ang mga dumadaang tao at nagsimulang magbulungan.

"Hindi ba't iyan si Donya Segunda at si binibining Maria? Bakit tila galit na galit ang Donya?"

"Ano kaya ang naganap sa loob? Bakit may nag sigawan?"

"Hindi ko rin alam."

"Binato raw ni binibining Maria ng libro ang Heneral."

Nagpalinga-linga sa paligid si Aira dahil sa mga naririnig niya. Mga tsismosa! Mag t-tsismis nangalang rinig na rinig ko pa. Mga tanga.

"Aray ko! Masakit po." Nagpumiglas si Aira dahil ramdam niya na ang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ng Donya sa kamay niya. Papalapit na rin sakanila ang isang karwahe.

"Tumahimik ka Maria! Labis na kahihiyan na ang iyong ginawa kanina kaya huwag mo nang dagdagan ang iyong kasalanan!" Pabulong na suway sakaniya ng Donya at imbis na bitawan ang kamay ng anak ay mas lalo pa niya itong hinigpitan sa puntong naibaon na nito ang kuko sa balat ng anak.

Napasinghap naman sa sakit si Aira ngunit hindi siya pinansin ng Donya. Nang makarating sa harap nila ang karwahe ay agad siyang pinapasok nito sa loob nang hindi binibitawan ang kaniyang kamay.

Sa loob ay binitawan na ni Donya Segunda ang kamay ng anak at nagsimula nang umandar ang karwahe. Hindi pa nakakalayo ay nakatanggap ng malakas na sampal si Aira mula sa Donya. Sa lakas ng pagkakasampal sakaniya ay maluha-luha itong napahawak sa kaniyang pisnge na namumula.

Galit na tiningnan ni Aira ang Donya na galit din sakanya habang hawak ang brasong dumudugo. Nakita ni Aira ang pag-aalala sa mga mata ng Donya na agad rin nitong tinago nang makita ang sugat nito sa braso.

"Dumaan tayo sa bahay ni Antonio." Saad ng Donya sa kutsero. "Sige po Donya Segunda." Sagot naman ng matanda.

Nanatiling tahimik si Aira ngunit nais na nitong itulak ang Donya nang mahulog ito sa karwahe. Baliw na ata 'tong matandang 'to.

"Bakit mo ba'ko kinuha? At sino ka? Pakialamera ka ehh.. Nakakabanas ka." Bulyaw ni Aira sa Donya. "Kailan ka pa natutong gumamit ng mga salitang iyan?! At kailan ka pa natutong makipag-usap ng ganiyan?! Maria batid kong hindi maganda ang iyong ugali ngunit irespeto mo'ko bilang iyong ina kung ayaw mong ikulong kita sa iyong silid ng isang buwan." Galit na galit si Donya Segunda at hindi makapaniwala sa asal ng kaniyang anak. Batid nitong hindi maganda ang pakikitungo ng anak na dalaga sa ibang tao ngunit malambing at mapagmahal ito sakaniya at sa kaniyang asawa.

"At bakit, nanay ba kita? Puwede ba manang tigil-tigilan mo na'ko sa kalokohan mo. Marami akong problema sa ngayon at dadagdag ka pa talaga ha?! Arghh buwesit!!" Sinipa ni Aira ang upuan sa harap niya at naramdaman naman ng kutsero ang paggalaw ng kaniyang upuan na ikinagulat naman nito.

"Sumusobra ka na Binibini! Makikita mo talaga ang hinahanap mo pagkarating natin sa bahay. Kukunin ko lahat ng mga libro, kolorete, at mga gamit mo sa pagpipinta at hindi ka aalis sa iyong silid hangga't hindi ka nakakatapos ng sampung liham ng paghihingi ng tawad. Naiintindihan mo ba? At ito?" Galit na kinuha nito ang dalawang bag na bitbit ni Aira. Bag niya at ni Sham. "Hindi ko alam kung ano ito at kung para saan ang mga laman nito ngunit kukunin ko lahat ito. Makukuha mo itong lahat ulit sa oras na natapos mo na ang mga liham." Nakipag-agawan man si Aira ay nakuha parin ng Donya ang mga gamit niya. "Manong Karding dumiretso nalamang tayo sa bahay at magtungo ka kela Antonio mamaya sabihin mong pumunta siya sa aking tahanan."

Tumahimik nalamang si Aira at tumigin sa bintana ng karwahe.

Baliw na talaga. Mas mabuti na rin siguro 'to kesa walang matulugan na bahay. Nasaan na kasi si Sham? Nag-aalala na'ko at natatakot.

Bumalik ito sa loob ng karwahe at nanatiling tahimik sa buong biyahe. Nang makarating sila sa tahanan ng mga Santos ay nalula si Aira sa laki ng buong bahay nito ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon na tumingin-tingin sa lugar dahil nang pumasok sila sa loob ay nagsimula rin ang kaniyang ina na hilahin siya patungo sa isang silid sa ikalawang palapag. Nang makapsok siya sa silid ay agad itong sinara ng kaniyang ina at narinig rin ni Aira ang pagkandado nito sa pinto. "Tandaan mo ang aking sinabi kanina sa karwahe Maria. Pagkatapos mong mag sulat saka kita palalabasin. Kung iniisip mo namang humingi ng tulong sa iyong ama ay huwag ka nang mag-abala pa sapagkat sa susunod na linggo pa ang uwi nun." Huling sinabi sakaniya ng Donya bago ito tuluyang umalis.

Tumingin-tingin naman si Aira sa loob ng silid. Maayos at malinis ito ngunit isang kama, mesa, maliit na kabinet at upuan lamang ang laman. Masikip rin at mayroong maliit na bintana na tanging mukha lamang niya ang kakasiya.

Sabi ko na ngaba mandurukot ang babaeng 'yon eh. Sa laki ng bahay niya dito niya'ko dinala? Saka ang sabi niya anak niya'ko ahh.

Naglakad-lakad ako sa loob at naghanap ng kung anong puwedeng gamitin para makalabas sa silid na ito. Binuksan ko ang kabinet ngunit wala itong laman. Maging sa ilalim ng kama ay wala ring kahit ano. Naupo nalamang ako sa kama nang biglang may kumatok.

"Sino ka? Kung ikaw yan manang umalis ka na kasi kapag ako nakalabas dito makikita mo talaga!" Sigaw ko ngunit ibang boses ang narinig ko sa labas ng pinto. "Donya Maria pasensiya na po ngunit inutusan ako ng iyong ina na dalhin sa iyo ang mga papel at panulat na ito. May mga pagkain din na dala ang aking kasama. Bubuksan na po namin ang pinto."

Pagkain? Gutom na gutom na'ko huhu.

Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang tatlong babae. Ang isa ay may dalang sandamakmak na papel at panulat, samantalang ang isa ay may dalang mga pagkain, at ang isa ay tubig at baso ang dala. Nagsalita ang babaeng may bitbit na tubig habang umaalis ang dalawa pagkatapos nilang mailapag sa mesa ang mga dala nila. "Kumain daw po kayo ng madami at kumatok lamang kayo sa pinto kung may kailangan pa kayo." Tiningnan nito kung wala na ang mga dalaga at nang masiguradong nakaalis na ang mga iyon ay tumingin sa akin ng may babala. Naglakad din ito palapit sa'kin.

Napakapamilyar ng babaeng 'to. Sino siya? Ang weird niya din ahh.

"Siguro hindi mo na'ko maalala. It's been two years since we last saw each other. Anyway, Narito ako para sabihin na kailangang malaman niyo ang lihim ng inyong pamilya para makaalis sa lugar na ito. Sabihin mo rin iyon sa iyong kaibigan ahh? Hindi ko alam kung hanggang kailan kayo rito ngunit isang taon lamang ang palugit ninyo. Kapag lumipas ang isang taon na hindi niyo natapos ang inyong misyon ay hindi na kayo makakabalik pa sa hinaharap. Also, siyempre dapat niyong pigilan na mangyari 'yon." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay nagsimula itong maglaho sa hangin.

"Teka! Sino ka? Anong ibig mong sabihin? Hoy!" Sigaw ko rito dahil sa kung anong dahilan ay hindi ako maigalaw ang aking mga paa. Hindi ako makalapit sakaniya. "Hi! Ikaw pala si Bea! Welcome sa Dance Club." Nakangiting sambit niya. "Good luck Aira." Pahabol nito bago tuluyang maglaho.

Siya! Naalala ko na! Si Bea ang apo ng matandang 'yon!!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

360K 11.7K 59
"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover...
DRIVES HIM CRAZY Par Skye

Fiction Générale

1K 6 50
Miel has been trying her best to redirect her life and get herself a job after some years of being a house daughter. But it seems like the universe h...
16 2 2
Two people over a decade of not meeting each other since then. But the playful destiny deliberately makes it's way for their paths to meet again. Is...
10.9K 573 70
Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outsid...
Application Wattpad - Déverrouiller des fonctionnalités exclusives