Tulay Lang Ako .. (Oneshot)

By blueberrypie14

69 3 4

Sa dalawa kong best friends... may napapansin akong sa mga mata nila kapag nagtitinginan o nagsusulyapan. Hap... More

Tulay Lang Ako .. (Oneshot)

69 3 4
By blueberrypie14

A/N: Ewan ko kung maiiyak kayo dito. O___o Second attempt kong magsulat ng ganito. Anyway, hindi to true story pero based to sa mga emotions ko ;[ I feel so sad today and I don't know why, 8D Anyway, enjoy. 

/hands a box of tissue

here ya go. Kung sakali man po. XD :) 

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Sa dalawa kong bestfriends, may napapansin akong sa mga mga nila kapag nagtitinginan o nagsusulyapan. 

Happiness, joy and love. 

Bakit love? 

Kunwari kapag naglalakad kasi sila at nag-uusap, alam niyo yung parang may hearts sa mga mata nila tapos may hearty background pa sa kanila? 

Does that make sense?

And ako? Huwag niyo muna akong intindihin dahil darating din kung anong magagawa ko sa storyang ito at sa kanilang dalawa. 

Ang pangalan nga pala nila ay Kaye at Luke. Actually, ako yung reason kung ba't sila mas naging close. 

Nung second year high school kasi kamenaging katabi ko sila. Si Kaye sa right side ko, habang si Luka naman sa right side ko. Tuwing Math time, nagkakagulo 'tong dalawang 'to. Pinag-aawayan pa ako. Syempre, silang dalawa ang barkada ko, kaya pagtutuunan ko sila ng pansin... equally. 

Pero hindi naman sa mapagsasabay-sabay mo ang pagsagot sa dalawa. Kaya ayun naging frenemies sila. Kunwari kapag ko si Luka, sabay namang sasagot si Kaye and vice versa. 

[FLASHBACK 1]

July 5, 2011 

"Kath, diba Y= MX+B 'yun?!" Um-oo ako't tumingin naman kay Kaye. 

"Transpose.. dito diba? Edi minus na pala 'yun?" Sabi naman ni Kaye na may victory smile sa mukha niya.Sa kaloob-loob ko, napatawa nalang ako. 

Pero bigla naman sumabat si Luke at tinakpan ang mukha ni Kaye. Kahit kelan talaga, ang sama nitong lalaking 'to. 

"Uy, nalimutan ko na yung formula sa--" 

"Shut up, Luke! Echosero ka! Tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa mukha ko!" Habang ako tumitingin at napapatawa nalang, sila naman cat and dog fight. 

Nasabi ko pa nga sa sarili ko, matatapos pa kaya 'to? 

[End of Flashback] 

Pero after a month, nang hindi ko makayanan ang pag-aaway nila, nagpunta kame sa park at pinag-usap yung dalawa. Syempre, ako yung referee. 

[FLASHBACK 2] 

July 28, 2011

Hinahanap-hanap ko silang dalawa simula pa kanina... pero after 10 minutes hindi ko pa rin makita. At sabay pa talagang nawawala ha.. destiny talaga 'tong dalawang 'to. 

Dinaanan ko lang yung classroom dahil alam kong wala naman sila dun, pero... may naririnig akong sigawan, kaladkaran ng desks..... and sila nga ata 'yun... -_-

Binuksan ko yung pinto, at nakita mga desks gulo-gulo, nagsikalat kung saan saan. Tapos sila .. -__- ang kulet ng itsura. Ano 'to, giyera? Tapos nakasulat sa blackboard... 

'Panget ka.' 

'Mayabang ka.'

'Feelingera'

And lahat pa ng panlalait na bagay sa kanila. Sama ko noh? HAHAHA. 

Bumuntong-hininga ako.. "'Pati ba naman classroom idadamay niyo..? Pwede namang pag-usapan 'to ng matino diba?" 

Sumagot naman si Kaye, "Eh pano ba naman kami makikipag usap nang matino, eh biglang sinipa yung kinauupuan ko! Edi itutulak ko rin sa kanya!" Lumalabas na ang pagka lalake ni Kaye! Haha. Joke lang. 

Sumagot naman si Luke, "Eh pano din naman ako makikipag-usap ng matino dito? Eh binabara ako eh!" Hayyy, etong dalawang 'to. Hindi matigil ... 

Pero pano kaya kung sumama ako sa pag-uusap nila..? Malamang, hindi sila mag-aaway niyan. :)) 

"Kayong dalawa. Samahan niyo nga ako, punta tayo sa park at dun kau mag-uusap. Bago yan, ayusin niyo muna ang gulong ginawa niyo at baka dumating si Ma'am!" 

Pagkatapos nun, naglakad kami papuntang park. As usual, si Kaye sa right, si Luke sa left. Napatawa nalang ako kung gaano ka-cute ang dalawang 'to. Para kasing merong chemistry ang dalawang 'to. Nag-aaway man o hinde. 

[FLASHBACK ENDS] 

3 years na pala kaming magkakaibigan ah. Yung as in, kaming tatlo talaga. Hindi yung kay Kaye 8 years, at kay Luke 7 years. As in yung kaming tatlo talaga na magkakasama. 

Pero.. maiba muna ...

May naalala akong sinabi sa 'kin ni Kaye after nung pag-uusap naming tatlo sa park. Somehow, napagbati ko rin sila. Pero yung mga sinabi talaga niya ang nagpa-antig sa 'kin. 

[FLASHBACK 3] 

 August 17, 2010 

"Bye Lukeee! Ingat ka ah!" Ang sabi ko habang si Kaye naman parang may worried expression. May sakit ata, kaya kinausap ko. 

"Anong problema mo, Kaye? May sakit ka ba? Anong nararamdaman mo? Bakit ganyan mukha mo?" 

Tumingin siya sa 'kin. Pero nagtaas lang ang mga kilay ko. So nagtanong ulet ako nang isang beses, "Kaye? Anong nangyare?" 

"Ah.... huwag kang magagalit sa 'kin, Kath, kung meron ka man para sa kanya ah..." 

Huh? Ano daw? 

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya, pero pinagsalita ko parin siya't pina-upo sa nearest bench. 

Nakatungo siya, pero naririnig ko parin yung boses niya, "M-may gusto ako kay Luke.." 

O__o Oh... Yun lang ang tanging reaction ko, samantalang siya, nagtata-talon at niyuyugyog ang mga balikat ko. Sa ... takot? 

"Pleaseeeee Kath!! 'Wag ka magalit sa 'kin!!!!! 'Wag mo akong iiwannnn! Huhuhuhuhu! Sorry talaga at ----" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya at napasigaw sa kanya. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Grabe. 

"W-wait, Kaye. Anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan! Atsaka bakit ka nagso-sorry?" 

;__; Napatigil ang mukha niya na parang ganun. May luha pa sa mata at mukha niya. 

Anong problema nito? Wala naman akong feelings ... dun . 

Sinungaling! Sabi ng konsensiya ko. Pero handa ko naman siyang ibigay sa bestfriend ko. Mas maganda pa nga 'to eh. Alam kong bawal magsinungaling pero gagawin ko naman yun para sa kanila diba. 

"W-Wala naman akong gusto dunnn! Ano ka ba, Kaye! Sa'yong sa'yo na si Mr. Luke! At sabi na nga ba, may gusto ko dun ;)" 

Nahihirapan akong ilabas ang boses ko, pero alam kong kaya ko 'to. Para sa kanila. 

"D-Di nga, bespren? :( Sigurado ka ba diyan? Tatanggalin ko nalang 'to para sa'yo! Basta wag kang magsisinungaling sa 'kin!" Nagulat ako dun, pero nakaya ko paring tumawa. 

"Ano ka ba Kaye... Basta. Gusto mo.. alamin ko rin kung anong feelings niya para sa 'yo? :)" 

I swear, nakakatawa ang mukha niya nung sinabi kong 'alam ang feelings niya'. Sabi ng utak ko, huwag gawin, pero sabi ng puso ko, gawin mo para sa dalawang mahal mo. Tama si heart. Shut up, brain. 

[FLASHBACK ENDS]

So dito nagsimula ang love story nila. 

Ginawa kong cupid ang sarili ko para sa kanila. Habang ang feelings ko kay Luke, na lumalaki habang sine-set-up ko sila, isinasantabi ko muna dahil ayoko makagawa ng gulo o pag-iilang sa kanilang dalawa. 

Buti nalang naka-usap ko si Luke nang matino, kahit na si Kaye nalungkot dahil hindi ko daw siya nakasama pauwi, dahil may plano nga ako diba - na kausapin si Luke tungkol sa feelings niya. 

[FLASHBACK 4] 

September 13, 2011 

Nasa classroom kaming dalawa ni Kaye, pinapa tahan siya sa pag-iyak dahil... hindi niya ako kasama sa pag-uwi dahil dapat bonding namin ngayon, pero bawal masira ang plano ko. 

Talaga naman 'tong Kaye na 'to, masyado akong mahal.. =) 

Pagkatapos ng drama niya, sa wakas napa-uwi ko rin siya nang hindi nakikita ni Luke at siguradong magtataka 'yun kung bakit uuwi nang mag-isa at mag-a-argue pa kame kung bakit.  

Dumating siya sa room at nagmasid-masid. 

"Oh, Kath, asan si Kaye?" Sabi na eh. Pero may excuse na ako para diyan. 

"Sinundo siya ng Mama niya, may pupuntahan daw sila mamaya. Uhm, Luke, pwede ba tayo mag-usap?" 

"Ah.. sige. Ano ba 'to? Para atang seryoso ka ah. Hahaha." Pinalo ko siya sa braso at nagtungo kame sa park ulet. 

"Oh.. ano ba 'tong sasabihin mo at ang seryoso mo?" 

"Mhm... may gusto ka ba kay Kaye?" Nagulantang siya, sign na yun! :) 

"Bakit?" 

"Ehhh basta." 

"Eh kapag meron 'wag mong sasabihin, kundi, papaliparin kita pa-exit ng Earth!" Tumawa ako, "Seryoso ako, Kath!" Umaastang parang gangster naman 'tong si Luke.. 

"Opo opo .. pero balak mo ba siyang ligawan?" 

"Uh... pwede din. Pero meron rin ba siyang nararamdaman para sa 'kin?" 

"Belat!" Dinilaan ko siya, "Hindi ko alam, tanungin mo siya!" At tinakbuhan ko na si Luke. Natutuwa naman ako sa dalawang kaibigan ko. 

[END OF FLASHBACK] 

And... after months, may sinabi si Luke sa 'kin. Yung plano niya daw para sa Valentine's Day. 

[FLASHBACK 5] 

February 13, 2012 

"OIIIIIII KATH, Samahan mo nga ako daliii!" Sabi ni Luke. Ngayon ay February 13 . And tomorrow's February 14! Malamang. May sinabi kasing surprise si Luke sa 'kin para sa surprise niya for his beloved Kaye. Alam niyo bang hindi parin nila alam ang feelings nila sa isa't isa? 

Well... ganyan talaga ang love. Malalaman at malalaman mo rin yan someday. 

Kaya ngayon, aaksyunan na ni Luke, pero FYI, hindi niya pa alam na may gusto rin sakanya si Kaye ah. Ang sweet noh? :) 

[END OF FLASHBACK] 

Hanggang sa nakarating na ang Valentine's Day at dun ko lang nalaman ang surprise niya. Syempre, hindi ako kasama dun sa kanila, pinatingin lang sa akin ni Luke and... cute nga. :) 

And... 

[FLASHBACK 6] 

February 14, 2012 7:30 PM 

Tinawagan ako ni Kaye, excited na excited daw akong tawagan at ipaalam sa nangyare kanina. Surprise daw ni Luke. Ang saya saya niya daw parang nasa Cloud Nine na siya, hindi daw siya makakatulog ng mahimbing dahil sigurado iisipin niya daw. 

Natawa nalang ako dun. 

"Alam mo baaaa, yung may heart shaped dun, tapos dun may candles and then, may table dun, ung seat cover may hearts, tapos ang gwapo ni Lukeee! Grabe! Kaya pala pinilit niya akong magpalit ng ibang damit. Tapos tapos, si Luke, nagbigay ng bouquet of flowers! Ang cute ng arrangement!! Tapos... puro roses paaa! Tapos tapos, ang ganda ng boses niya! I mean ang  wafuu ng boses niya nung kinantahan niya ako ng Nasa 'yo na ang Lahat !!!!  Kyaaaa, Kath! Di ko na kaya tooo!" 

"Hahahaha, kaw talaga Kaye... oh, masaya ka na bang ngayon si Luke, same feelings na ngayon?" 

Narinig ko na lang, may umiiyak O__o "Hu-huiii, Kaye! Eto naman oh! Bakit, ni-reject ka ba niya? In a... romantic way?" 

Ano daw? 

"Sira! H-Hindi... kasi ang dami mo ng ginawa para sa 'kin! Atsaka..." 

Pramis.. napatawa ako ng malakas dun. "OHH! Bakit ka tumatawa! Eh totoo naman diba?" 

"Kaye....ano ba! HAHAHA! Drama mo, dre! Pero okay lang yun, lab kasi kita ehhh! Atsaka bestfriends tayo dibaaa!" 

Lalo pa ata siyang napaiyak dun. 

[END OF FLASHBACK] 

And ang pinakamasakit pa na naalala ko ay yung... nakita ko silang nag-kiss. 

[FLASHBACK 7]

February 20, 2012 

Official couple na sila. Sweet moments doon, sweet moments dito. Holding hands, hug at simpleng tawanan ng dalawa, kinikilig ako, pero... nasasaktan rin naman. 

Uwian na namin noong 4:00 PM. Pagod na pagod na ako at medyo depressed ngayong araw, pero 'di na 'to katulad nang dati na napapansin nila kung anong problema ko, ngayon kasi may sarili na silang mundo. Pero kahit ganoon, sinasali parin naman nila ako sa kalokohan nila. 

Nandito ako sa gate at sasalubungin si Kaye pero bigla akong nagtago at nakitang... 

Hinalikan ni Luke si Kaye. Quick kiss lang naman. 

Doon, mas lumala pa ang depression ko. Pero hindi ko 'to ipapahalata. Ever. 

After a few seconds, lumabas din ako't sinalubong si Kaye. Habang si Luke pumunta sa ibang daan dahil may bibilhin lang siya para sa kapatid niya. 

Habang naglalakad, hinarangan ako ni Kaye at napansing malungkot ata ako. Sheesh. 

"May problema ka ba ngayon, Kath? Ba't parang ang tahi-tahimik mo? May sakit ka ba?" 

"W-Wala naman, Kaye.. Eh basta 'wag mo na ako alalahanin at .... umuwi na tayo." 

Pag-uwi ko, humagulgol ako sa kwarto ko. Kelan ba mawawala ang sakit? 

[END OF FLASHBACK] 

Tapos, hanggang sa nalaman ni Luke. 

[FLASHBACK 8]

(A/N: Play Teardrops On My Guitar :3)

February 28, 2012 

May pupuntahan nanaman si Kaye kaya.... kaming dalawa ni Luke ang naiwang maglakad. Side to side. Hindi ako makapagsalita. Nasa dulo ng dila ko. 

Medyo nilalamig ako dahil may sakit ako. Pero alam ko hindi siya yung 'umuwi ka na' or 'magpagaling ka na' dahil reserved 'yun para kay Kaye. 

Malapit na kaming maghiwalay ng daan... hanggang sa nagsalita siya. 

"Kath...?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Alam kong ang mga pisngi ko namumula na, pero ayoko paring umuwi. 

"Po..?" 

"A-Alam ko yung.. nararamdaman mo para sa 'kin..." 

Napalaki mga mata ko. Parang gusto ko nang mawala. Parang ayoko na siya harapin. Gusto ko nang maghakot ng isang malalim na butas at magtago dun, FOREVER . 

"A-Ah.. saan mo naman  narinig 'yun, Luke? Hahaha. Ano ka ba. D-Di yun totoo..." 

Napasimangot siya. Pero ako, nakatungo. Mga kamay ko, nagpapawis sa sobrang kaba. Alam ko namang hindi niya ako tatanggapin. Si Kaye na 'yan. 

"Kay Kaye... ko narinig yan." 

"Kaye? Ba't niya naman sasabihin 'yun?"

"Ewan ko, pero... magpasalamat ka nalang na tinuring ka parin niyang... bestfriend." 'Di ko alam, tumutulo na pala luha ko. Pinunasan ko 'to at nakitang nakatingin sa ibang direksyon si Luke. 

"S-S-Sorry, Luke.. L-Lalayuan ko nalang kayo kapag...k-k-kaya ko. Bye." 

At tumakbo na ako papuntang bahay. 

[END OF FLASHBACK] 

Hanggang sa unit-unti ko na silang nilalayuan, pero.. napansin ni Kaye. 

[FLASHBACK 9] 

March 1, 2012 

humarurot ako pababa, pero nakita ko nalang na hinaharangan ako ni Kaye. Nakakunot ang noo. 

Kinaladkad niya ako palabas ng school hanggang sa makarating kame sa park. 

"Kath, sabihin mo nga sakin, iniiwasan mo ba kame?" I shook my head. 

"Eh bakit, mas nauuna ka pang umalis kaysa saming dalawa? Diba dapat tayong tatlo ang sabay sabay uuwi?" Nod. 

'Kath, magsalita ka!!" 

"Ughhh..." Di ko na nakayanan at napaiyak na ako. "Kaye... sorry.... lalayuan ko na kayo. Pa-Para hindi na mailang si Luke... ayoko na. Hahayaan ko nalang kayo.." 

"Kath?!" 

"Lalayo na ako, para.. wala nang gulo sa relationship niyo."

"Kath, ano ba 'to? Sabihin mo na nga ng diretso--" 

"Gusto ko si Luke! Dati pa! Pero, para sa inyong dalawa, ginawa ko ang lahat para mabuo ang relasyon niyo! Please, gusto ko na lumayo. Please, Kaye... please..." 

After 5 minutes... narinig ko siyang magsalita,

"Kung.. yan ang gusto mo... pero hindi naman kita nakikitang harang sa relasyon namin, hindi naman sa dahil tinuturing kitang kaibigan kaya hindi kita nakikitang harang, pero dahil nga sa... pinahalagahan mo kaming dalawa... at ginawa ang lahat para gawing matibay ang relasyon namin..." 

Pinunasan ko ang luha ko... 

"Naalala mo pa ba yung theme song natin...? 

(A/N: Isang song lang ang pwedeng mailagay, so type nyo sa youtube. XDD KSM best friends forever kung interested kayo. :3) 

Hey, wasn't it you

Who's always been there for me? 

Don't forget what we've been through together'

Hey, isn't it true? 

We promised to always be best friends forever... 

yeah.." 

Nakikanta din siya, habang ako umiiyak pa rin. Sakripisyo nalang para sa kanilang dalawa. Syempre, best friends ko parin sila . 

[END OF FLASHBACK] 

And ayun, hindi ko na sila... pinapansin. Pero nagh-hi parin naman ako. Ang nakakabonding ko lang tuwing weekends ay si Kaye. Malls, parks at mangangapitbahay ang pinagagagawa namin. Si Luke...? Ewan ko lang. 

Wala na akong nababalitaan sa kanya. 

Pero... hanggang sa bakasyon na at lumayo na silang dalawa. 

[Flashback 10] 

March 16, 2012

Bakasyon na namin 'to, pero di ko akalaing... iiwanan din nila pala ako. Ngayon ko lang nalaman na co-workers ang Papa nila sa same company. At ... matagal na nilang kilala ang isa't isa. 

Ouch...

I'll see them off dun sa bahay ni Luke. Shet. Awkward. 

Pero andun naman si Kaye, kaya okay lang. Alam niya na ang problema namin kaya... siguradong... magkaka-usap naman ata kame. 

4:30 PM 

Andun na kame sa bahay ni Luke. Ako, sitting awkwardly in a corner habang sila nag-e-empake. Ako nalang mag-isa... pag fourth year na ako..

Ayan na, nakahanda na sila. 

Niyakap ako ni Kaye, iyak nang iyak, habang si Luke, hinahaplos-haplos nalang ang likod ni Kaye. 

"Besprennn ah! Walang magkakalimutan! Yun parin ang cellphone number ko ah! Basta, huwag mo akong kakalimutannnn!!! huhuhuhu!!" 

Natawa ako... si Luke, tinitignan ako. 

"Uh.. bye, Kath... Ingat.." 

Pinalo siya ni Kaye, "PARA NAMANG WALA KAYONG PINAGSAMAHAN! UMAYOS KA, LUKE! KUNG HINDI HIHIWALAYAN KITA!" 

Nagpanic ako, "A-ahhh.. hinay lang, Kaye! I-ingat ka din, Luke! HAHA! L-Lab na lab ko kayong dalawa...." 

At...umiyak nalang kaming dalawa habang si Luke yakap-yakap kaming dalawa. 

Sumakay na si Kaye sa kotse nila at si Luke hindi parin... pumunta siya sa 'kin at may binigay na... papel. 

"Kath, ma-mi-miss din kita.. Uhm. Sorry sa lahat. Thank you din dahil pinasaya mo kaming dalawa ni Kaye." At niyakap ako. Dun ko lang naramdaman kung gaano kasakit. 

Sobrang sakit sa puso pala kapag magpapaalam yung taong mahal mo. 

"Luke... alagaan mo si Kaye, at! Tawagan mo rin ako ah! Balitaan mo ako sa da-moves mo kay Kaye!" Um-oo siya at bumitaw na. 

"Bye, Kath..." At may binigay pang isang papel na may chibi drawing na nakasulat ay.. 'Good luck, Kath!' 

Ngumiti nalang ako at nagb-babye sa kanila. 

[END OF FLASHBACK] 

Pero may ginawa nanaman ako na... hindi ko na nakayang itago. 

[FLASHBACK] 

May 15, 2012

Nagri-ring ... 

Kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko. Pero nang nalaman kong not in service, I decided na bibigyan ko nalang siya ng audio message.

Breath in... breath out...

Click. 

"Luke..? Kamusta na kayo ni Kaye diyan? Okay naman ako dito. Ewan ko ba kung bakit ako mag-iiwan ng audio message sa 'yo, pero... once na maka-usap man lang kita, masaya na ako, I'm glad na malayo na sa 'kin, dahil kapag nagsama lang tayong tatlo... I know na masisira ko ang relationship niyo. Keep strong and always love Kaye! hahaha, 

Basta... Ako, ILY nalang. Bespren." 

Click. 

[End of Flashback] 

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~ 

3rd Person's POV 

~Year 2026.~

"Eto ... ang kanyang diary. It seems na mahal na mahal nila kayong dalawa. Sana.. mapangalagaan niyo 'yan. Hijo, sana naman, nalaman mo na mahal na mahal ka ng aking anak, bago siya mamatay sinabi niya na lalabanan niya ang cancer para sa yo at sa kanyang kaibigan." Sabi ng isang matanda, pinupunasan ang mga luha.  

"...." 

"Luke... ang hirap tanggapin... bakit.. kailangan siya pa?" 

Umuwi na silang mag-asawa at naghanda na ang asawa ng kanilang makakain sa gabi, 

"Luke, magluluto muna ako ah." 

Um-oo siya at umupo sa sofa at dahan-dahang binuklat ang mga pahina ng kwaderno. 

Hinawak-hawakan ng lalaki ang bawat pahina, nalulungkot siya dahil alam niyang habang sinusulat ito ng kanyang kaibigan, ay tumutulo ang mga luha nito. 

"Kath... ba't kailangan mo pang mawala kung kelan babalik na kami sa tabi mo? Sabi mo diba, walang iwanan? Pati sa... audio message mo. Kahit na hindi ko tanggap na sinabi mo ang tatlong letrang 'yun... alam ko... hanggang ngayon..." 

Hindi niya na naituloy ang pagsasalita. 

Sa bawat pagbasa niya, nararamdaman niyang siya lang ang minahal ni Kath. 

"Kath... kung nasaan ka man, ILY din. Sana patuloy mo kaming suportahan ni Kaye... sana nakaginhawa ka na sa sakit mo...." 

Niyakap niya ang kwaderno't nang makita siya ng asawa, niyakap siya at parehong binigkas ang pangalan ni Kath, ang kanilang pinakamamahal na kaibigan. 

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

A/N: Hanu baaaa, naiiyak ako. :'( Ahahaha. Wala akong choice eh. Mas nakakaawa kapag nabuhay pa siya and ayoko i-ganun. xD 

May tissue pa ba kayo? Eto oh. /hands another box of tissue 

Kamusta ang mga mata? :((( XD Anyway, buong araw ko tong ginawa, kaya good night na sa inyo mga dre :))) Ciao~

- PatskieDoodle 

Continue Reading