SNOB ako, Pakielam Mo?

By ShatteredDuch

23 0 0

Aria Yengko- Masunget, Snob, Mataray, Tahimik, Gavin Roberts- Mabait, Makulet, Friendly, Talkative OPPOSITE... More

SNOB ako, Pakielam Mo?

23 0 0
By ShatteredDuch

Aria's POV

Naglalakad ako ngayon sa Hallway ng aming Oh-So-Called-School at eto pinagtitinginan nanaman nila ako.

sanay na ako halos everyday ganyan simula noong araw na nagbago ako.

Aish. bat ba ung pagbabago ko nanaman nasa utak ko.

ayoko na bumalik sa past ko. past is past nga diba. Hindi ako makakmove-on kung parateng lingon ng lingon.

eto na nga taas noo akong naglalakad sa hallway ng biglang

*BOOGSH!*

tinaasan ko naman ng Kilay itong lalakeng tatanga tangang bumangga sa akin. Tinarayan ko pa ng mukha sino ba sya! This is the First time na nakakita akong ng isang kutong lupa sa loob ng 4yrs na ko sa school.

"ay. Sorry miss. " sabi nung kutong lupa

"sorry?" nagsmirk naman ako "stupid.sa tingin mo makakabili ako ng bagong damit sa sorry mo?" mataray kong sagot..natapunan ako ng coffee nitong kutong lupa na to.

"sorry." nahihiyang sabi niya kinamot pa ang ulo..tss.

lumakad nalang ako para di na humaba ang usapan nonsense lang ang patutunguhan noon.

naglakad ako papunta ng locker ko. kukuha ng damit. buti nalang nagiiwan ako ng uniform dito.tss..ngayon lang ako nagthank you na may P.E. kami na swimming . after kasi ng swimming na P.E. namin we have to wear new uniform. ugn principal kasi masyadong maarte.=.="

paglabas na paglabas ko sa comfort room. dun kasi ako nagbihis alangan naman sa hallway diba? =.="

bumulaga sa akin ang aking bestfriend

"ARIA! " si Chad ang bestfriend kong bakla

hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ako si Aria Yengko. Short hair lang ang trip ko mahirap magayos ng buhok. pure pilipino ako mistisahin nga lang sabi kasi ng aking inay ay may halong mistisahin siya. BUT I consider myself 100% Pilipino. =.="

4th year HS nasa Section A considered as pilot section ng aming school. ang school namin ay Stanford University.

~_~ tinignan ko lang siya

"wow uso maghello! but anyway ! OHMYGAS aria may poging transferee ngayon " nagtitwinkle pa ang mga mata.

"oh?"

"haaaay. Kahit kelan ang KJ MO!" disappointed si Chad

"tara na ngat maglunch" inakbayan ako ng bruha parang ako tuloy lalake dito! kumekendeng pa ang bakla!!!!!!

suot ko nanaman tuloy ang iritado kong mukha >:/

"sister! kumukunot ang noo.! wag ganyan smile ^__^" nagwide smile pa ang bruha!

"bat ba badtrip >3<" nagpout pa! kaimbyerna to..nakoo..kung hindi lang mahal ko tong bakla nato! siya lang bestfriend ko =.="

"stop pouting. di bagay. tss." naglook away nalang ako . sa dinami dami nga naman ng mapagtutuunan pa ng pansin ko eh ung lalake pang nagpa-palit sa akin ng uniform ng di oras. ung kutong Lupa!

"OH MY!" OmO

"nakatingin dito ung papabels na wafu! ung transferee!" kinikilig na tili ni best

so sya ung transferee? kaya pala ngayon ko lng to nakita. Kutong Lupa =.="

"ano yan? 1st year?" -ako

"yiie. interesado si loves ko." -chad

"don't call me loves di tayo bagay. "

"aw. your so mean >3< "

"just answer my question"

"no his 4thyr na kaya mas bagay kami diba. magkasing age at gwapo siya maganda at sexy ako" *O* nagtwinkle ulit mga mata nya this time my heart na "oh my! best lumalapit siya dito " di mapakali si bakla

~_~

*O* .. >,< .. *O*

^_______^"

"hey " kamot sa ulo ung parang nahihiya

"hello!!" si chad yan masiglang masiglang bati niya

"can I join you for lunch?" -kutong lups

"n---" sasagot ako kasi si bakla na nagtuloy

"SURE! definitely! " may heart na talaga sa mata ni bakla

"tss.." -ako

hanggang nasa school canteen na kami tuwang tuwa si Chad makipagflirt dito sa kutong lups na to,

"so chad.. sino siya" tinutukoy ako ni kutong lups.

"si Aria" -Chad

"hi Aria.. Gavin nga pala" sabay abot ng kamay niya shake hands daw

crossarms lang ako di ko siya pinansin nag-lookaway lang ako "k" tipid kong sagot

"aria ang mean mo >3<" pout ni bakla

"gutom na ako. " kumuha ako ng tray saka pumila. [ung canteen po sa kanila ay kung paano magorder sa goldilocks? kukuha ng tray saka ituturo kung anong food tapos ilalagay sa tray saka magbabayad sa counter.gets?]

nagusap paring si Bakla at kutonglups. hanggang makarating ng counter =.=" seriously hindi sila mubusan ng topic.

aabot ko na ung bayad sa counter

"ako na treat ko nalang kayo magbestfriend ^_~ *wink*" kumindat pa ang kutonglups na to. =.="

"yiiiee.. best ang swerte natin nilibre tayo nung heartthrob" bulong sa akin ni bakla

"tss." napailing nalang ako dito sa bruha kong kasama na halos mahimatay sa kindat nung panget/kutonglups/pasikat

kumakain kaming lunch? na hindi ko maipaliwanag kung naka kain pa ba ako ng maayos? =.=" kada subo ko ata ng pagkain ko eh siyang dating naman ng fans nitong kutonglups nato. ang ingay ingay pa hindi ko tuloy napigilan sarili kong tarayan sila.

"will you stop! taking pictures with him! Can't you see its lunch break that means time to eat!" pagtataray ko dun sa mga babae "at ikaw *turo kay kutong lupa* aayain mo kaming maglunch tapos ano yang mga babae mo ba papakain mo sa amin! ang ingay ingay! " at nagwalk-out ako kakainis! kumakain ung tao hindi makakain ng maayos kaka pakuha ng pictures ano siya artsta

dirediretso lng akong naglakad

lakad

lakad

lakad

lakad

"ARIA!!!!!!!!!" hingal na tawag ni Chad

"Ano?!" lakad paring mas binilisan ko baka kasama si kutonglups

"waaaaaaaaiiiiiiit!" nagstop naman ako

"bat ka naman umalis kumakain pa ako. sayang tuloy yung food libre kaya yun" nanghihinayang naman si Chad

" so? eh bat iniwanan mo ?! hindi ko naman sinabing sundan mo ako" nagcross arms naman ako

"saka ano.. pfft. hehehe' nagpipigil ng tawa si bakla

"whats funny?!" mataray kong tanong

" ikaw kasi best. ang haba nung line mo ah. RECORD un! tska..para kang girlfriend na nagseselos kanina nagwalkout ka pa. hahahaha " asar ni Chad

"well I'm NOT his GIRLFRIEND! " pagtatama ko

"your acting like one!" taray naman na sagot ni Chad. aba! nagcross arms din ang bruha

"hmp." naglakad nalang ulit ako magpapalamig nalang ako doon sa garden =.="

"san nanaman punta mo?!" habol nanaman ni Chad

"none of your business"

"ARIA NAMAN eh! hinihingal na bestfriend mo :< di ka ba naawa sa akin!" pagmamaktol niya humahabol pa rin

" no" lakad parin

hanggang sa nasa Garden na ako. Malayo to mula sa Campus. Si Chad ba? tinawag ng teacher Secretary kasi siya ng Student Council. ganyan naman lagi kapag nadadaan kami sa Building ng mga Dep.Heads. kaya gusto ko dito ako lang magisa bago makadating madadaanan muna ang mga Dep.Heads kaya matatawag si Chad.

umupo ako dun sa favorite place ko sa ilalim nung mango tree. malamig, mahangin, take note fresh ang hangin dito.

humiga ako dun sa damuhan.

"hmm...lamig lamig." sabi ko sa isip ko

kaya ayun nagpagulong gulong ako sa damuhan ang presko kasi.

pagandito ako nagiging ako ulit ung dating Aria.

masayahin, childish, madaldal, makulit, at kung ano ano pang good thoughts about an idealgirl

un ako dati IdealGirl. Crush ng Bayan, kaso nagkaboyfriend si Paulo naging Prefect Couple kami noon. kaso mayhanggan ang lahat.

"haaay.." tumayo na ako ung parang batang bagong gising ang peg ko. saka ko tinapik ang dalawa kong pisngi mahina lang naman.

biglang may nalaglag sa likod ko

O_O OHMYGAS! may multo ba dito! sa loob ng 4yrs ko sa Stanford ngayon lang ako nagulantang ng ganito

hindi ako gumalaw natatakot ako eh biglang may nag wooossshh.. ung may dumaang mabilis

"HULI KA!" tinakpan niya mata ko

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! CHAAAAAAAAAAAD!!!!!!!!!!!!!!!!! My MUMU!!!!!!!!" sigaw ko pilit tinatanggal ung kamay niya nagwawala na rin ako

tapos may narinig ako "pfft...hahahahahahahahha" nawala ung kamay sa mata ko tapos may tumatawa tinignan ko

at sa gulat ko ung KUTONG LUPA andito!

"tss." inirapan ko lang siya

tumayo na din ako at piangpag ang palda ang uniform ko

aalis na ako panget na tong lugar na to ~_~ of all places ako lang ang may alam nitong lugar na to at alam kong wala masyadong studyante napapadpad dito.

"teka lang Miss Campus SNOB!"

=.=" seryoso alam niya tawag sa aking ng Campus.

bat ba kasi nauso magtawag ng ganyan sa isang Campus.

di ko siya pinansin lakad lang ng lakad

"HOY! napakasnob mo naman" aba't! kutong lupa talaga!

"magtatanong lang sana ako kung pede tayong maging friends" naglalakad padin ako at sinasabayan niya ako..

"huy! salita ka naman! OO o HINDI lang naman sasagot mo dun sa pede tayo maging friends eh" lakad lang titigil din yan

"FINE. Silence means Yes naman diba?" nakasmirk na tuloy lang sa paglalakad ang kutong lupa na to.

"no" sagot ko

"marunong ka naman palang sumagot" nangaasar na tono

"i know how to speak. stupid" mataray kong sagot

"bytheway alam mo ba kung san ka papunta?" lokong tanong nito sa akin

nagstop naman ako! oo nga san ba ako papunta. tinignan ko ung nasa harapan ko. ibang building at hindi ito ang building ng next subject ko

"hahahahahah nakakatawa ka talaga. hahaha" tawa pa brad nakakatuwa ka!

naglakad nalang ako pabalik malayo na to sa building namin ni CHAD!

leshe CHAD asan ka ba!

sinusundan parin ako nitong kutong lupa na to! nagstop ako

" quit following me!" pasigaw kong sabi

" well I'm not. My building is that way too" nakasmirk pa siya

aba't! nilagpasan lang ako!

naglakad nalang din ako

" oh by the way miss Aria.. " nagstop siya kaya nabump ako sa likod niya

narinig ko natawa siya "I mean babe. From this day on " humarap siya sa akin at nilapit ang mukha niya ung tipo bang konti nalang magki-kiss na kami " your my girlfriend"

"in your dreams" nagsmirk na din ako. Kapal nito!

"oh. not in my dreams. I just declared lately na ikaw ang girlfriend ko. ikaw ba naman ang mangiwan kanina sa canteen na parang girlfriend na nagseselos sa daming nagka-crush at nagpapicture sa akin kanina. syempre macurious sila kung ano ba kita hahahahahhahahah.. " panga asar niya sa akin.

"So?" tinaasan ko siya ng Kilay

"your my girlfriend now" nakasmirk parin siya ung nagyayabang talaga

"no way"

"oh. yes way babe" ^_~*wink*

"ARIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA LOVES!" singit naman ni Chad patakbo sa amin

"loves?" nagtatakang tanong ni Kutonglupa

"ano?" tanong ko kay Chad

"tara na. malapit na magstart ung class ni ma'am de guzman" at sumabit pa sa akin ung ginawa niya kanina parang ako tuloy lalake -.-"

"she's my girlfriend. don't call her loves" irita na hila sa akin ni kutonglups saka ako niyakap..NIYAKAP aghdjhdfskjghlkjgfk! ano ba!

"ANO BA! " tinatanggal ko yakap niya sa akin

" yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeee....kaw ah loves ko may jowa-ers ka na..inunahan mo pa ako.sige maiwanan ko na kayo nakaistorbo ata ako sa inyo" umalis si bakla ng patalon talon pa na kumakanta ng la-la-la~ basta pambakla ung ginagawa niya

nagpupumiglas parin ako dito "wag mo kong yakapin! bwisit! kutonglupa!"

"anong kutong lupa!" nakakunot na noong tanong ni kutonglups

"ikaw!" hahaha!natanggal ko na yakap niya sa akin *O*

"sa pogi kong to!" kapal!

"FYI hindi ka pogi. kaya nga kutong lupa tawag ko sayo diba?" saka ako umalis magsisimula na klase malelate ako. ayokong nagpapalate hindi ko pa na e-experience mapagalitan ng teacher sa buong HS life ko

Simula noong araw na iyon kinukulit na ako nung KutongLupa na iyon na Girlfriend niya ako at alam na ng buong Campus. at takenote ! siya nalang mismo nagcecelebrate ng Monthsary daw namin. lagi akong may gift everymonth kung ano ano minsan libre nalang niya sa resto. Hindi ko lubos maisip na dati Miss Snob ang tawag sa akin ngayon kung ano ano na. may Sl*t, B*tch, Flirt, Maarte, ang kati kati ko daw. at nasasaktan ako doon sa sinasabi nila hindi ko nalang pinapansin dahil maski itong si KutongLups siya nagdedeclare na kami at siya na din nagtatanggol sa akin. Minsan may iba pagkasama ko siya sasabihin Ideal Couple, Sweet, nakakainggit ,minsan sasabihin pa ng iba sa kanila nalang daw sana si KutongLups. Haaaaaaaaaaay Buhaaaaaaaaaay parang Life.

Yung mga sama ng loob ko minsan nailalabas ko natatarayan ko sila harap harapan kaya naman lalong nagiging bad ang tingin nila sa akin.

Naiinis ako dahil sinasabi nila bat ako nagustuhan ng kutong lupa na to!

hindi ko alam kung bakit.

at nasagot iyon isang araw nong naguusap kami ni Chad sa ilalim ng Mango tree. natuklasan na niya to dahil nagkaseminar ang mga Dep.Head nakalusot siya sa Dep.Head Building. Kasama namin dito si KutongLups dito na kami kumakain tuwing lunch sabi kasi ni KutongLups baka magwalk out nanaman ang Girlfriend niya

"sis!" nakangiting tawag sa akin ni Chad

"ano?!" taray na tanong ko

"I'M so Happy for you Biruin mo umabot kayo ng 4months! at magmonthsary nanaman kayo sa December 8 hahah.. " patawang sabi ni Chad "pero besti buti napagtyagaan mo ung mga maarte hahaha your so strong"

"ewan nakakainis sila kala mong mga girlfriend na inaagawan eh " inis ko saad

"possessive ka masyado sis"

"I'm not possessive.. saka ala akong karapatan" serysoo kong sagot

"yiiiiieee seselos ka na! Improving" pumapalakpak na sabi ni Chad

"no way hindi ako magseselos doon! mas magaganda ako sa kanila look at them para silang mga clown sa kapal ng make-up"

" tama nga ako! Your jealous sa mga babae na nakapaligid" nakangiting mapang asar si Chad

"hindi nga!"

"hey ano pinaguusapan niyo. sorry madaming tao sa canteen natagalan" buti dumating na si KutongLups kundi kukulitina ko ni Chad

"lagi namang maraming tao sa canteen specially pag andon ka" bulong ko.

"oo nga sis tama ka diyan" pag aaprove ni Chad

=.=" narinig pa niya yon

"ano un?" pakikisingit ni KL short for kutonglups

"kumain na tayo!! *O*" excited na kuha ni Chad ng pagkain

kumakain lang ako ng tahimik pinagiisipan ko ung sinabi ni Chad kung nagseselos ako I might be falling for him =.="

Pero NO HINDI PWEDE! HINDI PWEDE NA MAHALIN KO SI KL

I Promised ! I will love HIM forever wala ng iba.

and the thought na nagpromise ako nalungkot ako doon.. Hindi ko alam nahuhulog na pala ako sa kay KL

Everyday kinikilig na pala ako noon.

bawat pangungulit niya.

cheesy lines niya.

pangaasar niya.

Buong pagka Kutong Lupa niya Minahal ko na.

Mahal ko na pala ang isang Gavin Roberts

December 7 ngayon monthsary namin bukas ano pede kong iregalo?

This is the first time na magiisip ako ng ireregalo ko sa KL na yon. Chocolates? common na masyado. Bear? ano siya babae?

naglalakad ako sa hallway ng nagiisip.

"SIIIS!" nagising nalang ako ng tinawag ako ng bakla

"Ano?"

"kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin kanina pa sa may Gate. >3<" parang bata si Chad

"nagiisip kasi ako"

"ano naman?"

"kasi..." nahihiya akong sabihin kay Chad >,<

"kasi ano! dalian mo excited ako! first time ka nagisip "

aba! "OUCH!" sigaw ni Chad. binatukan ko

"anong first time nagisip! FYI TOP ako sa class hindi nga lang TOP 1"

"oo na sige na.. dali ano na iniisip mo"

"kasi.."

"ANO! ambagal!" nagcross arms pa sya saka tumingin sa relo

"kasigustokongbilanngregalosiGavin" >///////< mabilis kong sinabi

"ano? gavin lng naintindihan ko" nalugi na tanong ni Chad

"gusto kong bilan ng regalo si gavin" pabulong kong sinabi

"OHMYGAS!" tuwang tuwang sabi ni Chad nagtatalon pa ang Bruha

"ung earphones nya. to naman hindi mo ba alam lately nasira earphones ni gavin nahila kasi nung nagpapapicture tapos na apakan pa." updated ang luka!

"talaga! thank you!" niyakap ko naman si Chad .. nako alam ko na bibili ako paguwi

buong araw nagmamadali akong umuwi kasi gusto ko ng ibili si Gavin ng earphones hmm.. ano kaya fave color niya. Blue nalang typical na sa boys yon. Peroooooooooo hmm...tatawagan ko siya ...iiiihhh nakakahiya >/////////////////<

para kong tanga dito napapasok or hindi papasok sa Shop ng Together Shop sya ng mga couple items..

"HULI KA! bat ka andito?" O_O bat andito si Gavin!

" HA! napadaan lang ako!" aalis na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko

*dug*dug*dug* bumilis ung heartbeat ko O_O maysakit ako sa puso! tapos nakuryente pa ako kaya inalis ko pagkakahawak niya sa kamay ko

"ay aalis na ako tawag ako ng tita ko!" saka ako tumakbo palayo saka nagtago sa may poste di kalayuan doon sa shop

"pano na ung earphones >,<" sabi ko sa sarili ko

kinatukan ko tuloy ulo ko para kasi akong tanga BOYFRIEND mo yoN!

"alam ko na after 30mins! ala na si Gavin doon"

lumipas na nga ang 30mins at naggala muna ako sa Mall katabi noon Shop kesa naman makita ako ni Gavin =.=" malay ko ba kung saan way noon pauwi mamaya mahuli ako noon sa may poste

ABA! SI CHAD! may kasamang papa!

"CHAAAAAAAAAAAAAAAD!" sigaw ko kay Chad at napansin naman ako saka ako pumalupot sa kanya saka nagpuppy eyes

"chad i need your help please" nagpapababy na ako please gumana ka!

"chad girlfriend mo?" tanong nung papa ni Chad

"hindi ah! KUYA SHUT UP NGA! " aah kuya niya un

"kuya ka ni Chad?! bat hindi kita kilala!" curious ako

"I've been in states kasama ni Daddy nung nag 1st year si Chad kaya ngayon lang ako nakauwi nagtraining ako para sa business namin. ako nga pala panganay sa aming tatlo. Carlo nga pala" saka niya inabot kamay niya

at dahil ako ay isang snob na nilalang hindi ko un tinanggap

" CHAD! tara na " puppy eyes ulit!

"IIIIHHH! si kuya alang kasama" nako sa totoo lang ayaw ako nitong samahan eh

"it's ok sasamahan ko nalang kayo " nakangiting bati nito

"NO! " nagstop sign ako parang ung mga traffic enforcer pagnagpapastop

"si chad lang >3<" nagpout na ako CHAD naman pumayag ka

" ok.ok hahaha sige chad samahan mo na. dito lang ako balikan mo nalang ako after nyo magdate"

"YUCK kuya! di kami talo parehas kaming girl" diring sabi ni Chad

"hahahah sige na bye" pagpapaalam ni Kuya Carlo

" ano ba kailangan mo GIRL! " humarap sa akin si Chad at pinalo ang balikat ko hindi ganoon ka sakit

" ung gift ko di ko pa nabibili nakakahiya kasi >////////<"

"wow parang di ka pa nakabili niyang kay Paulo..sige na tara na nga!"

"YEHEY!" para akong batang nagtatalong dito

so ayon nasa shop na kami naghahanap ng earphones

"eto girl cute" sabi ni Chad

tinignan ko naman iiww.. masyadong sweet ayuko non

"eto nalang " Panda ung design nung earphone [asa side po ung pic]

"sure ka teh?" natatawang tanong ni Chad

"eeehh cute naman" pagmamaktol ko

"oh sya yan na. dalian mo at aalis pa ako"

ayun nakabili na ako pati ung bag kung san ko inilagay binili ko nalang sa Shop para kumpleto excited na ako bukas.

but still I need to ask permission medyo maaga pa naman may time pa.

bumili na muna ako ng flowers and candles

medyo malapit lang naman dito si Paulo magpapaalam na muna ako.

lakad lang ng lakad hanggang sa makarating na ako doon. nag HI muna ako kay manong guard kilala na niya ako almost 2yrs na din kasi ako pabalik balik dito. lately nalang ako hindi nakakadalaw. I opened the gate nakalock kasi may susi naman ako.

"hay ..PAO! namiss kita.! sorry ha hindi ako nakakadalaw busy? hehe" bati ko pagpasok ko ng bahay ni Paolo ito ung bago niya bahay ..let say ung libingan niya . ngayon 2 yrs na mula noon sira ang buhay ko naging si ARIA SNOB na ako. si Chad na nga lang nagtiyaga sa akin. namatay si Paolo dahil sa Leukemia na mana daw sa lolo niya.

linagay ko ung flowers na dala

"paolo. eto oh flowers . ay may nagdala pala sayo kanina. siguro sila tita. ui mahal to haha. nga pala pao alam mo ang daming activities sa school. alam mo si Chad vinote akong muse pero alam mo.. nakakalungkot di ako nanalo. haha...tinawanan ba naman ako ng luka sure na daw na talbog niya ako escort kasi siya .hahaha.. alam mo ba sa boong taon ko sa HS may kutonglupa na sumulpot lagi akong iniinis nun. at paolo dineclare niya pa na Girlfriend niya ako..araw araw nangiinis siya. minsan sweet siya minsan asar. every monthsary nga namin DAW may regalo siya kaso si Chad ang nagbebenifit. " huminga muna akong malalim " Paolo kaya ko to sinasabi sayo hindi para masaktan ka. gusto ko mag sorry dahil hindi ko matutupad ung promise ko na ikaw lang ang mamahalin ko forever. OO mamahalin kita hindi naman mawawala un kaso Paolo si Gavin mahal ko na siya at gusto na sana kitang pakawalan. Mahal na mahal kita Pao. ang SioPAO ko." natawa ako ng kaunti doon sa Siopao ko. tumulo ang luha ko dahil sa bawat linyang bitiwan ko naaalala ko yung dating KAMI ni Paolo.

- - - - -

gumising na ako nakasmile pa. im so excited. haay parang usual ME ung dating gumisgising ng sobrang masaya. binabati ang lahat ng madaanan ng goodmorning tapos nakasmile.

hanggang sa makadating ako ng school gusto ko si Gavin una kong makita sa araw na to kasi diba MONTHSARY daw namin kaya ngayon ako magsusurprise nagiintay ako sa may gate kasi alam ko ako lagi nauunang pumasok sa kanya dahil nagtetext sya sa akin kapag nakadating na sya sa school take note EVERYDAY.

pinagchichismisan pa nga ako na bat daw napaksaya ko today may gift pa na hawak..

nakita ko na si Gavin.

ang lungkot naman nito. ngayon ko lang naisip ang sungit naman ng mukha niya pagseryoso. parang laging mangangain tapos andami pang nagkakagusto. seryoso ano ba nagustuhan ng mga DIE HARD FANS niya sa kanya.

mag ha-hi ako tapos! ABA nilagpasan ako ano to strangers kami!

"gavin!!!!!!!!!!!!!!!" tawag ko pero nakatalikod parin siya

tumatakbo na nga ako maabutan lang siya. "GAVIIIIIIIN! WAIT LANG!"

"UI! ang bilis mo namang maglakad!" nakahawak na ako sa tuhod ko habang humuhingal

"ano ba kailangan mo?" mataray na tanong ni gavin

hinga munang malalim tapos smile. yung angelic smile ko. "eto oh gift ko sayo. HAPPY MONTHSARY!" pinakita ko pa ung gift ha! saka ko inabot.

"thanks" kinuha lang niya ung gift saka naglakad palayo.

habang papalayo siya nagiging sad ung mukha ko. SAD! pa nga ba! aba nakakaimbyerna yon ha! ANO BA AKALA NIYA MUMURAHIN UN! ANO KO ISANG DIE HARD FANS! SA GANDA KONG TO! nagiinit na ulo ko at namumula na din ako sa galit konti nalang umusok ilong at tenga ko!

"BAKLA! bat ganyang istura mo! nabigay mo na ba ung gift!" excited na bati nitong best ko pagpasok ko ng room

hindi ko pinansin at ang ashgjkfhgf mga stupidents kong classmate ay ako nanaman ang main topic! PORKE NAKITA NILA UNG GINAWA NI FAFA GAV sa akin...

sa galit ko tinignan ko silang lahat ung tinging nakakatakot parang papatay.

~_~ ako --------------------------- sila O_O O_O >,< >,< (_ _ ")

lumakad ako sa upuan ko. dahil bwisit ang araw ko tutok ako sa pagaaral kumain na din ako sa canteen. ala trip ko sa canteen magtataray ako gusto ko mawala galit ko at mapasa sa iba.

bawat ngumiti sa akin ang tingin ko sa kanila ay ung pamatay na tingin ko ung tipong di sila makakaimik at ung tipong maasar ka din.

may practice kami sa volleyball ngayon varsity ako dito. pake mo? aangal ka?

maaawa ka sa mga newbies at juniors halos lahat sila hingal dahil ang lakas ko magbalik ng bola sa kabilang court.

" prrrrrrrrrrrrt! *whistle* ARIA! hinay hinay lang juniors lang yan!"

huminto ako saka kinuha ung tubig kay chad nanunuod kasi itong bakla na to sa akin.

"aria kawawa naman si Gav lagi niyong natatamaan ng bola" bulong ni chad. tama siya lagi ko kasing pinapadaan doon sa stage kung saan nagaayos sila gavin. ewan ko baka nasa floor na utak non kanina pa siya namumuro eh!

"so? pakielam mo?" sinuot ko nalang ung earphones ko bwiset magsoundtrip nalang ako hindi muna ako sinalang ni coach -_-"

relaxing ng kaunti ung song kaya sumandal ako doon sa bars saka pumikit

nag ha-hum na din ako sumasabay sa song

"I don't know, but I think I may be fallin' for you ..hmmmmm..." haaaaaaaaay ano ba talaga!! am I falling for KL >,<

"I am trying not to tell you, but I want to. Im scared of what'll say..hmmmm...falling for yooouu" ayan nafi-feel ko nanaman ung kanta. narinig ko na ung whistle ni coach time na para magbihis ok nanaman na ako. di na masyado galit kaso nung pagkadilat ko nasa stage si KutongLups at nag mamic test.

sa kasamaang palad may mga taong papalapit din sa akin na may hawak na flowers inabot sa akin ung tapos may mga letters na nakasulat sa damit nila

una lalake - L

2 lalake- O

3 lalake-V

4 lalake- E

5 lalake- Y

6 lalake- O

7 lalake- U

tapos pumila sila saka tumalikod para mabasa ung letters saka sila may hawak na ibat ibang kulay ng balloons..

si Gavin lumapit sa T-Shirt nya may Letter I tapos inabot niya ung bouquet of red roses saka isang huge teddy bear na kasing laki ko saka isang maliit na box na kasama nung teddy bear.naglakad siya palayo. tapos dun sa nakapila nabuo na ung I LOVE YOU saka sumigaw si KL ng

"I LOVE YOU ARIA YENGKO-ROBERTS!!!!!!!!!!!!!!" sigaw na makakarinig at makaka agaw ng pansin ng lahat. may nag abot sa kanya nung Mic saka siya nagsalita

"mic test mic. EHEM! Babes! buti naman at nakapikit ka ng medyo matagal na prepare ko pa ung surprise! THANK YOU nga pala doon sa Panda. Kamukha mo hahaha. Open mo ung gift ko dali. pair yan nung panda sa Shop. " ano ba to nagsosorry oh nang aasar!

naniningkit lang ang mga mata ko sa galit.

"so eto kanina ko pa to iniisip medyo gay pero eto na! hahaha..sorry kanina nag susungit ako. kasi late na ako doon sa class ko. binigyan mo ako ng gift kaya naisip ko to. biruin mo forst time kang nagregalo. ". so hindi nakaplano yon kala ko nakaplano un pala sungit talaga siya -_-" "so babes. thank you ulit sa panda earphones favorite ko mga panda kasi antatamad nila kain lang ng kain ng bamboo. sa totoo lang una gusto lang kita kasi iba ka ung bang angat ung ganda mo. yung pag aya ko sa inyo sa lunch hanggang sa mag walk out ka nung tarayan mo ko. lokohin kita na girlfriend kita di ko alam na susunod at paninidigan mo naman. kaya eto na mahal na kita. sobra sobra. lagi kong inaantay yung pagsusungit mo sa akin. yung nagsusungit mong mukha pero maganda parin. una kong nakita ngiti mo ay doon sa may garden sa likod ng Dep.Head buildings para kang bata ikot ng ikot sa kama pero nasa damuhan ka naman. tapos takot na takot ka nung tinakpan ko ung mata mo. nagtaray ka ulit. lagi ko ung hinahanap. pag hindi mo ko nasungitan ng isang araw hindi maayos ang araw ko. KULANG kasi wala KA. happy monthsary MAHAL NA MAHAL KITA YENGKO-ROBERTS " kumindat pa.

"girl lapit ka s a stage" tulak sa akin nitong baklita na to

ala simangot pa din ako. bat pa hindi ko alam kung ano! pinapahiya ba niya ako or sinasabi niyang MAHAL niya ako.

dahil na din sa ingay sa stage at sa hiyawan ng mga tambay doon dumami ang mga tao habang papalapit ako sa stage si GAVIN ang pinupuri nila ako daw napakachoosy nakasimangot pa. pakielam nila!

malapit sa stage inalalayan ako ni gavin saka hinawakan ung kamay ko ayan nanaman ung kuryente. ilang voltage ba meron si gavin! lagi akong nakukuryente ha!

"smile ka naman"

"ala man lang bang THANK YOU? or thank you kiss or hug manlang?" nagmamaka awang mata niya..napangiti naman ako mukha siyang aso .. nahawakan ko na din ung bibig ko kasi baka matawa ako pinipigilan ko ung tawa ko baka mapahiya siya eh.

"oh de Thank you po"

"kiss pa" nakapout pa ha..

"asa"

"sige mamaya nalang nahihiya ka pa"

"ok"

"Happy Monthsary sunget" inabot sa akin ung gift niya tapos may bear saka flowers chocolates

"Thank You KL " nagwink din ako sa kanya kala niya siya lang ha. tapos tumawa akong mahina.

nagthank you naman siya doon sa mga tumulong sa kanya kaya nakaharap siya ngayon sa front kung saan madaming audience.

i-ki-kiss ko sana siya sa cheeks niya kaso bigla siyang humarap kaya sa lips tuloy kami nagkakiss sandali lang ha! hindi un matagal gulat din ako eh...

para sa akin eto na ang pinakamasayang year ko . THANK YOU kay Gavin Roberts na walang sawang nangulit, nambully, at parating nandyan at nasusungitan ko.

kala ko noon ga-graduate ako dito ng EMPTY, NOTHING parang kulang parate pero dahil may isang KUTONGLUPANG sumulpot sumaya ang buhay ko.

Tama nga sila may mga bagay na hindi mo inaasahang dadarating lalo na kapagnandon ka sa stage na Broken at Malungkot.

"ehem. " lumunok akong malalim saka sumigaw " I LOVE YOUU GAAAAVIIIIIIN ROBERTS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" saka ako tumingin kay Gavin ng nakangiti sa sobrang saya.

--------END-------

Continue Reading