ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.3K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee
Extra#2: A man who wants her as his woman

Chapter Ten-D

101K 2.3K 218
By iamyourlovelywriter

a/n: nagulat kayo no? ako nga rin nagulat dahil may chapter 10-D pa pala. Hahahaha, as per request kasi ito dahil feel ko rin na medyo kulang ang mga chapters. This is the challenge of writing short stories na ten chapters lang... (sa ibaba na ang kasunod) Basa muna.


Chapter Ten-D

Papasok na siya sa study room ng kanyang ama ng may marinig siyang may kausap ito, dala ng kuryusidad ay hindi muna siya pumasok sa halip ay nakinig siya. It's bad to eavesdrop but this time something is telling him that he needs to listen.

"It's working according to plan." Hindi siya pwedeng magkamali boses nga iyon ng daddy niya at sa palagay niya ay may kausap ito sa telepono. Gusto lang naman niyang makausap ang daddy niya dahil kailangan niya ito para suyuin ang kanyang asawa. Ito naman kasi ang pasimuno ng lahat kahit na ang totoo ay may kasalanan din naman siya dahil masyado siyang naging padalos-dalos. Uto-uto at kung anu-ano pa ang pwedeng idescribe sa kanya ay siya talaga iyon. At dahil sa pagiging immature niya ay nawala ang napakaimportanteng bagay sa buhay niya, ang kanyang asawa at magiging anak.

He needs his help as his plan B dahil ang plan A talaga niya ay kausapin ang mga members ng sorority na kinabibilangan ng mga ito. He haven't meet them yet dahil hindi pa siya handa, he talked to Heinz and he said he really fuck up. He even warned him not to do anything na ikakagalit ng mga ito dahil kayang-kaya siyang pahirapan ng mga members kahit hindi pa siya gumagalaw. Tama ang sinabi ng mga kaibigan niya, he should and would never fall to one of them but he did. Si Diana ang klase ng babaeng masarap at madaling mahalin ang problema lang siya naman ang klase ng lalaking tanga at ang sarap ipakain sa pating. Tanggap na niya iyon kaya nga ingat na ingat siya sa kanyang mga galaw ayaw niyang magkamali, he is in a very crucial moment of his life right now.

Muli niyang pinakinggan ang ama at ang kausap nito.

"Yes, Hollier." Miss Hollier? Wala siyang kilalang kakilala ng pamilya niya na may ganoong pangalan. "Makakaasa kang gagawin ko ang nasa plano, alam kong gagawa na siya ng paraan ngayon. Nakasunod ang mga tauhan na ibinigay mo sa akin para matyagan ang bawat galaw niya, nila."

Sandaling natahimik ang daddy niya, hindi niya alam kung sino ang kausap nito.

"Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo at gagawin ko ang lahat para makabawi. At saka kailangan din niyang matutong kumilos ng siya lang. I'll contact you again once I've found out the responsible of that accident twenty one years ago. I had the pictures, mmakakaasa ka."

Nang sa tingin niya ay wala ng kausap ang daddy niya ay saka siya kumatok.

"Pasok." Natagpuan niya itong nakaupo sa upuan nito habang may binabasang kung ano na agad nitong itinago sa loob ng isang folder. A black folder na may nakatatak na confidential, bigla siyang nacurious sa laman ng bagay na iyon pero hindi siya nagpahalata.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I want your help." Tinawanan lang siya nito sa sinabi niya. "I don't want your money or your connections just you as a person dad." Tumigil ito sa katatawa.

"What can you do without me son?" medyo nainsulto siya sa paraan ng pagtatanong nito. His pride rouse up like a lava from its vent.

"I can do things on my own I have my money and my connections isa lang ang gusto ko at iyon ay ang humingi ka ng tawad sa asawa ko. Kahit na ginawa mo ito para itest ako hindi pa rin tama na idamay at saktan mo siya."

"Ako ba ang nanakit sa kanya?"

"Kung hindi mo ginawa ang mga bagay na iyon okay lang naman sana kami ngayon." Dahilan niya dito at muli itong tumawa ng malakas.

"Sabihin natin na okay kayo ngayon pero paano sa susunod na mga buwan at araw? Paano kung may ibang tao at hindi ako ang magtangkang sirain kayong dalawa?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. "Sa tingin mo ba talaga ay ganoon din kadali ang naging pagsasama ng kapatid mo at ng asawa niya? Think again son, kung anuman ang pinagdaanan mo ngayon napagdaanan din nila. Kaya lang sila nalampasan nila ang problema dahil may tiwala sila sa isa't isa. Isipin mo nalang na ako ang kontrabida sa kwento niyong dalawa, lahat naman ay may kontrabida at sasabihin ko sa iyo ito masaya akong maging hadlang sa pagsasama ninyong dalawa."

"Why are you doing this to me dad? This is between me and my wife hindi ka dapat makialam."

"Kontrabida ako Warren at nakikialam ako. Matanda na ako at wala na akong pwedeng gawin ngayon na hindi mo kayang gawin."

"At sirain ang pagsasama namin ang gusto mong gawin?"

"Mali ka, ang pagtibayin ang pagsasama ninyo ang gusto kong gawin. I want to test how strong your foundation is, ang bahay na hindi maganda ang pundasyon ay nagigiba pero ang bahay na may matibay na pundasyon hindi madaling masira." Ngumiti ito sa kanya. "When was the last time you said I love you to your wife son?" malumanay na ang boses nito, hindi na ito nang-aasar sa halip ay nababasa na niya ang tingin ng isang mapagmahal na ama sa anak.

"Hindi ako nakikialam dahil gusto ko kayong sirain anak, sabihin mo ng ginagawa ko ito para sa iyo. Para sa inyong dalawa dahil alam kong sa hinaharap ay may darating mas malaking pagsubok na pwedeng sumira sa inyo. Kapag hindi niyo malalampasan ang pagsubok na ito paano pa ang mas mahirap pa? Huwag kang magalit sa halip ayusin mo ito huwag kang mag-aalala kakausapin ko ang asawa mo kapag naayos niyo na ang gulo niyong dalawa."

Lumapit ito sa kanya at yumakap sa kanya ng mahigpit. "I love you son and I love your wife too, she deserves someone better and I know that better is you. don't do just better do your best to be the best husband to her and father to your unborn child."

"You knew?"

"I know everything son more than you think I know kaya trust me, do all your best and get your family back. Nasa likod mo lang ako at wala akong tatanggapin na iba mong maging asawa maliban sa asawa mo ngayon. I don't want her to suffer the same way a friend suffered before because of a bad decision and bad choice. Make your wife the most special person in your world don't make her regret that she married you. It will be your lost son."

"I understand dad."

"And marry her right this time okay, sa simbahan o kahit saan basta pormal. Kahit hindi sabihin ng babae lahat sila gusto ng magandang kasal iyong pwede nilang ikwento sa mga anak nila sa hinaharap."

"Yes dad, I am going to tell her how much I love her. Sana hindi pa huli ang lahat."

"Wala namang una o huli sa taong nagsisikap. Palagi nating sinasabi na huli na pero ang totoo niyan nagsisimula pa lang pala. Don't start with an end instead end it with a start. Go, I will always be here behind you. Get your wofe and your child."

"Thanks dad."

"Go now."

And he did, somehow his dad's words were the harshes but it gives him the courage to do the right thing and that right thing will help her in getting his family back. Why would he start with an end when he could start an end with a start?

Nagtapos ang kabanatang iyon sa buhay nilang mag-asawa, ngayon magsisimula na siya ng tama and his first step is to get the approval of his wife's friends. The hardest thing to do of course gaya ng sinabi ni Heinz at ni Colton sa kanya, pati na rin ni Rye.

Tiningnan niya ang card na may nakasulat na address hanggang sa natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang bahay sa isang kilalang subdibisyon. Walang katao-tao sa paligid kaya aakalain mo na isang ghost area iyon, mukhang pinaglalaruan lang talaga siya ng isip niya. Ganito pala kapag kinakabahan hindi pa man pakiramdam mo ay bibitayin ka na.

He pressed the doorbell and it opens parang sa mga horror movies iyon kaya mas lalo siyang napalunok sa kaba. Gusto na niyang umatras at tumakbo but his determination to get his family back is much stronger than his fear towards this creepy house.

"Shit!" malakas siyang napamura ng biglang may isang baseball na tumama sa kanya, kung hindi siya nakaiwas malamang basag na ang bungo niya mabuti nalang at nakaiwas siya kaya dumaplis iyon sa kanyang braso. Mukhang pinaglalaruan siya ng mga babaeng iyon pero kakayanin niya.

"Gud aptirnun Ser." Muntik na siyang mapasigaw ng may isang may isang maliit na babae na may puting facial mask ang humarang sa kanya. Nagulat siya hindi natakot, iyon na iyon.

"Nasaan sila?"

"Ay sela ati fu bah? Vava lang fu kayu duun." Napapangiwi siya sa accent nito halata kasing pinaglalaruan din siya nito dahil pilit na pilit nitong pinilipit ang dila nito.

"Salamat."

"You are much welcome Sir and good luck." Sabi na nga ba at hindi talaga Bisaya ang babaeng iyon, malamang katulong ito ng may-ari ng bahay. Tinahak niya ang pintuan na tinuro ng babaeng may puting facial mask, pagbukas niya ng pintuan ay isang hagdanan pababa ang nakita niya at mukhang kailangan pa niyang bumaba doon. Napapalunok siya habang bumababa at bago pa man siya tuluyang makababa ay bigla nalang siyang nadulas. Mabuti nalnag at nasa halos pinakamababang baiting na siya ng hagdanan kaya hindi masyadong masakit ang pagbagsak niya. Pero napamura pa rin siya ng pagkakita sa kamay niya na punong-puno ng malagkit na bagay ay isang kulay green na likod ang nandoon. Muntik na siyang masuka and swear kapag magluluto siya maaalala niya ang bagay na hawak niya. He doesn't even want to think what that thing is.

Everything in the house is so creepy. Nakarating siya sa isa pang silid, this time naging mas mapagmatyag na siya dahil tiningnan niya muna kung ano ang laman baka kasi bigla nalang siyang sibatin o kaya naman ay may madulas na bagay naman na ikakadisgrasya niya. nakahinga siya ng maluwang ng wala na ngang kung anong weird na bagay na bigla nalang babagsak sa kanya. Pero mas lalo siyang kinabahan ng makita ang mga babae na nasa loob ng silid na iyon. Para siyang pumasok sa principal's office kung saan kaharap niya ang mga principals at teachers niya.

Pito lang ang nandoon, hinanap ng kanyang mga mata si Diana pero wala ito doon. Gusto pa naman niyang makita ang asawa niya he misses her a lot. May nagflash sa dalawang screen, si Chloe ang isa at iyong isa ay isa pang magandang babae na hindi pa niya nakita. Ito siguro ang tinutukoy ng mga itong Hexel, ang leader ng grupo.

"State your name and your age, your net worth." Agad na salubong ng babaeng naka-upo sa gitna. Si Georgette, iba na ang hitsura nito sa dating nakita niya noon. She looks like a woman now.

"Warren Cuevas, thirty one. I don't know what's my net worth is but I am sure it's more than six digits."

"And what brings you here?" tanong ng kapatid ni Heinz, bigla siyang kinabahan na hindi niya maintindihan.

"My wife."

"You have one?" sarkastikong tanong ni Karylle na asawa ni Colton. "Bakit hindi namin alam na may isa pala dito na asawa mo? Hindi yata kami naimbita."

Napalunok uli siya. "I-I—it was rush-."

"Ay iyon naman pala rush naman pala ano sa tingin mo ang kasal isang rush ID na five minutes lang ay tapos na?"

Hindi siya umimik dahil kung tutuusin ay parang iyon ang nangyari.

"I want to correct my mistake kaya ko siyang pakasalan sa lahat ng simbahan o sa kahit na anong kasal na gusto niya. I just want my wife back."

Tinawanan siya ng mga ito, "Nang ganoon lang kabilis? Not that easy lover boy." Singit ng babaeng nasa screen. "Ikaw sa lahat ang nakalusot sa mahigpit na pagbabantay namin sa isa't isa. We are the Zalpha Bri Sorority, alam mo ba ang sinasabi nila? If you've got one of us, make her fall, kahit na anong hilingin mo kaya daw nilang ibigay. Narinig mo na ba iyon?" mabilis siyang umiling dahil hindi pa niya naririnig ang bagay na iyon.

"I haven't but the name of your sorority is familiar,"

"Ibig sabihin hindi mo pinakasalan si Diana dahil lang sa walang kwentang hiling na iyan?"

"Of course not! I love her!" sigaw niya.

"Huwag kang strong pare hindi ka naman namin inaaway." Singit ni Monique. "At least we made it clear na hindi dahil sa membership niya sa sorority ang dahilan kung bakit mo siya pinakasalan."

"I love her because she is my Diana Rose not because she is connected with you all. At kahit na hindi siya konektado sa inyo mamahalin ko pa rin siya." buong katapatang sabi niya sa mga ito.

"At pinakawalan mo siya."

"It was my mistake hindi ako nag-isip at may nasabi akong mga masasakit na bagay na nakakasakit sa kanya."

"Ang isang pagkakamali ay madaling patawarin pero kapag agad ka naming pinatawad mas madali sa iyo na gumawa uli ng kasalanan na ikakasakit niya dahil alam mong mapapatawad ka rin uli niya. We may be women Mr. Cuevas but we surely are not dumb." Naging pormal ang babaeng nasa screen and it feels like everything freezes.

"Ano ang gusto niyong gawin ko?"

"Kumain ng bubog."

"Tumalon sa bridge."

"Uminom ng asido oleh!"

"Hatiin ang katawan."

"Putulin ang kaligayahan."

"Girls." Sita ni Georgette sa mga kasama nitong kung anu-ano na ang sinasabi.

"Nakakainis eh." Inis na tumayo si Monique at lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakakilos ng suntukin siya nito sa mata na sigurado siyang magkakapasa siya sa mga mata. Nakaiwas siya sa baseball kanina pero hindi siya nakaiwas sa suntok ng babaeng ito, babaeng tao pero ang lakas manuntok. "Ang tanga-tanga mo ikaw lang ang lalaking minahal ng kaibigan ko pero sinaktan mo siya. Hindi mob a alam kung ilang gabi siyang umiyak at hindi makakain ng maayos? Kapag kumakain na siya ay sinasabayan niya ng iyak tapos kapag ngumiti siya ay naluluha pa rin siya. Buwisit ka! Hindi laruan ang kaibigan ko para saktan mo ng ganoon."

Pinunasan nito ang luha sa mga mata nito and it pains him knowing that his wife experience those damn things.

"I'm sorry."

"Sorry will never be enough you dumb ass!" susuntukin sana siya nito ng mapigilan ito ng kapatid ni Heinz.

"Tama na mamamatay ang kuko mo sa kakasuntok sa kanya." Umupo naman uli ito sa upuan nito.

"Please give me a chance."

"Naku talaga paulit-ulit nalang itong mga lalaking ito, chance-chance-."

"One last chance iyon lang ang hinihingi ko. Make your friend happy."

"You are not our friend."

"Not me but Diana."

"Mas masaya siya kasama ang anak niyo ng wala ka,"

"No! Huwag niyong ipagkait sa anak ko ang pagkakaroon ng kompletong pamilya. Lumaki si Diana na walang mga magulang, ayokong maranasan din iyon ng magiging anak ko. It will hurt them both."

Tumahimik ang mga ito sa sinabi niya, alam niyang nababasa ng mga ito sa mukha niya ang sinceridad sa bawat salitang sinasabi niya. He is telling the truth at kahit maglie detector test pas siya ngayon isa lang ang magiging resulta and that's he is telling the truth.

Natatakot siya sa pwedeng maging desisyon ng mga ito sa kanilang dalawang mag-asawa.

"Tama na iyan girls, masyado na nating pinapatagal ang mga bagay-bagay." Sita ni Hexel bago tumingin sa kanya. "You Mr. Cuevas owner of Archer's chain of resorts and restaurant, ano ang kaya mong ibigay para makuha uli ang asawa at anak mo? Hindi ba sinabi na nila sa iyo hindi ganoon kadali ang lahat. You need to give up something in order for you to get something you need. Kailangan mong mamili."

"Ano ba ang gusto niyo handa kong ibigay ang lahat."

"Lahat?"

"Yes kahit ano, kahit ano..."

Hexel's eyes become sharper as she looks at him with this serious and business aura around her.

"Give me your shares."

Kumunot ang noo niya. "You have ten percent share in LiVi Group of Companies. Kahit na mawala iyon sa iyo you still have Archers."

Mas lalong napakunot ang noo niya sa hinihingi nito, no one knows aside from his business partners about that share he had with a friend.

"Why that? I can give you Archer's or a branch-."

"I want that share, madali naman akong kausap kung ayaw mo pwes walang Diana Rose, kung ibibigay mo naman mas mapapabilis ang pagkuha mo sa asawa mo dahil kami mismo ang tutulong sa iyo."

Mas lalong nalito siya sa hinihingi nito, that share was given by a friend. Wala siyang ininvest na pera, sinabi lang ng kaibigan niya. Hindi talaga iyon sa kanya dahil inilagay lang sa pangalan niya at hindi lang sa kanya pati na rin sa iba pang kakilala nito. His friend said he needs to do that inorder for him to keep it sa pagbabalik ng tunay na may-ari ng mga shares na iyon.

He is torn between his friend and his wife. Ang hirap, ang hirap pumili. Mariin siyang napapikit upang makapag-isip.

"Isipin mo ang dahilan kung bakit ka nandito Warren. We can easily hide your wife and your child from you at hindi mo na sila makita pa. Kayang-kaya naming gawin iyon, no sweat."

"Sa iyo na."

"Say it again."

"Give me my family back and you'll have it, I'll give you the shares. I'd rather lose everything than lost them again. I can't afford that let me have my wife and my child back. Sa iyo na ang shares ko sa LiVi."

Pumalakpak ito and a sinister smile appears on Hexel's face. "Good, then sign the papers."

May iniusod na papel si Georgette. "Agad-agad?"

"Baka magbago ang isip mo I don't take chances Mr. Cuevas, business is business." Wala siyang nagawa kundi ang pirmahan ang papeles na nandoon. Napabuntong-hininga nalang siya kailangan niyang kausapin ang kaibigan niya--. "And isa pa pala, no one shall know about this transfer of shares under my name Warren. No one should know tayong nandito lang ang nakakaalam naiintindihan mo ba?"

"Why?"

"I have reasons you can't know, sundin mo lang ang gusto ko at okay na ang lahat." Ibinigay niya kay Georgette ang mga papeles na pinirmahan niya na agad naman nitong kinuha. "Okay girls, tell this guy what to do for him to get his wife back chow!" at nawala na sa screen si Hexel at naiwan siya sa harap ng mga babaeng kulang nalang ay ibala siya sa kanyon.





"WHAT'S THIS?" Kunot-noong tanong ng ibigay sa kanya ni Ross ang isang brown envelope. Tinawagan siya nito dahil gusto daw siya nitong kausapin kaya kinailangan niyang harapin ito.

"Basahin niyo Sir." Kinuha niya ang envelope at binasa ang laman ng papel na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakasulat doon kasabay ng pagpira-piraso niya sa mga papel na hawak niya.

"Ano sa tingin moa ng plano niyong magkapatid?" pigil ang galit na tanong niya dito. sinigurado niyang walang buong papel na matitira sa kanyang mga kamay.

"It's an annulment paper Mr. Cuevas, my sister said it would be better for her to be free from your name. And I agree with her decision, when you sign these papers you'll be free and she'll be free."

Tumawa siya sa sinabi nito. "At sa tingin mo papayag ako Ross? Over my dead body, sabihin mo sa ate mo. Akin siya at akin lang siya she needs to watch out dahil kapag hindi siya nakatingin ay kukunin ko ulit siya and this time kung kailangang itali ko siya sa beywang ko para hindi na siya umalis ay gagawin ko." Tumayo siya upang umalis pero bago pa man siya umalis ng tuluyan ay muli siyang lumingon kay Ross at nakita niya ang ngiti sa mga labi nito.

"You do love my sister huh?"

"Matagal na, matagal na matagal na." pag-amin niya.

"If you really love her I'll help you, this time I'll help you because I accept you as her husband. Prove to me that you deserves to have her."

"I will."

"Good, change her mind then." May ibinigay ito sa kanyang papel. "That's our new house, bibigyan kita ng isang araw para suyuin siya. Siya lang sa bahay na iyan gawin mo ang lahat para bumalik siya sa iyo."

"Thank you."

"Don't thank me yet dahil kapag umayaw siya sa iyo, ibig sabihin ayaw na talaga niya sa iyo. One day Mr. Cuevas, just twenty four hours or lose her forever."


<<3 <<3 <<3

a/n: Epilogue na po tlaga sa next chapter, medyo napahaba na po ang ZBS 4 and I know this chapter will leave you with some questions like... and that... and those... kayo na ang bahalang magtanong. 

By the way, happy monday nga pala. Tinatamad talaga akong pumasok kaninang umaga pero pumasok pa rin ako sayang din ang sweldo no. So, ayun ke-aga-aga hindi ako prepared. HUEHUEHUE... nagsulat pa nga ako ng visual aid kanina at nag-isip ng pwedeng gawin. Observation week kasi ngayon at hindi ko alam kung kailan ako ibibingit sa kamatayan. Ole! Pero nag-enjoy naman ako sa ginawa ko pag-uwi ko ng bahay, gumawa ako ng red cabbage indicator for acid and base na topic ngayon. Sawa na ako sa litmus paper and infairness nakakaenjoy ang indicator na gawa ko kasi nag-iiba talaga siya ng kulay.

Bakit ganoon? Noong high school ako hanggang litmus paper lang ang alam ko samantalang ngayon grade 7 palang ang tinuturuan ko ay may alam na sa natural indicators at pH paper... wala lang kaming pH meter kasi nga public school. Naku talaga, bukas ay susuyurin ko ang mga pharmacy dahil maghahanap ako ng pH paper, mahirap din palang hanapin ang papel na iyon.

STATUS UPDATE: Manonood muna ako ng pangako sa iyo, hahaha.. nakakatamad magchange ng channels eh kaya ayan nalang. Good night babies!

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 270K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
2.4M 39K 16
TEASER: Isang curse... as in... malaking sumpa ang umibig sa bestfriend mo. At ang sumpang ito ang naranasan ni Lei. Isang sumpang ayaw na sa...
2M 32.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
3.5M 14.6K 7
Tomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa...