Wizards Chronicles (The Journ...

Autorstwa TheoMamites

22K 1.2K 130

ULTARA, a world from a far distance. A world so different to ours. A world full of magic and wonders. A world... Więcej

Prologue
Verse 1: Journey Starts
Verse 2: Path of Greatness (Part 1)
Verse 2: Path of Greatness (Part 2)
Verse 3: Adventure into the Woods (1)
Verse 3: Adventure into the Woods (2)
Verse 3: Herus Dungeon Cave (Final)
Chapter 2: The Rise Of The Six Blades
Verse 2: Strange World (Part 1)
Verse 2: Strange World (Part 2)
Verse 3: Tower of Restriction
Verse 3: Tower Of Restriction (Part2)
Verse 3: Tower of Restriction (Part 3)
Not An Update
Final Verse

Verse 3: Adventure into the Woods (3)

1.1K 89 3
Autorstwa TheoMamites

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Ermack's POV"

Binabaybay namin ngayon sa daan paikot ng isang bundok na parte ng Zorech. Medyo nahiwalay lang ito sa ibang katabing bundok pero parte parin ito ng Zorech Mountains. Kaya pala may isang dragon na napadpad kaninang umaga. The route was clear at wala ka talagang maramdamang panganib. Kahit mga non-aggressive beast ay wala kang makikita.

.

"Tingin ko may kakaiba talagang nagaganap dito eh." si Ryuben. "Biruin nyo ha, kanina pa tayo naglalakad pero wala man lang beast na nagpakita?" dagdag pa nito.

"I've been thinking about that too Ryuben. At hindi maganda ang kutob ko." nagsalita si Danae.

.

Nasa likuran ko silang dalawa ni Ryuben habang kasabayan ko sa paglalakad sina Froy at Elgor. Walang trail sa dinadaanan namin kaya masukal talaga. Kailangan pa naming hawiin ang mga nagtataasang talahib at paminsan-minsan ay may aakyatin kaming slope at pagkatapos nun ay pababang slope na naman. Medyo madulas rin ang daan kasi sa moss na nakadikit sa mga ugat at mga bato. Makailang beses na nga kaming nadulas eh.. Eto naman si Danae panay ang tawa, hindi kaya nakakatawa yun.

.

"Sobrang layo pa ng labasan!" inis na sabi ni Froy. Malayo pa talaga kami at baka umabot pa kami ng isa at kalahating araw bago namin ito matawid. Yun ay kung walang magiging problema along the way.

.

"May madadaanan tayong ilog mga 20 miles mula dito. Dun na muna tayo tumigil at mag set ng camp." sabi ko sa kanila at pinakita ang lokasyon nito sa mapa. "We'll be there by 11am.." dagdag ko. Pasado alas dyes na kasi dahil dalawang oras kaming nawalan ng malay at mga apat na oras na kaming palakad-lakad. Huminto pa kami saglit para mag-almusal. Simpleng tinapay lang na baon namin ang aming kinain kasi wala ng oras para magluto pa.

.

"Isang oras na lakaran na naman?" reklamo ni Froy.

.

"Puro ka reklamo dyan! Kung ayaw mong maglakad di tumakbo ka na kasingbilis ng kidlat mo..." saway ni Elgor.

"Sira! Mana ko naman ang mauubos nun?" haha... At nagtawanan na kaming lima..

Habang nagtatawanan kami ay naramdaman kong tila may mahinang pagyanig ng lupa. Nung una ay hindi ko lang pinansin baka kasi mahinang lindol lang pero nung lumaon ay lumakas ang pagyanig at naramdaman naming lahat ito.

.

"May lindol ba?" tanong ni Ryuben.

.

"Mukhang hindi ito lindol eh." sabi ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid, parang may panganib na nagbanadya.

.

"I can hear explosions, medyo faint nga lang pero sigurado ako na mga pagsabog yun!" sabi ni Danae na nakatingin sa itaas at gumagalaw-galaw ang mga tenga.

.

Nakakainis! Ang cute niyang tignan sa ginagawa niya. Hindi ko tuloy namalayan na natulala na ako sa kakatitig sa kanya.

"Ano, natulala ka no?!" pang-aasar ni Ryuben na nasa tabi ko.

.

"Tumahimik ka!" sabi ko.

"Saan ba nanggagaling Danae?" tanong ni Froy.

.

"Sa itaas, galing sa north-east direction!" sagot nito.

.

"I'll take a look. Dito lang kayo." sabi ko at kaagad nagsimulang akyatin ang mataas na puno na nasa malapit namin. I enchanted my feet with wind element para mas maging mataas ang lundag ko at para medyo gumaan. Nagpalipat-lipat ako sa mga sanga hanggang sa narating ko ang tuktok ng puno. Medyo mahangin na sa kinaroroonan ko kaya agad akong napakapit sa isang sanga. Nagmadali kong sinuyod ng aking paningin ang paligid lalo na sa north-east direction. Ilang saglit pa ay may nakita nga akong biglaang pagsabog sa himpapawid. Itinuon kong mabuti ang paningin ko sa bahaging iyon at ang nakita ko ay dalawang malalaking beast.

.

Ang Black Dragon at isang puting dragon na tila nagliliyab ng puting apoy!.. Yung black dragon sa tingin ko ito rin yung kaparehong dragon na humahabol sa amin kanina. Mukhang nakatagpo siya ng katapat sa pagkakataong ito at dragon din. Ang mga pagsabog na nagdudulot ng pagyanig ay bunga ng kanilang mga skills. Nagbabatuhan sila ng kanikaniyang atake, nagsasalpukan na nagdudulot ng air wave disturbances. Ito siguro ang dahilang ng pagkawala ng normal beast inhabitors ng gubat. Minabuti ko ng bumaba dahil nakita ko na ang dapat kong makita.

.

"O, anong nakita mo dude?" si Froy.

"May mga beast na naglalaban sa bahaging iyon. Yung itim na dragon na humahabol sa atin kanina at isa pang dragon. Parehas lang sila ng itsura pero magkaiba ng kulay, kulay puti yung isa na may puting apoy." salaysay ko.

.

"Weh, di nga?" si Ryuben.

"Batukan kita, gusto mo?!" bara ko sa kanya.

"Ang mga legendary dragons..." sabi ni Elgor na tila may pilit na inaalala. "Naalala ko na may naikwento sa akin si ama tungkol sa dalawang legendary dragons." dagdag nito.

.

"Really? Tell us!" namamanghang mukha ni Danae.

.

"Ikwento mo sa amin tol habang naglalakad tayo. Para hindi boring, you know!" sabat ni Froy.

"Sige, mabuti pa nga!" sang-ayon ni Elgor dito.

Nagpatuloy na kami sa direksyong pa-norte at nagsimulang magsalaysay si Elgor tungkol sa mga dragon.

"Ganito kasi yun. May mga dragon din kasing nagpakita noon bago sumiklab ang unang malawakang digmaan dito sa ULTARA. Noong tinangka ng mga Dark Wizards na pamunuan ang buong mundo natin. Alam naman nating mapanganib at lubhang makakapangyarihan ang dark wizards. At hindi na alam pa kung meron pang natitira sa kanilang lahi dahil naubos sila. So yun nga, balik tayo sa mga dragon. Isang kulay puti at isang kulay itim na parehong may fire element. Ang White Flame at ang Black Flame. Ginamit silang kasangkapan sa digmaan, nakuha ng mga itim ang Black Dragon at pilit itong pinasunod sa kanilang kagustuhan. Habang ang White Dragon ay napaamo ng isang malakas na wizard. Tinawag siyang Light Bearer at tinanghal na pinakamalakas sa lahat ng mga wizards. Walang ibang nakakakilala sa kanyang totoong pagkatao maging ang mga sumama sa kanya sa digmaang naganap. Pinamunuan ni Light Bearer ang pulutong ng mga mabubuting wizards laban sa hukbo ng mga itim. Marami ang nasawi pero nagawang manalo ng mga mabubuting Wizards sa tulong ng dragon at ni Light Bearer. May mga sabi-sabi na napakawalan ni Light Bearer ang itim na dragon sa kapangyarihan ng mga kaaway at nagsanib ang pwersa ng dalawang beast upang ubusin ang mga itim. Hindi na muling nagpakita ang mga dragon pati ni Light Bearer ng matapos ang digmaan. At magpahanggang ngayon ay walang may alam kung nasaan ito. Maaaring mahigit isang daang taon na pero naniniwala si ama na buhay pa ang Light Bearer dahil ang kapangyarihan ng dalawang dragon ay maaaring makapagbigay ng buhay na walang hanggan!" at doon nagtatapos ang kwentong ito- este ang kwento ni Elgor.

.

Natahimik kami....

NGANGA! paki spell nga...

.

"O, nabato kayo? Anyare?" pukaw ni Elgor sa atensiyon naming apat.

.

"Hmm... Grabe naman yang kwento mo. Nakakapangilabot!" naunang magsalita si Ryuben.

.

"Di kaya, nauulit muli ang nakaraan?" si Danae.

.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"I mean, come on! Ako lang ba nag-iisip dito? The dragons, us! The prophecy! The mysterious orbs!?" sunod-sunod nitong sagot sa tanong ko.

.

"Holy Sh*t! Oo nga noh!" bulalas ni Froy.

.

"Malabong maulit ang mga naganap. Walang nabanggit na limang napili sa kwento ni Elgor. Si Light Bearer lang ang nagligtas ng ULTARA. Sa tingin ko iba ito, isang panibagong panganib! Higit na mas malalang trahedya at ang mga dragon ang unang signos!" sabi ko sa kanila na bigla nilang ikinahinto.

.

Dumaloy ang kakaibang kilabot sa aking buong katawan dahil sa mga naisip kong posibleng mangyari. Isang panibagong digmaan, isang panibagong kasamaan!...

.

"Sobrang mabigat na tungkulin ang nakapatong sa ating mga kamay. Hindi ko alam kung kaya natin." si Elgor.

.

"Lahat ng mga bagay ay may dahilan. We're not randomly selected, nakatadhana na talaga sa atin ang tungkuling ito. We don't have the right to question it." makahulugang mga salita ni Danae.

.

"Tama Elgor, nagkrus ang mga landas natin dahil itinadhana na ito. Ang mga bathala ang may gawa ng lahat, they chose us for a reason. At yun ang dapat nating tuklasin." sabi ko.

.

"Kailangang nating maging malakas para magampanan natin ang ating tungkulin. We better hurry then bago pa mag-umpisa ang kaguluhan." seryosong mga salita ni Froy.

.

"Tama kayo! Kaya natin ito, basta't sama-sama tayo!" ngumiti si Elgor at nag thumbs up! Bilis magbago ng mood ah. Galing!

.

Nagmadali na kami sa pagpunta sa tabing ilog. Tinakbo na namin ito para mas maging mabilis. Baka din kasi mapadpad ang mga dragon sa bahaging ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag naharap na kami sa mga ito. As much as I know the last thing we know ay muntik na kaming kainin nung itim na dragon. Taming it?! Uhmmm.... Wag na muna kaya.. Baka ikamatay pa namin.

.

Wala pang isang oras ay narating na namin ang spot kaya nagset kaagad kami ng camp malapit sa ilog. Naghanda kaagad si Danae ng makakain pagkatapos nitong gumawa ng bahay. Ako naman ay ginawang pendant ang mga ATS (Ancient Teritorial Stones) namin nila Elgor, Ryuben at Froy.

.

Malamang matatagalan pa bago kami makapag palevel nito ulit. Mukhang nagsitago na ang mga beast dito dahil takot sa dalawang dragon. Kaya napaisip ako, saan kaya sila pwedeng magtago. Kumuha ako ng mga natitirang wolf fangs sa vault ko. Mga 20 pcs. lahat yun. Nagform ako ng wind orb sa kanang palad ko at naglagay ng isang fang. Itinira ko ito sa ere upang maitapon ng malayo ang item. Inulit ko ng makailang beses at nang matapos ako ay lumiwanag ang mapang hawak ko.

.

"Para saan yun?" tanong ni Danae.

"Pinalawak ko ang sakop ng visibility ng mapa ko. Maghahanap ako ng kweba, paniguradong may mga beast doon." sagot ko sa kanya.

.

"Oo nga no? Ang galing mong mag-isip dude!" sabi ni Froy.

.

"We need to level up fast, pero hindi parin tayo dapat maging reckless. Kapag nakakita ako ng yungib ay doon tayo magtutungo at maghunt, then go back here for the night." sabi ko.

.

"Tama, I will establish a plan para sa gagawin nating iyan." sabat naman ni Elgor...

"It'setteled then, so kumain na muna tayo at later na yang pagpaplano." nakita namin na natapos na sa pagluluto nito si Danae.

.

Gutom na ako... Kaya naman isinantabi ko na muna ang aking ginagawa...

.

One more day at mararating na namin ang bayan ng Sular. Ano kaya ang naghihintay sa amin doon? That is kung buhay pa kami at makatawid ng ligtas sa Herus Woods. Pero mga dre, I have a gut feeling na matagal tagal pa ninyo akong sasamahan sa paglalakbay na ito.. Hehe... Kutob ko lang naman!...

;)

End of chapter...

AN:

One more adventure sa loob ng gubat at magbubukas na ang ikalawang pahina ng Wizards Chronicles...

Antabayanan niyo guys!

Nga pala hinahanapan ko ng mga magiging portrayers ang mga bida natin para may pagka-abalahan ako sa story posters fan arts...

Next update and second chapter ay isasabay ko sa EOPH update.. Basta by this week siya...

Hanggang sa muli....






Czytaj Dalej

To Też Polubisz

352K 14.3K 75
Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A d...
539K 28.7K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
11.4K 551 49
Fantasy/Romance It was like a dream she never thought could ever exists. Aviana Trinity Navarro, lost her parents when she was still young. Naging i...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN