Okay lang (one-shot)
by ImYour-Girl
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bestfriend mo ang laging kumakausap saken. Lagi nya kong nilalapitan. Kaya one day. tinanong kita. "Bagay ba kami ng Bestfriend mo?" sinagot mo ko ng...
"Okay lang"
**
Naglalaro kami sa soccer field nun. Nakaupo ka sa bench mag-isa. Sa di inaasahan, natamaan ka ng bola. Nilapitan kita. "Ayos ka lang ba?" sinagot mo ko...
"Okay lang"
Nasa science laboratory tayong lahat. Partner tayo sa pag-eexamine ng katawan ng palaka. May napisil ako na ewan, kaya tumalsik sayo yung likido. Pinunasan kita. ""Sorry ah. Di ko sinasadya" bigla kang nagsalita...
"Okay lang"
V alentines nun. Syempre, maraming lovebirds kung saan. Inaya kitang manuod ng sine. Pumayag ka naman kaya dinaanan kita sa inyo. Habang naglalakad tayo, kita ko kung paano mo titigan yung bulaklak kaya binilhan kita. Pagkabigay ko, tinanong kita. "Nagustuhan mo ba?"
"Okay lang"
Birthday nung isa sa mga kaklase natin. Imbitado tayong lahat. Anime ang theme. Sakto nung napadfaan ako sa inyo ay palabas ka na din. Ang ganda ng suot mo. Tumingin ako sa Naruto costume ko tas tinanong kita. "Pwede na ba?"
"Okay lang"
May pagsusulit tayo sa Math nun. At seatmate tayo. Ikaw nagsasagot na. Ako, naghahanap pa rin ng ballpen. May nakapa akong ballpen. sa sobrang tuwa ko, napahagis ko yun. Eh di ko naman alam na nagtatae pala yun. Kaya, natalsikan ka ng tinta. Nagsorry ako, "Pasensya na. Tao lang" sumagot ka...
"Okay lang"
Nakakasawa din palang tumanggap ng sagot na "Okay lang" mula sa mahal mo noh! Paano ko kaya malalaman kung mutual ba tayo kung palaging okay lang ang sagot mo? Haixt! >< Yung iba naman ay kinakausap mo, tas ako? Puro OKAY LANG. Kailan kaya ako tatiming nyan?!!! Psh!
Isang araw, nagtext saken ang ate mo. Nasa hospital ka daw. Halong takot at kaba ang naramdaman ko. Sa sobrang pagmamadali ko, naiwanan ko yung cellphone ko. Ayos lang. Ikaw ang importante eh.
Pagkarating ko, nakita kita sa kama. Mahimbing na natutulog. Lumapit ako sayo at hinawakan ko ang kamay mo.
Di ko alam, nakatulog pala ako na hawak hawak pa rin ang kamay mo. Maya maya, gumalaw yung kamay mo, tas minulat mo yung mata mo. Tumayo ako.
"Teka, nagugutom ka ba? nauuhaw? Kukuha muna ako ng makakainmo ha? Babalik din ako."
Paalis na sana ako ng bigla mo akong tinawag..
"Josh, sa--saglit"
Napahinto ako.
"T-tianawag mo ko?"
"Yeah."
Bumalik ako sa tabi mo.
"S-salamat ha."
"Wala yun, basta ikaw:)" napahawak ka sa kamay ko.
"Uhmm, J--josh.. Dito ka lang ha? Wag mo kong iwan."
"Oo. Dito lang ako sa tabi mo.
Pangako yan"
"Thanks. May sasabihin nga pala ako."
"Ano yun?"
"Mahal kita, Josh" nagulat ako sa sinabi nya kaya napayakap ako.
"Mahal din kita, Gail" bulong ko
-THE END-
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(AN: Sorry, alam kong bitin. Yan lang ang nakayanan ko eh. Btw, first one-shot story ko to. Ihope you like it! :D Vomments please *mwuahugs* Tenchu! :">
ImYour_Girl