"Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito kami ni Aiden." Those words keeps on ringing on my head. And even though I am sitting right in front of him.
Silence field the distance between us. Murmur of people talking around us field the awkwardness.
"Pero hindi rason yun para lokohin moko." Ako na mismo ang naunang nagsalita.
"I know. Pero-" he paused.
"Pero ano?" I am growing impatient. "Asawa kita, dapat tayong dalawa ang gumagawa ng paraan para malagpasan natin yung pagsubok na yun sa marriage natin. Pero ikaw mismo ang sumuko at naghanap ng iba." I can feel tears are starting to form, but I blink them away. hindi ako pwedeng panghinaan ng loob ngayon hindi sa harap niya.
"Pero niloko mo rin naman ako ah. Everytime, Aaron is always in the picture. Kahit noon pa!" may galit sa boses niya.
"Alam mo naman na kaibigan ko si Aaron." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"at alam mo din na mainit ang dugo ko sa lalakeng yun. Alam ko at alam mo na may gusto siya sayo, but you still keep him around. Are you stringing him along?" May inis sa pagkakasabi niya yun.
"Hindi ito tungkol sa amin ni Aaron dahil wala namang nangyayari sa aming dalawa." Then I remembered the kiss in Aaron's car. Nagsinungaling ba ako?
"Oh please! Then itong tungkol sa deception mo sa akin, making up Natalie? Come on Mica." Bakit sa tuwing may sasabihin siya sa akin, Ako yung parang may kasalanan dito?
"Bakit mo sa akin ibinabaling lahat ng kasalanan? Yung tungkol kay Natalie, kung hindi ko ba ginawa yun, maghaharap ba tayo ngayon? and maybe you are fucking some bitch right about now with me letting you! I am done putting up with you Aiden. sawang sawa na ako, You perfectly know I love you so much but this is too much, I gave you my all pero nakukuha mo pa rin sa akin ibaling lahat ng nangyayari sa atin without you taking responsibility! I owe to my mistakes but I can't own to yours. Be a man Aiden. " the tears from before where no where to be found. I slowly stood up. "I think this meeting or what not is over, it is clear to me na duwag ka. Your ballessness is not my fault. Kapag nagmature kana saka tayo mag-usap. Own up Aiden!" with that I started to walk towards the exit. I never look back and held my chin up.
=====
Aiden's POV:
As she walk away, I never really expect for her to talk to me like that. Totoo naman lahat ng sinabi niya. I am a coward. It was hard to hear but all of it were true. I can't get myself to look at her now. Nakakahiya ako. Ang dami kong kagaguhan na ginawa sa kanya.
Then my head dropped in my hand. grateful that I still have the instinct to catch it.
"Sir ready na po kayo umorder?" Hindi ko napansin na nandito pala yung waitress.
Napasimangot ako sa kanya. Seryoso ba siya?
"No, thanks." napabuntong hininga na rin ako pagkasabi ko nun.
========
Mica's POV:
Bumalik ako sa pagduduty dahil naiinip na rin ako, pero hindi full time. Nakita ko sa mukha ni Miss Villa ang relief nung pumunta ako sa office niya para sabihin sa kanya na pwede akong magpick-up ng ilang shifts.
"Thank goodness Mica, hindi mo alam kung gaano ako makakahinga ng maluwag. It has been a disaster lalo na sa floor mo nung pumasok yung mga trainee." Sinabi niya sa akin.
Kaya ito ngayon Midnight shift ako ng ilang araw, para rin bahay at trabaho lang talaga ang pupuntahan ko. Ayaw ko na rin mag-isip, ayaw ko munang isipin si Aiden. Buti nalang din at si Joy yung isa sa mga kasama ko ngayon. Dahil hindi rin ako nahirapan na mag-adjust.
"Oh ate? okay ka lang ba dyan?" mga 2am na nung nakaupo kami para magchart.
"Oo Joy, bakit mo naman natanong?" nakakunot yung noo ko sa kanya.
"Wala lang, baka kasi alam mo na, nalulungkot ka na naman dyan." nakangisi niyang sinabi sa akin.
"Naku oo noh, medyo naninibago lang ako, ilang linggo rin akong hindi nakapagtrabaho kaya parang kakaiba, pero carry naman toh." sinagot ko sa kanya.
Hindi na kami nag-usap para tapusin namin yung mga chart, after 30 minutes nararamdaman ko na parang naiihi na naman ako, kaya tumayo ako. Bigla akong nahilo, kaya bigla akong napahawak sa lamesa sa tabi ko. Laking pasasalamat ko nalang at nandun yun.
"Ate!" Napasigaw si Joy sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. At dali dali naman siyang lumapit sa akin. "Okay ka lang ba?" Hinawakan niya yung isang kamay ko.
"Oo, nahilo lang ako, bigla kasi akong tumayo." Nakakunot yung noo ni Joy.
"Kaya mo ba? Ang putla mo. Mahiga ka muna sa likod ako na muna bahala dito. Tatawagin nalang kita mamaya." Sinabi niya sa akin.
"Hindi, kaya ko naman eh." Pagkasabi ko nun para akong masusuka na hindi ko maintindihan, kaya napabitaw ako sa kinahahawakan ko tsaka tumakbo ako sa banyo na malapit sa station namin.
Ilang beses akong naduwal pero wala namang lumabas, medyo nahihilo rin ako pero kaya ko pa naman. Naghilamos agad ako ng malamig na tubig para kahit papaano mawala yung nararamdaman ko, at alam ko nakatulong yun.
"ate okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Joy pagkalabas ko sa banyo.
"Oo bunso, okay lang naman ako. Baka naninibago lang ako dahil first night duty ko toh." sinabi ko sa kanya habang pinupunasan yung mukha ko.
"Basta dun ka muna sa nurse's quarters. Okay lang naman ako dito. Mahiga ka muna baka pagod lang yan." sabay bumalik na rin si Joy sa Nurse's station.
Ano ba yan? kababalik ko lang ganito naman yung nangyari. Pagkaalis na pagkaalis ni Joy, sabay naman na naduduwal na naman ako kaya kumaripas ulit ako sa banyo.
5 am na nung lumabas ako ng nurses's quarters. Parang lalong hindi gumanda yung pakiramdam ko nung nahiga ako.
"Ate? anong nangyari sayo? Bakit para kang papel?" nag-aalalang tinanong sa akin ni Joy.
"Hindi ko nga alam eh, lalong sumama yung pakiramdam ko nung nagpahinga ako sa likod." Napangiti ako sa kanya dahil idea niya na mahiga ako sa likod.
"Ha- Ha! buti nalang kamo nandito ka sa hospital. Gusto mo ba magpa CBC ka na? Para alam na natin kung ano yan?" Pagbibiro sa akin ni Joy. Alam kasi niyang ayaw kong nagpapakuha ng dugo dahil takot ako sa tusok.
"Ewan ko sayo, pero sige magpapaCBC na ako since nandito naman na ako." Ipapatingin ako na rin kay Doc Art yung result since siya naman yung duty sa ibaba ngayon.
----
"Doc ano nga? Viral ba o bacterial?" kinukulit ko si Doc Art, umuwi na si Joy dahil may kaylangan pa daw siyang puntahan. 7am na kaya pwede ko na kulitin si Doc Art. since halos magkabarkada lang kami kapag kami ang magkaduty.
"Hala! Mica!" Sinagot niya sa akin habang halos hindi niya malaman kung papaano niya tatakpan yung ilong niya gamit yung panyo niya.
"Ano yun doc?" Tinitignan ko rin yung result na hawak niya na direktang ibinigay nung med tech ng ospital. Pagkabasa ko ng resulta hinampas ko si Doc Art dahil alam ko na niloloko lang niya ako.
"Normal naman lahat, kahit ikaw magbasa nito alam mo na eh," saka niya sa akin inabot yung papel.
"Kasi magpapareseta sana ako ng gamot kaya sayo ko ipinabasa, tsaka alam mo naman na hindi ko kagood yung bagong med tech kaya sayo pa mismo iinigay yung result." Kinuha ko yung result ko saka ko ulit binasa. Normal naman nga lahat, ano kaya ang problema sa akin, baka puyat lang.
Saka pumasok si Vince nung Emergency room, napakunot yung ilong ko nung naamoy ko yung pabango niya. Halos masuka ako sa harap ni Doc Art nung naamoy ko si Vince. Kaya kumaripas ako ng banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ngiting ngiti sa akin si Doc Art saka si Vince.
"Ano ba naman yang pabango mo, bakit ganun yung amoy?! Vince magpalit ka nga ng cologne o perfume ha?" kaya lalong napangiti yung dalawa sa sinabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahil naguguluhan ako sa reaksyon nila.
"Pinagtutulungan niyo na naman ako ah." sumimangot ako sa kanila.
"Mica, ano nga ulit mga symptoms mo?" tanong sa akin ni Doc Art.
"Nausea, vomiting, light headed...." napatigil ako sa sinasabi ko dahil alam ko kung anong iningingiti ni Doc.
"Kelan last period mo?" Tanong ni Doc Art.
Saka ko lang narealize lahat lahat. Could I be "Pregnant?" Pero ang tagal na namin ni Aiden na nagtatry? Bakit ngayon pa?
Could this be real?
______
-Nyang
╯ 3╰