Stuck with the Past (Stuck Se...

By NerdyIrel

6.6M 153K 50.9K

Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, s... More

Stuck with the past (Kathniel) SITM book 3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 - part 1
Chapter 31 - part 2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 - Part 1
Chapter 39 - Part 2
Chapter 40 - Part 1
Chapter 40 - Part 2
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 - Part 1
Chapter 45 - Part 2
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Epilogue
Author's Note

Chapter 54

62.8K 2.2K 724
By NerdyIrel

To kill or to not kill? Charot. HAHAHA. 

---------------------------------


Chapter 54


Alexandra's POV


Hindi ako makatulog ngayong gabi.

Kanina pa ko paikot-ikot dito sa kama pero hindi ko mahanap ang tamang pwesto na gusto ko.


Umupo ako at padabog na sinapak yung isa sa mga unan ko.

Tumingin ako sa orasan at eight palang pala ng gabi.

Gusto ko talagang makatulog ng maaga para naman makabawi ako sa mga araw na nagpuyat ako.


Kinuha ko na lang yung phone ko at tinignan kung may text message ba si Nathan but surprisingly, wala siyang goodnight text ngayon. May hindi nga nangamusta.

Tsss. Busy siguro kasama si Aubrey.


*sigh*


Humiga na ulit ako at pumikit.

Sana naman makatulog na ako!!!


I found myself in a dark place.

Wala akong makita sa sobrang dilim.

And then I saw a door.


Alam ko sa sarili kong nananaginip ulit ako.

Katulad ng dati ay hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Kusa itong tumatakbo papunta doon sa pintuang iyon...


Nang makapasok ako ay ramdam kong parang nawasak ang puso ko sa nakita ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.


"Daniel?"


Di na siya nagalaw. Ang daming dugo sa paligid niya, dito sa kama niya.

Hawak ng left hand niya yung baril...Tapos sa right yung phone niya. Nasa kama rin yung frame ng picture namin. Niyakap ko agad siya nung nag-sink in sa utak ko na hindi na siya nahinga.


"Huy! Daniel! Itigil mo na itong birong ito! Hindi na nakakatuwa!"


Humagulgol na ko sa iyak.

Hindi pwede.Hindi totoo ito.


"Gumising ka diyan! Imulat mo mga mata mo!" Sigaw ko sa kanya.


Pinalo-palo ko pa yung dibdib niya pero...wala talaga....


"Tarantado ka! Ikaw yung nanakit sakin tapos ikaw yung nangiwan! HUY!"


DJ please...Sabihin mong prank lang lahat ng ito.


"Oo na! Sige na! Papayag na kong magkabalikan tayo! Pipilitin kong kalimutan lahat! Bumangon ka lang diyan! Huy! Daniel!!!"


"Ano ba tong ginawa mo? HA! Ang tanga tanga mo talaga! Daniel, please. Diba may mga pangako pa tayo? Oo na! Payag na kong isang basketball team magiging anak natin! Payag na kong araw-araw honeymoon natin! DJ! Gising diyan!!! Paano natin gagawin yun kung ayaw mong bumangon? Daniel...please!"


Sobrang naghihina na ko.

"You promised me! Ikakasal pa tayo!!! Diba nga maga-around the world pa tayo? DJ! Wag mo kong iwanan! Huy! Sige ka, magagalit ako sayo ng tuluyan kung di ka tatayo diyan! Daniel!!!"


Para na nga siguro akong tanga na nagmamakaawa sa kanya dito.

"Oo na, pinapatawad na kita! Bakit ganito? Bakit kailangan mong gawin ito? DJ! Please!!! Don't leave me"


I hugged him tighter.


He's not breathing.

Wala nang tibok yung puso niya.


"Daniel, di ko rin kaya pag nawala ka sakin. Ikaw rin buhay ko diba?" I kissed him lightly, wishing he'll move but he didn't.



Napaupo ako bigla at napakapit sa kumot ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko...


Pawis na pawis ako at hinihingal ng dahil sa panaginip ko.


Was that how Kathryn saw Daniel after he killed himself?

Ganun pala ka-tragic yung nangyari sa kanila...

Gosh, ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso ni Kath nung nagmamakaawa siya kay DJ.


Tumayo ako at tumigil ng mapansin kong may luha nga rin sa mga mata ko.


*KNOCK KNOCK*


Nanghihina akong lumapit sa may pintuan at binuksan iyon.


"ALEX----Teka, bakit naiyak ka? Alam mo na ba?" Tanong ni Kuya Terrence sa akin.


"Alam ang alin?"


"Yung nangyari..."


"Kuya, kakagising ko lang. May dapat ba kong malaman?" Tanong ko habang pinupunusan ang mga luha sa pisngi ko.


Ang putla ni Kuya. Tinignan ko siya at napansin kong hawak-hawak niya ang telopono ng bahay namin. "Magbihis ka, pupunta tayo sa hospital"


"Huh? Bakit? Inatake na naman ba sa puso si mama?"


"No. It's not mom..."


"Eh sino?! Si Kuya Ethan ba?! Oh my ghad! What happened to him? Naaksidente ba siya?"


Mukhang hindi siya sigurado kung paano niya sisimulang magpaliwanag kaya naman mas lalo akong kinabahan.


"Kuya, just please tell me. You're scaring me..."


"Wag kang magpapanic ha bunso pero tumawag kasi si Mama, kakatapos niya lang daw kausapin si Tito Ian. May...nangyaring masama daw kasi kay Nathan"


My world suddenly stopped.

Sa sobrang gulat ay pati ako hindi na rin nakagalaw.


Dahan-dahan kong pinaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Kuya.


S-si Nathan....?


"A-anong ibig m-mong sabihin?" Hindi nga ako sigurado kung narinig ba iyon ni Kuya. Sobrang hina kasi ng boses ko.


"Pagbaba daw ni Nate sa kotse niya, may tatlong lalakeng lumapit sa kanya. Nanlaban daw kasi si Nate kaya..." Tinitigan pa ko ni Kuya bago niya itinuloy ang sinasabi niya. "Kaya nabaril siya"


Napaluhod ako ng marinig ko iyon.

Napaiyak agad ako ng maalala ko yung nangyari kay Daniel na ngayon ay nangyari na rin pala kay Nate.


"No..no...no...no. This isn't happening" Hagulgol ko. 


Niyakap ako ni Kuya ngunit hindi ko nagawang gumalaw. Para akong nawalan ng lakas.


NOT AGAIN!


History repeats itself.

Ilalayo na naman ba ulit ng panahon sa akin si Nathan?


AYOKO! HINDI AKO PAPAYAG!


***


Hindi ko alam kung paano ko nagawang makapagbihis pero ang alam ko lang ay kanina pa parang sasabog ang puso ko kakahintay sa doctor.


Nasa open surgery daw ngayon si Nathan. Kanina pa pala siya nadala sa hospital. Na-ultrasound heart scan na siya at ang pinsan niyang si Marvin na ang nagdesisyon upang tanggalin agad ang bala na nasa loob ng katawan ni Nate.


Andito rin sila Mama at Kuya Terrence. Late na pala nasabi ni Tito Ian kay mama yung balita dahil nagbreak down daw si Tita Carmi kanina. Parehas silang nasa eroplano ngayon at pauwi pa lamang. Tawag nga sila ng tawag kay Marvin dahil ang hirap nung sitwasyon nila na nasa London at Ireland sila tapos may nangyaring masama sa anak nila.


Si Mama ang tumayong guardian ni Nathan ngayon. Kanina pa siya kinakausap ng police at nakikinig lang ako ng tahimik.


"Nahuli na po namin yung tatlong magnanakaw na nakainkwentro ni Sir Nathan. Umamin ho sila na yung kotse nga po talaga ang pakay nila. Nakipag-agawan po pala ng baril ang biktima kaya siya nabaril"


"Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit hindi agad binigay ng batang yan ang susi ng kotse. Sobrang yaman naman nila, kaya nilang bumili ulit nun" Komento ni Mama. 


"Tinignan na rin po namin ang loob ng kotse. Hindi po namin maconfirm kung may nanakaw dahil hindi pa po nagigising ang biktima. Wala pong wallet, cellphone o kahit na anong mahalagang bagay doon. Isang stuffoy lang po na nakaseatbelt pa"


Napangiti si Kuya ng marinig niya iyon.

"Alien na stufftoy po ba?" Tanong ko habang naiyak ako.

"Opo ma'am"


Napatakip ako sa mukha ng marealize kong si junior yung tinutukoy ng police.

Yun yung niregalo ko sa kanya nung monthsary namin.


Kaya ba nanlaban ka pa Nathan ay dahil lang sa stufftoy na iyon?

GHAD! YOU'RE SO STUPID!


"Mrs. Villanueva?" Biglang tanong ng doctor kaya naman napatayo kaming lahat.

"Wala po pa sila dito pero ako po ang sinabihan nila upang tumayong magulang ni Nathan ngayon" Pagpapaliwanag ni Mama.

"Is he okay? Please tell me he's alive" Pagmamakaawa ko.


Lumapit sa akin si Kuya at hinawakan ang braso ko to tell me that I should let the doctor speak first.

"Medyo nahirapan ho kami sa dami ng dugong nawala ngunit natanggal na po namin ang bala malapit sa puso niya. We also repaired one of his lungs na nasugatan because of the gunshot wound. He would be on ventilator for as long as he needs--------"


"Pero okay na po siya di'ba? Sabi niyo natanggal na ang bala" Naiiyak na pagsingit ko.

"I'm very sorry to say pero comatose po ang pasyente. Bukod dun ay ikinababahala po namin ang chances na magkaroon siya ng complications"


Humagulgol ako ng pagiyak.


Leche ka Nathan!!!

Sabi mo uuwi ka ng diretso! 

Sabi mo wala kang ibang pupuntahan!

Bakit ka nandun sa bayan? 

AYAN TULOY, NAAKSIDENTE KA!


"Complications?" Tanong ni Mama.


"Maaari ho kasi siyang magkaroon ng pneumonia, deep vein thrombosis or pulmonary embolism that could lead to death. But we will do our very best para matutukan ang health ni Nathan. We will give him proper medication. Ang ipagdasal niyo na lang po ngayon ay ang magising siya"


Napayakap ako kay mama at umiyak ng umiyak.


Nate...magpakatatag ka!

Hindi mo ko pwedeng iwan!


***


Nagprisinta akong ako na lang ang magbabantay kay Nathan ngayong gabi.

Malaki naman kasi itong hospital suite at may mga bodyguards naman si Nate sa labas.

Safe ako dito at gusto ko rin naman talagang ako ang makita ni Nate paggising niya.


Iniuwi na ni Kuya Terrence si Mama dahil hindi siya pwedeng magpakapuyat o ma-stress.

Babalik din naman si Kuya dahil dadalhan niya daw ako ng makakain at ng damit ko.


Si Marvin naman ay umuwi na rin muna upang patulugin si Aubrey. I told him na bukas na lang siya bumalik.


Ako naman, hindi ako makatulog sa sobrang pagaalala. Kanina pa ko nagdadasal habang hawak yung kamay ni Nathan.


Sana gumising na siya para maging kampante na ako...


"Utak-monggo ka talaga" Umiiyak na sabi ko sa kanya. 


Mas lalo akong naiiyak nung pinagmamasdan ko siyang nakapikit. 

Hindi ako sanay na hindi siya sumasagot at nangaasar.


"Para lang sa isang stufftoy, binuwis mo yang buhay mo? Hayop ka!"


I'm not sure kung naririnig niya ko. Nung na-coma kasi ako, wala akong narinig ni-isang salita mula kila Mama. Para lang talaga akong natulog ng sobrang tagal.


Pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pagiyak ko.

"Kaya kong bumili ng isang libong alien stufftoy pero IKAW? WALA AKONG IPAMPAPALIT SAYO KAPAG NAWALA KA!" Sigaw ko sa kanya.


"Alam mong second chance na natin ito to kaya sana, nagingat ka di'ba?" *sniff* "I-prove mo saking may happy ending tayo. Gumising ka nga diyan at magpagaling ka! Madami pa tayong plano, Nathan! Hindi ko pa nga nasasabi sayo yung mga gusto kong mangyari sa future natin tapos ito ka naman ngayon, muntik-muntikan ka ng mamatay. Ghad! Naiinis talaga ako sayo!"


I glared at him and I wished that he could see my face like this.

"Sana naman bago mo ni-risk yang buhay mo, inisip mo muna ako di'ba? Nate! Wag kang gumaya kay Daniel! NAGPROMISE KA SAKIN DI'BA? Sabi mo walang iwanan! Sabi mo habang buhay mo na kong guguluhin at aasarin! Sabi mo....sabi mo di ka papayag matulad tayo sa kanila ni Kathryn. Please! Wag mo na kong pinakakaba pa! Wake up...."


Napayuko ako sa kama niya sa sobrang pagiyak.

Halos hindi na nga ako makahinga ng maayos.

I looked at him at hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.


"Nakita ko kung paano namatay si Daniel. Ayokong maulit ulit yun..."

I cringed when I remembered my dream.


"Keep your promise to me and I will do the same. Break it and I will break mine too"

I bit my lip and cried heavily.


"Pag iniwan mo ko, magpapakamatay din ako"


Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa akin ay nadudurog na ang puso ko.

I can't live without him. Sobra na kong nasanay sa presence niya.

He can't just go whenever he wants to.


Nathan's POV


Alam kong nananaginip lang ako dahil naaalala kong nabaril ako...


Pero ito ako ngayon.

Nasa isang madilim na lugar.

Ang tanging ilaw na nakikita ko ay nakatutok sa akin mula sa itaas.

Hindi ko maaninag kung ano iyon.


Maya-maya ay lumalaki na ang sakop ng ilaw.

Nakita kong mayroong nakapaikot sa aking mga hagdanan.

Bawat hagdan ay may puting pintuan sa dulo.

Hindi ako makapili dahil magkakamukha lang naman ang mga pintuan.


I heard a voice at the door beside me.

Without hesitation ay naglakad ako paakyat at binuksan ko iyon.


When I entered the room, nagulat ako ng humangin ng malakas.

Ang lamig lamig kaya naman bumalik na lang ako sa loob ngunit pagtingin ko ay iba na ang lugar.

Nasa isang bahay na ako.


Tumingin ulit ako sa labas at nakita kong beach pala iyon kaya mahangin.

"Nasaan ako?"


May narinig akong kotse kaya naglakad ako papunta doon sa harapan ng bahay.

Nagulat naman ako nung makita ko si Alex na lumabas.


Sinundan ko siya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko na lumapit kay alex.


"Hoy freak. Anong iniisip mo at nakatulala ka diyan?" Tanong nung lalake.


Teka...di kaya si Daniel ito?


"Wala" Nahihiyang sagot ni Kathryn.


Baka naman nangyari na ito dati?

Baka napapanaginipan ko ang memories nila...


"Asus. Siguro...." Bigla niyang nilapit ang mukha niya kay Kath. "Siguro iniisip mo ko noh? Siguro----ARAY!"

"Don't be a jerk. Wala akong iniisip na ganyan. Teka, bakit ngayon ka lang? San ka galing?"


Hindi ko mapigilang mapangiti. Sinundan ko silang dalawa papasok sa loob ng bahay.


"Bakit ka worried? Miss mo na ko kaagad?"

"Medyo"

"Ano? Ano yung sinabi mo?" Nangaasar na tanong ni Daniel.

"I uhmmm sabi ko....medyo...nagtaka lang ako. Oo tama! Nagtaka ako dahil hindi ka nagte-text"

"Asus. Sabi mo medyo miss mo ko eh" 


(a/n: SFWY scene in America)


And then everything went white.

Nasilaw ako sa liwanag kaya napapikit ako at nang imulat ko ang mga mata ko ay nandoon na ulit ako sa lugar na nakaparaming pintuan.


"Hindi kaya kada bukas ko ng pintuan ay makikita ko ang memories nila Daniel at Kathryn?" Tanong ko sa sarili ko.


Umakyat ulit ako sa isang hagdan at bubuksan ko na ang pintuan ng may marinig akong boses na para bang ibinulong sa tenga ko.


"Nate! PLEASE! Lumaban ka! Wag mo kong iwan!"


Kilala ko ang boses na yun.

Kay Alexandra yun ah!

Umiiyak ba siya? Asan siya?


Teka, ASAN BA AKO?

BAKIT NANDITO AKO?!


Alexandra's POV


Halos wala pa kong itinutulog at ngayon ay naiyak na naman ulit ako. Ang daming tao dito sa loob ng room ni Nathan dahil tumigil bigla yung heartbeat ni Nate. The doctor is applying resuscitation on him right now pero parang walang nangyayari.


Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo palapit sa kanya.


"Nate! Please! Lumaban ka! Wag mo kong iwan!" Sigaw ko nung hinila ako ni Kuya Ethan dahil pinalalayo na ko ng mga nurse.


Napatigil naman ang lahat ng tumibok ulit ang puso niya. Parang magic na nung sumigaw ako ay bumalik ulit iyon.


"Whoah" Rinig kong sabi ni Kuya.


Napaupo ako sa gilid nung narinig kong sinabi ng doctor na normal na ulit ang heartbeat niya. Kahit si Tita Carmi na kakadating lang ay halos magcollapse dahil sobra siyang kinabahan.


Nathan, wag mo nga kaming tinatakot!

Mabubuhay ka pa di'ba? Walang iwanan di'ba?


"Bunso, umuwi muna tayo" Bulong ni Kuya sa akin.

"Ayoko. Dito lang ako..." Naiyak na sagot ko sa kanya.


Kinakausap nung doctor si Tito Ian kaya tumayo agad ako para lumapit pero hinarangan ako ni Kuya Ethan.


"Alex, wala ka pang tulog. Hindi ka rin kumakain at yang damit mo, kagabi mo pa suot yan"

"Kuya, tumabi ka please" Di ko siya pinapansin dahil ang attention ko ay nakila Tito Ian.


"Alexandra" Nagbago na ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. "I know you're worried and devastated but please, alagaan mo rin ang sarili mo. Bibigay yang katawan mo sa ginagawa mo. Maligo ka lang, magpalit ka ng damit, kumain ka at ako mismo ang magdadrive para ibalik ka dito sa hospital. Kahit dito ka na matulog kung dun ka magiging kampante"


"I can't. Nathan needs me. Ramdam ko yun. Di mo ba napansin kanina, kuya? Kung hindi niya narinig ang boses ko, malamang...." Tulo ng tulo yung luha ko at hindi ko na magawang ituloy pa ang sasabihin ko.


"Wag na matigas ang ulo"


Hinawakan na ni Kuya ang wrist ko at nagpaalam na siya kila Mama.

I looked back at Nathan habang naglalakad kami ni Kuya palabas ng room.


Saglit lang blueberry babe. Babalik din agad ako.



It took me only 15 minutes to take a bath and get dressed.

Bago ako lumabas ng kwarto ay nakita ko si Senior. Smiling at him, kinuha ko iyon at dinala. Nandoon na rin kasi sa tabi ni Nathan si Junior kaya dapat pati panganay namin, nandoon.


"Oh, pinagluto kita ng fried chicken. Ubusin mo yan, Alex"


Ngumiti ako ng kakaunti kay Kuya. I'm glad naiintindihan niya kung bakit ganito ako ngayon.

Tama siya. I should take care of myself as well. Pag gumising si Nate, magagalit yun sakin dahil hindi ako nakain ng maayos.


"May ketchup ba diyan kuya?" Tanong ko. Hindi ako nakakain ng breakfast kanina dahil wala talaga akong gana pero ngayon ay kumukulo na talaga ang tiyan ko.


"Wala eh. Bibili na lang ako sa tindahan"

"Ako na kuya" Tumayo na ko at kumuha ng pera sa bag ko.

"Sure ka? Ikaw na lang dito" Nagpiprito pa kasi siya. Wala ako sa mood para magprito.

"Hindi na. Diyan lang naman ako"


Para hindi na siya makapagsalita pa ay binilisan ko na ang paglalakad.

Pabalik na ako at malapit na sana sa bahay ng bigla na lang may narinig akong tunog ng isang racer car mula sa likod ko.


*Vroom. Vroom*

Lumingon ako at nagulat dahil sobrang bilis ng takbo non.

Napansin kong parang papalapit sa akin.

Nung narealize kong sasagasaan talaga ako ay tumakbo agad ako at napatalon na lang sa gilid.


*CRASH*


Napatakip ako ng tenga ng marinig kong may nabangga ang kotse.

Umupo agad ako at nakita kong tumama iyon sa isang poste.

Nagsilabasan agad ang mga tao mula sa bahay nila.


"Alex?" Rinig kong sigaw ni Kuya na kakalabas lang sa gate. Nung nakita niya ako ay agad siyang tumakbo palapit sakin . Tinulungan niya kong makatayo at pinagpag ko na ang damit ko.


Gasgas lang sa braso ang natamo ko ngunit nanginginig ako dahil alam kong gusto akong patayin nung driver. Nakatigil siya kanina pero nung lumingon ako at pinaandar na niya ang kotse.


"AYOS KA LANG?" He asked me.

"K-kuya, he t-tried to k-kill me!" I immediately explained to him.

"Pumasok ka sa gate" Yun na lang ang nasabi niya dahil tumakbo agad siya papunta sa kotse.


Binuksan niya iyon at binuhat ang driver.

Teka...BABAE?


Lumapit pa rin ako kahit na sinabihan ako ni kuya na wag. Dumating agad yung guards sa village namin at tumawag na daw sila ng ambulance.


"Camille?" Gulat na tanong ko.


Duguan ang ulo niya at wala siyang malay pero mukha namang hindi siya nasaktan ng lubusan.


"Kilala mo siya?" Tanong ni Kuya sakin.

"Schoolmate ko si Camille. Siya yung dahilan kung bakit ako may putok na labi at ex siya ni Nathan" Page-explain ko kay Kuya.

"Tapos ngayon, sinubukan ka niyang sagasaan! Ang tindi neto ah!"


Hindi na lang ako nagsalita habang galit na galit si Kuya Ethan.

I'm also shocked na kaya pala akong patayin ni Camille.


Ganun ba siya kagalit sa akin? Ano bang nagawa ko sa kanya eh wala na naman sila ni Nathan nung naging boyfriend ko si Nate. May iba pa ba siyang dahilan na humantong na sa ganito ang kasuklaman niya?


"Babae. Isang babaeng galit na galit. At baril...lumayo kayo sa baril"


Naalala ko bigla ang sinabi ng matandang nakausap ko kahapon.


Si Camille ang tinutukoy niyang isang babaeng galit na galit.

At nabaril na nga si Nathan...


Bakit ba kami pinaghihiwalay ng mga tao sa paligid namin?

Wala naman kaming kasalanan kundi mahalin ang isa't-isa.


Buti na lang ay nakatakbo agad ako kaya hindi ako nasagasaan. Pag nagkataon, dalawa pa kami ni Nathan ngayon na delikado ang buhay.


Dinala na sa hospital si Camille habang si Kuya ay kinakausap ang mga police. 


Nang makabalik na ulit kami sa hospital ay tumabi agad ako kay Nate. Hinawakan ko ang mga kamay niya na parang ang lamig lamig.


"Pwede po bang pakihinaan ang aircon?" I asked them and then I looked back at Nathan again. Itinabi ko na si Senior kay junior. Parehas silang nasa gilid ni Nate.


"Hey" Bulong ko. Inayos ko muna ang buhok niya bago ako nagkwento. "Alam mo kanina...pinagtangkaan ni Camille ang buhay ko. Akala ko nga mamamatay na ako"


Naiyak ako pero hindi ko pinahalata sa mga pamilya namin na nandito rin sa loob ng kwarto.

"Naisip ko nga, paano kung nasagasaan nga talaga ako ni Camille? Sino na lang yung magiging strawberry bunch mo?"


Tumulo ulit yung luha ko habang iniimagine ko na, paano na lang pagmulat ng mga mata niya ay wala na ako dito...


"Pero Nate, magiging proud ka sakin dahil hindi ko siya hinayaang gawin ang gusto niya. Tumakbo pa ako at tumalon para makaiwas" *sniff*


I smiled at him kahit na hindi niya iyon nakikita.

"Ayan ah. Tinupad ko yung promise ko sayo na hindi kita iiwan. Kaya please, Nathan. Gawin mo na rin yung pangako mo. Gumising ka na..."


I leaned into him and kissed him slightly. "I need you" I whispered.

Pumikit ako at yumuko. "I love you so much Nathan...."


"I love you too Alex"


Napamulat ako ng marinig ko ang boses niya.

Halatang nanghihina pa siya pero nagawa niyang ngumiti sa akin.


"OH MY GHAD! GISING KA NA!" Tuwang-tuwang sigaw ko.

Niyakap ko siya at medyo napa-aray siya pero tumawa na din.


Rinig kong nagkagulo na sa buong room.


Paglayo ko sa kanya ay napansin kong teary eyed siya.

"I also kept my promise to you...that I will be here, by your side no matter what..."


Hindi na binitawan ni Nathan ang kamay ko habang chine-check up siya ng mga doctor.

Kahit na nung niyakap siya nila Tito at Tita at pinagalitan ay hindi niya ko pinayagang lumayo.

Nung dumating nga si Aubrey ay sinubukan niyang tanggalin ang kamay ko na hawak ni Nate pero hindi niya nagawa. Inilayo na rin siya ni Marvin maya-maya dahil alam nilang gusto namin ni Nate magusap.


"Na-coma daw ako?" Tanong niya.

"Oo. Gaya-gaya ka sakin eh"

"Sus. Di ako nagaya sa mga panget" He smirked and I can't help but cry again. "Oh bakit?"

"Sorry...namiss ko lang talaga yang mga asar mo! Isang gabi ka ring walang malay eh!"


"Aish!" He laughed at me pero pinausog niya rin ako para parehas kaming nakahiga sa kama niya at yakap yakap niya ako. "Namiss din naman kita"


"Huh? Paano? Eh wala ka ngang malay"


"I think...nagtravel yung kaluluwa ko. Or maybe it was just in my mind. Sabi mo isang gabi lang ako na-coma pero feeling ko ilang araw na ko don at namiss talaga kita"


"Wait, anong ibig mong sabihin? Hindi kita magets"


"While I was in coma, napunta ako sa isang lugar na nakapalibot sa akin ay panay pintuan lamang. Every door showed me a memory of Kath and DJ. And now I know how real their love was..."


"Ang galing di'ba? Nangyari na nga talaga yung second chance na hiniling ni Lola Julia. Napatunayan na rin natin sa kanya na magiging happy ending yung atin" I hugged him tighter. "Thank you for not leaving me" I whispered in his ears. "Tumigil yung tibok ng puso mo kanina. Sobrang natakot ako kasi akala ko, mauulit yung nangyari noon"


"I heard what you said as well about Camille. I'm glad you're okay"

"Gising ka na nun?" Gulat na tanong ko.


"Medyo...pero hindi ko pa maigalaw yung katawan ko. Dahan-dahan akong nagkaroon ng energy para mamulat yung mga mata ko. But you know, I think yung kiss talaga yung nagpalakas sakin eh"


Napangiti na lang ako.


I kissed his cheek and he giggled.

Parang first time ko yun narinig mula sa kanya kaya natuwa ako.

Hindi naman kasi ugali ni Nathan mag-giggle. 


"I will kiss you as many times as you want basta magpagaling ka agad" I told him. I'm still worried dahil sa mga complications na nabanggit ng mga doctor yesterday.

"Talaga?"

"Talagang-talaga!"

"Sabi mo yan ah! Saksi si Junior at Senior sa mga sinabi mo!" Sabay yakap niya rin sa mga stufftoy.


"Dahan dahan ka nga! Yang dextrose mo baka pumilipit na sa mga stufftoy eh!" Gusto ko siyang batukan o paluin pero kakagaling niya lang sa opera kaya magiging mabait muna ako sa kanya.


"Sorry na po, strawberry bunch"


"Sorry? Magsorry ka sa ginawa mo! Tatlo yung kalaban mo tapos nagpaka-feeling superhero ka diyan na nakipagagawan ka ng baril! Ako sinasabihan mong tanga pero mas tanga ka pa pala sakin!"


"Eh kasi po....anak natin si junior----"


"NATE, MAS MAHALAGA KA SAKIN KAYSA DIYAN SA MGA STUFFTOY NA YAN! Di mo man lang ba naisip na kaya ko naman palitan yun! Hindi mo dapat sinacrifice yang buhay mo para lang sa isang monthsary gift ko sayo. Kung gusto mong magkaroon ng tunay na anak, well then magpakasal muna tayo atsaka natin gawin yung 9 months project!"


Ngumiti siya ng labas ang ngipin niya kaya dahan-dahan nawala yung inis ko.

"Are you proposing on me, Alex? Wow..."

"What? No! Sinasabi ko lang na yun ang magiging future natin" 


Medyo binulong ko yun dahil nahihiya ako sa kanya.

Never pa naming pinagusapan in details ang future namin.


"So pinaplano mo na pala yun?"

"Oo. Pagkagraduate natin ng college, magpapakasal tayo tapos magkakaroon tayo ng-------"

"ISANG BASKETBALL TEAM!"

Napanganga ako ng di oras. "ANG DAMI NAMAN NATING MAGIGING ANAK!!!"


"Wag kang aangal kasi yan talaga yung plano ni Daniel at Kathryn. Tsaka alam mo ba, nalaman kong kissing monster pala ako sa first life ko. Ayos yun ah. Magawa nga yun and since sinabi mo na naman na pwede kitang halikan ng kahit na ilang beses pag gumaling ako, dapat magready ready ka na"


(O//////////O)

"Niloloko mo lang yata ako eh!"

"Tsss. Ayaw mo talagang maniwala? Sige, dadalhin kita sa kathniel place"

"Kathniel?"


"Oo. Yun yung pangalan ng loveteam nila. Pinagcombine yung names nila. Mas maganda yun sa lexan shayle pero mas maganda naman ending natin"


Mukhang mas madaming memories na meron si Nathan sa Kathniel kaysa sa akin. Ako kasi, paunti-unti. Sa panaginip ko lang nakikita pero siya, parang pinakita lahat sa kanya nung na-coma siya.


Tumitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.


"Bakit?" He asked me.


"I'm just happy you're my soulmate"


"So am I"


He bit his lip and leaned into me.

He was about to kiss me again when we heard a fake cough.


"Ehem! Nathan, magpagaling ka muna bago kayo magharutan!" Seryosong sabi ni Tita Carmi na ikinatawa naman ni Kuya Terrence, Kuya Ethan, Mama, Tito Ian at Marvin. 

Si Aubrey lang ang nagiisang masama ang tingin sa akin. What's new? 


O/////////////O


Wahhh! Nakalimutan kong nandito nga pala silang lahat sa room!

Nakakahiyaaaaaaaaa!


-------------------------------------------------------------------------


Epilogue next but don't worry guys, I decided to add a few special chapters ;)

(Pinakaba ko lang kayo last chapter HAHAHA)

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1K 57 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...
20.4K 245 3
Kathie Zahara or known as Calipper ay isang sikat na fashion model. Opportunities were knocking on her door but she's refusing them. Bukod kasi sa pa...
1.2K 51 6
William Tiongson believed that he had found the one. Just when things start to fall into place, an accident turns his whole world upside down. After...