AROUND 9 na ng gabi ay nagpasya ang karamihan na mas maagang magpapahinga at maaga pa silang aalis bukas. Ito-toure daw sila ng boss nila sa magagandang lugar sa bayan nila. First destination nila sa Mabinay, sa Hundred Caves. Pupunta silang bundok. Magkaganoon man mas excited parin siyang makachika ang kaibigan.
"Ano na...paano ka napadpad dito sa dumaguete?"
"Diba sabi ko sa'yo uuwi akong Batangas. Kaso, nong umuwi ako don naaalala ko lang yong mga panahong lovey dovey pa kami. At lalo naman nong namanhikan ang pamilya nila, hanggang sa maikasal kami, at lahat lahat."napabuntonghininga.
So yon sabi ni papa bakit di ko daw subukan dito. Kahit dito naman daw ako maggagamit ko parin profession ko kasi minsan nagkukulang ng midwife. Which is so true... Alam mo bang napapasugod ako sa bundok ng dis oras ng gabi? Tapos ang dami kong kailangang I monitor na mga expected mothers. Busy'ng busy ang beauty ko girl."nagpose ala beauty queen ang upo.
And well isa nga sa pasyente ko si Lorna. Masilan siyang magbuntis kaya ako mismo ang pumupunta sa kanya."
"Ano kumusta nang puso mo...?"
"Hay heto kahit paano tumitibok tibok parin surviving..di tulad ng isa diyan..."parinig kaya nagkatawanan sila pareho." Ano.."kumikindat kindat pa sabay mas lumapit." Naisurrender mo na ba ang watawat ng kagitingan?"
"Ano ka ba..."hiyang hiya." Di pa noh..."bulong niyang talagang sila lang ang nakakarinig.
"Ay ang slow mo promise... Girl wag ka ng magpatumpik tumpik pa, good catch pa sa good catch si papa Vince. Dai di kana Nene na kailangan pa ng consent ng parents. Bweltahan mo na...ibigay mo na o baka mahuli pa ang lahat."
"Ano ka ba, di ganoon kadali yon noh..."
"Bakit nagtitipid lang sa halik halik sa cheeks, at holding holding hands while walking ganoon? Dai lalaki yan di makokontento yan... Kung totoosin nga dapat regular niyo na yang ginagawa..."
"Ikaw minsan di ko talaga ma take yang bibig mo..."
"Asus...nature na namin yan bilang midwife. Sa dami ba naman ng pinapaanak namin ikahihiya pa namin eh yan naman talaga ang reason paano mabuo ang bata." lumapit uli." Alam mo naman na siguro paano humalik eh noh?"bulong niya uli.
"Actually may session kami almost every night.."kinilig natakpan niya ang mukha.
"Ang landi.... Anong feeling ng first time..?"
"Eh...wag na nakakahiya..."mas lalo niyang natakpan ang mukha.
"Ang daya sige na sa share share..."yugyog niya para magsalita.
"After kung makapag adjust sa cheeks, lesson two naman kami. Eh..."kinikilig talaga siya, nahampas tuloy siya sa balikat." Wag kang atat..."
"Magkwento ka nalang kasi..."
"Tapos yon, smack smack muna tapos yon na may kunting kagat..."nakagat niya labi niya." Nong umpisa talagang tuod lang talaga ako, I really don't know how to respond... Eh mahaba ang pasensya ng lolo mo, kaya yon kahit paano nakakasabay na..."napapabungisngis siya.
"So di pa turid, wala pang tongue?"
"Meron naman kaso nagugulat pa'ko eh...but I'm trying..."
"Ang landi...."napatili siya sabay nakurot sa tagiliran. "Alam mo yari ka talaga niyan. Kakainin ka niyan ng buong buo. Alam mo ba yang ginagawa mo sa kanya? Para siyang wild beast na ginutom mo ng tatlong araw. Kaya sa oras na makawala yan, ay sabi ko sa'yo baka di ka makabangon."
"Wag ka namang manakot Jane..."
"Ano kaba sinasabi ko lang ang totoo. Look, though wala pang naging commitment si Vince gaya mo, pero the fact that his exposed already nature hahanap hanapin niya yon. Tapos dagdag pa alam na alam niyang hmn..kapa. Grabe takot niyan ngayon na mapunta ka sa iba. Magkakamatayan na kung magkakamatayan na..."
"Sabagay di ko rin siya masisi...."napaisip." Remember noong kwento ko sa'yong nalasing ako?"
"I knew it...I knew it... Sabi ko na nga ba eh napaka impossible kong kahit touch haplos haplos lang walang nangyari. Naku di yon mapakali ngayong gabi that's for sure."
"Sa tingin mo?"
"99.9%..."siguradong sigurado." 1% nalang natitira parin sa trabaho o sa kahit na anong ibang bagay."
Napapaisip siya.
"MAAYONG BUNTAG..."bati ng magasawa pagkalabas nila sa kani kanilang designated rooms.
Naamoy kasi nila ang masarap na amoy ng chokolate made from cocoa. Tapos dagdag mo pang nakahain ang tuyo at fried rice. May eggs at hotdogs din naman at meron din silang sweet potato at saging na saba. Fruits naman nila sagging na latundan, langka early in the morning. Meron ding guyabano at mangga. Kaya umaga pa lang todo todo na ang kainan.
"Ano fiesta lang umagang umaga.?"sabi nilang na excite nang maupo at kakain na. Di na nga nila naisip na maghilamos muna.
"Pagdamutan niyo na, simple lang na putahe yang handa namin."anang ginang.
"Ay nako nanay subra subra pa po sa simple ito."si Lito.
"Nga pala nanay, ba't parang wala kayong tonong bisaya?"si Kim.
"Ah eh...lumaki talaga kasi ako sa Rizal. Nong minsang nagbakasyon doon silang magpapamilya ng asawa ko sa kamaganak nila. Doon nila ako nakilala. Panganay ako kaya di ako nakapagasawa sa edad na 30. Nagkataon na subrang pihikan itong si Al na nagiisang anak nilang lalaki, pinagkasundo kaming dalawa."
"Kaya nabuo si Bryan. Akala nga naming magasawa pinaparusahan na kami dahil sa tagal naming nagasawa at tatanda kaming walang apo. Eh heto sa awa ng Dios nakaisa naman kahit lalamya lamya."dugtong ni tatay Al katabi ng misis niyang proud na proud.
"Sino paba sa inyo ritong walang asawa at nasa 30 na?"tanong ni nanay Fe sa kanila. At walang ibang itinuro ang kakapasok lang sa komidor na si Tina may bitbit na tinapay.
"B-bakit? A-anong kasalanan ko?"napasadahan niya ng tingin ang lahat.
"Dalaga kapa pala?"di makapaniwalang tugon ng magasawa.
"May anak napo..."walang pagaalinlangan niyang sabi.
"Di bitaw pagklaro..."
"Al..."nasiko niya ang mister ."Di lang kasi siya makapaniwala. Ilang taon na anak mo?"
"Mage eight napo soon.."lapag niya sa tinapay na nilantakan naman sa di kumakain ng rice sa umaga.
"Talaga?"napapaisip parin si tatay Al." Plano pa naman sana kitang ipakilala sa pamangkin ko. Tulad ko pihikan din yon eh..."tumawa ng malakas.
"Pagpasensyahan mo na... Lahi kasi talaga nila ang pihikan. Kaya ang nangyayari madalas nauuwi sa reto reto."natapik niya ang balikat ng dalaga." May nobyo?"napisil pa niya ang balikat.
"Meron po, kamakailan lang naging kami."kinilig pigil na pigil.
"Sayang naman..."nalingon ng ginang ang iba." Siya kain lang ng kain at malayo layo pa ang lakad ninyo."aniya at iniwan na nga ng magasawa silang kumakain.
"Sigurado ka?" naninigurong tanong ni tatay Al.
"Sigurado lage ako pa..."
"Na ug mauhon pwede kaayo siya sa akong pagumangkon..." kay lapad ng ngiti.
"Nay, tay, tungkol na naman ba yan sa pinsan kong invisible?" sulpot ni Bryan sa likoran ng mga magulang.
"Kabayong bulbulon...ay sori." takip ni tatay sa kanyang bibig.
"Huwag ka namang manggulat anak..."tapik niya sa balikat ng anak sabay naglambing.
"Eh paano ba naman po magmula nong namatay si Tiya Leonora parati niyo na lang banggit yang invisible pinsan ko na yan. Bakit di niyo na lang kasi ipakilala."
"Di kasi ganoon kadali yon anak, lalo na sa background niya."
"Na makahibalo ka lang sa background niya nak, malooy ka nga makatawa."
"Bakit naman po ako maaawa at matatawa?"kunot ang noo." Alam niyo namang wala akong pinsang matatawag dito. Dalawa lang kayo ni Tiya, maaga pa siyang namatay."biglang nalungkot." Alam niyo namang mahal na mahal ako noon. Parati niyang sinasabi na magsing edad daw kami ng anak niya."
Nagkatinginan ang magasawa.
"Magkikita rin kayo balang araw."tapik ng ginang sa balikat ng anak.
Bandang alas otso nga'y nagganyak silang lahat. Sakay uli sa dalawang van papuntang Mabinay. Malayo layo din ang byahe kaya nagsipagidlipan ang iba sa aga nilang nagising kanina. Samantalang, busy naman kakatext si Tina upang kumustahin ang anak niya.
Sabado kaya tulog pa ng ganitong oras ang bata. Tapos ang binata naman maaga ring umalis para sa last day ng conference. Kaya ang pansamantalang nagbabantay sa anak niya si Dennis. Ayon naman kay Dennis di naman daw mahirap alagaan si Danny. May times lang daw talagang nangungulit lalo na pagmay gusto. Pero liban don wala naman. May tinutukan kasing mahahalagang papeles boss niya pagdating kahapon pero saglit lang. Mga 8 kagabi nakauwi narin naman daw siya at naiwan na sa bahay ng binata ang anak niya.
TINA I LOVE YOU...' kakapasok lang na text ng binata. Napapangiti siya sa subrang kilig. Completo na naman araw niya.
Pagdating nila ng Mabinay, ay kailangan naman nilang magarkila ng habal habal. Ito ang magiging means of transportation nila upang malibot ang magagandang sites sa lugar.
Sa naging tour nila pinuntahan nila ang iba't ibang falls sa lugar. May matataas at malakas ang bagsak ng tubig,meron din namang mababa lang at sakto lang ang lagaslas ng tubig. Syempre di pupwedeng walang picture picture.. Panay kuha lang sila, basta enjoy.
Pagdating ng tanghali, nagtanghalian muna sila sa kainan doon, nagpahinga saka naman sila nagtuloy sa Hundred Caves. May tour guide naman silang kasama na local resident ng naturang lugar.
Papunta pa lang don sasalubongin kana ng nature. Mga naglalakihang puno, mga halaman na sa wild mo lang makikita. Ang huni ng mga ibon mga paru paro. Iba't ibang uri ng ferns mula sa maliliit hanggang sa pinakamalalaki. May mga wild ornaments din at orchids. Tapos sa magkabilang gilid naman ng sinadaanan mo'y gapader na bato. Kaya di allowed na pumunta lalo na pagka kakatapos lang umulan.
Enjoy and unforgettable experience.
Kaso.
"Hala....."nakapa ni Tina ang bulsa sa suot na pantalon. Sa maliit niyang sling pouch, hanggang sa loob ng kanyang bag." Wala.." napaupo siya sa damuhan." Nawawala ang phone ko..."
"Ano?!!"napalapit si Bryan." Are you sure?"
"Boss...."mangiyak ngiyak siya.
"Baka nahulog somewhere nong nasa falls tayo."
"Eh...personal phone ko pa ang nawala. Yong business phone kasi si ko basta inilalabas yon eh..."
"For now wala na tayong maggawa. Tumawag ka nalang later."tapik niya sa balikat ng dalaga.
"I'm sure magaalala yon...' Vince..'
"Just explain to him later, I'm sure he'll understand..."
Nauwi nga siyang wala ang cellphone niya. Masyado kasi siyang na enjoy. Eh ngayon na lang naman kasi siya uli nakasama sa company outing nila. Tapos nawala pa phone niya. Inaalala niya na baka magalala masyado ang binata sa wala.
"HELLO Dad..."halatang problemadong problemado ang boses niya kaya nagalala ring sumagot ang dad niya.
"Oh what's wrong may nangyaring masama?"
"Dad I lost my phone. Di ko makokontak si Danny at Vince. I'm afraid nagalala na yon di ako nakapagtext since kanina pang tanghali." nasilip ang relo magsi six thirty na ng gabi.
"Akala ko naman kung ano na.." nakahinga siya." We have nothing to do about it. I'll call them regarding this matter at baka nagaalala na nga yong dalawa. Next time you should be careful, and obviously di mo kabisado number ni Vince."
Sapol.
"Dad sorry na po. I was too carried away."nagpakumbaba.
"Its okey I understand. Tama na yan. Don't worry I'll call them right away."
"Thank you dad..."ibinaba ang phone at napabuntonghininga pa.
"Ang lalim noon ah..."biro ng ginang." Natawagan mo na papa mo?"
"Opo. Pasensya napo kayo ah..kung OA ang pagaalala ko. Ngayon ko lang po kasi naiwan ng ganito katagal ang anak ko. Eh nong dating company outing baby pa siya noon at si Jane naman ang nagalaga."
"Edi kung ganoon ikaw pala yong kaibigang madalas na ikinukwento samin ni Jane..."sumilay ang isang matamis na ngiti at naupo sa katabing upuan. "Ngayon mas malinaw na sa'kin ang lahat."
"P-po?! ' Di kaya naikwento ni Jane ang tungkol sa'min ni Danny?"
"Huwag kang magalala."hinawakan niya ang kamay ng dalaga." Makakaasa kang mananatiling lihim ang lahat."
"As in po ikinuwento niya po sa inyo ang lahat?"
"Umuulan gabi, kakauwi mo palang galing trabaho?"umpisa niya sa kwento.
"Oo nga naikwento nga niya."napayuko siya." Nakakatawa po noh..mas nauna po akong nagkaanak kesa sa nagkaroon ng boyfriend."napakamot siya sa batok at nahihiyang natatawa.
"Tina, bihirang bihira ang mga taong kagaya mo. Ang isuko ang lahat para sa kapakanan ng isang inosenteng bata. Kalayaan mo bilang babae ang sinakripisyo mo. Kung ako ina mo, proud na proud ako sa'yo. Di madaling maging ina, lalo na kung ikaw lang ang magisang nagyataguyod sa anak mo. Ay naku, pagniloko ka niyang nobyo mo, tawagan mo'ko at sisisguraduhin kong--- ay basta talaga."seryosong seryoso ang ginang.
"Nanay Fe ang puso po ninyo kalma lang..."himas niya sa braso ng ginang at tuluyan ng matawa." Si tatay Al po nasaan? Magmula kanina di ko pa po siya nakikita."
"Hayun pinuntahan yong pamangkin niya yong nabanggit namin sa'yo kanina. Mukhang di kana namin mairereto sa kanya Tina. Eh nagkaanak na daw pala siya. Kasama daw niya yong bata ngayon."
"Eh dapat matuwa kayo at madadagdagan ang magiging apo ninyo."
"Tina, Ikaw kasi ang gusto namin ni mahal. Ikaw kasi ang sa tingin nami'y nababagay sa kanya."siya naman ang huminga ng malalim." Ano pa nga ba..."umayos siya ng upo at pilit pinapasigla ang sarili." Bumaba kana at makisaya sa kanila. Kanina pa nagkakasayahan mga katrabaho mo."
"Sige po nanay."tumayo na nga siya at bumaba. Tinungo niya ang kamalig malapit sa dagat. Naroon ang mga katrabaho niyang kanina pa nagkakantahan. Ang iba nama'y nagkakainuman habang boss naman nila ang nakatoka sa pagiihaw.
"Boss..."tabi niya dito at tumulong.
"Oh natawagan mo?"patuloy niya sa pagpaypay.
"Okey na, kaso di ko nakausap anak ko, wala siya sa bahay eh..."
"Okey lang yan they'll understand. Besides sino ba naman ang may gustong mawalan ng phone.?"
"Mukhang dadating cousin mo ngayon boss ah.."pangiba niya sa topic.
"Duh as if magpapakita. At wag siyang magpapakita."nahigpitan niya ang hawak sa pangipit." To tell you, never as in never ko pang na meet yang pinsan ko. When tiya came from Manila di na niya kasama anak niya. Eh were at the same age kaya ibinaling niya sa'kin yong attention niya which is supposedly sa anak niya.
When tiya died, I was fifteen. Sabi ni tatay andoon daw si pinsan, eh ako naman excited, alam mo yong tipong iniimagine mo magbobonding kayo like brothers, magpapalitan ng kwento sa buhay buhay pero wala. Ang palagi ko lang naaalala sa tuwing pumupunta siya, nilalagyan niya ng puting rosas ang higaan ko. Diba creepy? Tapos may nawawalang picture sa photo album ko with tiya.
And everytime I ask them about him, parati lang nilang sinasabi na wag ko nalang daw malaman kasi nakakaawa ang buhay niya pero nakakatawa. Ano yon? Pero alam ko sumisimple ng punta yon dito pero di nagsi stay."
"Ganoon? Edi malaki din ang possibility that you won't meet him? Rather he doesn't want to meet you..."
"Hayaan mo siya..."nagsalang ng panibago." Nga pala, bakit parang kung makaiwas ka kay Lance wagas. And I feel may unpredictable conflict between him at ng fafa mo.?"
"Family affair."napailing." To tell you boss at sa'yo lang talaga, anak si Vince sa labas. That's why cold ang treatment sa kanya towards the original family. At the age of seven, don na siya tumira sa bahay ng pamilya ng dad niya, and he never seen her mother anymore. Nakita na lang niya ito two years after his father's death nong namatay narin mama niya.
Nakatira siya sa bahay na di siya kinikilalang pamilya. Lumaki siyang kailangang may patunayan. Its been so hard for him, until he reached 25. That time napagtagumpayan nilang mapaalis siya sa bahay nila as well as sa company. Though kaya naman niyang ipaglaban ang sarili niya he decided not. Napapagod na siya.
Now their company's facing some crisis, pinipilit naman siyang pinapabalik. At isa sa makulit na yon si Lance Ledesma. Wagas yan kung mangasar ang certified babaero. Kaya ganoon na lang ka worried si Vince when he knew same destination pala ang pupuntahan niya. Ngayon I'm sure lalong magaalala yon wala akong phone."
"Kaya pala kahit gaano ka perfect ang smile niya ramdam kong may mali."
"Ay talaga and to tell you consistent mangasar. Buti na lang at persistent 'tong si Kim, takot niyang lumapit."natawa.
"And speaking..."siko niya, nang mahagip niya ang papalapit na binata." Wag na wag kang umalis sa tabi ko. Pagtumabi sa'yo don ka kay nanay. Okey...?"
"Okey...."determimado niyang tugon at nailagay lang sa harap ang dalawang nakatikom niyang kamao.
"Hi guys...."kay lawak ng ngiti niyang bati sa lahat. Welcome na welcome naman siya ng lahat ng naroon." Hi..." kumaway rin siya kina Tina.
"Magkunwari ka lang na di mo siya nakita."bulong niya at kaswal lang na ngumiti sa binata." Mas deadly pa pala siya kesa sa looks ni Vince."
"Kasama pa sa late rebellious state ni Vince ang looks niya at ngayon lang din nagpaka all out. Parang pilit niyang binubura ang resemblance niya sa papa niya sa sarili niya."
"So nakita mo na pics niya, what he used to look like before?"
"Unfortunately..."laylay ang balikat." Kahit isa wala."
"Ang dami niyang sekreto ah..."
"Well kampante naman ako kasi si dad mismo nag assure sa'kin that his trustworthy beside the change . Di nga rin niya kaagad nakilala eh...
"Ang importante approve kay fader..."
"Tama...."
VAN
"Bordigoy, sigurado ka diria dapita?" naniniguradong tanong ni tatay Al sa driver ng van. Kanina pa kasi sila paikot ikot malapit sa airport pero di parin niya makita ang pamangkin.
"Ano ba hitsura noon tiyo' Al?"
"Dia ko'y picture, pero dugay dugay naman ni..."hugot niya sa wallet.
"Gaano na katagal?"
"Pito na katuig..."napahagikhik." Ang tagal na noh...pero tumatawag siya para mangumusta ba..."
Nahinto naman ni Bordigoy ang sasakyan at tinignan ang picture.
"Gwapoha ba digay ani. Propesyonal ang hitsura...."
"Ana jud...nasa bloodline namin eh..."umayos pa ng upo.
"Ang pangutana, saan na sila?"