gently like leaves

By cellakbo

1.1K 294 629

Kaela Marie De Torre had become accustomed to things ending. Like how their family did not long after she was... More

gently like leaves
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43

36

20 4 19
By cellakbo

[ MESSENGER ]

harurot
Today, 7:27 AM

SSOB
papunta na ako 😎

ang aga mo naman.
kagigising ko nga lang.

syempre 😎
tinatamad na ako magluto ng umagahan eh
dyan na ako

okay.

anong ulam niyo

tanong tanong pa kakain din naman kahit ano.

NAGTATANONG LANG NAMAN 😠

ingat ka.
nasabihan ko na sila mama.

NICE KA WAN
excited na ba agad si nanay makita ako

kakain na kami.
ubusan ka na namin dito.

HOY 😠
NASA KANTO NA NGA EH 😠

[ INT. ALFORQUE RESIDENCE - MORNING ]

HARU
Tao po!

CLIEF
Clyde, buksan mo nga 'yong gate.

CLARKE
Si Kuya Haru, Kuya?

CLIEF
Oo.

Bago pa man makatayo si Clyde para pagbuksan si Haru, una nang tumakbo si Clarke sa gate.

CLARKE
Kuya Haru!

Rinig na rinig galing sa loob ang sigaw ni Clarke sa gate pati na ang boses ni Haru.

CLARKE
Kuya Haru! Kuya Haru!

HARU
O, hinay-hinay lang, bata. Kapag tayo natumba dito.

Napa-iling na lamang si Clief at sinimulan nang ayusin ang hapag para makapag-umagahan na.

HARU
O, Clyde, bakit nakakunot na ang noo mo umagang-umaga?

CLYDE
May practice daw, Kuya. Nakakatamad pumunta kaso may penalty, one hundred.

HARU
Aguy, si tamad. Sabihin mo nalang may sakit ka.

CLIEF
Tinuturo mo diyan sa kapatid ko, Unabara.

HARU
Unabara, ampotek. Kapag ako yumaman papabago ako ng apilyedo.

Umupo muna si Haru sa sofa sa sala habang naghahain si Clief ng kanin at ulam. Katabi ni Haru ang nakabusangot na si Clyde na tila ka-chat ang mga kasama. Si Clarke naman ay nakaluhod lang sa sahig at may kinukulayan sa lamesita.

CLIEF
Ano naman ipapalit mo?

CLARKE
Alforque, Kuya Haru! Para brothers ka na sa 'min.

HARU
Mali, Clarke. Para...

CLARKE
Para...

HARU
Brother...

CLARKE
Brother...

HARU
Ka na namin.

CLARKE
Ka na namin.

HARU
Para brother ka na namin.

CLARKE
Para brother ka na namin.

HARU
Tama! Bigyan ng jacket 'yan!

CLARKE
Yehey! Sa school, Kuya, stars lang binibigay. Buti pa sa'yo, jacket.

HARU
Ay, nako, mahal 'yong star, 'no! Mahal din pala 'yong jacket. 10 pesos nalang pala ang ibibigay ko sa'yo.

CLARKE
Okay! Bili ako pagkain!

CLIEF
'Maya na 'yan, Clarke. Kakain na. Clyde, tawagin mo na si Mama.

HARU
Sa'n ba si Nanay?

CLIEF
Sa tindahan.

HARU
Ako na tatawag.

CLIEF
Ikaw bahala. Clarke, Clyde, upo na kayo dito.

Nagsitayuan din naman agad ang magkapatid para pumunta sa kusina. Si Haru naman ay nagtungo sa likod, kung nasaan ng tindahan nila, upang tawagin si Nanay Clariza.

[ TWITTER ]

☁️ @harunabara
1v1 na namannnnn

☁️ @harunabara
kung paramihan lang ng mapatay, ay ako na to. daming patay na patay saken 😎
┗ > 🏔️ @cliefalforque
       daming patay na patay pero wala na mang panalo ano ba 'yan 😴
┗ > ☁️ @harunabara
        YABANG MO AH. ISA PA TIGNAN NATIN

☁️ @harunabara
EYYYYY NANALO RIN 😎
┗ > 🏔️ @cliefalforque
        hindi ko sasabihing once lang sa 3 games 'yan pero sige.
┗ > ☁️ @harunabara
        i-shut ang mouth, alforque

[ INT. CLIEF'S ROOM - MORNING ]

HARU
Hoy.

CLIEF
O?

Kaharap na ulit ni Clief ang printed copy ng SIM matapos ang 1v1 CODM game nila. Nagsusulat na ulit ito ng reviewers para sa exams next week. Habang si Haru naman na kabababa lang ng cellphone ay nakaupo sa isang upuan na galing pa sa kusina nila, sa may malayong kaliwa ito ni Clief nakapwesto.

HARU
Sabi mo may kwento ka, 'di ba?

CLIEF
Oo.

HARU
O, saan na? Mapapanis na 'yan.

CLIEF
Mamaya na lang. Ngayon mo pa pinaalala nagsimula na ako rito.

HARU
Awit, uuwi na ako maya-maya. May plates pa ako.

CLIEF
Sana dinala mo nalang dito.

HARU
Sige ibalik natin ang oras para maisip ko siya tapos madala ko rito.

Hindi sumagot si Clief at nagpatuloy lang sa pagbabasa at pagsusulat sa ginagawa niyang reviewer.

HARU
Tungkol saan ba 'yan? Acads? Lumabas na grades, 'di ba?

CLIEF
Hindi. Tsaka ayos na 'yon. Mataas naman lahat. Abot pa rin ang nais.

HARU
Pamilya? Si Tatay ba?

CLIEF
Hindi rin. Ayos lang kami dito.

HARU
Eh ano ba kasi? Tao? Bagay? Hayop?

Kunot-noong napapaisip si Haru at maingay itong napasinghap sa biglang naisip.

HARU
Gagi. 'Wag mo sabihin sa 'king lovelife?!

Napalunok si Clief at biglang nag kulay rosas ang tenga nito.

CLIEF
Hindi naman ano... Hindi gano'n.

HARU
Gagi, lovelife 'yan! Bakit ganiyan tenga mo! Nag-blush on, tol! Ay nako si Alforque.

CLIEF
Ang ingay-ingay mo.

HARU
Kinikilig ka na hindi ka pa nagkukwento?

May narinig silang mahinang hagikhik sa labas ng pintuan at sinundan ito ng...

CLARKE
Hala, Ma! Kilig daw si Kuya!

Kaagad na napatayo si Clief at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Natumba si Clarke na nakasandal pa yata sa pintuan. Hilaw itong ngumiti sa Kuya niyang walang emosyon ang mukha— senyales na inis o galit ito.

CLIEF
Clarke.

CLARKE
Kuya.

CLIEF
Hindi tamang makinig sa usapan ng iba.

CLARKE
Hindi ko naman sinasadya, Kuya. Nakatayo lang ako dito tapos pumasok sa tenga ko and narinig ko na.

CLYDE
Ya, alis na 'ko. Nagpaalam na ako kay Mama. Tsaka, nakadikit tenga niyan sa pinto kanina.

Mabilis na sabi ni Clyde at tumakbo na palabas ng bahay.

CLARKE
Kuya Clyde, sipsip!

CLIEF
Clarke.

CLARKE
Opo, Kuya. Mali ko po. Sorry po.

CLIEF
Anong mali mo? Para saan ka nagso-sorry?

CLARKE
Kasi nakinig po ako sa usapan n'yo ni Kuya Haru.

CLIEF
Ano pa?

CLARKE
Tinawag ko po si Kuya Clyde ng sipsip.

CLIEF
Ano pa?

CLARKE
Uh... wala na... akong maisip, Kuya.

CLIEF
Sabi mo hindi mo sinasadya makinig kanina pero sabi ni Kuya Clyde mo, nakadikit tenga mo sa pinto. Totoo ba 'yon?

CLARKE
Hindi po... kasi... rinig naman kahit hindi nakadikit ang tenga sa pinto.

CLIEF
Okay. Kakausapin ko rin si Kuya Clyde mo mamaya. 'Wag mo na uulitin, ha?

CLARKE
Opo.

CLIEF
Pili ka pagkain do'n kay Mama. Sabihin mo babayaran ko mamaya. Samahan mo na rin siya doon.

CLARKE
Okay po, Kuya. Salamat! Sorry po ulit!

Tumakbo naman agad si Clarke papunta sa likod habang pasigaw na tinatawag ang Mama nila. Muling sinara ni Clief ang pinto at umupo sa upuan niya habang nakaabang naman si Haru sa kaniya, nakatanday ang kaliwang papa sa kanang hita.

HARU
Hindi na ako magtatanong ulit kaya magkwento ka na.

CLIEF
Naaalala mo ba 'yong nabanggit ko sa'yo noon na crush ko sa NSTP?

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 215K 96
She has a virtual boyfriend and she calls him Glitch. "I was just bored when I started it but I ended up falling inlove with the guy inside my screen...
6.2M 128K 32
She never met someone that is so cold and soft at the same time, that is mean to everyone, and not to mention he is super hot. He never met someone...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...