AMONG US I

By exoleyxion

355 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II

0 0 0
By exoleyxion

CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II

“EXCUSE ME? What did you say?” I asked Trick when I heard him saying those.

Kunot-noo ako nitong nilingon bago muling tumingala. “The police said that it was a suicide attempt in which I believe it was not.”

Ang noo ko naman ang kumunot. “Were you here when she fell?”

He nodded. “She didn’t fell, though. Someone pushed her from there.” Tinuro niya ang rooftop ng building. “I didn’t saw who did it, in case you would ask me that.”

“I also believe it’s not suicide,” sang-ayon ko bago bumaling kay Wave na tila may malalim na iniisip habang nakatingin sa hindi kalayuan. “Wave, I think the killer’s next victim is Neon. We need to watch her.”

“That, if she’s still alive after falling from an eight-storey building,” sabat naman ni Trick na ikinalingon ko sa kanya. “There’s a little percent that she will survive, but I’m telling you that she will be in a coma.”

“You speak like a doctor,” ani ko sa kanya.

“This is the second time that I’ve witnessed such incident,” blanko nitong saad. “Same scenario happened to someone I knew before. It feels like déjà vu.”

Tumango-tango ako bago muling tumingin kay Wave na ngayon ay may tinitignan pa rin sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang magandang babae na naglalakad ngayon papunta sa direksyon namin. Babatukan ko na sana si Wave dahil sa pagtingin niya sa babae nang bigla ako nitong hinila at itinago sa likod niya.

“Wave? Bakit?” naguguluhan kong tanong at dumungaw sa balikat niya. From there, I realized that he wasn’t looking at the beautiful girl, but at Sir Cavalor who is now walking his way towards us, wearing a grin.

“I just came from Ms Pilgrim’s office earlier before the incident happened, and guess what? You’re doomed,” taas-noong sambit nito sa amin ni Wave nang makalapit na siya. “Ready yourselves because you are about to be separated and will surely face your punishments.”

Wave looked at him blankly. “We. Don’t. Care.” Pinagdiinan niya pa ang pagbigkas no’n tiyaka ako hinila paalis.

Dahil nga suspended naman ang klase ay pumunta nalang kami sa ospital para e-check ang kalagayan ni Neon.

“The patient is now comatose because of severe head injuries and might have a memory loss if ever she wakes up,” the doctor informed Neon’s parents. “Even so, she’s lucky that she’s still alive after falling from an eight-storey building. Your daughter is fighting for her life.”

“However, I can’t really tell right now that she’s stable because as I say, she’s in coma and things might happen during comatose state,” dagdag nito. “Let’s just hope and pray that she’ll survive. Excuse me.”

“Kawawa naman si Neon,” bulong ni Hazel. “She’s a bitch, but she doesn’t deserve this.”

“This is obviously not a suicide,” ani Shaun na ikinatingin sa kanya ng magulang ni Neon. “Hindi naman kasi siya suicidal eh. Tiyaka, sinabi ng doctor. She’s fighting for her life. Ibig sabihin ay hindi siya ang nagtangka sa buhay niya.”

“Maging kami ay hindi rin naniniwala na attempted suicide ang nangyari,” wika ng mama ni Neon na mangiyak-ngiyak pa. “I hope that the police will soon catch the real culprit.”

Neon’s parents asked us to look after her while they are gone. Aasikasuhin daw muna nila ang kaso ni Neon. I guess, they are really eager to find who did this to their daughter. Kahit kami rin naman ay kating-kati nang malaman kung sino ang nagtulak sa kanya sa building. It might be the killer that we’ve been dealing with for months now.

We took turns on staying inside her private room since dalawang watcher lang ang pwede sa loob. Sina Shaun at Hazel ngayon ang nasa loob samantalang kami naman ni Wave ay lumabas muna upang bumili nang makakain. Nakasalubong pa namin si Ms Pilgrim habang palabas kami. She said that she will visit Neon.

“It will be hard for us now to track down who will be the next victim of those psychopaths since they’ve already change tactics,” wika ko habang naglalakad kami sa labas. “I badly wanted to end this already.”

“I want the same thing,” he agreed. “I am so eager to find the mastermind behind all of these. I’ll surely give him a kiss from my fist.”

I chuckled. “Okay, okay. I give you the permission to that, but not too much, okay? I don’t want you to end up a monster like him.”

“Of course not,” sagot nito. “I’m not a psycho like him. Whoever he is.”

Pagkatapos naming bumili ay bumalik din naman agad kami sa ospital. Naabutan namin sa loob ng kwarto ni Neon si Ms Pilgrim. Inaayos nito ang mga dala niyang daisy sa isang vase na nakapatong sa bedside table. Humarap ito sa amin nang maramdaman niya ang aming presensya pero agad din naman nitong nilipat ang paningin niya sa nakaratay na si Neon.

“I don’t understand why these things are happening in Maple High,” she said while looking at Neon. “Whoever is behind all of this, I will make sure that he will suffer the same way as his victims. Ako mismo ang tatapos sa kanya.”

Nagkatinginan kami ni Wave. Ramdam namin ang galit ni Ms Pilgrim. Sino ba namang hindi magagalit kung isa isang pinapatay ang mga estudyante mo? Ms Pilgrim loves her students and treats them as her own. She’s the second mother of all Maple High students at masakit talaga sa parte niya ang mga nangyayari ngayon lalo na’t kami ang pinakamatagal na niyang nakasama sa Maple High.

“I apologize for the words. I just can’t help it anymore” Bumaling ulit ito sa amin at nginitian kami. “Anyway, I would like to discuss something with the two of you. I’m glad you both are here.”

Magkatabi kaming umupo ni Wave sa mahabang sofa samantalang sa single sofa naman umupo si Ms Pilgrim. Nakaramdam ako bigla ng kaunting kaba dahil parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin.

“This is about the two of you. Sir Cavalor had told me about you, living together in Zivienne’s house,” anito kaya napalunok ako. “Don’t worry. I have no problem with that. Wave’s mom called last time to inform me about that and it’s not a problem as long as you know your limitations. I just can’t understand why Jhared is so persistent on separating you.”

“That motherfucker,” nanggigigil na bulong ni Wave. Inabot ko naman ang kamay nito at pinagsiklop ang mga daliri namin. Baka narinig siya ni Ms Pilgrim. Nakalimutan ba niyang Principal ang kaharap namin???

“Yeah. That perverted asshole,” gatong din ni Ms Pilgrim na ikinalaki ng mata ko. “Don’t be creeped out, Zivienne, but I guess he feels something for you… a romantic feelings for sure or something much deeper than that… an obsession.”

I showed them a disgust look. The thought of Sir Cavalor liking me is sulking. I can’t even imagine. Kung totoo man na gusto niya ako, nakakadiri. Kaya siguro niya pilit na sinisira kami ni Wave at pinaghihiwalay.

“Why me? I thought he was in love with Enara?” I said, totally exposing a thought that has been on my mind for long. I once caught Sir Cavalor confessing to Enara. Doon pa sa dating Science Lab. I even saw them kissingT_T.

We fell in silence. Parang may dumaang anghel sa harap naming tatlo. Nabasag lamang ang katahimikan nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang mga magulang ni Neon kasama si Sir Villejo. Panandalian pa silang nagulat nang makita si Ms Pilgrim. They greeted each other and talked about some matters regarding Neon, so Wave and I decided to exit the room. Binulungan pa kami ni Sir Villejo na pumunta sa rooftop kaya doon na kami dumiretso. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating sina Hazel at Paris kasama si Donna. Sunod na dumating ay si Tobias. Maya-maya lang ay dumating na rin si Sir Villejo. Sinigurado muna niyang ligtas ang pag-uusap namin dito bago siya magsalita.

“Nagiging delikado na ang buhay niyong lahat,” panimula nito. “Kung sino man ang pumapatay, sigurado akong trained siya… tuso.” He sighed. “I reviewed all the CCTV cameras around the campus, maging ang nasa rooftop, pero burado na ang mga kuha noong time na nangyari ang insidente,” mahabang litanya nito.

“Where’s Shaun?” I asked when I noticed that he’s not around.

“May importante raw siyang pupuntahan eh kaya hinatid lang ako rito bago siya nagmadaling umalis,” sagot naman ni Hazel. “Ewan ko nga sa lalaking iyon. Nagiging weird na.”

“We need to double time on finding the killers. Kailangan na natin siyang mahuli…” Si Paris naman ang nagsalita. “Or else… baka tayo ang mahuli niya.”

“Right. Now, what’s the plan?” Hazel asked.

“I forgot to tell you something.” Napatingin sila sa’kin at hinintay ang sunod kong sasabihin. “Before Neon fainted, she was about to tell me who the killer is. She saw the killer, and whoever it was, kilala niya.”

Sir. Villejo sighed. “Then, we should keep Neon safe until she recovers,” he said. “Malaking tulong siya sa atin kapag nagising na siya. She might be the key to end all of this.” Tumango-tango ang lahat at sumang-ayon. “Now, the plan is to split up again. Wave and Zivienne, you’ll be with me. Shaun and Hazeline with Tobias. Paris and Donna, will you be fine with just the two of you?”

“Kaya na nila ‘yan, Sir. Mas tuso pa ang mga iyan kaysa sa killer eh,” bibong sagot ni Hazel.

“Count me in.” Sabay-sabay kaming napatingin sa nakabukas na pinto ng rooftop nang may magsalita roon. We were surprised to see Hillary leaning against the doorframe while looking at us. Naglakad ito palapit sa amin sabay ngiti. “I thought I was the only one interested in finding the killer. I never thought you would be in this too. Well, except for Zivienne. I’ve always known her as a problem solver and a peace maker.” Her voice sounds fierce at parang hindi ito natatakot. “I’ve discovered enough. You may trust me and you may not, it’s up to you. But we all have one goal here. That is to catch that bastard who is behind this inhumanities.”

“I knew it,” bulong ni Tobias at sinamaan ng tingin ang step-cousin niya. “Sinasabi ko na nga ba’t may tinatago ka. You are working behind my back.”

“Dear, you talk as if you don’t know me!” Malakas na natawa si Hillary kaya nagkatinginan kaming nandito. Her laughter sounds real na parang natatawa talaga siya sa reaksyon ng pinsan. “Well, I’m not the only one working behind your back!” Napansin ko ang palihim nitong pagsulyap kay Paris na walang emosyong nakatayo sa tabi niya.

“If you would ask me, I’ll let Hillary in.” They all turned to me in unison with their confused look. Ngumiti naman ako at bumuntong-hininga. “The truth is, matagal ko nang alam na nag-iimbestiga rin si Hillary. I heard her, asking some questions to Caryl about Coby. Akala ko nga noong una, crush niya ‘yung Coby. But I later on realized that you also concluded Coby as a suspect. Am I right, Hillary?”

She smiled at me and gave me a thumbs up. “You’ve never been wrong, Zi.”

“If pretty Zi agrees, then I agree too,” segunda ni Hazel na agad namang sinang-ayunan nina Donna. “Gaya-gaya ka mamsh.” Kinurot ito ni Donna sa tagiliran kaya tumahimik na lamang siya.

I turned to Wave and waited for his response, but he just gave me a nod. And since everyone except for Shaun who is not here, agreed to have Hillary in our team, Sir. Villejo gave each group a task. Tahimik lamang na nakikinig si Paris sa tabi. He hasn’t spoken since Hillary arrived. Para itong napipi bigla. Teka lang… crush ba nito si Hillary? And he’s too shy to speak while she’s around? Pero teka lang ulit… he doesn’t look like he has a crush on her. Hmm… something’s off here.

“Tomorrow morning, group of Tobias will be assigned to watch Neon. Our group and Paris’ group will be out to investigate further,” Sir. Villejo dicussed. “In the afternoon, Paris and Tobias’ group will swap places. Kami naman nina Zivienne at Wave ang magbabantay sa gabi.”

“W-wait. Hindi ba kayo male-late ng pasok kapag gano’n?” Hazel asked.

“Hazeline, halata talagang hindi ka nagbabasa ng chats sa GC natin,” naiiling na tugon ni Donna. “Sir. Villejo forwarded an announcement from Ms. Pilgrim that classes are suspended until Friday because the campus is now under investigation. Mukhang ginagawa talaga ng parents ni Neon lahat para mahuli ang salarin.”

“It’s still nonsense though,” giit ni Hillary na nakasandal sa railings ng rooftop habang nakatanaw sa ibaba. “Ilan na ba ang namatay sa’tin?” nagsimula itong mag-isip at magbilang gamit ang mga daliri niya. She then showed us six of her fingers. “Six. And if Neon won’t make it, then seven.” Ngumiti ito nang nakakaloko. “To tell you the truth, I want that bitch dead for good, but she could be a great help at the moment. Kaya ipagdadasal ko nalang na huwag muna sana siyang kunin ni satanas dahil kailangan pa natin siya para mahuli ang isa pang kampon ng impyerno.”

“Hillary, watch your words,” saway sa kanya ni Tobias ngunit tinaasan lamang niya ito ng isang kilay.

Nang makauwi kami sa bahay ay agad akong dumapa sa kama dahil sa pagod. Tinapik-tapik ni Wave ang balikat ko kaya napaharap ako rito. “Bakit, Wave?”

“Go and change your clothes first,” sagot nito at inalalayan akong bumangon.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumanhik sa kama. Sumunod naman sa’kin si Wave matapos ang ilang minuto. I felt his warm hands around my tummy, embracing me from behind.

“Tired?” paos nitong tanong. Nakiliti ako nang maramdaman ang init ng hininga nito malapit sa tainga ko. I faced him and gave him a warm smile.

“Mas mukha ka pang pagod kaysa sa’kin,” I told him. Pumupungay ang mata nito habang nakatingin sa’kin. Nililipad ng hangin na mula sa balkonaheng nasa likod ko ang buhok nito. “Kumusta na pala si Tito?”

“Dad’s recovering now,” sagot nito. “Anyway, mom and dad asked me to tell you not to call them Tito and Tita anymore.”

“H-huh? B-bakit naman?” kinakabahan kong tanong. Hala! What if hindi nila ako tanggap para kay Wave? What if… ikakasal siya sa ka-business partner ng mga magulang niya? Char, eme. OA ko naman HAHAHAHA.

“Silly.” Mahina itong natawa. “Just call them mom and dad daw instead,” conyong dugtong nito na nagpalaki ng mga mata ko. “I already told them I am courting you. If you only saw how happy they were.”

“T-talaga?” My eyes glistened and a sweet smile formed on my lips. Tuwang-tuwa akong yumakap sa kanya na ikinatawa nito. “Nakakatuwang tanggap nila ako!”

Kumalas ito sa yakap at hinarap ako. “Of course, they do. That’s what they always wanted to happen.” Hinipo nito ang gilid ng ulo ko at malumanay na ngumiti. “I love you so damn much.”

“Mahal na mahal din kita, Wave,” tugon ko na ikinangiti nito. He leaned closer and kissed my forehead. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at niyakap siya nang mahigpit hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

DONNA

“Punong-puno na talaga ako sa kagaspangan ng ugali ng babaeng iyan at kung hindi lang natin siya kailangan, baka binaklas ko na ang mga aparatong nakakabit sa kanya ngayon at nang matuluyan na talaga siya,” inis na saad ni Hillary bago naupo sa mahabang sofa sa gilid ng private room ni Neon.

“Ay agree ako diyan, anteh!” sang-ayon ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Paris. Nag-peace sign naman ako sa kanya tiyaka umupo na rin sa harap ni Hillary. Si Paris naman ay dumiretso sa kinaroroonan ni Neon at inayos ang mga ewan ko kung ano ‘yan na nakakabit sa katawan ng kaklase namin.

Kami ang nakatoka ngayon na magbantay kay Neon kaya nandito kaming tatlo sa private room niya. Kinausap na ni Sir. Villejo ang mga magulang niya na kami na muna ang magbabantay rito para mas makapag-focus ang mga ito sa mga gawain nila. Pumayag naman ang mga ito at thank you Lord dahil sila na raw ang bahala sa pagkain namin dito habang nagbabantay. Naks!

“So, magtititigan nalang ba kayong dalawa riyan?” taas-kilay kong tanong sa dalawa na nakatingin ngayon sa isa’t isa. Nakaupo sa kaninang pwesto ko si Paris habang nakikipag-titigan sa kaharap nitong si Hillary. Para silang nagtetelepathy. “Hoy! Baka iba na ‘yan ha! Tamo ‘tong si Paris parang na-love at first sight kay Hillary.” Kilig na kilig akong pumalakpak sa harap nila. “Uyy Hillary ha. Alam ko namang gwapo ‘tong kaibigan ko, pero ‘wag mo namang ipahalata masyado na attracted ka sa kanya.”

“The hell, no! Never akong magkakagusto riyan sa kaibigan mong suplado, ano!” tanggi ni Hillary bago irapan si Paris. Nakita ko kung paano malukot ang mukha ni Paris kaya napahagikhik ako. Mukhang may something sa kanilang dalawa ah. “Baka iyan ang may gusto sa’kin. Sabagay, sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa tulad kong maganda?” Okay, mukhang mahangin ka sa part na ‘yan ha.

“Masama naman ang ugali,”  usal ni Paris. Bakas sa mukha ni Hillary ang inis dahil sa narinig kaya napatayo ito.

She smirked. “Masama naman talaga ang ugali ko. Pero at least ako, hindi nagtatago ng sekreto sa mga kaibigan ko.”

Tumayo rin si Paris at sinalubong nang malamig na tingin ang nang-uuyam na tingin sa kanya ni Hillary. OMG guys, napatayo rin tuloy ako. I can already feel the tension building up between them.

“You swore not to snitch me!” mahina ngunit pasigaw na saad ni Paris kay Hillary.

“You started it!” rebat ni Hillary.

“I never said a word to anyone!” balik din ni Paris sa kanya hanggang sa tuluyan na nga silang magbatuhan ng mga salita sa isa’t isa ngunit napatigil kaming tatlo nang may masabi si Hillary na sana ay hindi ko nalang narinig. They must’ve forgot that I’m here.

“P-Paris?” Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Pumupungas ito habang nakayuko. “W-what is she talking about? Totoo ba?” Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ito sa magkabilang balikat niya at pwersahang pinaharap sa’kin. “Paris, what is the meaning of this? Pinagtataksilan mo kami?!”

“P-please don’t tell Zivienne about this, Donna,” pagsusumamo nito. “I-I have my reasons. Please trust me with this.”

“Ano namang rason ‘yan, Paris?!” Lumayo ako rito nang magtangka siyang lumapit sa’kin. Dissapointed ko siyang tinignan sabay iling. “Why the hell did you do that?” Napaluha ako habang ini-imagine na ginagawa niya ang bagay na iyon.

“Donna, please… magtiwala ka sa’kin. Pagkatiwalaan mo naman ako oh,” he pleaded.

“Magtiwala? Sa’yo?” Pagak akong natawa. “God, Paris!” Marahas akong napasabunot sa buhok ko at agad pinahiran ang mga luha sa pisnge ko. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo’t ginawa mo iyon?! Sa tingin mo ba, pagkakatiwalaan ka pa ng mga kaibigan natin kapag nalaman nila ‘to?! Tangina naman oh!”

“Please don’t tell them. Malalagay lang tayong lahat sa peligro!” anito. Kunot-noo ko itong nilingon. “I have no choice, Donna! Kailangan kong gawin ‘to para protektahan kayo!”

“Protektahan sa ano?” tanong ko ngunit inilingan lang ako nito. Sa huli, wala na akong nagawa kundi hayaan siya sa mga ginagawa niya. Galit ako sa kanya, pero kaibigan ko siya at may tiwala ako sa kanya. Ang akin lang ay baka mapahamak siya. Sana lang ay hindi niya ikakamatay ang paglilihim niya.

KILLER’S POV

“Bilisan lang natin ang kilos dahil baka maya-maya lang ay bumalik na ang mga nagbabantay sa kanya.” Napatingin ako kay kuya habang sinusuot nito ang surgical mask at labcoat nito. He disguised himself as a doctor while I disguised myself as a nurse. “Huwag kang tatanga-tanga ngayon, Caroline. Alalahanin mong maraming tao rito. Isang maling galaw lang natin, tiyak na huli tayo.”

Palihim ko itong inirapan bago tumango. Tulak-tulak ko ang isang wheelchair habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Neon. Binabati naman kami ng mga nurses na nadadaanan namin at tanging pagtango lang ang sinusukli namin sa kanila. We passed by the elevator. Saktong pagtapat namin ay bumukas iyon. Lumabas mula roon si Sir. Villejo. May dala itong dalawang basket ng mga prutas sa isang kamay. May katawagan ito kaya tumigil muna siya sa hindi kalayuan.

“Pupuntahan ko muna si mama at dadaanan ko na rin si Neon para tignan ang lagay ng bata,” rinig kong saad nito sa kausap sa cellphone. Nagkatinginan naman kami ni kuya. Napangisi ako nang mapapakit ito. He must be frustrated right now. Looks like hindi pa matutuloy ang pagtapos namin kay Neon ah.

“Don’t worry, kuya. Hindi na rin naman magtatagal ang babaeng iyon eh. Sobrang lakas ng pagkakatulak ko sa kanya at sino ba namang mabubuhay sa ganoon ka taas na lugar?” pampalubag-loob ko sa kanya nang makasakay na kami sa kotse. I was comforting him dahil pinagsusuntok nito ang manibela dahil sa inis.

“Bakit ba kasi nandoon ang Gavin na iyon?! Panira ng plano!” galit nitong saad at marahas na napabuga ng hangin.

“Narinig mo naman siguro, ano? He will visit his mother. He told us na na confine nga ang mama nito rito. Tiyaka, estudyante niya rin si Neon. Ginagampanan lang nito ang trabaho niya bilang adviser,” sagot ko. Kahit papaano ay kumalma naman ang paghinga nito. Pero naririnig ko pa rin ang mumunting pagmumura niya.

“Hayaan na natin si Neon at intindihin nalang natin ‘yung iba,” anito sa kalmadong tono na nagpangiti sa’kin.

“Sino na ba ang isusunod natin, kuya?” tanong ko. Ibinigay naman nito sa akin ang listahan at nagsimula na siyang magmaneho paalis ng parking lot ng ospital.

Kahit hindi pa man patay si Neon ay minarkahan ko na ng ‘X’ ang pangalan nito. Doon din naman siya hahantong eh… kamatayan. Uunahan ko na. Pang manifest na rin.

Ngayon… sino na ang isusunod ko?


|•|end of chapter 22|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

46.6K 1.1K 52
Paano magkakaroon ng happily ever after kung may masamang mangyayari kung sakaling magkakatuluyan sila? || LOINIE Not your ordinary love story. (Mort...
192K 496 6
'Yung story ng buhay ko araw-araw? Halos ganito. Kaya maniwala kayo sa mga kwentong kagaya nito. *u* Strictly no soft copies and plagiarism, please...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
121K 654 9
ALL that is written here are just my opinion. If you didn't find your favorite author/s or story/ies here I'm very sorry 'cause these are just my OWN...