"Lala!"
Sabay-sabay na napalingon ang tatlong babae sa humahangos na si Ren.
Hindi maipinta ang mukha nito at para bang nagising ito na hindi maganda ang naging pagtulog.
"O? What happened to you?" Nagtatakang tanong ni Samantha sa assistant ni Samuella.
"You cannot do the folk dance anymore!" Gigil na bulalas ni Ren. Kitang-kita ang inis at kinikimkim na galit sa tinig nito.
Huling araw na nila iyon sa Baryo. At bilang pagtatapos ang lahat ng mga grupo ay magp-perform bilang regalo sa mga simpleng mamamayan na naroon.
Bago ang naturang variety show, isa-isa nang sinabihan ang bawat participants sa kanilang gagawing performance sa pagtatapos ng show. At natapat kay Samuella ang folk dance na Pandanggo sa Ilaw.
Hindi talaga porte ni Samantha ang pagsayaw, pero kung pagpa-practice-an niya, kaya niya namang itawid ang nasabing dance performance. With her sharp memory and eagerness to learn, nothing is imposible.
Kaya naman sa unang araw pa lang ni Samantha sa show na iyon ay nag-practice na silang tatlo na magkakasama sa iisang grupo. Noong una ay hindi nakikisabay si Samantha. Pinapanuod niya lang si Ginang Aria at Ginang Elena sa pagsayaw na ginagawa ng mga ito at nang masaulo na ni Samantha ang dance steps ay saka pa lamang siya sumabay sa pagpa-practice ng dalawa. Walang kamalay-malay ang mga ito na on the spot ang ginawang pagpa-practice ni Samantha.
Dahil nasaulo niya kaagad ang step, siya na ang madalas magpaalala sa dalawa kung ano ang dapat maunang galaw. Tuwang-tuwa ang dalawang ginang dahil mabilis din nilang natapos ang bawat practice na kakaunti lang ang mali.
At pagkatapos ngayon, ibabalita sa kanila na hindi na nila pwedeng i-perform ang folk dance na pinaghirapan nilang i-practice?
"Bakit daw?" Nakakunot-noong tanong ni Samantha.
Sa mga sandaling iyon, iisang tao lang ang naiisip niyang salarin.
"Because of your cousin!" Bulalas ni Ren na kulang na lang ay ipadyak ang mga paa nito. "She stole your task!"
Samantha massage her temple. Sinasabi na nga ba niya. Noong unang araw pa lang na nagpa-practice sila, duda na siya sa tingin at ngiting ipinapakita ng bruhang iyon.
"A-anong nangyari? Hindi ba at si Direk ang nagbigay ng bawat task?" Tanong ni Ginang Elena na hindi mapigilang makaramdam ng bahagyang pagkainis.
Hindi niya lubos-akalain na may ganoong ugali pala ang direktor na pinagkatiwalaan at hinangaan despite her young age.
"Galit na galit nga po si Direk. Pero pinagbantaan kase siya ng isa sa mga sponsor na aalisin daw nila ang first prize na ipinangako nila kapag hindi ibinigay sa team nila Mirabelle ang folk dance. That ugly b|tch!" Gigil na bulalas ni Ren.
Napakagat-labi na lang si Samantha.
Sila ang panghuling magp-perform. At hindi naman pwedeng dalawang grupo ang magp-perform ng isang task.
"Anong original na task nila Mirabelle?" Curious na tanong ni Samantha.
"Singing,"
Singing...
"You don't know how to sing right?" Nakangiwing tanong ni Ren.
Of course, she knew that Samuella cannot sing. Kaya nga pagsasayaw ang napili nilang task. Pero ganoon din ba ang double ni Samuella? Hindi rin ba ito marunong kumanta?
"Kung kakanta kami, paano ang mga instruments?" Tanong ulit ni Ssmantha.
Buong isang linggo ay ipinakita niya sa dalawang ginang kung gaano siya kawalang-silbi. Kaya gusto niya sanang bumawi sa dalawa ngayong magtatapos na ang variety show. Ni hindi man lang nanalo sa kahit anong challenge ang grupo niya.
And it's silently killing Samantha.
It's killing her fighting spirit and her genuine competitive attitude.
Pero anong magagawa niya? Hindi naman niya alam kung paano siya aakto ng maayos dahil hindi naman niya inaasahang makakasama niya sa naturang variety show ang kanyang mother-in-law. Sa dinami-dami ng pwede niyang makasama, ito pa talaga ang maswerteng napili ng mapaglarong tadhana. Tch.
"Sabi ni Direk ang pwede lang daw gamitin ay ang keyboard, acoustic guitar at ang drums," ani Ren na hindi mapigilan ang pagkadismaya.
"Well, I know how to use a keyboard," ani Ginang Aria na ikinatingin dito ng lahat. "Wala naman na tayong magagawa kahit na magreklamo pa tayo. Even Direk cannot change anything. So huwag na lang natin siyang pahirapan," dagdag na sabi pa ng mahinahong ginang.
"Kaya kong gamitin ang gitara," anaman ni Ginang Elena. "Matagal na akong walang practice pero tanda ko pa naman ang lahat ng chords," dagdag na sabi pa ng ginang.
Kaagad na kumislap ang mga mata ni Ssmantha. She heard this song during her college days. And she likes it so much.
Kaagad na kumuha ng papel si Samantha at isinulat ang guitar chords ng naturang kanya. Ganoon din ang keyboard score na minsan niya lang napanuod in her past life.
"May isang oras pa po tayo, let's go practice," excited na bulalas ni Samantha.
Napangiti ang dalawang ginang.
Kahit na hindi nakatulong sa kanila ang dalaga sa halos ilang araw nilang pananatili sa Baryo na iyon, hindi nila ito kailanman sinilip o sinisi dahil ginagawa naman nito ang lahat para makatulong. They never saw her as pabigat lalo na at alam nilang lumaki itong tila ba isang prinsesa. At kahit na hindi ito sanay sa mga physical activities, may mga bagay naman na natural ang pagiging talentado nito.
Kagaya na lang noong naghahanap sila ng kabute dahil sabi ng mga taga-Baryo ay tag-kabute daw ng buwan na iyon. It was Samuella/Samantha who told them where to find those edible mushrooms.
At ngayon nga, walang kahirap-hirap na gumawa ito ng music scores.
Nanlaki ang mga mata ni Ren.
Hindi niya lubos-akalain na talentado pala ang nakuha niyang double ni Samuella.
Kaagad na nagpunta ang tatlo sa tent ni Direk Tasha.
Galit na galit pa rin ito noong pumasok sila sa loob ng tent. Isa-isa nitong pinagsabihan ang mga crew ng variety show. At nang makita silang tatlo nito ay kaagad itong lumapit at humingi ng pasensya. Kaya naman noong magsabi sila na magpa-practice sila sandali ay kaagad itong pumayag.
Habang siya ang vocalist ng kanilang grupo, si Samantha rin ang nasa harapan ng drums bilang drummer.
Kinang na kinang ang mga mata ni Ren habang pinapakinggan ang malamyos na pagtugtog nilang tatlo na sinasabayan ng malambing na tinig ni Samantha.
Tuwang-tuwa ang dalawang ginang habang tumutugtog gamit ang mga instrumentong matagal na rin nilang hindi nahahawakan. Truly, being a part of this variety show is a good choice.
Bukod sa nakaka-relax ang buong paligid, ay tunay naman na na-enjoy din ng tatlo ang company ng bawat isa sa kanilang grupo kahit na mas matanda pa ang dalawang ginang kay Samuella ng mas maraming taon.
Dalawang practice lang ang ginawa nila ay alam na alam na kaagad ng tatlo ang kanilang gagawin. Kaya naman nang matapos ang unang grupo sa kanilang pagp-perform ay tapos na rin sila Samantha sa pagpa-practice.
Gusto nilang panuorin ang grupo nila Mirabelle. Gusto nilang malaman kung mabibigyan ba ng mga ito ng hustisya ang pagsasayaw ng folk dance na ilang araw din nilang pinag-practice-an ng buong puso.
Kaagad na naghubad ng costume sina Samantha. Kung kanina ay nakasuot sila ng tradisyonal na kimona at saya, ngayon ay puting t-shirt na lang sila na naka-tuck in na lang sa suot nilang maong pants. Kanya-kanya silang suot sa paa. As usual, naka-sneakers si Samantha habang naka-flat sandals naman ang dalawang ginang.
Naupo silang tatlo sa unahan at pinanuod ang performance ng grupo ni Mirabelle.
Ni hindi man lang sila na-impress sa grupo ng mga ito dahil ilang beses na kamuntik nang maihulog ni Mirabelle at isang kasama nito ang tasa na may kandila. Napailing silang tatlo at ni hindi man lang sila pumalakpak nang matapos mag-perform ang mga ito.
Bakit sila makikipag-plastika, hindi ba?
Mang-aagaw sila ng task at pagkatapos ay hindi naman pala nila kayang gawin ng maayos?
Sinong matutuwang pumalakpak sa kanila?
Gigil na lumapit si Mirabella ay Samantha at palihim itong bumulong.
"Tingnan natin kung sino ang mas mapapahiya mamaya," anito at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Good luck sa performance na gagawin niyo mamaya, pinsan," malambing na turan nito at saka patakbong umalis para magbihis.
Kaagad na umigkas pataas ang kilay ni Samantha. Noon lang niya nakita sa totoong buhay kung ano ang tunay na itsura ng two-faced scheming b|tch!
Napailing is Samantha.
Syempre, hindi siya naapektuhan.
Though hindi marunong kumanta si Samuella, iyon naman ang porte niya. Kaya walang magagawa ang mga ito kung hindi ang isipin na baka sinaniban lang si Samuella ng isang singing diva.
Nang matapos ang apat na grupo ay tinawag naman ang grupo nila Samantha sa unahan. Isa-isang inilagay sa make-shift stage ang mga instrumentong gagamitin nila.
Kaagad na pumuwesto sa harapan ng drums set si Samantha habang seryoso ding nakatingin sa hawak nilang instrumento ang dalawang ginang.
Nang magsimula si Samantha sa pagpalo ng drum ay kaagad na tumigil sa pagsasalita ang mga tao.
Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago
Nanlaki ang mga mata ni Mirabelle nang pumailanlang sa buong kapaligiran ang malaming at malamyos na tinig ni Samuella.
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
Paano nangyari iyon?
Alam niyang hindi marunong kumanta si Samuella dahil hindi niya naman ito narinig kumanta kahit na kailan.
'Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo
Habang dinadama ni Samantha ang bawat pagbigkas ng lyrics, nagngingitngit naman ang kalooban ni Mirabella.
She really hates this woman!
Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga pagdurusang naranasan mula sa bibig ni Samantha nitong nagdaan na mga araw.
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
Nanggigigil na tumayo si Mirabelle mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya ipinakita sa kanyang mga ka-grupo ang tunay na nararamdaman. Bago siya umalis sa kinauupuan ng kanilang grupo ay ngumiti pa siya sa mga ito at nagpaalam na pupunta lang sa banyo.
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo
Kaagad namang nag-focus si Samantha sa kanyang ginagawa nang makita niyang tumayo na mula sa kinauupuan nito si Mirabelle.
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa, nag-iisa
Finally. The big fat fish finally caught the bait
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
Tuluyan nang inalis ni Samantha sa kanyang isipan ang magaling na pinsan ni Samuella. Kung anuman ang mangyari, she's mentally prepared. Alam niyang may kinalaman ang magaling na babaeng iyon sa mga tingin na palaging nararamdaman ni Samantha.
Pagkatapos ng performance nila na ito, she will deal with these people once and for all.
Hindi siya papayag na sa pag-uwi ni Samuella mula sa bakasyon nito ay ibu-bully pa rin ito ng mga taong iyon.