gently like leaves

By cellakbo

1.8K 379 694

Kaela Marie De Torre had become accustomed to things ending. Like how their family did not long after she was... More

gently like leaves
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50

35

34 6 18
By cellakbo

[ INT. DISCUSSION ROOM 3 - AFTERNOON ]

CLIEF
Ganito kasi 'yon, no'ng bata ako, matalino na talaga ako.

KAELA
Wow.

Natawa si Clief sa reaksyon ni Kaela.

CLIEF
Biro lang. Hindi naman siguro matalino, parang pabida.

KAELA
Ayan mas tama.

CLIEF
Grabe.

KAELA
Nag-agree lang ako.

CLIEF
Anyway, siguro dahil ako ang pinakapabida sa room no'n, gusto ko lagi nakakasagot tapos natutuwa ako kapag perfect ang score kasi may tatlong stars, kaya lagi kong pinagbubutihan. Base sa mga ribbon ko sa bahay pati yearbook, valedictorian ako no'ng kinder pero hindi ko na maalala. 'Yong pinaka memory na hinahawak-hawakan ko hanggang ngayon, elementary na ako. Grade 3.

Inabot ni Kaela ang tumbler niya para uminom ng tubig habang patuloy na nagkukwento si Clief.

CLIEF
Dahil nga madalas wala si Papa noon kasi paiba-iba ang location kung saan sila magko-construct ng building o kung ano, laging si Mama ang uma-attend ng recognition ko. Kaso no'ng Grade 3 ako, timing katatapos lang ng kontrata nila Papa, umuwi siya tapos recognition ko. First time niya umakyat kasama ko para magsuot ng medal sa 'kin. First time ko rin makita si Papa na naluha. Tapos paulit-ulit niya sinasabi sa akin gaano siya ka-proud. First time rin 'yon na nagpakain siya sa bahay dahil lang Top 1 ako sa klase. Tapos binibida niya ako sa mga kasamahan niya sa trabaho pati mga kamag-anak namin.

Ngiti ang pumalit sa mga labi niya matapos lumisan ang isang buntong hininga.

CLIEF
Sobrang saya ko n'on. Unang beses ko yata naramdaman 'yong gano'ng tipo ng saya. Kaya sabi ko sa sarili ko simula no'n, lagi kong pagbubutihin maging top 1. Ayon 'yong unang rason na medyo centered pa sa 'kin.

KAELA
May pangalawa pa?

CLIEF
Oo. May isang beses kasi noon na nahuli ni Papa si Clyde na nag-cutting. Timing na may pinaprint siya noon para sa trabaho tapos ando'n si Clyde sa comshop. Galit na galit si Papa pag-uwi. May lagnat pa ako no'n kaya absent, rinig na rinig ko sigaw ni Papa sa kwarto. Nagpapakahirap daw siya kahit nakakapagod ang trabaho, tinitiis niya pagkamiss sa amin kapag sa malayo, para lang mapagtapos kami. Tapos magbubulakbol lang daw si Clyde. Nasaktan ako no'ng sinabi niya na gusto ba raw tumulad ni Clyde sa kaniya na hindi nakapagtapos kaya sa construction ang bagsak, na construction worker lang ang trabaho.

May malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Clief.

CLIEF
Highschool na ako no'n pero no'n ko lang narealize na ang baba ng tingin ni Papa sa sarili niya. Hindi niya alam na proud na proud kami sa kaniya. Naalala ko kapag pumupunta kami nila Mama noon sa downtown, may mga tinuturo siyang building na tapos na o ginagawa pa lang, tapos sinasabi niya sa amin isa si Papa sa gumawa n'on. Bilib na bilib ako kasi imagine mo, ang laki ng building, tapos isa si Papa sa may gawa. Binibida ko rin 'yon sa mga classmate ko. Tapos pagdating kay Papa, ang baba pala ng tingin niya sa sarili niya.

Muling nagpakawala ng buntong hininga si Clief.

CLIEF
Minsan, kapag nag-iinuman kami ni Papa, lagi niya sinasabi sa amin na pangarap niyang makapagtapos kami at makahanap ng magandang trabaho. Pinapaalala niya rin sa akin na ayos lang kahit hindi top, basta hindi ko makakalimutan alagaan sarili ko at masaya ako. Kasi kaya raw tinatamad siya pumasok noon kasi hindi siya masaya sa skwelahan. 'Yong saya, lagi niyang nahahanap sa labas. Pero kapag daw malungkot ako, pumunta lang ako sakaniya kasi siya nalang daw magpapasaya sa halip na tumigil ako sa pag-aaral.

Napangiti rito si Clief, gayon din si Kaela.

CLIEF
Kaya lagi ko pinag-iigihan. Kasi kung pangarap lang man din ni Papa mapagtapos kami, gusto kong itodo na. Magtatapos akong may pinakamataas na marka, o kahit pangalawa o pangatlo, basta may latin. Para maisip niya na kahit construction worker ang trabaho niya, nakapagtapos siya ng anak sa college tapos Cum Laude pa. Baka kapag nangyari 'yon, mabilib na siya sa trabaho niya. Sana hindi na mababa tingin niya sa sarili niya.

Nakatingin lamang si Clief sa mga darili niya, kaya ginamit ni Kaela ang pagkakataon para tumingin palayo at pawiin ang luhang nagbabadya kumawala sa mga mata. Kaya lang no'ng ginawa niya 'yon, saka rin nagtungo ang paningin ni Clief sa kaniya.

CLIEF
Hoy. Umiiyak ka ba?

KAELA
Ha? Anong umiiyak? Imbento ka naman.

CLIEF
Bakit parang may—

KAELA
Wala.

CLIEF
Eh ano 'yang—

KAELA
Wala nga. Napuwing lang, eh.

CLIEF
Talaga, ha? Sure ka? Hindi naman kita tutuksuhin, eh. Ayos lang naman umiyak.

KAELA
Hindi nga kasi. Naluha lang, hindi umiyak. Magkaiba naman 'yon.

CLIEF
Okay. Sige. Tama naman. Bakit ka naluha?

KAELA
Bawal ba?

Hindi mapigilan ni Clief na mapakamot sa kaliwang kilay gamit ang hinlalaki ng kaliwang kamay.

CLIEF
Wala naman akong sinabing gano'n, ah. Nagtatanong lang bakit.

Nagpakawala muna ng buntong hininga si Kaela bago muling sumagot.

KAELA
Naalala ko lang din si Erpats.

CLIEF
Hmm? Bakit?

KAELA
Hindi naman kami mahirap, pero kung ikukumpara sa pamumuhay nila Kylie, 'di hamak na mas simple lang amin ni Erpats. Medyo may pera talaga kasi galing si Mama tapos Doktor pa. Tapos si Papa naman, Teacher 1 pa no'n. Ayos lang naman sa 'kin 'yon, masaya naman ako sa kung anong mayroon kami. Kaso si Erpats kasi, ilang beses nagso-sorry sa akin kasi ganito lang kaya niya, ganiyan lang mayro'n kami. Naalala ko lang din. Nakakainis.

Pinahid ulit ni Kaela ang mata bago ba tuluyang kumawala ang luha niya.

KAELA
May isang beses pa na tinanong niya ako baka gusto ko raw dito na ako kay Mama. Mas maganda raw ang buhay ko rito. Paano naman siya? Siya nalang mag-isa. Madalas na nga siya umiyak sa gabi kasi namimiss si Kylie at Mama, dadagdagan niya pa rason. Kung buhay lang 'yon, hampas pasalubong ko roon mamaya, eh.

Malungkot na ngumiti si Kaela.

CLIEF
Hala, wala na pala Papa mo?

KAELA
Oo. Bago ako nag-college, saka siya...

CLIEF
Sorry.

KAELA
Bakit ka naman nagso-sorry diyan?

CLIEF
Bakit naman tumataas ang kilay mo agad?

KAELA
Haynako.

CLIEF
Pero balang-araw, magiging proud din sila sa kung sino sila, Kae. Tayo ang magiging patunay na hindi sila nagkulang sa kahit anong aspeto. Kung hindi pa man sila proud, ha?

KAELA
Sana nga.

Bago pa man may masagot ulit si Clief, dumating na si Cia at Joven.

CIA
Hello, sorry, matagal ba kami?

CLIEF
Hindi naman. Ayos lang.

Galing sa kanila, dumako ang tingin ni Kaela sa kambal niyang nasa labas, nakatingin sa kanila. Nakasabit na sa balikat ang bag nito at tinuturo ang daan papuntang exit, sinisenyas na aalis na siya. Napatayo si Kaela dahil dito para lumabas at lapitan ang kakambal. Sa halip na dumiretso sa exit, sa DR3 din nagtungo si Kylie. Napatingin kay Kaela ang tatlong kasama niya sa silid at sinundan ang tingin nito.

CIA
Hala, ayan kambal niya 'di ba?

CLIEF
Oo.

CIA
Sa FB at IG ko lang 'yan nakikita noon, eh. Akala ko nga noon, si Kaela. Nagtaka pa ako bakit iba pangalan. Akala ko naman poser kaya inadd ko para isumbong sana kaya lang kambal pala.

Galing sa pag-uusap, napagpasyahan ng kambal na lumapit sa mga kaibigan ni Kaela.

KAELA
Papakilala kita, Kyl.

CLIEF
Hi, Kylie. Nagkita tayo ulit.

Ngumiti nang matamis si Kylie sa kanilang lahat.

KAELA
Guys, si Kylie nga pala, kambal ko.

Kumaway sa kanila si Kylie. Unang tinuro ni Kaela si Clief.

KAELA
Ayan, kilala mo na.

CLIEF
Tama.

KAELA
Ito si Cia.

KYLIE
Friends tayo sa Facebook, right? I think familiar ang face mo. I'm sorry na agad if I'm wrong.

CIA
Ah, oo. Friends tayo sa FB. Akala ko kasi no'ng una si Kaela kaya ayon inadd ko.

KYLIE
Understandable.

KAELA
Ito naman si Joven.

Sa kanilang tatlo, si Joven lang ang naglahad ng kamay na ikina-ikot ng mata ni Cia. Inabot ito ni Kylie na may ngiti pa rin sa labi at nagbitaw din naman agad sila ng kamay.

JOVEN
Hello.

CIA
Pormal, ah.

JOVEN
Lagi naman.

CIA
Ulol.

CLIEF
Huy.

KYLIE
Nice to meet you all. I won't be long kasi I have to be somewhere pa. You all study well, and... take care of my twin for me.

KAELA
Ano ba 'yan Kylie, para naman akong bata.

CLIEF
Wala kang dapat ipag-alala diyan, parang kami pa dapat ang mag-ingat.

KAELA
Gano'n?

Tinaasan siya ni Kaela ng isang kilay.

CLIEF
Tignan mo, tignan mo.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 219K 96
She has a virtual boyfriend and she calls him Glitch. "I was just bored when I started it but I ended up falling inlove with the guy inside my screen...
888K 47.8K 32
𝚜𝚞𝚗𝚘𝚘: 𝚑𝚎𝚢 ;) 𝚗𝚒-𝚔𝚒: 𝚠𝚑𝚘 𝚝𝚏 𝚊𝚛𝚎 𝚢𝚘𝚞 [ Book I of I-LAND UNIVERSITY SERIES ] Highest Rank: #1 - sunki #1 - kimsunoo #1 - epistol...
713K 18K 44
Madison Rosales is not your typical 22- year-old. While everyone her age is out graduating college? She's only getting started. While everyone is out...
6.3M 131K 32
She never met someone that is so cold and soft at the same time, that is mean to everyone, and not to mention he is super hot. He never met someone...