gently like leaves

By cellakbo

1.1K 294 629

Kaela Marie De Torre had become accustomed to things ending. Like how their family did not long after she was... More

gently like leaves
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39
40
41
42
43

34

24 6 21
By cellakbo

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 10:42 AM

cia
Hellooo
Otw na ako
San nga ulit tayo

discussion room 3, ci
sa first floor lang ng lib
malapit sa may exit

cia
Oki oki
Andiyan ka na?

ala pa
12 pa nmn sched natin
kakasakay q lng ng din jeep

cia
Okiii

11:13 AM

clief
nasa lib na ako.
dito na ako pumwesto sa harap ng DR3

11:27 AM

joven
papunta na ako dyan clief

clief
ikaw lang?

joven
oo

11:32 AM

cia
Nasa gate na meeee

11:37 AM

andyan n kau?
kakapasok q lng ng gate

clief
oo, kae.

oki
otw na
Seen by everyone

[ INT. DISCUSSION ROOM 3 - AFTERNOON ]

CIA
Okay, teka, tama na muna 'yon. 'Yong introduction nalang naman hindi pa natin naka-cover.

JOVEN
Gutom na rin ako, eh.

CIA
Hindi nga rin pala ako nag-lunch.

KAELA
Hindi kayo kumain bago pumunta rito?

CIA
Kumain naman. Pero para siyang brunch.

CLIEF
Kain muna kayo. Busog pa ako, eh. Ako nalang muna magbabantay dito sa gamit. Sama ka sa kanila, Kae?

KAELA
Ah, hindi. Busog pa 'ko. Kumain din ako kanina.

JOVEN
Hala. Lumabas na yata grade last sem.

CIA
Ha?! Nag-reflect na sa'yo?

JOVEN
Sabi nila sa GC.

CIA
O-M-G. Lord, sana hindi dos kay Miss Chin.

Dahil sa sinabi ni Joven, sabay-sabay silang nagsikuha ng cellphone upang pumunta sa portal at tingnan ang mga markang nakuha sa nakaraang semester.

Napangiti si Kaela nang makitang maayos naman ang mga naging marka niya. Hindi ubod nang taas pero mas mataas kung ikukumpara sa grades niya noong nakaraang school year. Gano'n din ang naging reaksyon ng ibang kasama niya sa silid.

CIA
Thank you, Lord! Akala ko magiging dos na ako kay Miss Chin. Buti kinaya pa ang tres.

JOVEN
Laki ng ngiti ni Clief, o. Top na naman pangalan niyan sa DL ngayong ranking.

CLIEF
'Di mo sure.

CIA
'Wag mo na barahin, Clief. Ayan ang tinatawag na manifesting.

JOVEN
Teka, kumukulo na talaga t'yan ko. Kain muna kami sa labas. Balik lang din kami agad.

CIA
Wala ba kayong ipapasabay?

KAELA
Wala ako.

CLIEF
Ayos na rin ako, Ci. Eat well nalang sainyo.

CIA
Oki. Balik kami agad!

CLIEF
Take your time.

Lumabas na ng discussion room sila Cia. Kaharap ni Kaela ang cellphone niya nang dumapo ang tingin ni Clief sa kaniya.

CLIEF
Kae.

Nagtaas ng tingin si Kaela patungo sa mga mata ng binata.

KAELA
Bakit?

CLIEF
May IG ka na?

KAELA
Wala pa. Saka na ako gagawa, after exams.

CLIEF
Okay.

KAELA
Tsaka, hindi ikaw ang first follower. 'Wag ka na umasa.

CLIEF
Hulaan ko, si Kylie?

KAELA
Natural.

CLIEF
Ayos lang. Pero sa 'ming tatlo, dapat ako.

KAELA
Competitive ka?

Natawa si Clief dito.

CLIEF
Minsan, oo.

KAELA
Ganiyan ba kapag DL?

CLIEF
Hoy. Hindi, ah.

KAELA
Talaga?

CLIEF
Sige, baka medyo.

Muling natawa si Clief at sumilip naman ang ngiti sa mga labi ni Kaela.

KAELA
DL ka since first year?

CLIEF
Oo. Nakasanayan na lang din.

KAELA
Yabang.

Tawanan ang musikang nanaig sa loob ng silid.

CLIEF
Pero sa totoo lang kinakabahan ako.

KAELA
Bakit?

CLIEF
Maayos naman performance ko last sem, alam ko 'yon. Pero may isang final exam kasi no'n na nagkasakit ako. Hindi ko alam kung tama pa ba pinagsasagot ko. Alam mo na, sobrang laking percentage ng final exam sa grade. Tapos hindi na naibalik 'yong paper namin kasi lumipad na agad si Ma'am no'n para magbakasyon. Online niya na ipinasa 'yong grades. No'ng pwede naman na mag-consult, kami naman 'yong nagbakasyon. Tapos pagbalik, nawala na sa isip ko. Ngayon ko na lang ulit naalala na lumabas na ang grades.

KAELA
Tapos? 'Di mo pa ba nakikita?

CLIEF
Wala pa, eh. May dalawang subject pa akong hindi lumalabas. 'Yong isa, ayon 'yong subject na tinutukoy ko. Baka mamaya pa 'to o bukas.

Huminga nang malalim si Clief.

CLIEF
Kaya mas lalo akong kinakabahan. May cut-off pa naman Dean's List. Kapag may grade ka 2.5 and below, kahit straight kwatro ka pa sa susunod na mga sem, hindi ka na makakabalik ulit sa listahan. Sayang naman 'yong discount sa scholarship. Ang malala, goodbye latin honors pa.

KAELA
Oo nga pala 'no, may discount pala kapag kasama sa DL.

CLIEF
Oo. Sayang din. Laking save na rin 'yong 20% off sa buong tuition.

KAELA
Kung sabagay. Tsaka grabe 'yong wala na agad chance masama sa Latin Honors. Kahit isang subject lang?

CLIEF
Oo. Ayon daw talaga ang rule simula pa noon. Kaya nga pinagbubutihan ko rin kasi gusto kong magka-latin talaga pagkagraduate. Ayon na 'yong huling achievement na iaalay ko kay Papa.

KAELA
Bakit? Sa'n ba papa mo?

CLIEF
Ando'n lang naman sa bahay.

Tinawanan lamang ni Clief ang nalilitong mukha ni Kaela.

CLIEF
Mali naman kasi 'yong tanong. Dapat bakit ko iaalay, gano'n.

KAELA
Edi sorry na, DL?

CLIEF
Hindi mo na tinigilan 'yang kaka-DL mo sa'kin. Kapag 'yan, na-jinx.

KAELA
Kasalanan ko gano'n?

CLIEF
Wala pa akong sinasabi.

KAELA
Sige, bangin nalang. Ayon naman pakilala mo sa 'kin, 'di ba?

CLIEF
Bangin, ampotek. Prank lang 'yon!

KAELA
Prankster ka na agad kakakilala pa lang natin?

Hindi maiwasan ni Kaela ang pagngiti nang makitang namumula na ang tenga ni Clief.

KAELA
Bakit naman namumula ang tenga ng Bangin na 'yan?

CLIEF
Ganiyan ka, De Torre. Kapag ako nakaganti sa'yo. Tawa-tawa ka riyan, akala mo hindi rin kamatis 'pag nahihiya.

KAELA
Sige na nga, balik na do'n sa tanong. Bakit mo i-aalay sa Papa mo 'yong Latin Honors? Galing ba siyang Italy?

Hindi mapigilan ni Kaela ang pagtawa sa sarili nitong biro lalo pa't may natitira pa siyang tawa sa panunukso kay Clief tungkol sa Bangin nitong pangalan. At kahit na pinipilit ni Clief ipakitang he's so done sa panunukso ng dalaga, masyadong pamilyar ang mga labi nito sa ngiti na dulot ni Kaela.

Sa labas ng Discussion Room, kung nasaan ang mga upuan para sa ibang nag-aaral na mga estudyante, napangiti nalang din si Kylie nang masaksihan ang dalisay na ngiti at tawa ng kambal na matagal na niyang hindi nasisilayan.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

a/n: in their grading system, kwatro is the highest at bagsak ang uno.

#gllclkb

Continue Reading

You'll Also Like

707 47 11
They said that love comes in the least expected way. For Peri, it came in the form of an awkward baseball player who likes everything about her excep...
3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.1M 33.1K 22
in which suna texts a random number thinking is was his sister. ͏͏͏͏͏͏⠀ ͏͏͏͏͏͏⠀ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏⠀⠀ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏⠀⠀ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏ ͏͏͏͏͏͏...