Meant To Be

By TwinkleBubblegum

1K 135 18

Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang... More

Meant To Be
Chapter 1 - The Voice
Chapter 2 - Neighbors
Chapter 3 - Crush
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Cheating
Chapter 6 - Drunk
Chapter 7 - First Kiss
Chapter 8 - New Neighbor
Chapter 9 - Missed Call
Chapter 10 - Text
Chapter 11- Rebound
Chapter 12 - Truth or Drink
Chapter 13 - Closer
Chapter 14- Request
Chapter 15- Jealous

Chapter 16- Admirer

40 7 2
By TwinkleBubblegum

Kumuha ako ng tissue na nakapatong sa lamesa at kaagad na pinahiran ang aking mga mata. Iniwas ko na lang ang paningin ko mula sa stage.

Lumingon lang akong muli nang marinig ko na ang tinig ni Nadine. "Torete" ang kinakanta niya ngayon. Si Kieran ay naupo roon sa may bandang likuran. Nagpahinga muna siguro saglit. He drank straight the bottled water on his hand.

Napaisip ako kung ite-text ko ba siya. Para saan, Scarlet? Itatanong mo ba kung nasarapan siya sa halik ng seksing babae kanina? Nailing na lang ako.

Kamusta? Ilang kanta pa bago matapos ang gig n'yo?

Ngayon ko lang napansin na sa tono ng reply ko ay tila ba naiinip na ako. Pero na-send ko na kasi iyon kanina pa.

Kieran: Limang kanta na lang. Are you bored?

Mukhang nahimigan nga iyon ni Kieran. Nagdalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko ba 'yong  totoo. Na nasasaktan kasi 'yong puso ko.

Hindi naman. Medyo antok na kasi ako.

Alas diyes ang nakita kong oras sa aking cellphone.

Kieran: Gusto mo ba ihatid muna kita sa room n'yo ni Nadine. Sa last three song pa naman ako.

Napatigil ako sa nabasa. Medyo nakaramdam din kasi ako ng hiya. Kieran was in the middle of their gig. Pagkatapos ay aabalahin ko pa siya na ihatid ako sa room namin.

Huwag na, Kieran. Mag-focus ka na lang muna sa gig n'yo. Okay lang ako.

Pagka-send ko noon ay napadako ang mga mata ko sa stage. Saktong nakatingin din pala si Kieran sa akin. Nginitian niya ako nang matamis pagkaraan ay kinindatan.

I made a silent curse. Ang mga kulisap sa tiyan ko ay nagpi-fiesta na naman.

***

10:45 PM nang matapos ang gig nila Kieran. Hindi na ako nagtaka kung maraming resort guests ang nagpa-picture sa banda nila pagkatapos ng show.

Hinintay ko silang makababa ng stage. Naningkit ang mga mata ko nang may isang maganda at matangkad na babae ang nagnakaw ng halik sa pisngi ni Kieran pagkatapos magpa-picture.

Scarlet, kalmahan mo lang. Hindi ka naman niya girlfriend!

Parang gusto ko kasing manabunot ng buhok ngayon!

Mayamaya pa ay nakita kong inabot no'ng babae 'yong cellphone niya kay Kieran. May tinaype si Kieran dito. My God! Binigay ba ni Kieran 'yong number niya roon sa babae!

Kung sabagay maganda talaga ito, model-type. Kapansin-pansin 'yong pagiging makinis at maputi niya sa suot na spaghetti strap blouse at mini skirt.

Nang makalapit sa kinatatayuan ko si Kieran ay kaagad niya akong nginitian.

"Pasensya na, marami lang gustong magpa-picture. Kanina ka pa siguro naiinip." Pagpuna niya sa akin. Isang pilit na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya.

"We're gonna have late dinner with the resort owner. Gusto mong sumama?"

Umihip ang malakas na hangin na nanggagaling sa malawak na baybayin.
Napayakap tuloy ang braso ko sa aking katawan.

"Hindi na siguro. Medyo inaantok na rin kasi ako. Si Nadine ba sasama sa inyo? Kukuhanin ko na lang 'yong susi ng room namin sa kanya. Doon na lang ako sa room namin," I said in a convincing tone.

Maingat namang tumango si Kieran. Halata na talaga siguro sa itsura ko ang antok.

Mayamaya pa ay nilingon niya 'yong bandmates sa bandang likuran namin. Nilapitan niya si Nadine, pagkatapos nilang mag-usap ay inabot sa kanya ni Nadine 'yong susi.

Nag umpisa na akong maglakad nang papalapit na si Kieran sa kinatatayuan ko. I really don't know how to act normal in front of him. Pagkatapos kong maramdaman ang sari-saring emosyon na 'yon kanina. Naiisip ko tuloy na parang niloloko ko si Kieran.

What if his friendship for me is real? Hindi ba at ang sama ko naman para makaramdam ng gano'n? It's like I took advantage of his kindness towards me.

Dahil sa mga alalahaning iyon ay naging tahimik ako sa ilang minutong paglalakad namin papuntang hotel room.

Pagkatapat namin sa pintuan. "Salamat sa paghatid, Kieran!" Sinsero kong sabi. I tried to act normal and looked straight into his eyes.

"Okay, pasensya na pala. Medyo late na natapos 'yong gig namin. Inaantok ka na pala talaga."

Mabibikas sa reaksyon niya 'yong sinseridad niya sa paghingi ng dispensa.

"Okay lang, napagod lang din siguro ako sa byahe kaya ang bilis kong antukin. Sige, Kieran papasok na ko sa loob. Bumalik ka na roon at baka hinahanap ka na ng mga ka-bandmates mo."

***

Mga around 7:00 AM nang kumain kami ng breakfast. Hindi na ako sumama mag swimming sa kanila sa dagat sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Hindi rin nag-swimming si Nadine kaya natulog na lang kami ulit sa kwarto.

Alas nuwebe nang katukin kami ng mga boys para sabihin na uuwi na kami.

Sumabay si Nadine sa amin ni Kieran pabalik ng Manila. Hindi na ako naki-join sa usapan nilang dalawa at natulog na lang ako buong byahe namin.

Kabaliktaran 'yong emosyon ko ngayong pabalik na kami, kung kahapon ay sobrang excited ko sa pagpunta namin ng Batangas ngayon naman ay gustong-gusto ko ng umuwi.

Ako 'yong naunang ihatid ni Kieran. Wala ng chance na makapag-usap pa kami. I just bid goodbye to both of them at dumiretso na ko ng pasok sa gate.

I was so gloomy the whole day. Sana pala umuwi na lang ako sa 'min sa Bulacan.

I felt like my heart was broken into a million pieces. Nasasaktan ako kasi bakit pumapayag na makipag-flirt si Kieran sa mga babae na 'yon. At binigay niya pa talaga 'yong number niya ha! Kakakilala pa lang nila!

My God! Ano ba 'tong mga naiisip ko! Ito ang napapala ko sa pagiging hopia ko eh!

Pakialam mo ba, Scarlet kung i-text niya 'yong babae? Wala kang karapatang magselos! Ano ka ba niya?

Kahit nakaligo na ako kanina sa resort ay nagbabad ulit ako sa shower. Baka kahit paano ay mahimasmasan ako.

As I looked in the mirror, I felt my tears cascaded down my cheeks.

Mula ngayon hindi mo na bibigyan ng malisya lahat ng ginagawa ni Kieran! Mula ngayon iiwas ka na rin sa kanya! Tandaan mo 'to, Scarlet: HINDI. KA. NIYA. GUSTO!

***
I kept on saying that mantra inside my head everytime na maiisip ko si Kieran. Tama nga si Glaiza, huwag na akong umasa! It's obvious naman na friendship lang talaga 'yong pinapakita niya. Ako lang talaga itong nagbibigay ng malisya!

Pinapunta muna kami ni Sir Gabrillo sa Admin Office ng Club DC. Pinalitan kasi 'yong ID namin. Nakapila kami ng isang linya. Wala raw ngayon si Sir Christopher kaya 'yong anak niya muna yata na si Sir Gabby 'yong nasa opisina.

Nang ako na 'yong kukuha ng ID ko ay nagulat ako nang bigla akong kausapin ni Sir Gabby.

"Scarlett Monteflor. Bago ka lang dito?" Napaawang ang bibig ko. Kimi kong tinignan si Sir Gabby.

"Opo, Sir!" Pagkasabi ko noon ay kaagad akong nagbaba ng tingin.

"It's nice to meet you, Scarlet! My name is Gabby!"

My eyes widened a fraction. Nakipag-handshake kasi si Sir Gabby sa akin. Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang pigura niya. He is a perfect description of the tall, dark and handsome kind of guy. He smiled at me sweetly. Inabot niya na sa akin 'yong aking company id. Pagkatapos kong pumirma roon sa log book ay nagpaalam na ako sa kanya.

Hanggang sa makalabas ako ng Admin Office ay napapaisip pa rin ako sa gesture ni Sir Gabby.

Sobrang busy ng gabing iyon. As usual jump packed na naman ang buong Club DC. The Velvet Band kasi ang magpe-perform kaya given na talaga 'yon. Mabuti na lang at walang chance na makasalubong ko si Kieran. Hindi ko rin kasi alam ang magiging reaksyon ko kapag magkikita kami.

Around 1:00 AM nang matapos akong magpalit ng uniform. Pagkalabas ko ng rest room ay dumiretso na ako sa pantry. Inorderan na ako ni Glaiza ng spaghetti. Natanaw ko sa katabing lamesa namin sina Kieran at mga ka-bandmates niya. Umiwas na lang ako ng tingin.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Si Glaiza naman ay panay kuwento tungkol sa pagpunta nila sa Manila Ocean Park kahapon.

"Pumunta rin kayo roon, isama mo 'yong mga kapatid mo!" Nang-eengganyo niya pang sabi.

Ilang saglit pa ay natanaw ko si Sir Gabby na papalapit sa kinauupuan namin ni Glaiza.

"Hala! Bakit papalapit dito si Sir Gabby! Hoy, Scarlet! May nagawa ka bang kasalanan? Natapunan mo na naman ba ng juice 'yong isang guest?"

Natatarantang tanong ng katabi ko. Panay lang ang iling ko at hindi ko na tinanggal ang tingin ko kay Sir Gabby. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Kamusta  na Scarlet. Saan ka nga pala umuuwi?"

Napatikhim muna ako bago magsalita.

"Ahm. Sa staff house po Sir Gabby," my quick reply. Napatingin ako kay Glaiza na halatang nagugulumihanan sa mga nagaganap.

"Okay. Ihahatid sana kita kung walang magagalit!"

Kamuntik na yata akong mabilaukan ng spaghetti sa bibig ko. Napahawak tuloy ako sa baso ng iced tea na nasa tabi ko. Ininom ko agad ang laman nito. Ano raw? Ihahatid niya ako?

"Ah, Sir. Ano po ulit 'yong sinabi n'yo?" Muli kong tanong. Baka kasi mamaya ay namali lang ako ng rinig.

Sir Gabby looked at me intently. "Ihahatid sana kita pauwi. Wala bang magagalit?"

After hearing it again. My jaw dropped open.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 208K 53
Sometimes, what you are most afraid of doing is the best thing that will set you free. #BSS6
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.
22.9K 653 5
COMPLETED. Cover by Dyosita. Β©greatfairy 2017
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...