Hitmiton Academy: The Last Gi...

By riedel_angelica

12.9K 1.2K 39

Hitmiton Academy was more than just a school. It was a sanctuary, a place where magic was not just a force to... More

Disclaimer
Kaalaman
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Book Covers
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Warlington
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 20

152 8 0
By riedel_angelica

Ayama's POV

Finally, I'm back.

"Akala talaga namin patay kana, Ayama," basag ni Maeve sa katahimikan. Akala ko nga rin patay na ako at mananahimik na ngunit hindi pa pala. Hindi pa tapos ang laban.

Nang magising ako ay natagpuan ko ang aking sarili sa malambot na kama. Unang bumungad sa mga mata ko ay sina Weston at Ferron na kapwa nag-aalala. Nu'ng una ay hindi ako naniniwala na buhay ako, na nakikita ko sina Ferron baka nananaginip lamang ako. Pero hindi, buhay ako. Humihinga at nahahawakan si Ferron.

Nalaman kong nasa water tribe ako, inalagaan ako ni Diograsya Aleman ang nag-iisang babaylan sa lugar na iyon. She saved my life from dying. Hindi ko man lang siya napasalamatanan dahil bigla kaming tinaboy ni Jarren. Ang pinuno sa lugar na iyon. Nagalit iyon dahil sa ginawa nina Ferron at Weston. Sinira nila ang kalahating lugar. Binigyan ng pasa ang mga taong nakatira duon. Nang nalaman iyon ay muntikan ko nang sampalin sina Ferron, mabuti nalang talaga wala pa akong gaanong lakas non. Unti-unti pa lang bumabalik.

Nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang bumabalot sa akin nang mga panahong iyon. Habang nakahiga sa malambot na higaan, nakikita ko sa dilim ang aking kapangyarihan. Mas lalo itong nabuhay, binalik lahat sa aking katawan ang kapangyarihang binigay ko sa aking anak noon. Hindi ako nabahala dahil alam kong nasa tamang kamay si Athena. Ang nag-iisa naming anak ni Ferron. Hawak siya nina Herra at Maeve.

"Bitawan mo ako, Ferron! Gagawin mong sacrifice ang walang kamuang-muang batang iyon para sa pansariling kagustuhan mo?! Are you fvcking crazy?! Hindi kita hahayaan na gawin 'yon sa anak ko!"

Pinagtatalunan namin ni Ferron si Athena sa huling araw namin sa lugar ng mga water tribe. Gusto ko siyang suntukin at sigawan ng sigawan ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.

Nagpapalakas pa ako, hindi ko muna sayangin ang lakas dahil lang sa walang hiyang Ferron na 'to. I remembered everything! Hindi nawala ang memorya ko! Kilalang-kilala ko parin lahat! Kahit mga kalaban ay kilala ko.

He gritted his teeth. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Pilit pinapakalma ngunit mas lalo akong naiinis sa kanya. Sa gilid naman namin ay si Weston, kanina pa nanonood sa amin. Paminsan ay tumatawa sa bangayan naming dalawa ni Ferron. Ansarap niya ring lunurin. Kung pwede lang baka kanina ko pa ginawa.

"Calm down, baby. Hindi ko gagawing sacrifice ang anak natin. Nasabi ko lang 'yon dahil akala ko totoo ang lahat. Kasinungalingan lang pala iyon ng mga elders. Pinaniwala nila ako, Ayama. Sinira nila ang pagkatao ko!"

Umikot ang mata ko. Dahan-dahang inalis ang kanyang kamay sa aking braso tsaka umupo sa harapan ni Weston. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nagdadalawang isip kung aalis ba siya o mananatili.

"Everything about them is a lie." I murmured. Gumawa ng sariling kasaysayan para itago sa lahat ang kanilang totoong pagkatao. Akala ng lahat sila 'yung nakakaawa, sila ang inaapi ng mga kataas-taasan ngunit hindi. Sila ang sumira, gusto nilang kunin ang buong Warlington at paglingkuran ito.

Maraming umapila. Halos malalakas din tulad nila kaya lang ay natalo ang mga ito. Mga duwag ang itinakda noon. Lumayo, pinili ang sarili kaysa protektahan ang lugar. Dahil duon ay mas lalong nanaig ang kanilang kagustuhang kunin ang buong Warlington.

Bakit ko nalaman 'to lahat? Dahil iyon sa librong minsan ko nang nabasa. Lahat ay nandon, kasaysayang puno ng kasinungalingan. Mga sakim na taong nakatago sa dugong walang bahid na kalungkutan. Kalabisan, kapangyarihan ang siyang tumutulak sa kanilang nais.

Isa sa mga gusto nilang kunin ay ang anak ko. Anak namin ni Ferron. Gusto nilang gawing sacrifice si Athena para sa kanilang dyosang namatay isang daan na ang nakalipas. Tinalo ng Reyna ng mga water tribe. Hindi sila ang kawawa.

Ang buong Warlington.

"Niligtas siya ni Diograsya. Sumailalaim sa isang ritwal gamit ang naiwang Amulet ng Reyna noon. Iniwan niya ito para sa mga taong nangangailangan. Tinulungan siya ng isang babaylan."

Sinuklay ko ang mahabang buhok ni Athena habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Mas maraming alam sina Weston at Ferron sa nangyari sa akin. Kini-kwento nila 'yun ngayon sa mga kasama namin.

Herra, Maeve, Weston, Ferron at Kent. Hindi sumama si Elyse dahil hahanapin niya pa si Diograsya kasama si Jarren na ilang araw ng walang tulog dahil sa paglusob ng mga elders. Hindi siya galit kay Diograsya, galit siya sa kanyang sarili dahil hindi man lang nito kayang protektahan ang minamahal.

Yeah, Elyse is alive. Kasama siya ni Kent. Niligtas niya ito mula sa mga elders. Lumayo sila at hindi sumama kina Ferron dahil delekado. Pakiramdam ko may gusto si Kent kay Elyse. Nang nalaman iyon ay syempre natuwa ako. Akala ko nga wala na talaga siya, tinago lang pala ni Kent. Isasama ko nga sana siya rito para makita niya si Maeve pero tsaka nalang daw. Miss na miss niya rin si Maeve, hindi na siya makapaghintay na makita ito. Uunahin niya muna ang kapakanan ng lahat bago ang sariling kasiyahan.

She's so brave. Bagay na bagay silang dalawa ni Kent.

Speaking of?

Kumunot ang noo ko. Kanina ko pa napapansin ang pag-igting ng panga ni Kent. Hindi mapakali. Dahil ba kay Maeve? Against siya nu'ng una pero sinigurado ni Elyse na babalik siya, kasama si Diograsya. Sasama pa nga sana kaso hindi pumayag si Jarren. Muntik pang magsuntukan ang dalawa.

Kung hindi dahil kay Ferron baka kanina pa nagpatayan ang dalawa.

"Kilalang-kilala ang bagay na iyon. Hindi lang nito kayang pagalingin ang isang tao kundi kaya rin itong iligtas mula sa binggit ng kamatayan."

"Nag-iisang babaylan na lamang si Diograsya. Kung wala baka tuluyan na ngang wala ngayon si Ayama,"

Nakita ko ang pag-irap ni Herra sa akin tsaka pagsilay ng kanyang ngiti nang mabaling kay Athena ang tingin. Nilalaro niya ang kamay ni Ferron sa aking tabi. Pikit ang mga mata nito, mukhang napagod yata sa mahabang paglalakbay namin.

"She should be thankful! Lalong-lalo na't niligtas namin ang anak niya!"

"Herra!"

Napansin ko ang paggalaw ni Ferron. Unti-unting niyang minulat ang kanyang mata mata. Niluwa nun ang kanyang pulang mga mata, direktang nakatingin sa pwesto ni Herra.

"Until now, you were still noisy, Herra. Do you want me to silence that mouth of yours?" malamig at buong sabi ni Ferron.

Namayani ang katahimikan. Hindi na muling nagsalita si Herra. Akala ko talaga nagbago na siya. Ang taray niya parin pala talaga hanggang ngayon.

Nilingon ko si Maeve. Pikit na ang dalawang mata nito ngayon. Mukhang natutulog na. Si Herra naman ay nasa tabi ni Weston, reklamo ng reklamo. Si Kent ay wala na sa kanyang pwesto. Saan siya pumunta?

"Nag-aalala 'yon sa kaibigan mo. Nasa labas nagpapahangin."

"Are you okay?" baling ko sa kanya. Mukhang siyang nahihirapan.

"I'm okay. Nauuhaw lang."

Hindi parin nawawala ang kulay ng kanyang mata. Pula parin ito. "Are you really okay?"

Nasa loob kami ng isang kweba ngayon. Pansamantalang nanatili dahil magdidilim na. Wala kaming makikita sa labas dahil sa kagagawan ng mga elders. We can't fight kapag ganito. At isa pa, pagod ang lahat. Wala ng lakas. Mas mabuting magpahinga nalang muna.

"Ferron, are you really okay? Bakit pula parin 'yan hanggang ngayon?"

Naramdaman ko ang paggalaw ni Athena. "Mom?"

"Yes, baby?"

Dahan-dahan siyang umupo. Sinandal niya ang kanyang ulo sa aking dibdib habang si Ferron naman ay sa aking balikat. Magpapalambing na naman siguro ito.

"We're both thirsty, mommy. We need to drink blood to feed our stomach."

Muntik ko nang makalimutan. Bampira nga pala si Ferron at half naman si Athena. Kailangang uminom ni Ferron para bumalik ang kanyang lakas. Si Athena naman ay pampawala lang ng kati sa lalamunan. Kahit na kalahating bampira siya ay kailangan niya paring uminom ng dugo.

"Okay lang ba sainyo ang dugo ko?"

Wala kaming makikitang hayop sa lugar na 'to. Masyado ding madilim.

"How about you? I can—" I didnt let him finish his words. Nilapit ko ang leeg ko sa mukha niya at nilahad ko naman ang wrist kay Athena. Buo pa ang lakas ko, kaya ko pa.

"Mommy, are you..."

"Honey, drink up, okay? Don't worry about me." I assured her tsaka hinalikan ang kanyang noo.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang matulis na pangil ni Ferron sa aking leeg. Napapikit ako dahil sa sakit na dala non. Damn! This is my fvcking first time! Masakit pala, tangina!

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

22.1K 359 8
J Series One Nemo debet esse judex in propria causa.
104K 3.8K 55
Isang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lah...
234K 8.6K 80
Worst Section [Fire #3] "Na protektahan nyo nga ako.. na protektahan nyo ba sya?" "Nasaktan sya na nag sinungaling kayo sakanya.. at napagod sya sayo...
8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...