Midnights with Pierce Psyche...

By levisky123

21.7K 1.9K 267

Pierce Psyche Esquivel was a determined singer songwriter. And being a successful artist has its own perks. H... More

Midnights with Pierce Psyche Esquivel
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 34

421 41 8
By levisky123

The next day, with the help of Ejay and Ate Percy, we finally were able to transfer our things. Hindi naman kami nahirapan dahil mga personal na gamit na lang ang nilipat namin, fully furnished na rin naman ang bahay kaya hindi na kailangang mamili ng mga gamit.

“I already looked for a Luca’s school, malapit lang naman dito at pwedeng walking distance.”

Napatigil ako sa pag aayos ng closet ni Luca at napatingin kay Ejay. Ngumiti ako sa kanya.

“Salamat. Sana hindi ka na nag abala.”

He smirked at me. “I actually bought a house nearby too.” He said so casually which shocked me.

“What?! Saan?” Gulat kong tanong.

“Guess where…” Nakangisi nitong saad sabay hawi ng kurtina ng bintana kaya kita ko ang kabilang bahay.

Then he pointed it out.

“Really, Ejay?!” Hindi ko alam kung masisiyahan ako, makokonsensiya o kung ano pa man.

It was too much, though he is rich, the effort that he is exerting was beyond my imagination. Sobra-sobra na ang ginagawa niya.

Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. “Mahal mo ba ako? May gusto ka sa akin?” Diretsahan kong tanong.

He suddenly acted shocked and disgusted. “Of course not, I’m here for Luca and not for you. Sino ka ba?”

Napailing na lang ako at napangiti. Naglakad ako palapit sa kanya at kaagad siyang niyakap ng mahigpit. He groaned and tried pushing me but he wasn't really exerting any effort.

“Thank you very much, Ejay. Sa lahat ng tulong mo sa amin, lalo na kay Luca.” I emotionally stated.

He cleared his throat and slowly tapped my back. “It’s fine…it must be harder for you, huh? What I’m doing is nothing compared to your sacrifices to your son…and I admire you so much for that.”

I am thankful for him, genuinely thankful for him. Kung wala siya sa tabi ko nitong mga nagdaang taon ay hindi ko na alam ang gagawin.

We had our lunch all together in our new home. Pagkatapos ay umalis na si Ejay at kami na lang ni Ate Percy ang nagligpit pa ng mga iba pa naming gamit.

Kinahaponan ay namalengke ako at naiwan sa bahay sina Luca at Ate Percy, tiningnan ko na rin ang mga pasiko-sikot sa daanan at sa huli ay sumilip ako sa sinasabi ni Ejay na malapit na school. 

Kahit na nakapamalengke ako ay nag order na lang ulit kami ng dinner dahil tuluyan na naming tinapos ni Ate Percy ang pagliligpit at pareho na kaming pagod sa maghapon.

Bago ako makatulog ay saka ko lang nabuksan ang cellphone ko. I was on my bed lying already, while browsing my messages. Ejay texted me and that is what caught my attention.

Ejay:

Reporting tayo bukas, after lunch. Sunduin kita?

Nagbuga ako ng malalim na hininga at napatingin sa petsa kinakabusan. Days have been passing so fast since I came here and I’m gonna be working again tomorrow.

Ako:

Magkita na lang tayo doo, salamat.

Pinatay ko ang cellphone ko at pinakiramdaman ang bago namin bahay. This will be our home forever, dito lalaki si Luca…and just thinking about it made me feel something warmth inside. 

Kaya dapat alagaan ko ito. Lalo na at ilang pera rin ang nilabas ko para lang mabili ito. 

Nakatulog naman ako ng maayos at kinabukasan ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Before lunch ay nakaligo na ako at nakapalit ng damit.

I just wore my usual jeans and tucked in my white v neck shirt plus my black leather jacket. 

“Mama, wo-work ka today?” Luca eyed my outfit while eating his sliced apples.

Ngumiti ako at humalik sa pisngi niyang matambok. “Yes, kaya dapat behave ka kasama si Ate Percy, okay?”

Tumango-tango siya sa akin. “Okay Mama, basta huwag mong kalimutan dance school ko.”

Bigla-bigla akong napatikhim sa turan niya. I knew that my work would be stressful as hell but hearing Luca say those words made it worse. Umaasa talaga ako na makakalimutan niya pero mukhang mahirap pero sana naman ay hindi imposible.

Bumiyahe ako papuntang opisina at umabot iyon ng kulang-kulang isang oras. At dahil tanghaling tapat at sobrang init ay hinubad ko na ang leather jacket ko bago ako lumabas ng sasakyan.

The familiar building welcomed my sight and nothing has really changed. Nasa limang palapag ang opisina namin at underground para sa parking.

Pumasok ako sa entrance at bumungad sa akin ang mga hindi na pamilyar na empleyado. I just showed them my I.D then I took the stairs to the third floor, kung saan ang opisina ni Sir Sebastian.

My phone rang while I’m on the second floor and it was Ejay. Tumigil ako gumilid muna bago ito sinagot.

“Hello?”

“Where are you? Nandito na ako sa opisina.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad. “Third floor na.”

I saw the familiar office of Sir Sebastian. May mga bumungad sa akin na empleyado na pamilyar sa akin at nginitian lang ako. Hindi naman kasi ako madalas dito at sa field ako palagi. Most of them probably knew me by my name and not by face.

Inayos ko ang damit bago kumatok at tuluyan itong buksan. I slowly opened it and two pairs of eyes were there waiting for me. 

“Akala ko naligaw ka na.”

Umiling ako kay Ejay at tumingin kay Sir Sebastian. He stood up from his seat and I couldn't help but feel a little bit emotional now that I’m seeing him in person again after years.

Sumaludo ako at ganon rin siya pero matapos niyo ay lumitaw ang matamis na ngiti sa labi niya.

“How are you Liberty?”

He pointed to the chair across his table and I took a seat. Ngumiti naman ako at tumango.

“Maayos po, kayo po, kamusta na?” 

He sat down too and looked at both of us. “Maayos naman, handa na ba kayo sa susunod niyong trabaho.” He chuckled.

I can’t help but chuckle too. “Kailangan po.”

He nodded his head with a hint of a smile on his face. Maya-maya pa ay may kinalikot siya sa mga folders sa ibabaw ng lamesa niya hanggang sa may nilabas siyang dalawang puti.

“Okay…magkakahiwalay kayo. And Liberty….” Tumingin siya sa akin ng seryoso. “Tayong dalawa ulit ang magkasama.” Makahulugan nitong paliwanag.

Tumango naman ko at kinuha ang binigay niyang folder. 

“But before that, salamat naman at bumalik pa kayo dito sa Pilipinas. So welcomed back.”

Kapwa kami ngumiti ni Ejay sa kanya.

“At sa’yo naman to Ejay.” Ejay also got a hold of it and I opened mine right away.

Napatigil ako saglit at napatulala sa litrato bago alanganin na tumingin kay Sir Sebastian. I bit my lips and swallowed hard. 

Bakit siya pa?

Sir Sebastian was already looking at me too, clearly waiting for my reaction. At wala pa man akong tanong ay sinagot na niya ang mga katanungan sa isipan ko.

“Well, dahil iyon sa dati mo ng hawak ang kaso niya, and it is the the same incident so..ikaw na lang ulit ang napili ko.”

Tinaliman ko ng tingin si Ejay ng bigla-bigla itong napatawa. He quickly covered his mouth with his palm while I remained looking at him piercingly.

Narinig ko ang pagtikhim ni Sir Sebastian kaya muli akong napatingin sa kanya.

“Ako ang pumili sayo at hindi sila, they didn’t request specifically for your service pero binanggit ko na ikaw ang kukunin ko ulit. They didn’t say anything so I assumed that it was fine.”

Napapikit ako ng mata at nagbuga ng malalim na hininga. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya ng seryoso.

“Can I decline, Sir?” Lakas-loob kong sagot kahit na alam kung hindi pwede.

Umiling siya kaagad sa akin. “Unfortunately no, ang trabaho ay trabaho, Liberty. Walang personalan, be professional.”

Right. I have expected this kind of answer. Trabaho lang at walang personalan.

“Just accept it, wala naman yung pakialam sa’yo, busy yun sa peke niyang pamilya.” Ejay's side commented.

Muling bumalik ang matalim na tingin ko sa kanya pagkatapos ay sa litrato ulit ng sobrang pamilyar na lalake sa akin.

“Your duty will start at 12 midnight, so you don’t have to worry. You’ll only have 6 hours duty unless there are exceptional circumstances, so that would be 12am to 6am.”

“Oh yun pala! Alangan naman na hindi pa tulog yun ng ganoong oras, hindi kayo magkikita sigurado ako.” Ejay interjected again.

I closed the folder that I was holding. Tama naman siya, hindi naman kami siguro magkikita dahil tulog na siya ng mga oras na iyon…unless he party a lot or if he has any other event.

“Pero kapag lalabas siya, I mean, kapag may trabaho siya sa labas ng Maynila. It is automatic that you would be the one in charge. Pero madalang lang naman siguro at baka tapos na ang kaso niya noon.” 

Muli akong napamulagat sa dagdag na impormasyon ni Sir Sebastian.

“Okay…so see you tomorrow, the both of you. You are now both dismissed.”

Para akong lantang gulay na umalis sa opisina. I kept on sighing heavily as well until I reached my car in the parking lot outside. 

“Okay lang yan, ilang buwan lang naman. Or better yet, huliin mo na ng mabilisan ang stalker niya para matapos na. Just like what you did last time, ilang araw lang nahuli mo na stalker niya.”

I leaned on my car and faced Ejay. “Wala namang kaso iyon sa akin…at sigurdo naman ako na wala na siyang pakialam sa akin diba?” Alanganin kong tanong.

Ejay nodded his head. “Yeah for sure…the both of you didn’t have a proper goodbye but…he seemed not so interested with you after what happened to the both of you right?”

Napatango ako. I think it is better that way. Hindi siya interesado sa akin pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin, and I’m sure that he will act the same if we see other again. Mas maganda na iyon sa akin kaysa sa magpakita siya ng interest.

Bumalik kami sa kanya-kanya naming bahay pagkatapos namin sa opisina. Nadatnan ko pa na natutulog si Luca sa kwarto niya habang si Ate Percy naman ay gumagawa ng palamig at club sandwiches sa kusina.

“Magmeryenda na po kayo, Ma’am.”

Umiling ako at ngumiti. “Tubig na lang muna, mamaya na kapag gising na si Luca.”

She nodded her head happily and I went back to my room. Nagpalit kaagad akong damit at umupo sa may maliit kong study table para busisihin ang misyon na hahawakan ko.

Muling bumungad sa akin ang litrato niya na kaagad kong nilipat. I read the details and Sir Sebastian was right, it was the same case of stalking. Iyon nga lang ay dalawang buwan na at hindi pa nahuhuli ang stalker niya. Unlike before na isang linggo lang ay nahuli ko na.

I looked at his address and it was different from before. Though he is still staying in a penthouse, with his exclusive elevator. 

Maybe he disposed of it? Ibinenta na niya? O baka naman…napatampal ako ng noo sa naisip, but I don’t think I’m that important to him. He may have just disposed of it or maybe he doesn't want to stay there anymore. Mayaman naman siya at kayang-kaya niyang lumipat ng titirhan kahit anong oras na gustuhin niya.

I massage my temple when memories of the past start coming back to me. Kung dati ay si Brianna ang may gusto sa kanya…ngayon naman ang ay anak ko…coincidence it is but I won’t let them meet this time. 

I leaned on my swivel chair and looked at his personal information. May nakita akong contact number at kaagad itong sinave sa cellphone ko. I am sure it is Ma’am Matilda’s contact information at hindi ang kanya, I just used it in case of emergency anyways.

After looking at the information, saktong nagising si Luca. He knocked on my door and I quickly carried him in my arms while still looking so sleepy.

We had our meryenda at tuluyan siyang nagising. I wiped away the crumbs on his part and filled his glass with ice tea.

 “Kamusta po trabaho, Ma’am?” Ate Percy opened up.

Umiwas ako ng tingin.  “Okay lang… at bukas na ako magsisimula. My schedule would be 12 midnight to 6 in the morning.”

“Midnight, Mama? Then you are here during the day?” Luca asked happily.

“Yes, baby. But Mama needs to sleep after work, okay?” Paalala ko.

Tumango-tango siya sa akin. “It’s fine, Mama. But I will hug you to sleep.”

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa turan niya.

“Ang sweet sweet mo naman baby!” Nanggigigil na komento ni Ate Percy kaya muli akog napangiti.

Kinagabihan ay hinanda ko na ng mga gamit ko. Wala namang masyadong kailangan at pwede pa naman ang mga dati kong damit ng nandito pa ako. At mukhang mas  kailangan ko pang ihanda ang sarili ko.

Bago ako matulog ay sumilip muna ako kay Luca. He is asleep already in his own room with a small lamp shade on the side of his bed.

I sat on the side of his bed and caressed his hair gently.

Makikita ko bukas ng Tatay niya pagkatapos ng ilang taon…hindi ako handa sa totoo lang dahil hindi ko naman naisip na siya ng unang hahawakan kong misyon pagkabalik ko dito.

I smiled bitterly and kissed his cheeks lightly. I don’t have any choice anyway, siguro ay hindi na rin maiiwasan na magkikita at magkikita kami ngayon pang may nag uugnay na sa amin. It is inevitable at this point. Napaaga nga lang.

Lumabas ako ng silid niya at muli ay hindi ko maiwasan na magbuga ng malalim na hininga. 

Wala akong kasalanan sa amin, kaya dapat hindi ako matakot. Hindi rin ako nagkulang kaya wala din dapat akong ipangamba.

Continue Reading

You'll Also Like

352K 15.1K 49
A girl that's basically invisible to everyone along with her twin brother. One plays Football and the other Basketball. Two separate high schools. Sh...
1.3M 67.8K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
4.6M 291K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
13.1K 942 36
You almost had a heart attack when you saw him tossed on the side of the road, at first you thought he was a dead body. But when you got closer, it t...