Salamat
Zinniana POV
Masakit...Yun yung nararamdaman ko ngayon,Hindi ko maigalaw ang katawan ko
Nilibot ko ang paningin
Puti?patay na ba Ako?pero bakit ramdam ko ang sakit ng katawan?
Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang babae na sa tingin ko nasa mid 40s
Nagulat pa siya ng makita ako...siya kaya ang nagdala sakin dito?
Agad siyang lumabas at pagbalik may kasama na siyang doctor
Chineck nila ang lagay ko
"Marami siyang sugat sa katawan,but hopefully unti unti na itong naghihilom...ipagpatuloy niyo lang ang pagpapainom ng gamot sa kaniya at ang pagpalit Ng benda sa sugat,bukas na bukas din ay pede na siyang makauwi"
Nagpasalamat naman yung babae at masayang lumapit sakin
"Buti naman at gising kana"
Ngumiti Ako sa kaniya
"Kayo po ba ang nagdala sakin dito?"
Tipid na tango lang ang tugon niya at inabutan ako ng tubig na nakapatong sa mesa na katabi ng hospital bed
"Uminom ka muna ng tubig,ilang linggo kanang nakaratay diyan"
Nagulat ako sa sinabi niya,linggo?
"Ako ang nagdala sayo dito...nakita kasi kita sa gilid ng kalsada at basam basa ng ulan at ang dumi mo pa,kala ko nun patay kana ... Natigil siya at humarap sakin Buti nalang at humihinga kapa Naman"
"Nakakaawa ang lagay mo...ang dami mo pang sugat sa katawan"
Napapailing na saad niya
"Nagugutom kaba?"
Tumango ako dahil nagugutom narin ako
"Bibili lang Ako sa labas"paalam niya at saka lumabas Ng kwarto
Malaki ang utang na loob ko sa kaniya,kung tutuusin utang ko sa kaniya ang buhay ko
______
Makalipas ang ilang araw
Nakalabas na Ako ng hospital,pansamantala muna akong tutuloy sa bahay ni madam sujen
Siya yung tumulong sakin na dalhin sa hospital tapos siya din ang nagprisintang tumuloy ako sa bahay niya
Gusto niyang dito nalang ako tumira pero tumanggi ako,sobra sobra na ang naitulong niya sakin at sapat na yun
"Gubie,sumabay kana samin"Sabi ni madam sa lalaking kakababa lang ng hagdan,naka padjama ito at parang kakagising lang
Gwapo siya,matangkad at may pagkakahawig sila ni madam,siya ang boy version ni madam sujen
Sandali siyang ngumiti at agad na kumunot ang noo Ng makita ako,parang tinatanong kung sino ako
"Siya nga pala si zin,siya yung babaeng kinukwento ko sayo nung nakaraan...Hindi mo Siya naabutan kahapon anong oras kana rin kasing dumating"paliwanag ni madam sujen
Tumango naman si gubie at naupo sa tabi ng kay madam
"Ahh,I see...totoo pala talaga ang Sabi ni mom tungkol sayo" Sabi niya habang nakatingin ng diretso sakin
Bahagyang kumunot ang noo ko
"You're pretty" namamanghang sagot niya
Luh?preeetttyy daw oh
Nahihiya akong tumingin sa kaniya,kaya bahagya siyang ngumiti
"Nako,ikaw gubie...umaandar na naman yang kapilyuhan mo"naiiling na sabi ni madam
"Mom,nagsasabi naman ako ng totoo" depensa ni gubie
Bahagya akong napangiti ang sweet nila,naalala ko tuloy si mommy sana ganiyan din siya sakin
"Iha...ayos kalang ba?"
Napatango naman ako baka nahalata niya ang hindi ko paggalaw sa pagkain
"May masakit ba sayo iha?"
Yung puso ko masakit
"Wala po madam"Pilit na ngiting iling ko sa kaniya ayaw ko naman na magalala pa siya
"Mommy"
"P-po?"
"Just call me mommy"
LUH
"S-sige po mada-m-mommy"nauutal kong sabi
ARGGHHH!!.. letse
Tumingin ako kay gubie pero nakita ko siyang nakangiti at umiling iling pa
Loko to ah!
Natapos kaming kumain,busog na busog ako dahil sa dami kong nakain,ikaw ba naman lagyan ng lagyan ng pagkain ni gubie kung hindi ka mabusog
Uminom Muna Ako ng gamot saka ako naupo sa kama
Tatanggalin ko na yung benda at papalitan
Ng biglang may kumatok
"Pasok"
Bumukas ang pinto at nagulat ako ng pumasok si gubie
Peste malamang papasok talaga yan pinapasok mo e
"Sabi ni mom tulungan daw kitang maglagay ng benda"
Sabi niya at umupo sa tabi ko
Tinanggal niya yung tela sa braso ko at kita ko ang gulat niya ng makita ito
Para siyang awang awa na ewan
Tiningnan ko yun,puro sugat mga pasa at kung ano ano pa
Dahan dahan niya yun na nilinis at maingat na binalutan ng bagong benda
"Mmmm...ayos na"
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti
"Salamat"