Have Lost In Paradise (El Dor...

By Orianixxx

133 18 0

"Letting go isn't about weak, it's about accepting the fact that nothing last forever. The only way to move f... More

Author Note's
A love untold
Prologue
Kefálaio éna: Him
Kefálaio tríto: Who is he?

Kefálaio dyo: Paradise

18 3 0
By Orianixxx

Feur Pov's

Maaga akong gumising ngayon. Nakatambay ako sa balcony hawak ang libro ni Ry habang hinihintay na sumikat ang araw. This is the second time na makikita ko siya and sana dumating siya. Napaka misteryoso niyang tao para sa akin.

Nang sumikat na ang araw ay nagmadali na akong bumaba sa balcony at tinungo ang daan papunta sa aming tagpuan. I think hindi magiging boring ang mga araw ko dito sa province dahil kay Ry. Nakarating na ako sa tagpuan kaso walang RY akong nadatnan. Inilibot ko ang mga mata ko baka sakaling nandito lang siya.

Pero wala.

"Ry?" tawag ko kahit na alam kong wala namang sasagot.

"Unfair mo naman" sabi ko habang nakatitig sa libro ni Ry " Sabi mo pupunta ka pag sikat ng araw" Nakatanguso akong umupo sa malaking ugat at dinama ang sariwa at malamig na hangin.

"Fleur" Malamig na tonong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa gawi niya. Nakita ko ang seryosong muka niya na nakatitig sa akin.

"Akala ko hindi kana dadating" I said bago tumayo at pinagpagan ang dress kong suot

"Sorry it took a while" He said

"Psh. Binasa mo ba yang libro?" Biglang tanong niya kaya naman napatingen ako sa hawak kong libro

"Alin ba dito sa dalawa? Yung Orpheus hindi ko pa tapos and itong isa?" Sabay taas sa kulay black na book "Nakalimutan mo kahapon kaya dinala ko na muna, I'll swear hindi ko siya binasa" Paliwanag ko

"Mabuti kung ganun," Sabi niya pagkaupo niya sa ugat.

"Bakit anong meron?"

"Huwag mo ng tanungin" Masungit niyang sagot,. Itinago niya yung black na librong kanina kong hawak tapos kumuha siya ng panibagong libro at binasa iyon.

"Ry malapit lang ba bahay niyo dito?" tanong ko

"Huwag mo ng alamin" Eh ang taray niya naman ngayon

"May regla ka ba?"

Tumingen lang siya sakin na may pagtataka

"Do I look like a girl?" Kunot noong tanong niya dahilan para mapangite ako

"Sungit mo kase para kang may dalaw" sabi ko ng may pagtataray bago tingen sa malayo

"Psh, Tara" Tipid niyang sabi kaya naman napalingon ako sa kanya, ang kaninang nakaupo na Ry ay nakatayo na ngayon at nakalahad na ang palad sa harapan ko.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta" Sungit talaga

Kahit nag-aalinlangan akong sumama wala din akong nagawa kung hindi abutin ang kamay niya at sumunod sa kanya. Dalawang araw pa lang kaming magkakilala pero nakuha niya na agad ang tiwala ko.

"Baka iligaw mo ako ha" Wika ko

"Ginawa ko na sana nung una pa lang" Tugon niya naman kaya inirapan ko na lang siya.

Medyo malayo na kami sa puno na pinagtatambayan namin,. Tinatahak namin ang berdeng damuhan patungo sa hindi ko alam na lugar, Iginala ko ang mga mata ko,. Sobrang ganda ng kapaligiran dito at sobrang berde, mapayapa at malayo sa gulo tipong hindi mo na nanaisin na umuwe, napadako ang tingen ko sa lalakeng nasa unahan ko na may sakbit na bag na puno ng libro

"Ang ganda ng lugar kaso may masungit naman akong kasama" Bulong ko pero sa tingen ko narinig niya iyon.

Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay na parang nagtatanong kung may sinsabi ba ako.

"I said malayo pa ba?" Pagtugon ko.

"Maybe" Tamo ang tipid niya magsalita,. Naiinis ako. Nakasunod lang ako sa kanya kung saang lugar niya man ako dalahin.

Nakakamangha sa lugar na ito sa bawat paglayo namin ay padami ng padami ang nadadaanan naming mga bulaklak na halos mya mga paro-paro,. At dahil sa mangha hindi ko napigilan ang sarili ko na tumakbo sa isang kumpol na bulaklak na may malalaking paro-paro,. Pero mali atang tumakbo ako..

"Ang ganda ng mga par.."

Sa pagtakbo ko hindi ko napansin ang ugat na nakaangat dahilan para matalisod ako at ma-out of balance. Pumikit na lang ako at hinintay na saluhin ni Ry dahil alam kong nakita niyang babagsak ako sa lupa.

"Bugshh....

Akala ko bisig ni Ry ang sasalo sa akin. Lupa na may damo pala.

Iminulat ko ang mata ko at tumingen ako ng masama sa nakatayo sa harapan ko ngayon.

Hindi man lang niya ba ako tutulungan?

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Pagtataray na tanong ko

"Learn to help yourself" He said seriously

Tinarayan ko na lang siya bago tumayo ng mag-isa at pinagpagan ang damit. Fuck ang sakit ng tuhod at siko ko. Padapa ba naman akong sinalo ng lupa.

"Hindi mo ba alam ang salitang Gentle Man? " Wika ko

"Not everyone is there for you when you need them. Learn to stand on your own, Fleur" Ry said before turning his back on me and starting walking again

Nakatanguso akong sumunod na lang sa kanya. Yung mga butterfly na magaganda mga lumipad na, natakot siguro nung bumagsak ako. Ilang minuto lang ang nilakad ulit namin ng magsalita siya.

"We are here" He said

Manghang-mangha ako sa nakikita ko ngayon, Paraiso yan ang masasabi ko. Malawak na ilog na napapaligiran ng malalaking puno at mga bulaklak na halos paro-paro, at malalaking bato. Sobrang ganda.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ko kay Ry.

"Learn to find" Tipid na sabi niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin sa braso. Sinisira niya naman moment ko eh.

"Baka tumakbo ka na naman. Madulas sa parteng kinatatayuan mo mabasag pa bungo mo" Sabi niya ng tumigil kami sa isang puno. Buhay na puno siya pero nakatumba at ang iba niyang sanga ay nakaharang sa ilog.

"Tara," Pag-aya niya sakin bago umakyat sa sanga ng puno. Hindi muna ako sumunod sa kanya dahil hinihintay ko na ilahad niya ang kamay niya para tulungan akong umakyat,. Pero ilang minuto ang lumipas hindi man lang niya nilahad ang kamay. Ang ending nakatanguso akong umakyat at madahan na naglakad sa sanga ng puno.

"Ayos lang kung madulas ka. Walang bato na sasalo sayo para basagin yang bungo mo" Sabi niya habang nakaupo at nakababa ang paa sa ilog.

Napaka harsh niya sa akin ha..

Nang malapit na ako sa kanya ay umupo na din ako at ibinaba ang paa sa ilog.

Ang sarap naman dito maliban sa katabi ko.

"Ang sama mo talaga. Hindi mo man lang ako tinulungan" Wika ko.

"Tingnan mo kaya mo naman diba? " Sa bagay tama nga naman siya, Tumitig ako sa paa kong nababasa ng tubig dahil sa ilog. Shit medyo kinabahan ako dahil sa sobrang linaw ng tubig kita mong malalim talaga siya, napahawak ako ng mahigpit sa sanga ng puno na pinagkakapitan ko ngayon.

"Anong problema? Natatakot ka? " Biglang tanong ni Ry kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ha?H-hindi ah, " Pagtanggi ko kahit takot na talaga ako. What if mahulog ako diba? Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

"Bugshh..."

"Wahhhh" Sigaw ko. Paano ba naman biglang tumalon si Ry sa malalim na parte ng tubig at dahil sa pagtalon niya gumalaw ang sanga na kinauupuan ko ngayon.

"Ry!"

"Akala ko ba hindi ka takot?.Tara dito samahan mo ako"

"A-ayaw ko" sabi ko, napanatag naman ang loob ko ng lumubog sya sa tubig at lumangoy palayo sa akin. Mabuti pang lumayo siya! Nang hindi ko na siya makita ay maingat kong iniangat ang mga paa ko para tumayo sa kinauupuan at umalis na dito sa tapat ng ilog dahil nakakatakot siya.

Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng biglang..

'Splashhh..

Napagtanto ko na lang na nakalubog na din ako sa tubig habang hinahabol ang hininga, nakita ko si Ry malapit sa sanga na nakatitig lang sakin. Tinulak niya ako? Baliw siya hindi ako marunong lumangoy.

"R-ry t-tulon.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil palubog na ako ng tuluyan sa tubig.

"Bakit hindi mo subukang lumangoy?. Gamitin mo ang kamay at paa mo para mabalanse mo ang katawan mo" Seryosong sabi ni Ry. Hindi ako tuluyang lumubog dahil hinila niya ako paatas. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya pagka-angat ko.

"B-bakit mo g-ginawa yun..H-hindi ako marunong luman.."

"Alam ko"

"B-baliw ka,. A-alam mo naman pala tapos tinulak mo pa ako,.P-paano na lang kung namatay ako?"

"Paano ka matututo kung palagi kang natatakot na subukan?,. At huwag ka magalala h-hindi ko hahayaan na mawala ka"

"Baliw ka talaga. Dalhin mo na ako sa mababaw Ry"

"Ayaw ko"

"Ay si anteh desisyon" Sabi ko habang hindi pa din ako kumakalas sa yakap sa kanya.

"Subukan mo muna" Sabi niya

"Hindi ko nga kaya"

"Sinubukan mo ba?. Bakit ba wala kang tiwala sa sarili mo na kaya mo?" Walang emosyon na naman niyang tugon

"Walang ibang tutulong sayo kung hindi sarili mo" Sabi niya bago ako itulak palayo. Baliw lulubog na naman ako.

"R-ryyy!"

"Gamitin mo ang kamay at paa mo bago ibalanse ang sarili" Wala akong nagawa kung hindi gawin ito, Napangiti na lang ako ng nababalanse ko ang katawan ko at nakakapagpalutang ako.

"Oh see, you can,. Ngayon naman subukan mong sumisid tapos igalaw-galaw mo ang mga paa at kamay mo papunta sa akin." Sabi niya. Wala na naman akong nagawa kung hindi gawin ang sinasabi niya.

Bakit ba ako sumusunod sa kanya?

Sumisid ako sa tubig at nagsimulang lumangoy,. Bakit hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko? Umangat ulit ako at hinabol ang hininga.

"Pwede ulit subukan" He said again.

"Hindi nga ako umaalis sa pwesto ko,. Nagmumuka lang akong palaka na lumalangoy pero hindi naman nakakaalis sa pwesto"

"You can try it again" Nakataas na kilay niyang sabi, wala na naman akong nagawa kung hindi ang subukan. Para akong nanalo sa raffle ng pagangat ko ay nasa ibang pwesto na ako hindi man kalayuan atleast nagawa ko. Tumingen ako sa pwesto ni Ry para magyabang pero wala siya..

"Asan siya?, Ry?" Lumingon ako sa likod ko pero wala

"Diba sabi ko sayo kaya mo" Napaharap ako sa unahan ko ngayon at laking gulat ko ng sobrang lapit ng muka niya sa muka ko. Baliw talaga.

"Encanto ka ba?.Bigla bigla ka na lang sumusulpot" Nakatanguso kong sabi

"Aww.." Napahawak na lang ako sa noo ko ng pitikin niya ito.

"Baliw talaga" Bulong ko

"Psh.. Tara na. Kailangan ko ng umuwe" Sabi niya, pero nagsisimula pa lang akong magenjoy eh.

"Pwede bang mamaya na lang?"

"Hindi pwede. Kaya umahon kana diyan bago pa kita iwan" Sabi niya "Huwag mo ng pahabain ang iyong nguso. Babalik ako bukas pagsikat ng araw. Babalikan kita" Pahabol pa niya.

"Paano kung hindi?"

"Pangako Fleur"

"Okay, sabi mo eh basta pupunta ulit tayo dito ha?" Sumilay lang ang ngiti niya sabay tumango dahil sa ginawa niya napangiti na din ako.

Pagkaahon ko ay piniga ko ang laylayan ng dress ko at inayos ang pakakalugay ng buhok ko.

"Ang ganda sa lugar na ito diba Ry?" Sabi ko kahit hindi ako nakatingen sa kanya dahil inililibot ko ang mata ko sa paraiso.

"Ikaw ang pinakamaganda. Dahil ikaw ang paraiso ko"

May sinabi siya pero hindi ko naman naintindihan

"Huh?"

"Sabi ko umuwe na tayo"

--

AN: I'm not good in writing so don't expect my works to be perfect. Expect TYPOGRAPICAL and GRAMMATICAL error. Open for Criticism. VOTE AND COMMENTS!!

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 96 11
when the 'tough' girl meets the perfect match... the softest boy possible. ...
43.9K 692 16
DELULU & GUILT PLEASURE
455 181 13
Book Cover Credits to @Iamqueenwarrior 😊