The Protector

By grenadier0007

35.5K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 36 - Eye For An Eye

288 29 10
By grenadier0007


JESSICA

"You looked great, babe. I can't wait to get home and devour you again." Anton said while eyeing me up and down.

Agad akong tumalikod at umupo malayo sa kanya. We are both dressed elegantly but I don't feel comfortable. Anton is holding a glass of whiskey, mukhang may balak maglasing ang gago.

We are inside a private room, waiting to be called outside to face the crowd. Nasa event kami ni Anton kung saan ay gaganapin ang pinakamalaking rally ng mga kandidato sa kanilang partido. This is the penultimate time for them to win the voters before the election. Kumbaga, last chance for them to campaign.

I saw a glimpse of the crowd earlier, masyadong madaming tao. Siempre, kailangan madami dahil iko-cover ito ng iba't ibang networks bukod sa mga bloggers na nandito ngayon.

However, I knew for a fact that most of these so called media influencers are being paid to be here. Heck, even the people who will cheer and applaud every single person who will speak up later are all compensated. Mga hakot, yan ang tawag sa kanila. They come from different provinces, in batches, by bus and jeepneys. Bukod sa allowance nila ranging from 500-1,000 pesos, may free t-shirts, food and drinks pa sila.

They will vote for these candidates kahit hindi nila alam ang plataporma ng mga ito. Like Anton, he will definitely get their votes, isang kindat at kaway niya lang sa kanila, dagdagan pa ng konting kembot sa stage, sure win na agad. 

Ganito ang kalakaran ng politika sa Pilipinas. How sad.

"Hey, are you even listening?" nakangising tanong niya while clicking his fingers on my face to get my attention.

Aba, pagtingin ko sa kanya, nasa tabi ko na pala siya ng hindi ko namamalayan.

"Damn Anton, don't do that. Hindi nakaka pogi." sagot ko sabay irap at umusog palayo sa kanya.

Pinigilan naman niya ako at hinila pabalik sa upuan.

"Behave Jessica! Don't provoke me because I might not stop myself even we're in here." he whispered while licking my earlobe.

Tang ina nito, masyadong manyak na.

May dalawang bodyguards kaming kasama pero sa labas sila ng pinto nakabantay. So it's just me and Anton inside. Kailangan kong makisama sa trip niya para hindi ito gumawa ng kalokohan. 

"You must be the one who should behave. May speech ka pa mamaya baka nakakalimutan mo at saka hindi lang tayo ang nandito." sabi ko sabay tingin sa may pintuan.

"Oh the bodyguards! Wala silang pake sa atin babe. Takot lang nila sumilip dito." he replied while talking a sip of his drink.

How I wish na si Bea na lang ang bodyguard ko ngayon. Speaking of Bea pala, I tried calling her after talking to Kuya Boy but her phone is turned off. Madami siyang pinadalang messages sa akin after I sent my break up message to her. Tumatawag din daw siya pero naka off ang phone ko.

She was desperate to talk to me and fix things between us.

Kaya nagtataka ako bakit wala na siyang kasunod na messages sa akin. Nagsawa na yata siya and just accepted the fact na wala na kami.

The last few days was hell to me. Ang gulo gulo na. Nagbago lahat ng plano ko because of those photos, na up to now ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala kay Anton.

All of a sudden, I felt like I want to throw up. Dala na din siguro ito sa puyat at gutom. I haven't eaten anything since this morning kundi kape. Sinisikmura na tuloy ako.

Tumayo ako para kumuha ng tubig nang biglang may kumatok. Sumilip ang isang bodyguard.

"Governor, kayo na po ang next na tatawagin." sabi niya.

"You ready to go?" Anton asked me while fixing his clothes.

"I need to drink water first." I replied.

Napansin ata niya na pinagpapawisan ako.

"Are you okay?" tanong nito habang lumalapit sa akin.

"I'm fine." I answered as I waved him off and closed my eyes for a second.

He shrugged his shoulders and waited for me at the door. After drinking a glass of water naglakad na ako palapit sa pintuan pero para akong mabubuwal sa paglalakad.

"You're fine pero lalampa lampa ka kung maglakad. That's embarrassing, mamahalin pa naman yang damit mo, hindi nakaka ganda. Keep yourself together until we're out of the public eye." he sarcastically said.

I was about to retaliate but he already grabbed my wrist and forcibly pulled me out of the room. I tried to yank myself out of his grasp because it hurts.

"What? Don't embarrass me!" he quietly said because there are some people walking around us.

"You don't have to touch me." I replied. 

Ngumisi ito sa akın. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko, he clasp his hand to mine kahit na ayaw ko.

"Ang sweet pa rin, panyero." sabi ni Congressman Domingo na nakasalubong namin.

Tumango ito sa congressman. Oo nga naman, mas mukhang sweet kung magka holding hands kami.

Pinalampas niya muna si congressman bago galit na humarap sa akın.

"I'm your fucking husband. It's your job to be on my side whenever and wherever I want. Ilagay mo dyan sa maliit mong kukote na I own you. So now, smile and be a good wife." Anton whispered.

I can smell the alcohol in his breath.

"You know what, screw you!" I said as I stopped walking.

I don't know what came to me but I had enough. His face turned red instantly and pushed me to the side. Sumunod ang dalawang bodyguard sa likod ni Anton kaya naman hindi kami masyadong pansinin sa mga taong nasa likod ng stage.

"What did you just say?" tanong niya habang lumalabas na ang litid niya sa leeg sa sobrang pagtitimpi.

"Anton, I'm so sick of you treating me like this, like a trash! You're always looking down on me. All these years, I've heard nothing from you but insults and downgrading remarks. In case you forgot, I'm doing you a favor also in building your good image to the public. You won't be a governor without me! Kung alam lang nila kung gaano kasama ang ugali mo, kahit barangay kagawad ay hindi ka mananalo!" sabi ko.

His face turned red as he grabbed my neck and started choking me. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ako nakawala sa hawak niya. Nabigla din ang mga bodyguard niya sa ginawa.

"G-g-ob Anton, huwag po dito." sabi nung isa habang hinihila ang kamay niya na nakahawak sa leeg ko.

Hindi alam nung isa ang gagawin. I'm starting to have difficulties breathing and my tears starts forming.

"Gob Anton, ikaw na po ang tinatawag!" Blue shouted out of nowhere.

Anton surprisingly stared at him, Blue issued my husband a meaningful look. That's the only time he released me. Napasinghap ako agad. Hinawi ni Anton ang buhok niya at mabilis na inayos ang damit habang nakatingin sa akin.

Anton gave me a menacing look before heading to the stage.

"Ako na ang bahala kay Madam Jema." sabi ni Blue.

Kahit nag aalangan ay iniwan na kami at kay Anton sumunod ang dalawang bodyguard.

I heard the cheers of the crowd for my husband.

"Anton! Anton! Anton!"

"Ang pogi ni Gob!"

"Gob, anakan mo ako!"

Hindi ko na narinig pa ang iba dahil nakabalik na kami ni Blue sa loob ng private room.

"Bakit niyo po ginawa yun Madam Gob? Baka nakakalimutan ninyo na nasa publikong lugar po tayo. Madami pong mata ang mga kalaban ni Gob sa paligid." tanong niya.

Blue is used to me and Anton fighting but not once we did it in public kaya siguro nagtataka siya sa ikinilos ko ngayon.

Enough is enough.

"Anton is sick in the head! Even you can attest to that! Hindi ko na po kaya. Dapat pala inireport ko na siya sa police noon pa. Hindi na sana umabot sa ganito kung naging matapang lang ako." naiiyak na sagot ko.

He was surprised to hear what I said. Alam niya ang tinutukoy ko. Napapa iling na umupo ito.

"Wala na po tayong magagawa Madam. Kailangan niyo na pong kalimutan ang nakaraan at mabuhay na lang sa kasalukuyan." he said.

Tuluyan nang nalaglag ang luha ko na kanina pa gustong lumabas. Hinayaan naman niya akong umiyak.

After a while, binuksan ko ang aking bag para kumuha ng tissue at doon ko nakita na nagbi-blink ang cellphone ko.

I took it out instead of tissue. May mga missed calls ako from Ponggay, hindi ko lang narinig kasi naka silent ang phone ko. May pumasok din na message from her kaya agad ko itong binuksan.

"Madam Gob, sorry to disturb. I've been trying to call you earlier. Ask ko lang po if you happen to know the whereabouts of Bea?"

"No. I haven't seen her nor heard from her." I replied.

"Oh no. Looks like she's missing!"

Nataranta ako. Akma ko na siyang tatawagan pero nakatingin si Blue sa akin.

"I'll use the bathroom." mabilis na sabi ko.

Tinawagan ko si Ponggay pagkasara ko ng pinto. Sinagot naman niya ito agad.

"What happened to Bea? Panong nawawala siya?" nag aalalang tanong ko.

"Hello Madam. Bea's been missing the whole day. Her parents just received a call right now from someone asking for 10 million kapalit ni Bea. 10 million!! Tinawagan ako nila Tita to confirm kung totoo ito so I traced kung saan last na pumunta si Bea which was sa gym nga as her car was still in the parking lot. Nag request ako ng cctv from the gym. It shows that two men approached Bea when she's about to go to her car. I'm 100 percent sure it's them who took her. Hindi na kase nakuhanan ng cctv kung ano ang mga sumunod na nangyari. We called her phone but it is turned off already. Do you have an idea who would do this?" Ponggay quickly filled me in.

Shit.

Bea's been kidnapped. It must be Anton's men who took her. Siya lang naman ang galit kay Bea.

I have to do something. Tinanong ko si Ponggay kung nasaan siya ngayon. She's at Bea's house so I asked the address. Sinabi ko na mas magandang mag usap kami ng personal.

"I have to go somewhere." sabi ko kay Blue paglabas ng banyo.

"Saan po kayo pupunta Madam?" he asked.

"Sa friend ko. She badly needs help eh, emergency." I replied.

"Naku po Madam, hindi ko po kayo mapapayagan. Mayayari ako kay Gob kasi ang bilin niya, hintayin natin siya." sabi nito.

"Sasaglit lang naman ako. I can always come back here in time before the event finishes." I replied.

"Sino po bang friend yan?" tanong niya.

"Si Jia po. May problema kase sila ni Miguel, nagkatampuhan. As her friend, dapat ko po siyang puntahan." sagot ko.

Nag isip ito ng ilang segundo bago tumingin sa relo niya.

"Hindi po talaga maaari Madam, pasensya na po, sumusunod lang ako kay Gob. Hintayin na lang po natin siya, sigurado ako na papayag naman itong magkita kayo ni Ms. Jia." he said.

Shoot. I can't get away from Blue.

Think fast Jessica.

Nagpalakad lakad ako hanggang sa bumigay na ang tuhod ko. I found myself falling flat on my face.

"Madam Gob!" sigaw ni Blue sabay lapit sa akin.

Niyugyog niya ang balikat ko pero hindi na ako gumalaw. Natataranta siyang tumawag sa radyo.

"Punta muna ang isa sa inyo dito sa room asap." utos niya.

"10-4!" dinig kong sagot sa radyo.

Wala pang isang minuto ay may narinig na akong mga yabag sa loob ng kuarto.

"Sir Blue, ano po ang nangyari kay madam Gob?" tanong nung bodyguard na kadarating lang.

"Bigla na lang hinimatay." Blue answered him.

"Natuluyan na din pala si Madam." he said.

"Ha, bakit anong nangyari kanina dito?" tanong ni Blue.

"Hindi po maganda ang pakiramdam ni madam Gob parang nasusuka na siya kanina pa. Maputla na ito  bago pa sila lumabas ni Gobernador. Iuwi na po natin siya or dalhin sa hospital." sagot nito.

Parang nagdadalawang isip pa si Blue kung ano ang gagawin.

"Sige, ikaw na ang sumama sa kanya. Siguraduhin mong safe na makakauwi si madam kundi lagot ka sa akin. I'll stay here and take care of the governor." he finally said.

Bingo! Napangiti ako habang nakadapa pa rin.

Akma na nila akong bubuhatin nung gumalaw ako.

"Madam, okay lang po kayo?" Blue asked.

"I-I'm f-fine...... I just need to rest. Nahihilo ako. Just take me home." I instructed them while slowly getting up.

"Gusto nyo po bang tawagan ko muna si Gob Anton?" he asked.

"No! Anton is occupied and busy, he cannot afford to leave this event. This is his night, huwag na nating istorbohin. Besides, I just need a rest." kalmadong sagot ko.

"Yes Madam Gob. Kaya niyo po bang maglakad o bubuhatin na namin kayo?" tanong niya.

"I'm good." sabi ko habang palabas na ng pinto.

Paglabas namin ay nakaabang na ang sasakyan sa amin. Kuya Boy opened the door for me, naitawag na siguro sa kanya na uuwi na ako. Sa harapan umupo ang bodyguard.

Nagkatinginan kami sa rear view mirror ni Kuya Boy.

"Ihatid mo ako sa address na ito."

Yan ang text ko sa kanya kanina pa.

**********

BEA

"Hmmm, if only we're on the same side Bea, we could be best friends. I actually like you." sabi ni Ali.

"In your dreams. Ali, I'm warning you, let me go!" I shouted.

Tumawa lang ito.

"Now, let the game begins. Yes or no lang ang isasagot mo Bea." Ali said while her men prepare to blindfold me.

"Wait, wait. Why do you have to cover my eyes?" I asked habang lumalayo ng konti.

My hands are untied now but of course they don't know that. I have to wait for the perfect time before I will attack them.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Tumahimik ka!" she sneered.

"Ang tapang mo porke't nakatali ako at may dalawa kang lapdog." sabi ko.

Isang malakas na suntok sa batok ko ang dumapo. Akma na sana akong tatayo kaso may narinig akong kasa ng baril.

"Subukan mo lang." sabi nung lalake sa kanan ko.

Wala akong nagawa kundi umupo uli at manahimik. Agad nila akong piniringan.

"First question, mahal mo ba ang malanding asawa ni Gob. Anton?" Ali asked.

Hindi ako sumagot. Isang batok ang nakuha ko.

"Ouch, sakit nun ha." sabi ko.

Hindi nila alam, binibilang ko kung tig ilang suntok at batok na sila sa akın para dodoblehin ko ang kapalit nito mamaya.

"Answer me! Yes or no?" I heard Ali again.

I rolled my eyes kahit hindi naman nila ito nakikita. Siempre naman, mahal ko si Jema pero hindi ako sasali sa laro ni Ali.

"Ang OA ng tanong mo sis! Parang slumbook lang nung highschool. Baka itanong mo rin sa akin ang "what is love". natatawang sagot ko.

Ali was speechless. Inalis niya ang piring ko sa sobrang inis.

One of her men wanted to laugh but did not dare to. He reigned his laughter with much difficulty. Ali glared at him.

Yung isa naman ay napatalikod na lang at inubo kunwari.

"Anong nakakatawa?" tanong niya sa akin.

"You." I answered.

"Tignan natin kung makakatawa ka pa kapag narinig mo ito." sabi niya.

She took a small audio recorder from her pocket and played it.

"Hawak namin ang anak ninyo, si Isabel Beatriz De Leon aka BDL." a man said.

"That's not true! Isabel is with us right now." Dad's voice can be heard.

"Nasa amin ang anak ninyo. Katunayan, mahimbing ang tulog niya ngayon." that man again.

"Papa, who's that?" dinig ko ang boses ni Mom.

"Makinig kayong mabuti! Kailangan namin ng 10 million kapalıt ng anak ninyo. Huwag na huwag kayong magsusumbong sa pulis kung gusto nyo pa siyang makita!" banta ng lalake.

"Pero paano namin malalaman kung totoong nasa inyo si Isabel?" Dad asked.

"Maghintay ka! Tatawag uli ako." mabilis na pinutol ang tawag.

Napatiimbagang ako.

So they already called my parents. Lintek na Ali, pati magulang ko idadamay pa sa kalokohan.

"Well well well. It all comes down to money, after all. Pera lang pala ang gusto mo bakit hindi mo agad sinabi?" I sarcastically asked.

"Hindi ka mabubuhay kung wala kang pera! Dahil sayo, nawalan ako ng sustento from Anton. Naghirap ako because of you!" she retaliated.

"Akala ko pa naman dahil talagang brokenhearted ka kay governor. Tang ina, lumabas din ang tunay mong kulay." I said.

"Enough of drama. Pasalamat ka at buhay ka pa. After kong makuha ang pera, pagsasabayin ko kayong ibabaon sa lupa ni Jema!" she replied while laughing.

Pati mga tauhan niya ay nakitawa na rin. 

Doon na ako nagpasya.

In a blink of an eye, I was able to side sweep the man on my right. Nag connect ang sipa ko sa tagiliran niya at bumagsak agad ito sa lakas ng impact. Tumilapon ang hawak niyang baril. The other man was about to hit me but I was able to dodge.

"What happened, bakit siya nakawala? Pigilan niyo siya!" sigaw ni Ali na nakatayo lang sa side.

Umasta yung isa na parang boksingero. Agad ko siyang sinipa sa side din at kinalawit ang kamay sa ulo nito. I have him in a headlock. He cannot move. Nakita ko na palapit yung isa pa so I hit him hard in the balls and a quick thrust to his throat.

"Wahhhhh!" sigaw nito bago gumulong sa sahig.

Ali tried to bite and kick me too but she can only manage soft punches. She looks pathetic, to be honest.

Since I'm still holding the other man, hinayaan ko muna si Ali. I saw the gun on the corner, kailangan ko itong makuha.

"Arghhhh." impit na sabi nung hawak ko sa ulo.

Isang batok ang ibinigay ko dito.

"M-madam Ali, g-give up na po ba tayo?" he asked.

"Sa tingin mo ngayon pa tayo gi-give up? Mga inutil kasi kayo!!! Sige labanan nyo sya!" sigaw ni Ali.

The man reached for my hand pero hindi niya ito natibag sa higpit ng hawak ko sa kanya. Bigla na lang niyang kinagat ang braso ko.

Isang mabilis na twist ang ginawa ko sa leeg niya, enough to render him unconscious, bago binitawan. The other one is about to attack me again pero hindi ko na siya binigyan pa ng chance.

I delivered a strong combination of kick and punch, finishing him with a spinning back kick. Sumunod din siya sa kasama niya sa sahig. I picked up the gun and made sure to secure it behind my back.

Seeing her men down, Ali tried to escape.

"Not too fast!" I said.

I grabbed her by the hair and pushed her to the wall. My right hand is on her neck. She could not utter a word as she struggled to breathe.

"I'll only say this once so you better listen." I said.

She nodded reluctantly.

"Leave Jema alone!" I firmly declared.

======================================================================

It's payback time. Both Anton and Ali are running out of time.

Please vote, comment and share. Thank you 😊

Ps.

Yessss, panalo Creamline against PGA. Congrats sa POG, Jema Galanza with 23 big points 💪🏼👏🏻

Continue Reading

You'll Also Like

241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
37.4K 2.3K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
151K 2K 41
May mga bagay talagang akala mo imposible, yun pala pwede.