Sound of Silence (Good Hearts...

By mughriyah

31.1K 372 51

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. GHS #1 Alison built herself that's why she became successfu... More

Sound of Silence
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 4

986 12 2
By mughriyah

Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng isang taon ay maghihiwalay na kami. I'm happy to know that! Apat na taon na akong nagtitiis makisama sa taong hindi ko naman gusto. I mean, there's nothing wrong with Favro. Hindi naman masama ang ugali niya at hindi rin naman siya mabait. Wala lang kaming pakialam sa isa't-isa.

But of course I want to be with the person I love. I want to be happy.

Habang nasa eroplano ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari bago maganap ang civil wedding namin ni Favro.

I had everything—money, cars, fancy houses, and a good job. I even owned a company and that was because of my hard work. I wasn't born rich but because I didn't want to die poor, I worked hard for myself.

I was living but I wasn't happy because I was alone. I needed a family... but where could I find it?

Wala akong ibang hiniling pagkatapos kong maabot ang pangarap ko kundi magkaroon ng pamilya. I'm afraid to grow old alone.

But one day, I lost everything I had. My company was eaten by someone else... he was so smart.

He was Antonio Felimon Segovia... the chairman of SEGOVIA Co.

He ate my company and I didn't even notice that I was losing it. That's how smart he was.

And to get my company back, he gave me one condition and that was to marry his only child.

I promised myself I would do everything for the company I founded alone so I agreed to what he wanted. I married his son.

At nagising na lang ako isang araw na may asawa na ako... but we only wear our wedding ring when meeting his parents.

"Shit!" gulat kong sambit nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa hita ko.

"I'm sorry, miss!" sambit ng lalaki at mabilis na pinunasan ang hita ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"It's okay," mabilis kong sambit at pinunasan ang hita ko.

Pero mas nagulat ako nang nilagyan ni Favro nang sapin ang hita ko. He wasn't looking at me when he put it on my thigh because his eyes were closed.

Hindi na lang ako nagsalita. Siya kasi ang nasa window seat kaya ako ang natapunan ng tubig sa hita.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to? Bigla na lang talaga siya naging mabait sa akin.

I just wore my aviators and was about to close my eyes pero kinalabit niya ako sa balikat kaya tinanggal ko ang shades ko.

"What?" I mouthed.

"Let's change seats."

"Huh? 'Wag na ang hassle."

"I'm not comfortable here, Alison. Gusto kong makababa agad mamaya. You sit here," aniya at tinanggal ang seatbelt.

"Seriously, Favro? Umaandar na ang plane," inis kong sambit pero 'di na siya sumagot at dahil tatayo na siya ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt.

Nang makapagpalit kami ng upuan ay napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi na siya nagsalita at sinuot na lang ang shades niya.

Hindi na kami sa Greece pupunta dahil hindi siya pumayag. It was so far so we decided to go to Paris. Isa pa ay may business din doon ang pamilya niya para naman daw hindi siya unemployed kapag nasa ibang bansa na.

I couldn't sleep because of my insomnia. Buti na nga lang at nawala na ang lagnat ko kagabi.

Makalipas ang mahabang oras ay nakarating kami sa destinasyon. Wala naman kami masyadong dalang damit dahil dito na raw sa Paris bibili.

"Favro," I called him. Siguro ay dapat na kaming maging close dahil isang taon na lang naman ang pagsasamahan namin.

"Bakit?" He looked at me.

"I'm going to the restroom. Can you hold my luggage?" pakiusap ko.

Hindi siya nagsalita at tumango lang. Hinila niya ang luggage ko kaya naglakad na ako patungo sa restroom.

I wanted to call Tata that I've arrived here in Paris but my sim card doesn't work here yet but we were able to talk last night.

Paglabas ko sa restroom ay binalikan ko na si Favro. I was going to get my luggage but he suddenly walked without giving it back to me.

Nakita niya naman na bumalik na ako pero bakit hindi niya pa binigay sa akin ang luggage ko?

"Favro, my lugg—"

Kinausap na niya ang immigration sa Paris airport kaya hindi ko natapos ang sasabihin. In-interview kami saglit at nang natapos ay i-oopen ko sana ulit ang tungkol sa luggage ko pero nagsalita ulit siya.

"The car is waiting outside." He looked at me.

"Oh? Buti naman," sambit ko na lang.

Tinalikuran na niya ako at hila-hila pa rin ang luggage naming dalawa. Paglabas ng airport ay nandoon na agad ang kotseng naghihintay sa amin.

Ipinasok na niya sa compartment ng kotse ang luggage namin kaya pumasok na rin ako. I was just keeping my mouth shut.

Nasa tabi ko na siya pero malaki ang space namin. We were both silent. Pagkatapos siyang batiin ng driver ay hindi na ulit siya nagsalita.

"Favro," I called him.

"What?"

"Saan tayo mag-aampon ng bata? Dito ba?" curious kong tanong.

"Yes, Alison."

"Kailan?"

"Kailan mo ba gusto?" Tumingin siya sa akin.

"Hmm..." Nag-isip ako. "Bago tayo bumalik sa Pinas. Teka," I paused and seriously looked at him. "Sino pala mag-aalaga sa bata? Maghihiwalay na tayo 'di ba?"

"I'll take care of him," he said. Inalis na niya ang tingin sa akin.

Him? So lalaki talaga ang tagapagmana niya.

"Sigurado ka bang stranger ang mamamahala sa kumpanya niyo?"

"Yeah," he just said.

Hindi na lang ako umimik. Bahala siya, kumpanya naman nila 'yan kaya hindi ko na iisipin kung sino ang mamamahala. I'll just focus on my own company.

"Change your clothes and come here after. I'll cook you breakfast."

"Huh?"

"Aren't you hungry?" tanong niya.

"Gutom. Pero ikaw magluluto? Lulutuan mo ako?" paglilinaw ko.

"Bakit? Marunong ka ba?" Sinasagot niya ako ng tanong din.

"Hindi." I mean marunong naman ako pero prito-prito lang.

"Then come down after you change your clothes." Tinalikuran na niya ako at dumiretso sa kusina.

Hindi ba siya pagod? Wala ba siyang jetlag?

4pm na sa Pinas at 10am naman dito sa Paris kaya breakfast na. Dumiretso ako sa kwarto. I actually don't know where my room is so I'll just pick one. Tatlo ang kwarto sa taas at dalawa naman sa baba. Ayoko sa baba dahil alam kong sa baba ang kwarto niya. Mas gusto niya sa baba.

Wait. When did I ever know that?

Malamang, Ali, sa baba ang kwarto niya sa Pinas.

I shook my head and removed my clothes. I just wore an oversized t-shirt and cycling. Itinali ko nang pa-ponytail ang buhok ko at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay bumaba ako.

I saw Favro cooking. He was now wearing a plain white t-shirt and black shorts. Mayroon rin siyang suot na apron at nakatalikod sa akin.

Hindi ako nagsalita at tahimik na umupo. Mukhang hindi niya naman ako napansin.

"I made a juice. You can drink that."

Nagulat ako dahil alam na niyang nakababa na ako e ang tahimik ko lang pati ang mga yapak ko.

"How did you know I was here?"

"I smelled you," he said without looking at me.

"Huh? I didn't wear perfume," sabi ko at inamoy ang sarili.

"Not your perfume, Alison. I smell your normal smell," casual na sagot nito.

I don't know but I felt something in me that I can't explain. Alam niya ang normal kong amoy kahit wala akong pabango? How did he know it? Bihira lang naman kaming magkasama. I mean yes, we live under the same roof but that's not enough for him to know my smell even without perfume.

Hindi na ako sumagot dahil may nararamdaman talaga akong hindi ko maintindihan.

Kinuha ko ang juice na sinasabi niya at tinikman 'yon.

Wow. It was pure apple. It's my favorite fruit.

"Masarap ah," sabi ko habang nilalasap ang sarap ng juice.

Nang natapos magluto si Favro ay tinanggal niya ang apron. Nakalagay sa plate ang ulam at pakiramdam ko ay nasa restaurant ako. This was the first time he cooked for me. May maid kasi sa Pinas kaya hindi siya nagluluto para sa akin pero ngayon ay kaming dalawa lang.

"What is this?" I asked.

"Nicoise salad," he said and sat down in front of me.

"How about this one?" Tinuro ko ang may kalahating strawberry sa ibabaw.

"Crème brûlée." Wow. May accent ha.

May apple naman na ni-sclice at mukhang niluto sa oven. "What is this?" tanong ko.

"That's Apple Tart," he said.

Tumango ako. "Can I eat now?"

Tumango siya at kinuha ang table knife and fork. "Bon appétit," he said and started to eat.

So, there are Nicoise salad, crème brûlée, apple tart and white wine. Mukhang masarap ang luto niya kaya inumpisahan ko nang kumain and I wasn't wrong. He could be a chef!

Pagtapos kumain ay tinawag niya ako sa sala. Maghuhugas pa nga sana ako ng plato pero sabi niya ay huwag na raw.

"Ano 'yon?" tanong ko nang makalapit.

"I'll work here and you'll be alone here. Do you want me to hire a maid?" He crossed his arm. Nakatingala ako sa kaniya dahil hanggang bicep niya lang ako.

Ipinagkrus ko rin ang mga braso ko. "What am I gonna do here? Ayokong ma-bore rito, Favro," I said while looking straight into his eyes.

"Magtatrabaho ka rin?"

"Yeah. I want to make a living, too. Saan ako kukuha ng source of income?"

"I can work for us, Alison," casual na sambit niya pero nagulat ako. Parang mag-asawa na talaga kami!

Ito na naman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"H-huh? A-anong for us." Natanggal ang pagkaka-krus ng mga braso ko.

"My family runs a business here. You don't have to work to make a living. I can do that." Umupo siya sa sofa at sinundan ko siya ng tingin.

"Isa pa, iisipin ng mga tao sa Pinas na buntis ka. Siguro sa ngayon ay pwede ka pang lumabas pero habang nagbubuntis ka, you'll stay here." Kinuha niya ang diyaryo na nakalapag sa lamesa at binuklat 'yon.

I looked at his forearm and his veins were exposed. Napalunok ako.

"P-pero hindi naman ako totoong buntis kaya pwede akong magtrabaho." I bit my lower lip.

"Yeah because we're faking it and you shoud act like a real pregnant woman." He didn't look at me.

Napanguso ako. Ayoko kasing hindi ako magtrabaho. Nasanay ako na nagtatrabaho para sa sarili ko.

"I want to work, Favro," I said.

"Don't worry, Alison. You'll never be poor. One year and we're done. After that, you can focus on your own company." Why does he know that I worry about being poor if I don't work?

Am I that workaholic and afraid of being poor again?

Naiinis ako. Padabog akong umakyat sa kwarto at sinarado ang pinto. Pabagsak kong hinagis ang sarili ko sa kama at tumingin sa kisame.

"Kaunting tiis pa, Ali. Isang taon na lang at makakalaya ka na sa lalaking 'yon..." usal ko.

Hinihingal akong bumangon dahil sa bangungot. Nakatulog ako. Pagtingin ko sa orasan ay 5pm na. Naligo ako at pagkatapos ay nagsuot lang ng green long sleeve jacket and white jogging pants. I dried my hair before going down and when I went down I didn't saw Favro.

Siguro ay nakatulog din siya dahil sa pagod. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang bahay. This was smaller than the house in the Philippines. Tama lang talaga para sa aming dalawa.

The silence was deafening and it broke when I heard someone's footsteps.

Hindi ako lumingon dahil alam ko naman na si Favro iyon. Malamang ay nagising na siya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang binuksan niya ang refrigerator. Nasa gilid lang ako ng ref kaya sobrang lapit naming dalawa. Mabilis ko siyang hinarap at mas lalo akong nagulat nang makita ko siyang pawisan. He was just wearing a white fitted t-shirt and shorts. For Pete's sake he was sweating!

Napalunok ako dahil ang 1 inch na lang siguro ang lapit namin at nasa harap ako nang matigas niyang dibdib.

He didn't say anything even though we were super close. Kaswal niyang binuksan ang bottled water at ininom 'yon kaya napatingala ako sa kaniya.

Napalunok ako nang gumalaw ang adam's apple niya dahil sa pag-inom at nakikita kong tumutulo ang pawis niya. Pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko. Why is he like this? He's fucking sweating but why is he still smell good?

Pagtapos niyang uminom ay tumingin siya sa akin. "What?"

"Y-you're so close," mabilis kong sabi at umiwas sa kaniya. Mabilis akong lumayo.

Hindi ko na siya nilingon. Saan ba siya galing? Nag gym ba siya? Bakit ang bango niya pa rin?! Paano 'yon?

Ang dami kong tanong sa isip ko habang naglalakad nang mabilis. Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam sa kaniya?

I shook my head.

Hindi ko napansin na nakalabas na pala ako and I was just wearing slippers! 'Yung pambahay na tsinelas pa!

"Really, Alison? Talaga ba?" Sarkastiko akong natawa.

Naghanap na lang ako ng convenience store at pumasok doon. Bumili ako ng ice cream at pagkatapos ay naglakad-lakad.

Habang naglalakad ay may biglang lumapit sa akin na lalaki.

"Excusez-moi? Puis-je vous parler un instant?"

Ano raw?

"I don't speak French I'm sorry." Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Can I talk to you for a moment? I'm a photographer. Are you a model?" He smiled at me.

"I'm a businesswoman."

"Wow. That's a nice job. What business do you run?"

"I own a company and a department store," I said.

"Wow! What's your name?"

"I'm Alison, a Filipina." Matutunaw na 'yung ice cream ko!

"You're tall, rich and gorgeous. You could be a model!" he enthusiastically said.

"I'm not interested in modeling." I smiled. Baka sabihin pa nonchalant ako.

"Alright. If you have a change of heart, you can call me." May binigay siyang calling card sa akin. Tumango lang ako.

"Thanks, Alison! Have a nice day ahead!"

Tiningnan ko ang calling card at itinago 'yon sa bulsa ko. Nakarinig pa ako ng you could be a model sa lagay kong ito ha? Naka pambahay na tsinelas.

Pagdating ko sa bahay ay nasa harap ng malaking salamin si Favro. He was wearing a black fitted t-shirt, black trousers and black formal leather shoes. May belt pa siyang suot. Bakat na bakat ang malaki niyang katawan dahil sa fitted niyang t-shirt. Habang nakaharap sa salamin ay isinusuot niya ang kaniyang wrist watch at pagkatapos ay kumuha ng suklay para suklayan ang buhok. Damn. He's so clean.

Wait, what? Pinupuri ko ba siya? Kailan ko pa pinansin ang mga galaw niya? Get back to your senses, Alison!

"Are you going somewhere?" That was so sudden. I didn't expect I'd ask him that.

I mean, ako lang ang maiiwang mag-isa rito sa bahay at nasa ibang bansa kami. Hindi ako pamilyar sa lugar. Dapat alam ko kung saan siya pupunta.

"I'm going to meet someone," he said without looking at me, still brushing his hair.

Tumango ako. "Uhm... anong oras ka uuwi? Aabutin ng dinner?" I mean, I asked that because I didn't know how to cook. Prito lang ang alam ko at nasa ibang bansa kami kaya hindi ko alam kung paano ako makakapagluto rito.

Tumigil siya sa pagsuklay ng buhok at humarap sa akin. "I'll make it quick."

"H-ha? Bakit?"

"You don't know how to cook so I'll be home before dinner."

Ano ba! Bakit ba nagiging mabait na naman siya sa akin? Is there a reason kaya siya nagiging mabait?

"I can eat at the restaurant. Just take your time," sambit ko at umakyat na sa taas.

Pagpasok sa kwarto ay mabilis kong pinaypayan ang sarili ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at ang init nito.

"What is this feeling?" Mabilis akong umupo sa kama. "He could wear something else! Bakit iyon pa?" He's so hot with that fitted t-shirt.

Pinilig ko ang ulo. OA, Alison! Stop your nonsense.

Wala akong ginawa kundi humiga sa kama at mag cellphone. Naligo ako ulit dahil balak kong umalis na. It's 7:30 pm. Sa restaurant na lang ako kakain.

Pagtapos kong maligo ay nagbihis ako. I wore something comfortable. Pinatuyo ko ang buhok at lumabas ng kwarto pero pagbaba ko ay napakunot ang noo ko dahil sa lalaking nakatalikod at nagluluto.

He really made it... quick.

And now he's here... cooking dinner for us.

Continue Reading

You'll Also Like

53.2M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...