"What do you mean by that?" Curious na tanong ni Ginang Aria sa tonong silang dalawa lang ng kaibigang si Ginang Elena ang nakakarinig.
Sa totoo lang ay wala namang pakialam ang ginang sa iba. Ni hindi nga rin siya interesado. Pero dahil nakikita niya dito ang daughter-in-law niya, mas gusto itong makilala ng ginang.
"You know, typical story from a very rich family. Their family, the Allejo's are one of the big families here in the capital. There's Zobel, dela Merced, de Ayala, and the Allejo. Maraming apo ang matandang Allejo na nagtayo at nagtaguyod sa buong Allejo all his life. At ang nababalitang tagapagmana niya ay ang apo na pumasok sa showbiz, si Samuella. Kaya binu-bully siya ng mga pinsan niya. Madalas, hindi na lang niya pinapatulan. Ngayon ko lang siya nakitang pumatol ng ganyan," mahinang pahayag ni Ginang Elena.
Napalunok si Ginang Aria.
Biglang tinambol ng kaba ang dibdib niya.
Muli siyang napatitig kay Samuella. Kagaya kanina, hirap na hirap ito sa pagpitas ng talong. Unlike her Samantha, this person is a little fragile though she had a sharp tounge.
Her Samantha is a strong, dependable, beautiful, smart, outspoken, and gentle person.
Huminga ng malalim si Ginang Aria. She missed home.
But she have to work hard. Paano na lang kung itakwil silang lahat ni Samantha dahil walang matinong trabaho ang panganay niya? Tatlo pa ang nag-aaral nila. Mas mahal na ang gastusan oras na tumuntong sa kolehiyo ang triplets. Hindi pwedeng wala man lang maitabi na sariling ipon si Arem at Sam. Dahil paano na lang kapag bumuo din ang dalawa ng sarili nilang pamilya?
Muling huminga ng malalim si Ginang Aria. Naisipan niya rin na bumalik sa showbiz para mas magkaroon sana ng oras para sa isa't-isa si Arem at Samantha. Dahil palagi namang nasa school ang triplets, ang tanging maiiwanan sa bahay ay ang mag-asawa. Imposible namang walang mabuo sa pagitan nila sa ganoong sitwasyon, hindi ba?
Napailing si Ginang Aria at disappointed na napabuga sa hangin. Kaya nga lang ang anak niyang manhid, talagang pinatunayan lang na isa itong bloke ng yelo. Mantakin ba naman niyang lumabas ito ng bansa at mananatili ito doon ng halos kalahating buwan?!
Tinamaan ng magaling.
Tsk.
Mrs. Aria couldn't help but ponder where her son Arem had picked up his somewhat reserved and indirect behavior from. He was not like that during his Elementary and High School days. She couldn't help but feel a little sad.
She remembered how open and direct his father had been when they were younger. When his father was still alive, he used to go out of his way to surprise and impress her, whether it was bringing her flowers for no reason or planning elaborate dates. The contrast between Arem's current behavior and his father's made her wonder if there was a chance that he would change in this lifetime.
Because it would be a waste. He's handsome and his wife is truly beautiful but, tsk, just looking at how cold their relationship is, she cannot help feeling a little afraid. She doesn't want that divorce to happen.
"Aria, kanina ka pa hinga nang hinga ng malalim diyan. May problema ka ba?" Nakakunot-noong tanong ni Ginang Elena.
Napatigil sa pagmumuni-muni si Ginang Aria nang marinig ang sinabi ni Ginang Elena.
"I just miss my children. Lalo na ang manugang ko. She really looked like Samuella," seryosong sabi ni Ginang Aria.
"Oh? Then you have a pretty daughter-in-law" nakangiting saad ni Ginang Elena.
"Not just pretty. But she's also very kind and cool," proud na saad ni Ginang Aria.
"Huh! Bakit parang nagyayabang ka ha?" Natatawang anas ni Ginang Elena.
Napangiti na rin si Ginang Aria. Mas binilisan pa niya ang pagpitas ng talong dahil sa palagay niya ay hindi sila makakahabol sa iba kung magti-tsismisan lang silang dalawa. Lalo na, mukhang prinsesa itong isa pa nilang kasama.
Habang nasa isang tabi at walang kabuhay-buhay na namimitas ng talong at hindi na naman mapigilan ni Samantha ang pagkabog ng dibdib niya.
Minsan, parang gusto niyang pagsisihan na may ganito siyang uri ng abilidad. Na kaya niyang marinig ang pag-uusap ng mga tao kahit na nagbubulungan pa ang mga ito.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang marinig, pero hindi niya naman pinagtatangkaan na hasain pa ang abilidad niyang iyon.
Mas gusto niya nga iyong hindi niya naririnig ang pang-o-okray ng iba. O kaya naman, makarinig siya ng hindi sinasadya nang awkward na tsismis. Sa totoo lang talaga, mas gusto niya sanang maging normal na lang ang pandinig niya.
Malungkot na napabuga sa hangin si Samantha. Mas matatanggap niya pa sana kung patungkol sa pagkakaroon ng maraming pera ang naging abilidad niya eh. Mas marami pa sana siyang nagawa at natulungan.
Tiningnan niya ang basket ng kanyang mother-in-law. Halos mapupuno na nito iyon, ganoon din ang basket ni Ginang Elena. Pero ang sa kanya, sampu pa lang yata ang laman.
Huminga ng malalim si Samantha.
She really really wanted to finish this challenge as soon as possible. But how?! She's supposed to be a princess!
Gusto na lang maiyak ni Samantha.
Dahil wala sa pamimitas ang atensyon niya, hindi sinasadyang nahawakan niya ang maliit na tinik ng talong.
"Ouch!"
Good dang it!
Kaagad na nagluha ang mga mata ni Samantha. Dahil sa gulat at sakit, hindi niya mapigilan ang mapahiyaw ng malakas.
Kaagad siyang nilapitan nina Ginang Aria at Ginang Elena.
"A-anong nangyari?!" Nag-aalalang tanong ni Ginang Aria.
Kitang-kita ang takot sa mga mata nito. Right at that moment, alam na alam ni Samantha na siya mismo ang nakikita ng kanyang mother-in-law at hindi ang twin sister niya na si Samuella.
Dahil sa kaba ay napaiyak na lang lalo si Samantha. She has to act! She has to make her mother-in-law think that she's not her Samantha.
"T-this p-plant," Samantha's trembling hands pointed at the eggplant stem. "It pricked me. Look my finger is bleeding so much!" Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Samantha.
Hindi niya alam kung ganito ba ka-weak ang katauhan ng kakambal niya pero sa pagkakataong 'yun, kailangan niyang maipakita sa mother-in-law niya na hindi siya si Samantha. Si Samantha na ni hindi nga umiyak nang malapnos ang balat dahil napaso sa pagluluto gamit ang gatungang lutuan.
"Am I gonna die? I-i'm still young. My grandfather's at the hospital. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag ako ang nauna sa aming dalawa?" Sinundan niya ng hagulgol ang sinabi niya.
Wala na siyang pakialam kung magkagulo man sa set. Basta ang gusto niya lang, hindi siya paghinalaan ng mother-in-law niya dahil oras na malaman nitong siya ang pinakamamahal nitong daughter-in-law, siguradong bubuntot ito nang bubuntot sa kanya.
Kaliwa-kanan ang nagtatangka sa buhay ni Samuella. Hindi siya makakapayag na madamay sa gulo ang mga in-laws niya.
No way! Over her dead body.
"Ah, excuse me! Excuse me!"
Kaagad namang tumabi si Ginang Aria at Ginang Elena noong dumating si Ren. Alam nilang assistant ito ni Samuella.
Maging sila man ay natataranta dahil sa pag-iyak na ginagawa ni Samuella.
"R-ren! Am I dying?"
Ren's mouth twitched.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa double na ito ni Samuella, pero isa lang ang natitiyak niya, ang layo ng ikinikilos nito sa behavior ng dino-double nito. Samuella is not that delicate.
Kaya naman bago pa mauwi sa eskandalo ang lahat, kaagad niyang itinayo si Samantha at humiram kay Direk Tasha ng isang tent para linisin at gamutin ang sugat ni Samantha.
"You don't have to go that far you know," nang sila na lang ay wika ni Ren habang maingat na nililinisan ang kamay ni Samantha. "Or, are you that after of blood?" Worried na tanong nito.
Paano na lang kung takot nga ito sa dugo?
Never natakot sa dugo si Samuella. At never itong umarte ng ganoon.
"I'm not afraid of blood," kalmadong sagot ni Samantha.
Maang na napatitig naman si Ren kay Samantha. Halos hindi ito makapaniwala sa bilis ng transition ng behavior ni Samantha.
"If your not that afraid, why act like that? You're so over the top," naiiling na saad ni Ren.
Pero hindi niya magawang sermunan ng wagas ang babaeng nililinisan niya ng sugat sa takot na baka bigla na lang itong mag-walk out.
"But I have to do that," Samantha pursed her lips.
Kung alam lang niya na kasama sa variety show na ito ang mother-in-law niya, eh di sana nakipagsapakan na lang siya sa mga assassins na binayaran ng mga Allejo para wakasan ang buhay ni Samuella noong gabi na tumakas siya.
"Why? Is ther—,"
"Mrs. Aria is my mother-in-law. I'm her favorite daughter-in-law. I have to act differently from my true personality para di siya maghinala. Ayaw kong bumuntot siya nang bumuntot sa akin. Who knows kung kailan darating dito ang mga assassin ng binayaran ng mga Allejo," mataray na kontra ni Samantha kay Ren na kaagad namang natahimik.
Kitang-kita masyado sa mukha nitong hindi nito inaasahan ang tsikang iyon.
Well, siya rin naman eh.
Hindi rin siya prepared okay.
"I have to prevent her from going near me," seryosong sabi ni Samantha."Prevention is better that cure nga hindi ba? Mas mabuti nang maagapan ko na ang lahat habang maaga pa. My mother-in-law is a bit clingy," seryosong dagdag ni Samantha.
Napailing na lang si Ren.
Speechless siya, sa totoo lang.