Sounds Of The Night (TWTH Ser...

By AindyWindy

919 348 52

π’π”πŒπŒπ€π‘π˜ : Everyone knows Luis, except Jenica. Jenica Acab comes back to Philippines to meet her unrequ... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
special thanks!!
CHARACTERS

CHAPTER 44

8 4 0
By AindyWindy

[Chapter 44]









“Let's go back.” was Lucas' gentle murmur to me.

Nakahawak ang palad niya sa likod ko sa paghatid sa akin sa loob.

“Luis!! Come back here! It's not going to be a good weather tonight!” Narinig naming sumisigaw sa galit si Magnus habang naglalakad kami sa loob.

“What's going on here?” Kuryosong tanong ni Lucas kay Magnus.

Nangongorblemang umiling si Magnus at nagdabog sa pag-upo sa upuan sa kusina. “Fucking stubborn. . .” Bulong niya habang nakahawak sa noo.

“Okay- tell me what the fuck is going on here.” Nabigla ako nang magseryoso na ang boses ni Lucas. He's seriously upset and nobody's speaking about it.

Kita ko ang mukha ni Danica na nag-aalala para kay Luis. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit kay Magnus para tanungin siya, “Magnus? Pwede bang sabihin mo sa amin?”

“Luis stormed off. He was pissed and I tried asking him that but instead--he told me to stay out of it.” huminga siya ng malalim. Halatang nagtitimpi lang siya hanggang sa hampasin niya ang lamesa.

Hindi magiging maganda ang klima ngayong gabi kaya't mapanganib na umalis pa si Luis. Sigurado akong may kinalaman ito sa dinatnan niya.

Pero dapat ay wala na siyang pakialaman pa roon, dahil kami na ni Lucas.

Nang sumunod na araw na iyon, nabalitaan naming nag-stay sa hotel si Luis kaya nang sumapit ang umaga ay pinuntahan siya ni Magnus at Wesley. Sasama din dapat si Lucas pero pinatigil siya ni Danica at sinabihang manatili na lang sa bahay.

Nang sabihan siya noon ni Danica ay tila namutla sa panghihinayang ang mukha niya. Kaya naman nilapitan ko siya at hinimas ang kaniyang likod para pakalmahin.

Nagbaling siya sa akin ng tingin na mat mataimtim na ngiti.

“What should we do?” Pagkabalisa niya.

“Uhh- I don't know. What if mamasyal tayo sa labas? Tutal ilang araw na lang ang mayroon tayo; sulitin na natin.” I requested him. He quite liked the idea too.

Masigla siyang tumayo, “Tama! How come I didn't think of that?! Well. . Magpunta tayo sa sea fort ng Helsinki.” Hindi ko alam kung ano ang lugar na tinutukoy niya pero mukhang maganda ang iniisip niyang lugar. Kaya hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagpalit ng damit.

Nakarating kami sa Helsinki sea fort gamit ang sasakyan ni Lucas. Napakaganda roon at maaliwalas ang paligid! Ngayon ko nakita ang nagtataasang mga gusali na may iba’t-ibang matitingkad na kulay.

Sobrang ganda dito, para akong naglalakbay sa nakaraan! Tumakbo ako papalapit sa fence at tinignan ang karagatan. May dumapong ibon din sa balikat ko noon. I couldn't stop myself from admiring every single detail that's happening in my life right now, everything seemed to be a lucky shot in my recent occurrences.

“Ganda ‘no?” Tanong ni Lucas na naglalakad na nakapamulsa sa bulsa.

Mabilis akong tumango at bumaling ng tingin sa naglalakihang barko na nasa daungan.

“I own a boat.” Bigla niyang sabi.

“Ikaw?” tanong ko at nagpaling ng ulo.

Tumango siya at nangisi, “I haven't really told you much about my life. At least the recent ones.”

“Hindi ko naman ikaw pine-pressure magkwento.”

“Still. Gusto ko lang na malaman mo.”

“O sige. Ano ba iyon?”

Natigil siya. Lumunok muna siya bago siya magsimulang magsalita. Humarap siya sa karagatan at pinahinga ang mga kamay sa fence, “I own a boat. . . I bought not just one, but three.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na magiging ganiyan siya kayaman sa saglit na panahon. “You see, ever since magretire ang papa namin ni Luis, ako na ang pinili na i-take over ang kumpanya na dapat ay si Luis ang aako. He wanted to become an actor more and he got what he wanted. At first I thought the job would be toxic, but I seem to like it the more I spend time dealing with it. And in three full years, I was able to hit success in the sales. It urged me to do more about my job, and now I can't count how many success I've contributed in the family business.” Lubos akong natulala at napanganga sa nalaman ko. To know na naging CEO na lang bigla si Lucas, hindi ko ine-expect na aabot kami sa ganiyang punto.

Nagkekwento siya na nag-e-enjoy siya sa trabaho niya; sana lang ay totoo ang sinasabi niya. Masaya akong malaman na tinanggap niya ang pagkakataon at ngayon ay mas malaki na ang kinikita niya sa akin.

I was going to be like that too. . . Kinapos lang ng oras.

“Bilib ako sayo. . . . At proud.” Was my short response to him. I. Was rather surprised that's why I'm speechless.

Ngumiti siya at bumuntong-hininga. Unti-unting nakita ng kamay niya ang daan patungo sa aking kamay. Hinaplos niya ito at hinalikan. Pagkatapos noon ay umuwi na kami.

Pag-uwi namin ay nadatnan pa namin si Luis na kinakausap nina Magnus at Danica was veranda. Si Wesley naman ay nasa kusina at mukhang may seryosong usapin kasama si Lyra na nakapamaywang habang nakikinig kay Wesley magsalita.

Gumala ang aking tingin sa buong paligid. Ni magpokus sa isang gawi ay imposible na sa dinami ng ganap na nangyayari sa iisang lugar.

Bigla na lang hinawakan ni Lucas ang aking balikat kung saan gulat akong napalingon sa kaniya.

“You should go to sleep.” Nang sabihin niya iyon ay nakita ko si Wesley na iniintay si Lucas na ma-solo para kausapin. Marahan akong tumango at naglakad papuntang kwarto namin.

Para akong wala sa sariling nagbukas ng pinto. Tila hindi pa ako handa na pumasok at tapusin ang araw. Sa totoo lang ay nagagahol ako sa kakaisip kay Luis. Pero sa tuwing naiisip ko siya ay pinipigilan ako ng utak ko na intindihin siya.

Sa muling pagkakataon ay nangyari iyon kaya dumeretso na ako sa loob at nahiga sa aking kama. Maya-maya ay kusang nagpikit ang aking mata at kinalaunan ay nakatulog rin.

Isang linggo ang lumipas simula nang maging kami ni Lucas at nang makauwi kaming lahat sa bansa. Masaya ako sa pag-uwi ko dahil sa wakas ay natikman ko ulit ang hanging pinoy, pero parang pinagsisihan ko din iyon.

Pagbangon ko sa kama ay dumeretso ako sa kusina. Nakita ko si Luis na gumagawa ng kape kaya nagpasabay na ako, “Good morning! Sabay mo na ako ng kape!” Nangingiti ko pang pakiusap. Nag-intay ako sa pag-asang gagawan niya nga ako pero laking gulat ko nang hindi man lang siya naglabas ng pangalawang baso o kaya ay naglagay ng mainit na tubig sa panibagong baso.

“Hoy! Nasaan na ang kape ko? ‘Di ba sabi ko papasabay ako?” Reklamo ko sa kaniya.

“Gumawa ka ng sarili mo.” Okay. . . Hindi ko alam kung wala ba siya sa mood o prangkang sinusungitan niya lang ako.

I'm so confused about it. Na hindi nawala sa isip ko ang pangyayari sa buong araw na nasa trabaho ako.

Pero nawawala talaga ang pag-aalala ko sa tuwing magcha-chat sa akin si Lucas. Napapawi ang lahat ng pagod ko isang message niya lang.

Simula talaga nang maging kami, lagi niya na akong chine-check, kinakamusta, at ina-update kahit sa chat lang. Minsan nga hindi siya makatiis at gusto akong i-video call. Nakakahiya pa dahil pati si Wesley ay inuutusan niya para paalahanan akong ‘wag kaligtaan kumain. Sobrang nakakahiya iyan! Kaya ang dali lang para kay Wesley na asarin na ako ngayon.

“Don't forget to eat, sweetie.” Biglang sabi sa akin ni Wesley. Nakangisi pa siyang nakaloloko.

Narinig iyon ng lahat pati na rin ni Gabrielle na grabe na lang ang sama sa tingin sa akin. Ang iba naman ay nagbubulungan at si Miyah naman ay nawindang sa sinabi ni Wesley na ultimo ‘di makapaniwala.

“. . .Lucas said.” Lumawak ang ngiti niya bago tuluyang umalis. Tila guminhawa ang naging reaksyon ng lahat nang dugtungan ni Wesley ang naunang sinabi. Si Miyah naman ay nadismaya at bumalik sa trabaho na parang walang interes na malaman ang tungkol sa amin ni Lucas. Si Gabrielle din ay nakahinga ng maayos at bumalik sa ginagawa.

Ang mga taong ito talaga!

Wala pa rin si Luis, hindi pa rin nakakauwi noong makauwi ako. Nag-aalala ako dahil nagpasadya akong late para madatnan si Luis pero hindi pa din siya nakauwi. Dumeretso na lang ako sa kwarto at nagpalit sa pangtulog.

Somehow, I had this feeling of wanting to have a little chat with Luis. I wanted to wait constantly looking for a hope I never sought to find before. It was confusing how I felt that night.

Inintay ko siya. Nagpaka-busy ako, nagpa-late ako sa condo at gumawa ng reporting sa laptop ko para libangin ang sarili at hindi masayang ang oras sa pag-iintay, pero sadyang wala siya. Hindi na siguro siya makakauwi. Pasado alas dos na din, ano pa bang iniintay ko?

Bumuntong-hininga ako sa dismaya. Tipong lahat ng bagay na gawin ko ay masyadong mabagal na tila wala na akong gana sa lahat. Pinatay ko na ang laptop at binitbit ito papunta sa kwarto para matulog na. . . Nang bumukas ang pinto, malakas din ang paghampas nito pasara. Lumingon ako at tumambad sa paningin ko ang malamig na tingin sa kawalan ni Luis.

Inalis niya ang sapatos niya at nang malamang gising pa din ako ay tila natigil siya at nag-iwas ng tingin.

“L-late ka.” Nahihiya kong sabi. Masyado kasing tahimik kaya ayokong ipahalata sa kaniyang nag-intay ako.

Pero humuni lang siya at bahagyang tumango. Umiiwas ba siya? Kaninang umaga pa siya ganiyan.

Hindi na rin niya ako kinakausap at laging tahimik kapag kalapit ko.

“Uhh- gutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita?” Nag-abala pa ako na alukin siya noon.

Pero mabilis din naman siyang tumanggi “No.” Malamig ang pagkakasambit niya. Hindi ganiyan ang tonong mag-uudyok pa sa aking kulitin siya para sumang-ayon sa alok ko. Mukhang seryosong ayaw niya talaga kaya hindi na ako mamimilit pa.

Napatingala ako ng tingin at mataimtim na bumuntong-hininga. Tatapatin ko na sana siya pero nilagpasan niya na agad ako at dumeretso sa kwarto niya.

“Anong problema no’n?” Bulong kong reklamo.

Napamasahe na lang ako sa ulo ko dahil sa stress, bumalik na naman ako sa paghihirap na basahin kung anong iniisip niya.

Pero napaisip ako bigla, “Bakit ba ako nag-aalala? Kung dumidistansya siya, anong pakialam ko?” Muli kong bulong sa sarili.

Si Lucas ang dapat na pinagtutuunan ko ng pansin, hindi si Luis.

Nagkibit-balikat ako bago tuluyang pumasok sa kwarto at natulog.

Sabi na at pupuyatin ako ng pag-iintay ko kagabi! Pagtambad ko sa salamin, halatang-halata ang eye bags sa ilalim ng mata ko. Nakakapangit ng mukha!

Tumunog ang cellphone ko kaya't agad ko itong chineck, nakita ko ang notification ni Lucas, alam ko na kung bakit ang aga-aga kinikilig na lang bigla ang damdamin ko.

Tipong pag-basa sa naging chat niya, kita ang buong ngipin ko sa ngiti.

Lucas Cabrera: How’s your sleep? I think I might've dreamed of you last night.

Nanlaki ang mata ko sa kilig, malalim ang hininga ko at tila nagpipigil na hindi tumili sa saya. Muli ay nagtipa ako.

Me: Good morning 😊 at ano namang meron sa panaginip mo?

Parang ewan naman ng emoji ko.

Lucas Cabrera: You were right here beside my bed.

Natinag ako nang bigla na lang siya nagsend ng selfie niya na nakahiga sa kama niya--at topless pa!! Wow! Hindi ko maalis sa nakaawang kong labi ang wow! Sobrang sexy niya at ang sasarap ng mga pandesal niya! Aga-aga tuloy nagutom ako. Parang nagke-crave ako ng pandesal?

Napakagat-labi ako habang nagtitipa ng magiging tugon sa message niya. Actually, wala talaga akong masabi sa picture na sinend niga kaya medyo natagalan sa pagre-reply.

Me: Hmmm… double meaning?

‘double meaning’ ?! Hayst ba’t ko nga din ba sinabi iyan?! Nakakahiya, baka hindi niya alam ang ibig sabihin no’n! Hinampas ko ang ulo ko sa pagsisisi, pero ‘di rin naman nagtagal nang mag-reply siya.

Lucas Cabrera: HAHA! The dream clearly was something…

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Lucas Cabrera: It doesn't probably matter, does it? I dream of you all the time anyway.

Tumatalon sa kilig ang puso ko
Agad akong nagtakip ng bibig at tahimik na tumili sa saya habang tumatalon.

Akala ko nga ay ayun na ang lahat, may idadagdag pa pala siya.

Lucas Cabrera: Let's go for a lunch today.

Kikiligin na sana ako dahil inaya niya ako ng lunch ngayong araw, kaso may naalala ako. Nanlaki ang mata ko. Naalala ko ang eye bags na mayroon ako ngayon.

Napasugod ako sa lababo sa banyo at napahaplos sa pisngi habang nagpa-panic sa harap ng salamin.

Diyos ko! Ano nang gagawin ko?! Hindi niya pwedeng makita ang pangit kong mukha!

Continue Reading

You'll Also Like

69.3K 2.5K 31
u n e d i t e d "Write your name if the statement is correct and write your crush's name if the statement is wrong. NO ERASURE." - This instruction...
320K 4.4K 31
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
29.1K 1.6K 41
Eugene Scott x Mary Divine Lee 09/13/2023 - 10/10/2023
780K 16.2K 35
Bella has a simple life HAHAHA NOPE Bella's life is anything but simple. Well it used to be... before her mother died 10 years ago when she was only...