Stalking the Gangsters [2nd H...

By missfacile

552K 7.5K 1.3K

2nd Half of Stalking the Gangsters :) More

Stalking the Gangsters [2nd Half]
CHAPTER 72 - LOVING YOU SINCE DAY ONE
CHAPTER 73 - ASHMILLE MOMENT
CHAPTER 74 - LOVE IS AS DIFFICULT AS PHYSICS
CHAPTER 75 - LOVE IS FULL OF SURPRISES
CHAPTER 76 - IN A RELATIONSHIP
CHAPTER 77 - GOOD BOYFRIENDS and HIS POV
CHAPTER 78 - LONG TIME NO SEE
INVITATION FOR EMPIRE ACADEMY'S JS PROM
CHAPTER 79 - EPIC FAIL PLAN
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part1
CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part2
CHAPTER 81 - START OF A NEW TIRING WEEK FOR MORONSX
CHAPTER 83 - A DAY FOR POSTE AND ULAP
CHAPTER 84 - FUN TIME WITH THEM
CHAPTER 85 - OMG!
CHAPTER 86 - SUPERVISORS
CHAPTER 87 - THIS I PROMISE YOU
CHAPTER 88 - SWEET CHEEZYCAKES
CHAPTER 89 - CRAZIER
CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION
CHAPTER 91 - HAPPILY INLOVE
CHAPTER 92 - QUITTING
CHAPTER 93 - SECRET PLACE
CHAPTER 94 - RAINING
CHAPTER 95 - HAPPY AND CONTENTED
CHAPTER 96 - FIERCE GANGSTERS
CHAPTER 97 - WTH!
CHAPTER 98 - PAIN
CHAPTER 99 - IT ENDS HERE
EPILOGUE
An extraordinary sequel posted :)

CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS

11.5K 189 24
By missfacile

CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS

JESX' POV

Nakarating na kami sa tapat ng school na magiging partner namin sa darating na scholastic competition. Lahat kami ay nakatingin lang sa gate ng school na nasa harapan namin ngayon.

"Ms. Shy, ibig sabihin po ba nito sila ang makakasama namin?" tanong ko

"Yes. Kaya tara na, pumasok na tayo sa loob dahil siguradong kanina pa nila tayo hinihintay." nauna sa pagpasok sa loob si Ms. Shy, kami naman nakatayo pa rin dito sa labas

"Tingin niyo ba magiging okay lang ang lahat?" tanong ni Mille

"Wag na nga tayong mamroblema ngayon." sabi naman ni Daryll

"Tama, tsaka nalang natin problemahin yan." sabi naman ni Lhei tsaka na kami pumasok sa loob

Pagpasok namin pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Kilala kami ng mga estudyante dito lalo na at laging kami ang nakakatalo sa representatives ng school nila.

Nasa loob na ng isang room si Ms. Shy at malamang kausap niya na dun ang principal ng school na to.

Nagpaiwan lang kami dito sa labas. Sila nga kaya ang mga makakasama namin?

"Nandito na pala kayo." napaharap kami sa nagsalita na yun at kasama niya nga ang mga kaibigan niya. Ibig sabihin ba nito, sila talaga ang makakasama namin?

"Masaya kaming makita ulit kayo." sabay ngiti naman nung isa pa sa amin

"Pwede bang matanong kung kayo ang makakapartner namin?" tanong ni Carse sa kanila, nakangiti naman sila sa amin

"Yes, kami nga ang makakasama niyo." sagot nung isa

"We will be scholastic partners." sabi naman nung isa pa

Confirmed! Ang seven handsome guys nga ng Rival Academy ang makakapartner namin sa scholastic competition.

"Oh nagkita na pala kayo." sabi ni Ms. Shy nang makalabas sa room kasama ang isa pang teacher yata?

"So girls and guys, aasahan namin na magiging maganda ang team up niyo." sabi nung teacher kaya naman tumango nalang kami

"Paano ba yan? Edi mapapadalas ang pagsasama-sama natin?" tanong nung isang gwapo

"Mukhang ganun na nga. Okay lang yun, mukhang masaya naman kayong kasama." sabi ni Daryll sa kanila na nakapagpangiti sa seven handsome guys

After namin dun, nagpunta na kami sa library ng Rival Academy. Dito daw kasi kami magrereview.

Umupo na kami at harapan ang pwesto namin sa kanila.

"Girls and guys, bale ang magiging team up ay by partners." sabi ni Ms. Shy. By partners daw?

"Jesx, partner nalang tayo." sabi bigla ni Mille sabay kapit sa braso ko

"Mille, hindi kayo ng Moronsx ang magiging partner. Bale kayo tsaka sila." sabay turo ni Ms. Shy sa seven handsome guys

Ibig sabihin, bawat isa sa amin may kapartner na gwapo?

"Ipartner namin kayo based sa category ng competition at kung saang subject kayo nageexcel." sabi naman nung isang teacher

"Okay po sa amin yun." sabi nung isa sa mga gwapo. Paano kaya naging instant handsome guys tong mga to? Nakakacurious lang talaga.

"Tumayo muna kayong lahat tsaka namin kayo ipwepwesto, bawat partners sa inyo tig isang table dito para makapagreview ng maayos." sabi ulit nung isang teacher

Ang dami namang chu-chu pa. Pinatayo pa talaga kami.

"Okay then, sasabihin ko na kung sino ang magiging partners." sabi naman ni Ms. Shy tsaka tinignan ang papel na hawak niya

"Si Micah at Aki ang magkapartner." umupo naman si Micah tsaka yung gwapong si Aki dun sa isang table

"Si Aliss at ang makakapartner niya naman ay si Bill."

"Si Carse at Cali naman."

"Next is Daryll and Dale." infairness talaga sa mga to, gwapo talaga.

"Lhei and Ed, Jesx and Fist, Mille and Grey." teka nga, may napansin ako sa pangalan ng pitong to. A for Aki, B for Bill, C for Cali, D for Dale, E for Ed, F for Fist and G for Grey. Co-incident lang ba yan o talagang alphabetical order ang names nila? Pansin niyo ba?

Weird noh?

"Ngayon na nakapartner na kayo, let's start the review."

Maya-maya nga lang ay nagumpisa na ang pagrereview namin. Nakakatuyo nanaman ng utak ang pagrereview na to.

3pm na, salamat naman at binigyan kami ng break. Nakakagutom at nakakatuyo ng lalamunan.

Agad na kaming lumabas sa library. Kailangan na naming makapunta agad sa cafeteria ng Rival Academy.

"Saan ba dito ang cafeteria?" tanong ni Micah

"Bakit ba kasi uso ang palakihan ng school? Nagugutom na ako eh." pagrereklamo naman ni Daryll

"Hindi ba dapat natin problemahin kung paano pag nalaman ng Fierce na sila ang partners natin?" tanong naman ni Mille

"Ayaw ng Fierce sa mga gwapong yun kaya malalagot tayo pag nalaman nila." sabi naman ni Carse. Tama! Galit na galit nga sila nung makitang nakikipagusap sa amin ang mga yun sa boutique, paano pa kaya ngayon na madalas pa namin silang makakasama?

"Itago natin sa kanila ang tungkol dito." sabi bigla ni Ms. Shy na nasa likuran na pala namin

"Huh? Itatago natin?" tanong ni Aliss

"Ganun na nga. Kaysa naman magalit sila at magulo ang scholatistic competition." sabi ulit ni Ms. Shy

Problema talaga to pag nalaman ng Fierce ang tungkol dito, pero kung itatago namin posibleng hindi naman nila malaman, diba?

After namin pag usapan ang tungkol sa pagtatago ng matinding sikreto sa Fierce, nagumpisa na ulit kaming maghanap kung saan ba dito ang cafeteria. Si Ms. Shy hindi na sumama sa amin dahil nagpadeliver daw ng food yung teacher na kasama namin kanina. Bakit kaya hindi kami kasama sa pinadeliver na food? Tsk!

"Nakakainis naman! Ang hirap maghanap." sabi ni Lhei

"Tingin niyo ba mahahanap natin ngayon ang cafeteria dito? Magtanong na kasi tayo." sabi ko naman sa kanila tsaka sana lalapit na sa mga nakita kong estudyante dito nang bigla naman dumating ang seven handsome guys

"Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." sabi ni Fist, yung partner ko.

"Bakit niyo naman kami hinahanap?" tanong ni Aliss sa kanila

"Itreat sana namin kayo ng food." nakangiting sabi nung Bill

"Oh ayun naman pala, treat naman pala nila." sabi ni Daryll

"Tara na sa cafeteria. Mukha kasing naliligaw kayo." nakangiting sabi naman ni Dale

"Buti nalang talaga at dumating kayo bago pa kami tuluyang maligaw sa school niyo to." sabi ko naman sa kanila tsaka na kami nagpunta sa cafeteria. Hanep din ang ganda ng cafeteria nila. Ang dami din pagkain syempre at pangmayaman din.

"Teka, bakit dito tayo kakain?" tanong ni Micah sa kanila

"Dito kasi ang pwesto namin, private place." nakangiting sabi ni Aki. Palangiti ang mga to noh? Dagdag nga naman sa kagwapuhan nila.

Kung ang Fierce ay nasa 2nd floor ang private place sa cafeteria. To namang seven handsome guys may room dito mismo sa cafeteria na may glass wall kaya naman kitang kita din kami ng mga estudyante kahit nandito na kami sa loob.

"Anung gusto mong kainin, Mille?" tanong nitong si Grey na partner ni Mille. Ngayon ko lang napansin na ito rin yung guy na gustong makipagkilala kay Mille nun nung nasa boutique kami. Tsk. Lagot to pag nalaman ni Ash na kinakausap niya si Mille.

"Hmmm, kahit ano lang." sagot ni Mille sa kanya

"Do you like sweets?" tanong naman sa amin lahat ni Cali

"Yes, oo, mas masarap nga kung sweets para naman bumalik energy naming lahat." sagot sa kanya ni Carse kaya naman lumapit si Cali dun sa isang monitor tsaka niya sinabi kung anong order niya para sa lahat. Bongga nila ha.

"Sa wakas at nangyari na ang pagtreat namin sa inyo." sabi bigla ni Ed

"Oo nga, tagal niyo na rin kaming niyayaya." sabi naman ni Lhei

"Nga pala, may tanong ako sa inyo." sabi ko sa kanila

"Anu naman yun?" sabi ni Fist

"Paano niyo nalaman ang mga pangalan namin?" naalala ko kasi nun sa boutique na sinabi nilang alam na nila ang mga pangalan namin

"Yun ba, inalam namin sa coordinator ng competition noon." sagot ni Fist

"Yeah, naaalala ko pa yun, hirap nga tanungin nung coordinator." sabi naman ni Dale

"Saang competition?" tanong naman ni Aliss sa kanila

"Yung first competition na nakalaban namin kayo." sagot sa kanya ni Bill. Kung yung first competition palang, e mga nerd guys palang sila nun.

May itatanong pa sana ako nang biglang dumatin na yung worker sa cafeteria at dala na ang mga cakes namin at drinks.

Sa gutom, ayun at agad na kaming nagsikain. Nakakagutom kaya talaga ang mag-aral, diba?

"Masaya ako na tayo ang magkakasama." sabi bigla ni Grey na pansin kong kay Mille naman nakatingin at hindi sa amin?

"Tayo? O masaya ka lang talaga na sawakas nakasama mo rin si Mille?" sabi bigla ni Bill

Ito namang si Grey parang biglang nahiya at napahawak pa sa ulo niya. Tsk tsk. Malalagot ka talaga kay Ash.

"Basta ako, I must admit na masaya akong makasama ang matagal ko ng crush." sabi naman ni Fist

"Crush? May crush ka sa amin?" tanong naman ni Carse. Bahala sila sa crush crush na yan, basta ako sisimutin ko tong cake.

"Yeah, meron nga and I'm happy na nasa harapan ko siya ngayon." narinig kong sabi ni Fist. Nasa harapan niya? Teka lang! Agad naman akong napatingin sa nasa harapan ko at tama nga ako na si Fist ang nasa harapan ko at nakangiti siya sa akin ngayon.

"Si Jesx ang crush mo? Yieeeeeee!" sabay tulak naman nitong si Lhei sa akin >/////////////<

"Hehehe thank you." sabi ko tsaka na ako kumain ulit. Anung gusto niyang sabihin ko? Kahit gwapo siya hindi ko siya pwedeng ientertain, may boyfriend kaya ako at gwapo din kaya yun.

"Matagal na namin kayong gustong mas makilala pa." sabi naman nung Ed

"Bakit niyo naman kami gustong mas makilala?" tanong naman ni Daryll

"Kasi interesting kayo. Magaganda, mababait, mamatalino, kakaiba." nakangiting sabi ni Dale. Don't tell me, talagang nabighani ng kagandahan namin ang pitong to?

* RING RING RING *

"Tumatawag si Cliff." biglang sabi ni Micah

"Sige sagutin mo." sabi ko naman sa kanya

"Hello Cliff, oo eto nagmemeryenda na kami. Hindi ko pa alam anung oras matatapos ang review. Sige tatawagan nalang kita ulit mamaya." sabi ni Micah tsaka na binaba ang cellphone

"Hindi ba niya tinanong kung nasaan tayo?" tanong ni Carse

"Hindi naman niya tinanong. Kaya I guess, we're safe." sabi ni Micah

"Anung meron? Hindi ba alam ng Fierce na kami ang mga kasama niyo?" tanong ni Aki

"Hindi nila alam at hindi nila pwedeng malaman dahil siguradong magugulo ang competition at baka nga di matuloy ang pagiging partners natin." sagot ni Lhei sa kanila

"Ganun ba? Balita ko, boyfriend niyo na sila." sabi naman ni Ed. Alam naman pala nila na boyfriend namin ang Fierce.

"Oo, boyfriend nga namin sila kaya magagalit talaga sila pag nalaman to." sagot naman ni Aliss, mukha namang upset bigla yung pito.

"Boyfriend palang naman. May pag-asa pa tayo." energetic na pagkakasabi ni Grey

"Tama si Grey, may pag-asa pang makipagbreak kayo sa kanila diba?" sabi naman ni Cali

Nahihibang na ba ang mga to? Kakaumpisa pa nga lang ng relasyon namin sa kanila tapos break na agad ang gusto naman ng mga to? Problema to! =___=

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 277 61
Are you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's a...
2.6M 50.9K 100
Teaser Video -> https://youtu.be/4Of2pPg2lWU Paano kung biglang magkaroon kayo ng barkada mo ng instant trabaho? Trabahong bongga ang sweldo. Ang...
48.4K 1K 33
Matapos makalabas sa Wilton University ni Autum Pereira ito ang pagpapatuloy ng kanyang storya. What happened? Halos isampal sa kanya ang lahat ng ma...
1.1M 39.1K 110
Rank #1 in BTSFANFIC ❤ Sabi nila, OPPOSITE ATTRACTS. Paano kung pareho sila ng ugali? parehong masungit? parehong arogante? parehong insensitive? May...