The 100th Guy Who Passed by H...

Door FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of Wattpad's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... Meer

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER TWO] Count...

102K 1.2K 64
Door FelipeNas

Chapter Two

--‘COUNT’ YOUR BLESSINGS--

“Ano pa bang kulang?”

            Kinagat ko yung ballpen na hawak-hawak ko habang nag-iisip kung ano pa bang kulang sa buhay ko. Napa-praning na nga siguro ako. Binibilang ko lahat ng ‘blessings’ sa buhay ko. Kailangan ko kasing alamin kung ano pa bang hindi ko nagagawa sa buhay ko. Bago pa lalong lumala ang sakit ko, pupunan ko na lahat ng pagkukulang ko.

            “God. Check. Family. Check. Community. Check. Friends. Check. Special persons. Check.”

            Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan ang mga taong malapit sa akin para magtanong sa kanila. Nagbabakasa-sakali akong matutulungan nila ako.

            “Hello, Philippe Jan Lim (read as “FILIPE JAN LIM”),”

           “’Wag mo nga akong tawaging ganyan! FYI, it’s Philippe Jan Lim (read as “FILIPA JANE LIM),”

            Tumawa ako. “Joke lang! Bess, tulungan mo naman ako. Ano pa bang kulang sa buhay ko?”

            “Anong ‘anong kulang’? Gusto mo malaman? Utak mo. Kulang-kulang.”

            “Bessie, seryoso tayo, okay? Umayos ka nga. ‘Pag nagwala itong mga cancer cells ko, sige ka.”

            “Ayy! Joke lang, Bessie! Bakit ano bang gagawin mo? Nasa’n ka ba at pupuntahan kita?”

            “’Wag na! Gusto kong mag-isa ngayon. Babawi na lang ako bukas sa’yo basta ang gawin mo ngayon ay sagutin ang tanong ko. Nang seryoso!”

            “Sige na nga. Ahm… Ang kulang sa ‘yo… ay boyfriend. Ayan, Bessie. Seryoso ‘yan ha.”

            “Ah, sige, Bess. Goodbye!” Binaba ko na yung telepono ko. Napaka-walang kwenta naman ng isinagot ni Jane.

            Tumawag ulit ako sa ibang tao naman… “Hello, Kuya...”

            Tinanong ko rin si Kuya katulad ng tanong ko kay Jane. “Umuwi ka na lang dito. Four p.m. na ah. Asan ka ba?”

            “Kuya, okay lang ako. Promise. Uuwi din ako nang ligtas! Basta, kailangan ko ng sagot ngayon na.”

            “Boyfriend. Tapos magpahatid ka dito. Umuwi ka na.”

            Nagpaalam na ko kay Kuya. Katulad ni Jane, walang kwenta din yung sagot niya. Naiinis lang siguro yung dahil wala pa ako sa bahay.

            Tinawagan ko rin si Dwaine at Ate Flip. “Boyfriend” rin ang sabi nila. Kahit si Papa at Mama na nasa Paris ngayon, iyon din ang sagot.

            Sa totoo lang hindi ko naman kailangan nun eh. Wala namang maganda dun. Siguro kumpleto na ang buhay ko.

            Napagpasyahan kong umuwi na nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

            “Hello, Jane?”

            “Anong nangyari sa quest mo?”

            “Eto. Pare-pareho kayo ng sagot eh. Boyfriend. Aanhin ko naman yun?”

            “Bessie, ang KJ mo talaga! Gusto mo bang tumandang dalaga?”

            “Eh, ayoko ng boyfriend eh.”

            “Midori Vivero, umayos ka nga! Try mo lang. Makipag-date ka lang. Kahit ‘yang si Dwaine, patulan mo na. Date lang naman ‘to, Bess. Isang beses lang.”

            “Dating Dwaine is something crazy.”

            “Then be crazy! Isang beses lang naman Bess. Para maranasan mo lang. Wala namang mawawala sa’yo eh. Mabait na bata ka naman. Hindi mo naman siguro ipamimigay ‘yang ‘chuchu’ mo.”

            “Anong ‘chuchu’?”

            “Wala! Makipag-date ka para lumigaya ang buhay mo.”

            Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Jane.

            Naglakad na ako pauwi. Bakit ko naman gagawin ang sinasabi ni Jane, eh kalahating tao, kalahating baliw si Jane.

            Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa Enigma. Isa iyong “lovers' park”. At siyempre, nakita ko ang iba’t ibang uri ng ‘lovers’ na meron sa mundong ito. Hindi ko naiwasang manood. Maraming pumupunta doong single at naghahanap ng ‘makaka-double’.

            Subukan ko kaya? Wala naman sigurong masama eh. Isang beses lang naman. Gusto ko lang maranasan bago pa… bago pa lumala ang sakit ko.

            Napapikit ako nang dinala na lang ako ng mga paa ko papunta sa Enigma.

            Bahala na si Batman.

             

******

“One… two… three…”

            Nagsimula na akong magbilang ng mga dumadaan sa harapan ko. Napagpasyahan kong ang pang-isandaang lalaking dadaan sa harapan ko ay yayayain kong makipag-date. Bahala na talaga. Hindi na lang siguro ako magpapakilala ng totoo kong pangalan sa lalaking iyon. At sisiguraduhin kong ito ang huling beses naming pagkikita.

            Bahala na talaga.

            “Twenty-four… twenty-five… twenty..s…s…six…” hindi ko pa mabigkas ang huling numerong iyon dahil ‘bading’ yung dumaan.

            Bigla akong kinabahan. Paano kung bading yung pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

            “Fifty-eight… fifty-nine… sixty… Manong, pabili!” Tinawag ko yun pang-sixty na lalaki para bumili ng paninda niya. Matanda na siya at nagtitinda siya ng ice cream.

            Pagkabili ko ng ice cream ay kinabahan ako. Paano kung matanda ang pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

          “Seventy-seven… seventy-eight… seventy-nine… E-eight…” Sinundan ko ng tingin iyong pang-eighty na lalaking dumaan. Tumatakbo siya at may hinahabol na isang babaeng umiiyak.

            “Kawawa naman iyong babae, ano kayang nangyari?” Bigla akong kinabahan. Paano kung ganun din ang eksenang ginagawa ng pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

            “97… Naku, Lord ang bata naman nito. Ayoko pong makasuhan ng child abuse! Mabuti na lang at 97 pa lang,” masyado kasing bata ang dumaang lalaki.

            “98… Ah… Tao ba ito? Bakit, Lord… Mukhang… ET? Totoo po pala ang alien?” Bigla kong natapik ang bibig ko. Ang sama kasi ng sinabi ko.

            “99… LORD! Siya na lang po! Ang pogi! Ang hawt! Ulam na ulam na ‘to Lord! Sige na po! Isa na lang naman po eh… Saka… malay niyo po may nakaligtaan akong bilangin. Lord, ito na lang po, ha?” Ang gwapo kasi ng lalaking iyon. “Almost perfect” kumbaga. Nakakatakot kasi kung sinoman ang pang-isandaang lalaking dadaan lalo na’t kung ano-anong uri ng lalaki ang dumaan sa harap ko. Ang masama pa, nakakatakot yung iba.

            Pero biglang kumulog kahit para namang hindi uulan. Isa lang ang ibig sabihin nito. “Okay, Lord! I’m just kidding! Don’t be mad po!”

            Huminga ako nang malalim at pinagsalikop ang mga kamay ko. Ito na. Kung sinoman ang susunod na daraan, siya na. Hindi na ako pwedeng umayaw, dahil ito na yong hinihintay kong pagkakataon. Matapos ang matagal kong paghihintay, magbubunga na ang lahat. At kung sino man iyon…

            Bahala na talaga.

            “100…”

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
103K 1.9K 81
Part 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #27...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.