Tabghali na ng makarating sa Rose Province sina Samantha. Sa isang bukirin ang shooting na gagawin kung saan mararanasan ng mga sikat at dating sikat na artista ang payak na pamumuhay sa maliit na Baryo.
Kaagad na hinanap ni Ren ang tent ni Director Tasha. Kasama niya ang refresh na refresh na si Samantha.
Pagkatapos nilang kumain sa isang simpleng restaurant kagabi ay natulog na ito kaagad pagkasakay sa sasakyan. Labing limang oras ang ibyinahe nila mula sa Capital, at ganoon din kahaba ang tulog na ginawa ni Samantha. As in, binawi niya ang lahat ng mga puyat niya nang nagdaang araw.
"Sorry Direk, nagka-emergency kase sa bahay nila Lala. Dinala sa ospital ang Lolo niya kaya kagabi lang kami nakaalis sa Capital," hinging paumanhin ni Ren.
"Sorry Direk," humingi din ng paumanhin si Samantha.
It's her sister's job. Of course, hindi niya sisirain ang imahe nito.
Bumuntong-hininga ang magandang direktor.
"Ipinasyal pa lang naman namin ang lahat ng mga participants at pinapili sila ng mga bahay na titirahan nila sa loob ng isang linggo. Kabilang ka sa grupo ni Miss Elena. Pasasamahan kita sa isang stuff. Miss Ren, hindi ka pwedeng sumama sa kanila. May isang bahay kami na nirentahan para sa mga personal assistant na kasama," kaagad na paliwanag ni Direk Tasha.
Nang umalis na si Samantha kasama ang luggage nito ay nagtungo na rin sa nirentahang bahay si Ren.
Kahit na kinakabahan siya sa mga kapalpakan na pwedeng magawa ng double ni Lala. Wala na siyang ibang choice.
Napakaikli lang ng araw na ipinag-practice at inaral nila, pero palihim siyang umuusal ng dalangin na nawa'y nakuha ni Samantha ang mga importanteng details na dapat nitong malaman.
"So you'll be in the same group with Miss Elena and Miss Aria. Kayong tatlo lang ang grupo na puro babae, ang ibang tatlong grupo ay may kasamang lalaki,"
Tumango-tango si Samantha.
She must stop being friendly.
Ren warned her. Because Samantha is always cold and aloof. Though she talks with her co-artists, it's not to the point that she'll be friendly with them.
Nang hindi na magsalita si Samantha ay hindi na rin kumibo ang stuff na naghatid sa kanya sa isang maliit at bahay na yari sa balat ng niyog. Ang bubong ay yari sa nipa.
Napakurap si Samantha.
Kung sa kanya ay walang problema kahit na sa tabing kalsada pa sila matulog at mag-shooting, pero paano naman ang kapatid niya? Lumaki itong prinsesa sa mansyon ng mga Allejo. Paano ito kikilos sa ganitong uri ng environment?
"Tao po! Nandito na po si Miss Lala, ang isa niyo pang kagrupo,"
Halos magkasabay na lumabas sa maliit st payak na bahay ang dalawang naggagandahang artista. Although they're not in their 30s anymore, they still looked gorgeous and active.
"Oh! Hi, ikaw pala 'yan, Lala," masayang bati ni Miss Elena.
Ilang beses na nitong nakatrabaho ni Samuella. At ito ang tinaguriang Reyna ng mga Kontrabida.
"Good afternoon," Samantha said casually.
Napatitig siya sa isa pang babae and she almost dropped her jaw upon seeing her good mother-in-law!
Damn!
Why is she here?!
Napalunok si Samantha. Parang gusto niyang maglupasay sa sahig.
What kind of joke is this?
Pero kahit na deep inside ay nagpa-panic siya, hindi siya nagpahalata sa dalawang kaharap. She also greeted her mother-in-law casually. Kitang-kita niya ang gulat at pagkamangha mula sa mga mata ng mother-in-law niya, pero hindi iyon pinansin ni Samantha.
Ngayon, parang pinagsisisihan niya tuloy na pinasok niya ang rrabahong 'yun. Paano na lang siya aarte sa harapan ng nanay ni Arem?
"Ahm, where do we sleep?"
Nagkatinginan ang dalawang ginang. Pareho silang may mga anak na kaya naman masaya sila na may mas bata silang kasama sa grupo.
"Iisa lang ang papag, pero malaki naman. Sa palagay ko ay magkakasya na tayong tatlo doon," nakangiting wika ni Ginang Elena na napakalayo ng aura sa personal kesa sa persona nito tuwing nasa harapan ng camera.
She always plays the villain role. And her mother-in-law is also starting to do that. Samuella is also doing the antagonist role.
Kaya sila magkakasama sa iisang grupo ayon pa sa stuff na naghatid sa kanila ay dahil sa pagiging kontrabida nilang tatlo sa bawat palabas na ginagawa nila, movie man iyon o teleserye. The Villainess ang pangalan ng grupo nila at wala namang pakialam si Samantha doon.
Mas concerned pa siya sa kaalamang nandoon din ang mother-in-law niya at ang mas masaklap, magkasama pa sila sa isang grupo!
What to do?
Dapat yata mas minabuti niya na lang ang manatili sa mansyon ng mga Allejo. Feeling niya mas madali pang makipag-patintero sa mga assassin kesa magpanggap at magsinungaling sa napakabait niyang mother-in-law.
"Oh, where do I put my luggage then?"
Kaagad na itinuro naman ni Ginang Aria ang isang mahabang lamesa na nakalagay sa loob ng silid. May dalawang maleta na nakalagay na doon. Tahimik na pumasok si Samantha sa loob ng nipa house at saka inalagay ang sarili niyang bagahe.
"That girl, she's so pretty,"
Sandaling ihininto ni Samantha ang kanyang ginagawa. Pakiramdam niya ay tatalon palabas ang puso niya nang marinig ang sinabi ng kanyang mother-in-law.
"Yeah. Even in her younger years. Maraming beses ko na siyang nakasama sa movie. She's cold and aloof, sometimes arrogant pero marunong gumalang,"
Nakahinga ng maluwag si Samantha dahil sa sagot ni Ginang Elena. Good thing, kakilala nito si Samuella at mayroon silang mga palabas na ginawa na magkasama.
"She looked so much like my daughter-in-law," mahinang anas ni Ginang Aria.
But Samantha has a good pair of ears. She can hear her mother-in-law's words clearly.
"Really? Well, hindi naman maiiwasan. May pagkakataon talaga na may nakakamukha ang isang tao. Lucky for you ha, meaning ang ganda ng daughter-in-law mo," puri ni Ginang Elena.
Pansin ni Samantha na maganda ang relasyon ng dalawang ginang.
Samantha is feeling a sense of joy and happiness for her mother-in-law. For many years, her mother-in-law had been bedridden and unable to do the things she loved. However, now she has recovered, and she is delighted that her mother-in-law can finally enjoy life to the fullest. She is grateful for the opportunity to see her mother-in-law's recovery and be a part of her journey towards good health. Samantha feels a sense of fulfillment and satisfaction knowing that her mother-in-law is finally able to do the activities she had missed so much. She is overjoyed that finally, her mother-in-law can now live life to the fullest and enjoy every moment of it.
Pero sa pagkakataon na iyon, ni hindi magawang ngumiti ni Samantha. She have to mind her facial expressions and pull herself together or else, mabubuking siya ng wala sa oras.
Nang matapos ilapag ang kanyang bagahe ay nagpalit na rin ng damit si Samantha. Dahil loose ng kaunti kay Samuella ang sarili nitong damit, medyo fit iyon kay Samantha but it still looked good on her.
She's wearing a long-sleeve white turtle neck and a branded denim overall. She paired it with a black canvas shoes. Malamig ang panahon sa baryo kaya naman walang problema si Samantha kahit na balot na balot ang buong katawan niya. In this kind of environment, the most she's afraid of is to encounter an itchy caterpillar. May trauma na siya noong minsang magpunta sa bukid at hindi niya napansin ang isang tilas na gumagapang sa braso niya, pagkatapos ay nalaglag sa binti niya.
Tinulungan siya ni Himawari sa pamamagitan ng paglalagay ng suka sa kanyang namamantal na buong braso at binti. Ayon sa mga ito, iyon daw ang mabisang solusyon sa pangangati niya. Kahit ilang beses na siyang naligo ay amoy suka pa rin siya. Hiyang-hiya siya kay Arem na tahimik lang habang masama ang tingin sa mga pantal na nasa katawan niya. During that time, hindi niya alam kung nandidiri ba ito sa namumula at sandamakmak na pantal niya o hindi lang nito masikmura na amoy suka siya to the point na pati ang kwarto nila ay amoy marinated na suka.
"Lala, kailangan na nating magpunta sa pangalawang challenge," mula sa labas ay malakas na sabi ni Ginang Elena.
"Coming,"
Huminga ng malalim si Samantha.
She distances herself from the two women and walks at her own pace.
She doesn't want her mother-in-law to have a doubt. Right now she's Samuella. And she must act like Samuella.
Habang nag-uusap ang dalawang ginang ay naglalakad sila papunta sa pangalawang lokasyon na paggaganapan ng ikalawang challenge. Madalas na isama ni Ginang Elena sa usapan si Samantha na sumasagot lang tuwing tinatanong.
Makalipas ang sampung minutong paglalakad ay nakarating sila sa mahabang taniman ng mga talong.
Nanlaki ang mga mata ni Samantha.
Mahilig siya sa gulay kaya naman hindi niya mapigilan ang pangingislap ng kanyang mga mata habang nakatitig sa mga talong na iba't-iba ang haba at laki.
"Yow! Hindi ko alam na nandito ka pala,"
Dahan-dahang nag-angat ng paningin si Samantha. Nakita niya ang magandang mukha ni Mirabelle Montano na nakatingin sa kanya ng may pang-i-insulto.
"Yow, hindi ko rin alam na nandito ka. Akala ko lilipad ka papuntang Thailand para magparetoke ng ilong?" Ganting pang-iinsulto ni Samantha.
Who doesn't know how to give back insult? Only Samuella would do that. She's not Samuella.
Hindi lang mga simpleng impormasyon ang ibinigay ni Ren sa kanya. Dahil maging lahat ng mga sekreto patungkol sa pamilya ni Samuella ay nakalagay din sa makapal na folder.
One month ago, nagtungo sa ibang bansa si Mirabelle para magpatangos ng ilong.
Napahinto ang lahat sa ginagawa at napatitig kay Mirabelle. Nakatingin sila partikular sa ilong nito na kitang-kita ang pagbabago.
"And oh, did you do something with your boobs? It looks much bigger than usual,"
Awtomatikong bumaba mula sa ilong ni Mirabelle papunta sa dibdib niya ang tingin ng lahat.
"Samuella! What nonsense are you spouting?!" Namumula ang mukha at hiyang-hiya na sigaw ni Mirabelle na hindi inaasahang babarahin siya ng ganun-ganun na lang ng pinsan niyang palagi namang nasa isang sulok at nananahimik.
Nagkibit-balikat lang si Samantha. Nagtago siya sa likuran ni Ginang Elena at Ginang Aria.
"You're the one who started it. I just greeted you back," Samantha said and pursed her lips.
Nanlaki ang mga mata ni Mirabelle. Anong greeted you back ang sinasabi ng magaling na babaeng 'to? She's just a timid and hated member of their family. How come she suddenly become this sharp? She knows how to bite back now!
"Alright, alright, let's start the next challenge!" Malakas na sigaw ni Direk Tasha.
Mirabelle's eyes narrowed as she locked her gaze on Samantha. The look on her face was filled with loathing, and her body language was tense. Samantha, on the other hand, seemed unfazed by Mirabelle's hostile demeanor. She arched an eyebrow, and a smug grin played on her lips, as if daring Mirabelle to do something about it. Despite the tension in the air, neither of them spoke, and the silent war was only broken because of Director Tasha's loud voice.