The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.1K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam

282 22 0
By MrsPeriwinkle0024

Ilang beses na kumurap-kurap ang assistant na si Ren habang tinititigan ang katulong na nasa harapan niya. Bigla na lang itong sumakay sa kotse na ginamit niya para maitakas ang double ni Samuella.

"Sinabi ko sa boss mo na tumakas siya doon, bakit ikaw ang pinapunta niya dito?" Nakakunot-noong tanong ni Ren.

Hindi ba alam ng babaeng 'yun na napakadelikado sa mansion na iyon? Ugh.

Sumasakit na ang ulo niya dahil sa sunod-sunod na problemang iniwanan ni Samuella.

Kapag hindi pa ito nagpunta sa Variety Show, siguradong iba-ban na ito ni Direk Tasha sa lahat ng mga projects na gagawin nito. Ang buong akala niya pa naman ay mapagkakatiwalaan ang double na nakuha niya para kay Samuella. Pero mukhang sablay pa yata siya ng pinili.

"May wet wipes ka?"

Sandaling natigilan si Ren nang marinig ang pamilyar na tinig. It really sounds like Samuella's voice. Kahit nagdududa ay mas minabuti ni Ren na iabot ang make up remover wipes.

Kaagad na kinuha iyon ng katulong at dali-daling kinudkod ang sarili nitong mukha. Ilang minuto pa ay lumitaw na sa paningin ni Ren ang mukhang ilang taon na rin niyang hinahangaan. It's so fresh looking and gorgeous! No wonder, ang daming make up brands and beauty products ang nakapila sa harapan ni Samuella. She's too pretty that no matter what kind of beauty products she will use, it will surely become a hit.

Bukod sa angking ganda, pumapalo din sa 20 Million ang followers ni Samuella sa social media. Pero dahil hindi naman mahilig manuod ng tv si Samantha, never niyang nakita na may kamukha pala siyang artista na sikat na sikat pa.

Kung noon pa marahil ay nalaman iyon ni Samantha, baka noon pa siya umalis sa poder ng mga dela Vega para mag-imbestiga.

"Sabi mo, gawan ko ng paraan para makatakas? It's the only solution I can make. Salamat kay Yaya Puring, nakaalis ako ng maayos sa mansyon," ani Samantha sa seryosong tinig. "So saan ang shooting?"

"Sa malayong probinsiya pa. Nandoon na silang lahat at bukas magsisimula ang shooting. Dadaanan muna natin ang driver na kinuha ko para ipag-drive tayo papunta doon. We're both not safe here as of the moment. Wala si Chairman at ganoon din si CEO Zobel,"

"Sure. Baka pwedeng bumili ka na rin ng pagkain? I'm starving,"

Tanghalian lang ang kinain ni Samantha sa mansyon ng mga Allejo. Dahil sa kahihintay niyang dumilim ang buong kapaligiran, hindi na niya nagawang bumaba para kumain ng hapunan.

Nang muling bumalik sa sasakyan si Ren ay may kasama na itong lalaki na may matipunong pangangatawan. Sa tabi niya naupo si Ren at may iniabot itong disposable tub na may laman na egg sandwich.

Dalawang slice lang iyon at feeling ni Samantha, hanggang lalamunan niya lang ang kayang marating ng naturang pagkain. Ni hindi iyon aabot sa sikmura niya para maibsan ang gutom niya.

"No rice?" Nakataas ang kilay na tanong ni Samantha. "Not even ulam?" Disappointed na dagdag niya pa.

Pumayag siya sa trabahong ito para kumita ng pera, hindi para gutumin ang sarili niya.

"You're on a diet," istriktong saad ni Ren.

"My metabolism was different from her. I can eat three plates of rice ng hindi nadadagdagan ang bilbil o timbang ko. If you don't feed me properly, baka bigla na lang akong humandusay sa harapan mo, Miss Assistant,"

Kaya naman pala ang payat-payat ng kakambal niya. Ginagawa itong kambing ng sarili nitong assistant.

"Ayoko niyan. Gusto ko ng kanin at ulam. Kung hindi mo ko pakakainin ng normal na pagkain, uuwi na lang ako sa amin. Hindi ako ginugutom ng asawa ko 'no," nakaingos na bulalas ni Samantha at saka inilapag sa upuan ang disposable tub.

Akmang lalabas na siya nang bigla siyang hawakan sa braso ni Ren.

"W-wait! Wait! Your Highness, please calm down! I-ito na muna ang kainin mo okay? Kapag may nadaanan tayong restaurant na malayo-layo sa lugar na ito, bababa tayo para kumain okay?" Natatarantang bulalas ng assistant na si Ren. Hindi nito inaasahan ang biglang outburst ni Samantha. Since the last time na magkasama sila, ngayon niya lang ito nakitang mairita.

Inirapan lang ni Samantha si Ren.

"Kaya naman pala mukhang kalansay ang boss mo. Puro ganyan lang ang pinapakain mo? Hmp. Pabayang assistant," anas pa ni Samantha sa tinig na nang-iinsulto.

"..."

Ang boss niya? Mukhang kalansay?

Napalunok si Ren.

Hindi niya inaasahan na may attitude pala ang double na nakuha niya. Kung kay Samuella ay hindi siya nahihirapan dahil mas madalas na sumusunod lang ito sa mga arrangement niya, sa double na ito mukhang mahihirapan siya.

"Lala is perfect—,"

"Yes, perfect na skeleton model,"

"..."

Nakasimangot na muling kinuha ni Samantha ang disposable tub. Binuksan iyon at kinuha ang isang slice ng egg sandwich. Nakakailang kagat na siya nang biglang tumunog ang cellphone na pag-aari ni Samuella.

International call?

"Hello?"

["Where are you?"]

"Oh, husband," Samantha called him husband naturally and it made Arem speechless for a while on the other line.

["..."]

Pinindot ni Samantha ang speaker button dahil hawak pareho ng dalawang kamay niya ang dalawang slice ng egg sandwich.

["Tumawag ako sa bahay pero wala ka daw. Do you really have to work?"]

"Yeah. I need money," Samantha answered casually. But the truth is, the butterflies inside her stomach kept giving her a different feeling. It's making her feel excited. And just hearing his voice makes her heart at peace but at the same time, it's also throbbing with happiness that she's gasping for breath, honestly.

["You could have told me. How much do you need?"] Arem asked seriously on the other line.

"Nah. I'm just bored. I want to work,"

["What work?"] He asked in his usual cold voice.

"It's a secret. Don't worry, I'll be back in two weeks. And you better be there because I have something important to tell you,"

Arem sighs helplessly. What can he do? The wife already told him that she was bored. He can only agree.

["Be careful okay? Tell me if you need anything. I'll tell Ninong Abel to give you 10 Million tomorrow. Is that enough for you to spend?"]

Sunod-sunod na ubo ang isinagot ni Samantha sa asawa. T-ten m-million?

He talks as if he's only giving her ten pesos!

["Hey! You're already so old and you can't eat properly?! Why are you choking? Do you have water beside you?"] Though he's speaking coldly, Samantha can hear the worries in his voice.

Dahil sa dominanteng boses ng lalaki sa kabilang linya. Si Ren ang nataranta sa paghahanap ng tubig. The fudge! Sinong mag-aakala na milyonaryo pala ang asawa nitong double na nakuha niya? Ngayon niya lang napagtanto na may karapatan talaga itong mag-inarte at magreklamo.

"H-here, water,"

Mabilis na kinuha naman iyon ni Samantha at sunod-sunod na lumagok ng tubig. Ilang segundo pa siyang umubo bago tuluyang kumalma ang nangangati niyang lalamunan.

"It's your fault!" Asar na sikmat ni Samantha sa lalaking nasa kabilang linya.

["Why did it suddenly become my fault? Am I holding your mouth, Samantha?"] He snapped back.

"Hoy! Juan Arem Syquia, you dare to question me?!" Nanlalaki ang mga matang bulyaw ni Samantha sa kausap.

Gutom na gutom na nga siya tas papagalitan pa siya nito?

["..."]

["Ah...I-i d-don't dare. How are you? Are you feeling better?"]  who told her to be his wife? He could only give in.

Ren's eyes twitch. She never saw that coming. She never expected this woman to be this feisty. She's now starting to question her life.

A lot of people praised her for having an eye for people. They said she's so good at finding nice things. But now, she's not that confident anymore.   Hindi double ni Lala ang nahanap niya. Kung hindi sariling bangungot niya yata ang natagpuan niya.

"Hmph! Don't talk to me! And I don't need your millions. I will work hard to earn my own millions,"

Napaupo na lang ng tuwid si Ren ng marinig ang may kalakasang boses ni Samantha. Lumayo siya ng kaunti sa takot na baka bigla na lang siya nitong sapakin ng hawak nitong cellphone.

Hindi naman pinansin ni Samantha ang katabi. Hindi na rin niya pinakinggan ang magaling niyang asawa. Pinatayan na niya ito ng telepono.

Though she wanted to talk to him, she wanted to fill her stomach more. Dagdag pa sa ilang araw niyang pagpupuyat, hindi niya talaga mapigilan ang sarili na mabilis maiyamot. Samahan pa ng samu't saring emosyon patungkol sa relasyon nilang dalawa ni Samuella at relasyon ni Samuella sa pamilya nito, walang ibang gustong gawin si Samantha sa mga oras na iyon kung hindi ang kumain nang kumain para ma-divert sa ibang bagay ang atensyon niya.

"Kapag hindi mo ako pinakain ng normal na pagkain within thirty minutes, ibaba mo na lang ako sa tabi-tabi at uuwi na ako sa amin," iritableng saad ni Samantha kay Ren na lihim na napapalunok.

"R-ramos, narinig mo si Miss Samantha. Bilisan mo ang pagpapatakbo at pagkatapos ay maghanap ka ng maayos na makakainan within thirty minutes," utos ni Ren sa pinakamahinahon niyang tinig.

Pero siya lang ang tanging nakakaalam na nag-aalala na siya para sa sarili niyang buhay sa mga sandaling iyon. This Samantha looked like a ferocious lioness. Though she and Samuella looked very much a like, their aura is very different.

Lala might look arrogant on the outside but she's kind and she always talks so gently to her people. Unlike this woman, she can even make her husband surrender!

What a frightening woman!

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 781 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
6.3K 251 53
Four dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt ma...
76.2K 3.4K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
83.2K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...