DARE DEVIL

By queenienadi

31 4 0

"DARE DEVIL" is a story of young people who have experienced being bullied. More

Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO

CHAPTER TREE

4 1 0
By queenienadi












BUTI at nauna ka ng kumain kagabi,tulog kana nung dumating ako.” si ate.

Nag aalmusal kami ngayon dahil papasok ako ng school ko at sya naman sa trabaho
Huwag kang pagala gala ng walang kasama sa school niyo lalo don sa mga parte na walang makakapansin sayo.”

Wika pa niya, nakikinig naman ako pero mas ganado ako kumain ngayon ng almusal.
Kaylngan ko kumain ng marami para pag tinawag ulit ako ng professor ko active ang utak ko sumagot.

Nabalitaan monaman siguro kagabi sa tv iyong nangyari sa school nyo, may pina_


Mauuna nako pumasok ate, maaga ang first subject ko ngayon eh.”
Hinde kona sya hinintay sumagot, tumayo nako humalik sa kanya at naglakad paalis ng bahay.







Nang dumating ako sa school ay may mga police na doon, mga studyanteng nagchichikahan, at may ilan ding makikita sa mga mukha nila ang takot.

Nagpatuloy ako hanggang makarating sa locker ko at dumiretso na sa room ko.
Naririnig ko parin ang mga kuwentuhan nila na katulad din ng mga kuwentuhan ng mga studyante sa labas.

Nilabas ko ang lebro ko at binuklat para magbasa na lamang.
Wala pa ako sa kalahati ng binabasa ko ay may lumapit na dalawang babae sa'kin.
Nagtatalo pa sila kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.

Palipat lipat nalang ang tingin ko sa kanila hanggang sa nairita na'ko sa inaasal nila.
Napansin naman nila iyon kaya nagsalita na ang isa na akala mo wala na syang bukas para mag makeup ulit sa kapal ba naman ng makeup niya.

Girl nabalitaan mo naba ang nangyari doon sa nambully sayo kahapon?”

Hinde ko sya sinagot, nagtinginan ulit sila at mukhang nakuha naman nila na wala akong balak sagutin sila.


Natagpuan sya ng security na patay na kagabi sa library, hinde napansin agad dahil sa pinaka sulok sya nakandusay.”

Nangilabot pa ito habang nagkukuwento.hinde ko parin sila sinasagot at wala akong balak sagutin sila.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng may sunod sunod na katok sa pinto.

Lahat kami lumingon dito.
Ang last professor namin kahapon ng hapon na si Miss Acosta at may dalawa syang kasamang polIce.


Miss Dara Del Rosario,”
Parang mga robbot na sabay sabay lumingon sa akin ang lahat ng tao sa room na'to.


Kung iisa isahin kong tingnan ang mga mata nila, alam kung iisa lang ang tumatakbo sa mga utak nila ngayon, iisa lang ang tanong nilang lahat.

Tumayo ako at lumapit sa pinto, hinde naman ako nagulat at mas lalong hinde ako natakot.
Iwan ko ba kung bakit hinde ako nakaramdam ng kahit kunting takot na alam ko naman na police na ang naghahanap sa akin ngayon.



Sumama ka sa'kin sa principal office.”

Galit ba o takot ang nakikita ko sa mga mata ni miss acosta. O mas sabihin na natin na pareho nadin sya ng mga taong nasa paligid ko ngayon.

Nauna nang naglakad si Miss acosta sumunod ako at kasunod ko ang dalawang police na para bang nakabantay na sa'kin.


Nang makapasok kami ay andon na lahat ng mga professor pati na din ang mga nakakataas sa kanila

Pangalawang araw ko palang dito kaya hinde ko mga kilala ang mga nakaupo ngayon sa harap ko, inisa isa ko silang tiningnan sa mga mata, pare-pareho parin sila ng mga tingin. Pare-pareho parin sila ng mga iniisip tungkol sakin.


Alam mona siguro Miss Del Rosario kung bakit ka namin pinatawag dito?”

Ang principal ang unang nagsalita.
Nakatingin parin ako sa kanila na parang wala lang. naparang wala akong kinakaharap na ganitong sitwasyon.



Nakita ka sa CCTV kahapon sa library ng 6:20pm, ikaw lang ang huling nakitang lumabas.”

Sa pagkakataong ito ang police na nakaupo sa katabi ko ang nagsalita.
Hinde ko sya tinaponan ng tingin, deritso lang akong nakatingin sa kung saan.


Puwede ba namin itanong kung may kinalaman ka sa pagkamatay ni Miss crus?”

Doon ko palang sya nagawang lingunin na ikinagulat pa ata niya dahil nakita ko kung paano sya lumunok na parang may nakabara sa lalamunan niya.


Hinde ko sya pinatay.”

Bagkos mahina at walang buhay ang pagkakasabi ko sa katagang iyon sapat na iyon para marinig naman nilang lahat.
Walang tao sa library nang lumabas ako doon.” doon ko palang sila tingnan isa isa sa mata, inisa isa ko sila kung ano ba ang magiging reaksyon nila sa sinabi ko.


Doon natagpuan si Miss crus na walang buhay nung 6:42pm at wala nang tao doon at wala nang nakita sa CCTV maliban sayo sa mga oras nayon.”

Tugon ulit ng police na naglabas ng invelope kasabay niyon ay ang mga litrato ng CCTV na lahat ako ang kuha sa picture.



Anong ginagawa mo doon sa ganyang oras gayong tapos na ang last subject mo nang 4:45p?” nasa tuno na ng police na para bang seguradong segurado sya na may kinalaman ako sa krimen.


Miss Del Rosario maki cooperate ka kung anong nalalaman mo, at kung may nakita kaba o narinig habang nasa loob ka ng library?”

Hinde ko kilala ang nagsalita pero alam kung sya ang pinaka mataas sa kanilang lahat, base sa hitsura at kung paano sya igalang ng mga nakaupo ngayon sa harap ko.




Wala akong alam, wala akong nakita o narinig, at mas wala akong kinalaman sa pagkamatay niya.”

Hinde ko alam pero this time nakaramdam ako ng kunting takot, takot na hinde ko alan kung saan nagmumula.

Kilala ko ang sarili ko, alam ko na wala akong kinalaman sa krimen, at pag alam kung wala akong ginawang masama hinde ako nakakaramdam maski kunting takot o pangamba.
Pero bakit ngayon?

Nasa malalim na pag iisip ako ng bumukas bigla ang pinto at nagmamadaling pumasok si ate.

Doon na kumawala ang kanina kolañg naramdaman na takot.
Parang ginimbal ang dibdib ko sa takot ng makita ko si ate, madaling lumapit sakin at hinawakan ako sa magkabilang kamay at tiningnan ang kabuowan ko.

nang masiguro niya na wala namang nangyari sa akin ay saka ako niyakap ng subrang higpit.
Humagolgol na sya ng iyak sabay na sunod sunod na paghipo sa likod ko.

Andito na'ko, wag ka ng matakot.”

Mahina ngunit dinig na dinig ko, ang busis niya ay puno ng pag aalala para sakin.

Hinde kona napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Ang takot ko ay mararamdaman na ng mga tao ngayon dito, nanginig ang busis ko, hinde ko na maigalaw ng maayos ang mga kamay ko.

ang mga luha ko ay sunod sunod na akala mo nag uunahan kung sino ang mas mabilis.


Hinde ko sya pinatay ate, hinde ko sya pinatay.”

iyon ang paulit ulit kung sinasabi.
Iyon ang paulit ulit na binibigkas ng bibig ko, wala akong ibang maisip kung hinde ang katagang iyon.


Niyakap na ako ng mahigpit ni ate sabay sinasabing “tahan na andito na si ate, hinde kita pababayaan.”













Nagising ako dahil sa narinig kong nag uusap,
Pagmulat ng mga mata ko ay ang naka pote at ang nakasabit sa kanang kamay ko ang una kong nakita.

Inaayos ng nurce ang dextrose na nakasabit sa kamay ko
Hinanap ko sa roon na iyon si ate pero wala sya, nakikita kolang sa maliit na bintana sa pinto ang nakatayong police na nagbabantay ata sa labas ng room ko.


Pumikit ako at inalala lahat ng mga nangyari, mula umpisa hangang dulo.
Gusto kong magalit dahil bakit hinde ko napigilan ang mga ginawa kong iyon.
bakit sa ganoon pang sitwasyon hinde ko napigilan ang sarili ko.

Baka mamaya edischarge kana dahil okay kana.”

nakangiti na tugon sakin ng nurce.
Ngumiti nalang ako bilang sagot sa kanya.
Ng matapos na sya ay lumabas na.

Naiwan akong nakatulala at sinisisi ang sarili.
Malakas ako dapat, matapang ako dapat lalo na sa mga ganoong sitwasyon.

Pero nang maalala ko kung ano ang mukha ni ate, kung paano sya umiyak sa pag aalala sakin.
Bakit naging mahina ka nanaman?”
Bulong ko sa sarili ko.








Nang hapon din iyon ay nadischarge na ako, inuwe ako ni ate at sinabing huwag ko muna ipapaalam kina mama at papa ang nangyari, hinde pa daw niya sinasabi sa kanila at baka mag alala lang daw sila.


Tinanong ko kung pede akong pumasok bukas ang sabi naman niya ay puwede naman dahil wala namang matibay na ebidensya na nagpapagunay na ako talaga ang pumatay, maliban sa CCTV ay wala nang ibang hawak ang mga police.

May iba din naman daw na katulad ko na iniimbistigahan, tulad ng mga huli niyang nakasama, ang mga kaibigan niya at mas tutuk daw kasi sila sakin dahil iyon nga ako ang huling nakita sa pinangyarihan ng krimen.



Matutulog na sana ako ng makita ko sa desk ko ang lebrong kinuha ko kahapon sa library.
Iyon ang sinadya ko talaga kung bakit ako bumalik sa school ng ganong oras at kung bakit gustong gusto ko basahin ang lebrong iyon.

Lumapit ako, hinde kopa ata to nababasa mula kahapon.
Bakit konga ba pinagkainterisan ang lebrong ito, bakit pako babalik ng school dahil lang dito?”



Kahit ako ay hinde ko alam ang sagot, hinanap ko sa kasulok sulokan ng utak ko pero wala akong makitang sagot.


Binuklat ko ang unang pahina ng lebro.
Wala naman itong kinalaman sa mga subject ko, wala din naman akong kahilig hilig magbasa ng mg ganitong lebro.



Ibabalik ko nalang bukas, ano naman ang gagawin ko dito.

Nagpasya nanga akong ibabalik ko nalang bukas sabay binaba ulit at tumalikod na ako para matulog.
Pero parang may isang bagay akong napansin dito.

Nagmadali kong binalikan ang lebro at nakita konga ang nakaipit na maliit na papel sa gitna ng pahina nito.


Hinde ko alam kung bakit nag aalangan akong kunin ito, pero mas nangunguna ang koryusite ko na tingnan parin.

Kinakabahan man ay naglakas loob parin akong dampotin ulit ang lebro at binuklat mula sa pagkakaipit ng papel.

Maliit lang sya at nakatupi, kinuha ko at dahan dahan tiningnan kung anong nakasulat.













Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
898K 80.3K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
70.4K 2.2K 27
[ONGOING ๐Ÿ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
6.5M 179K 55
โญ๏ธ แด›สœแด‡ แดแด๊œฑแด› ส€แด‡แด€แด… ๊œฑแด›แด€ส€ แดกแด€ส€๊œฑ ๊œฐแด€ษด๊œฐษชแด„แด›ษชแดษด แดษด แดกแด€แด›แด›แด˜แด€แด… โญ๏ธ สœษชษขสœแด‡๊œฑแด› ส€แด€ษดแด‹ษชษดษข๊œฑ ๊œฑแด ๊œฐแด€ส€: #1 ษชษด ๊œฑแด›แด€ส€ แดกแด€ส€๊œฑ (2017) #1 ษชษด แด‹สสŸแด (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...