My Almost

By youhurtthemost

29 5 0

date started: 04/13/2024 date ended: More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

5 1 0
By youhurtthemost

Chapter 3: Aakyat ng ligaw

"Rie" he said sa kabilang linya. I smiled.

"Hmm?" I whispered

"I want to meet your grandparents"

"Bakit?" he chuckled

"Magpapaalam akong manligaw sa'yo" parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Smiling, I replied.

"Are you sure? Masungit ang lolo ko, Ash" takot ko sa kanya.

"It's normal, Rie" ngumisi ako.

Simula nung payagan ko siyang manligaw, paulit ulit niya akong kinukulit na payagan siyang pumunta sa bahay para makapag paalam kila lola na aakyat siya ng ligaw.

He's here early again. Napangiti ako at tumakbo palapit sa kanya. He open his arms kaya natawa ako.

I put my hands around his neck nang makalapit sa kanya.

"I miss you so much" he whispered atsaka siya humalik sa sentido ko.

Nakatingkayad ako dahil sa tangkad niya. Me hugging his neck made our face closer. We stared at each other. From my eyes, his stare drops at my lips then back at my eyes again. I swallowed hard. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napatingin din ako sa labi niya.

"Rie" he whispered. Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya, nakatitig na siya sa akin, ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko ay lumuwang. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa leeg niya at dumisitansya sa akin ng konti.

Gulat sa nangyari at sa naging action niya ay tumingin nalang ako sa langit. The sun is setting. I smiled, I watch him at my peripheral vision. He's looking at me pero hinayaan ko nalang.

"Why do you like me, Ash?" bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya.

It's been days, hindi pa kami nagkikita pagkatapos ng mangyari 'yung sa tulay. Wala namang nangyari pero, ewan ko. Sabi niya is mag usap nalang muna kami sa phone calls.

"I honestly don't know why" I heard him sighed.

"Huh? Pwede pala 'yun? Hindi mo alam bakit mo ako gusto?" mapait kong sabi.

"Yeah, I guess so" natulala ako sandali at pekeng naghikab.

"Inaantok na ako Ash" nagbuntong hininga ulit siya.

Kinagat ko ang labi ko to stop myself from saying anything.

"Alright. Goodnight, Rie. Sleep well" napakurap kurap ako. I sighed.

"Goodnight, Ashton Drake" after saying that, I end the call.

Tinitigan ko ang cellphone, it's just 7:55pm. Nagbuntong hininga ako at itinabi na iyon.

Sabado bukas kaya walang pasok, pwede akong magpuyat kasi hindi naman ako gigising ng maaga.

Hindi ko alam bakit naging ganun ang reaksyon at naramdaman ko. Na-disappoint ba ako sa sagot niya? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pinilit ang sarili na matulog.

"Fauzia Adrielle! Bumangon ka na at mag almusal!" rinig kong sabi ni lola habang kumakatok.

Walang gana akong bumangon at dumiretso sa cr para magmumog at maghilamos.

Kumain lang ako ng konti at naghugas na agad ng pinagkainan tsaka bumalik sa kwarto. Napatingin ako sa cellphone ko para tignan kung may text na ba siya, parang tumalon ang puso ko ng makitang meron na. Nilabanan ko ang sarili para hindi iyon reply-an. I shut it down at kumuha na ng libro para mag review. May summative test kami sa Monday kaya magrereview nalang ako ngayon at bukas.

"Fauzia! Good morning!" As always, masiglang bati ni Blaze.

I only look at them and started walking.

"Ohhh, someone woke up in the wrong side of the bed" Dane said and umakbay sa akin. I only sighed.

"Period?" Yohan ask na inilingan ko lang.

Nakaramdam naman sila kaya tahimik lang kaming naglakad papasok.

Pumila muna kami para sa flag raising ceremony. After all the singing ay pinapasok na kami sa bawat classroom.

First period, second period, third period, fourth period, then recess.

"At last!" I heard one of my classmate shouted.

"Grabe gutom na gutom na ako!" reklamo ni Dane.

"Ang sakit ng ulo ko, sunod sunod na summative test" kamot ulong sabi ni Blaze.

"Tara na sa canteen!" sabi naman ni Yohan.

"Kayo nalang, pupunta ako sa clinic" walang gana kong sinabi.

"Huh?!" sabay sabay nilang sabi atsaka lumingon.

"May masakit ba sayo??" - Blaze

"Nahihilo ka ba?!" - Dane

"Nilalagnat?" - Yohan

"Masama ba pakiramdam mo?" - Eli

"Gusto ko lang matulog" sabi ko at tumayo na. Nagkatinginan silang apat.

"Alright, dadalhan ka nalang namin ng pagkain sa clinic" Eli said. Hindi nalang ako umimik.

Humabol sila sa akin sa paglalakad at hinatid ako hanggang clinic.

"Mag canteen na kayo" sabi ko at pumasok na.

Lumapit ako sa head nurse.

"Sobrang sama po ng pakiramdam ko, pwede po ba ako dito?" I said.

Tumitig sa akin 'yung nurse at tumayo.

"Oo naman! Dito ka magpahinga" she said after opening the curtain.

"Thank you po" sabi ko at pumasok na doon.

Isinara ko ang kurtina, tinanggal ko ang black shoes at nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto hanggang sa marinig ko ang boses ni Eli.

Mabilis kong pinunasan ang luha na hindi ko napansing pumapatak pala. Nagkunwari akong tulog nang papalapit na sila.

Naramdaman kong binuksan at sinara nila ang kurtina.

"Ah! Alam ko na!" I heard Blaze. They hush him, thinking I am asleep.

"Hoy, Lucas Elijah! Baka naman pinsan mo ang dahilan?! Bubugbugin ko 'yan" ani Blaze

"Huh? Why.." natahimik silang lahat. I fought the urge to look at them.

They just all sighed after a while.

"Fau?" marahang sabi ni Yohan.

"Fauzia, wake up and eat, malapit na matapos ang recess" ani Elijah.

Nag unat ako para kunwaring kagigising ko lang at umupo. Tinignan ko silang apat. They have this gentle look on their eyes. Nag iwas ako ng tingin.

Iniabot ni Eli ang pagkain sa akin at tahimik na kinain 'yun. After eating ay nagbell na. Tumayo kaming lahat at lumabas ng clinic after kong pumirma ng out.

After hours, pumila na ulit para sa uwian. Tahimik ko silang hinantay na matapos maglinis.

"Dapat tuwing may summative test walang cleaners cleaners eh" iritang sabi ni Blaze. Tinawanan lang nila siya. Tahimik ko lang na tinitignan mga paa namin. Cool, sabay sabay hakbang namin!

Kunot noo akong nag angat ng tingin kasi huminto sila kaya napahinto rin ako.

"Rie" napakurap kurap ako. Ashton is here, standing in front of me, holding a bouquet of flowers on his left hand while his right hand is holding a paper bag.

Nilibot ko ang tingin, yeah, we're getting everyone's attention. Napangiwi ako at mabilis na nagtago sa likuran ni Elijah. Humawak ako sa polo niya.

"A-Ano" nakuha naman nila ang ginawa ko, naglakad na si Eli kaya humigpit ang hawak ko sa polo niya at sumunod sa kanya, nagtatago pa rin.

"Okay na, Fau. Wala ng masyadong tao" I heard Yohan said. Dahan dahan kong sinilip ang paligid, nakahawak pa rin sa polo ni Eli.

Nagbuntong hininga ako ng wala na ngang tao. Ngumuso ako ng makita ang lukot na polo ni Eli dahil sa ginawa ko.

"I'm sorry about your uniform" bulong ko.

"It's okay" he said

Hinarap ko na si Ashton.

"What are you doing here?" I ask him.

Napansin kong lumayo sa amin sila Blaze.

"You weren't answering my texts and calls" he said, almost whispering.

"M-May pasok ka diba?" sabi ko nang makalapit na siya

"Mamaya pa, and even so, I can't concentrate because I can't reach you" he said looking so frustrated.

Iniabot niya sa akin ang bulaklak, tinitigan ko muna bago tinanggap. It's my first time receiving such things. Ang laki. Ngumiwi ako, pa'no ko ipapasok ng bahay 'to?

"I'm sorry if I ever made you mad or disappointed" tiningala ko siya. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm sorry, that was so immature" nahihiya kong sabi.

"I understand" he said

"Can I hug you?" he ask after a while. Ngumiti ako at ibinuka ang mga braso.

He hug me so tight.

"I miss you so damn much" he whispered to my ear.

"I miss you too" bulong ko. Humigpit ang yakap niya.

"Ano? Okay na kayo? Kailangan na umuwi ni Fau" I heard Blaze said. Kumalas na ako sa yakap at hinarap sila then tumango.

Eli look at the bouquet of flowers that I am holding. I know what he is thinking.

"U-Uh, I don't think maiuuwi ko 'to" nakasimangot kong sabi kay Ashton. He smiled and naglabas ng malaking plastic na kakasya yung bulaklak.

"Got you! I expected this" he said, looking so proud. Natawa ako at umiling.

Binukas niya 'yung plastic at ipinasok ko ang bulaklak.

"Oh sige na, kailangan na umuwi ni Fauzia!" ani Dane. Kinuha niya 'yung plastic.

"Kami na bahala" sabi ni Yohan habang nakatingin kay Ashton.

He smiled and nod at them then look at me.

"Take care" he said, iniabot niya sa'kin 'yung paper bag at umalis na.

Binuksan ko ang paper bag at may nakalagay na snacks and jar na may mga papel sa loob. Napangiti nalang ako atsaka umiling.

"Does your grandparents already know?" I look at Eli, kunot ang noo.

"About what?" lito kong tanong.

"My cousin courting you" nawala ang kunot ng noo ko at nginitian ko siya.

"Hindi pa" nilingon niya ako pagkatapos kong sabihin iyon. He looks at me, urging me to continue.

"We're planning on doing so, mamaya" mahina kong sabi at nag iwas ng tingin sa kanya. Masyadong malalim ang titig niya, hindi ko kayang sabayan.

"Good to know. It's been 5 months since you guys dated, I think it's their rights to know" ngumiwi ako at napipilitang tumango.

"I guess so?" after saying that ay narinig ko na ang boses ni Ash.

"Thanks couz!" he said after kissing the back of my hand then tap his cousin's shoulder. Eli just nodded and we started walking.

Katatapos lang ng meeting namin para sa upcoming Christmas party. Ihahatid na nila ako pauwi. Kinakabahan ako. Tinignan ko si Ashton na chill lang habang nag uusap sila nila Blaze. Nagbuntong hininga ako. How can he be so calm knowing he's going to meet my grandparents??

Nang nasa tapat na kami ay binuksan ni lola ang gate. Nagmano ako at sumunod naman sila. Pinaka huli si Ash.

"Bago ka ah?" nakangiting sabi ni lola.

"Pinsan po ako ni Lucas" sabi niya, tumingin si lola kay Eli at tumango.

"Mauna na po kami, 'la" paalam nila Blaze at umalis na. Naiwan kaming dalawa ni Ash.

"A-Ah, lola, a-ano" kinakabahan kong sabi.

"Pasok kayo, nandyan si lolo mo sa sala" napalunok ako at tumango.

Sinilip ko si Ash sa gilid ko. Nagbuntong hinginga ako.

"Lolo" bati ko, nagmano ako at sumunod si Ash.

Nakatingin lang si lolo sa kanya. I sighed, again! Tinignan ko si Ash.

"Upo ka muna, magbibihis lang ako" tumango naman siya kaya nagpunta na ako sa kwarto ko pagkatapos kong makita si lola na umupo sa tabi ni lolo.

Mabilis akong naglinis ng katawan, hindi ko marinig kung nag uusap ba sila kasi medyo malayo ang sala sa kwarto ko.

Nang malapit na ako sa sala ay naririnig ko ang tawa ni lolo at lola. Gulat ay nagmamadali akong pumunta sa sala.

"Oh Elle, maupo ka na at nang makakain na kayo" sabi ni lola, nagtataka akong tumingin kay Ashton. He only smiled at me.

Tahimik akong kumain habang salitan ang pag uusap ni lolo at Ashton.

Anong nangyari habang wala ako??

"Right! I heard Abuelo po habang kinakausap niya si Daddy. Pinapagalitan niya si Daddy that time kasi po late na raw nag utos na mag araro" sabi ni Ash na tinawanan ni lolo.

Hindi ko na narinig kasi binuksan ko na ang gripo para mabanlawan ang mga nasabunan ko.

Umupo ako sa tabi ni Ash after that.

"Lolo, Lola, nandito po ako para sabihing aakyat ako ng ligaw kay Fauzia Adrielle" he said that, walang paligoy ligoy, gulat ko siyang nilingon. Saan niya nakuha ang tapang at lakas ng loob niya.

Tahimik lang sila lola, nakatingin sa akin. Ngumuso ako at tumingin sa mga daliri na pinaglalaruan ko.

Ashton's phone rang.

"Excuse me po, sagutin ko lang"

"Sandali" sabi ni lolo nang akmang tatayo si Ash. Kumalabog ang dibdib ko. Pinatay niya ang tawag at umupo ng diretso.

Continue Reading

You'll Also Like

28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
4K 159 5
my heart flutters around like those delicate butterflies you see outside your window when i'm with you. - lowercase intended
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
80.2K 5.6K 60
Shubish oneshots because why not. Mainly fluff with a little angst on the side. Ps- I wanted to write like a long story but I lack a good main plot a...