What's wrong with Monday?

By a31_0u

30 4 0

April 13, 2024 More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5

Kabanata 4

1 0 0
By a31_0u

"Evasco, paprint naman nito kay Sir Somo. Reviewer nyo yan para sa long test. Pabigay nalang nitong drive kay Sir Somo." Utos sa akin ng subject teacher ko sa community engagement. Nag checheck kami ngayon ng notebook sakanya nung bigla syang nag announced na mag papalong test na daw sya.

Pinakita sa akin ng subject teacher ko yung i-pi-print sa comlab nila Sir Somo. Tumango naman ako dito at nag lakad palabas dala ang drive. Tapos ng i-check ni Ma'am ang notebook ko kaya kampante ako habang nag lalakad ako ngayon papuntang comlab. Medyo binabagalan ko pa ang lakad ko nung dumaan ako sa gymnasium dahil may mga nag lalarong cardinals doon.

Nag papractice sila dahil mukhang may laban nanaman sila.

Nang makaakyat sa second floor ng ICT Building ay napahinto pa ako. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil na din siguro sa nangyaring issue sa amin ni Sir Somo nung nakaraan. Sinabihan kasi nung alaga nya ang mga officer ko na bawal daw silang utusan nung nag karoon kami ng activity nung nakaraan. Kailangan daw may permission ni Sir Somo bago sila utusan.

Ang kalaban ngayon ng student council ay mga anak ni Sir Somo. Nag tayo kasi ito ng organization para sa mga researchers ng school. Ito ay ang RGS. Researchers of Greenhigh Senior high. Para sa akin hindi sila kalaban sa organization namin dahil malaki ang tulong nila para sa credentials ng school. Pero dahil sa mga bulungan.

At dahil na din sa ginawa nung officers nya sa officer ko ay parang nag karoon tuloy ng mataas na pader sa pagitan ng RGS at student council. Hindi ko din masisi ang iba dahil sa pinag uusapan nila ito. Para sa akin hindi naman ito big deal. Hindi big deal sa akin ang pagiging entitled nila sa school pero dahil may nangyari ngang issue ay bigla akong na disappoint.

Nagalit si Ma'am Faith dahil sa sinabi ni Sir Somo, disappointed din sya. Dahil medyo kaclose nya si Sir Somo tapos biglang issue ang kakalat na kinakalaban ng mga researchers ang student council. Nakaka disappoint din. Pero hindi naman ako humantong sa sobrang disappointed sa RGS. Ewan ko kung bakit.

Inaapakan na ang student council officer's ko ng ibang organization hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa akin. Siguro dahil part si Eleazar ng mga researchers. Akala ko nung una si Eleazar ang president ng RGS. Pero nag kamali ako. Yung president ng ICT 12-A ang president ng RGS.

Siguro dahil hindi pala pasok si Eleazar kaya hindi sya yung naging president or talagang ayaw nya lang talaga.

Baka busy sa girlfriend.

Bumuntong hininga ako bago ko binihit yung doorknob ng comlab.

Be professional, Monday. Andito ka para mag print hindi makipag tarayan kay Sir Somo kung sakali mang tarayan ka nya or kausapin tungkol sa nangyari. Kung kausapin ka nya dapat chill lang. Relax. Be professional ikaw pa din ang student council president kaya huwag kang mag papadala.

Malakas ang kapit ni Sir Somo sa school principal kaya umayos ka.

Nakagat ko ang ibaba kung labi nung bumungad sa akin ang napaka lamig na hangin galing sa loob ng comlab. Sa lamesa ng adviser ko ako napatingin. Malinis na ang kanyang lamesa at mukhang kanina pa ito umalis. Napatingin naman ako sa paligid ng comlab.

Tahimik ang comlab. Walang tao except sa lalaking nag lalaptop sa color gray na may kagat. Napatingin sya sa gawi ko. Walang expresyon ang kanyang mukha. Mukhang naging istorbo pa ako dahil sa ginawa kung pag silip dito sa comlab.

Nasaan naman kaya si Sir Somo! At bakit mag isa lang dito si Eleazar?!

"A-Ah..." Nakagat ko ang ibaba kung labi nung walang lumabas na kahit isang salita sa akin. Nakita ko ang dahan dahang pag kakunot ng kanyang nuo habang ang kanyang atensyon ay nakatingin pa din sa akin. Ang kanyang dalawang magandang kanyang kamay ay naka lapad padin sa laptop.

Mukhang napaka busy sya. Siguro dahil ito sa papalapit na laban nila sa Baguio.

"S-Sir Somo?" Kagat labing tanong ko sakanya. Tinitigan nya ako ng ilang segundo bago nya binalik ang kanyang tingin sa laptop. Nag tipa ito ng kung ano sa laptop at mukhang ipag papatuloy nya na ang kanyang ginagawa na hindi man lang ako pinapansin.

Snob kapala ha!

Yan ang mga gusto ko mga hard to get.

"Hello, si Sir Somo? May inutos kasi sa akin yung subject teacher ko at may i-pi-print daw ito kay Sir Somo. Nasa akin yung drive. Na sabi na siguro ni Ma'am kay Sir yung i-pa-pa-print." Muling ulit na saad ko. Hindi na sya tumingin sa akin. At mukhang wala syang balak na sagutin ako. Pero mukhang na kita nya sa gilid ng kanyang mata na mag sasalita pa ulit ako. Hindi ko talaga sya tatantanan. Kaya nag salita nalang ito at mukhang na pilitan pa sya.

Kitang kita ko ang pag galaw ng kanyang mata para tingnan ako kahit hindi sya na lingon! Hindi ako delulu! Totoo itong sinasabi ko!

"Come in. Ikaw nalang mag print. He have a class." Nakagat ko ang ibaba ko  nung mag salita si Eleazar habang seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa kanyang laptop. May tinatype ito doon. Ang bilis din ng ginagawa nyang pag tatype. Nangingibabaw ang tunog ng keyboard sa buong comlab dahil sa ginagawa nyang pag pindot dito.

Tumango ako kahit alam ko naman na hindi ito nakatingin sa akin. Sinara ko yung pintuan ng comlab bago ako dahan dahang nag lakad papunta sa table ni Sir Somo. Napatitig ako ng ilang minuto sa lamesa at printer sa tabi ni Sir Somo. Nakagat ko ang ibaba kung labi nung may marealize ako.

Hindi ko sya ma-pi-print dahil walang laptop!

Napatingin ako sa mga laptop na ginagamit dito sa comlab halos lahat ng mga ito ay naka lagay sa isang vault kung saan ito chinacharge.

Napabagsak nalang ang aking balikat bago muling tumingin kay Eleazar. Na seryoso pa din na nakatingin sa laptop nyang may kagat. Busying busy. Sige lang. Mag paka busy ka.

Alam ko namang para sa future natin yan.

Mag hihiwalay din kayo nung girlfriend mo.

Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. Pero dahil sya si Abcd Eleazar hindi nya man lang ako sinulyapan kahit na 1 seconds lang. Patuloy lang sya sa pag tipa sa kanyang laptop.

Muli nanaman ako tumikhim. Siguro ay iniisip nya ngayon ay may sakit ako. Dahil sa ginagawa kung pag titikhim! Bakit naman kasi napaka awkward pag dating sakanya! Hindi naman ako ganito sa iba lalo na sa mga kaklase kung lalaki. Tumatabi panga ako sa mga yun matulog sa room. Pero pag sakanya. Bakit ganito.

Feel ko napaka layo ng distansya naming dalawa. At bawal ko syang lapitan.

"A-Ah pwede na kaya gamitin itong mga laptop dito? Kanina paba sila naka charge? Wala kasi akong dalang laptop. Wala din si Sir. Ask ko lang kung pwede ba itong magamit?" Kagat labing tanong ko kay Eleazar pero parang wala syang na didinig sa mga sinabi ko. Nag hintay ako na tumugon sya pero wala talaga. Patuloy lang sya sa ginagawa nya sakanyang laptop.

Buti nalang talaga understanding ako. Kung hindi. Baka mag selos na ako sa research mo.

"Babalik nalang pala ako kung kakacharge lang nito. Sige, mauna na ako." Kagat labi pading saad ko at tumalikod na. Ayos lang na bumalik ako! At least makikita ko sya! Sige mag sungit kalang sa akin. I will grab that opportunity para mas mapalapit saiyo.

Hindi pa ako nakaka hakbang pero bigla nalang akong na pako sa kinatatayuan ko nung biglang mag salita si Eleazar na namayani dito sa loob ng comlab. "You can use my laptop. Para di kana bumalik." Napapikit ako ng mariin bago ako lumingon sa gawi ni Eleazar.

Wow hindi ko alam kung concern ba sya sa akin or ayaw nya na ulit akong makita kaya nya ipapahiram sa akin yung laptop nya. Pakiramdam ko ay sarcasm yung pag kasabi nya pero nung lumingon ako sakanya ay seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa gawi ko.

Napaka ganda ng mata nya. Kahit siguro titigan nya ako ng masama para takutin ay baka mag lumpasay pa ako sa sahig dahil sa sobrang kilig.

Tumango ako sa sinabi nya. Nag lakad ako papalit sakanya. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Wala nanaman akong control sa dalawa kung paa na ngayon ay tinataksil nanaman ako. Pakiramdam ko ay mag kakaroon ako ng sala kung sakaling lumapit ako sakanya.

Umusog sya at hinila ang plastic na upuan sa kabilang lamesa bago nya ito tinabi sakanya. Tinapik nya ang hinila nyang upuan. Napakurap kurap ako sa ginawa nya. Nag pabalik balik tuloy ako ng tingin sa kanya at sa upuan. Mukhang nag rehistro naman sa utak nya ang kanyang ginawa kaya agad syang umupo ng maayos at seryoso muling tumingin sa laptop nya.

Nag dalawang isip pa akong umupo pero sa huli ay umupo na din ako sa tabi nya. Papaupo palang ako ay na amoy ko na agad ang napaka bago nyang perfume. Ngayon lang ako naka amoy ng ganitong kabangong perfume sa buong buhay ko. Gusto ko nalang sumandal sa balikat nya at yumakap sa kanyang bisig habang inaamoy amoy ang pabango nya.

"Put your drive here." Nagising ako sa kahibangan nung may ituro sya sa gilid ng laptop nya agad naman akong tumango. Para akong assistant nya na sunod sunuran sakanya nung isaksak ko yung drive sa laptop nya. Sya na mismo ang nag bukas ng drive.

"I-Ito yung file." Agad kung tinago ang kamay ko nung mapagtanto na nangingig ako sa kaba dahil katabi ko sya! Mukhang hindi naman na kita ni Eleazar ang panginginig ng aking kamay. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi habang tinitingnan ko ang mga galaw nya habang nag pipindot sa laptop.

I find him so damn hot habang binubuksan ang file na i-pi-print. Kung pwede lang akong sumandal sakanya o hindi kaya huwag nang umalis sa tabi nya ay baka hindi na talaga ako umalis sa tabi. Ako na mismo ang mag tatali sa sarili ko para sakanya. Handa akong maging alalay nya basta sya.

Sya na yan eh.

May magagawa paba ako?

"Ilang copy?" Mahinang tanong ni Eleazar pero sakto lang ang pag kakasabi nya para ma dinig ko. "45." Simpleng sagot ko hindi na sya nag salita at prinint nalang yung nasa files. Napapikit nalang ako nung bigla akong na gulat nung biglang tumunog yung printer.

Pakiramdam ko ay nag karoon ako bigla ng sakit sa puso dahil sa presensya nya!

Kunot nuo nya akong tiningnan. Mukhang na kita nya ang pag kagulat ko dahil sa pag labas ng papel sa printer. Mabilis naman akong tumayo. Pumunta ako sa gilid ng lamesa ni Sir Somo kung saan naroon yung printer na nag labas na ng isang copy na pinapaprint ko.

Kinuha ko yung unang papel na ni labas nung printer bago ako tumingin sa gawi ni Eleazar. "Thank you pala ha." Ngumiti ako kay Eleazar at pinakita yung unang copy na naprint. Tumingin lang sya sa akin at muli ng pinag patuloy yung ginagawa nya.

Nag iwas nalang ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na pangiti sa kawalan. Pakiramdam ko ay may something na kami dahil nag karoon kami ng interaction ngayong araw.

Sige, sungitan mo lang ako ngayon. Hindi mo na yan magagawa kung tayo na.

"Good mood ka yata." Puna ni Aga nung bisitahin nya ako dito sa classroom ko. Ilang araw na din simula yung huling interaction namin ni Eleazar pero pakiramdam ko ay kanina lang yun nangyari. "Nakatulog lang ako ng maayos. Wala kasi mga activities ngayon."

"Anong wala?! Nag rarant nga sa akin yung mga kaklase mo nung nag inuman kami kagabi!"

"Activities kasi na mahirap." Irap na saad ko kay Aga. Kunot nuo nya akong tiningnan bago tumango. "Oh my ghad!" Malakas na sumigaw yung kaklase kung si Aira. Lahat kami ay napatingin sa gawi nya.

Winagayway nya ang kanyang kamay. Hawak nya ang kanyang phone. Para syang nanalo sa lotto kung makasigaw sya ngayon.

"Oh my ghad guyz! Look! Abcd Eleazar accepted me on Facebook!" Malakas na sigaw nya. Agad na nakaagaw iyun ng pansin sa mga kaklase ko. Nag si tayuan ang mga kaklase ko para maki chismis sa hawak nyang phone. Gusto kung tumayo para makita din kung totoo ba na inaccept nya nito pero hindi ko na ginawa.

Bat pa.

Maiinggit lang ako dahil para nga syang nanalo sa lotto.

"May fb pala si Eleazar?!"

"Oo naman! Hmp! Diba kayo updated?! Sa bagay wala kayong sources!"

"Uy! Stalk mo Aira!"

"Wait lang huwag kayong mag siksikan may naamoy akong putok! May hindi nanaman nag tawas sainyo!"

"Marunong palang mag electric guitar si Eleazar?!"

"Hmp! Ano ba yan! Bakit hindi nyo alam! Yang simpleng information lang ay hindi nyo pa alam! Sya yung pinaka matalino dito sa Greenhigh kaya syempre kaya nya lahat! Sabi ni Daddy ay tinuturuan na daw sya para humawak ng negosyo nila! Damn kaka 18 nya lang kaya!"

"May negosyo sila?!"

"Of course! He's an Eleazar for real! They own alot of business here in Gargano! Lalo na sa Manila!"

"Totoo pala syang Eleazar! Kala ko anak lang sa labas eh!" Agad kung kinurot si Aga dahil sa sinigaw nya. Kitang kita ko ang biglang mamumula sa galit ni Aira. Mukhang na dinig nya ang sigaw ni Aga. Bigla sumigaw si Aira na parang sumasabog na bulkan.

Humagikhik naman si Aga at tiningnan ako na para bang wala syang ginawa.

"Bakit?" Natatawang tanong ni Aga. Agad naman akong napailing. "Kala ko ba fan ka nun. Bakit bigla ka nalang naging basher ngayon." Sarkastika kung tanong kay Aga. Tumawa naman sya. "Iniinis ko lang si Aira. Mukha kasi syang clown kapag na gagalit. Ang panget."

"Nung nakaraan sinabihan mo syang maganda ha?"

"Nilibre nya kasi ako kaya ko yun sinabi." Natatawang biro ni Aga. Napailing naman ako sakanya. He's so unbelievable. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utang ng isang ito. Pare parehas silang mga lalaki. Ang gugulo. Baka binabackstab din ako ng isang ito. Kapag na laman ko lang na binabackstab nya.

Baka saksakin ko talaga sya sa likod.

"Nga pala nakita ko si Eleazar sa circle. May sumundo sakanyang kotse. First time ko lang syang na kita don. Mukhang may pinuntahan." Pag chichismis ni Aga sa akin. Inirapan ko sya sa sinabi nya. "I'm not interested."

"Sus, kala mo diko napapansin yung mga sulyap mo sakanya!"

"H-Ha?!" Nagulat ako nung bigla nanamang sumigaw si Aga. Naagaw nya ang atensyon ng iba kung kaklase na nakiki chismis pa din kay Aira na ngayon ay nag kukwento sa kanila ng mga alam nya tungkol kay Eleazar. Para silang mga fan girl.

"Huwag kang mag alala secret lang natin! Diko ipag kakalat! So yun na nga diba mukha syang may pinuntahan kasi nga diko sya nakikita madalas sa may circle kaya nakaka siguro ako na hindi sya nakatira doon! Tapos may nag hatid sakanyang kotse diba?! At ito baka mag selos ka sa sasabihin ko!"

"Bat nanaman ako mag seselos? Wala nga akong pakialam sa lalaking yun."

"Ang oa kala mo talaga totoo! Ito na nga! May bumaba sa kotse na magandang babae! Oo sobrang ganda! Kahit siguro kuko nung magandang babae ay hindi ka papasa!"

"Hindi nga ako interesado."

"Weh di ka affected kahit sabihin ko pa saiyo ngayon na nakita ko silang nag yakapan! Bumili pa sila ng corndog sa may circle at libre nung crush mo! Mukhang masaya pa silang nag bonding sa loob nung kotse! Iyak, Monday!" Natatawang asar ni Aga sa akin. Biglang na wala ang ngiti sa aking labi na ilang araw nang naka ukit dito.

Pakiramdam ko ay pinag sakluban ako ng langit at lupa dahil sa nalaman ko ngayong araw. Bakit ba ako na gulat pa sa na laman ko ngayon? In the first place alam ko naman talaga na may girlfriend yung tao? Kitang kita ko pa nga mismo. Kitang kita ko din kung paano halikan nung babae sa pisngi si Eleazar. Nakita ko din kung paano mag hintay ni Eleazar doon sa babae.

Kaya bakit pa ako na gulat? Siguro dahil parang sinampal ako ng mga salita ni Aga ngayon. Happy crush lang naman pero bakit bigla nalang akong na saktan ngayon?

Ang hirap talagang mag mahal ng jowa nang iba.

Naka busangot ang mukha kung bumaba sa classroom. Papunta ako ngayon sa canteen. Nagugutom na ako pero wala akong gana. Bibili padin ako sa canteen para may makain ako kapag na gutom na talaga ako. Kaya ko namang mag tiis ng gutom pero dahil may nararamdaman na ako. At mamaya pang alas siete ang  uwian namin ay kailangan ko talagang bumili kahit sa ayaw ko o sa gusto ko.

Nang makapasok ako sa loob ng canteen. Bumungad agad sa akin ang mga nag sisiksikan na mga estudyante. Medyo uminit din bigla dito sa loob ng canteen dahil na din siguro sa dami ng estudyante. Agad akong pumili kahit sobrang haba ng pila.

May mga nakangiting bumabati sa akin pero dahil wala ako sa mood ay tango lang ang ginagawa ko. Habang nakapila ako ay may na didinig akong nag aasaran sa likod ko. Straight body akong na katayo. Pakiramdam ko kapag may bumunggo sa akin ngayon ay talaga papatulan ko talaga dahil sa wala nga ako sa mood.

Nangangalahati na ang pila. Papalapit na ako para makabili. Samantalang ang mga estudyante naman na nasa likod ko ay patuloy pa din sa asaran. Halos mapatingin na sakanilang lahat ang mga estudyante dahil sa ingay na ginagawa nila dito sa loob ng canteen.

Napapikit ako ng mariin nung may maramdaman akong matigas na bagay na dumikit sa likod ko. Inis kung hinarap yung mga nag tatawanang mga estudyante sa likod ko. "Ano ba!" Iritang lingon ko matapos akong banggain.

Agad namang tumahimik yung mga nag aasaran sa likod ko. Mga ICT 12-A pala ang mga ito kaya maingay. Mga lalaki nga naman. Daig pa ang babae kung makapag ingay. Wala man lang sinasantong lugar. Basta makapag salita lang.

"I'm sorry." Agad na nakuha ang atensyon ko nung may mag salita sa harap ko. Inangat ko pa ang tingin ko dahil may katangkaran ang lalaking humingi ng paumanhin sa akin. Kulang nalang ay mahimatay ako sa gulat nung mapag tanto ko kung sino yung naka bunggo sa akin.

Ayos lang kung sinadya nya! Sya naman pala yan eh!

Napatitig ako sa kanyang dalawang mata na nakatitig din sa aking mata. Yung dalawa nyang mata ay parang nangungusap na patawadin sya dahil sa na gawa nyang pag bunggo sa likod ko. Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay.

Pag katapos ng mga na laman ko ay bigla nalang syang mag papakita sa akin ngayong araw.

Tse.

Tinaasan ko ng kilay si Eleazar bago ko sya inirapan. Nadinig ko naman ang pag tawanan nung mga kaklase nya. May binulong na kung ano yung mga kaklase nya. Pinigilan ko namang lumingon ulit sa kanya dahil sa takot na mag sorry din ako sakanya dahil sa ginawa kung pag sigaw at pag tataray sakanya.

Buti nalang at na kapag tiis ako. Kung hindi baka bigla akong lumuhod sa kanya para mag beg sa ginawa kung pag irap sakanya.

Sa sobrang kaba ko habang na bili ay hindi ko na namalayan na naka labas na ako sa canteen. Gusto ko nalang mag pakain sa lupa ngayon. Hindi ko inaakalang matatarayan ko ng ganoon si Eleazar. Pero deserve nya din naman yun matapos nya akong pag selosin maigi. Dahil si Aga na mismo ang nag sabi at naka kita sa totoong girlfriend nya.

Sana ako nalang kasi. Kahit kabit nya nalang ako ayos na ako. Sya naman yan eh.

Hay ang hirap mag kagusto sa shota ng iba mapapa tagay ka nalang talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
4.1M 259K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
789K 66K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...