Nag bayad na kami sa hospital para maka uwi na.
Habang nasa daan bigla kong naalala yung picture frame na nakita ko sa kwarto ni George
"Axe, sino yung babaeng-" hindi ko pa lamang na itutuloy ang itatanong ko ay bigla na itong sumagot
"Si Erika, kapatid ni George" seryosong sagot niya sakin
Kapatid pala, pero bakit familiar siya sakin?
Bigla ulit nag salita si Axe na parang nababasa niya ang nasa isipan ko
"Familiar talaga siya sayo, kasi ikaw ang huli niyang kasama bago siya mawala"
A-ako?? Huling kasama? So close talaga kami ng babaeng yun
"Ako? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong sakanya, pero hindi na ito umimik at nag focus nalang sa pag da-drive
........
Pag uwi namin sa bahay ay nakita ko si George sa Terrace na yakap yakap ang picture nilang dalawa ni Erika
Nang makita ako ni George na naka tingin sakanya biglang kumunot ang kaniyang noo
Kaya dumeretso na ako sa loob baka magalit pa ito sakin
"Mag linis ka nga ng bahay Ria, san ba kayo galing huh" bulyaw saakin ni Ian, at agad naman akong sumunod para hindi na ako masaktan
Pero habang nag lilinis ako ay nasagi ko ang base sa tabi ng pintuan ng isang kwarto
"shit"
"Ano yan?" Sigaw ni George mula sa baba, alam kong papalapit na ito dahil pa lakas ng palakas ang boses niya habang nag sasalita
Kitang kita ko kung pano lumaki ang mga mata niya ng makita niya ang base na basag, agad niya akong tinulak para kunin ang basag na base
Ako naman ay hindi naka hawak kaya dumeretso ako sa hagdan at tuluyang nahulog
"Arayyy" Malakas kong sigaw na pumukaw sa kanilang attention, agad akong pinuntahan ni Axe at tinulungan, samantalang si George ay sinusubukan niyang idikit ang base na nabasag ko, akala ko hindi siya magagalit ng sobra pero mali pala
Sinugod niya ako sa kwarto ko, at agad akong sinampal
"Tangina mong babae ka! Sino nag sabi sayo na basagin mo yung base na yun huh, alam mo ba kung gaano ka importante sakin ng Base na yun!!mas malahaga pa yun sa buhay mong hayop ka!" Pabulyaw nitong sabi sakin habang tumutulo ang luha niya "bro" pag pigil naman ni Axe dahil gusto pa akong sapakin ni George
______________________________________
"Wala ka ba talagang maalala, Riri" tanong sakin ni Axe
...
Huh? Ano ba yung gusto niyang sabihin sakin, eh wala naman talaga akong maalala, tsaka ano ba dapat ang maalala ko?
"Huh, ano ba dpt ang maalala ko Axe?" Pagtataka kong tanong dito
"Dapat kasi maalala mo na eh, nga pala aalis ako bukas kailangan na kailangan ko talaga eh, mag ingat ka dito huh"
"Oo, mag ingat ka rin dun huh" naka ngiti kong sabi dito
Kinabukasan, nagising ako ng maaga ngunit wala na si Axe hindi ko siya naabutan
Agad akong nag luto para kela George, Ian at Jade, pagkatapos kong mag luto ay agad ko naman silang ginising para kumain
Biglang tumayo si George sa kinauupuan niya at galit na sinabing... "Tsk, ano ba to Ria?, bakit ganito yung lasa papatayin mo ba kami sa sama ng lasa ng niluto mo huh"
"A-ah ano bang masama sa lasa ng niluto ko?"
Hindi niya na sinagot ang tanong ko at agad niyang sinubsob ang mukha ko sa plato niya, "yan kainin mo, at nang malaman mo bwesit! "
Hindi ko na napigilan ang luha ko, dahil sa ginawang yun ni George samantalang sila Ian at Jade ay tumatawa lamang habang naka tingin sakin
"Ano bang ginawa ko sainyo, bakit ba ang sama ng trato niyo sakin? Hindi naman kayo ganyan dati ah, pinagsisisihan ko tuloy na sumama ako sainyo, at sana aware kayo na nasasaktan na ako sa mga ginagawa niyo, sana alam niyo na gusto ko nalang mamatay dahil sainyo!!"
Huling salita na lumabas sa bibig ko bago ako himatayin
_________________________________________
Nagising ako dahil sa sikat ng araw, at pagmulat ng mga mata ko ay una kong nakita sila Teahyung
Sila Teahyung? Bakit sila nandito?
Kasama nila si Axelle, umiiyak si Jimin at Rielyn habang si Suga at Jungkook naman ay nasa gilid lamang, tahimik at walang imik
"Lord thankyou, Ria!" Masayang sabi sakin ni Teahyung habang nagpipigil ng luha, "thankyou at nagising ka, bakit hindi ka nagsasabi samin na iba na pala ang trato sayo ng bago mong kaibigan?" Hindi na niya napigilan ang luha nya rito at umiyak, dahan dahan niyang pinatong ang ulo niya sa mga kamay ko
"Alam mo ba na araw araw kitang namimiss, araw araw kitang gustong puntahan pero hindi ko alam kung saan ako pupunta, araw araw kitang hinahanap Ria hindi ko man naparamdam sayo noon na gusto at mahal kita, ngayon alam mo na na mahal kita hindi lang bilang kaibigan kundi mahal as in mahal"
Isang familiar na boses ang narinig ko at sinabing
"S-sorry Ria sa nagawa ko noon", tama nga si Jungkook humihingi siya ng tawad sa mga nagawa niya noon, pero matagal ko na siyang na patawad kaya wala siyang sapat na ipag alala
Niyakap ako ni Teahyung sabay sabi sakin ang katagang "hindi na kita iiwan ulit Ria ko"
.....
Tahimik lang sa gilid si Axe habang pinapanood kaming nag sisiiyakan
"Nga pala, may sakit sa puso si Riri, hindi na rin siya magtatagal" Biglang sabi ni Axe na pumukaw naman sa attention ng lahat ng nasa room na iyon
"a-ano? Sakit sa puso" mas lalo pang hinigpitan ni Teahyung ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko "please wag mo kaming iiwan, babawi palang kami sayo eh"
Nag stay sila sa hospital hanggang Kinabukasan, hindi naman mawala sa isip ko ang kapatid ni George na si Erika
"Erika..." mahinang sambit ko na pinagtataka ko dahil gulat na gulat ang mukha nilang apat
"May naaalala kana Ria?" Kinakabahang tanong ni Jungkook sakin
"w-wala ano ba kasi ang dapat kong malaman?"
"Si Erika kasi - nag simula ng mag kwento si Teahyung na naka Yuko ang ulo - si Erika, kaibigan mo siya Ria siya ang lagi mong kasama nung mga araw na buhay pa siya palagi siyang tumatakas sa kuya niya para lang maka sama sayo sa galaan ikaw naman na makulit ay tinatakas mo siya, kaso isang araw nang itakas mo siya mula sakanila habang nag d-drive ka hindi mo namalayan ang truck na paparating kaya nagsalpukan ang kotse mo at ang truck na iyon, ikaw lang ang naihabol sa hospital samantalang si Erika naman ay hindi na umabot at tuluyan ng pumanaw, nawalan ka ng ala ala dahil sa pagkaka bangga mo pero hindi na namin sinubukang ibalik ang alaalang iyon dahil baka ma trauma ka sa nangyari, kaya nagpasya kami na gumawa ng bagong ala ala kasama kami, kasama ka" malungkot na sambit ni Teahyung
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko
Kaya naman pala galit na galit sakin si George kasi ako ang dahilan ng pagka matay ng kapatid niya
"Sorry ngayon kolang sinabi say-" hindi pa natatapos ang sinasabi ni Teahyung ng bigla akong maputulan ng hininga, at tuluyang maka tulog.
__________________________________________
Teahyung point of view
Simula ng maka tulog siya hindi pa siya gumigising, kaya agad na akong nag tawag ng doctor para i-check si Ria
Laking gulat ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor, hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko dahil dito
.......
Wala na si Ria, wala na siya....
Bakit naman Ria, bakit mo kami iniwan hindi ka pa namin nakakasama, diba babawi pa kami sayo bakit naman ang aga
Nakakainis ka hindi mo manlang sinabi na Huling hininga mo na pala yun, Riaaaaa!!! Bakittt???
Humagulgol ako sa iyak habang naka tingin sa nakahigang katawan ni Ria na wala ng buhay
P-pano na kami, mahal na mahal kita Ria!!
......
"Mag pahinga kana huh, iingatan ka nila jan at hindi mo na mararanasan ang mga pasakit na pinaranas namin sayo Ria, sana kahit jan sa kabilang mundo ay sumaya at maranasan mo na rin lumigaya, I love you Ria mamimiss kita"