Moments In Time

By Ember-1458

1.9K 40 26

A Fidel and Klay one-shot fanfic collection . . . Disclaimer: No copryright infringement. Original characters... More

Casa De Los Reyes Y Maglipol
Sinaunang Couple Shirt
Aish! Dak Cheo!
Ikaw lang ang SAKALAM
Namamangka sa dalawang ilog
Hindi ba pwedeng... Ikaw na lang?
Karibal
Yo Te Quiero ka talaga!
Andito ka na

Sa Dako Paroon...

130 3 4
By Ember-1458

Moments in Time 07 - Sa Dako Paroon...

Summary: May isang panganib na nakasunod kay Fidel. Alam nyang buhay nya ang nakataya... pero mas una nyang iniisip ang kaligtasan ni Klay.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Hakbang, isa, dalawa. Nag-uunahan ang mga paa nya sa paghakbang upang marating agad ang destinasyon. Rinig na rinig ni Fidel ang bawat hakbang na kanyang tinatahak dahil tahimik ang paligid nya. Nakakarindi, nakakahindik at nakakabaliw na katahimikan ang mayroon sa medyo madilim na pasilyong ito.

Kanina pa tinatayuan ng balahibo si Fidel. Naka-alerto ang lahat ng pandama nya. May nararamdaman syang kakaiba kanina pa. Huminto saglit si Fidel at nakiramdam. Sa likod. Sa bandang likuran nya nararamdamang nanggagaling ang kakaibang presenya. Lumingon syang pabalik sa pinanggalingan.

Madilim ang pasilyo dahil iilan lang ang mga ilaw at malayo sa isa't isa. Kaya kinailangang antayin ni Fidel na masanay ang mata sa dilim ng pasilyo. Ilang segundo rin ang inantay nya bago masanay ang mata. At doon na nya iyon nakita.

Isang nilalang sa hindi kalayuan. Nakasuot ito ng puti ngunit napakaruming bestida. Tila ito'y nakalutang dahil hindi maaninag ni Fidel ang mga paa nito. Hindi rin maaninag ni Fidel ang mukha nito. Napalunok si Fidel.

Muli ay lumingon sya sa harap at nagsimulang maglakad ng mas mabilis. Bakit nga ba kasi kay haba ng pasilyong ito? Hinahanap nya ang pinakahuling pintuan sa may bandang kanan. Laking ginhawa ang naramdaman nya ng sa wakas ay nakita na nyang malapit na ito. Halos takbuhin nya ang ilang metro pa ng pasilyo papunta sa pinto.

Nang makalapit sa pinto'y dali-daling kinuha ni Fidel ang susi. Sa nanginginig na kamay ay nagmamadali syang buksan ang pinto, ngunit parang hindi gumagana ang mga susi. Napatingin syang muli sa pinanggalingan.

Unti-unti itong lumalapit. Tama ang hinala ni Fidel. Lumulutang nga ito dahil lumalapit ito sa kanya ngunit wala naman syang nakikita o naririnig na yabag. Kinakabahan na ng husto si Fidel. Muli ay tinignan nya ang kanyang mga susi at hinanap sa mga ito ang tamang susing makakapag bukas ng pinto.

Nahanap rin nya sa wakas. Nanginginig pa rin ang kamay nya pero nagawa nyang mabuksan sa wakas ang pinto. Nagmamadali syang pumasok at mabilis ring isinara ito. Kinandado nyo ng maigi ang pinto at inihilig ang noo dito. Nagdadasal.

"Oh Fidel, mahal. Andyan ka na pala. Kamusta, napagod ka ba sa trabaho mo ngayong araw? May aberya ba sa jewelry shop?" Tanong ni Klay. Nag-angat ng paningin si Fidel at nakita si Klay na nakabihis pambahay at bagong ligo. Kalalabas lang nito sa banyo.

"Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?" Alalang wika ni Klay nang makita ang tila gulat at takot sa mukha ni Fidel. Pinilit naman ng ginoo na pakalmahin ang sarili ang ngumiti sa fiancée.

"...W-Wala ito, Klay. Muntikan lang kasi ako madapa kanina kaya parang ang bilis ng tibok ng puso ko..." Palusot na lamang ni Fidel. Hindi pwedeng malaman ni Klay ito. Pilit na ngumiti si Fidel kay Klay upang siguraduhin na maayos lang ang lahat. Nilapitan sya ni Klay, yamakap at humalik sa kanyang pisngi. Nang dahil doo'y napagaan kahit papano ang bigat na kanyang nararamdaman.

"Sige, sabi mo ih. Nagluto nako mahal. Kaldereta at pinakbet. Aayusin ko na yung mesa. Kaya maghugas ka na ng kamay para makakain na tayo." Pag-ayaya sa kanya ni Klay. Hinaplos ng dalaga ang kanyang pisngi at ngumiti bago tumungo sa dining room ng kanilang condo unit.

"Sige, mahal. Susunod nako. Itatabi ko lang tong sapatos ko at magpapalit ng tsinelas." Pagsang-ayon ni Fidel. Nang makitang nakaalis na si Klay ay muling tinignan ni Fidel ang pinto... At muling nanginig ang kanyang buong pagkatao.

Sa maliit sa siwang nang pinto sa ibaba ay naanig nya ang anino ng dalawang paa ng kung sino man ang nakatayo sa labas. Sinilip ni Fidel ang peep hole, pero wala namang tao roon. Walang tao, pero andun parin ung anino ng mga paa.

Maya-maya pa'y nakita nyang unti-unting umiikot ang doorknob ng pinto. Sa nagpapanic na estado, kinando ni Fidel ang 3 safety locks ng main door ng condo unit nila ni Klay at inilagay ang latch. Sa gilid ng pinto, inactivate din ni Fidel ang kanilang home security at in-ensure na working ang CCTV. Kung sino man ang naglalaro sa kanya, hindi sya papayag na manalo ito. Hindi sya magpapadala sa takot.

Ilang segundo pa munang inobserbahan ni Fidel ang pinto. Muling sumilip sa peep hole at tinignan ang doorknob. Wala ng nagtatangkang pumasok sa kanilang unit. Kaya pumunta na sya sa dining room kung saan nag-aantay si Klay.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Balisa.

Naalimpungatan si Fidel pagkat parang mag biglang humihila sa kanyang diwa para sya ay magising. Ilang beses muna niyang tinitigan ang kisame habang inaantay na mag-adjust ang mata nya sa dilim. Lumingon sya sa bandang kaliwa nya kung saan katabi nyang natutulog si Klay. Kay himbing nito kaya nangiti sya. Inayos nya ang kumot at maingat na hinalikan ang noo nito. Pagkahuma'y tumayo upang magpunta sa kitchen at kumuha ng maiinom ng tubig.

Natigilan si Fidel sa akmang pagtayo. Marahang nakabukas ang pintuan ng kanilang silid tulugan. Paanong nangyari iyon? Nasa bandang kanang paanang gilid ng kama nila ang pinto, malapit kung saan sya lagi natutulog. Kaya laging sya ang nagsasara nito. Isa rin kasi sa kanyang mga 'quirks' ay lagi nyang isinasara iyon sa tuwing sila'y matutulog kahit ba silang dalawa lang naman ang nakatira sa buong unit. Hindi kasi sya kumportable kapag hindi nakasara ang pinto. Kaya paanong nakabukas iyon?

Iniling-iling na lang ni Fidel ang ulo. Marahil ay nakalimutan nyang isara ng maigi ang pinto kanina. Nagsimulang gumayak at tumayo si Fidel upang isara na lang ng maigi ang pinto ngunit bigla syang napahinto. Nanayo ang lahat ng balahibo sa buong katawan ni Fidel ng mapansing dahan-dahang bumubukas ang pinto. Naririnig nya ang paglangitngit nito na nagpapalala sa paninindig ng kanyang mga balahibo. Kitang kita na ngayon ni Fidel ang madilim na salas ng kanilang tahanan.

Buong alertong tinitigan ni Fidel ang labas ng pinto ng kanilang kwarto. Gising na ang kanyang diwa at lalo pang nagbubumilis ang pintig ng kanyang puso. Tinitigan nyang maigi ang kadiliman ng sala, para bang may hinahanap ang mata nya.

At doon na nya ito nakita.

Isang babaeng ang nakatayo sa kalagitnaan ng kanilang salas. Hindi nya maaninag ang mukha nito, pero ito ay nakasuot ng mahabang puting damit na kay rumi. Umusbong ang galit sa puso ni Fidel. Andito si Klay, hindi nya hahayaang mapahamak ang katipan. Kaya naman buong tapang syang lumabas ng kanilang silid, maingat na isinara ang pinto at saka pumunta kung nasaan ang babaeng nakita nya kanina... Ngunit wala na ito roon.

"Magpakita ka sakin. Harapin mo ko. Ano ba talagang gusto mo?" Sambit ni Fidel sa galit ngunit mahinang tono. Bagama't may takot syang nararamdaman, mas nanaig sa kanya ang protektahan si Klay sa kung sino mang nanloob sa kanilang tirahan. Hindi sya namuhay ng ilang dekada sa kakahuyan bilang isang tulisan para lamang matakot sa ganitong sitwasyon. Malakas sya at may kakayahan syang protektahan ang mahal nya sa buhay.

Biglang napatalikod si Fidel ng marinig ang kalabog sa kanyang likuran. Napansin nyang nakasarado pa rin ang pintuan ng kanilang silid. Tumakbo si Fidel sa may gilid ng sala kung nasaan ang switch ng ilaw at binuksan ito. Nabalot ng liwanag ang buong salas ngunit wala naman syang nakitang babae o kahit anong nilalang.

"Huwag kang magtago, duwag. Harapin mo ko!" Muli ang sambit ni Fidel sa marahan ngunit galit na tono.

'...Fidel...'

Mahina lang iyon ngunit narinig ni Fidel ang boses na tumawag sa kanya. Boses ng isang babae, ngunit hindi boses ni Klay. Tinakbo ni Fidel ang storage closet na nasa pagitan ng dining area at salas nila kung saan niya tinatago ang kanyang golf clubs. Kumuha ng isa upang gawing sandata.

'...Fidel...'

Narinig nyang muli. Nagagalit na syang tunay. Imbis na matakot ay isinentro na lang ni Fidel ang lahat ng lakas at diwa sa galit. May naglalaro sa kanya sa kanyang sariling pamamahay at hindi nya gusto iyon.

"Sinabing magpakita ka duwag!" Sa pagkakatong iyon, napalakas ang sambit ni Fidel.

Biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa salas. Kasabay noon ay narinig ni Fidel ang tila mala-demonyong tawa ng isang babae. Muli ay bumalot ang takot kay Fidel. Umikot-ikot sya sa kanyang kinatatayuan. Pilit na hinahanap ang babaeng nakita nya kanina. Ang babaeng paniguradong may kagagawan ng nangyayari ngayon sa salas.

Bigla ay naaninag ni Fidel ang babaeng nakatayo sa may malapit sa gilid ng sofa. Dali-daling nagpunta si Fidel doon at hinataw ang golf club sa direksyon papunta sa kinatatayuan ng babae. Ngunit bigla itong nawala.

Napatalikod agad si Fidel ng marinig ulit ang tawa ng babae sa kanyang bandang likuran. Andun ang babae sa may gilid ng kanilang breakfast counter. Tumakbo si Fidel patungo roon at hinataw muli ang golf club. Ngunit tulad kanina'y, biglang nawala muli ang babae.

"Sinabing harapin mo ko eh! Wag kang duwag! Harapin mo ko!" Tuluyang sigaw ni Fidel. At tuluyan na ring namatay ang ilaw. Tumakbo si Fidel sa bandang gilid kung nasaan ang switch. Hindi bumukas ang ilaw kahit anong pindot nya sa switch nito.

Nanlamig ang buong salas. Hindi nya naramdaman ang lamig na ganito kanina. Hindi naman nakabukas ang aircon nila dito dahil pinapatay talaga nila ito pag gabi upang makatipid sa kuryente. Kaya hindi mawari ni Fidel kung bakit tumindi ang lamig sa salas.

Pagtapos ng ilang segundo ng paglamig, dali-dali namang uminit ang temperatura ng salas. Nagsimulag magpawis agad si Fidel. Ayaw man nyang aminin, pero takot na takot na sya. Nasa ganoong kalagayan syang ng marinig muli ang tawa ng babae sa likuran nya. Kaya buong lakas nyang inihataw ang golf club habang tumalikod.

"ANO BA!" Sigaw ni Fidel ngunit bigla rin naman syang napahinto. Nahugot lahat ng hangin sa bagg nya at sa nanlalaking mata'y tinitigan nya ang babaeng nakaputi na nakatayo na lamang ilang pulgada mula sa kanya.

Pinilit ni Fidel na lumaban at ihampas muli ang golf club na hawak nya. Ngunit hindi sya makagalaw. Sinubukan nyang humakbang, pero ayaw sumunod nang kanyang paa't binti sa kanya. Tinitigan nyan muli ang babae.

Tumatawa parin ito sa nakakaloko at mala-demonyong paraan. Humahakbang na ito palapit sa kanya habang itinataas ang dalawang kamay sa level ng kanyang leeg. Gustong magsalita ni Fidel, magmakaawa na lubayan silang dalawa ni Klay. Ngunit hindi rin sya makapagsalita. Tila sya estatwa sa sariling tahanan.

Naramdaman ni Fidel ang unti-unting paghigpit ng mga kamay nito sa kanyang leeg. Masakit at mahigpit, pero hindi sya makalaban. Nararamdaman nya ang pananakit ng baga dahil sa pagkaputol ng daloy ng kanyang hangin. Nanlalaki ang mata nya at ang kanyang bibig ay nakabuka, pero walang ingay na lumalabas roon.

Unti-unti ng nagdidilim ang kanyang paningin. Pero sinisikap pa rin ni Fidel na sumigaw upang ialerto si Klay na gumising at tumakas na. Bago sya mawalan ng malay ay sa wakas, nahanap muli ni Fidel ang kanyang boses at sumigaw.

"...KLLLLLAAAAAYYYYYY!!!!!!!!..."

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

"...Fidel! Fidel! Gising! Ayos ka lang ba?..."

Naalimpungatan si Fidel. Kasabay noon ay bigla syang tumayo sa pagkakahiga. Kay bilis ng kanyang paghinga. Iniikot nya ang kanyang mata. Nasa kama sya, katabi ni Klay, sa kanilang silid tulugan. Tinitigan nya si Klay habang patuloy na humihingal.

"Binabangungot ka, Fidel." Pag-aalo sa kanya ni Klay habang hinihimas nito ang kanyang likod at pinupunasaan ang iilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Kinuha ni Klay ang remote control ng air conditioning at ini-set ang temperatura sa mas malamig.

"Ano bang ginawa mo bago matulog at binabangungot ka? Hindi sabi ko wag kang matulog ng busog? Andami mo kasing kinain kaninang dinner eh. Ayan tuloy. Ano bang napaginipan mo? Ikwento mo sakin mahal para hindi magkatotoo." Sabi ni Klay na ang huli ay saliw sa paniniwala ng mga nakakatanda.

Tinignan saglit ni Fidel si Klay bago pumikit. Sariwang sariwa pa sa isip nya ang pangyayari sa kanyang 'bangungot' na para bang hindi ito isang panaginip, bagkus ay totoo iyong nangyari. Hindi dapat ito malaman ni Klay pagkat baka pati sya ay mapahamak. Hindi iyon hahayaan ni Fidel. Kaya nagmulat muli sya ng mata ng may determinasyon.

"...H-Hindi ko masyadong maalala... Madilim at magulo yung pangyayari sa panaginip ko... Pasensya ka na Klay..." Paliwanag ni Fidel. Doble ang pakahuluguhan ng huling sinabi. Humihingi sya ng pasensya dahil nagawa nyang magsinungaling kay Klay. Ngunit para rin naman iyo sa kaligtasan ng dalaga.

"O, sige. Dyan ka na lang muna. Kukuha lang ako ng tubig." Akmang tatayo si Klay upang lumabas ng kwarto at kuhaan si Fidel ng maiinom ng tubig. Ngunit hinawakan ni Fidel ang braso ni Klay ng marahan.

"Huwag na mahal. Ayos lang ako. Medyo kumalma na rin naman na ang puso at utak ko. Hindi naman ako nauuhaw. Dito ka na lang. Huwag mo ko iwan." Paglalambing ni Fidel na sinuklian naman ni Klay ng matamis na ngiti.

Dinampian ng palad ni Klay ang pisngi ni Fidel at dahan-dahan itong hinaplos. Napapikit si Fidel sa ginawi ni Klay. Lalo lang iyong nagpakalma sa kanya. Hinawakan ni Fidel ang kamay ni Klay na nakahawak sa pisngi nya bago nagmulat ng mata at ngumiting pabalik kay Klay.

"Klay, alam mo naman na lahat ay aking gagawin para lang maprotektahan, maalagaan at mapaligaya ka, di ba?" Tanong ni Fidel kay Klay. Bagama't nagkunot ng noo si Klay, hindi nawala ang ngiti nito.

"Oo, naman. Ganon din naman ako sayo. Po-protektahan at aalgaan din kita. Kasi mahal na mahal kita." Paniniyak ni Klay kay Fidel. Nabawasan nito ang takot sa puso ni Fidel at muling nagpalakas ng tapang nya.

"Mahal na mahal din kita Klay. Sobra sobra pa sa buong pagkatao ko." Sagot ni Fidel sa pahayag ni Klay. Tinawid naman ni Klay ang pagitan ng kanilang labi. Marahan at matamis. Kay sarap ng mga halik ni Klay.

Pagkatapos ng halos walang katapusang saglit ng ligayang dulot sa kanya ng mga halik ni Klay ay pareho na silang muling humiga sa kanilang kama. Magkayakap sa isa't isa. Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog ng muli si Klay. Hinayaan lang iyon ni Fidel.

Matagal bago muling pinukaw ng antok si Fidel. Matagal nyang pinagmamasadan ang kanilang pintuan. Alerto sa kung ano mang panganib na maaring dumating.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Pauwi na si Fidel sa condo unit nila ni Klay. Maayos at maalwan ang buong araw dahil walang masyadong naging aberya sa kanyang kumpanya. Naiayos na nya ang panibagong marketing campaign para sa 'summer collection' ng mga bagong disenyo ng alahas na sisimulan na nilang ibenta sa lahat ng branches ng Kings Jewellery simula sa kalagitnaan ng Abril.

Masayang masaya sya sa tinatakbo ng kanyang negosyo. Kaya naman bago umuwi ay nag-grocery sya kasi napansin nyang may iilang kagamitan sila ni Klay na malapit ng maubos. Bilang may oras pa sya ay dinesisyonan na nyang sya na ang gumawa noon bilang talagang busy si Klay. Saktong nasa grocery sya at nagsa-shopping nang magtext si Klay na medyo gagabihin ng uwi pero sa bahay pa rin ito kakain. Kaya naman bumili na rin si Fidel ng ilang sangkap para sa menudo at sya na ang magluluto.

Maliwanag pa sa labas ng makauwi si Fidel. Alas singko pa lang ng hapon at hindi pa lumulubog ang araw. Ang sabi ni Klay sa kanyang text ay mga bandang alas otso sya makakauwi. May tatlong oras si Fidel para magluto at mag-ayos ng kaunti dito sa kanilang condo.

Masigasig na nagluto si Fidel. Sosorpresahin kasi nya si Klay. Ang bilin ni Klay ay initin na lang ni Fidel ang pinakbet na ini-ulam nila kagabi. Oo, susundin nya ang bilin ni Klay. Pero gusto rin nyang sorpresahin ng isa pang ulam si Klay. After all, balance diet nga dapat di ba katulad ng laging bilin ni Klay. Dapat may enough fiber, carbs at protein silang kinakain lagi. Kaya mainam na nagluto na rin sya ng menudo.

Nang matapos syang magluto ay isinet ni Fidel ang setting ng crockpot sa warm para manatiling mainit ang menudo. Alas sais i-media na ng matapos syang magluto at wala pang text si Klay na pauwi na ito. Inaasahan naman nya iyon dahil nga baka alas otso pa daw ito makauwi. Kaya naglinis-linis muna si Fidel ng mga ginamit nya sa pagluluto. Sinapat sipat na rin nya ng linis ang buong condo unit nila. Alas siete kinse na nang matapos syang magligpit at linis sa buong condo. Inilabas na nya sa refrigerator ang pinakbet upang magsimula na itong ma-defrost para sa pagdating ni Klay ang hindi na matagal initin ito sa microwave. Sinumulan na rin ni Fidel na magluto ng kanin sa rice cooker para luto na rin ito at mainit pa pagdating ni Klay. Kumuha rin si Fidel ng white wine na nasa cupboard nila at inilagay ito sa refrigerator para 'chilled' na ito pagkakain na sila. Nang mapagtantong maayos na ang lahat ay pumasok si Fidel sa kwarto nila upang kumuha ng damit na pang palit bago tumungo sa banyo upang maligo.

Maingat na nilagay ni Fidel sa laundry basket ang lahat ng artikulo ng damit na suot nya. Pagkatapos noon ay isinabit nya sa rack ang tuwalya at nilapag sa counter table ang damit na susuotin nya matapos maligo. Nag-step in na sya sa shower area at bubuksan na sana nya ang shower faucet ng bigla nyang maalalang isara ang shower curtain. Madalas kasing nakakalimutan nyang isara iyon pag naliligo sya. Kinakayamot iyon ni Klay dahil pag hindi nya sinara ang shower curtain habang naliligo, kumakalat ang basa ng tubig sa buong banyo. Ayaw ni Klay sa basang banyo dahil lalong daw magge-generate ang bacteria dahil gusto nito sa damp environment.

Matapos masigurong nakasaradong maigi ang shower curtain ay nagsimula ng maligo si Fidel. Ilang minuto muna syang nakatayo lang sa ilalim ng maligamgam na tubig. Nararamdaman ni Fidel na para bang nawawala ang lahat ng kanyang stress kasabay ng pagdaloy ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Kalauna'y nagsimula na rin syang mag sabon at shampoo. Minamasahe at kinikiskis ni Fidel ang bawat sulok ng kanyang katawan gamit ang paddle loofa, lalo na sa kanyang likod.

Nasa ganoong kalagayan si Fidel, masabon ang buong katawan at medyo nahihilam ng marinig nya ang langitngit ng pagbukas ng pinto ng banyo. Dali daling pinunasan nya ng kanyang kamay ang mga mata upang mahawi ang pinaghalong bula ng shampoo at sabon. Sa ilaw ng banyo ay nakita ni Fidel ang anino ng isang babae na nakatayo malapit sa shower area sa labas lamang ng shower curtain. Napalunok si Fidel, mabilis na naging alerto ang lahat ng pandama. Hinawakan nyang maigi ang paddle loofa para gawing sandata sa kung sino man ang nasa banyo kasama nya.

Ilang araw na ito. Ilang araw na nyang nararamdaman ang pagsunod sa kanya ng mahiwagang babaeng ito. Hindi nya gusto ito pagkat pawang kapahamakan lamang ang nararamdaman nya mula rito. Umusbong muli ang takot sa pagkatao ni Fidel. Kailan ba sya titigilan nito? Ano ang dapat nyang gawin para lubayan na sya nito. Sariwa pa sa kanyang isip ang matinding bangungot nya kagabi. Hindi ba sya talaga patatahimikin nito? Pinalitan pilit ni Fidel ng galit ang nararamdamang takot. Tama na. Kung sino man itong babaeng ito, titigil ang panggugulo nya sa kanya ngayon mismo.

Hinawakan ni Fidel ang shower curtain sa kanyang kaliwang kamay habang hawak pa rin nya ang paddle loofa sa kanan, handang ipamalo ito sa kung sino mang naglalaro sa kanya. Walang isang segundo at bigla nyang binuksan ang shower curtain.

"...HAYOP KA!!!---" Sigaw ni Fidel sa akmang pagpalo sana sa babaeng nakatayo sa labas ng shower curtain ngunit bigla rin nyang napigilan ang sarili.

"HOY, FIDEL!! AKO TOH SI KLAY!! ANO BA?!!" Buti na lang talaga napigilan ni Fidel ang pagpalo kay Klay kung hindi ay mapapahamak sya.

Nang mapagtanto ni Klay na hubo't hubad si Fidel sa harap nya'y bigla itong tumalikod. Nang makita ni Fidel ang biglang pagtalikod ni Klay ay saka nya naalalang naliligo nga pala sya at walang kung anong saplot maliban sa bula mula sa shampoo at sabon. Bigla nyang hinawi pasara ang shower curtain.

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan, Klay? Naliligo ako eh." Marahang suway ni Fidel kay Klay.

"Pasensya ka na. Kukuha lang sana ako ng napkin kasi bigla akong nagkaron. Hindi nako nagpaalam sayo kasi mabilis lang naman toh. Tapusin mo na yang pagligo mo. Lalabas na rin ako." Sagot ni Klay sa kanya. Wala pang isang minuto matapos nito'y lumabas na rin si Klay.

Mabilis na tinapos ni Fidel ang paliligo. Pinatuyo ang sarili ng maigi gamit ang towel at nagblower ng buhok. Pagkatapos magbihis ay lumabas na rin sya kaagad ng banyo upang aluhin at asikasuhin si Klay.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Mataimtim. Tahimik. Walang kibuan. Sa ganoong paraan silang dalawa ni Klay kumakain ng hapunan. Natuwa man si Klay sa sorpresa nyang menudo, ngunit alam nyang naninimbang ito. Alam nyang nananalaytay pa rin sa isip ng fiancée ang nangyari kanina sa banyo. Hindi yung parteng nakita sya nitong hubo, kung hindi yung parteng muntikan nya itong saktan. Alam nyang nagtataka na si Klay sa kanyang mga kinikilos nitong mga nakaraang araw. Pilit syang nagpapatay malisya.

Naiinis si Klay. May nangyayari kay Fidel at ayaw nitong sabihin iyon sa kanya. Hindi sya pinapansin nito ngayon habang kumakain sila. Pag nagkakasalubong ang kanilang paningin ay bigla itong umiiwas. Ano bang problema nito? Nako! Talaga lang! Pag nalaman nyang may ibang babae toh, iihawin nya to ng buhay.

Subo ng pagkain, lingon ng kaunti, iwas rin kaagad. Pinagpapawisan na si Fidel kahit malamig naman ang temperatura sa loob ng condo. Alam nyang may namumuo ng hinala sa isip ni Klay. Marahil ay dapat magsabi na sya ng totoo. Kesa naman kung ano ang maisip nito. Magsasalita na sana sya ngunit nabigla sya sa ginawa ni Klay.

-BLAG!!--

Ibinagsak ni Klay ang dalawang kamay nya sa lamesa. Pagkatapos ay tumingin sya ng matindi kay Fidel. Para namang basang kuting si Fidel na hindi mawari kung anong gagawin. Patay, galit na si Klay.

"Hoy, lalake! Magtapat ka nga sakin? Pa-surprise-surprise ka pa kuno! May ginawa kang masama noh? Kaya ka binangungot kagabi! Kaya rin muntikan mo kong hatawin ng loofa kanina sa banyo! Tapos may paluto ka pa kunwari ng menudo. Bakit? Guilty ka ba? May babae ka ba ha?! Nakabuntis ka no! Pakakasalan mo yung babae mo noh! Pinaasa mo lang ako! Iiwan mo pala ako! Hayop ka! Babaero ka! Manlolo-" Inumpisahan ni Klay na hampas-hampasin si Fidel ngunit hinawakan ng ginoo ang pareho nyang kamay at hinila si Klay papalapit sa kanya sabay hinalikan ito sa labi. Nagpupumiglas ng una si Klay ngunit hindi sya tinigilan ni Fidel. Nang maramdaman ni Fidel na unti unting nagre-relax si Klay ay binagalan nya ang paghalik dito. Kung kanina ay para silang nag-aagawan ng kontrol, ngayon naman ay pareho silang malumanay na hinahalikan ang isa't isa. Nang tuluyan ng kumalma si Klay ay tinigil muna ni Fidel ang paghalik dito. Niyakap ito at hinimas himas ang likod. Isiniksik naman ni Klay ang mukha nya sa gilid ng leeg ni Fidel.

"Klay, Ano ka ba? Kung saan-saan na napunta yang suspetsa mo. Pakinggan mo muna sana ako. Maari ba?" Malambing na tanong ni Fidel kay Klay. Naramdaman nya ang banayad na pagtango ni Klay habang nakasiksik pa rin ang mukha nito sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.

"Oo, Klay. May babae. Hep--wag ka muna magreact, patapusin mo muna ako pls, mahal." Umpisa ni Fidel ng magpumiglas muli sana si Klay sa pagkakayakap nya ng marinig ang salitang 'babae'. Pinakalma muna ulit ito ni Fidel bago nagsimulang magsalita. Bumuntong hininga si Fidel at inumpisahang magpaliwanag.

"Mahal, kasi nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko may babaeng laging sunod ng sunod sa akin..." At inumpisahan na ni Fidel na ikuwento kay Klay ang lahat lahat ng nangyari o nangyayari pa rin sa kanya. Ang pag-aakala nyang may kakaibang babaeng nakatayo kanina sa banyo habang sya'y naliligo. Ang nakakabagabag na bangungot nya tungkol sa isang babaeng gustong pumatay sa kanya. Ang nangyari sa pasilyo kagabi kung saan may isang babaeng marungis ang kasuotang humahabol sa kanya. At lahat lahat pa ng kababalaghan na naranasan nya sa nakalipas na isang linggo.

Nakatitig lang si Klay sa kanya. Inintay ni Fidel na magsalita si Klay ngunit parang ilang minuto na ang nakalipas ay nanatili lang itong nakamasid sa kanya. Naghalo ang kaba at hiya sa pagkatao ni Fidel. Baka iniisip ng katipan ay nababaliw na sya. Nang parang hindi na matiis ni Fidel ang katahimikan ay magsasalita na sana sya ngunit bumalot sa buong kabahayan ang tunog ng biglaang bunghalit ng tawa ni Klay.

"So... all this time, napaparanoid ka lang pala. Pero nahihiya kang magsabi sakin? Dahil toh sa last Sunday no? Kung sinabi mo lang sakin na hindi mo pala kaya, eh di sana hindi kita pinilit na-" Umpisa ni Klay ngunit hindi pinatapos ni Fidel ang pagsasalita nito.

"Klay, hindi naman sa ganon. Matapang ako, alam mo yan. Pero totoong may babaeng sumusunod sakin. Hindi ba kakasabi ko lang sayo na kagabi habang pauwi ako dito'y may babaeng sumusunod sa akin. Mahaba ang buhok nya, hindi ko makita ang mukha nya. At hindi ko rin makita ang paa nya. Lumulutang sya, Klay. Hindi ako nababaliw o napaparanoid. Totoo yung mga nakita ko." Depensa ni Fidel sa sarili. Tumango-tango naman si Klay. Ngunit naiinis pa rin si Fidel dahil nakangisi si Klay at halatang hindi ito naniniwala sa kanya.

"Naniniwala naman ako sayo mahal. Totoo ngang may babaeng sumusunod sa iyo kagabi. Mahaba ang buhok, nakaputing bestida pero marungis ang hitsura. Kasi, si Ate Alice yun. Yung private nurse ng matandang babaeng nakatira dyan sa katapat nating unit. Naikwento nga nya sakin kaninang umaga nung makasabay ko sya sa elevator na nakita ka nya kagabi na halos takbuhin tong unit natin nung makita mo sya. Lalapitan ka daw nya sana para mangumusta kaso nagmamadali ka." Nagpipigil ng tawa si Klay habang sinasalaysay ang ikinwento ng kapitbahay patungkol sa kanyang fiancé.

"Kung si Alice iyon, bakit kay rungis nya? At bakit parang lumulutang sya? At hindi ko makita yung mukha nya?" Tanong parin ni Fidel. Hindi makapaniwalang kapitbahay ang nakitang kahindik-hindik na babae sa pasilyo kagabi.

"Kasi, kwento ni Ate Alice, may walangyang motorsiklo driver daw na pinutikan sya ng dumaan sa maputik na lubak. Siraulo nga daw kasi hindi man lang huminto at humingi ng dispensa. Kaya andungis nya. Tsaka nakalimutan mo bang laging naka-black na leggings at black shoes si Ate Alice sa ilalim ng puting nurse's uniform nya? Kaya baka hindi mo naaninag yung paa nya lalo't andilim ng ilaw dyan sa hallway. Hinahanap daw nya ung susi sa bag nya kaya yung buhok nya napunta sa mukha nya lalo't hindi nakatali yung mahaba nyang buhok kagabi. Nung mag-angat sya ng paningin, nakita na nga raw nya na halos takbuhin mo tong unit natin at nagmamadali kang pumasok." Natulala at parang na-tanga lang si Fidel sa mahabang eksplanasyon ni Klay.

Kinakagat na ni Klay ang kanyang mga labi para pigilan ang pagtawa dahil ang mukha ni Fidel ay pinaghalong relief, embarrassment at astonishment. Napakamot na lang ng likod ng ulo si Fidel at nahihiyang nangiti kay Klay. Marahang pinisil-pisil naman ni Klay ang pisngi ni Fidel.

"Ang cute mo talaga! Walang mumu, Fidel. Hindi rin naman guni-guni yung nakita mo. Nag-over think ka lang dahil naparanoid ka sa-" Muling panimula ni Klay ngunit ito'y nabitin muli ng magsalita si Fidel.

"Hay, opo na po aking binibini. Sige na, nag-over think po ako. Kasi naman, ngayon lang ako nakapanood ng ganon. Pakiramdam ko tuloy, may gusto na talagang kumuha ng buhay ko." Nahihiya at nakayukong pag-amin ni Fidel.

"Alam mo mahal, kung totoo iyon, matagal nakong patay. 13 years old pa lang ako, patay nako." Pag-alo ni Klay kay Fidel na may bahid ng kaunting tawa. Para namang batang na kastigo si Fidel. Ikinangiti iyon ni Klay. Ang cute palang matakot ni Fidel. Kaya naman hindi napigilan ni Klay na mabilis na halikan ang naka-pout na labi ni Fidel.

Na-surpresa man si Fidel ay kinagagalak nya iyon. Sino ba namang tatanggi sa halik ng kanilang pinakamamahal. Kung ang reward nya pala sa tuwing mapapahiya sya ay ganito, eh di sige na lang pala. Pahiyain natin ang sarili minu-minuto at araw araw.

Muli ay marahang hinalikan ni Klay si Fidel at gumanti naman ang ginoo. Saglit lang ngunit kay tamis ng halik na kanilang pinagsaluhan. Humiwalay agad si Klay. Pero ang palad nito'y patuloy lang sa paghaplos ng kanyang mukha.

"Huwag ka ng matakot ha. Hindi totoo iyon. Atsaka... Last time mo na manood ng horror movies. Nababaliw ka ih. Hindi pwede yon kasi ako lang ang baliw dito." Nangingiting paglalambing ni Klay sa kanya para iwaksi ang lahat ng takot na nararamdaman nya.

"Hindi maari, aking Klay. Pareho tayong baliw. Baliw na baliw ako sayo." Sambit ni Fidel na sinabayan pa nya ng kindat. Hindi na napigilan ni Klay ang matawa ng malakas. Maayos na si Fidel, bumalik na ang confidence ih.

"Oo na, baliw na tayo sa isa't isa. Baka dahil lang sa gutom toh. Kaya kumain na tayo. Ang sarap nitong luto mong menudo, mahal! Bawi ako sayo sa linggo. Wala ulit akong pasok, kaya manuod tayo ng sine. May bagong horror movie ih." Natatawang panunukso ni Klay kay Fidel. Magpoprotesta sanang muli si Fidel ngunit bigla syang muling hinagkan ng mabilisan ng katipan sa labi. Tapos ay muling tumawa ito.

Ngumiti at hinayaan na lamang ni Fidel si Klay. Siguro kung may isang bagay pa syang dapat pagsanayin sa mundong ito kung saan na sila ngayon naninirahan ni Klay, ay yung masanay sa mga horror movies. Dati naman na syang nakakabasa ng nakakatakot na mga libro katulad ng mga gawa ni Edgar Allan Poe. Pero iba pala kasi talaga yung atake nito sayo pag napapanood mo na kesa nababasa mo lang.

At kung para sa kaaliwan ni Klay, dahil nga sinabi nitong sobra syang mahilig manuod ng horror movies, ay kaya nyang tiisin iyon. Kahit ikapahiya pa nyang muli. Basta ba ang kapalit noon ay matatamis na halik mula kay Klay, titiisin nya kahit ilang horror movies pa ang panoorin nila.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

... ONE WEEK AGO ...

Linggo ngayon at nagkataong walang pasok si Klay sa ospital. Gayun din si Fidel. Pangkaraniwan ng pahinga nya mula sa kanyang kumpanyang 'Kings Jewellery Inc.' ang araw ng linggo pero minsan ay nagta-trabaho pa rin sya ng araw na ito pag may iniutos sa kanya si Mr. Torres. Pero ngayong araw na ito'y sabay na makakapagpahinga sa kanilang condo si Klay at Fidel. Buti na lang talaga at walang utos si Mr. Torres kay Fidel ngayon.

Kakatapos lang nilang mananghalian. In-insist ni Klay na sya ang magluto pagkat nitong mga nakaraan ay laging si Fidel ang nagluluto. Sunod-sunod kasi ang emergency sa ospital at lagi syang on-call. Pinaglutuan ni Klay si Fidel ng Kare-Kareng baka. First time lang ni Klay na magluto nito. Buti na lang at naging masarap ang lasa. Siguro'y magpapaturo pa sya ng iba pang putahe sa kanyang ina para hindi naman laging pinakbet, sinigang, tinola, nilaga at adobo ang laging niluluto ni Klay para kay Fidel. Buti pa nga si Fidel eh, marunong ng mag-bake. Napapag-iwanan na sya ng fiancé pagdating sa galing sa kusina.

At sa ngayon nga ay tapos na silang kumain. Nakaupo ngayon si Fidel sa couch nila sa salas habang sya nama'y kakatapos lang hugasan at punasan ang plato't kubyertos na ginamit nila sa pagkain. Nagpresenta si Fidel na sya na ang maghuhugas nito pero hindi pumayag si Klay. Gusto nyang bumawi kay Fidel sa lagi nitong pag-aasikaso sa kanya kaya gusto nyang pagaanan din ang buhay ni Fidel. After all, pareho naman silang naging busy all week at ngayon lang din ang pahinga, pero si Fidel ang nag-aayos at luto sa bahay this past week kahit busy rin sya.

Nagtungo si Klay sa loob ng banyo at nag-shower ng kaunti. Pinagpawisan sya ng husto habang nagluluto at syempre, narumihan ang kanyang suot habang pineprepara ang mga sangkap. Amoy na amoy nya ang bagoong sa katawan nya. Kaya bago sya magrelax ng todo, magsa-shower at palit na rin sya ng damit Bukas ay off nya pa rin, kaya maglalaba naman sya habang nagge-general cleaning ng condo nila.

Matapos maligo ay nagtimpla ng juice si Klay. Nilagyan nya ng yelo ang dalawang baso at sinalinan ng tinimplang pineapple juice ito bago nagtungo sa couch kung nasaan nakaupo si Fidel at nagbabasa ng libro. Nilapag ni Klay ang mga baso ng juice sa coffee table na nasa harap ng couch at kinuha roon ang remote control ng TV bago umupo sa tabi ni Fidel. Automatiko namang umakbay si Fidel kay Klay. Ngumiti si Klay at lalo pang nagsumiksik sa tagiliran ni Fidel. Humalik muna sya sa pisngi ng ginoo bago binuksan ang TV ang nagsimulang magsurf ng kung anong pwedeng mapanood sa Netflix.

Ibinaba ni Fidel sa coffee table ang librong binabasa at tinuon ang atensyon kay Klay. Naghahanap ito ng mapapanood ngayong hapon. Hinigpitan ni Fidel ang yakap/akbay kay Klay at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Ganti bilang hinalikan rin sya nito sa pisngi kanina-nina lamang.

"Uy, nasa netflix pala toh!" Napatingin si Fidel sa TV para makita kung ano yung tinutukoy ni Klay na nasa netflix pala. Pagtingin nya sa TV ay tumambad sa kanya ang imahe ng isang babaeng nakadamit puti ngunit marumi. Ang lahat ng mahabang buhok nito'y nasa harap ng mukha at nakatayo ito sa harap ng isang tila inabandonang balon. Sa gilid ng imahe ay may isang puting bilog. Sa loob ng bilog ay nakasulat ang katagang "The Ring".

"Mahal, nung bata ako. Grabe takot ko dito sa movie na toh, as in. Una ko tong napanood nung 13 years old ako kasama si mama. Galit ako sa lahat ng may screen non - TV, computer, laptop, cellphone. Kasi baka lumabas si Sadako. Pero nung mawala yung takot ko kay Sadako, hindi nako natakot sa kahit anong horror movie after noon. In-fact, gustong gusto kong nanunood ng horror movies kahit mag-isa lang ako. Gusto mong panuorin natin toh?" Mahabang paliwanag ni Klay,

Kibit balikat namang sumang-ayon si Fidel kaya ini-play na ni Klay ang pelikula. Kung alam lang sana ni Fidel na guguluhin nitong pelikulang ito ang mundo nya, eh di sana'y pinigilan nya si Klay.

At ngayon nga, pagkatapos ng isang linggo'y napa-praning sya sa takot. Habang si Klay nama'y mabaliw-baliw sa kakatawa sa kanya. Hay, hindi na sya manunood ng horror movies kahit kailan!

Yun ang gusto nya... Kaso, horror fan si Klay... So, pano na? Tiis-tiis na lang, para kay mahal...

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

...LAST NIGHT...

Yamot na yamot ang isang babae. Bago lang ang suot nyang puting bestidang uniporme nya sa ospital ngunit narumihan iyon ng may isang walangyang motorsiklo na dumaan sa isang matubig na lubak sa daan sa harap ng sakayan kung saan sya nag-aabang ng E-Jeep. Bastos at walang modo ang nagmamaneho ng motor. Hindi man lang ito huminto at humingi ng paumanhin. Ayun, dire-diretso lang. Mabuti na lang at pauwi na sya. Pero kahit na. Baka kasi hindi sya payagang sumakay ng E-Jeep dahil sa rungis ng suot nya.

Kalaunan ay nakauwi rin sya. Mabuti na lang at hindi sya tinanggihang pasakayin ng kundoktor ng E-Jeep. At ngayon nga ay papasok na sya ng lobby ng condo building na kanyang tinitirhan kasama ang matandang babaeng kanyang inaalagan bilang private nurse nito. Kung minamalas ka nga naman, kasasara lang ng isang elevator na paakyat sana. Pinindot na lang nya ang call button para bumaba ang isang pang elevator.

Nang makarating sa palapag kung saan nakatira ang alagang matandang babae ay yumukod sya para kunin ang susi sa kanyang shoulder bag. Madilim sa pasilyo. May ilaw naman ngunit kaunti lang at malayo sa isa't-isa. Kaya may mga parte ng pasilyo na may kadiliman. Ilang segundo bago nya makapa sa loob ng bag nya ang susi. Nang makuha na ang susi ay dumiretso na sya ng tayo... at nakita ang isang lalaking nagmamadaling maglakad. Nakita nyang huminto ito sa unit katapat ng unit nila. Ah! Si Fidel yon! Kakawayan na sana nya ito ng mabilis itong pumasok sa loob ng unit. Narinig pa nya ang malakas at halos padabog nitong pagsara ng pinto.

"Luh, anong problema non?" Ani ni Alice sa kanyang sarili. Nagkibit balikat na lang sya at mabilis na tinungo ang unit ng kanyang amo. Gusto na nyang makauwi para makapagpalit na ng damit. G@gØ pa rin talaga yung motorsiklistong yon!

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Author's Note: This is inspired dun sa isang scene sa KDrama na "Goblin" wherein nag-movie date sila Kim Shin and Ji Euntak. Nanood sila ng "Train To Busan" tapos takot na takot si Kim Shin. Wahahahahaha... Napa-what-if ako if pano kung nagkaganon si Fidel. Pareho silang supposedly matapang eh. Si Kim Shin, dating general tapos si Fidel kanang kamay ng leader ng kilusan. So eto na nga... Tsaka na-gets nyo ba ung title? "Sa Dako Paroon" - as in Sadako? Nyahahahahaha!! Sorna kagad kung corny...

Hindi toh normal na FiLay fic kasi Horror-Comedy genre... Pero sana nagustuhan nyo...

PS: I'm an avid horror fan. Sino dito yung kayang manuod ng horror movie kahit mag-isa ka lang at gabing gabi na? Apir tayo! Also... 'Reyes' means 'Kings'... kaya ung company ni Fidel, pangalan ay 'Kings Jewellery Inc.' Di ko ata to napaliwanag sa author's notes ko ng "Ikaw lang ang sakalam". Since nabanggit ulit ung company name na un dito, explain ko na lang rin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 38K 63
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...
13.1K 254 18
โ•ฐโ”ˆโžค ๐—œ๐—ก ๐—ช๐—›๐—œ๐—–๐—› I write MCI oneshots, dahil napamahal na ako sa mga karakter ng novelang ito. โžค โ I do not own Maria Clara at Ibarra. I simply wa...
664K 33.5K 61
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...
4.3K 99 19
{๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐™‰๐™Š๐™ ๐—ฏ๐˜† ๐—บ๐—ฒ. ๐—œ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ป ๐—ฏ๐˜† ๐— ๐—ผ๐—บ๐—ผ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ผ๐—ป ๐—™๐—™.๐—ป๐—ฒ๐˜. ๐™‹๐™ก๐™š๐™–๐™จ๐™š ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—บ!} []...