"Ito ang sched ng photoshoots ng Delight . . ." Nilapag niya ang isang papel sa harapan ni Kaze. "Bakit mo nga ba gustong malaman?"
Nagtataka siya dahil usually, wala naman itong pakialam sa mga susunod na gagawin after mapirmahan ang kontrata.
"Ngayon na pala 'to?" Imbes na sagutin siya ay tanong ang binalik nito.
"Oo."
"Let's go."
"Ha? Saan?" Hindi na siya sinagot ni Kaze at nauna nang lumabas kaya sinundan na lamang niya ito hangang sa makasakay ito sa kanyang sasakyan.
"Bili tayo ng mga makakain nila sa set." Napataas ang kilay ni Stell sa sinabi niya.
"Woah. Hindi na talaga ikaw ang dating Kaze na nakilala ko."
"Kung ano man si Kaze dati, kalimutan mo na 'yon. Ako na ang bagong Kaze ngayon."
—
"Rest daw muna! May pagkaing dala si Sir Kaze!" Anunsiyo ng isang crew.
Mapapansin ang mga bulung-bulongan ng mga tao sa set. Unang beses nilang makita ang boss nila na dumalaw at may dala pang pagkain.
"Ano'ng meron?"
"Hindi ko rin alam."
"Natauhan ba siya matapos ang aksidente niya?"
"Sana nga ano? Ang hirap pa namang pakisamahan niyan."
"Kumain na lang tayo baka last na rin 'to."
"Ano na naman ang ginagawa niya rito? Alam ba niyang ayaw natin siyang makita?" Maaanghang ang mga salitang binitawan ni Josh.
"Josh" Saway ni Paulo.
Napansin nilang papalapit sa gawi nila si Kaze habang nakasunod sa kanya si Stell, bitbit ang mga pagkain.
"May pagkain dito. Kain muna kayo." Bungad ni Kaze sa kanila. Wala ni isa sa tatlo ang sumagot.
Nilapag ni Stell ang mga pagkain sa mesa. Mararamdam ang pagkailang ng lahat kaya napaatras si Stell at iniwan sila.
"Kain na kayo." Pag-aaya ulit ni Kaze sa kanila.
"Hindi pa kami gutom." Sagot ni Josh. Pinandilatan naman siya ni Paulo. "Ano?!"
Unang kumuha ng pagkain si Paulo at inabot ito kay July. Nang iabot niya ito kay Josh ay hindi niya ito tinanggap.
"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Kaze kaya nakahinga ng maluwag si Paulo.
Pagkaalis nito ay hinarap niya ang mga kagrupo. "Guys, let's be civil with him. Hindi naman natin siya parating makakasama kaya please."
—
"Ikaw na lang naiwan?" Napapitlag si July nang may biglang kumausap sa kanya.
"Ah. Oo. Ako ang huli sa individual shoot namin. May iba pa kasi silang sched kaya ako na lang naiwan dito." Tumango si Kaze at tahimik lang na tumayo sa gilid niya.
Ano'ng ginagawa niya rito?
"May susundo ba sa'yo?"
"Wala. Magta-taxi lang ako."
Ganito ba talaga 'to siya? Nakabantay hanggang sa matapos ang shoot?
"Kaze! Hindi ka pa uuwi? Kanina ka pa rito." Tanong ni Stell nang makalapit siya rito.
"Mauna ka na." Napanganga si Stell sa sinabi niya.
"Kaze—"
"Mag-iingat ako." Napabuntong hininga na lamang si Stell sa katigasan ng ulo ng kanyang boss.
"Text mo ako kapag nakauwi ka ng maayos." Huling habilin nito bago umalis.
"July? Ready ka na?" Tanong ng isang staff kay July. Tumango siya bilang tugon saka tumayo at sumunod rito.
Nakatayo lang si Kaze habang pinagmamasdan ang dating kagrupo sa kanyang ginagawa.
Tss. Dami na naman magkakagusto nito kay Seven. Wika niya sa isipan.
"Okay, it's a wrap! Thank you everyone!" Sabi ng kanilang Head Photographer.
Nagpasalamat din si July sa mga staffs bago ito bumalik sa dressing room nila. Napapitlag siya nang pagkabukas niya ay nasa loob si Kaze.
"Bakit ka nandito?" Bungad na tanong niya.
"Hinihintay ka."
"Bakit? May kailangan ka pa ba?"
"Ihahatid na kita." May masama ba 'tong binabalak? Isa-isa ba niya kaming patatahimikin dahil sa nangyari kay Yohan?
"H-Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko." Mariing pagtanggi niya.
"'Di ba sabi mo pagbayaran ko ang ginawa ko kay Yohan?" Kumunot ang noo ni July sa sinabi nito.
"So ihahatid mo ako as a way para bayaran ang kasalanan mo?" Tumango si Kaze sa tanong niya. "Hindi ka sa akin may kasalanan, kay Yohan. Isuko mo ang sarili mo sa mga pulis, saka lang ako maniniwala sa'yo."
"Gustuhin ko man pero kilala mo naman siguro ang pamilya ko ano? Malilibing din sa limot ang lahat."
Aminado si Yohan na gusto niya rin ng totoong hustisya, pero wala na ang totoong Kaze. Hindi naman din yata tama na siya ang magbabayad sa kasalanang sa kanya ginawa.
Napakuyom ng kanyang kamao si July. Alam niyang wala rin silang laban 'pag nagkataon.
"Kahit sa ganitong paraan, makapagbayad ako. Please. Hayaan mo sana akong gawin 'to." Hindi dapat ako ang nagbabayad ng kasalanan ni Kaze, pero nangyari na ang nangyari. Ako na si Kaze ngayon.
"Gusto mo talagang magbayad? Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Kahit ano naman 'di ba?" Napakurap si Yohan sa mga sinabi ni July sa kanya.
Sa pagkakilala niya kay July ay napakasweet at napakabait na tao kaya nabigla siya inasal nito. May ganitong side ka rin pala Seven?
"Oo."
"Sunduin mo ako bukas. 7AM." Huling sabi ni July bago bumaba ng kotse ni Kaze.
"July!" Tawag niya rito. Napahinto si July sa paglalakad at humarap sa kanya. "Number mo. Text kita bukas 'pag andito na ako." Inabot ni Kaze ang cellphone niya rito.
Mabilis na kinuha ni July ang cellphone ni Kaze at nagtipa ng kanyang cellphone number. Pagkatapos ay umalis na ito agad.
"Ano'ng sinasabi ni Ate Liz na may ibang susundo sa atin?" Tanong ni Paulo. Nasa hapagkainan sila at kumakain. "Ly, ikaw raw may sabi?"
"Ah. Oo. Si Kaze na ang susundo sa atin simula bukas."
"K-Kaze?!" Napasapo sa kanyang noo si Paulo sa walang paggalang ni July sa may-ari ng Ice Queen. "Hulyo! Jusko po! Sana 'wag mo siyang tawagin ng gan'yan kapag nasa harapan natin siya."
"Bakit ba? Respect begets respect ika nga." Natawa si Josh sa sinabi ng kanilang bunsong kagrupo.
"Salute!" Sabi ni Josh kay July at nagsalute pa nga. Napairap si Paulo sa pagsakay nito sa nakababatang kagrupo.
"Employer pa rin natin siya kahit ano'ng gawin natin. Kaya—"
"No."
To be continued . . .
[vee: it's sunday morning! and finally, we get to listen to sunday morning by justin on spoti! 🥳 napakinggan niyo na ba? btw, good luck sa mga bibili ng tix! sanaol sa inyo! haha may the desired tix be on your favor!]
ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ