Changes In My Life

By ObserBEAR

6.3K 391 218

Malaiah in a parallel universe More

CHANGES IN MY LIFE
Author's Note
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
Author's Note

Last

179 11 12
By ObserBEAR

ALTHEA'S POV

All set na. Naka usap ko na si Jaden about sa plano ko. Nasabi ko kase sa kanya ang nangyari sa amin ni Mauie after naming mag usap noon at willing naman daw syang tumulong as long as para daw sa amin.

Kinakabahan na ko ng mga oras na to dahil nagsimula na ang concert pero wala pa rin sina Ck sa loob ng venue.

__________________________________

Temporary Gc

Gabrielle: ateee thea ang hirap papasukin ng jowa mo

Huh?

Cathryn Kate: nasa labas na kami kaso ng mapansin ng jowa mo na sa concert ni Jaden kami pupunta umaatras

Gabrielle: ano idadahilan namin dito ate

Try nyo kaya na sabihin para kay Stevie para pumasok sya.

Malapit na ang confession ni Jaden. Gusto ko maabutan nya.

Kung kaya nyong kaladkarin sya gawin nyo

Cathryn Kate: grabe ka naman sa jowa mo

Eh kung yun nalang ang tanging paraan para mapapasok natin sya dito bakit hindi

Gabrielle: sige ate kami na ang bahala

Sure kayo?

Cathryn Kate: oo kami na bahala. Gawa nalang kami idadahilan para mapapasok namin sya. Kung wala sasabihin na namin yung totoo

Adik

Cathryn Kate: chilax. Mangyayari pa rin naman ang plano. Alam ko naman na hindi pa sya gaanong katiwala at para mapatunayan namin mapipilitan syang pumasok sa loob. Diba?

Gabrielle: pwede din. Okay nga yang idea na yan

Magkasama lang kayo nyan ahh

Sige na baka makahalata yang kasama nyo

Cathryn Kate: nasa loob ng Kotse ayaw lumabas. Sige na. Chat nalang kami ulit

Salamat sa inyo ahhh. Salamat sa cooperation nyo.

Gabrielle: para sa inyo na kaibigan namin.

___________________________________

MAUIE'S POV

Bakit ba kase ako nasa tapat ng Aranetang to? Nagbihis pa naman din ako ng bongga tapos dito lang pala ang bagsak namin?

Hindi naman ako galit kay Jaden. Sadyang ayaw ko lang syang makita lalo na at sya ang naging dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan ni Ai noong nakaraan.

Gusto ko na syang kausapin pero naghihintay ako na sya ang gumawa ng way para magkausap kami. Kaso lumipas ang halos dalawang linggo ay wala pa rin syang paramdam. Siguro ay dahil dito sa concert nya  kaya hindi nya pa ako makausap. Papayagan ko naman syang mag attend ng concert ng idol nya ehh. Samahan ko pa sya.

Paniguradong nasa loob sya at masayang nanonood na ng concert ni Jaden.

"Ano na Gar, pasok na tayo" pamimilit ni Brielle na kanina pa ko kinukumbinsi na pumasok sa loob

"Kayo nalang. Isa pa akala ko ba hindi kayo fan nyang si Jaden?"

"Hindi nga" mabilis namang sagot ni Ck

"Eh anong ginagawa nyo dito? At pati ako dinamay nyo pa. Alam nyo naman ang dahilan ng tampuhan namin ni Ai noon ehh tapos dadalhin nyo ko dito ngayon?"

"Napag utusan lang din kase kame" turan pa ni Brielle

"Pstt. Nambubulgar ka naman agad ehh" sita naman ni Ck dito. Kaya lalo akong naguluhan

"Huh? Anong pinagsasasabi nyo?"

"Sige ganito nalang. Tutal hindi ka namin mapilit pumasok sa loob. Sasabihin nalang namin para makumbinsi ka namin. Mag cconfess si jaden" lalo naman akong nagulat sa sinabi nila

"Mag cconfess si Jaden? Kanino? Kay Thea?" Turan ko sabay labas ng kotse. Hindi naman ako papayag na basta basta nalang ganoon. What's mine is mine

"Hoy saan ka pupunta?" Awat ni Ck

"Papasok sa loob. Hindi naman ako papayag na mapunta sa iba ang taong mahal ko no"

"Saglit nga lang huminahon na nga. Hindi kay Thea okay? Hindi naman din kami papayag na mangyari yon no. Kay Stevie sya aamin"

"Mas lalong malabong mangyari yon. Diba magkaibigan yung dalawang yon? And knowing Jaden na may pagka cold treatment. Paniguradong hate jun ang kikay tulad ni Stevie"

"Yan na nga ba ang sinasabi ko ehh. Pasok nga kase tayo. Para malaman mo. Hindi lang ikaw curious sa mga magaganap. Kami din, kaya kung gusto mong maabutan ang mangyayari pasok na tayo please " aya pa ni Brielle

"Wait?"

"Ano nanaman?" Irutang tanong pa ni Ck. Onti nalang mababatukan na nya ko.

"Paano si Thea?"

"Huwag mong alalahanin Jowa mo. Ikaw lang naman tong selosa"

Dali dali na nga nila kong hinila papasok ng venue. Naging mahaba ang proseso sa labas dahil napaka daming tao. Buti nalang at pinaki usapan ni Ck ang mga guard kaya pinauna nila kaming makapasok.

Kanino nila galing ang mga ticket nila? Imposible namang galing kay Stevie yon. Eh wala naman syang alam. Tapos SVIP pa ang hawak nilang tatlong ticket.

Pagpasok sa loob ay hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. It was Jaden. Singing a song na parang pang confession nga,  holding a bouquet of flowers. A lot of balloons na nagkalat sa paligid at ang showing picture nila ni Stevie together.

"Sakto lang tayo" komento pa ni Brielle

Nasa bandang likuran pa kami at hindi na namin nagawang magpunta pa sa harap.

NAGING Matagumpay ang confession na iyon ni Jaden. Mangiyak ngiyak kaming tatlo dahil sa wakas. Happy na ang bunso namin.

Hindi namun lahat expect na ganito pala ang pinagdaanan nya. Sya na kikay sa aming lima tapos sya pa ang hindi masalita kapag usapang love life.

Siguro ay dahil sa fact na problemado iaming apat sa mga love life namin kaya hindi na sya nagkwento pa ng tungkol sa kanya. Na guilty pa nga ko ng bahagya dahil sa ako ang kasama nya sa office pero wala man lang akong naitulong sa kanya.

Napako ang tingin ko sa stage ng mag umpisa ulit magsalita si Jaden habang yakap ang kasintahan nya. Naks naman.

"Wait guys. Hindi pa po dito nagtatapos ang concert na to. Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin para maging successful ito. Thank you po. And now. To the girl na nilapitan ko noon. Siguro ito na yung pinakamakapal na mukhang ginawa ko sa tanang buhay ko. I took advantage to that person. She's also a fan of mine and also a friend of this girl. Sya yung kinausap ko para maisama si Stacku dito. Na ngayon ay hinaharap din ang sariling struggle nya sa pag ibig. Nag away kase silang mag jowa dahil sa akin. Kung nandito ka man sorry po. Crush kase ako ng howa nya eh kaya nagselos." Kita ko namang kinurot si Stevie si Jaden sa tagiliran. Maloko din pala sya or sadyang nagbago na lang talaga sya ngayon.

Ibang Jaden kase ang nakikita namin ngayon ehh. Ito yung Jaden na may ngiti na sa kanyang mga labi. Kumpara sa mga naririnig namin noon mula sa ubang tao.

"Kidding aside. Kung hindi dahil sa taong yon baka hindi ko nagawa itong confession na to, kaya as a new friend of her ako naman ang tutulong sa kanya. Miss Althea Rain will you please come here?" Malumanay na turan nya.

Kita ko naman mula sa gilid na umakyat ng stage si Ai. She's so beautiful with her fit. Naghiyawan din ang mga tao sa paligid at maraming pumuri sa kagandahang taglay nya.

"I present to you, also a Doctor at Vergara Medical Hospital and now slaying this stage para isang awitin na iaalay nya sa taong pinakamamahal nya. Maureen Ricalde right? Kung narito ka man sa loob ng Araneta please show yourself oara personal din akong makahingi ng sorry sayo."

Kinalabit naman ako ng dalawa at sinesenyasan na magpunta sa harap. Pero parang nakapako ang mga paa ko kinatatayuan ko at hindi malaman ang gagawin.

Hanggang sa marinig ko na ang boses ni Thea.

"Hi po. Hindi po ako singer pero sana magustuhan nyo po itong isang awitin na inihanda ko para sa taong pinaka mamahal ko. I know you're here kase kasabwat ko yang dalawang kasama mo and this song is for you. Ngayon ko lang ito ginawa sa harap ng napakaraming tao."

Sumenyas na sya sa bandang nasa likod at nagsimula na syang kumanta.

Kinakanta lang naman nya ang Changes in my life ni Jed Madela.

"I was not so happy being lonely
Living without you
So I prayed so hard for your love
In my heart I needed you
Then I looked up in the sky
And I'm thinking why oh why
These are all the many changes in my life

After all the caring and the laughter
No one else like you
I am not a preacher with a sermon
I'm so in love with you
'Cause to live without your love
Like the sun that shines above
Is the magic of the changes in my life"

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Wala pa rin pala talagang nagbago. Ito na yung pinakahihintay kong araw. And not expecting na gagawin nya ang bagay na to para sa akin.

"And I'll never forget your love
You and I
We were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes in my life

Ngayon napatunayan ko na na ako talaga ang mahal nya. Masyado lang akong nadala sa mga bagay na insecure ako.

Hanggang sa matapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa magandang mukha nya. Heaven feels ang boses nya habang kinakanya nya yon.

"Lapitan mo na sya doon" wika pa ni Ck

"Gusto mo padala ka pa namin sa mga bouncer?"

"Dyan ka na lang ba Mi? Natatanaw kita dito ohh. Galit ka pa rin ba? Sorry na please? Kung hindi ko man nasabi sayo. Sorry, nag panic lang ako na baka hindi ko magawa yung pinapagawa ni Jaden. Pero swear imaw lang ang taong mahal ko. Ikaw lang ang taong nagpabago ng pananaw ko sa pag ibig. Jaden is just an Idol and no other feelings involved. Its only you Mi kaya please forgive me"

Hindi ko na napigilan pa at tinakbo ko na ang gitna ng venue. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid tanging sigaw lang din ng mga tao ang naririnig ko.  Sobrang miss ko na sya.

Tumakbo din sya pababa at sinalubong ako sa gitna. Lalong naghiyawan ang mga tao sa paligid ng magyakap kami na dalawa.

Mukhang tinalo pa nga ata namin ang confession ni Jaden para kay Stevie ehh. Sobrang lakas ng hiyawan sa loob ng Araneta.

"Sorry. Now I fully understand sorry" tanging nasabi ko lang at ginawaran na sya ng halik sa kanyang mga labi.

Ginantihan naman nya yun ng isang maalab na halik din at hindi alintana ang tao sa paligid. Nagdoble pa lalo ang hiyawan sa paligid.

After that kiss ay pinagdikit ko ang aming mga noo habang nakakulong naman sa magkabilang palad ko ang mukha nya.

"Sorry Ai ko. Wala akong ibang masabi kundi sorry. At salamat dahil sa ginawa mo."

"Thank you for forgiving me Mi. Salamat at nagustuhan mo. Ikaw lang ang pinaka mamahal ko hindi na magbabago yun okay? So please alis mo na lahat ng insecurities mo. Dahil wala na kong ibang minamahal kundi ikaw lang."

Sa muling pagtatagpo ng aming mga labi at ang muling paghiyawan ng mga tao ay nakakasigurado na ko na ito na yon. Hinding hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng to.

Marami aking natutunan at marami din akong nagkakamali na pinagsisihan pero natuto din ako sa lahat ng pagkakamali na yon.

End....




Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
146K 8.6K 18
If you kill someone, you get more power; the power gained will help you fight against a deahtly virus There aren't many people left anymore, everyone...
267K 6.8K 38
Ever heard of Naruto uzumaki? Yes. Ever heard of Raku uzumaki? No? I'm not really surprised. She's the quiet, kind, and mature twin. The complete opp...
139K 8.4K 101
Just read if you're interested :)