What's wrong with Monday?

By a31_0u

27 4 0

April 13, 2024 More

Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 2

6 1 0
By a31_0u

"Food trip tayo mamaya sa Ponti." Bungad agad ni Aga sa akin nang makalabas ako sa classroom. Mukhang inabangan nya pa talaga ang pag labas ko. Agad naman akong umiling sakanya dahil marami pa akong gagawin sa bahay. "Title defense na namin next week kaya di muna ako makakasama. Busy din ako sa ibang subject kaya pass muna."

"Sus! Parang hindi ka naman mahilig mag cram!"

"Marami nga akong gagawin. Kayo nalang muna." Pag tanggi ko. Wala ng nagawa si Aga nung hindi nya na talaga ako mapilit na sumama sakanya. Sumuko na din sya sa huli at nag paalam. Kasama ang mga kagroup ko sa Practical Research 1. Sabay sabay kaming nag lakad papunta sa ICT Building.

Pupunta kami ngayon sa comlab para manghiram ng laptop or computer. Kung ano available. Tatapusin kasi namin ngayon ang 50 rrl sa index card na pinapagawa ng teacher namin sa pr kanina. Oo, kanina nya lang yan pinagawa. At gusto bukas agad pasahan!

"Monday, ikaw na mauna close mo namaan yung pinaka mamahal mong adviser natin." Biro ng kaklase ko sa akin. Yung adviser kasi namin ay strikto din kagaya nung adviser ng ICT 11-A. At guess what. Mag best friend sila at same din sila ng faculty. Ginawa nilang faculty nilang dalawa yung comlab 3. Silang dalawa lang ang andito.

At naka aircon pa!

Maraming may ayaw sakanilang dalawa siguro dahil wala silang awa sa mga estudyante. Bagsak kung bagsak. Wala silang pakialam. Nag cocompute lang naman daw sila ng grades. At kami ang na gawa kaya bakit daw kailangan namin magulat kung ano yung results ng grades namin.

Bago ako pumasok sa comlab ay kumatok muna ako kahit hindi naman ito rinig sa loob. Pinihit ko yung doorknob ng doorknob. Bumungad agad sa akin yung adviser ko. Nasa gilid lang kasi ng pinto yung lamesa nya kaya kita mo agad. Maligaya kung sinalubong ang adviser ko.

"Good afternoon po ma'am. Pwede po ba kaming makahiram ng laptop para lang po sa rrl namin sa research." Nakangiting saad ko. Agad naman itong tumango. "Doon kayo sa gilid nag kaklase kasi si Somo." Saad nung adviser namin napatingin naman ako sa harap. At agad kung nakita si Sir Somo.

Ang adviser ng ICT 11-A at yung nag aayos ng mga upuan nang estudyante nung recognition. Nauna akong pumasok. Nag sign ako sa mga kagroup ko na sumunod sa akin.  Nakayuko akong nag lakad hanggang sa makarating ako sa dulo na tinutukoy ng adviser ko. Nasundan naman agad ako ng mga kagroup ko ng makaupo ako.

"You need to find the research gap. Hindi basta basta ang research. Hindi porket wala kayong choices na kunin ang subject na ito ay hindi nyo na ito seseryosohin. Tandaan nyo. Kapag hindi nyo na defense ang research nyo pag grade 12 na kayo. Hindi kayo makakatapak sa college." Dinig kung banta ni Sir Somo sakanyang estudyante.

May point naman sya.

Yan din yung sinabi sa amin ng research teacher namin. Kapag daw hindi namin na defense yung research namin sa grade 12. Hindi daw kami makaka graduate. So kapag hindi namin madefense yung research namin ngayong g11 makaka grade 12 kaya kami?

Pinag kibit balikat ko nalang ang mga tanong ko sa isip ko. Nag simula na kaming mag hanap ng mga rrl sa mga na sabing site. Ang pinaka gusto kung kuhanan ng rrl ay research gate. Iba iba kami ng kinuhanang site para sa rrl. Medyo na hirapan kami sa pag lalagay ng citation dahil kanina lang ito diniscuss at ito din ang una naming gagawin ito.

Habang nag hahanap kami ng rrl ay biglang nag salita yung kagroup ko si Aira. "Pumasok pala si Eleazar. Andoon sya oh." Bigla syang ngumuso sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit ko sinundan ng tingin ang ginawa nyang pag nguso.

Halos sabay sabay kaming lumingon sa nginuso nya! Pati yung nag iisang lalaki naming kagroup ay mukhang bumigay na din!

Napatulala nanaman ako nung makita si Eleazar na nag sasalita habang ang mga kagroup nya ay naka palibot sakanya. Mukhang tinuturuan nya ang mga ito kung paano kumuha ng rrl. Seryoso lang ang kanyang mukha. Samantalang ang mga kagroup nya ay nakikinig talaga sakanya habang nag papaliwanag sya.

I can't stop my self na tumitig sakanya. Para ko syang magnet. Pilit nya akong hinihila kahit ayoko naman. Kahit ayaw nya din naman. Hayz.

"Ang gwapo nya talaga 'no. Napaka effortless ng itsura nya. If he's one of the goddess. Oh god i will bend my for him." Kinikilig na saad nung kaklase ko. Bigla akong napahalukipkip sa sinabi nya. Napatingin naman sila sa akin.

"Hindi naman gwapo." Hindi ko alam kung bakit bigla ko yung na sabi kahit hindi naman yun yung sinasabi ng puso't isipan ko ngayon. Kung tutuosin hindi nga sya gwapo. Kasi tama ang kaklase ko. Para syang isa sa mga goddess. Napaka effortless ng beauty nya na nakaka laglag panty talaga.

I can't stop my self thinking kung nag ka girlfriend na kaya sya?

"Monday, punta ka sa 18th bday ko ha!" Nakangiting inabot ni Cypres yung invitation nya sa akin. Agad ko naman yung tinanggap. "Sure! Pupunta ako! Advance happy bday!" Nakangiting saad ko. Nag pasalamat naman sya sa akin bago nag paalam na dahil mamimigay pa daw sya ng invitation sa iba nya pang kaibigan.

Hinatid nya pa talaga yung invitation dito sa classroom ko! Grabe nakaka hiya naman kung pumunta ako don na walang dalang regalo. Mukha pa namang engrande ang 18th birthday nya kaya kailangang pag handaan ko din yung regalo ko sakanya!

Dahil wala pa kaming teacher ay nag lakad na ako papunta sa classroom nila Aga. Wala din silang teacher. Nasa labas din kasi ang mga kaklase nya kagaya ng mga kaklase ko. Hinanap ng mata ko si Aga. Naabutan ko syang nakikipag harutan sa mga lalaki nyang kaklase sa likod.

Ang maharot talagang 'to.

"Hoy!" Pag tawag ko kay Aga. Ngiting ngiti naman syang lumapit sa akin. "Oh bakit? Mangungutang ka nanaman ba?"

"Ako mangutang? Hindi 'no! Nabigyan ka ba ni Cypres ng invitation?!"

"Oo naman! Ako nga na una bago ikaw!"

"Hmp. Ako naman favorite nun bago ikaw. Ano pala balak mo? Kailan ka bibili ng pang regalo kay Cypres?"

"H-Ha? Mag reregalo kapa huwag na! Makikikain nga lang ako tapos pasimpleng sharon pag uwian na!" Napangiwi ako sa sinabi ni Aga. Agad ko naman syang kinurot sa tagiliran. "Huwag mo akong igaya saiyo 'no! Kung di ka mag reregalo samahan mo nalang ako!"

"Libre mo ba ako pamasahe?"

"Kapal mo naman!"

"Sino nag papasama sa ating dalawa?"

"Sige, mamaya. Uwian." Nakasimangot na saad ko. Ngumiti naman sya na parang nag tagumpay. "Sya nga pala. May kwento ako saiyo!" Nakangiting saad ni Aga. Bago nya pa maikwento ay dumating na yung last subject nila. Kaya agad akong lumabas sa room nila pabalik sa room namin.

Pag dating ko ay sya namang pag akyat ng last subject teacher din namin. Entrepreneurship ang last subject namin. Wala naman ng masyadong gagawin dito. Puro plano nalang para sa ititinda namin. Prototype ang topic namin ngayon. Exsaktong exsakto aalis kami ni Aga mamaya. Makakabili na din ako ng prototype sa gagawin naming 'Fresh Buko Salad.'

Yun yung na pili ko kasi buko, gulaman, at gatas lang naman isasahog kaya nakaka sigurado ako na tutubo kami dyan.

"Ano sa tingin mo yung maganda?" Tanong ko kay Aga. Pang apat na shop na itong pinasukan namin. Nakasimangot na si Aga sa harap ko dahil sa tagal kung mamili ng ireregalo ko kay Cypres. Ayoko kasi ng basta basta. Gusto ko yung pinag isipan ko talaga.

"Hoy! Ano sabi dito eh?" Ulit na pag tatanong ko kay Aga. Napabuga naman sya sa hangin. "Te parehas lang naman style nya. Mag kaiba lang ng color." Irap na saad ni Aga. Tiningnan ko ang dalawang damit na hawak ko. At tama nga sya mag kaiba lang ng color.

Napaka lubo naman ako ng hangin sa bibig ko. Nag lakad si Aga mula sa pinilian ko at agad na kumuha doon ng isang terno. "Ito oh. Maganda. Bagay 'to kay Cypres." Saad nya matapos humila sa kung saan. Pinakita nya iyun sa akin na hindi tumitingin. Ang kanyang dalawang mata ay namimili padin habang ang ternong pinili nya ay naka lahad sa harap ko.

Nagulat ako dahil maganda ang pinili nyang terno. "Oo ito nalang! Ang galing mo! Marunong ka naman palang mamili di mo pa ako tinulungan kanina pa!" Kunwaring inis na saad ko kahit ang totoo ay namangha ako sa mabilis nyang pag pili.

May hinugot ulit syang damit. "Ito bagay saiyo." Saad nya at tinutok sa akin. Light pink dress yun na papuff. Agad naman akong sumangayon sa sinabi nya. "Kukunin ko na yan." Manghang saad ko. Tumango lang sya at nag tingin tingin na din ng damit. Nang mapansin nya na wala na akong bibilhin ay nag yaya na sya na mag bayad na kami.

"Nauuhaw na ako." Pag papadinig ni Aga sa akin. Dahil namangha ako sa ginawa nya kanina ay agad kung inabot sakanya yung dalawang damit na pinili nya. "Oh, ikaw na mag bayad libre kita."

"Nang alin naman?"

"Sb. Libre kita. Kkb na tayo sa chowking mamaya ha?"

"Sige ba!" Tuwang tuwa na saad ni Aga. Sya na mismo ang kumuha ng babayaran sa akin. Binilang nya na din kung mag kamo. Ilang segundo lang ay alam nya na kung mag kano ang babayaran ko. At kung mag kano din ang sukli ko pag kaabot ko sakanya ng cash na pang bayad.

Nag paalam na ako sakanya pa umorder sa sb. Lumabas ako sa store. Mag lalakad na sana ako papunta sa gawi kung na saan yung sb pero bigla akong napa stop sa pag lalakad nung makita ang pamilyar na bulto. Napataas ang kilay ko nung mapagtanto kung sino ang na tanaw ko.

He's wearing a white sando and white jogger pants!

Ang linis nyang tingnan grabe!

Pinag titinginan sya ng mga taong dinadaanan nya. Sobrang puti nya! Saan ba sya nanggaling at ganyan ang kulay nya?! Napatitig ako sakanyang maigi. May na bago sakanya. Yes, may na bago sa mukha nya!

Nag pa trim sya!

Oh damn! He's a center stage!

Imbes na pumunta ako sa gawi ng sb bigla nalang akong na paliko at sinundan sya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan sya. Parang may sariling pag iisip ang dalawang paa ko at tinataksil nila ako ngayon para sundan ang lalaking 'to.

Hayz! Baka mahalata ako nito!

Pumasok si Eleazar sa Dunkin donuts. Napapapikit nalang ako sa inis nung sumunod din ako sakanya. Sinundan ko sya ng tingin nung makapasok ako sa Dunkin donuts. Nakita ko syang umupo sa pinaka dulo. Sa pinaka siksik na upuan dito sa loob ng Dunkin donuts.

Agad akong nag iwas ng tingin nung makitang lilingon sya sa gawi ko. Umasta ako na hindi sya ang dahilan kung bakit ako andito ngayon. Nag lakad ako sa counter na parang wala akong ginawang masama. Damn, naging stalker pa ako dahil sakanya!

This is illegal!

Nang nasa tapat na ako ng counter ay bigla akong nanlumo sa sarili ko. Agad ko ng naisip ang mukha ni Aga na disappointed. Dahil akala nya makaka tikim na sya ng sb pero naging bato pa dahil sa ginawa kung pag stalk kay Eleazar! Yari ako nito sa bading na yun kapag na laman nya na dahil kay Eleazar mag dodunkin donuts sya ngayon. 

Grabe sb naging donut dahil kay crush. 

H-Ha?! Crush?!

Napatikhim ako nung makita ang nakataas na kilay nung nag titinda dito sa Dunkin donuts! Mukhang na wala ako sa sarili ng ilang segundo! Nakakahiya!

"2 caramel macchiato and 1 dozen of this one." May tinuro ako sa kung saan. Pinaupo nya muna ako dahil gagawin pa daw yung drinks na order ko. Hawak ang isang dosenang donut. Umupo ako malapit sa gawi na inupuan ni Eleazar. Kitang kita ko sya mula rito sa kinauupuan ko.

Nakaharap pa sakanya ang upuan ko kaya talaga naman!

Malaya ko syang tinitingnan ngayon!

Nag kunwari akong abala sa phone. Pupunta sana ako sa messenger para ichat si Aga pero may biglang pumasok sa isip kung idea nung makita ang camera. Napatikhim tikhim ako at sinandal ang likod ko sa upuan. Pasimple kung tinaas ang phone ko na para bang nag sasalamin ako.

Zinoom ko yung camera ko kay Eleazar at agad ko itong pinindot nung makita kung maayos na ang anggulo ni Eleazar sa camera ng phone ko. Agad na nanlaki ang mata ko nung biglang nag flash yung camera ko kaya naman napatingin sya sa akin!

Agad akong nakaramdam ng kaba! Nakita ko ang pag tingin ng halos lahat ng narito sa akin dahil sa pag flash ng camera ko! Nakakahiya!

Agad kung binack yung camera ko at agad na pinindot yung flash. Tatlong beses ko yung pinindot. Bago ko ni lagay sa tenga ko.

"H-Hello. Andito ako sa Dunkin Donuts. Nasaan kana?" Kagat labing pag tatanong ko kahit wala naman akong kausap! Kitang kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Eleazar. Oh my gosh! Bakit naman ganito! Bakit hindi ko man lang naisipang tingnan kung naka off ba yung flash or hindi!

Tapos na daw yung drinks na inorder ko kaya agad akong tumayo. Nag lakad ako na parang walang nangyari at kinuha yung drinks na inorder ko. Nag paalam ako sa kausap ko na para bang pupunta sya ngayon dito!

"Ate baliktad po yung phone mo." Nakangusong saad nung bata. Nakagat ko ang ibaba kung labi sa sinabi nung bata. Napatingin ako sa nakapila sa likod ko. Nag bulungan ang mga ito. Hiyang hiya akong nag lakad palabas ng Dunkin donuts. Bago ako makalabas ay may pumasok na babae. Nag lakad ito papunta sa gawi ni Eleazar. 

Kitang kita ko sa gilid ng mata ko kung paano tumayo si Eleazar papunta sa babaeng pumasok. Parang naiwan yung amoy nung babae nung mag lakad ito sa gilid ko. Grabe ang bango nya! Kahit hindi ko sya nakita ng maayos ay nakaka siguro ako na maganda yun!

Balak ko na sanang lumingon kung saan si Eleazar at yung babae naka pwesto pero hindi ko na nagawa nung biglang dumating si Aga. "Hoy, Monday! Kanina pa kita hinahanap andito kalang pala!" Parang bata na sigaw ni Aga. Mukhang abot yun hanggang loob kaya dali dali ko syang hinila palayo don.

Masyado na akong agaw atensyon sa Dunkin donuts na iyun!

Inabot ko na sakanya yung na bili ko. Nag dahilan nalang ako ng kung ano sakanya. Bakas ang pag hihinayang sa mukha ni Aga. Sabi ko sakanya ay may next time pa naman kaya tumigil na sya sa pag papadinig sa akin na yung sb daw naging ba'to pa.

Hindi ko na malasahan yung kinakain kung donuts. Naging okyupado ang utak ko sa nakita ko. Pumunta si Eleazar sa Dunkin donuts para makipag kita doon sa babaae na sobrang bango? Sino kaya sa kanila ang may paborito sa Dunkin donuts?

"Ayos kalang?" Takang tanong ni Aga. Tumango ako na parang wala sa sarili nung maisip ko na may girlfriend na pala si Eleazar. Kaya pala sya absent kanina. Oo, absent sya! Maaga ako pumasok para makita kung pumasok ba sya o hindi pero hindi ako nag tagumpay absent sya!

"Hoy baka sinusumpa mo na ako ha! Hayaan mo irereto kita sa friend ko. Si Abcd Eleazar." Mapang asar na saad ni Aga sa akin na agad na naka kuha ng atensyon ko. Kahit alam kung joke lang yun at hindi totoo hindi ko mapigilan ang sarili ko na maniwala na sana pwede nya akong mareto sa lalaking yun.

Kahit ako na mismo ang manliligaw para sakanya.

Nag announced ako sa gc kagabi na sa comlab kami gagawa ngayon ng assignment dahil may aircon. Pero dahil absent nga si Eleazar ay agad akong hindi sumama. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Mag isa akong nag lakad palabas ng gate. Matamlay ang mga hakbang ko dahil isang lingo ko nanaman syang hindi nakikita.

Sayang naman ang pag pasok ko ng umaga! Hindi pa naman ako morning person tapos hindi man lang sya nag pakita sa akin!

Bago lumabas ay nag scan muna ako. Baksak balikat akong nag lakad palabas ng gate. Matamlay kung binuksan yung payong ko. "Monday!" Napalingon ako sa likod ko nung madinig ko ang pag tawag sa palayaw ko. Agad na nag liwanag ang mukha ko nung makita si Fortunata. Kababata ko sya. Mas matanda ako ng isang taon sakanya kaya naman nasa kabila pa syang school.

Grade 10 palang si Fortunata. Sa Eleazar High School sya nag aaral. Halos mag katabi lang naman ang school namin at school nya pero dala na din ng sobrang busy ay hindi na kami ganoon nag kikita.

Nakangiti akong lumapit sakanya. "Bakit parang mag kasingtangkad na agad tayo Fortunata!" Maligayang saad ko nung makalapit ako sakanya. Humagikhik naman sya at agad akong hinampas. "Ano kaba! Natutulog lang ng tanghali! Ngayon nalang kita nakita ha! Mag isa ka yata?! Asan si Aga di mo kasabay?!"

"Hindi eh! Nasa P.E room pa yata yun nag lalaro."

"Ganon ba?! Sya nga pala Monday nag tatampo ako saiyo! Hindi kana sumasama sa amin! Sabi ni Aga lagi ka daw busy hindi ka naman ganon dati ha!"

"B-Busy lang talaga."

"Sus! Baka may boyfriend kana ha!"

"Hoy wala ha! Wala nga akong c-crush." Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakonsensya sa dulo. Tiningnan ako ni Fortunata na para bang may tinatago akong napaka laking sikreto. Aasarin nya pa sana ako pero hindi nya na nagawa nung may tumawag sakanya.

Nag paalam sya sa akin. Ganoon din ako. Nag lakad na ako pauwi. "Eleazar pumasok ka bukas ha!" Napahinto ako sa pag lalakad nung madinig yung sigaw nang mga lalaki. Nag kunwari akong tatawid para makita kung may Eleazar nga silang tinatawag. At kumpirmado andoon nga sya!

Pumasok sya pero hindi ko sya nakita!

"Si Monday pre oh!" Pang aasar nung mga kaklase nung naka talking stage ko sakanya. Nag kunwari akong walang na dinig at tumawid. Nakita ko si Eleazar na pumasok sa isang milk tea shop kaya pumasok din ako. "Okinawa po, dalawa." Magalang na order ni Eleazar.

Pumili ako sa likod nya alam kung naramdaman nya ang presensya ko kaya napatigil sya sa pag kuha ng barya nyang sukli pero segundo lang iyun. Nang makaalis na sya sa pila ay umupo sya sa isang lamesa na may dalawang upuan. Umorder din ako ng inorder nya. Hindi ko alam kung bakit dalawa din ang inorder ko!

Stupid, Monday!

What's wrong with you?!

Nag bayad ako at luminga linga kung saan ako pwedeng umupo. At napaka bait nga naman ng kapalaran ko! Ang available lang na may upuan ay yung lamesang inupuan ni Eleazar! Nadinig ko yung bulungan nung mga babaeng nakapila sa likod ko na doon daw sila uupo sa tabi ni Eleazar matapos umorder.

Kaya hindi na ako nag dalawang isip at lumapit kay Eleazar. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko na para bang ginawa ko itong stress ball sa sobrang higpit! Umakto ako na para bang hindi ako apektado sakanya pero mukhang halatang halata ako.

Halata ka, Monday!

"U-Uhm, can I seat beside you?" Kagat labing tanong ko kay Eleazar. Handa na akong mareject nung ilang segundo hindi sya nag angat ng tingin. Nung mapag tanto nyang sya ang kinakausap ko ay agad syang nag angat ng tingin at mabilis na tumango. Bago nya muling ibinalik ang tingin nya sa kanyang phone.

Nanunuyo ang aking lalamunan na umupo sa tabi nya. Nadinig ko ang pag hihinayang nung mga babaae sa likod ko kanina. Kahit halatang halata na ako masyado umakto padin ako na para bang hindi apektado sa presensya nya.

Kahit ang totoo ay gusto ko nalang mag pakain sa lupa ngayon!

"Okinawa po." Sabay kaming napatayong dalawa. Napatitig pa kami sa isa't isa kung sino ba ang mauuna sa aming dalawa. Balak ko na sanang mag salita pero agad ding nag salita yung nasa counter. "Okinawa din po, Ma'am." Parehas kaming awkward na kinuha yung milk tea na order namin.

"Hey, Cy! Andito kapala akala ko nasa kabilang milk tea shop ka bumili!" Sabay kaming napalingon ni Eleazar ganoon din ang mga taong narito sa biglang pag pasok nung babae dito sa milk tea shop. Pakiramdam ko ay tumulong laway ko dahil sa pag kakanganga ko sa gulat nung makita ng malapitan yung babae.

Mukhang sya yung babae na kameet ni Eleazar sa Dunkin donuts isang lingo na nakalipas. Nakangiting lumapit yung babae kay Eleazar at humalik sa pisnge nito. Mas matangkad sa akin yung babae. At napaka ganda! Matangkad lang ng kaunti si Eleazar sa babae. Sa tingin ko ay isang daliri lang ang agwat nila nitong babae.

Para syang miss universe dahil sa ganda nya!

Napaiwas nalang ako ng tingin. Matapos kung makita ang pag halik sa pisnge nung babae kay Eleazar. Buti nalang at nakita ko si Aga sa labas nakikipag harutan nanaman sa mga kaklase nyang lalaki. Kung hindi ko lang sya kilala nag mumukha silang mga play boy nung mga kasama nya.

Eh kilala ko sila ni Aga. Kaya iba ang iniisip ko ngayon.

"Aga!" Agad akong tumakbo palabas ng milk tea shop. "Hoy andito na pala yung milk tea ko! Kanina pa talaga kita hinahanap Monday!" Tuwang tuwa na saad ni Aga at mabilis na kinuha yung isang milk tea na hawak ko. Buti nalang talaga at kailangan kung makaalis sa loob ng shop na iyun kung hindi nako nalang talaga! Yari 'to sa akin!

Naka libre nanaman sya!

Nag lakad kami pauwi ni Aga kasama ang mga kaibigan nya na para bang walang nangyari. Binibiro biro pa nila ako dahil nga wala ako sa mood ay hindi ko sila pinatulan. Puro tango lang ang ginawa ko. Habang nag lalakad kami ay paulit ulit na nag p-play sa utak ko yung nakita ko kanina.

May girlfriend na talaga sya.

Confirmed.

Continue Reading

You'll Also Like

Confused By -

Short Story

4.9K 185 16
Being panromantic is having the ability to feel romantic attraction regardless of gender. While demisexuality is sexual attraction only to people who...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
90.3M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...