My Almost

By youhurtthemost

29 5 0

date started: 04/13/2024 date ended: More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

5 1 0
By youhurtthemost

Chapter 1: Nice to meet you

"Saan tayo after class?" napangiwi ako sa tanong na iyon ng kaibigan ko.

"Siraulo! Papasok palang tayo, pupuntahan na agad after class iniisip mo" nagtawanan kami pagkatapos sabihin iyon ng isa ko pang kaibigan.

Sinadya kong magpahuli sa kanila para pagmasdan silang masayang nag-uusap para sa gusto nilang mangyari pagkatapos ng klase.

Hindi pa sila nakakalayo ng sabay sabay silang lumingon sa likuran— sa akin.

I smiled when they all walk towards me. Umakbay sa akin si Blaze at Dane. Humalukipkip naman si Yohan habang nakatingin lang si Eli.

"Pagod ka na ba, Fauzia? Gusto mong buhatin ka na namin?" nang-aasar na sabi ni Blaze. Inirapan ko lang siya at naglakad na.

Blaze Jefferson Evangelista—the ultimate playboy of our class.

Dane Philip Gutierrez—the pasaway.

Carl Yohan Dela Cruz—the sweet boy of our class, and also the vice president.

Lucas Elijah Monterde—the type of mysterious, which is gustong gusto ng mga girls. He's our class president.

Napailing nalang ako. Bakit ko nga ba naging kaibigan 'tong mga 'to? I sighed.

Pagdating namin ng classroom ay naupo na ako sa assigned seating arrangement namin, kung saan katabi ko si Eli.

Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin para sa first subject.

"Okay class, good morning!"

"Good morning, ma'am!"

"Class secretary? Report to me how many are absents for this day" I stand up.

"Good morning ma'am, good morning classmates. There are total of 5 absentee. 2 from girls and 3 from boys" after saying that ay umupo na ako.

"Alright, thank you Montemayor. Make sure to pass their excuse letter after I discuss"

"Noted ma'am" I answered.

After an hour ay nag bell na, sign na tapos na ang oras ni ma'am kaya tumayo na ako para ibigay sa kanya ang mga excuse letters.

Paulit ulit na ganon ang set up hanggang sa mag bell na for recess.

"Ahhhhh grabe! Gutom na ako! Tara na, Fauzia! Lucas! Baka maubusan tayo ng pagkain sa canteen" sigaw ni Blaze paglabas ng teacher.

Lumapit silang tatlo sa pwesto namin.

"Uy, bilisan niyo naman. Gutom na gutom na akoo" sabi naman ni Dane.

"Mauna na kayo, pupuntahan ko pa si ma'am Ocampo para sa isusulat mamaya sa subject niya" sabi ko at tumayo na.

"Mamaya na 'yun pagkatapos kumain, makakapaghintay naman si ma'am" Yohan said

"Okay lang, mauna na kayo" pilit ko at tumayo na.

"Sige, hatid ka na namin sa faculty" sabi naman ni Eli. Sumimangot ako.

"Kaya ko naman pumunta doon" bulong ko at wala ng nagawa dahil hinila na nila ako palabas ng classroom.

Nang nasa tapat na kami ng faculty ay umalis na sila kaya kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning po, kay ma'am Ocampo ho"

"Ahh, ikaw si Montemayor? Dito, kunin mo nalang 'yung nasa ibabaw ng table ni ma'am" ani ma'am Reyes.

"Thank you po" sabi ko bago lumabas.

Bumalik ako ng classroom para ilagay 'yung gamit sa upuan ko at bumaba ulit para hanapin sila Blaze.

"Hi, Fauzia!" lapit sa akin ni Tricia.

"Uh, hi" sabi ko at lalakad na sana ulit pero humarang siya.

"Eto naman, usap pa tayo, aalis ka agad eh" nagbuntong hininga ako.

"Sorry Tricia, pupunta kasi ako sa canteen para bumili ng food" I said softly.

"Hmmm, ganon ba? Pupuntahan mo rin ba sila Lucas?" I knew it.

"Oo eh"

"Ayun naman pala! Tara na!" napangiwi ako ng hatakin niya ako.

"Oy! Oy! Oy!" nakita ko sila Blaze na palapit sa amin.

"What are you doing, Fuentes?" malamig na sabi ni Eli. Napabitaw naman agad si Tricia ng hawak sa akin.

Mabilis na lumapit si Yohan para i-check ang namumula kong pala pulsuhan dahil sa higpit ng hawak ni Tricia.

Umiling siya at tumingin kay Tricia.

"Dahan dahan naman sa paghawak kay Fauzia, Tricia" sabi niya, hawak pa rin ang pala pulsuhan ko.

"It's no big deal, Yohan. It's okay" I said calmly at ngumiti kay Tricia na any time ay parang iiyak na.

Pinalibutan na nila akong apat para i-check kung may sugat ba ako or what. Umirap ako.

I don't have female friends. Why? Dahil sa mga lalaking 'to. Karamihan sa mga babae na gustong makipagkaibigan sa akin ay dahil lang gusto nilang mapalapit sa apat na 'to. But it's fine for me if I don't have any female friends. Having male friends is enough for me. They're the best.

"I'm sorry, Fauzia. Na-excite lang ako kaya napahigpit ang hawak ko" sabi niya nang makalapit. Nginitian ko siya. Magsasalita pa sana ako pero hinila na ako ng apat palayo doon.

"Pinaka oa kayo ah" nakangiwi kong sabi after namin maupo.

"Hindi 'yun pagiging oa, Fau. Kita kaya namin reaction mo" sagot ni Yohan. I just smirk.

"Let's eat" ani Eli.

I smiled. Binilhan nila ako ng food.

"Aww, sweet niyo talaga. Thank you sa food" I said then we started eating.

Saktong pagkatapos namin kumain ay nagbell. Tapos na ang recess.

Sabay sabay kaming bumalik ng classroom. Halos kasunod lang namin si ma'am Ocampo na pumasok.

Ipinasulat niya na sa akin 'yung lecture sa whiteboard na kokopyahin din ng mga classmates ko.

Si Blaze ang taga bura kapag tapos na lahat para makapagsulat ako ng panibago. Natapos kong isulat ang lecture kaya inilapag ko na 'yung marker. I wiggled my right hand dahil medyo masakit sa sobrang dami kong isinulat.

Nilagay ko na sa desk ni ma'am 'yung folder at nagpunta na sa upuan ko.

I massage my right hand to ease the pain. I look at Eli na busy pa sa pagsusulat. Halos lahat naman sila ay hindi pa tapos magsulat.

I sighed and look at my hand. Ngumuso ako, nagsisisi na talaga ako bakit naging secretary ako. Sumandal ako sa backrest ng upuan ko at hinayaan ko ang kamay ko sa desk tsaka ako tumingala.

Ilang sandali ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko. Nagtaas ako ng kilay nang makitang si Eli 'yun. He massage it slowly. I smiled.

"May future ka diyan" asar ko sa kanya pero tinignan niya lang ako. Inirapan ko siya, suplado talaga.

Nang magbell na ay tumayo na si ma'am at nagpaalam na. Tumigil naman si Eli sa paghilot sa kamay ko.

"Here, you can borrow my notebook for your notes" I smiled so sweetly at him at kinuha ko 'yung notebook.

"Thankk youuu" tuwang tuwa kong sabi at inilagay na iyon sa bag ko.

Pumasok na rin agad ang next teacher namin, last subject na.

Nagdiscuss lang siya saglit tapos maaga na niyang pinaglinis ang cleaners para maaga rin kaming makauwi.

Tumayo na si Eli para i-assist ang mga maglilinis. 'Yung ibang officers ay nagbantay sa pinto para walang tumakas na katulad ni Blaze. Natawa nalang ako ng makita ang pikon na itsura nito. Uwing uwi na eh.

Pinalabas naman na ni Eli 'yung mga hindi cleaners at pinapila ni Yohan sa corridor. Lumabas na rin ako, hindi naman ako cleaners.

"Hoyy, oh si Fauzia tumatakas!" sigaw ni Blaze.

"Hindi naman ako cleaners! Bleh!" I said the stucked my tongue out then pumila na.

While waiting for them sa pila, napatingin ako kay Eli. Hala, birthday niya pala bukas! Shocks, anong ireregalo ko sa kanya??? Ano kaya magandang iregalo? Sapatos? Ang mahal nun! Wala akong pera huhu. Ahh, alam ko na! Necklace nalang or bracelet. Pwede na siguro 'yun?

"Hoy! Titig na titig ka naman kay Lucas, Fau!" nagulat ako kay Dane na hindi ko napansin kailan lumapit sa'kin.

"Ang ingay mo! May iniisip lang ako" inis kong sabi kasi lumingon mga tao sa amin dahil doon.

"Suusss! Crush mo na si Lucas??" asar niya pa.

"Hindi 'no! Baliw ka na! Umalis ka nga dito, baka masakal kita" inirapan ko siya at hindi na pinansin.

"Oyyy, ano 'yang naririnig kong crush crush dyan?" ani Blaze habang palabas sila ng classroom. Ngumiwi nalang ako at tinalikuran na sila.

"Bahala kayo dyan, uuwi na ako" I said and started walking. I heard them laugh and run towards me.

"Ito naman hindi mabiro" sabi ni Blaze at umakbay sa akin.

"Hatid ka na namin" hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang sila.

Saglit na lakad lang ang ginawa namin tas nasa bahay na kami agad. Hinarap ko sila at ngumiti.

"Thanks guys, ingat kayo" i wave at them. Nag good afternoon sila kila lola bago umalis.

Nang wala na sila ay pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko, nagbihis ako agad para pumunta ng mall. Kinuha ko 'yung alkansya ko at binuksan 'yun, nag iipon talaga ako para may pang gift ako tuwing darating ang birthday nila hehe.

Napangiwi ako kasi nasugatan pa ako dahil sa pagbukas ng alkansya. Kumain muna ako ng tanghalian bago umalis.

Focus ang tingin ko sa bilihan ng jewelry ng may mabangga ako.

"Hala! Sorryy" natatarantang sabi ko at nag angat ng tingin.

Napaawang ang bibig ko, shet, ang pogi.

"It's fine it's fine, I'm sorry, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko" then our eyes met.

A-Ano 'tong nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng kabog nito.

"Miss? Are you okay?" that made me snap. Nag init ang pisngi ko at nagmamadali siyang tinalikuran.

Ang pogi niya grabe! Ang tangkad! Ang puti! Makapal ang kilay tapos mahaba ang pilik mata niya. Ang tangos din ng ilong ah? Tapos 'yung lips niya parang lips ng mga barbie, perfectly made tas ang pink pa. Ang pogi rin ng boses niya omg talaga!

"Anong hanap niyo miss?" dahil doon ay nabalik ako sa earth hehe.

"A-Ah! Necklace po sana para sa guy friend ko?" nahihiya kong sabi. Ngumiti naman siya at iginiya ako sa mga necklace.

Then one necklace caught my attention. Manipis lang 'yung lace niya and sobrang ganda ng pendant na E ang nakalagay. Gotcha!

"Eto po, magkano po?"

"300 nalang" malawak akong ngumiti. Sakto! 500 'tong naipon ko edi may 200 pa.

"Uhmm, may bracelet po ba kayo na worth 200 pesos?" nag aalangan kong tanong.

"Meron ma'am, pili lang po kayo dito"

"Dito nga po" tinuro ko 'yung simple lang na bracelet, color black siya.

150 lang iyon kaya bumili na ako ng gift wrapped para maibalot ko na agad.

Kinabukasan, after class ay nagpunta kami sa bahay nila Eli para sa birthday celebration niya.

Sina Blaze, Dane, at Yohan ang nagsundo sa akin kasi may inaasikaso si Eli, okay lang naman.

Nakangiti ako habang hawak ang regalong binili ko kahapon.

"Ang yaman pala talaga nila Lucas" natatawang sabi ni Blaze.

"Lahat naman kayo mayaman eh" bulong ko.

Ang bongga ng birthday celebration niya. Ang daming bisita at naka catering pa, tapos buffet ata tawag sa ikaw mismo kukuha ng food mo.

Nahiya ako bigla sa suot ko na simpleng dress lang. Ngumuso ako at nagbaba ng tingin.

"Halika Fau, nandoon si Lucas oh!" sabi ni Dane. Hindi nila ako binitawan, parang kapag binitawan nila ako ay mawawala ako.

Nang tignan ko si Eli ay may nag abot sa kanya ng paper bag na ang tatak ay Chanel. Meron pang isa na LV ang tatak. Ngumiwi ako, nahiya ako bigla sa 450 pesos na regalo ko kumpara sa thousands ang halagang regalo nila. Mabilis kong nilagay sa likuran ko ang bitbit kong regalo nang makita kong palapit sa siya. Hinanda ko ang pinaka peke kong ngiti.

"Happy birthday bro!" bati nila at nagyakapan pa.

Tahimik lang ako habang hinihintay na matapos sila.

"Oh, nandito na si Lucas, Fau! Kanina pa excited 'yan na makita ka" sabi ni Blaze at tumawa sila.

Humigpit ang hawak ko sa regalong tinatago ko.

"U-Uh, happy birthday, Eli!" pilit kong pinasigla ang boses ko.

Mariin ang titig niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Hiyang hiya ako.

"Hey couz, happy birthday!" nabaling ang tingin niya sa pamilyar na boses. Nag angat ako ng tingin at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Oh? You're the girl from yesterday!" he exclaimed excitedly. Tumingin naman sa akin sila Blaze. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"What do you mean couz? Baka you're just mistaken her from someone" Eli said, still looking at me.

"No no, I'm hundred percent sure it was her. Right, Miss? From the mall yesterday?" I slap myself in my mind.

"Is that true, Fauzia?" Eli ask.

"A-Ah kasi"

"So you're Fauzia. Nice to meet you. And you're friends with my cousin, right?" sumimangot ako at nagtaas ng tingin sa lalaki.

"O-Oo" I said, almost whispering.

"Right! So you must be at the mall to buy him a present! That's why you rush at the jewelry sh-" mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay. Napangiwi ako dahil ang tangkad niya pala talaga shocks!

Nagulat ako ng may umagaw ng regalong hawak ko–it's Eli.

"Sorry my bad, I shouldn't have said that, I guess?" he chuckled and look at me. Inirapan ko siya at hinarap ko si Eli.

"Akin na 'yan, Elijah" mariin kong sabi. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin.

"Why? Isn't this your gift for me?" he said so amuse.

"Hindi na. I don't think you'll like that" nakangiwi kong sabi.

"Thank you sa present, I'll open it" pinigilan ko siyang buksan.

"A-Ano, buksan mo nalang sa kwarto mo" nag-iwas ako ng tingin. He chuckled and tap my head. Kunot noo ko siyang tinignan. He just smiled.

"You guys should eat. Kumuha nalang kayo then you sit at that table" Eli said at tinuro niya yung isang lamesa dahil doon daw ang pwesto namin.

"Upo ka na doon Fau. Kami na ang kukuha ng pagkain" tumango ako sa sinabi ni Yohan.

Sinamahan ako ni Eli sa tinuro niyang table. Nang makaupo ay tinignan ko siya, he's still looking at me.

"Ano?" irita kong sabi. He chuckled and ruffled my hair. Tinampal ko ang kamay niya at sinuklay ang buhok gamit ang daliri.

"Damn cute" bulong niya na narinig ko naman, pero kunwari wala akong narinig.

"Couz, ipakilala mo naman ako sa kaibigan mo" nagtaas ako ng kilay.

I look at Eli, he's clenching his jaws.

"Fau, this is Ashton Drake, my cousin" pati pangalan ang pogi. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Naglahad ng kamay si Ashton na tinanggap ko naman.

"Nice to meet you, Ashton" I saw how his eyes twinkle after kong banggitin ang name niya.

"Nice to meet you, Fauzia" then he kiss the back of my hand.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 226 7
Emily is your classic good girl. Shes 18 years old. Her life seems all planned out but what happens when she is taken and forced into diapers? Will s...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...