BS03: Hidden Son Of Mr. Santf...

Por riedel_angelica

570K 13.6K 533

Vandeon Brix Santford Ver. 0.2. Mais

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 11.1
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Almika Sheen Monteverdi
Future
Sleep
Falling
Society Clan
Billionaire Series
Billionaire Series 05
Special Chapter
My POV

What happened?

1.1K 11 0
Por riedel_angelica

Almika's POV

"Nakita ka raw nina Lily kahapon kasama si Vandeon, Almika?" bungad ni Entice sa akin. Binaba ko ang aking bag at umupo sa kanyang tabi.

"Anong meron?" kunot noo kong tanong tsaka hinarap ang blackboard namin na may sulat. Assignment iyon at bukas ipapasa. Wala raw kasi si Sir ngayon, may meeting daw na pupuntahan. Kakapasok ko pa nga lang eh, nawala kaagad siya. Medyo na-late pa nga ako dahil kina Mommy at Daddy na bukambibig lagi ang negosyo, wala na silang ibang inatupag kundi ang trabaho nila.

Pagkagising ko ay bangayan nila ang umingay sa loob ng bahay. Ewan ko kung ano na naman 'yung pinag-aawayan nila, lagi naman silang ganyan. Ni walang pakialam sa kung anuman ang mararamdaman ko sa tuwing naririnig sila. Lagi rin nilang sinasabi na ako ang mamana ng lahat, ng ari-arian namin. Makukuha ko lamang iyon kapag nagkaasawa ako. Matagal pa naman iyon kaya susulutin ko muna ang college life ko ngayon.

Nilabas ko ang aking notebook. "Kalat na kalat na 'yon sa buong campus! Usap-usapan kayong dalawa ni Vandeon! Gosh!" tili niya sa aking harapan.

Matagal na kaming usap-usapan sa buong campus. Ngayon lang yata na-inform si Entice sa chismis. Hindi ko na lamang pinansin ang mga iyon dahil wala naman akong mapapala sa kanila at isa pa hindi ko sila kilala.

Magkaibigan lamang kami ni Vandeon at hanggang duon lang iyon. Hindi naman siya nanliligaw sa akin, sinasamahan niya lang ako sa mga lakad ko at hanggang iyon lang. Walang malisya. Ang ooa lang talaga ng mga taong 'to.

"Baka kayo na ah?"

"Ano naman ngayon?" Taas kilay kong tanong. Nanlaki ang kanyang dalawang mata at akma na sanang sisigaw nang may biglang kumalabog sa harapan.

Sabay kaming napalingon roon. Nakita namin si Miss Reyes na nakatayo sa harapan habang may mga matatalim na tingin, lalo na sa akin. Galit na naman siya sa akin?

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makaka-move on sa ginawa ni Vandeon sa kanya? Matagal na iyon ah. 3 weeks na yata. Sinubukan niya kasing kunin ang loob ni Vandeon kaya lang ay tumanggi si Vandeon dahil hindi niya gusto ang Reyes na ito. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin, same age naman silang dalawa ni Vandeon pero mas nauna siyang nakapagtapos. Huminto kasi ng dalawang taon si Vandeon dahil sa parents niya, iyon lang ang alam ko.

"Ano 'tong chismis na narinig ko, Monteverdi? Gustong-gusto mo talaga ng atensyon ano?" Lumapit siya sa akin habang masama ang tingin.

Lumayo si Entice sa akin. Binigyan niya ng daan si Miss Reyes papunta sa akin. Hindi ako umimik o gumalaw man lang habang papalapit siya. Wala naman akong atraso sa kanya at ano naman ngayon kung bulong-bulungan kami ng mga tao? Desisyon naman nila 'yon at hindi sa amin.

"Sumagot ka!"

Nagpakawala ako ng hininga. "Ito po ba Ma'am ang paraan niyo ng pagtuturo ng mga estudyante? Bagong lesson po ba natin itong makialam sa buhay ng ibang tao?"

"W-What did you say?!"

Narinig ko ang hagikhikan ng mga kaklase ko sa likuran. Nang makita ang reaksyon ni Miss Reyes ay tumigil din sila.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumayo. Pinantayan ko ang height niyang hindi naman nakakalayo sa akin. "Baka nakakalimutan mong...hindi ka mahal ng mahal mo, Miss Reyes?"

Nanlaki ang kanyang dalawang mata at napaatras ng ilang dangkal sa akin. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao na handa nang manuntok. Gigil na gigil na talaga siya sa akin. Kung wala sigurong mga nanonood ngayon baka kanina niya pa ako sinugod.

"Ganyan ka ba tinuruan ng nanay mo? Walang respeto sa guro?"

"Ganyan ka rin ba tinuruan ng nanay mo, Miss Reyes? Nangingialam sa buhay ng ibang tao?"

Kahit na guro ka ngayon, Reyes, wala akong pakialam. You started this, tatapusin ko naman. Akala niya siguro ay magpapatalo ako. Baka nakakalimutan niyang Monteverdi ako? Kaya ko siyang patalsikin sa pagiging guro niya. Unang-una ay wala siyang kwentang guro, nangingialam sa buhay ng ibang tao. Nagkakagusto sa estudyante. Hindi ba siya nahihiya? Kahit na magkasing-edad sila ni Vandeon, malaking kahihiyan parin iyong pagkagusto niya sa isang estudyante. Wala yata 'to sa seminar eh.

Umirap ako nang makitang padabog itong umalis ng room namin kasabay nito ang pagsilapitan ng mga kaklase ko sa akin. Manghang-mangha raw sila sa ginawa ko. Ayaw na ayaw din daw kasi nila sa guro na iyon dahil masyadong perfectionist. Totoo naman, akala mo naman kung sinong perfect eh. Ayusin niya na lang muna ang pag-iisip niya tsaka na lumandi. Nakakahiya ka, Ma'am.

"Ang galing mo naman, Almika! First time ni Miss Reyes 'yon!"

"Bigla-bigla ba namang pumasok. Hindi niya pa naman schedule ah, anong pumasok sa kokote nun?"

"Ang laki naman ng issue niya. Ano naman ngayon kung pagchichismisan sina Vandeon at Almika? Bagay naman silang dalawa ah! Kaysa sa matanda na iyon!"

"Absent yata sa seminar iyon!"

Nagsitawanan ang mga kaklase ko habang ako naman napagpasyahang umalis muna ng classroom dahil nagugutom na ako. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko. Nakalimutan kong hindi pa pala ako nakapag-breakfast sa pagmamadali pero late naman.

Dalawang kanin at isang ulam ang binili ko sa canteen. Umupo ako malayo sa mga tao upang iwasang marinig ang kanilang chismis patungkol sa aming dalawa ni Vandeon. Hanggang ngayon ay hindi parin talaga humuhupa ang chismis. Baka bukas ay ganon parin. Kapag usapang chismis ay talagang susulitin talaga 'yan ng mga chismosa/chismoso.

Nang makalahati ako, napatigil ako nang makita ang matangkad na katawan ni Vandeon sa aking harapan. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na papunta pa lang sa table ko.

Wait...

"What do you want?" tanong ko.

"I want to eat too," he sat in front of me. Nang makarating ang mga kaibigan ay umupo na rin sila, malayo nga lang sa akin. Problema ng mga 'to? May nakakahawa ba akong sakit?

"Hello, Almika! Kamusta naman ang klase niyo kay Miss Reyes?"

Nabigla ako sa unang tanong ni Kace. Kamusta nga ba? For me, maayos naman. Ang dali lang ng lesson niya. Kahit hindi niya schedule pumasok siya.

Naramdaman ko ang pag ugong ng lamesa at pagdaing kaagad ni Kace. Is he okay? Mukhang masakit kasi iyon dahil sa reaksyon niya.

"Ayos ka lang ba?"

"He's okay, Almika. Nga pala, anong number order 'to?" Tinuro niya ang pagkain ko. Hindi ako makapukos dahil sa reaksyon ni Kace na namimilit sa sakit.

"Gusto mo? Ako na ang bibili," klaseng sagot 'yan, Almika. Tinanong 'yung number ng order iba naman sinagot mo. Gaga ko talaga.

"No need. Ako na ang mag-oorder."

Umalis siya sa kanyang pwesto at pumunta sa mga nagtitinda ng pagkain. Paano niya nalaman ang number order ko? Hindi ko pa nga sinabi sa kanya.

"Ang sakit naman tangina!"

"Huwag mo kasing pakialam, Kace."

Napalingon ako sa kasama nilang lalaki. Walang kangiti-ngit ang kanyang mukha. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanyang cellphone. Bago 'to ah? Sino kaya siya.

"Damn! Ang seryoso naman ng gagong 'yon!" angil ni Kace at umiwas ng tingin sa akin nang makitang papalapit na si Vandeon.

Napalunok ako. "Any plans for tomorrow?" he asked.

"Ah, wala naman, ikaw ba?"

"Wala rin naman. Wanna hang out?"

"Saan naman?"

Napansin ko ang matalim na tingin ni Kace kay Vandeon. "Wala raw. Paano naman 'yung kompanya niya?

May binulong si Kace pero hindi ko narinig kung ano iyon.

"May alam akong lugar. Ako na ang bahala, payag ka?"

"Why not?"

Tumango siya at nakita ko ang pagsilay ng kanyang munting ngiti sa labi dahilan ng paglihim ko ring pagngiti, hindi niya makita.

Magkaibigan lang ba talaga itong galawan na 'to? Para sa akin ay kaibigan lang talaga. Kay Vandeon, ganun din kaya?

"I heard what happened between you and Reyes. Are you okay?" seryoso niyang tanong.

"Ah, okay lang naman. Wala namang nangyaring masama,"

"Huwag mong hintaying may mangyari, Almika."

***

Don't forget to support the author. Thank you!

Continuar a ler

Também vai Gostar

46.7K 1.4K 31
Cilla Cagan is the ideal girlfriend every man wants pero pihikan siya kaya sa edad na 27 ay NBSB pa rin siya. Wala siyang interes na magka jowa o ma...
67.1K 2.1K 31
Montehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own ris...
3M 69.8K 44
Jaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can prete...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...